Tuesday, December 18, 2012

Bullets for my Valentines- Part 46



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 46
"Brother"

Always here,

Dylan Kyle Santos


 

 
This I Promise You - Nsync



************************************************************************


[AJ’s POV]

Saan ko ba siya nakita? Kailan ko ba siya nakita? Teka, siya yun, siya yung nakabanggaan ko kanina, sa may SM. Siya nga. Yung matangkad na lalaki na sumambot sa akin at nagsungit.

“Ikaw?” ang tanging nasabi ko.

Lumapit siya, kinuha ako kay James at inakbayan ako.

“Yeah... ako nga kapatid... Sa wakas na meet na rin kita.. I heard so much things about you...”

“Pero.. pero.. kanina... paanong?”

“Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni James.

“Yeah... na meet ko siya kanina... I heard many humors about him and to think of it... mukhang tama nga sila...” inilapit niya yung mukha niya sa akin.

“Hey... that’s my boyfriend... better get off.”

“Chill lang brother....”

“Shut up...”

“Hey.... easy lang...” tinanggal ko pag kakaakbay ng kuya niya sa akin.

“By the way... I’m Martin.... Kuya niyang boyfriend mo.. nice to see you again.” Sabi niya. Inilahad niya yung kamay niya.

“I’m...”

“Your AJ right?”

“Yup... nice to meet you too..” ilalahad ko sana ang kamay ko pero si James na ang magpigil.

“Get your distance from him....” banta niya. Sobra naman tong si James.

“I said stop it already...” sabi ko.

“But.... haixt.. ewan...” nagmamaktol

“Your such a baby, baby bro...”

“Matapos lahat nun? Baby pa rin?”

“Ang nakaraan ay nakaraan na.”

“But nangyari pa rin yun... wag kang mag malinis jan.... tsss.”

“Your such a hot headed... buti may nakakatiis pa sayo...”

“Whatever.. eh ikaw nga walang nagbabalak mag tiis sayo...”

“Hey boys... cut it out.....” biglang dati ni mommy.

“Buti dumating na kayo mommy.” Sabi ko.

“Tara na... kakain na.... wag ng madaming pang satsat.” Sabi ni mommy.

Sumunod naman kami at yun peacefully naman kame na kumain. Kwentuhan dito at kwentuhan doon.

Matapos kuamin, tumulong na ako kay mommy na magayos. Habang yung tatlo nandun sa living room. Si Kuya Martin at si Khail nagkakasiyahan na doon.

“Mommy... may tanong po ako...”

“Ano yun?” tugon ni mommy.

“Bakit po ba ganun na lang kainit ang dugo ni James kay Kuya Martin?”

“Mahabang kwento anak.”

“Pero...”

“Sige pag natapos tayo dito ikwento ko...” agad naman naming tinapos ang pag liligpit at saka umupo sa lamesa.

“Dati rati di naman sila ganyan... sa totoo nga lang halos sanggang dikit yan.. kasabay ng pagkamatay ng asawa ko.. doon nagbago ang lahat.. naging malungkutin si James kaya walang ginawa si Martin kundi ang pasayahin siya...”

“Kung ganun naman po pala, bakit po ganun na lang ang inis ni James sa kuya niya.”

“Jan na papasok ang ikaw?”

“Ako? Paano po akong pumasok doon?”

“SiMartin na ang tumayong ama kay James.. kaya lahat ng responsibilidad at pangangaral ng ama sa anak eh ginawa ni Martin para maging maayos si James.”

“Hindi ko po kayo naintindihan...”

“Si Martin kasi ang naging katuwang ko noon nung pumutok yung issue tungkol sa inyong dalawa.”

“Ibig sabihin... ako pala ang may kasalanan.”

“Nope.... masyado lang protective si Martin.. sa part ko medyo naiiintindihin ko pero nagalit ako noon sa totoo lang.. pero si Martin... doon ko lang siya nakitang ganun kaseryoso...”

“Ano po ba ang nangyari?”

