Guys very thankful talaga po ako sa inyo.. nakakatuwa po yung mga comments po ninyo.. maraming maraming salamat po...
Hope to see your comments sooner... :))
Always here,
Dylan Kyle Santos
Stars – Callalily Song Lyrics
******************************************************
[AJ’s POV]
“Duwag ka. Alam mo ba yun? Hanga na sana ako sayo
pero wala kang tapang para harapin ang lahat. Akala ko matapang ka, pero duwag
ka.” Sabi sa akin ni Chad matapos niya akong suntukin.
Hindi ako nakapagsalita. Tama naman siya eh duwag
ako pero di ba dapat matuwa siya dahil ginawa ko ito para sa kanya?
“Pero ginawa ko lang ang tama.” Pangangatwiran ko.
“Tama? Iyon ba ang tama? Mahal mo si Jaysen at
mahal ka rin niya. Tapos pakakawalan mo lang? tanga mo ang tanga-tanga mo.”
Sabi niya sa akin.
“Oo ako na ang tanga. Ako na ang dakilang tanga.
Pero ginawa ko lang ito para sayo. Kasi ayaw kong masaktan ka.” Sabi ko.
“Gago ka ba? Di ba sinabi ko na okay lang sa akin
yun? Hindi ka ba nag iisip? Hindi ka ba nakakintindi?”
“Pero alam kong hindi…” sabi ko.
“Ano ka ba? Gusto ko lang siya pero hindi ko siya
mahal. Nagalit ako sayo noon kasi akala ko niloko mo ako. Nagalit ako dahil
nagtampo ako na hindi mo man lang akong sinasabihin. Ano ka ba mag best friend
tayo? We should give each other. Kung hindi ko lang ikaw best friend baka
nabugbog na kita.” Sabi niya.
“Pero…”
“Wala ng pero pero. Okay lang ako at magiging
Masaya ako kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan.” Sabi nito.
“Pero paano mo to nalaman?”
“Pumunta sa akin si Jaysen na umiiyak. Alam mo ba yun? Humihingi siya sa akin ng tulong. Sinabi niya lahat.” Sabi niya sa akin.
“ang sama ko pala talaga. Kamusta na siya? okay pa
ba siya?” tanong ko.
“Di ko alam. Pero ang alam ko pupunta siya mamaya
sa tambayan, kaya kailangan mag usap kayong dalawa.”
“Ah ganun ba. Pero nasaktan ko siya.” Sabi nito.
“Edi ligawan mo. Humingi ka ng tawad sa kanya.”
Napaisip ako bigla. Gagawin ko ba?
“Alam mo AJ. Pairalin mo ngayon ang puso mo. Alam
kong mahal mo siya at mahal ka niya. Hindi ka naman niya sasaktan eh.” Niyakap
ko si Chad ng mahigpit.
“Salamat ha. Salamat at naiintindihan mo ako.
Salamat at nariyan ka para maliwanagan ako.”
“Ano ka ba. Mag best friend tayo. Sinu-sino pa ba
ang magtutulungan?”
“Salamat best friend.”
“Walang anuman. Kaya get ready na at aalis na tayo
mamaya. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakpunta dun sa tambayan.”
“Okay okay.”
“Be ready AJ ah. Alam mo na.” sabi niya sa ain.
“Yup I know.”
Pinahid ko ang luha ko at niyakap si Chad. Ang
swerte ko talaga sa kanya kahit kalian.
He is the best person I’ve ever met,
siyempre si Rizza naman eh set aside natin kasi she is the most amazing person
na nakilala ko.
“Nga pala, kahapon nakita ko yung ex best friend mo
si Aldred.” Sabi ko sa kanya.
Nakita ko na nag iba yung mood ng mukha niya.
“Kakatuwa lang na pareho kayong AJ na nickname.
Pero both of you are different person. So how is he?” tanong niya.
“I think he was very ruined. Para bang wala na sa
sarili niya. Hindi na siya yung dating tao na tinutukoy mo sa akin. He was
engraved with his lust. Para bang open na open sa kanya ang sex. I think nga
ilang tao na ang nakasex niya eh.” Sabi ko na walang alinlangan.
“Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkakaganun
niya eh. Pero wala na akong pakialam kasi siya ang sumira sa akin. He played me
at pinagtaksilan pa niya ako. Pati nga tayo pilit niyang pinag aaway. I know naman
na gagawa yan ng paraan masira lang ang friendship natin.” Sabi ni Chad sa
akin.
I was thinking of having friendship dun kay Aldred.
Sa tingin ko naman eh mabait yun at may rason kung bakit nagkaganun yun.
