Sunday, September 9, 2012

Bullets for my Valentines- Part 18

Author's Note:

Sa lahat po... ayon.. ngayon lang nakapgpost na hindi naka sched kaya todo bati muna ako as of September 9 at 4 pm.. hahaha

sa mga commentators ko:

1. Dereck
2. Diumar
3. Robert
4. Kiero 143
5. Andy
6. Jaycee
7. Xtian
8. Ian
9. Ryval

Guys salamat po talaga.. kakatuwa mga comment ninyo.. maraming salamat...

sa mga DI KO PO NABANGGIT.... sorry po.. maybe next time po... hahaha.. sa mga gusto mag pabati.. comment kayo or PM ninyo ako sa FB... :))


Dylan Kyle's Diary
presents:

Bullets for my Valentines
Part 18
"They meet again"


Always here,

Dylan Kyle Santos

videokeman mp3
I Love You So – Toni Gonzaga Song Lyrics

************************************************************************


[AJ’s POV]


Feeling better na ako. Ilang linggo na rin ako mula ng makalabas ako ng hospital. Normal naman ang lahat at walang pinagkaiba sa iang araw.


Nakasunod naman ako sa mga lessons na dapat kong habulin.

Everything is fine. Haixt buhay.

Ilang araw na din akong kampante na magaling na ako.

Medyo hindi na kasi ako nahihirapan na huminga. 

Pag nastress lang talaga ako, doon na nag uumpisa.

Pauwi na kami noon at hinahanap ko si Jaysen. 

Maya maya namataan ko na siya na papalapit sa akin.


“Bhie kanina pa kita hinahanap ah.”


“Pasensiya na. ui di kita mahahatid ngayon, biglaan kasing nagpaprcatice si coach eh. Sorry ha.”


“Ayos lang. Ingat ka pag uwi ah. I love you.”


“Opo.”


Si Chad naman ang hinagilap ko. 

Well ayun nakita ko at parang problemado.


“Oh Mr. Mendoza, problema?”


“Haixt ang dami ko pang kailngang tapusin. Kasakit sa ulo. Baka hindi na muna ako makasabay ha.”


“Ah ganun ba. Sige sige. Ingat ka na lang.”


“Sige babye.”


Nakisabay na lang ako sa mga classmates ko.

Well ayun, ang init ng panahon. Pero mahangin naman.

Kaso balita ko eto daw yung malakas mag paitim.

Ayt naman. Well kwentuhan kami ng kwentuhan.

Tawanan lang ng tawanan. Parang walang katapusan. 

Hanggang sa makasakay kami ng jeep.


“Oi AJ, ang sweet ninyo ni Jaysen kanina ah.” Sabi nung isa.


“Adik ninyo.”


“Ayiiieh.. kinikilig siya.” Ngumiti lang ako.


“Ikaw na ang swerte.” Sabi nung isa.


“Ganun talaga mga mababait.”


“Aysus parang di naman.”


“Weh.. oo kaya.” Pakikipag talo ko.


Matapos ang ilang diskusyon, tumigil ang jeep para mag sakay ng mga pasahero.


Well ayun, kasya pa naman kahit papano kaya ayun.

Pero eto, naranasan ninyo na ba yung time na kung saan siksikan na eh nagpapasakay pa din garbe.

Diretso lang ang tingin ko sa daan. 

Medyo pagod kaya ayun low energy.

Tapos hindi ko pa kasabay yung si Jaysen. Haixt. 

I miss him na. Mayamaya bigla ba naman nagtawanan ung apat kong kasama.


“Oh bakit?” tanong ko  sa kanila.


“Ang emo mo. Hindi bagay sa yo. namimiss mo lang si papa Jaysen.”


“Oy hindi ah. Pagod lang ako.”


“Sus sumbong kita dun kasi di mo pala nammimiss yun.”


“Ewan ko sa inyo. Basta pagod ako. Yun na yun.” Sagot ko. 


“Palusot mo. Yaan mo sasabihin namin sa kanya na miss na miss mo na siya.”