“Halos magpatayan na yang dalawa..... pag hiwalayin lang kayo... si Martin nga pala ang nagsabi sa papa mo ng tungkol sa inyong dalawa... sorry Aj ah....”

“Ayos lang po yun.. wala kayong kasalanan... everthing happens for a reason... pero.... bakit po?”

“Mahal na mahal ni Martin ang kapatid niya.. sobra... di niya matanggap na naging ganun si James.. na naging kayo.. kapwa lalaki... pero wala ng magawa si Martin kundi ang tanggapin ng nakalaunan.. pero hindi lingid kay James yun.. masyado niyang dinibdib ang lahat.....galit na galit siya sa kapatid niya... lalo na ng malaman ni James na siya ang nagsabi sa papa mo at yun na nga.. nangyari na nga na nagpakamatay ka... doon allo nagalit si James.”

Doon lang nabigyang linaw ang lahat sa akin. Ibig sabihin lahat pala ng ito ako ang ugat, ako ang puno’t dulo.

“Bakit po ba hindi sila nagbabati ngayon?”

“Si James kasi masyadong mapride... alam mo naman yun.. kaya nga ganun yun eh... suplado na ulit sa kuya niya...”

“Paano ko kaya sila mapagbabati?”

“Tingin ko ikaw lang ang makakapag bati sa kanila...”

“Haixt.. si James naan kasi eh.. tong lokong yun.. haixt...”

“Sige na lakad ka na doon...”

“Sige po... nga po pala... masarap po ba yung pasalubong ko?”

“Oo naman.. minsan ikaw ang magluto ah..”

“yaan po ninyo napag aararalan naman ang lahat ng bagay...”

“Sige.”

Dumeretso na ako sa sala at nakita ko na nagkikipaglaro si Kuya Martin kay Khail. Samantalang si James aon at nakahiga at nanonood ng TV.

“Daddy...laro tayo dito..”

“Mukhang masaya ang anak ko ah.”

“Oo naman po... hahaha.. daming pasalubong sa akin ni tito tangkad... este.. tito pogi...” sagot ni Khail.

Ngumiti sa akin si Kuya at ngumiti din naman ako. Dumeretso ako kay James at tumabi.

“Oi.. daig mo pa ang nalugi.”

“Tss.”

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Hinalikan niya ito at bumangon. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking mga hita saka humiga.

“Ang sweet naman.” Biglang sabi ni Kuya.

“Shut up... mind your own business.”

“Sungit mo bro.. tatanda ka agad niyan eh...”

“Get loss.”

“Hey.... tsk... igalang mo kuya mo...”

“tsss.”

“Yaan mo na yan....” sabi na lang ni Kuya.

“Kinurot ko si James sa pisngi.”

“Ouch.. ano ba? Ang sakit shit!”

“Say sorry.”

“Ayoko nga...”

“Isa...”

“Lima...”

“Ang childish mo..”

“Minsan lang ako ganito...”

“Hindi kaya...”

“OO kaya...”

“Nga pala... bayaw...” tawag niya sa akin.

“Labas tayo bukas.. tayong dalawa lang... para makilala ko naman ang future asawa ng kapatid ko.. date tayo... akin ka na muna.... lagi ka namang nanjan sa kapatid kong kulugo.”

“Shut your mouth. Anong date-date? Ikaw at siya? Hindi ako papayag!” sigaw nito.

“Calm down...” sabi ko.

“Ipupuslit na lang kita sa kanya...”

“Wag na wag mong gaagwin yan.. makakpaay ako..”

“Kakatakot ka naman... igalang mo naman ako tol....”

“Yung tulad o di dapat igalang.. you monster...”

“Kalimutan mo na yung dati. Sorry na nga diba?”

“Forget your face....”

“Just kidding.... Hey AJ... be ready... any moment idate kita ah....”

Sisigurin sana na James si Kuya Martin kaso naunahan ko na siya, napigilan.

“Stop... relax...”

“Wag kang sasama jan ha.. please.... please...”

