Yeah.. alam ko naiinis na kayo kasi bitin ako mag post... hahah.. para ma excite naman kayo.. hahah
Bitin king ako... hahahahah
Salamat po sa mga overwhelming na mga messages ninyo.... continue comments lang
di pa ako makapag update on the day kasi busy pa.....
lapit na finals kasi...
tri-sem kami kaya ayon bawi-bawi lang.
Sa mga readers ko, let's have some discussions either in my blog or fb.. thank you.. :))
sa mga readers ko lalo na sa mga commentators na sina:
from kuya Rovi's blog...
1. Ian
2. Ako si Christian
3. Anonymous
from BOL
1. Jaycee Mejika
2. Rinx
3. Kiero 143
4. Diumar
5. Dereck
6. Anonymous
7. Andy
as of august 25 yan... hahahha
salamat sa comments ninyo guys... :))
unang magcomment sa blog ko idededicte ko next postings ko... hahahaha
"Nung gabing un.. halos tumulo luha ko dahil sa aking nadarama.. nang iyong sinabi na : “ayoko na..” masakit man ispin pero kelangan tanggapin.. hindi naman hbang buhay kang AKIN."
Always here,
Dylan Kyle Santos
Paniwalaan Mo – Daniel Padilla Song Lyrics
****************************************************
[AJ’s POV]
“Hello.” Sabi sa kabilang linya.
Magsasalita na sana ako ng agawin ni Jaysen ang
phone ko.
“Hello din. Oy ingatan mo pre yung best friend ng
bhie ko ha. Asahan ko yan ha.”
Parang timang talaga tong si Jaysen. Sinususot niya
talaga si Chad.
Pagnalaman yan nako lagot ito.
Pero parang pamilyar ang boses
ng nasa kabilang linya.
Parang narinig ko na siya dati. Saan kaya at kanino
kaya?
Mga tanong na bumabagabag sa akin. Binaba ni Jaysen ang phone.
“Adik mo talaga.” Sabi ko.
“Adik sayo.”
“Ang corny.”
“Pero gusto mo naman.”
“Oo na.”
“Alam mo kapag ikaw sad, andito lang ako sa tabi
mo.”
“Alam ko.”
“Kapag may kaaway ka, aawayin ko di sila at wala
akong pakialam kung gaano pa sila kadami.”
“Wow ha mag papakabrave ka ng para sa akin.”
“Oo naman. Kasi you are special to me at ayaw kong
masaktan ka, kasi mahal kita eh.”
“Yan ang gusto ko sayo eh lalo mo akong pinapain-love.”
“Ayokong mag fade love mo sa akin.”
“Ako din naman eh.”
Bigla na lang sumingit sa eksena naming si mama.
“Hoy kayong dalawa mamaya na kayo mag kornihan
diyan. Kain na muna kayo ng meryenda.”
“Ma naman eh. Bigla bigla na lang.”
“Ganun talaga anak.”
“Ma, pwede bang si bhie ko na lang meryendahin ko?”
panlokong tanong ni Jaysen.
“Hoy kayo ha. Saka na yan. Kapag may trabaho na
kayo. Paparami agad kayo.”
“Joke lang yun ma.” Sabi nito.
Tinawag din ni mama si ate at si bunso. Yung iba
kong kapatid kasi nas school pa.
“Kain tayo ate Arianna.” Sabi ni Jaysen.
“Naku buti ka pa inaalok ako. Etong boyfriend mo
hindi man lang ako inaalok.” Tukoy sa akin ni ate.
“Naku ate, matakaw ka kasi.”
“Aba nasabat ka na.”
“Sus. Masama?”
“Talk to my hand.”
“Talk to my nails.” Ganyan kami ni ate mag barahan.
“Bhie oh. Ah.” Sinubuan ko siya ng bilo-bilo o
ginataan.
“Ahm.” Sabay kiss sa akin.
“Ma oh ang sweet nila oh. Dito pa sila
naglalandian.” Sabi ni ate.
