Saturday, December 8, 2012

Bullets for my Valentines- Part 43



Author's Note:

Sorry guys... ngayon lang ako nagkatime.. sobrang dami kasi ng ginagawa... ayon bakasyon na namin kaya may time na ako... haixt....

nakakalungkot lang nawala na yung mga commentators.... hahaha... pero okay lang yan.. tiwala lang... salamat sa mga natitiurang nagcocomment... love you guys....


alam ko medyo mahaba na siya pero malapit na siyang matapos.. ilang sipa na lang... hahaha

Thanks sa mga nag message sa akin sa fb.. sorry ah kasi ngayon lang ako nakapagreply..... hahaha...

*****************************************************************

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 43
"Mine" 


Always here,

Dylan Kyle Santos

______________________________________________________________________


[James’ POV]

April na at tapos na din ang isang taon ng pag aaral. Magpapasama ako kay mama mamaya, pupunta kasi ako sa school nila AJ at mag e-enroll.

Open na yung enrollment nila nung September pa. Inunti-unti ko na nga eh.

“Daddy.. pupunta tayo school ni daddy?”

“yep....”

“Sabihin mo kay daddy ah.. attend siya sa recognition namin...”

“Oo.. nasabi ko na baby...”

“yehey...”

Ang talino nitong batang ito. Nagmana ata kay Arwin Jake. “Tara na?”

“Opo...”

“Tawagin mo na lola mo.”

“Okay po.”

9 am kami umalis ng bahay. Sana hindi ganoon kadami ang nag e-enroll. Ngayon yung kuhanan ng FGR nila AJ kaya magkikita kami. Tinext ko na nga siya na ngayon ako mag eenroll.

“Ei.. andito na kami..” sabi ko kay AJ sa kabilang phone.

“Ah.Aandito pa ako sa may taas, diretso ka na malapit na ako. Nakapila lang ako..”

“Okay sige sige....” tapos binaba ko na yung phone.

“baby tara na.. hahabol na lang daw daddy mo.”

“Okay po.”

Dalawa na lang naman ang gagawin ko,  ID picture at mag pass nung ibang requiremnts at magbabayad. Inuna ko muna yung pagbabayad tapos dumeretso sa may ID picture station. After nun tinapos ko na yung gagawin. Natapos naman ako before mag 10.

Nagtext si AJ sa akin. “Saan ka na?”

“Katatapos lang.”

“Nandito ako sa caft... san ko kayo pupuntahan?”

“Sa may tapat ng bookstore...”

“Okay sige...”

Naghintay na lang kami nila mama doon. Maya-maya dumating na din si AJ at kasama niya mga katropa ata niya.

Agad naman na sumalubong si Khail sa daddy niya.

“Oh andito pala ang baby ko.” Bati ni AJ.

“Daddy... labas tayo... dali na..” yaya ni Khail.

Nakita ko yung itsura ng mga kaibigan niya. Lahat sila nagtatanong siguro kung bakit daddy yung tawag ni Khail.

“Anak mo? My God AJ di mo sinabi. Ang cute ng batang ito oh, sana sinabi mo. Di mo man lang kami pinag ninang....”

“Adik ninyo! Ahahaha. Yup, baby ko nga pala... si Khail.”

“Ah. Hello baby, ako tita Angel mo..”

“Hello po...”

“Ang cute. Sino nanay niya?”

“Anak namin.” sabat ko.

Lahat naman sila lalong nagulat. Eto oh >>>>>>>>>>>>>> O.O

“Wow... amazing...” ang nasabi nila.

“May nabuo pala kayong dalawa.”

“Hoy adik ninyo! mga iniisip ninyo...” sabi ni AJ.

“Tara na.” Sabi ko.

“Yeah. Tara na baby... hahah.” Sabi ni AJ.

Pagtalikod ko, ikinagulat ko ang nakita ko. Halos di ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Para akong nakakita ng isang multo na tinatakasan ko.

[AJ’s POV]

“Yeah. Tara na baby... hahaha.” Sabi ko Khail.

Sa pagtalikod ko papuntang parking area, nagulat ako sa isang taong nakatayo sa aming harapan. Halos di ako makahinga. Pigil hiinga ko siyang hinarap.