“Yup.. promise...”

Niyakap niya ako saka hinalikan. Pinaupo ko na siya habang si Khail naman eh nakatulala lang sa amin. Nilapitan ko siya at ako naman ang nakipag laro.

[James’ POV]

Maaga ako nagising kinabukasan. Haixt. Di ako akatulog ng maayos. Paano ba naman si Kuya. Ginugulo pa rin ako ng isip ko.

Nakakinis, bakit ba nandito po siya? I hate him so much, really hate him. Lalo na kahapon, lantaran na niyang binabastos ang pagkatao ko.

Di na natulog dito si AJ, hinatid ko na siya. Nakakpanibago lang kasi nawala sa isip ko na hindi na siya takot mag motor.

Kakagulat na nga lang. Dati rati kasi daig mo pa ang mahuhulog dahil sa kanya.

Pagkababa ko, naghahanda ng pagkain si Kuya. Ngumiti siya sa akin pero inismidan ko siya. Agad akong lumabas at kinuha ang bola ng basetball at tsaka naglaro.

Maya maya may umagaw ng bola, si Kuya. “Get lost...”

“Di mo ba talaga ako mapapatawad?”

“Matapos ang lahat.. ng dahil sayo.. nagkanda letse letse ang buhay ko...”

“Ginawa ko lang kasi yun para maging okay ang lahat...”

“Pero anong nangyari?”

“Alam ko.. naging magulo na...”

“Kaya wag mo akong tanungin kung di kita magawang patawarin...”

Itinapon ko yung bola sa kanya at nagsimulang pumasok sa loob ng bahay. Pero nahigit niya ang kamay ko. “Respect me naman kahit papaano...”

“If you want me to respect you.... better get off to my lover...”

“Wala naman akong ginagawa...”

“Kung magkakagusto ka man sa kanya, pigilan mo... wag mong hayaan na maging kaagaw kita sa kanya... mas lalong lalaki ang galit ko sayo...”

“wala akong sinasabi na magiging kaagaw mo ako sa kanya...”

“Hindi ako manhid.. nararamdaman ko.. may pakay ka sa kanya.. better get off with him....”

“Gusto ko lang siya makilala.”

“Saka na.. kapag asawa ko na siya...”

At tuluyan na akong umalis. Nakasalubong ko pa nga is mama at nakita ko ang kalungkutan sa mukha niya. Niyakap ko siya at niyakap niya ako.

“Hope mag kaayos na kayo..”

“Wag na kayong umasa ma...”

Umalis na ako at kumain sa kusina. Kasabay ko sila at  mama atvang kulugo kong kuya. Si Khail naman ay kumain na din kasama namin.

Wala amana ko ginawa ngayon since bakasyon. 3rd week pa lang ng April. Bakasyon. Makapzg swimming kaya. Kami kami oh diba?

Bandang tanghail ng tawagin ako ni mama, may bisita daw ako. Wala naman akong inaasahan na bisita eh. Sino kaya tong mga to.

Pagababa ko ng hagdanan, sinisipat ko kung sino yun? Teka, hindi ko naman sila kilala. Pero parang nakita ko na sila.

Saan at kailan? Yun ang hindi ko masasagot. Umupo ako doon sa salas namin at pinaupo ko din sila.

“Magandang araw po..” bati ko.

“Magandang tanghali.. ikaw diba si James?”

“Opo... bakit po?”

“May ipapakausap sana kami... sana mapag bigyan mo kami...” sabi ng isang babae na nasa 40’s lang. Maganda ito at mukhang mayaman.

“Tungkol saan po ba?”

[AJ’s POV]

It’s been a week ng hindi na nagpaparamdam sa akin si James. Ano bang tingin nung mokong na yun sa akin? Nagpapamiss kaya yun? Ano na naman bang pakulo pinag gagawa niya?

Kapag napunta ako sa bahay nila lagi naman siyang wala. Text ako ng text minsan lang mag reply. Tinatawagan ko di naman sumasagot. Waaah. It’s killing me. I miss him soooooooooooooooooooo much.