“Waaah. Inggit ka ate. Gurang ka na kasi kaya hindi
ka na dinadalaw ng boylet mo.”
“Grabe ka. Wala ka talagang galang sa akin.”
“Meron naman.”
“Saan?”
“Sa pagtawag ko ng ate sayo.”
“Bastusan. Che.” Tapos tawanan.
Naalala ko lang bigla si Khail. Kamusta na kaya
siya.
Ni hindi ako nakapag paalam sa kanya.
Siguro nagtanim yun ng galit sa
akin.
Gusto ko siyang ampunin dahil parang mag ama na turingan naming dalawa.
Nakakalungkot lang kung sakaling may umampon na sa
kanya. Kung gayon man, sana lang ay maayos na ang kalagayan nito. Sana ay okay
naman sila doon.
Gusto kong bumisita doon one day para naman
makamusta ko siya. Siguro malaki na ang pinagbago noon. Pero hope ko lang na sana
ay nasa maganda siyang pangangalaga.
“Bhie, mukhang may malalim kang iniisip ah?” tanong
sa akin ni Jaysen.
“Naalala ko lang anak ko.” Sabi ko.
“May… may anak ka na?” gulat na tanong niya.
“Not typically anak, anak-anakan ko yun. Makapag
react to wagas.”
“Akala ko may anak ka na eh. Este anak na tayo eh.”
“Haahha. Anak talaga natin ha. Ikaw talaga.”
“Kelan ba tayo gagawa ng baby natin ha?” yumakap
siya sa akin at hinimas ang tiyan ko.
“Oi. Bakit tiyan ko hinawakan mo?”
“Siyempre, ikaw ang carrier ng anak ko. Kaya dapat
di kita pinapagod. Ano gusto ng bhie ko?”
“Aysus. Adik mo. Mga balak mo sa akin ha. Nakow.
Mamaya mabaligtad ang mundo, ikaw ang maging carrier eh.”
“Eh kung kaya mo lang ba eh. Kung makakaubra ka sa
akin.” Kinindatan niya ako.
“Sira ka talaga.”
“Matagal na. matagal na akong sirang-sira sa
pagmamahal sayo.”
“Corny mo bhie. Kain ka na nga jan.”
Corny no? bhie tawagan namin. Siya umisip noon ha
at hindi ako. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niyan at ayan yung sinabi
niya.
Okay na rin naman keas naman kung anu-ano pa mga
naisip niya. Honey bunch, tart, hay naku daming alam nito. Parang babae at
lalaki lang kami pag ganun.
Hahahaha. Kamusta na kaya si Chad doon. I know
naman gustong-gusto niya yung guy nay un. Hoping na makilala ko yun soon.
[James’ POV]
“Ano sabi sao ng best friend ko?” tanong sa akin ni
Chad.
“Yung boyfriend niya nakausap ko eh.”
“Ah. Ganun ba. Oh ano daw sabi?”
“Ingatan daw kita.”
“Adik talaga nung mga yun.”
“Hahaha. Ayos lang. teka legal ba silang dalawa?”
“Sinong dalawa?”
“Yung best friend mo at boyfriend niya?”
“Ah. Oo legal sila sa side ng best friend ko. Kaso
yung sa jowa niya hindi eh. Marino tatay niyon kaya hirap silang aminin.”
“Ah buti di nagalit tatay ng best friend mo?”
“No, he was proud sa anak niya. Di ko alam buong
istorya but gawa siguro yun nung sa ex ng best friend ko. Ayon. Dahil sa kanya
naging okay ang lahat. Okay naman sa family niya ang lahat. Tanggap nila kung
ano ang katauhan ng best friend ko.”
“Good to hear.”
“Ikaw ba?” tanong ko sa kanya.
“Alam nila kung ano ako pero hindi nila tanggap.”
“Sorry to hear that.”
“What about you?”
“I think naman okay na sa kanila. Dahil din ito sa
ex ko.”
“Ah ganun ba. Alam mo dami ninyong common ng best
friend ko.”
“Ah ganun ba. Hahaha. Baka destiny. Hope na
makilala ko na best friend mo.”
