Tuesday, August 14, 2012

Bullets for my Valentines- Part 9

Author's Note:

Hello guys... hahahah

hope you like my story....

salamat po sa mga nagcomments po ah.. Love you guys...


pa-follow po sa blog ko:

Dylan Kyle's Diary



antay ko po mga comments po ninyo.... happy to see some of my readers chatting with me... :))

"Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka."


Always here,

Dylan Kyle Santos

****************************************************
[AJ’s POV]

“Pwede bang akin ka kahit ngayong araw lang?” alam kong nagulantang siya sa tanong ko.


Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. 

Bigla niya akong sinunggaban ng halik. 

Kakaiba ang halik na iginawad niya. 

Naging mapusok ang mga kilos niya at ako na mismo ang nagkusang huminto.


“Ang sabi ko kung pwede ka bang maging akin ngayong araw, hindi ko naman sinabing ako ang magiging iyo.” Sabi ko.


“Ikaw kasi pinanggigigil mo ako. Nanibago ako sayo.”


“Sagutin mo na lang kaya ang sagot ko.”


“Nasagot ko na kaya.”


“Linawin mo kasi.”


“Oo. Kahit na hindi ko alam kung bakit. Mamaya niyan mahal mo na ako.” Sabi niya.


Oo mahal na kita gusto ko na ngang aminin sayo eh. Ang sabi ko sa sarili ko.


 “Asa ka pa.”


“Aysus. Halata na kaya. Umamin ka na.” 


edi ikaw ang umamin jan.

Naghihintay lang ako matagal na. kaso nga lang hindi na pwede, sayang.

Niyaya ko na siyang bumaba at pinakain ko siya.


“Oi himala ata at mabait ka sa akin.” Sabi niya.


“Sulitin mo na yan ngayon kasi mamimiss mo to. Back to normal na ako next time around.” Sabi ko.


“Okay sabi mo eh. Yaan mo, susulitin ko yung pagiging sayo ko.” Sabi niya.


“Dapat lang.” sabi ko.


“Subuan mo nga ako.” Sabi niya.


“Ano ka may yaya?”


“Oh bat biglang hindi ka na sweet?” sabi niya.


“Daig mo pa ang bata.”


“Yaan mo na. dali na. please!” sabi niya.


“May magagawa pa ba ako? Opo na.” ayun nga, tuwang tuwa siya habang sinusubuan ko siya.


Naabutan kami ni mama na ganun yung ayos.


“Teka may hindi ba ako alam dito?” tanong ni mama sa amin.


“Wala naman.” Sabi ko.


“Talaga lang ha. Daig pa ninyo kami ng papa mo sa kasweetan ninyo. Grabe kayo.”


“ma naman eh.”


“Tita pagbigyan na ninyo kami. Ngayon lang daw to.” Sabi nito.


Sabay yakap niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nakita kong nagulat si mama sa ginawa niya.


“Meron talaga akong hindi alam.” Sabi ni mama.


“Pasaway ka.” Sabi ko kay Jaysen. Ngumiti lang siya sa akin.


“Tapusin mo na nga pagkain mo.” Sabi ko sa kanya.


“Ang sweet mo. Sana din a matapos ito.” narinig kong sabi niya.


“Wag kang masanay jan.” sabi ko.


“Bahala na.” sabi niya.


“Bahala ka jan.”


“Alis ba tayo?” tanong niya.


“Ikot-ikot lang siguro tayo dito sa subdivision natin or mag stay na lang tayo sa bahay. Bahal na.” sabi ko.


“Okay boss.” Sabi niya.


Natatawa lang ako pag nakain siya. Nagpapacute pa talaga. 

Kung alam mo lang ang gagawin kong paglayo, magawa mo pa kayang magpacute, o gagawa ka ng paraan para pigilan ako.

Hindi naman ako ipokrito kung hindi ko aaminin na gusto ko siyang maging boy friend. 

Hello, parang total package na siya. That was the same thing I felt before with James. 

I thought he was the one, pero hindi, maling mali.he was also a total package sa akin noon.

Akala ko siya na. siya na ayaman, siya na gwapo, siya na ang lahat. 

Pero hindi pala, ang siya rin ang nagsabing, siya rin ang taong mananakit sa akin at manloloko. 

How pitiful I am?

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at ganun di naman siya sa akin. Parang nanghihiram lang ako ng mga panahong yun. 

Habang nanonood ako ng TV, nakasandal ako sa balikat niya at hawak ang kamay niya.

Nakaakbay naman siya sa akin at nanonood din ng TV. 

Mamaya na siguro kami mag gagala sa labas. 

Naamoy ko ang pabango niya na talaga namang nakakaakit amuyin.


“Sana lagi na lang tayong ganito. Ang sarap kasi sa feeling.” Sabi niya.


