Saturday, December 29, 2012

Bullets for my Valentines- Part 50



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 50
"Masakit magmahal"

Always here,

Dylan Kyle Santos




 
Paramore - Myheart - Paramore

************************************************************************


[James’ POV]

“Sasama ako.” Pagpipilit ni Chad.

“Baka kung mapaano ka eh.”

“Gusto kong sumama.. gusto kita makasama...”

“Lagot ako kapag kung mapaano ka.”

“Ayos lang ako..”

“Pero...”

“Siguro kaya ayaw mo akong isama kasi nandun si AJ... baka may usapan kayo... at baka nga di naman talaga kayo mag reresort pero mag kikita lang kayong dalawa....”

“Hindi yan totoo..”

“Baka nga may usapan talaga kayo.. kaya ayaw mo ako isam...”

“SIGE NA! Pack up your things...”

“Hahaha... gotcha... sige.. wait lang.....” umakyat na siya at saka ko tinawagan si Cris.

“Pre... pasabi kila pareng Dylan na sasama ko si Chad ha.”

“Pre.. seryoso ka? Alam mo naman na kasama din si Arwin diba”

“Wala na akong magagawa eh...”

“So ano ba kailangan naming iprepare? Boxing ring? Gloves? Knife or what?”

“Funny.. grabe...”

“Sige na... okay sasabihin ko... ingat kayo Mr. Lover Boy...”

Binaba ko na yung phone at aalis kami first thing in the morning. Haixt. I don’t know if ano ang mangyayari. Basta aagapan ko na lang kung ano ang mangyayari. Pero kiankabahan ako, makikita ko ulit si AJ, at makikita niya kami, kaming dalawa ni Chad na mag kasama.

Umakyat ako sa kwarto ni Chad at saka nagpaalam a umuwi.

“Ei... paalam ka sa daddy at mommy mo ah.. uwi na ako.. sunduin kita before 5 am ha.”

“Sige po...” yumakap siya at hinalikan ako sa lips.

I kissed him pero naging agresibo ang mga kilos niya kaya agad ko itong inawat.

“Alis na ako....” paalam ko.

“Okay.. ingat.. I love you...” sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka umalis.n di ko na isinama si Khail, si amma na rin ang nagsabi na wag na daw since may pasok pa siya.

Maaga ako umalis at sinundo si Chad. Natulog siya sa kotse habang nag drive naman ako. Happy ako na medyo okay na siya. Doing well na daw siye pero hanggang ngayon ayaw pa rin niya magpa opera. Haixt.

Tinawagan ko si Dylan. “Pre... san ba magkikita kita?” tanong ko.

“Doon na lang sa bahay sa Batangas.. alam mo na yun diba? Tawag ka na lang pag naligaw ka ah...”

“Okay sige....”

2 hours din ang byahe namin bago kami makarating doon. Nauna sa amin sila Dylan sumunod naman kami at sumunod sila. Pagkadating namin, medyo nahilo si Chad kaya sabi ko pagamit ng kwarto.

Umakyat kami at doon pinagpahinga ko si Chad. Nantili ako doon habang yung iba nag ayos na ng kwarto.

“Uhmpft..” biglang nagising si Chad.

“Okay ka na ba?”

“Oo...” ngumiti siya.

Maya maya may narinig kaming tawanan. “Baba na tayo..” sabi ni Chad.

“Sige...”

Bumaba na kami at nagulat ako sa nakita kong kasama ni Arwin. Maging sila natahimik ng bumaba kami. Nakita ko ang pagkagulat ni Arwin ng makita si Chad na kasama ko. Pero teka, bakit nandito si Kuya. Anong ginagawa ng lalaking yan?

“Kuya... anong? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Hey kapatid... wui.. may kasama ka pala...”

“Sagutin mo tanong ko!” di ko mapigilan ang mainis.

“Kasama ako ni babe....”

“Babe?”