Isa sa goal ko ay ang mapagbati ko si Chad at si
Aldred. Sayang kasi yung friendship nilang dalawa.
Nakapanghinayang lang kung mawawala lang sa isang
iglap. Ang alam ko lang kasi ay si Aldred ang nagging third party sa affair
nila.
Well mas masakit pa yung naranasan ni Chad kaysa sa
akin. Kasi sa akin just usual friend lang, pero yung kay Chad mismong best
friend pa niya yung third party.
Pero dapat din tignan yung side nung lalaki mismo n
asana nagging faithful ito at hindi nagpadala sa flirt ng isang tao.
Malaki laki na rin ang pagbabago na nakita ko kay
Chad mula ng magkakilala kami.
Medyo tahimik siya kasi nun eh. Siya yung tipo ng
tao na hindi basta-basta nakikipag kaibigan.
Para ngang sinasala niya lahat ng magiging kaibigan
niya. He should try to learn to trust everyone.
O kaya naman dapat matuto siyang magpatawad. I
think he will learn it someday. At sana ako din, magawa ko na sanag
makapagpatawad para makawala ako sa nakaraan.
Mag aalas dos ng hapon ng umuwi si Chad. Magkikita
na lang kami sa tambayan ng around 5:30.
Overnight daw yun kaya nagpaalam na ako kila mama
at papa. Mama knows slight story of my part. Sabi ko saka ko na lang
ipapaliwanag sa kaya pag nagkaayos na kami ni Jaysen.
Todo ayos ako sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit
pero hindi ko mapigilan.
It was two month ago siguro ng last kong makita ang
grupo. Siguro marami-rami na rin ang mga recruit at mga bago.
Tumawag pa sa akin si Chad bago ako nakaalis ng
bahay.
“Dito pa ako sa bahay ikaw ba?” sabi niya sa akin.
“Paalis pa lang…”
“Ah ganun ba, sige sabay na lang tayo, pwede ba?”
“Ah okay sige sige.”
“Okay, intayin na lang kita dun sa may kanto.”
“Okay. Alis na ako ng bahay.”
“Ako din.” At nag end na yung call.
“Ma, alis na po ako.” Pamamaalam ko.
“Okay anak. God Bless say o ha.”
“Salamat ma. Pasabi na rin pala kay papa na aalis
na po ako.”
“Okay sige.Ingat ka anak ha…”
“Okay po.”
Mga 5 minutes akong naglakad at nakita kong
naghihintay si Chad.
“So tara na?” yaya niya sa akin.
“Okay.” Sagot ko.
“Ready ka na ba?” tanong niya sa akin.
“I think so….” Sagot ko.
“You should be ready. Prepare yourself para dun.”
“Yeah. Iniisip ko na ang gagawin ko. Pray for me.”
“Oo naman.”
“Salamat. Sige tara na.” at umalis na kami.
Mga 20 minutes ang byahe. 2 sakay ng jeep at isang
tricycle. Pagdating naming doon, nagulat kami kasi medyo maraming mga tao na
naroroon.
Marami ang bago ang mukha sa akin at sa tingin ko nga 15 na lang kami
doon na luma. Not really luma pero mga datihan para sa good term naman.
“Oy AJ, buti naman at nakita na ulit kita.” Sabi sa
akin ni John.
“Busy sa studies eh. Sobrang dami ng schedule at
kailangan matapos.” Sagot ko.
“Well at least you were here na. Welcome back.”
“Good thing to be here nga eh. Daming bago ah.”
“Yeah recently lang sila. A month ago lang sila nag
join.”
“Yung iba
dito eh nakakachat ko na rin. Kaya pala nila ako naadd sa fb kasi gawa ng sa
group natin. Now I know.”
“HAhahah. Yeah siguro nga.”
Nakakapanibago lang kasi halos lahat sila
nakatingin sa akin.
Grabe ha, para kaming artista ni Chad.
Agad hinanap ng mata ko si Jaysen. Gusto ko na
siyang makausap. I try to contact him pero hindi siya sumasagot.
Sana nga lang pumunta siya ngayon. Sana makita ko
siya.
“Chad di ko pa rin makita si Jaysen.” Nag aalala
sabi ko.
“Darating din yun. Wag kang mag-alala.”
“Hope so.”
“Sige dun muna ako ha tulungan na kitang mag hanap.
Dito ka tapos doon naman ako.”
“Okay salamat Chad.”
“Your very welcome.”
Nagsimula na akong mag hanap. Marami ang ngumingiti
sa akin at marami pa rin ang tumiringin.