Hindi ako nagsalita. 

Ayokong sumagot dahil masasaktan lang ako kapag umasa lang ako. 

Tumingin na lang ako sa kanya at humalik sa kanyang mga pisngi. 

Hindi siya nakuntento at hinalikan niya ako sa labi.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot sa ginawa niya. 

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. 

Naalala ko lang kasi ang mapait na kahapon. 

Sobrang sariwa pa ang nakaraan. 

Nakaraan na kay sakit.

Gusto ko lang sumaya.

Hindi pa rin siguro ako handa na pumasok sa panibagong relasyon. 

Bka masaktan ko lang si Jaysen kung sakali. 

Pero bakit ba ako nag iisip ng ganito, bakit ganun na ba talaga kami? Haixt.

Feeling ko ngayon ay unofficially yours ang drama naming dalawa, paano ba naman walang commitment. 

Pero I’m happy, it’s too nice to be happy.

Bandang hapon ng magpasya kaming maglakad-lakad sa may subdivision namin.

Nagdala ako ng bola ng basket ball kasi plano namin ang mag laro.

Hinamon niya ako eh, hinamon din niya ako.

Makulit pa rin siya habang naglalakad kami.

Niyayabangan pa nga niya ako kapag naglalaro kami.

Paano ba naman kasi ahead siya ng height sa akin.

Ang tangkad kaya niya. May laban ba ako. 

Nakakapang ngiti duin ang ginagawa niya, kapag nag di-drible ako, bigla bigla na lang yan kikiss sa akin kaya naagaw niya yung bola sa akin.

Ilang beses din niyang ginawa yun sa akin kaya ang ginawa ko, ginaya ko siya. 

Pero di ata effective kasi mas ginaganahan pa siya. Kaya kinikiliti ko na lang siya.

Well it turn out na talo ako sa kadayaan niya. 

Hingal na hingal kami pagkatapos ng laro namin, habang nagpapahinga kami, doon ko lang napansin ang isang pamilyar na lalaki.

Isang lalaki na matagal na naming nakaalitan ni Chad. Isang kontrabida sa buhay namin. Nakakaasar naman kasi talaga eh. Sa lahat ba naman ng mga taong makakasama naming sa grupo ay siya pa.

Napaka flirt niya sa lahat ng guys. Lahat na ata sa kagrupo naming ay flinirt niya. Unang pasok ko pa lang sa grupo, ako ang una niyang pinagdiskitahan.

Muntikan na nga na may mangyari sa amin eh. Ang wild niya kasi eh. Habang malakas ang tama mo, yun yung gagawin niyang way para makuha ka.

Best friend siya ni Chad. Actually ex best friend. Yeah siya ang umagaw sa boyfriend ni Chad noon. I don’t think na siya pa at nung ex ni Chad kasi recently may nababalitaan ako na nakakaflirtan nito.

Nanonood pala siya sa amin ng hindi ko nalalaman. I’m sure may bago na naman itong gagawin sa akin. Masama kasi ang hangin kapag nariyan siya.


“So… Kayo na pala nitong gwapong marino na to.” Sabi niya na may pagkasarcastics.


“Umalis ka na dito.” Sabi ko.


“Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin ha? Na-impluwensyahan ka na ba nung kalog kong best friend?”


“Correction. EX BEST FRIEND” paglilinaw ko.


“Well I don’t care. His loss naman eh. At ikaw, sayang ka. I’m sure I will have a great time with you in the bed. I think I missed the chance nun together with you. Kung hindi lang dumating yung pakialamero na talunan nay un.” Sabi niya.


“Wala kang karapatan na sabihin yan sa kanya.”


“At wala rin siyang karapatan na pigilan niya ako. Oh ano ngayon kung kani-kanino ako nakikikama?” sabi niya.


“Well yan ang ginusto mo. Concern lang siya sayo pero hindi ka nakinig. Daig mo pa GRO.” Sabi ko.


“Well. Oh ano ngayon. At isa pa, I think naman na mag eenoy ka sa akin nung time na yung kung natuloy tayo noon.”


“Stop this nonsense talk. Go away.” Sabi ko.


“Bakit? Ayaw mo ba akong ipakilala sa boylet mo?”


“Go away.” Sabi ko.


“Madamot ka na pala ha. Well konting panahon lang akong nawala ay may mga pagbabago na palang nangyari.”


“Wala kang pakialam.” Bigla akong hinawakan ni Jaysen at pilit pinapahinahon.


“Ang sweet ha.” Bigla siyang lumapit kay Jaysen at tinitigan mula ulo hanggang paa.


“Well let see kung magtatagal kayo. Toodles.” Sabay talikod.


Nung medyo malayo na siya sumigaw siya sa akin.