“Ch-Chad...” ang nautal ko.

“Hello.” Bati niya.

Paano na to, mukhang malalagot na ako nito. Naabutan niya kaming magkakasama. Kasama ko si Kahil. Kailangan mailayo ko dito si Khail.

“Ka-kanina ka pa ba jan?” tanong ni James.

“Hindi kadarating ko lang. Natanaw ko kayo kaya pinuntahan ko kayo.” Sagot ni Chad.

“Ah ganun ba.. ah eh... nakuha mo na FGR mo?” tanong ko.

“Kukunin ko pa lang.”

“Ah ganun ba. Ingat ka po.” Sabi ko.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya kay James.

“Ah eh. Nag enroll ako.” Sagot ni James

“Ah... nice... makakasama din kita.” Biglang sabi nito.

“Baby...dun ka muna kay lola mo ah.” Bulong ko kay Khail.

“Pero bakit daddy?” sabi nito.

“Kamusta ka baby? Haha. Tanda mo ba ako? Ako si Tito Chad mo?”

“Opo.” Sabi ni Khail.

“Oh anong problem?” tanong ni Chad.

Grabe, pawisan na ako dito. Tagtulo na ang pawis ko dahil sa kaba. Please Khail don’t speak too much.

“Aalis po kami nila daddy eh.. gusto ko na pong umalis...” sabi ni Khail

“Ah ganun ba? Aalis na naman kayo eh.. diba? Pasalubong ko ah.” Sabi ni Chad.

Biglang tumakbo si Khail kay James. Walang magawa si James. Tumingin na lang siya sa akin.

“Daddy.. tara na po... gutom na ako.... dali na...” yaya ni Khail.

Tinignan ko ang reaksyon ni Chad. Nakita ko na naguguluhan siya.

“Di-diba eto ang daddy mo baby?” sabi ni Chad.

“Namimiss niya lang daddy niyang isa...” palusot ko.

“Opo.. dalawa po silang daddy ko.” Ang sabi ni Khail.

Para akong mahihimatay sa kinatatayuan ko. Feeling ko gusto ko na lang na mag disappear sa kinalalagyan ko.

“Diba ang daddy mo eh yung ex ng daddy mo?” tanong ni Chad.

“Daddy ano po yung ex? Diba kayo ni daddy Arwin yung mag asawa...” sabi ni Khail

Nakita kong tumayo si Chad at tinitigan ako. Nakakita ako ng mga namumuong luha.

“Ch-Chad.. mag... magpapaliwanag ako..” ang nauutal kong sabi.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

“wag mo akong hawakan!”

Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata. At ang sunod ko ng namalayan ay yung pagtakbo niya palayo. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinalalgyan.

“AJ...” tawag ni James.

“Una na kayo sa sasakyan. Kakausapin ko lang si Chad.” Ang sabi ko.

“Pabayaan mo muna siya.”

“Hindi, una na kayo.”

Agad akong tumakbo at sinundan si Chad. Di ko alam kung anong sasabihin ko, kung papaano ko ipapaliwanag ang lahat lahat.

Naabutan ng mata ko si Chad na nakaupo sa may parking lot na malapit sa White Snacks.

Nang maramdaman niya na naroroon ako, agad siyang tumayo at sinuntok ako sa mukha. Hinawakan ng kamay ko ang mukha ko saka siya hinarap.

“Sorry.... sorry Chad...”

“Sorry? Sorry lang masasabi mo? Taena mo. Nag mukha akong tanga. Akala ko kaibigan kita, hindi pala. Daig ko pa ang sinaksak nang patalikod. Gago ka!”

“kaibigan mo naman ako eh. Hindi ko lang nasabi agad na...na ex ko si James.”

“Ah.. James nga naman... hindi Arkin.... Hindi rin Jethro...ang galing.. ang galing mo... walang hiya ka!” Sabi niya.

“Ilang beses kong gustong sabihin sayo, pero hindi ako makakuha ng bwelo. Maraming beses kong kinuha ang atensiyon mo kung maalala mo, pero mailap yung pagkakataon.”