Yeah super conscious ako kapag tinitignan ako ng
tao. Feeling ko tuloy may mali sa sarili ko. Marami ang nakikipagkilala peron
hindi ko masyadong ine-entertain.
Ilang minuto na ang dumaan at hindi ko pa rin
nakikita si Jaysen. Hanggang sa may lumaoit sa aking isang lalaki. Matangkad
siya at sakto lang ang katawan. Mukhang nag gygym din siya kasi labas ang
muscles sa dibdib nito.
“Hi.” Bati nito.
“Hello.” Sabay ngit ang ginawa kong pagsagot.
“Paul here.”
“Ahm. AJ pre.”
“You look so different from your facebook. Mas
gwapo ka pala sa personal.” Sabi nito.
“Aysus. Bolero. Pero I’ll take that as a compliment.”
Sabi ko.
“You look awesome whenever you smile.”
“Thank you.”
Ay naku, ganito talaga dito, mga bolero opera
makuha ang atensiyon mo.
“Lang taon ka na?” tanong ko.
“Ahm 17 kaw ba?”
“17 din”
“Studying?”
“Yeah.”
“ANong course?”
“Mechanical Engineering.”
“Ah. Parehas lang pala tayo.”
“Ahaha ang galing what a coincidence.” Sabi ko.
“Yeah. I think destiny.”
Sus destiny agad. Nahalata ko na may gusto to sa
akin kasi kakaiba yung tingin niya sa akin eh. Marami-rami kaming napag-usapan
hanggang sa magtanong siya about personal life ko.
“May boyfriend ka?” tanong niya.
“Nope.”
“Ah. Nice available ka pala eh.”
“Not really. Taken na puso ko.”
“Ang swerte naman nung guy nay un.”
“Not sure. Hahahah”
“Bakit naman?”
“Basta personal matters.”
“Ah ganun
ba. Uhm may experience ka na ba?” tanong niya.
“Saan?”
“You know naman. Alam mo na yun. Virgin?”
“Ah. Gets ko na. pasensiya medyo solow. Nope. Hindi
na.”
“Oh. Interesting pa rin.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Basta I think. You are amazing lang eh.”
“Di naman.”
“I think I like you.” sabi niya.
Wow ha ang bilis. Nagulat na lang ako at nanlaki
ang mata ko.
“Wow. Really? Ang bilis ah.”
“Crush kasi
kita matagal na.”
“Dati ka na ba dito.”
“Yeah matagal na ako dito kaso medyo nag lielo.”
“Ah ganun ba. Okay.” Ilang sandal lang ay biglang
dumating si Chad.
“What are you doing here?” tanong ni Chad sa kausap
ko.
“Wala lang naman. Bakit bawal ba?”
“Oo bawal lalo na sayo manloloko.”
“Ano bang kailngan mo?” tanong ni Paul.
“Yung best friend ko kailangan ko.” Hinila niya ako
papalayo doon.
“Sino ba yun at parang ang lalim ng galit mo?”
tanong ko.
“Siya yung ex ko na nanloko sa akin.” Nashock ako
sa nalaman ko. Wow ha. Ang flirt nung ex niya. Porket gwapo lang siya ganun na
siya. Marami na siguro siyang nabiktima.
“Sorry di ko alam. Okay ka lang ba?”
“Yup.” First time ko lang makita yung lalaki nay
un.
“Wag na natin pag usapan.” Sabi niya.
“Okay. So nakita mo na ba si Jaysen?”
“Hindi pa nga eh.”
Maya maya nahagilap ng mata ko si Jaysen.
Nakita ko siyang pumunta sa table nila Mark.
Tinawag kaming dalawa nila at yun, simula na ang
inuman.
Magkatabi kami ni Chad noon at paminsan minsan
napapadako ang mata ko kay Jaysen.
Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad
niya itong binabawi.
Nahuhuli ko ring tumitingin sa akin yung bagong
kilala ko lang.
kumikindat-kindat nga sa akin eh. Nginingitian ko
na lang.
“Kausapin mo na kaya yan si Jaysen.” Bulong sa akin
ni Chad.
“Naghahanap pa ako ng tiyempo eh.”
“Okay. Basta bilisan mo ha.” Hindi ko alam kung ano
ang tamang tiyempo?
Hanggang sa mag simula na ang ikot ng bote. Nag
inuman kami.
Si Jaysen ang lakas uminom.
Hindi naman siya ganun dati. Marahil sa akin kaya
siya nagkakaganyan.
“Pre, hinay hinay lang. halos tunggain mo na buong
bote ah. Mag share ka naman jan.” sabi sa kanya.