Nakakainis naman kasi eh. Sa lahat ng taong makakasalubong ko sa araw na ito, siya pa. sinira niya ang araw ko. 

Nag init ang tumbong ko sa kanya. Hinawakan lang ako ni Jaysen sa balikat at niyapos bigla.


“Chill ka lang.” sabi sa akin ni Jaysen.


“hay naku. Nakakapang-init siya ng ulo.”


“Pssshh. Behave na. okay na ha. Tigil na.” sabi nito.


“Okay fine.”


“Tara uwi na tayo.”


“Promise mo sa akin lalayo ka sa kanya.”


 “Opo.”


“Promise?”


“Promise.” Ayun naglakad na kami pauwi. After ng dinner, saka umuwi si Jaysen.

Natapos na rin ang isang araw na masasayang sandali ko kasama si Jaysen. Pinagalitan pa nga ako ni mama pag uwi. 

Paano ba naman, baka daw atakihin ako ng asthma ko.

Sabi ko naman, Im fine and I think nga na wala na akong asthma eh. Pati excersise naman yun.

Matapos kong ligpitan ang pinag kainan namin, lumabas ako sa may terrace namin at nagpahangin. Nag isip isip kung ano na ba ang plano ko sa buhay.

Now na tapos na ang maliligayang araw ko sa kanya, need to move on na. Hindi alam ni Chad ang ginagawa ko. Well no need naman eh kasi  ended my craziness on my own world.

Habang nakatingin ako sa malayo, hindi ko namalayang si mama pala ay nasa may likuran ko na. Napabuntong hininga ako saka siya nag salita.


“Anak. Mukhang malalim iniisip mo ah?” tanong ni mama.


“Medyo lang po.” Sabi ko.


“Anak tapatin mo nga ako, Anong meron sa inyo ngayon ni Jaysen?” nag isip muna ako ng isasagot ko.


Pinag iisipan ko ba kung tama ba yung gagawin ko. Tama kaya na sabihin ko kay mama ang lahat. Matatanggap ba niya na tama ang ginawa ko.


“Anak kilala kita. May problema ka alam ko yan. Ina mo ako at alam ko lahat ng nararamdaman mo. Dama ko kaya kaya mag salita ka na.gusto ko yung pawing katotohanan lang. ayaw na ayaw kong makarinig ng kasinungalingan mula sayo.” Mahabang sabi ni mama.


“Ma, kailangan kong lumayo kay Jaysen. Kailangan kong magparaya. Kailangan kong maging tapat at totoong kaibigan.” Sabi ko.


“What? Pero bakit ganoon na lang ang ginawa mo kanina? Daig ninyo pa totoong magkarelasyon ah?” gulat na sabi ni mama.


“Gusto ko kasing ipadama sa kanya na kami ngayong araw kahit sa maikling panahon.”


“Pero bakit?”


“Para to kay Chad ma. May gusto din kasi si Chad sa kanya. Ang panget naman po na pareho kaming may gusto sa iisang lalaki. At isa pa, kahit naman na sinasabi niyang okay lang sa kanya, alam kong hindi eh.” Sabi ko. Napaisip biga si mama.


“Pero sasaktan mo lang si Jaysen. Nagging makasarili ka sa part niya.” Sabi ni mama.


“Makasarili ma? Diba nag paraya lang ako? Kasi bilang isang kaibigan nagpaparaya ako?” sabi ko.


“Ang pagpaparaya ay hindi katulad ng pagiging makasarili. Oo nagparaya ka, pero nagging masarili ka sa ginawa mo kanina. Sa tingin mo ba ikaw lang ang masasaktan sa giagawa mo? Hindi mo ba inisip na pinaasa mo yung tao? Hindi mo naisip na mahal nung tao at masasaktan mo siya dahil iisipin niya naginamit mo lang siya?”


“Ginamit? Pero hindi. Hindi ko siya ginamit.”


“Anak making ka. Minsan sa pag ibig, hindi pag iisip ang ginagamit. Pati puso.”


“Pero eto po ang sinasabi ng puso ko.” Sabi ko.


“Anak, the heart is not always right. Kaya nga may utak tayo para maisip natin ang gagawin natin.” 

Sa sinabi ni mama, bigla akong natahmik at napaisip. Tama si mama. Ay punto siya. Lalo tuloy akong naguluhan sa gagawin ko.

Biglang napatulo ang luha ko.


“Anak. Kung iniisip mo na tama to, sige ituloy mo. Pero kapag hindi, itigil mo. Sundin mo tibok ng puso mo at sigaw ng damdamin mo.” Sabi ito ni mama.

Umalis na siya at pumasok sa bahay. 

Para sa akin tama lang ang gagawin ko. Itutuloy ko ito kahit na sabihan niya akong manggagamit.