“Alam na niya yun.” Sabi ko at nagtawanan kaming lima.

Mayamaya nakaisip ako ng joke para hindi naman ako pag kaisahan ng mga ito.


“Oy mga kolokoy, ano sa chinese ang nasaan si mama?” tila napaisip sila apat.


“Uhm. Teka naku, grabe ano ba yun?”


“Paano ang best friend tourism kaya kung anu-ano ang alam.”


“Basta sagutin na lang ninyo.” Sabi ko.


“Aysus ang hirap.”


“Reklamador ninyo eh.”


“Oh sirit na.”


“Edi Siomai Mami.” Sabi ko. At hindi nila napigilan ang mapatawa.


Grabe para silang mga tanga kakatawa. 

Parang kaming lima lang ang tao doon ah. Tawa lang sila ng tawa.


“Benta..” sabi nung isa.


“Naman talaga. Ako pa.”


“Oh ano pang alam mo?”


“Eh ano naman sa Chinese ang tito nasaan si tita? At vice versa?” napaisip ulit ang apat.


“Grabe ang daming alam ha.”


“Sumagot na nga lang kayo.”


“Okay okay.”


“Oh ano na?”


“Nagmamadali?”


“Dali na.”


“Oh sirit na.”


“Eh di Tsong si Tsang o kaya Tsang si Tsong.”


At bumulwak ang tawa nilang apat. Parang wala ng bukas ang daritang pa sa kakatwa.


“Oi tama na. aba hindi makagetover.”


“Eh ikaw naman kasi eh bentang benta.”


“Kasalanan ko pa ngayon?”


“Oo.”


“Sus.”


Biglang nagbulungan yung dalawang babae nakasama namin. 

At ano na naman kaya ang pinagbubulungan nitong mga ito.


“Oi.” Sabi nila.


“Bakit?”


“May gwapo.” Sabi nung katabi ko na babae.


Tinuro nila yung lalaki na nasa dulo. 

Nakatingin ito sa akin at nakangiti ng pagkalakai-laki. 

Sinuri ko ang mukha niya at parang namumukhaan ko ang taong ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit nung makilala at maaninag ang mukha niya, tumibok ng napakalakas ang dibdib ko. 

Grabe, nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng isang blangkong expression.


“Type ka ata pre.” Sabi ng kasama naming lalaki.


Kung alam ninyo lang kung sino ito magugulat kayo. Sabi ko sa sarili ko.


“Ang gwapo niya.. swerte mo ah… ikaw na ang gifted…”


Hindi ako makapag salita sa sobrang gulat. 

Ano ang ginagawa niya dito?


[Chad’s POV]


Grabe sakit sa ulo talaga. Haixt. 

Bwisit naman kasi ang professor namin sa English eh. Paano ba naman daming pinapagawa. Haixt.


Namro-mroblema tuloy ako. Maya maya nag text si Arkin.


“Ei pauwi na me.” Sabi niya. Buti na lang at nagtext siya kaya eto at nakangiti ako.


“Ingat ka.” At inintay ko na lang siya mag reply.


“Oi bakit ka nakangiti?” tanong sa akin ni Janno.


“Wala.”


“Ei may nabasa ka lang sa text mo ngumiti ka na jan.”


“Wala nga. Malisyoso ka lang talaga.” Sabi ko.


“Ei share naman jan.” sabi ni Shane.


“Isa ka pa.”


“Taray ni ate oh.” Sabi ni July.


“Hindi kaya.” Dipensa ko.


“Bat ka nag bu-blush?”


“Hindi ah.”


“Oo kaya.”


“Wag ninyo akong pagtripan.”


“Sige na nga. Back to work na.”


“Okay.” Sabay sabay na sabi.


Yes at last, after 20 minutes ay natapos na din kami. 

After nun pumunta muna kami sa gym para mag pahinga. 

Di namin aakalain na may practice pala ngayon.

Nakita ko agad si Jaysen. 

Nung makita niya ako kinawayan niya agad ako. 

Well, he is a great athlete. 

Wow ha, ang gwapo niya sa jersy niya. 

