Sunday, September 2, 2012

Bullets for my Valentines- Part 15

Author's Note:

I dedicate my post to Ian. hahahha. salamat sa comment... :))

Sa mga readers ko.. maraming salamat po sa walang sawang pagbabasa ng story ko....

I take your comments seriously and I learned from them... sa mga critics po... I appreciate your comments.. hayaan po ninyo at pagbubutihan ko pa po para magustuhan ninyo yung story...

Sa mga natutuwa at kinikilig... maging ako pag nababasa ko ulit eh kinikilig... salamat po ng marami....

di po ako masyadang nakakpag net ngayon kasi finals week na po namin next week... busy na sa paghahabol... medyo dami kasing hinahabol na grades.... hahaha.. pag pray ninyo ah....

sa mga nag follow sa akin sa blog...,. a very thanks po....

sa mga commenters daily.... salamat sa inyo guys.. sorry sa mga di ko nababanggit ah/.... :))

eto po ulit blog ko:

Dylan Kyle's Diary

maraming salamat po talaga....


Pinag iisipan ko kung gagawin ko na bang book 2 yung chapter 40.... haixt.... what do you think? pero naisip ko kasi na mas maganda kung tuloy tuloy na din... hahahaha


sa mga comments ninyo ako humuhugot ng sigla... wow... ang lalim...


Maghihintay ako ng mga comment ninyo ah...

Always Here,

Dylan Kyle Santos

-AJ24_


PS


nga pala.... malapit na yung pagkikita ni AJ at James... kaya tutukan... :))



videokeman mp3
We Are Never Ever Getting Back Together – Taylor Swift Song Lyrics


************************************************************

[Jaysen’s POV]

Nagmadali akong umalis ng bahay. 

Kakaibang takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon sa loob ng aking katawan. 

Tingin ako ng tingin sa rosary na nakasabit doon sa may unahan ng aking sasakyan.


“God, wag ninyo siyang pabayaan. Pagalingin ninyo siya. Please po.”


Paiyak na ako ng mga sandaling yun. 

Nanghihina ang mga tuhod o habang binabagtas ko ang daan. 

Naalala ko pa ang masayang paguusap naming yun kani-kanina lang. 

Punong-puno pa siya ng sigla at parang walang anumang dinadaing.


(Flashback)


“I love you.”


“I love you too.”


“Mahal na mahal kita ha.”


“Mahal na mahal din kita.”


“Good night bhie.”


“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss ko.”


“Mwahugs…”


“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.


“Sunduin na kita.”


“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”


“Good night din bhie. I love you.”


(End of Flashback)


Hindi ko na namalayan ang oras.

 Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng hospital na pinagdalhan kay AJ. 

Agad akong naghanap ng taong kilala ko. 

Mula sa malayo nahagilap ng paningin ko ang mama ni AJ kaya humahangos ako na pumunta doon.

Dali-dali kong binagtas ang kinaroroonan ko. 

Habang papalapit ako, mabibigat ang hakbang ko ng makita ko kung gaano nahihirapan ang kalooban ni mama. 

Umiiyak siya at inaalo naman ito ni papa.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. 

Naiisip ko ang mga posibleng mangyari. 

Pero Jaysen, kailngan mong tatagan ang sarili mo. 

Magpalakas ka para sa kanya. 

Harapin mo siya at ikaw ang magbigay sa kanya ng dahlan para mabuhay.

Napansin nila mama at papa na nakaupo ako doon sa sahig. 

Agad akong tumayo at tumakbong lumapit sa mga it.


“Kamusta po si AJ?” tanong ko.


“Malubha daw, masyado daw natagalan bago siya nalagayn ng oxygen. Matagal-tagal kasi bago siya madala dito sa hospital.” Sabi ni mama.


“Ano po bang nangyari?”


“Nakita na lang namin na nakabulagta siya sa sahig. May asthma kasi siya. Akala namin ayos na siya. Hindi siya nakahinga sa di namin malamang kadahilanan. Pero umaasa kami na magiging ayos ang lahat.” Sabi ni papa.


“Gaano na po katagal ang asthma niya?”


