Ayon nag advance ako ng post... haha naka sched to... hahaha.. para naman makabawi ako.. atska worried ako.. worried ako kung gaano katagal aabot tong kwento ko.. hahaha
_______________
Just praying for the safety of everybody....
A <3 j="j" p="p">
Always Here,
Dylan Kyle Santos
Sana Ngayon Lang Ang Kahapon – Angeline Quinto Song Lyrics
**********************************************
[James’ POV]
Ilang buwan na noong mangyari ang pinaka pinag
sisisishan ko sa buhay.
Hawak ko na siya eh, nasa akin na siya. Nasa piling ko
na siya, pero sa isang iglap nawala na siya.
After mag karoon ng misunderstanding, doon na
nagsimula ang lahat. Mali ang nakita niya noong araw na iyon. Maling mali.
Di ko inaasahan na mangyayari iyon sa akin at sa
kanya. I love Arwin the most.
Siya lang ang katangi-tanging nagmahal sa akin at
nagpakita kung ano ang love. He teach me how to love and how to appreciate
every thing.
Oo noong una hindi kami mag kasundo, pero nagdaan ang
araw at unti-unti nahulog ang loob ko sa kanya. Yeah I am James Arkin Ramos, 17
years old and 5’11’’.
Ilang beses kong sinubukang balikan siya pero siya
na ang nagtataboy sa akin. Hindi ako sumuko hanggang sa mismong siya na ang
lumayo sa akin.
Nabalitaan ko na lang na lumipat na siya ng bahay. Matapos ang iskandalo
na kinasangkutan naming dalawa.
Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang pagmamahal
niya. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.
Sobra ko
siyang mahal. Hindi ko alam kung maibabalik ko ba ang kahapon. Ilang beses kong
hinangad na sana ngayon na lang ang kahapon.
Ilang buwan na kami dito. Isang buwan matapos
lumipat nila Arwin ay lumipat na rin kami. Matapos ang araw na iyon, nung mag
hiwalay kami, ibang pangalan na ang ginamit ko.
James ang kadalasang nitawag
nila sa akin pero ngayon pinagpasyahan kong Arkin na lang.
Next school year mag transfer ako ng school sa
isang unibersidad na malapit din doon. Medyo nahuli kasi ako ng enroll kasi
gawa ng mga requirements nag ka-conflict kaya ayun. Pero ayon naman sa
administrators ay credited yung course na kinuha ko.
Thanks God na rin. Si mama ang gustong ilipat ako,
well sa akin okay naman ako sa school na pinapasukan ko ngayon pero si mama
lang talaga ang hindi kumbinsido.
Sa buhay ko ngayon, marami na ang nagbago. Hindi ko
makakalimutan ang malaking pagbabago na aking kinasangkutan.
Pagbabago na kung
saan humubog sa akin at nagpakilala kung sino ba talaga ako.
Maaring sumasablay ako minsan sa panlasa ng mga
tao, pero natuto akong makisama sa kanila.
Tinulungan ako ng mahal ko na
bumangon. Arwin, nasaan ka nab a ngayon.
Kung alam mo lang kung gaano kita na mimiss ng sbra
at kung gaano ko gusting ipakita na nag sisisisi na ako sa nangyari.
Sana
bumalik ka na sa akin. Sana akin ka na lang ulit.
Ilang lingo na rin akong kinukulit ng isang friend
ko sa facebook. Yeah he is kinda cute, mabait at masiyahin.
Whenever I’m sad eh
siya lang ang nakakapagpatawa sa akin.
Sabi niya malapit lang daw kami sa isa’t-isa pero
until now hindi pa kami nagkikita.
Ayoko na muna sigurong mainvolve jan.
nakahiga ako noon sa kama ko ng biglang nag ring ang phone ko. Tawag ito galing
overseas o ibang bansa.
“Hello.” Sagot ko sa tawag.
“Oh musta na ang malungkot na pogi jan?” sabi ng
nasa kabilang linya.
Nabosesan ko agad ang nagsalita, si Chad.
“Oh ikaw pala yan. Naks ha, yaman, overseas call.
San ka ngayon ba?”
“Uhm hindi ah. Basta secret nay un aaahahaha. Pero
nagbabakasyon ako ngayon outside the country. Oh kamusta ka na?”