Tapos kumikintab pa yung pawis niya. ang sarap punasan. 

Ang landi ko. Lagot ako sa best friend ko.

Then yung mukha niya, ang amo amo. 

Tapos yung bandang ano, alam na. bigla akong napatigil sa mga iniisip ko. 

Shit, bakit ko sinasabi to. 

Bakit ko iniisip yan?

Sinampal ko ang mukha ko at nagsitinginan sila sa akin.


“Ah ehh.. may lamok..” palusot ko. At yun binalik nila yung tingin nila sa nag practice.


Grabe ang galing niya mag basketball. 

Kaya hindi kataka taka kung kinuha siyang varsity. 

Ang swerte talaga ni best friend. 

Kapag tumitingin si Jaysen sa akin, ngumingiti siya.

Hindi ko alam pero parang namumula na ako. 

Adik talaga yun. Haixt. 

Ang cute at gwapo talaga niya. 

the best si best friend. 

Hope magkaroon din ako ng ganun na boy friend.

Ang sweet kasi ni Jaysen kay AJ at talagang pinapakita niya na mahal na mahal niya ito.

Ako kaya, kalian ako makakatagpo ng ganito. Haixt.

Hope sana na magkaroon din ako ng ganun. 

Ang tagal ng pagkakatitig ko kay Jaysen.

Pinanood ko siya kung paano siya mag laro.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang makadikit ang tingin ko sa kanya.

Kahit na nag uusap kami ng mga ka grupo ko, di ko pa ring maiwasn ang titigan siya. 

After 30 minutes ay natapos na rin sila. 

Nag dadaldalan pa rin sila. Haixt naku sila talaga.

After 10 minutes nag desisiyon na kaming umuwi. 

Sa time na ito eh nakangiti na ako at hindi na nabobore. 

Haixt buhay nga naman.

Palabas n asana kami ng gym ng bigla kong makabangga ang isang tao.


“Aray..” napatumba ako dahil sa laki nito. Ang tigas pa ng katawan. Parang pader ah.


“Pre sorry… oi Chad ikaw pala yan.” Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.


Inabot niya ang kamay ko at iniabot ko naman ito. nung tinayo na niya ako, biglaan to kaya napasubsub na naman ako sa kanya.


Napahawak ako sa dibdib niya. bakit ganun, ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng bigla akong napahawak sa kanya? 

Ano ba ang nangyayari sa akin?


“Ui, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni July.


“Ah eh…” bumitaw na ako at lumayo kay Jaysen.


“Oo.”


“Pauwi ka na ba?” tanong ni Jaysen.


“Yep.”


“Ah sabay na tayo.” Sabi nito.

 Tinignan ko naman ang mga itsura ng babae kong kagrupo, parang mga timang sila eh.

Nang makasakay kami ng jeep nag kwentuhan kami ni Jaysen.


“Akala ko kasabay mo si AJ pauwi?”


“Ah hindi eh. Kasi nag practice kami.” Sagot niya.


“Ah. Naku dapat hindi mo iniiwan na lang ng ganun best friend ko mamaya may makita yung iba sige ka.”


“No way. Ako lang mahal nun. Di yun titingin sa iba.” Confident na sabi niya.


“Kelan ba monthsary ninyo?”


“Sa makalawa na eh.”


“Ice-celebrate ninyo ba?”


“Para sa akin oo dapat.”


“Ano balak mo?”


“Mag date kaming dalawa.”


“Saan?”


“Basta. Hahaha. Ako na bahala. Pati wala naman na pasok kinabukasan kaya pwede kaming gabihin.”


“Ah okay. Swerte ni best friend.”


“bakit naman?”


“Kasi mahal na mahal mo sya. Oi  ikaw wag mong lolokohin ha.”


“Oo naman.” Bigla siyang lumingon sa may driver at inaabot ang bayad.


“Kuya bayad po dalawa po yan, dalawang ***** **** po.” Sabi nito.


“Oi ako na mag babayad.” Sabi ko.


“Wala naibayad ko na. pati minsan lang to.”