“Mula pa noong bata siya nagkaroon ng asthma. Kasalanan ito ng walang puso niyang teacher. Kung hindi lang sana siya binilad sa arawan, hindi siya magkakaganyan. Kung sana lang talaga. Isinususmpa ko yung babaeng yon.” Sabi ni mama.


“Shhh. Tama na tapos na yun. Lets pray para sa pag galing ni AJ.” Sabi ni papa.


“Si Chad po ba?”


“Ayun, lumabas muna siya para bumili. Nagpabili kasi kami sa kanya.” Sagot ni papa.


“Ah ganun po ba?”


Nanahimik ako sandali at pinagmasdan ang pintuan kung saan siya naroroon. Gusto kong pumasok pero hindi pwede. 

Nanalangin ako n asana maging okay ang lahat.


“Please AJ… don’t give up…” bulong ko sa sarili ko.


Mayamaya naramadaman kong may humawak sa likod ko.


“Wag kang masyadong mag-alala. He will be fine. Tatagan mo loob mo.”


Ngumiti na lang ako.


“Salamat po. Alam kong kaya niya. matapang siya at hindi basta-basta sumusuko.” Sabi ko.


“Matapang yang anak ko. Hindi ata basta-basta namamatay ang masamang damo.”


“Well. He is a moss afterall. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang mag alala.”


“Yeah. He always do that to us. Mula pa noog nagbreak sila ng ex niya. pinag alala niya kami noong nag lasas siya sa pulso.” 

I was shocked back then. Ganun ba niya kamahal ang ex niya kaya niya nagawang magpakamatay.


Hindi ko hahayaan na gawin niya ulit yun. 

Umupo ako sa tabi ni mama. Hinihintay na lang naming ang doctor. 

Ilang sandali lang ay dumating na si Chad. May mga dala tong pagkain at inumin.


“Tita, tito, Jaysen oh.”


Bigay niya sa amin. 

Hindi ko na kinuha yung inalok niya dahil wala akong balak kumain. 

Wala akong gana na kainin yun dahil nag aalala pa rin ako. 

Umupo sa tabi ko si Chad.


“He will be fine, I’m sure for that.” Sabi nito.


“Thanks for calling me.” Pasasalamat ko.


“Yeah. It’s nothing. You have the right to know.”


“Hope he will be okay.” Sabi ko.


Matapos naming maghintay ng ilan pang minuto, biglang lumabas ang doctor sa kwarto kung saan naroroon ang mahal ko. Lahat kami nag madali na pumunta sa doctor.


“Doc kamusta anak ko?”


“Ayos lang ba siya?”


“Gaano po ba katagal?”


“Pwede na ba namin siya makita?” Sunod-sunod naiming tanong sa dctor.


“Easy lang kayo ha. He is fine right now. Advice ko lang na wag na wag ninyo lang ulit siya hayaang ma stress. Okay na ulit ang pag hinga niya. yun nga lang medyo may irregularities akong nakita kaya pag aaralan ko muna. But overall, he’s okay na. he’s safe.” Nung sinabi ng doctor na He’s safe saka lang ako nakahinga ng maluwag.


Napatulo ang luha ko ng biglang ilabas si AJ at inilipat sa isang prvate room.


“He should rest. After 4 days, mag prescription na ako kung ano ang bawal at kung ano ang dapat.” Sabi ng doctor.


“Kailan po siya magigising?” tanong ni papa.


“Uhm. Di ko lang sure pero baka 2 to 3 days.”


“Doc salamat po ha.”


“Your son Is a competent. Ayaw niya magpatalo sa kamatayan.” Napangiti naman kaming lahat.


“I will go now. Sabi ng doctor.


Naiwan ako sa ospital dahil umuwi silang tatlo. Si mama at papa kasi kumuha ng damit ni AJ. Hinawakan ko ang kamay ni AJ at hinalikan ito.


“Pinakaba mo ako doon.” Sabi ko.


“Dapat hindi mo na ulit gawin yun. Ikamamatay ko eh. Nag alala ako ng sobra. Sana wag mo ng ulitin yun. Please lang.” sabi ko. Heto na naman ako, umiiyak sa harapan niya.