“Wag mong idahilan yan. Alam mo ba? Alam mo ba na ngayon nagdurusa ako? Ngayon nagluluksa ang puso ko dahil sa hindi ako ang pinili ni Arkin este James? Nagbabalak pa akong magpatulong sayo pero ikaw pala...ikaw pala ang karibal ko!”

“Makinig ka! Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko sinasadya na mahalin ulit si James.”

“Alam mo kung ano ang mali mo? Niloko mo ako,  pinaikot mo ako!”

“Hindi totoo yan! Pinigilan na kita dati pero di ka nakinig.”

“Sige ako na may kasalanan! AKO NA! Aakuin ko na na ako ang may kasalanan. Nahiya naman ako sayo!”

“Wag tayo mag usap dito. Nakakahiya, maraming tao.” Sabi ko.

“Bakit natatakot ka? Nahihiya ka? Na niloko mo ang sarili mong best friend?”

“Hindi kita niloko at alam mo yan.”

Susuntukin sana ako muli ni Chad pero napigilan siya ni James.

“Tumigil ka na!” sigaw ni James.

“Ang sweet pinagtatanggol ang mahal niya. Perfect lovers. Perfect. Perfect manloloko.” Sabi nito.

“Itigil mo na to Chad....”

“Ikaw!  Kaya pala,  kaya pala ayaw mo sa akin. Kasi dahil sa lalaking yan! Lahat na lang! Lahat na lang!”

“Nag usap na tayo noon. Hindi ka pa rin nakinig sa akin.”

“Mahal kita Arkin! Mahal kita!”

“Pero mahal ko si Arwin.. si AJ....”

“Lagi mo na lang inaagaw sa akin ang lahat! Yung kay Jaysen.. ngayon si Arkin...” bulyaw niya sa akin.

“Wala akong inaagaw... wala!”

“nahiya naman ako sa kainosentahan mo... ayos lang sana kay Jaysen eh... crush ko lang siya.. pero pag mahal ko na ang labanan... jan tayo magkakatalo.. pasensiyahan na...”

“Please.... makinig ka sa akin.. mag usap tayo nga ayos...” sabi ko.

“Hindi pa ba ayos to? Broadcast na broadcast pa nga eh....”

“Please...”

“tama na AJ. Sawang sawa na ako sa anino mo... lagi na lang ikaw.. ikaw ikaw....”

“Pero.”

“Lagi na lang na makikipag kumputensiya ako.”

“Wala namang dapat i-kumpitensiya eh..”

“Meron.. kaya pala noong nasa ospital ako.. ang lakas ng loob mo na kumbinsihin ako... ang kapal ng mukha mo..”

“Ginawa ko yun para sayo..”

“Selfish ka... aminin mo yun... wala kang kwenta!”

Agad siya tumakbo palayo habang ako naman ay pinapanood siya habang unti-unting nawawala sa aking paningin.

Naiwan ako na umiiyak. Hindi ko aakalain na ganito ang magiging tagpo namin. Maraming tao ang nakatingin sa amin at nagbubulungan.

“AJ tara na.” Yaya sa akin ni James.

“Pero... si Chad...”

“Hayaan mo muna siya.. nabigla lang yun.. mag kakaayos din kayo.”

Tumayo na ako at umalis na. Habang nasa byahe kami, nakalutang yung isip ko. Hindi ko alam kung paano kami magkakabati.

Bukas kakausapin ko siya. Nag punta kami sa mall pero ang isip ko lutang pa rin. Hindi ko kasi maiwasang isipin yun.

“AJ... kain ka na.. hindi mo pa ginagalaw pagkain mo.”

“Di ako gutom.”

“Daddy.. may problema ka po ba?”

“Baby.. okay lang ako.. medyo masama lang pakiramdam ko.”

“Anak... kain ka na.. wag mo na munang isipin yun.. alam ko magiging okay din ang lahat.” Sabi ni mommy.

“Salamat po...”

“Hayaan mo.. makikipag usap ako sa kanya.... aayusin ko ang lahat....”

“Sasama ako.”

“Sa ngayon hayaan muna natin siya... palipasin muna natin yung sakit na nararamdaman niya.”

“Sana maging okay na ang lahat.”

“Kaya kumain ka na.”

“Sige.”

Hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Yung mga mata niya, nakita ko ang pagluluksa, galit at pighati.

Naawa ako sa best friend ko. Sarili kong best friend kaagaw ko. Daig ko pa na binaril si Chad ng patalikod. Paano ba maayos ang gulong ito?

[Chad’s POV]

Habang tumatakbo ako palayo, kasabay nito ang pag durog ng puso ko. Hindi ko inaakala na ang sarili kong best friend ang makakagawa sa akin ng ganito.

Walang hiya siya, ni hindi niya ako inalala. Sa lahat ng tao bakit siya pa. Nakakainis, gusto ko siyang paulanan ng bala. Nanggigigil ako.

Habang nagpapakasaya siya sa piling ni Jaysen, hindi ko alam na meron pala silang nakaraan ni Arkin. Pinaglaruan ba ako ni AJ? Pero bakit?

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sa lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko, si AJ ang di ko inaasahan na gagawa sa akin nito.

Hindi ko macontact si Aldred kaya si Jaysen ang tinawagan ko.

“Hello Jaysen.. pwede ka ba mamayang gabi? Please.. I need someone to talk.. please...”

“Okay sige, saan ba?”

“Punta ka na lang sa bahay namin.”

“Okay sige, ayos ka lang ba?”

“Im doom. Sige bye na”

At binaba ko yung phone. Nagmadali akong pumunta sa bahay para magkulong sa kwarto. Kailngan kong ilabas ito.

After 30 minutes ng byahe, nakarating din ako sa abhay. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ko ang isang bote ng alak. Si papa lang ang umiinom noon at ngayon ko lang titikman.

Kumuha din ako ng yelo at baso. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa laak para kahit sa sandaling panahon, maiahon ko ang sarili ko sa mga problema.

Tagay dito, tagay diyan. After kong maubos ang isang bote ng alak, kumuha ako sa baba. Well, medyo nagugustuhan na ata ng katawan ko ang alak. Nasanay na siguro.

“Sir.. tama na po yan..”

“Wag mo kong pakialaman! Wag kang magsusumbong kila mama ha.. humanda ka sa akin..”

Agad akong umakyat at nakasalubong ko si Kuya.

“Kung magpapakamatay ka, wag yan mas mahihirapan ka. Ayan ang hagdan magpakahulog ka. Kung magpapakamatay ka na lang din lang ay aga-agahan mo na. Mura pa ang lupa ngayon.”

“Wag kang makialam.. hindi mo alam pinagdaraanan ko.”

“Oo hindi nga.. pero alam mo ba pinagdaraanan nila mama para sayo? Sinasayang mo buhay mo, alam mong mamatay ka pag ginawa mo yan pero yan ka pa rin...”

“Hayaan mo ako kuya! Gusto kong mawala problema ko.”

“Ang alak, panandalian lang yan. Pag nahulasan ka, yang problema mo nanjan pa rin.”

“Kahit saglit lang kuya. Pag bigyan ninyo ako, kahit sandali lang. Gusto kong maramdaman na wala akong sakit, na wala akong problema.”

“Wag masyadong marami, please. Para yang tuko eh, hindi aalis hanggat hindi tinatanggal. Mahirap pag kumapit sa balat kasi mahirap alisin.. ang problema mo isipin mo lamok lang yan.. isang palo lang.. patay na...”

Ngumiti lang ako at pumasok sa kwarto. May point si kuya, pero kailngan ko to. Mas makakagaan sa dinadala ko ito.

Isang oras din at dumating na si Jaysen. Dumeretso siya sa kwarto ko. At pag kadating niya agad niya akong sinermonan.

“Hoy.. anong arte to?”

“Oi! Anjan ka na pala...”

“Ano bang pinag gagawa mo dito? Amoy alak ah.”

“Tara! tagay tagay lang...”

Pinulot niya mga nagkalat doon.

“Ano bang nangyayari sayo? Daig mo pa depress na depress ah.”

“If only you know..”

Lumapit siya sa akin at hinila ako. “Tumayo ka diyan.”

“Ei ano ba?!”

“Maligo ka doon.”

“Pabayaan mo ako..”

“Ang arte nito, dali na.”