“Baka mamaya siya ex mo ha. Joke lang. yaan mo mag
seset ako ng date para magkakilala kayo.”
“Hahaha. Analayo at imposible naman na maging ex ko
best friend mo.”
“Hahaha. Just assuming. Hahahah.”
“Kain na nga lang tayo.”
Marami pa kaming napag kwentuhan. Masaya kausap si
Chad. I learned many things from him.
I like him, as friend at hanggang dun na muna.
Siyempre wala munang makakapalit sa one and only love ko.
Inabot kami ng alas-siete ng gabi.
Yah, ganyan kami
katagal nag usap.
Nanood din kami ng movie.
Ako naman ang nag treat sa kanya.
Naglaro din kami sa quantum.
Doon kami laging
naglalaro ng mahal ko eh.
Bawat pinupuntahan naming ni Chad, it only reminds me
of him.
Kamusta na kaya siya?
Gusto ko na siyang makasama.
I know nandito lang siya kasi nakita ko siya, pero di pa rin ako sigurado.
Gusto kong makapanigurado na siya nga yung nakita
ko bago ako mag conclude. Nagpasya na kaming umuwi.
“So paano ba yan, bye bye na.” sabi ko.
“I had a great time. I enjoy it.”
“Yup ako din.”
“Sige una na ako.”
“okay ingat ka ha.”
“Okay bye bye.”
I have my car. Ayaw niyang mag pahatid sa akin.
Kaya ayon namasahe na lang siya.
Dumeretso na ako pauwi.
Namili muna ako ng
pasalubong sa baby ko.
Siguradong kanina pa yun nag mamaktol kakahintay sa
akin.
Favorite niya yung binili ko, brownies ng brownies unlimited.
Yun ang
lagi nilang kinakain ni Arwin pag nag gagala kami.
Para nga kaming one great and happy family noon.
Sana pwede lang balikan ang kahapon.
Pag uwi ko agad sumalubong sa akin ang
baby ko.
“Daddy!!!” sigaw sa akin ni Khail.
“Baby ko…” salubong ko naman.
“Bakit ngayon ka lang? kanina pa ko naghihintay
sayo.”
“Pasensiya na baby ha, medyo dami lang ginawa
kanina.” Palusot ko.
“Naku nanlalaki yang daddy mo.” Sabat ni mama.
“Ma naman.”
“I hate you. Si daddy Arwin lang daddy ko… bad ka
pinagpalit mo na siya.”
“Naku anak ang daddy mo lang ang nag iisa sa puso
ko at walang makakapalit doon.”
“Promise?”
“oo naman.”
“Okay. Sige po. Pasalubong ko?”
“Kiss ko muna?”
“Mwuah.” Inilabas ko yung brownies at tuwang tuwa
siya sad ala ko.
“Alam kong favorite mo yan kaya iyan binili ko.”
“Salamat daddy.”
Masaya na ako kapag nakikita ko siyang masayan.
Sobrang happy ako kasi siya ang nag papaalala sa akin na nanjan lang si Arwin
sa tabi ko.
Mga 9 pm na ng makatulog si Khail. Nag usap naman
kami ni mama sa may terrace namin.
“Kamusta ang lakad mo?” tanong sa akin ni mama.
“It’s fine. Nag enjoy naman ako. I had a great
time.”
“Mahal mo pa rin ba siya?”
“ma naman. Tinatanog pa ba yan. Oo naman. Mahal na
mahal ko siya.”
“Siguro matutuwa ka sa ibabalita ko.”
“ano yun ma?”
“Andito lang din sa kinaroroonan natin si Arwin.
Nag patanong na ako at dito nga sila malapit lang din dito lumipat sila Arwin.
Di ko lang alam kung saan pero alam ko dito nga.”
Sobra akong nabuhayan ng loob ng mabalitaan ko at
marinig ko it okay mama. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Thank you mama. Pinasaya mo ako. Sigurado na akong nandito siya. Nakita ko siya noong isang araw.” Sabi ko.