“AJ… mahal na maha kita. Hindi ko kaya ang mawala ka. Hindi ko kakayanin kung malalaman ko na mawawala ka sa piling ko.” Niyakap ko ang kamay niya.


“Gumising ka na ha, dahil ibubuhos ko ang pagmamahal ko sayo. Ipinapangako ko iyan sayo.”


Ilang sandal lang at nakatulog ako sa tabihan ng mahal ko. Nahimbing ako at siya ang paaginip ko. Kayganda ng aking panaginip.


[Chad’s POV]


It’s been 2 days since nung nadala si AJ sa hospital. 

Hanggang ngayon tulog pa rin siya. 

Nakakainis ka AJ. Kailan ka ba gigising? 

Ano ba kasi ang pinag gagawa mo at ganyan ang nangyari sayo?


Pag nagising ka, lagot ka sa akin. Habang nasa school ako, lumulutang ang isip ko. Araw-araw akong dumadaan sa kanya. 

Binibisita ko. Mamaya bibisita na rin ako. Bukas ang ikatlong araw niya don at dapat magising na siya. Magdadala ako ng mga paborito niyang pagkain.


“Chad, pagnagising si AJ pasabi na bilisan niyang magpagaling ha. Hinihintay namin siya.” Sabi ng kaibigan naming.


“Chad, sabihin mo din na kailangan maging malakas na siya dahil mag lalaro pa kami.” Sabi naman ng isa.


“Well Chad sabihin mo sa kanya ililibre namin siya kapag nagising na siya.”


Marami talaga ang nagmamahal sa kanya. Well AJ is the most lovable person at all. 

He is very nice, sweet, thoughtful at marami pang iba. He is a perfect husband wanna be. 

Kaya sa mga babae jan, dapat siya na ang piliin ninyo. Kaso nga lang, lalaki na ang gusto niya. kasalanan to ng ex niya eh. Hahaha. 

Bago ako pumunta sa hospital, dumaan na muna ako sa church.


“Lord, eto lumalapit na naman ako say o. gisisngin nap o ninyo si AJ. Please lang po. Lahat po gagawin ko gisingin lang po ninyo siya. Wag na po sanag umulit ito.” matapos ito dumeretso na ako sa hospital.

Naabutan ko doon si Jaysen na nakahiga sa tabi ni AJ. 

Hindi pumapasok sa school si JAysen. Nasa tabi lang si ni AJ lagi. 

Gusto niya na siya ang unang sasalubungin ni AJ pagnagising siya. Si tito at tita naman nakaiga doon sa may couch.


“Good aftie po to, tita.” Biglang nagising si Jaysen ng marinig ako. Ngumiti lang ako sa kanya.


“Kamusta po si AJ?” tanong ko sa kanila.


“Okay naman siya. Kaso di pa nagigising. Stable na ang lagay niya sabi ng doctor. Sa makalawa pa naming malalman ang resulta ng tests niya.” Umupo ako sa may sofa ng kwarto.


“Pinapasabi na nga ng mga classmates naming at classmates niya na magpagaling daw siya at sana gumising na siya. Miss na miss na daw nila siya. He was very love by others. Napakadaming nagmamahal sa kanya at nagpapahalaga. Nakakinggit talaga yang mokong nay an.” Sabi ko sa kanila. Ngumiti lang sila at nakita ko na nalungkot ang mga mata.


“Jaysen, dapat pumasok ka na sa school.” Ang sabi ko.


“Ayaw ko. Dito lang ako.” Sabi niya.


Mahal na mahal talaga niya si AJ. Walang duda yun. 

Nagkwentuhan kami ng ilang minuto hanggang sa mramddaman naming ang unti-unting pagmulat ni AJ. 

Buti naman at nagising na siya lahat kami napaluha sa pag gising niya. pinakaba niya kami talaga.


[AJ’s POV]

Madilim ang nakikita ko. Heto na naman ako at nanaginip. 

Kalian ba matatapos ang lahat ng ito? may naririnig akong boses. 

Familiar siya sa akin. Kay… kay Jaysen ito. sigro nasa tabi ko lang siya ngayon.