“Fine. Eto nahinga pa.”
“Don’t say that such things. Alam mo pareha kayo ng
best friend ko, laging ganyan ang linya.”
“Awww. Destiny? Ipakilala mo naman ako sa kanya.
Hahaha”
“Aysus. Lalakero. Akala ko ba may laman na yang
puso mo? Bakit naghahanap ka na agad? Nakamove on ka na ba?”
“just kidding. Nope hindi pa rin ako nakakamove on.
Grabe di ko alam kung kakayanin ko.”
“Wag ka nga pakulong sa kahapon.”
“hindi ko mapigilan.”
“Subukan mo kasi.”
“Maybe some other time.”
“hay naku. Basta you should work on it. Gueh got to
go, mahal na ang bayad ko dito.”
“Okay ingat. Pasalubong ko ha.”
“Sa isang kondisyon”
“Ano yun?”
“Makipagkita ka na sa akin.”
“Hahahah. Sus yun lang pala. Bahala na. sige bye”
“Hahaah. Okay bye.”
Masaya ako kapag nakakausap ko si Chad. I think he
is the only one that can understand me.
Napalayo na kasi ako sa mga kabarkada
naming kaya eto na ang nagyari wala na akong masyadong nakakakwentuhan.
Habang nakahiga ako, nasagi sa aking mata ang
singsing sa aking daliri. Tanda ko pa noong isinoot niya sa kamay ko yung
singsing nay un
Pakiramdam ko sa akin siya at sa kanya ako sa mga panahong
iyon. Namimiss ko talaga siya sobra.
Namalayan ko na lang na lumuluha na ako. Sobrang
mahal ko talaga siya. Muli nanariwa ang mga pangyayari sa nakaraan.
Mga
pangyayari na lubos na nagpabago sa akin.
(Flashback)
Di
ko aakalain na magiging malapit kami ni Arwin. Oo nagbabangayan kami dati at
hindi magkasundo pero matapos ang ilang araw na pagsasama naming hindi ko na
lang namalayan na unti-unti gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Di ko alam
kung bakit pero lagi ko na lang siyang gustong kasama.
Minsan
pasimple na lang ako na nagpapasama siya or tinatakot ko siya na hindi ako
papasok ng school kapag hindi niya ako sasamahan. Kampante ako kapag kasama ko
siya. He changed me a lot since then.
Mula
ng mamatay si papa, doon na nagsimulang magbago ang tahimik kong buhay. Ilang
beses akong nasangkot sa gulo at kung anumang mga kaguluhan. Sobra akong
nadepressed sa pagkawala ni papa.
Si
papa kasi ang best friend ko mula pa ng bata. Lahat ginawa niya para sa amin.
Sobrang close ako sa kanya. Pero matapos ang mga pangyayaring ito, ginago ko na
ang sarili ko. Lahat ng mga kalokohan pinag gagawa ko.
Noong
una palang talaga hindi na kami magkasundo ni Arwin. Paano ba naman nakakaasar
kasi eh, satsat ng satsat. Dami pang mga sinasabi. Talak ng talak, pero hindi
ko alam na eto rin pala ang magiging dahilan kung paano ako mapapalapit sa
kanya.
Matapos
akong dalhin ni mama sa isang orphanage, naging maayos na muli ang buhay ko.
Ang mga bata doon ang nagmulat sa akin na hindi pa katapusan ng mundo. Kasama
si Arwin na nagmulat sa akin noon.
Oo
galit ako sa mundo matapos mawala ni papa, pero hindi tama iyon. Napamahal na
rin sa akin si Khail. Ang cute kasi niya at ang bait pa niya.
Nagtext
ako sa kanya para lang pumasok ako.
“Sunduin
mo ako dito sa bahay.” Sabi ko. Hinintay ko ang reply niya. Ilang minuto lang
ay nagreply siya.
“Ano
tingin mo sa akin service mo?”
“Hey
bahala ka di ako papasok.”
“Edi
wag. Pakialam ko ba.”
“Okay
sige. Madedepressed na naman si mama pag nakita niya na nagloloko ako sa pag
aaral tapos hindi nagiging effective yung favor niya sayo.”