Naghihintay na alng ako sa bahay namin na puntahan niya. Lagot to sa akin kapag nagkataon. Maya maya, tumawag sa akin si Jaysen.

“hello... oh napatawag ka?”

“We need to talk?”

“Tungkol saan?”

“Nandito ako sa labas ng bahay ninyo...”

“Pumasok ka na lang...”

Narinig kong bumukas yung gate. Wala naman sila mama at ako lang ang nasa bahay ngayon. Binaba ko yung phone at pinagbuksan ng gate si Jaysen.

“Oh napadalaw ka?”

Nakita ko ang seryosong mukha niya.

“Kailan pa?”

“Kailan pa ang ano?”

“Ang sakit mo?”

“Alin yung asthma? Nung bata pa ako nan....nu...”

“Hindi.. yung sakit mo sa puso?”

Natahimik ako at hindi nakapag salita. Napaupo na lang ako sa salas namin.

“Sagutin mo ako AJ? Kailan pa? Kailan mo pa tinatago ang sakit mo kaya ba lagi ka na lang dinadala sa ospital? Kaya ba madalas kang hindi makahinga? Saugutin mo ako! Bakit hindi mo sinasbi sa akin? Bakit naglihim ka?!” sunod-sunod na tanong niya.

“Para saan pa?! Mamatay din naman ako eh... para saan pa para kaawaan ninyo ako? Nagpapaksaya na nga ako eh... diba? Ano pa ang gagawin ko?”

“Bakit ayaw mong magpagamot?”

“Natatakot ako.. natatakopt ako na baka hindi na ako magising... na baka ung time na nagpaopera ako imbis na mapahaba nito ang buhay ko.. baka lalong malimitahan.!”

“Pero bakit? Sana sinabihan mo ako!”

“Dahil ayokong kinakaawaan ako.. ayokong nagmumukha akong kawawa... walang pag asa.... ayokong makadagdag sa mga pinapasan ng iba!”

“Kung ayaw mong kinakaawaan ka.. sana hinahayaan mo na damayan ka.. kaibigan mo kami.... hindi an akmi iba sa iyo....”

“Ayoko....”

‘Alam na ba to ni Arkin?”

“Hindi pa...”

“Kailangan niyang malaman...”

“wag... di pa ako handa...”

“Kailan mo sasabihin? Ha? Kailan?!”

“Kapag handa na ako...”

“Kailan yun? kapag nakahandusay ka na sa ospital at malapit ng mamatay?”

“Maaari...”

“Napaka selfish mo!”

“Hindi ako selfish... practical lang ako..”

“Hindi selfish ka!”

“Ayoko lang mag alala kayo...” unti-unti napapalingid na ang aking mga luha.

“Nandito naman kami mga kaibigan mo eh...”

Niyakap ko siya. Umiyak ako sa dibdib niya. Niyakap din niya ako.

“Hindi ko lang matanggap na nag lihim ka sa akin... ang dami kong kasalanan sayo.. at sa hindi ko alam.. may sakit ka pala.... karamihan ng nangyari sayo.. dahil sa akin...”

“Hindi kita sinisisi...”

“Kahit na.. hindi ko mapigilangn iblame ang sarili ko...”

“Okay na anamna ko eh.. promise... sa tingin ko gagaling naman ako sa mga gamot ko.. tiwala lang kay God.”

“Pero.... kailngan mo pa din maoperahan para sigurado na tayo...”

“Ayoko... nga pala.. may ipapakiusap ako sayo...”

“Ano yun?”

“Please... sa atin lang to.. wag na wag mong sasabihin kay James... nagmamakaawa ako... please...”

“Opo... pero.. dapat niyang malaman.. karapatan niyang malaman..”

“Di pa ngayon...”

“AJ... bakit? Paanong nagyari?”

“Hindi ko alam... siguro matagal na to.. ngayon lang lumala...”

“Bakit kasi ayaw mo pang magpagamot?”