Ilang araw na ba akong natutulog? 

Bakit hanggang ngayon hindi ko maidilat ang mga mata ko?

 Bakit ba nahihirapan akong imulat ito? pero parang naranasn ko na ito. naranasan ko na ang ganitong feeling.


Ang feeling na kung saan ako unang umibig at nasaktan. At nandito ako sa kalagayan kong ito dahil sa iisang lalaki. 

Bakit ba hanggang ngayon naguguilt pa rin akong mahal ko pa rin siya?


Bakit ba hindi ko siya makalimutan at naririto lang siya sa puso ko? Maraming katanungan ang naglalro sa isip ko. 

Mga bagay na kung saan humahanap ng sagot. Naalala ko tuloy ang nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat.


(Flashback)


Pagkauwi ko ng bahay, agad akong pinatawag nila mama at papa. Depressed na depressed pa ako noong lagay na iyon. I’m fragile sa inaasta ko. Hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag doon.


Wala akong ideya. It’s been a week ng maghiwalay kami ni James. Hindi ko siya pinapansin. 

Wala akong pakialam sa kanya. Ang nasa isip ko lang ay, niloko niya ako. Ilang beses na siyang nagpunta dito sa bahay at humingi ng tawad pero tikom ang bibig ko at ayaw ko siyang pansinin.

Hanggang sa dumating na ako sa kwarto nila mama at papa. 

Agad lumapit sa aki si papa at isang suntok ang nagpatumba sa akin. 

Agad namang umagos ang dugo sa aking bibig. Agad akong ilapitan ni mama at sinipat.


“Ano ka ba naman pa? bakit kailngan pang may suntok?” sabi ni mama.


“Gago yang anak mo. Ikinakahiya ko. Sa lahat pa, pagiging bakla pa ang pinasok mo. Puta ka.” Sabi ni papa.


Agad akong nagtaka. Pero paano? Paano niya nalaman?


“Akala mo ba hindi naming malalaman? Ha? Nalaman na namin na meron kayong relasyon ni James. Kaya pala lagi siya naririto? Walanghiya ka, wala kang utang na loob.” Sabi ni papa.


Hindi pa rin ako sumasagot. 

Nakatingin ako sa sahig noon. 

Ayaw kong sumagot dahil baka masagot ko lang siya. 

Pero pag pinilit niya ako at nawalan ako ng temper, baka masagot ko na siya.


“Nakakadiri ka…. Bakit pa kayo nag eexist?” sabi nito. 

Nasasaktan na ako sa sinasabi niya.

Bakit kami nag eexist?

What is that fucking question?

Ano ba tingin niya sa amin? Isang anyo ng buhay na hindi dapat nag eexist?

Sakit ba kami at parang diring diri siya?


“Gago ka gago ka. Naiinis ako sayo. Pinagkatiwalaan kita. Pero heto ginawa mo binigo mo ako. Ano ba ang nakita mo sa kanya ha? Ano?” tanong nito.


Pilit niya akong dinuduro. 

Sinasaktan niya ako. 

Si mama humaharang pero hinigit siya ni papa.


“Bakit nasarapan ka ba sa kanya sa kama? Ha? Ilang beses kayong nag sex dito sa  pamamhay ko? Mga baboy kayo. Wala kang utang na loob!”


Hindi ko na kaya ang manahimik habang sinasabi niya ang mga bagay na masasakit sa akin. 

Nanggigigil na ako ng mga oras na iyon.


“Oo pa. nasarapan ako sa kandungan niya. Fuck. Sobrang sarap. Feeling ko nasalangit ako. At kung ilang beses? Apat, lima, walo, sampu baka nga bente pang beses eh. Oo paulit-ulit. Nagpapaka alipin ako sa kamunduhang ginagawa namin. Masarap eh nag enjoy ako. Grabe sulit na sulit.” Sabi ko na may panggigigil na boses.


Agad nya akong sinugod at hinampas sa may pader. Agad akong lumaban at itinulak siya papaayo sa akin.