Natagalan
siya bago mag reply. Wala na ata talaga itong balak mag reply sa akin. After 20
minutes, namalayan ko na lang na nagriring yung phone ko.
aba tumatawag siya sa
akin. Hahahah. Sarap talagang asarin nito.
“Hello.”
Sagot ko sa phone.
“Oh
asan ka na andito na ako sa labas ng bahay ninyo.”
“Wow.
Hahahaha. Sige bababa na ako.”
“Haixt.
Bilisan mo nga.”
“Yes
boss.” Nagmadali na agad ako sa pagbaba.
Kanina
pa ako bihis. Tinatamad pa lang talaga ako umalis ng bahay. Unexpected talaga
na pupunta siya dito.
“Ma,
alis na po ako.”
“sige
ingat ka. Hmmm. Teka.”
“Bakit
po?”
“Mukhang
Masaya ka ata?”
“Si
mama naman. Wala to. Ay tsaka hindi pa po ba kayo nasanay?”
“Hindi,
ngayon ko lang nakita na nakangiti ka umagang umaga.”
“Ayt
si mama. Sige alis na po ako.”
“Nga
pala, sabihin mo kay Arwin na dito siya mag hapunan mamaya ha.”
“Okay”
Anong meron at maghahanda si mama? Haixt. Napangiti agad ako ng Makita ko si
Arwin na nakasimangot.
“Oy agang-aga
nakasimangot.” Sabi ko.
“Pakialam
mo ba?”
“Ang
sungit mo pre.”
“Nakakainis
ka kasi eh. Kung anu-ano pa mga pinagsasabi para lang takutin ako.”
“Ang
sarap mo kasing asarin eh.”
“Adik
mo lang boi. Sige tara na mala-late pa tayo niyan eh.”
“Sige
na boss. Wait lang kunin ko lang motor.”
“Eh
wag na. mamasahe na lang tayo.”
“Gusto
ko mag motor eh.”
“Wag
na nga ang kulit.”
“Bakit
ba yaw mo? Mas makakatipid nga tayo eh.”
“Basta
ayoko. Tara na.”
“Siguro
takot ka sa motor no?”
“Hindi
ah.”
“Talaga
lang ha.”
“Oo
na. bilisan mo na mala-late na tayo.”
“Hahaha.
Sige na boss tara na.” Sarap talaga niyang asarin.
Ang
daldal niya kahit kalian. Ni hindi siya nauubusan ng kwento. Kaya ga pag kasama
ko siya tawa na lang ako ng tawa.
Kapag naasar naman siya eh yun ang pinaka
kinatutuwaan ko.
Yung
tipo ba na mag susungit siya sa akin. Pagdating namin sa school eh naalala ko
bigla yung pinapasabi ni mama sa kanya.
“Pre,
sabi ni mama doon ka daw sa bahay mag dinner. Di ko alam kung bakit.”
“Ah
ganun ba. Sige sige. Nakakahiya naman.”
“Naku
uso ba sa yo yun?”
“ang
kapal mo naman. Ano ang tingin mo sa akin makapal ang mukha?”
“ikaw
nag sabi niyan hindi ako.”
“Nye.
Ewan ko sayo.”
“Hahaha.
Easy lang.”.
medyo
mahaba ang araw ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil nakakatamd
lang talaga mag aral. Matapos angklase, sabay na kami ni Arwin na pumunta ng
bahay.
Naamoy
ko agad ang mabangong amoy na nagmumula sa bahay namin.
“Wow
ang bango ah.” Sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.
“Oh
anak nandito na pala kayo. Sige bihis ka na muna tapos kakain na tayo ng
dinner.
“Gandang
hapon po tita.” Bati ni Arwin.
“Sige
taas na muna ako.” Mabilisan lang ako nag bihis at agad na akong bumaba.
“Anong
meron ma at nag luto ka ng ganito kadami?” tanong ko.
“Magcelebrate
tayo kasi naman eh nagbabago na tong bunso ko.” Sabi ni mama.
“Si
mama naman. Ang babaw ha.”
“Hoy
pre, matuwa ka nga. Hindi mababw yang pagbabago mo. Tae nito.”
“Aysus.
Ewan nga. Teka bakit kasama pa yang masungit na yan?”
“Kasi
siya ang tumulong sayo. Kaya thanks to him anak.”
“Aysus
parang hindi naman.”