“Naku par, depressed ako ngayon. Paano ba naman
binasted ako. Itong gwapo kong ito binasted. Ginawa kong lahat, pero basted pa
rin. Buhay nga naman.”
Medyo may tama na siya. Nakita kong nakatingin siya
sa akin habang sinasabi ito.
“Pare, di ko akalain na babastedin ka niyon. Grabe
ha, sa gwapo mong yan, lahat naglalaway sayo.”
“Hoy, wag mong ganyanin yan. Minamanyak mo yan eh.”
Sigaw ng isa naming kasama.
“Manyak ka jan, nag cocomfort lang ako.”
“Alam mo pre, ready ako, single naman ako at ready
to mingle.”
“Easy lang pre, marami pa jang iba.”
Hanggang sa mag inuman ulit kami. Iniiwasn ko ang
mapadami ang inom, pero si Jaysen, tuluyan ng nalasing.
“Alam ninyo ba, mahal ko tong taong yun. Pero hindi
niya ako mahal. Ang sakit…. Ang sakit sakit… gago tong pu…puso ko eh. Bastusan
eh… kakabwisit… bakit siya pa… bakit minahal ko pa siya….”
Nakita kong umiiyak na siya. Ngayon lang nila
nakitang umiyak ng ganun si Jaysen.
“Pare, sino ba yan? Mukhang malakas ang tama mo sa
kanya ah?”
“Oo. Mahal ko siya mahal na mahal ko siye eh… di ba?”
tumingin siya sa akin.
Lahat ng mata nila napunta sa akin.
Tumayo si Jaysen, inalalayan nila ito pagtayo dahil
pagewang gewang.
“Pare… hayaan ninyo ako…. Ka..kaya ko to… magaling
ako… kayak o ito…” pagpupumilit niya.
Lumayo siya sa amin at pumunta sa loob ng tambayan.
Naalarma ako baka ano ang gawin noon.
“Sundan mo na siya.” Sabi sa akin ni Chad.
Nagdalwang isip pa ako, pero di nagtagal, namalayan
ko na lang na binabagtas na ng paa ko yung daan.
“Ayusin ninyo na lovers quarrel ninyo ha… hoping na
kayo na after ng gabing ito.” sigaw sa akin ng katropa naming.
Hinanap ko siya sa loob ng tambayan. Sa salas, sa
kwarto at kusina.
Hanggang sa mapadpad ako sa cr. nakarinig ako ng
kaluskos at ilingan sa dakong ytun.
“Mukhang masarap ka ah… I wonder kung bakit hindi
nagging kayo ni AJ.” Narinig ko si Aldred.
“Masarap ka jan. teka iihi muna ako saka kita
babalikan…” sabi ni Jaysen.
“Mamaya na…” sabi ni Aldred.
“Teka lang. usap tayo mamaya iihi na muna ako…”
sabi ni Jaysen.
Nakinig lang ako sa usapan nila. Maya-maya nagulat
na lang ako sa narinig ko.
“Single ka naman diba?”
“Oo. Bakit type mo ako…”
“Pwede din…”
“Teka, wag jan.” di ko na kaya ang naririnig ko.
Napakalandi talaga nitong si Aldred. Nagulat ako sa
nasaksihan ko. Parang gumuho ang puso ko sa nakita ko.
Magkadikit ang mga labi nilang dalawa. Nakapasok
ang kamay ni Aldred sa damit ni Jaysen.
Tumulo ang luha ko sa nakita ko. Napansin agad ni
Jaysen ang presensiya ko.
Agad niyang itinulak si Aldred at ngumiti naman sa
akin si Aldred na parang nangaasar talaga.
“Well. I think you have … a great time here.” Sabi
ko habang garalgal pa rin ang boses ko.
“Teka. Mali itong nakita mo….”
“Jaysen. Sorry sa ginawa ko ah. Sorry nasaktan
kita. I came here to say sorry and to win you back. Pero mukhang di na kailangan.”
Sabi ko habang napapaluha na ako.
“Teka lang… sorry.. mali to.. mali.. argggh..
please listen to me. Please…..” sabi nito.
“Bye na… need to go..” agad akong tumakbo papaalis
at iniwanan silang dalawa.
Agad akong umalis sa luar na iyon.
Sinundan ako ni Chad at agad kaming sumakay sa
tricycle.
Ang tanga mo kasi AJ. Pinakawalan mo pa siya,
nakuha pa tuloy siya ng iba.
Tama ba gagawin ko? Pag iisipan ko na muna ang
lahat.
Pero sa ngayon, mag momoving forward na ba ako?
(Itutuloy)
HAYZ HISTORY REPEATS ITSELF..
ReplyDeletegaling mo kuya dylanXD