“Este ni AJ...” saka siya tumawa

Nakuyom ko yung kamay ko. Babe? Sila ni AJ? Shit! Teka, nasaan si Arwin?

Namuti ang mata ko ng makita ko si Arwin. Anong itsura yan? Bakit may hikaw siya sa tenga niya? Fudge!

“Hey... kalma lang... tara na.. kakain na... ilagay na ninyo yung gamit ninyo sa taas.” Sabi ni Johan.

“San kami?” tanong ni Rizza.

“Bale si Angel, Christine at Kaycee dun sa isang kwarto. Tapos si Ivan, Mark at Jaysen naman eh dun sa isang kwarto... si James, Chad at ako sa isang kwarto at si Rizza, Kuya Martin at Arwin dun sa isang kwarto... siyempre si Johan at Dylan solong solo...” sabi ni Cris.

“Magkasamasi Arwin at si Kuya sa isang kwarto? Di ako papayag!” sigaw ko.

Lahat sila napatingin. Nakakhiya man pero hindi ko mapigilan ang manggigil. Hinawakan ako sa kamay ni Chad at tinitigan. Nagbaba na lang ako ng tingin atsaka dumeretso ng baba sa kusina.

[AJ’s POV]

“Mukhang bad trip utol ko sa akin ah?” sabi bigla ni Kuya Martin habang nag aayos kami ng gamit.

“Oo nga eh... pero bakit kasama niya si Chad?” sabi ko.

“Hindi mo ba alam?”

“Ang alin?”

“Matagal na silang magkasama. Nung sinugod si Chad sa ospital magkasama na sila.”

“Si Chad sinugod sa ospital? Bakit anong nangyari?”

“Hindi ko alam.”

“Tara na nga sa baba.”

“Yes babe..”

“Para kang timang kanina.. babe babe ka jan...”

“Sarap lang tripin ng kapatid ko...”

“Baka kung ano ang isipin ng iba...”

‘Edi mas mabuti...”

“Ewan sayo... hahaha...”

Bumaba ako sa likod niya at nagpakarga.

“Hahaha.. dahil jan buhatin mo ako..”

“Ambigat mo ayt....”

Binuksan niya yung pinto at sakto din lumabas si James at si Chad. Natigilan kami sa paghaharutanat ibinaba niya ako. Nakita ko yung matatalim na tingin ni James at nakita ko anman ang ngiti sa mga labi ni Chad.

“Harutan ng harutan.... ang landi...” narinig kong sabi ni James saka niya hinila si Chad pababa.

Malandi? Ouch ha. Ako malandi. How dare him?

“Grabe yang kapatid mo.. baka mapatay ko..” sabi ko.

“Chill lang... malandi ka daw... hahah..”

“Ewan sayo.. tumigil ka jan... sapakin kita jan...”

“Easy lang...”

“Tse ewan...” nagsisigawan kami tapos pagkababa namin lahat sila nakatingin.

“Hey sweet lovers kain na.. mamaya na kayo mag harutan...” sabi ni Cris.

“Hahaha... I sense war...” sabi bigla ni Rizza.

“Shut up..” sabi ko.

Kumain na kami at sakasamaang palad katabi ko si James. Habang nakain ako, bigla namang nangulit itong si Kuya Martin.

“Babe.. say aah..” grabe lantaran talaga?

Sinubo ko yung tapos kinurot ko yung kamay niya sa ilalim ng lamesa. Bigla siyang bumulong sa akin.

“Hey.. effective pagpapaselos natin kay kapatid.. hahah...”

Ngumiti lang ako habang yung iba angpipigil ng tawa.

“baby... say aah..” biglang sabi ni Chad.

Baby? How dare him? Makapag baby siya wagas ah.

Sinubo naman ito ni James at ang di ko inaasahang ginawa ni James eh yung sa harapan namin bigla niyang kiniss si Chad. Siyempre naman si Chad eh tuwang tuwa.