Bigla siyang dumila sa akin. Yeah ang sarap talaga ng luto
ni mama. The best. Matagl tagal na rin ng last na mag luto si mama ng ganito.
After
naming kumain, naisip ni mama na mag movie marathon kami nila Arwin. Kakaiba
talaga tong si mama, ang dami pa palang niluto na kung anu-ano. Food trip kami.
Yeah rick, vusog na naman ako. Matapos yung isang movie ay nagpaalam na si
Arwin.
“Alis
na po ako tita.” Sabi ni Arwin.
“Naku
pahatid ka na kay James.”
“Wag
na po okay naman po ako.”
“Dali
na. Di ba James ihahatid mo siya.”
“Di
ba ma sabi niya wag na?”
“Be
polite naman James ikaw talaga, ihatid mo na siya.”
“Okay.”
Nakalimutan kong ayaw nga pala niyang sumakay sa motor. Siguro may bad side sa
kanya iyon. Malay mo balang araw matuto na siyang mag motor.
“So
tara na?” sabi ko.
“Mamamasahe
na lang ako.”
“Ang
kulit mo di no? diba sabi ni mama ihatid na kita?”
“Eh
nang aasar ka ba? Grabe ha sabing takot ako sa motor eh.”
“Oh.
Sorry nakalimutan ko. Tsaka halika na nga, di na man kita isasagasa eh. Masarap
mag motor try mo.”
“May
phobia ako jan no. nag taob na kami jan dati. Akala ko mamatay na ako.”
“Well,
it’s time to face your fear.”
“Eh
ayoko nga.”
“Dali
na ang arte ay.”
“Dahan-dahan
lang ha.”
“Okay.”
Ewan
ko kung anong topak pumasok sa isip ko at binilisan ko yung takbo ng motor.
Kitang kita ko ang pagpikit ng mata niya.
Napayakap tuloy siya sa akin ng
mahigpit. Tae ang dyahe, yumayakap siya sa akin.
Pero
bakit ganun, ang lakas ng tibok ng dibdib ko? Bakit? Anong meron? Ang higpit ng
pagkakayakap niya.
Pero nasarapan naman ako sa yakap niya. Not exactly
nasarapan, let me say, nag enjoy ako.
Di
ko alam kung bakit pero parang babae lang siya na girlfriend ko na nakayakap sa
akin. Yeah, he is one of a kind talaga at mysterious. Nakarating na kami sa
kanila at tumigil na ang motor.
Agad siyang bumaba at ramdam ko ang nginig sa
kanyang mga kamay.
Namutawi
sa kanyang mata ang pira-pirasong luha na ilang beses niyang pinahid. Na-guilty
tuloy ako.
“Sorry.”
“You’re
evil. Nakakinis ka talaga.”
“Sorry
na.”
“Umalis
ka na nga dito. Ayoko ng Makita mukha mo.”
“Ui
sorry na…” paulit-ulit kong sinasabi.
“Ewan
sayo. Umalis ka na baka mapabugbog pa kita.”
Bigla
ko na lang siyang niyakap ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. Alam kong
nagulat din siya sa kung ano ang ginawa ko.
Natahimik siya bigla at ako naman
ay natulala sa ginawa ko.
Tae,
ano ba tong pinasok ko?
Bakit niyakap ko siya?
Ang dyaheng tignan, pareho
kaming lalaki pero yakap-yakap ko siya. Agad naman akong kumalas ang pumunta sa
motor at umalis.
Walang imik-imik ay umalis na ako. Lutang ang isip ko habang
pabalikng bahay. Siya lang ang iniisip ko.
Di
ko mapigilang mag sisi sa ginawa ko kanina. Ang tanga-tanga mo talaga James
kahit kalian.
Bukas na bukas mag sosorry ulit ako. Mukhang magbabangayan na
naman kami.
Ilang
araw ding absent si Arwin.
Tinatawagn ko siya pero hindi niya sinasagot. Nag
aantay lagi ako na mag online siye pero kahit anino wala.
Pinagtanung-tanong ko
kaibigan niya pero hindi din nila alam.
Ano
kaya ang nangyari sa kanya? Nag decide ako na puntahan siya sa bahay nila.
Habang papunta ako sa kanila, may part sa ain ang nag aalinlangan.
Ano ba
nangyayari sa akin?