“Para sayo anak. At isa pa, gusto ko din humingi ng
tawad sa kanya.”
“Pinatawad ka nun ma. Ikaw pa.”
“Basta.”
Hindi ako makatulog sa kakaisip na ilang milya lang
pala ang layo niya sa akin.
Baka nga ilang metro lang eh.
Malapit na kitang
makita. Gustong-gusto na kitang makita.
Pag nakita kita yayakapin agad kita ng sobrang
higpit.
Gagawin ko ang lahat to get you back ang win your heart again.
Pinapangako ko hindi na kita papaiyakin.
Hindi na kita sasaktan.
Niyakap ko ng
mahigpit si Khail.
“Khail anak, mahahnap ko na ang daddy mo.
Magkakasama na tayong tatlo.” Sabi ko sa kanya habang tulog siya.
Natulog din ako matapos ang ilang sandali.
Namalayan ko na lang na nakapikit na ang mata ko at nakatulog na ako.
[Chad’s POV]
That was the most unforgettable day ever.
Grabe ang
gwapo niya.
Nakakatulala ang kagwapuhan niya.
Ang swerte ko kapag naging akin siya.
Sana akin na
lang siya.
Promise ko aalagaan ko puso niya.
Nakakainlove mga ginawa niya sa
akin.
Nanjan yung nag offer siya na ihatid ako, nanjan
din yung pahiran niya yung dumi sa mukha ko at ilibre pa niya ako sa movie.
Habang
papauwi ako nakatulala ako sa kawalan.
Napapangiti ako pag naaalala ko iyon.
Sobrang saya
ko talaga ngayon.
Wala ng makakapantay pa dito. Siguro meron pala, if ever
namaging kami.
Pagdating ko ng bahay, agad kong tinawagan si AJ.
“Oh napatawag ka.” Dinig kong sabi niya sa kabilang
linya.
“Kinikilig ako.” Sabi ko.
“Ang landi ah. I think you like him.”
“Yeah a lot. Grabe ang gwapo niya sobra,.
Nakakanganga ang kagwapuhan niya.”
“Aysus. Mamaya mas gwapo pa ako jan ha.”
“Siguro pangalawa ka lang.”
“Grabe ka ha. Best friend ba kita?” “
"Oo naman. Pero talagang ang gwapo niya eh. Naka
mesmerize.”
“oh mukhang gwapo nga. Base sa kinikilos mo eh daig
mo pa ang kinder kung kiligin”
“Sira. Pero he captures my heart.” Parang baliw na
ako nag papaumikot-ikot sa kama.
“Sira ka, capture agad eh kakikilala ninyo lang.PBB
teens?!”
“Aysus. Ganyun talaga. Gusto nga kayong makita eh.”
“Soon makikilala ko din yan.”
“naku pag nakita mo ito baka hiwalayan mo yang
asungot mong boyfriend.”
“Adik mo talaga ikaw. Naku.”
“Oy narinig ko yon.” Sabat ng isa.
“Hoy bakit nanjan ka pa?” tanong ko kay Jaysen.
“Gagawa kami ng bhie ko ng isang happy family.
Bakit ba?”
“Hoy best friend ikaw ay mag ingat jan ha.”
“Adik ninyo. Kayng dalawa talaga pagbubuhulin ko.
Mga pinagsasabi ninyo eh.”
“Ay siya siya good night na.”
“Okay good night din.”
Natulog ako na ang nasa isip ko ay nkalutang kay
Arkin.
Hope to see him again someday.
Alam ko mag kikita ulit kami. At alam
kong magiging kami.
Gagamitan ko siya ng gayuma para maakit lang siya. Hahaha.
See you sa dream land. At unti-unti nakaulog ako.
[Jaysen’s POV]
Makikitulog ako ngayon sa bahay ng pinakamamahal
ko.
First time to kaya dapat memorable. Yan ang nasa isip ko.
Bago matulog sila
mama, pumasok muna siya sa kwarto ni AJ at may sinabi.