“Tol... grabe... kumain na nga lang tayong lahat...” sabi ni Cris.

Tinapos namin yung kinakain namin saka nagbalik sa taas. Nag ayos ulit ng gamit at nagpahinga. Kasama ko ngayon si Rizza sa kwarto. Si Kuya Martin eh nasa may veranda.

“Best.. the best kayong apat... waging wagi.. hahah...”

“Tae mo..” sabi ko.

“Natatawa talaga ako... babe... baby... hahah.. funny...”

Bigla namang pumasok si Jaysen.

“Bhie... anong ibig sabihin nito?” tapos nagtawanan kami.

“Dami mong alam...” sabi ni Rizza.

“So kayo na pala nito.. bakit? Dapat ako na lang...” pagmumukmok niya

“Jaysen para kang timang..”

“Grabe naman.. di porket medyo okay na kami ni Bianca eh hindi na kita mahal...”

Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. Magkadikit ang mga mukha namin ng biglang sumingit si Kuya Martin.

“Babe.. nagseselos ako..”

“Wag ka naman kasing malandi best...” sabi ni Rizza.

“Ouch ah.. pangalawa na yan.. alam mo ba na si James eh sinabihan ako nyan.. kakainis ah...”

“Naman kasi...” sabi ni Rizza

“Babe... tara lakad tayo...” sabi ni Kuya Martin

“Kuya....”

“Babe.... Martin na lang... hahaha...”

“Okey.... sige tara na nga...”

“Sama kami...” sabi ni Rizza at Jaysen.

Habang naglalakad kami sa labas, doon lang namin napansin sila Chad at James na naliligo sa dagat. Kumaway pa sila sa amin. How plastic?

“Jaysen.. tara ligo na tayo dito...” yaya ni Chad.

“Sila ba?” tanong ni jaysen.

“Oi Jaysen tigilan mo nga kami.. baka masabunutan ko yang Chad na yan.” Sabi ni Rizza.

“Tara ligo na tayo...” sabi ni Kuya Martin este Martin

“Mamaya na lang...” sabi ko.

“Tara na kasi.. wag na KJ.. sige ka mauunahan ka pa ni Chad kay James.” Sabi ni Jaysen.

“Wow... akala ko ba karibal mo si James?”

“Yeah... basta wag ng maraming tanong...”

“Wait lang.. oi hanggang 9:30 lang tayo ah.. masakit na sa balat ang 10 am eh.”

“Wow.. arte ah..”

“Che...”

Yeah nagpalit na muna kami. Shorts lang ang suot ko. Lalabas na sana ako ng kwarto ng makita ko si Martin. Wow. Hahah.

“Ano? Nganga ka sa katawan ko.” Sabi niya.

“Spell kapal.”

“Spell mahal...”

“Corny.... Rizza.. tara na...”

Tapos lumabas si Rizza galing sa isang kwarto at aba, daig mo pa sasali sa bikini contest.

“Anyare?” sabi ko.

“Ang sexy ko no.. tara lets.. daming boys sa labas...” sagot niy.a

“Nakakadiri.” Sabi ko.

“Inggit ka lang.. tara na nga...”

At nag swimming na kami, as in lahat kami. Si Rizza daig pa ang bumbero sa lakas ng boses. Enjoy lang ako sa swimming habang ang mga mata ko ay pasimpleng tinitignan sila James.

Alam mo yung feeling na anytime kapag hindi ako nakapagpigil eh makakapatay ako ng tao? Arggggsh. Nakakinis lang. Grabe. Ang sarap makapatay. Kung alam ninyo lang.

“Hey... naiinggit ka no?” bulong sa aki ni Martin.

“Naiinis ako.. nagseselos...” feeling ko anytime tutulo naang luha ko.

Niyakap niya ako tapos hinalikan sa ulo. “Calm down.. ako ang bahala...”