Daig ko pa ang boy friend kung mag alala eh.
Pagadating ko
sa kanila, nag door bell ako. Ilang saglit lang ay nag bukas ang pinto at
iniluwa si Arwin.
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Bakit
absent ka?” tanong ko.
“Bakit
mo naman naitanong?”
“Eh
tagal mo ng absent eh. Wala na akong mautusan.”
“Wew.
May inasikaso lang kami. Inaayos yung bahay na binili ni papa. Medyo naging
abala lang doon kaya ayun.”
“Lilipat
na kayo ng bahay? Paano yung schooling mo?”
“Exage?
Adik mo lang, di pa naman kami lilipat, pati isa pa, matatagalan pa yun. Baka
nga gawin lang bahay-bakasyunan yun, pinapaayos kasi ni papa.”
“Ah
ganun ba, so papasok ka na bukas?”
“Excited?
Meron pang lunes. Sabado bukas.”
“Ah
oo nga pala.”
“Yan
kasi. Ano bang nakain mo at sobrang clumsy mo?”
“Ako
clumsy? Aba naman pre.”
“Hahaha.
Joke lang. uhm, may gagawin ka bukas?” tanong niya sa akin.
“Wala
naman, bakit?”
“Labas
tayo. Samahan mo ako ha.”
“Paano
kung ayoko?” biro ko.
“Okay.
Sige good night.” Sabiniya. Nakakapanibago talaga siya. Ni hindi niya ako binabara.
“Yeah
see you tomorrow. Good night.” Napangiti lang siya.
“ingat
sa pag uwi.” At tumango lang ako.
(End of Flashback)
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang antok.
Tutulog na ako, may pasok pa ako kinabukasan. Hanggang ngayon hindiko pa rin
alam kung saan na nakatira sila Arwin.
Ayaw nilang sabihin sa akin at ayaw nilang ipaalam.
Alam kong meron silang alam ngunit ayaw lang talaga nila sabihin. Bago ako
natulog, hinaikan ko muna ang picture ni Arwin.
“I love you mahal…. I miss you a lot…” wari’y
magsasalita ang picture sa ginagawa ko.
Sana malaman mo na ikaw pa rin ang laman nitong
puso ko. Ikaw lang ang tanging nilalaman nito at sayo lang ang space na
nandiito. Habang iniisp ko ang mga bagay na ito, di ko namalyana na unti-unti
na akong nahihimbing sa pagtulog.
Masigla ako na pumasok kinabukasan. I want to start
my day happy and energetic. Dami ko na agad na kaibigan dito sa campus.
Yan ang
isa san a-gain ko noong kami pa ni Arwin, to have a pleasing personality to
all. Binansagan nga ako na Mr. Dimples kasi bagay daw sa kagwapuhan ko it.
Well, hindi naman masyado. Hahahah. Nasa jeep ako
noon at kasabay ko ang isa sa mga classmate ko ng suddenly, one person captures
my eyes.
Totoo ba ito o nag hahallucinate lang ako?
Kinusot ko ang aking mga mata at nakita ko ang tao
ng kahapon. Nakita ko si Arwin, ang pinakamamahal ko. Labis akong nagalak sa
nakita ko, dito pala siya lumipat sa lugar na ito.
lumukso ang puso ko dahil sa naramdaman ko.
Napangit ako ng wala sa oras. Gusto ko siyang sigawan pero walang kahit anong
boses ang lumabas sa aking bibig.
Natulala lang ako at hindi makapagsalita.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na lumuluha.
Lumuluha dahil sa kagalakan. Lumuluha dahil sa wakas, nahanap na din kita.
At
sa pagkaktaong ito, ibabalik kita sa piling ko.
(Itutuloy)
******************************************
Hope to see your comments
ang ganda dylan!! Promise! Bitin na bitin ako sobra. Please next na. Waaah!!!
ReplyDeletehahahha.. salamat po.. stay tune po... hahahaha
Deleteweeeeeeeeeee lagi nalang bitin huhuhuh kakainissssssss... nxt chapter na agad plsssss
ReplyDeleteAnung sabi ng ibabalik kita sa piling ko? Ganda! Next chaps please?
ReplyDeleteganda naman ng kwento. magkabalikan kaya sila o kay chad na sya ma inlove?
ReplyDeletebharu