“Sige pa, patayin na niyo ako. Sige na. palibhasa wala kayong pakialam sa akin. Wala kayong inintindi kundi ang pangalan ninyo. Alam ba ninyo na nasaktan ako? Hindi ba ninyo alam na nagmahal lang ako? Ikaw ba pa, naranasan mo naman ang magmahal diba? Pero bakit hindi mo ako maintindihan?” natigilan si papa. Maiiyak naman si mama sa tabi nito. Pilit pinipigilan sa papa.


“Pa, kung ikinakahiya mo ako sa lahat ng tao dahil dito, pwes dapat lang na ikahiya ko rin kayo. You don’t deserve me right? Well, di ko rin kailngan na maging anak ninyo para sainyo.”


“Bullshit this life.” Sabi ko. 

Nagugulat sula sa lumalabs sa bibig ko. 


“Mga walang kwenta kayo. Damn bastard shit this life.” Sabi ko. 


Pinag susutok ko ang pader. 


“Sa ngayon… ang sakit sakit…. Sinaktan na niya ako pero eto sinasaktan na naman ninyo ako. Alam ba ninyo na wala na kami? Great di ba? pero alam ba ninyo na halos mamatay ako kakatago ng nararamdaman ko? Para akong bulkan na sasabog any moment.”

 "Masakit pa... ma.... eto oh... ang hapdi.... oo bakla ako.. sige ayon ang tingin ninyo... isang sakit ba tingin ninyo sa amin? Better get off.... baka mahawaan kayo... pero eto ang sasabihin ko... hindi na ako mahihiyang gawin ang gusto ko kasi buong buhay ko..... kayo na lang ang nasusunod..."


Ang nasabi ko. Pagkatapos kong sabihin yun lumabas na ako ng pinto. Pero tumigil ako bahagya. 


“Hayaan po ninyo, wala na kaong maririnig mula sa akin.” Sabi ko at agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko.


Ilang oras akong nagiiyak doon. 

Alam kong alam na rin ng iba ang nangyayari. Ayoko na atang mabuhay. 

Ayoko na. suko na ako. Gusto ko ng mamatay. 

Nakita ko ang gunting sa ibabaw ng lamesa. 

Dati sinsasabi kong tanga ang magpakamtay, pero ngayon naiintindihan ko na. ang feeling na dapat mo ng gawin.


“James… mahal na mahal kita.. pero sinaktan mo ako…” luha lang ako ng luha.


Ipinikit ko ang aking mata. 

Alas kwatro na ng umaga. 

Kumuha ako ng gunting, tinitigan ito at ang sumunod na nangyari.... dugo ang tumulo imbis na luha....


Eto na ba ang katapusan ko? Agad akong bumulagta sa sahig at nawalan ng malay. Ayoko ng mabuhay. Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay.


(End of Flashback)


Unti-unti naaninag ko ang liwanag. Mukhang gigising na nga ako ah. Agad kong minulat ang mata ko. Sinipat ang paligid.


Sa tingin ko nasa hospital ako ngayon. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Jaysen.


Nakatingin sa akin. Ngumiti ako at agad niya akong niyakap. 

Narinig kong lumuluha sila ng sobrang dami. 

Ngumiti ang ako sa kanila, I’m back. 

Nagising ako sa isang bangungot ng nakaraan.

4 comments:

  1. w3w. Ganda talaga.nc chapter kuya dylan.
    I suggest.Eh itul0y2 mu nlang kuya ung kwent0.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po.. yup di ko na po siya puputulin.. hehehehe

      Delete
  2. Ahaha.. Thanks for dedicating this chapter DK... It's a pleasure lalo pa't sa isang napakagandang kwento tulad neto.... Drama ko... Hehe baka sa susunod nasa kwento na ako... Hahaha

    Salamat talaga at nakakawala ng str

    Di ko pa nababasa ang story pero alam ko namang it's worth reading naman lalo pa't gawa mu... =) no kidding, walang halong kasipsipan... Hahaha kagagaling ko lang sa work at nakakawala ng stress... Thanks ulit and more power...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. maraming salamat po.. hahahha.... nakakatuwa naman po na ganun nga po... napapasaya ko kayo.. napapakilig.. maraming salamat po... hahahaa

      Delete