Iniangat niya ang mukha ko at sa di inaasahan eh hinalikan niya ako sa labi. Halos matigilan ako sa ginawa niya. What is going on? may usapan kami na no more kiss at hanggang yakap at tawag lang. Pero arrrgsh.

But that kiss, it was passionate, calm, soft and sweet. Ang sarap niyang humalik, nakakadala. Kaya di ko napigilan ang mapayakap sa kanya at gumanti ng halik. His lips was soft pero mas soft yung kay James. Sweeter than mine but James’ lips are the sweetest and.. and... his hands... teka.. bakit gumagala na siya. Kaya kinagat ko yung labi niya

“Ouch...” sabi niya

“Makapanantsing ka wagas...” bulong ko sa kanya.

“Sorry.. na carried away ako.” Tapos ngumiti siya.

“Wala sa usapan na halikan mo ako!” nanggigigil na ako.

“Pero gumanti ka.... kaya ibig sabihin nagustuhan mo...” and nagulat ako nung hinalikan niya ulit ako.

Kinagat ko yung labi niya. “Tama na. Nalulunod ako.”

“Masarap naman diba?”

“Shut up... mag swimming ka na nga lang...”

At naloka ako nung tumingin ako sa kanila. At ang facial reaction nila O.O (Dylan at Johan), 0.o (Mark at Ivan). -_- (Angel, Christine at Kaycee), d0.ob (Jaysen) at ^___^V (Rizza). Nahiya tuloy ako at pagkatingin ko kila James at Chad, naiwan na lang si Chad samantalang si james naman eh paahon na sa may pampang. Dumeretso siya sa may kubo malapit doon.

Lumapit si Rizza sa akin at bumulong. “The best kayo...” tapos nag high five siya.

“Lukaret ka talaga.” Sagot ko naman.

“Paano ba naman... naloka ako sa ginawa ninyo... at si papa James.. ayun nag shoshoo.. fly away at yung karibal mo.. dead na dead na kasi hulog ang panga at iniwan siya ng jowa mo.” Sabi ni Rizza.

“Grabe lang.. tigil ka nga.. kasalanan to nung isa eh...”

“Ang hot nga ni papa Martin eh...” sabay kagat labi habang nakatingin kay Martin.

“Oi.. makapag nasa ka wagas...”

“Wag ka ng magdamot..... nahalikan mo na nga siya eh.. nahawakan ang katawan.... baka mamaya more than that pa nagawa ninyo.. ano?” pang iintriga sa akin ni Rizza.

“Hoy babae.. anong tingin mo sa akin ah?”

“Sus.. ano matamis ba laway? Malambot ba ang labi? Ano?”

“Ang landi ay...”

“Nagsalita ang conservative...”

“Che... tara na ahon na nga tayo...”

“Umahon ka.. mamaya ako aahon pag umahon na si papa Martin.”

“Ay siya.. kukuha lang ako ng makakain tapos babalik ako dito...” sabi ko.

At umahon na ako. Habang pabalik ako sa bahay, nakita ko si Rizza na nakasabit kay Martin, natatawa ako sa itsura ng dalawa. Yung iba naman ay enjoy na enjoy kakaswimming. Haixt. Gusto ko ng fruit cocktail. Hahaha. May nakita ako sa ref kanina. Dala yun ni Kuya Martin, nag suggest ako ng mga dadalhin niya hahaha.

Pagkapasok ko ng bahay nagpapag ako ng paa atsaka pumasok at dumeresto sa may kusina. Dapat pala sa may likod na lang ako dumaan para di na gaano mabasa yung bahay. May kasama naman kami dito na mga care taker. Sila yung namamahala dito. Ilang beses na ako nakarating dito at medyo close kami nila manang.

Papunta na sana ako sa ref ng maaninagan ko si James na sinarado ito. Daig ko pa ang estatwa na hindi makagalaw sa aking kinalalagyan. Nagkatinginan kami at nakita ko ang pag iiba ng ekspresyon niya sa mukha.