“Salamat”


“Di ka na pala nag papasundo sa driver ninyo?”


“Hindi na eh. Kasi sabi ko gagabihin ako. Kaya ayun.”


“Ah okay.”


“Ikaw ba?”


“Sira kasi wheels eh kaya ayun.”


“Ah kaya pala.” Ngumiti naman siya ng kay tamis.


Jaysen wag ka ngang ganyan. 

Nagpapacute ka ata sa akin eh. Takte. 

Pilit ko man tanggalin ko sa isip ko yung mukha niya hindi ko magawa.

Akala ko nawala na yung pagkagusto ko sa kanya pero nandun pa rin pala. 

Akala ko natanggal na, pero hindi na dapat ako nagkakagusto dito.

Kawawa naman ang best friend ko. 

Ayokong pagtaksilan ang best friend ko.

Nang makababa na kami, nakita ko bigla si Arkin na nakaupo sa may Mini Stop at nakatulala. Bakas sa kanya na umiyak siya.

Ano kaya ang ginagawa niya dito?

Napaisip ako at naalala ko na papuntang dito rin pala ang bahay nila.

Pero bakit sya umiyak?

Ano kaya ang nangyari?


“Ui Jaysen, una ka na?”


“Bakit?”


“May kakausapin lang kasi ako.”


“Sama na ako.”


“Wag na. daanan mo na lang si best friend.”


“Okay. Teka may bibilhin lang ako sa Jollibee.” Sabi niya.


“Okay.” Nag hiwalay na kami. Katabi kasi ng ministop yung Jollibee sa amin kaya ayun.


Dumeretso ako kay Arkin at pinuntahan siya. 

Nakatulala pa rin siya at halos walang imik ng bigla akong nagsalita.


“Arkin.” Hindi pa rin siya gumagalaw.


“Arkin… Arkin…” di pa rin.


Hinawakan ko na siya kaya nagulat siya sa ginawa ko.


“Oi.” Sabi niya.


“Problema?”


“Wala naman.” Sabi niya.


“Bat ka ganyan?”


“Wala to.”


“Weh.”


“Oo nga.”


“Di ako naniniwala.”


“Wala nga eh.”


“Aysus. Kung wala, bakit parang ugaga ka jan? may problema ka eh.”


“Ah eh…”


“Wag ka ng mahiya. I-share mo na sa akin. Promise ko naman na hindi ko ipagkakalat. You can lean on my shoulders now.”


“Talaga?”


“oo naman.”


“Salamt bro.”


“So ano nga problema?”


“Hindi naman siya problema eh.”


“So ano nga?”


“Nakita ko na yung hinahanap ko.”


“Yung ex mo?”


“Oo.”


“Oh ano ang nangyari?”


“Nakasabay ko siya sa jeep kanina pauwi.”


“Tapos?”


“Sobrang saya ko kasi nakita ko na siya pero mali pala ako.”


“Bakit?”


“Nung nagkausap kami halos ipag tabuyan niya ako. Galit nag alit pa rin siya sa akin.”


 Ikinuwento niya ang lahat lahat sa akin. 

Nakikita ko na maluha-luha na siya. Piipigilan lang niya.


Nararamdaman ko na mahal na mahal pa rin niya yung ex niya. 

Di naman siya nagkakaganyan kung wala lang eh.

Ramdam ko kung paano niya gustong maibalik ang taong mahal niya. 

Napaka tanga naman nung taong yun, ayaw pa niyang balikan siya.

Di ba niya malaman na mahal na mahal siya nito at gusto niya itong balikan. 

Pinagsisishan na nito ang nagawa iya pero hindi pa rin niya ito mapatawad.


“Ang sarap suntukin ng lalaking yun. Kung makita ko lang siya, dadapo talaga kamao ko dun.” Sabi ko.


“Hindi ko din naman siya masisisi eh.”


“Pero kahit na.”


“Di pa rin ako titigil…”


“Tanga ka ba? Bakit ayaw mo ba siyang tigilan?” medyo tumaas na ang boses ko.


“tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Ganyan ka kapag nagmamahal ka, nagpapakamanhid ka. Nagpapkatanga ka.”


“Pero.”


“Oo ganyan yun. Kung naransan mo ng magmhal sana ganun rin ang naramdaman mo.”


“Oo nagpakatanga ako dati. Pero wala na yun ngayon dahil niloko lang ako. Pinagpustahan lang nila ako. Pero may panahon para tanggalin ang pagka tanga.”


“Pero.”


“Wala ng pero-pero. Gumising ka nga sa katotohanan.”


“Mahal ko pa rin siya.”


“Move on.”


“Ang gusto ko lang naman ay maliwanagan siya eh.”


“Pero di na tama yan.” Napaisip siya bigla.


“Alam mo. Kahit naman magkaliwanagan kayo, ano magiging diperensiya. Galit pa rin siya sayo. At malay mo may boyfriend na siya.”


“Pero suot niya yung binigay kong necklace, sing sing at bracelet.” Sabi niya.


“Dun lang ba nasusukat yun?”


“Alam ko na mahal pa rin niya ako.”


“Pero paano…”


“Hindi. Mahal pa rin niya ako. Hindi ako titigil hanggang sa marinig ko mula sa bibig niya na hindi na niya ako mahal.” Ang sabi niya. ako naman ang napatigil.


“Ang swerte naman nung lalaking yun.” Hindi siya nagsalita.


“Mantakin mo mahal na mahal mo siya at hand among gawin ang lahat para sa kanya.”


“Ganyan talaga pag nagmamahal.”


“Hehehe. Siguro nga.” Biglang tumunog yung phone niya.


“Oh hello baby.” Sabi niya. Baby? What?


“yup. Pauwi na si daddy. Oo, may kwento ako sayo mamaya ha. May good news ako. Pasabi sa lola mo take her vitamins tapos kain na kayo jan ha?”


Teka may anak na to. Pero… pero. Sayang naman. Nasaan na yung asawa nito? Este yung nanay ng anak nila?


“Okay. Sige dadaan ako sa Jollibee.”


“Okay okay. Sige sige. Bye I love you baby. Kiss muna sa daddy.” Ang sweet namang daddy nito.


“Sige alis na ako ah.hinahanap na ako ng babay kio eh. Sige bye.” Sabi niya.


Hindi na ako nakapag tanong pa. grabe may anak na siya. Pero ang bata pa niya. sigurado akong gwapo or maganda yung anak niya.


[James’ POV]


Kasasakay ko pa lang ng jeep. 

Grabe nakakapagod talaga. 

Ang dami pang kailangan i-submit next week. 

Buti na lang at marami pag time. Nakakastressed talaga.


Bale lilipat na naman ako next year at credited lahat ng units ko kaya no need na kung ano pa yung gawin.



Maya maya nakarinig ako ng ingay galing sa mga nakasakay well ang saya-saya nila. 


Pero nakuha ng isa ang atensyon ko.



Pamilyar ang boses niya sa akin.


 Hinagilap ko kung kanino nanggaling ang boses nito. 


Maya maya nakita ko ang mukha ng nagsasalita.


Bakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan. 


Bumilis ang tibok ng puso ko at natuwa ako sa nakita ko. 


Sa wakas muli, nakita ko na siya.


Nakita ko ang labis na pagkasaya niya. yung saya na binawi ko dahil sa ginawa ko. 


Tinitigan ko ang mukha at naalala ko pa rin yung dati. 


Naalala ko na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.


(Itutuloy)

4 comments:

  1. yes at las they meet again. I hope this c0uld be the beginning ng naunsyameng pagmamahalan. W3w. First.

    ReplyDelete
  2. hahahaha... salamat... stay tune pa sa ibang chapters.. :))

    ReplyDelete
  3. Sa wakas nagkita narin sila... Pero parang bitin ang eksena... Go James! Ipaglaban mu na c AJ para mapasaakin na c Jaysen... Ahahahaha

    ReplyDelete
  4. hahahaha....lakas talaga ng hatak ni Jaysen... hahahah

    ReplyDelete