Hinila ko siya at hinalikan. Alam kong nagulat siya pero talagang hinalikan ko siya. Naramdaman ko na unti-unti rin siyang bumibigay.

Hinarap ko siya at tumayo. Hinila sa may kama at naghubad ng damit. Pero natigilan siya at saka tumayo.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Wala na naman kayo ni AJ diba? Kaya pwede na natin gawin to.”

“Kahit na.... best friend mo siya..”

“Don’t you dare say na best friend ko siya.”

“May problema ba?”

“Maghubad ka. Let’s make love.”

“Tigilan mo nga to!”

“Niloko niya ako! Niloko niya tayo!”

“Di kita maintindihan.”

“Nakilala ko na yung ex niya!  Kilala ko na!”

“Kilala ko din siya... yun na nga diba? Kinuwento ko na sayo dati.”

“Gago ka bakit hindi mo sinabi?”

“Gusto ko sa kanya mismo nagmula.”

“Niloko mo din ako.”

“Hindi kita niloko...”

“Ang sakit.”

“Alam ko.”

“Bakit siya pa?”

“Hindi ka niya niloko. Alam ko kung gaano niya sinubukang sabihin sayo..”

“Wag mo siyang ipagtanggol!”

“Hindi ko siya ipinagtatanggol... sinasabi ko lang yung totoo.”

“Whatever.”

“Kaya itigil mo na yang pagmumukmok.”

“Mahal ko si James kaya hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng ex mo.”

“Mahal ko din naman si AJ ah. Pero nag paraya ako.”

“ganun na lang ba lagi? Ni hindi ko ba siya ipaglalaban?”

“Alam mo, tama na ipaglaban mo ang mahal mo.. pero pumili ka ng oras.”

“Oras?”

“hindi sa lahat ng pagkakataon lalaban ka... kailangan alam mo kung kailan gagawa ng taktika...strategy kumbaga. Kung susugod ka ba o susuko.”

“Hindi ako susuko...”

“Wag kang magpakatanga! Wag mong saktan ang sarili mo.”

“Bakit ikaw? Ikaw din naman ah!”

“At least ako lumulugar ako. Nag paraya ako, bakit? Kasi mahal ko siya. Hindi ka mahal ni James kaya wag kang umasta na inagawan ka ni AJ!”

“Oo hindi niya ako mahal, pero kaya kong patunayan na kaya niya akong mahalin...”

“Kung mahal mo siya dapat alam mo kung saan siya liligaya!”

“Hindi ako duwag na katulad mo, sumuko na lang basta.”

“Duwag? Paano naging duwag yun? Mas duwag pa ang tao kapag nagpakatigas siya ng ulo.. hindi pagkaduwag yun.. pagmamahal yun...”

“Kung hahaba pa ang buhay ko ayos pa eh.. pero ngayon..mabibilang mo na lang.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“May sakit ako, maaaring mamatay na ako. Kaya kung sinasabi mong magparaya ako, hindi ko magagawa iyon.”

Nakita kong napamaang siya sa sa sinasasabi ko.

“Totoo yun.. kaya hindi mo ako masisisi kung sakaling ipaglaban ko siya... dahil sa paningin man ng iba, mahal ko si Arkin.. mahal na mahal.. kaya kahit sino pang Hudas ang tumutol at humarang sa akin.. wala ng makakpigil pa. Kahit ikaw pa, sila mama, kuya... wala. Walang sinuman!”

(Itutuloy)

5 comments:

  1. karma really strikes hard for chad... at sya pa ang may karapatang magalit..

    at yehey mamamatay na sya...
    can't wait for the next chapter...

    -mans-

    ReplyDelete
  2. Sorry Kuya Dylan di ako nakapgcomment last chapter :) hahaha so anong palabas meron kay Chad ??? Nakakainis siya and inferness sa wakas lumabas na si Jaysen sa lungga niya and tanggap na niya abot kay James and AJ Aylabet ilang chapters na lang kuya Dylan ???

    ReplyDelete
  3. hahaha..salamat po sa mga comments.... :')

    ReplyDelete
  4. sino may kape? paki bigyan si Chad please :)

    ReplyDelete
  5. burol talaga?? hahaha... kayo talaga... hahaha

    ReplyDelete