Unti-unti siyang lumapit sa akin na kung saan paraan naman para matauhan ako at igalaw ang katawan ko. Iniiwas ko ang sarili ko sa kanya pero sadyang ako talaga ata ang pakay niya. Hinila niya ako at isinandal sa pader.

“Masarap ba?” sabi niya sabay kagat labi niya

“Ang... an...ang al.. alin?” nanginginig ako kasi seryoso ang tono ng boses niya.

“Ang halik..... halik ng kuya ko?”

Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagseselos sa kanya. Daig ko pa ang maluluha dahil sa wakas eh nakausap ko siya kahit papaano. Narinig ko ang boses niya.

“Wag kang umiyak!” nagulat na lang ako ng sumigaw siya.

Tuluyan ng pumatak ang luha ko. I’m such a cry baby. Napatakip na lang ako ng bibig ko dahil hindi ko mapigialn ang mapahikbi.

“Sorry...” sabi niya

“I hate... hate... I hate you!” sa wakas nagawa kong sabihin.

“But I love you,....” and at the moment, my lips and his lips met.

Parang tumigil ang mundo ko sa nangyari. Yung hinahanap kong halik na dati lang ay malaya kong nagagawa. I missed those times when we do these. Kung dati rati, lagi lagi pero ngayon, kay dalas na lang. I hang my arms into his neck and his arms went to my waist.

Yung puso ko tumibok ng kay bilis. We are gasping for air. Naghahabol kami ng hininga at para bang sabik na sabik kami sa isa’t isa. His hands starting holding my body.

My eyes are starting to cry even harder. Siya ang unang kumalas at nagsalita. “Who’s better kisser?” at ngumisi lang siya.

Boom. Daig ko pa ang nasabugan ng bomba. He was playing with me at that time. “Who’s better kisser?” What a stupid question? Naiwan ako doon na nakatulala at luhaan. Daig ko pa ang duguan. My heart starts to ache and I gasps some air. Nagmadali akong pumasok sa kwarto to take my medicine. Una kong nakita ang inhaler ko at yun na nagtake ako. I take time at umupo sa may kama.

[James’ POV]

Damn. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya and worst, nasaktan ko yung feeling niya. Why do I have to ask him kung sino ang mas better? Kainis. Pero, those eyes. His tears, it makes me so weak.

Ayaw ko siyang makitang ganun, nasasaktan ako. Ayaw kong makita na hinahalikan siya ng ibang tao, akin lang siya. His lips, his hands, his body... his heart... and his live.. that’s all mine. Alam ko selfish ako, kasi heto ako kasama si Chad at hindi si Arwin.

Pero nangako ako sa magulang ni Chad na aalagaan siya. Mahirap na pilitin ang puso na iba ang mahalin. Oo, pinipilit kong kamlimutan si AJ para kay Chad. That’s too mush para sa pinag usapan namin ng parents ni Chad. Ako amy gusto nito. Why?

Dahil wala na akong mukhang ihaharap kay AJ. Paano pa akong haharap ngayon nakikita ko siyang naasaktan ng dahil sa akin. History repeat itself. Dumeretso ako sa may likuran ng bahay at doon naabutan ko si Jaysen.

He gives me a smirk at tumayo agad siya. Bakit siya nandito? Uupo sana ako ng bigla niya akong sinuntok. Agad naman akong bumagsak sa lupa at nakakapa ng dugo mula sa aking mga labi.

“Anong problema mo?!” sabi ko.

“Ikaw.. ikaw ang problema ko!”

“State it... you jerk...”

“You pissed me off... you monster...”

“Stop calling me names...”

“Gago ka... ano nga naman itong mundong ito... dati rati ikaw ang gumagawa nito.. pero ngayon.. ako na.. gulong ng palad...”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Dapat hindi ko hinayaan na mapunta sa’yo si AJ... ang lakas mong sabihin na hindi mo siya sasaktan pero anong ginawa mo?”