“Kayong dalawa, alam kong kayo na. saka na kayo
gumawa ng apo ko ha. Behave.” Paalala nito.
“Ma, si Jaysen pagsabihan ninyo.”
“Oh bakit ako?” “
Aba, ako kaya kong mag control, eh ikaw ba?”
“Oo naman.”
“Talaga?”
“Oo kaya.” Nag hubad siya ng damit.
“So ma kaya pala niya eh.”
Napalunok ako bigla ng mag hubad siya ng damit.
Grabe tinetesting talaga ako nitong mokong na to.
“Oy ikaw, talagang inaakit mo si Jaysen.”
“Ma, pagsabihan ninyo nga yang si AJ.” Sumbong ko.
“Aysus. Ang banas kaya.”
“Sus. Pwede namang mag electric fan.”
“Bakit ba?”
“Sige na tutulog na ako. May tiwala ako sa inyong
dalawa ha.”
“Opo ma.” Sinarado na nito ang pinto.
Agad akong sumampa sa kama at humiga. Inaakit mo
ako AJ ha, ngayon, tignan natin galing mo.
Hinubad ko ang damit ko.
“Bhie tulog na tayo.” Sabi ko.
“O bakit ka nagtanggal ng damit?”
“Wala lang. tara na.” nakita kong napatitig siya.
“Si…sige…”
“Mukhang may flag ceremony ka ngayon ah?” pang asar
ko sa kanya.
“Wala ah. Talagang ganyan na yan.” Bigla ko siyang
hinila at inihiga.
“Ows. Talaga lang ha.”
Nilagay ko ang daliri ng kamay ko sa bibig niya.
Pinasadahan ko ng daliri ang ilong niya. Ni hindi siya makagalaw at ramdam ko
na medyo kinakabahan siya.
“Ang cute mo.” Sabi ko.
“Gwapo ako.” Sabi niya.
Tumalikod siya sa akin.
Agad naman siyang nanlaban.
Oh akala ko ba kaya niya pero gumanti siya. Naging mapusok ang palitan namin ng
halik.
Agad ko itong itinigil.
“Di ka rin pala makakatiis.”
“Sino kaya sa atin ha?”
“Aysus. Tara tulog na tayo. Behave na muna tayo…”
sabi ko.
Natulog na kami. Magkayakap kami sa kama niya.
“I love you AJ.”
Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin. Niyakap niya
ako at binulungan ako.
“I love you too Jaysen.”
Masaya ako na kayakap ko siya ngayon.
Kahit na alam
kong hindi magtatagal ito.
hangga’t hindi ko pa nasasabi kay papa ang lahat,
hindi magiging okay ang lahat.
Pero paano ko sasabihin ito?
alam kong di niya
kami matatanggap. Hay buhay.
Pinag masdan ko ang mukha ng mahal ko. Ang amo
talaga nitong matulog. Pero pag nagising na eh daig pa nito ang leon sa bangis
at sungit.
Ginala ko ang mata ko pababa ng katawan niya.
Napadako ang mga mata ko sa tattoo na nasa likod niya.
May letrang “J” ang
nakatatak dito.
Napangiti ako ng maisip ko na para sa “Jaysen” yun
pero naalala ko, baka naman sa ex niya.
bigla akong nagselos.
Nakadama ako ng
inggit.
gagawin ko ang lahat mahigitan ko pa ang ginawa ng ex niya.
ipapakita ko na tama ang ginawa niyang pagpili sa akin.
(Itutuloy)
*************************************************
Exciting na mga susunod na chapters... :))
first tym q magc0mment.w0w ganda ah. Bitin tlga.hehe. Pero s0brang ganda tlga kc 4 p0v pa. Kud0s mr. Auth0r.
ReplyDeletechoss...
ReplyDeletesweet naman ng couples,sinu kaya ang para kay aj tlaga? mukhang malapit ng mangyari ang face to face nila aj,jaysen,chad at arkin.,excited na ako = )
hahaha... abangan [po ninyo yan.. masaya to... hahahaha
ReplyDelete