Para to kay Chad. At isa pa, may mga bagay-bagay pa akong dapat gawin at pag tuunan ng pansin. 

Natulog ako na buo na ang desisyon ko sa gagawin ko.

Bukas na bukas gagawin ko na ang plano ko. Planong pagpapakamatay ng puso ko.


“Jaysen may sasabihin ako sayo.” Sabi ko sa kanya habang nakaupo siya sa may salas.


“Ako din may sasabihin din ako.” Sabi nito.


“Sige mauna ka na.” sabi ko.


“Okay. AJ, noong una pa lang kitang nakita, interesado na ako sayo. I am amaze the way you are. You make me feel very unusual. Oo AJ araw-araw iniisip kita. Lahat gusto kong gawin pansinin mo lang ako. I think nababaliw ako kung yan ang iniisip mo. Well, nababaliw ako sayo. Nababaliw ako sa pagkatao mo. Nababaliw ako sa pagmamahal ko sayo. AJ mahal kita. Mahal na mahal. Kaya ngayon ko lang sinabi ito kasi gusto kitang kilalanin. Then yung kahapon, that is the signal I’ve been waiting for. The way you treat me so special is the most thing I like.”


Natulala ako sa sinabi niya.


Nagtatapat siya sa akin. Sana hindi na lang. sana hindi na lang niya inamin.


“AJ you are special to me. All this time all I want is to win you and to be my boyfriend. Handaakong ligawan ka. Handa akong pagsilbihan ka mahalin mo lang din ako. Alam kong mahal mo ako. Nararamadaman ko iyon. Kaya eto nagtatapat na ako sayo. Can you be my love? Can you be my boyfriend?” sunod-sunod niyang tanong.


Natameme agad ako. How I wish I could answer yes to him? How I wish I can say that I loved him too much.


Pero may pumipigil sa akin na wag, paano na lang si Chad. Mag isip dapat ako kung ano ang makakabuti.


Naghihintay sa harapan ko si Jaysen ng kasagutan. Kasaguta na alam kong abis niyang ikakasira.


Masasaktan lang siya sa sagot ko. Dapat inunahan ko na lang siyangmagsalita. How I wish sinabi ko na sa kanya.


“Ui AJ, tinatanggap mo ba ako? Naspeechless ka pa jan eh…”


“Hindi.” Naputol ang pagsasalita niya.


“Ano?” tanong niya.


“Hindi ako pumapayag. Dahil, dahil hindi pwede. Umalis ka na dito. Ayoko ng makikipagkita ka pa sa akin. Hindi ako karapat dapat sayo. Hindi dapat ako ang sinasabihan mo ng ganyan. Kay Chad ka na lang please.” Tumutulo na ang luha ko habang sinasabi ko ito.


“Ano? Bakit? Pero di ba? Ano yung kahapon?” nauutal niyang sinabi.


“Hindi ako ang tao para sayo. May iba pa naman jan. Kay Chad ka na lang.” sabi ko.


“Pero hindi siya ang gusto ko.”


“Pero gusto ka niya.”


 “Pero ikaw ang mahal ko.”


“Pero hindi pwede.”


“Bakit? Magsalita ka bakit hindi pwede… dahil ba kay Chad?”


“Oo dahil sa kanya at isa pa hindi kita mahal.” Sabi ko.


Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mukha.


“Hindi totoo yan. Nararamdaman kong mahal mo ako… alam kong mahal mo ako. Sabihin mo na mahal mo ako please… sabihin mo..” sabi nito. Lumuhod siya sa harapan ko at umiiyak.


“Umalis ka na sa harapan ko.” Pinagtabuyan ko siya.


Lumuluha pa rin siya habang papalayo ng bahay. Kasama niyang umalis ang puso ko na nakakabit sa kanya.


Wala na, wala na akong magagawa. Pinaalis ko na siya sa buhay ko. May magagawa pa ba ako?


Habang nakikita ko siyang palayo, hindi ko mapigilang humagulgol. Ilang beses ko siyang nakitang lumingon pabalik sa akin.


Gusto ko siyang mahalin, pero hindi pwede. Hinding-hindi pwede.


Ilang oras matapos ang encounter naming dalawa, tumawag isa naming katropa.


“Pre, labas tayo ngayon. May party sa may tambayan natin. Punta ka ha.” Sabi nito.


“Try ko lang pare ha. Di ko sure kung makakapunta ako ha.”


“Okay sige sige. Bye.” Pagkababa ko ng phine narinig kong tumunog ang door bell.


Nakita ko si Chad na nasa labas.


I am greatful at narito siya para icomfort ako.


Yayakapin ko sana siya pero isang suntok ang dumapo sa aking pisngi.



( Itutuloy )

No comments:

Post a Comment