“May dahilan ako...”

“Ano si Chad? Siya ang gagawin mong dahilan? Bakit? Mahal mo siya?”

“Oo mahal ko siya... anong magagawa ko?”

“Mahal mo siya o naawa ka sa kalagayan niya? You jerk. Akala ko okay ka kay AJ, na hindi mo siya paiiyakin.. akala ko mahal mo siya as in mahal mo talaga. Pero nagkamali ako. Sobrang maling mali ako...”

“Wag kang makialam?”

“Ako hindi makikialam? Sino bang kausap mo ha? Ako lang naman Si jaysen, EX! Ni AJ. Mahal ko siya kaya kung nasasaktan siya nasasaktan din ako...”

“Bakit ako hindi ba?”

“Kung makikita o lang ang mga luhang tumutulo sa kanya.. kung alam mo lang?”

“Masakit din sa akin to.. pero wala akong magawa...”

“Kung alam mo lang na kung gaano siya nagpapakatanga sayo.. kung gaano binago niya ang sarili niya para sayo...”

Di ako nakapag salita. “Ano ba ang aasahan ko sa yo? You are nothing but a loser. Buti na lang at nandiyan ang kuya mo para sa kanya. Sana lang hindi siya katulad mo. I think he is a betterman.”

Sinugod ko siya at sinuntok. “I am better than my brother.”

“Talaga? Parang di naman. You are nothing but a loser.”

“Shit.” Ang tanging nasabi ko.

“Payong kapatid... ayusin mo ang sarili mo... ayusin mo kung anuman ang lahat sa inyo ni AJ.... baka akala mo na makakasama mo siya habang buhay eh mapurnada... na baka ang isang taon na inaakala mo na makasama mo siya... sa isang saglit lang, parang bulang mawawala.”


Ha? Anong ibig niyang sabihin? Mayroon ba akong hindi alam?

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ako ang dapat nagsasabi sayo nito... basta sundin mo na lang yung sinabi mo. Kung ako sayo.. susulitin ko na ang panahong maari mo pang makasama si AJ.”

(Itutuloy)


8 comments:

  1. Woooh Intense ng last Part ! James will be caught off guard pag nalaman niyang may sakit din si AJ how nice ! Martin akin ka na lang ! hahahaha Mamatay ka na Chad your a Pathetic Loser !

    ReplyDelete
  2. Waaaahhhh!! Kawawa si aj! I hate james!

    ReplyDelete
  3. Daily update... Galing mo Idol DK. Keep it up! :)

    _xtian

    ReplyDelete
  4. bilis ng update sir. everyday na ang update hehehehehe

    ---januard

    ReplyDelete
  5. GOD.. such a dramatic 1.. si CHAD nagpapakita ng affections nya while JAMES don't like him.. AJ is fighting his feelings though may sakit na xa. pareho nman cla na may sakit but bakit c AJ nagawa niyang itago?? speak it out JAYSEN para matauhan c JAMES.. cant wait for the next chapter.. nice 1...


    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  6. kahit papano di ganun ka intense, di kagaya nung naghiwalay sila. naku idol kyle baka paabutin mo to ng 60 chapters. hehe what if gawan na lng ng book 2. kinwari nagpa states si aj kasama si martin para magpagamot. tapos naging sila hehehe. tapos james will try to win him back again. hehe
    more power idol kyle.
    -mans-

    ReplyDelete
  7. hahaha.. maraming salamat po sa comments... I think the next update ay sa agong taon... hahaha well see.... hahaha.. nga pala...

    Di siya aabot ng 60... hahahaha kaya abangan kung kelan ang last part... :))


    oh my matatapos na siya.. naiiyak ako.. ayt... hahaha comments ninyo ah..:)))

    ReplyDelete
  8. Naku kawawa naman c Aj .. world war to kung sakali ..

    ReplyDelete