“Nagpapagamot naman ako ah.”

“I mean.. magpaopera.. sayang ang panahon....”

“Ayoko ng paulit ulit...”

‘Di ko lang mapigilan...”

“Siya tama na tong kadramahan.. paano mo pala nalaman? Kay Rizza ba?”

“Nope.. sa gamot mo?”

“Ha?”

“Naiwan mo itong gamot mo eh...”

“Paano mo nalaman namay sakit ako gamit tong gamot na to?”

“Ayan dati yung gamot ni mama..... at nagtanong ako sa doctor para sa assurance...”

“Napaka careless ko talaga haixt.”

“Meant to be na malaman ko....”

“Haixt.”

“Nandito lang ako kung sakali... pwede mong sandalan..”

“Salamat.... be happy for me.. please....”

“Yup.. I will... magpapakasaya po ako... akhit alam kong nahihirapan ka...”

“Thank you...”

“That’s because I love you..”

“Thanks.... I love you too...”

“Nga pala... I think nagiging okay na kami ni Biance...”

“Good...”

“Yeah....”

“Sana umabot pa ako sa kasal ninyo...”

“Don’t say that... please....”

“Okay po.... be strong.. may himala naman...”

“Alis na ako.. may date pa kami ni Bianca..... ikaw pala ang nagbigay sa kanya ng idea na wag sumuko... kaya naman pala...”

“Para sayo naman eh...”

“Mga palusot mo...”

“Sige na alis na...”

“Ingat ka.... kung may problema.. tawag ka lang....”

“Wag mo na akong intindihin...”

“Can I hug you again?”

“Sure..”

And he Hug me. “Eh kiss?”

“Sobra na yan!”

“Joke lang... gueh alis na ako...”

Afterwards, doon naman nanahimik ang paligid. Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Hindi na naman ako ginagambala ng sakit ko.

Sabi ng doctor okay na naman daw yung puso ko. May progress naman daw dahil sa gamot.

Masaya ako kasi nagiging okay na ako. Gusto ko sasabihin ko kay James na may sakit ako kapag magaling na ako.

Para hindi na siya mag alala sa akin. Ayokong maging malungkot siya. Mahal na mahal ko siya at ayokong nahihirapan siya.

Hapon na noon ng tumawag naman sa akin si Rizza. Wag niyang sabihing nasa labas din siya ng bahaynamin. Parang si Jaysen lang kanina.

“Nasaan ka?” tanong niya sa akin.

“Nasa bahay....”

“Good.... andito ako sa SM.... sunduin mo ako...”

“Seryoso?”

“Kelan ako ng joke?”

“Always...”

“Che... sige na... kanina pa ako dito.. hindi ko alam bahay ninyo...”

“Oh my... ano ginagawa mo dito?”

“Magbabakasyon ako.. sinurpresa kita....”

“Wow surprise talaga ko... kaitsurahan mo...”

“Bilisan mo na....”

“Opo master,... daig mo pa may alila ah...”

“Bakit alila kita diba?”

“Alila your face...”

“Bilisan na.. dami pang satsat eh...”

“Opo madam... wait lang ha.. magbibihis papo ako at mag byahe.. di man lang kasi nagpapaalam eh...”

“What ever....”

“Whatever din...”

“Bilisan mo na kasi.. dami pang nalalman eh...”

“Oo na eto na.” And I hung up the phone.

Nagmadali na akong pumunta doon sa SM. Pasaway talaga, napaka pasaway sobra. Nang makarating ako sa SM hinanap ko siya at nasa food court siya. Aba at nandun lang siya at kumakain. Katakawan talaga ng babaeng ito.

“Takaw eh...”

“At last...”

“Sus... tara na nga...”

“Wait ubusin ko lang to...”

“Kaya ka tumataba eh...”

“Waaaahhhhhhhh!!! Really?”

“Oo tumataba ka na...”

“Iwww... tara na nga.. di na ako kakain ng 1 month.. no 2.. maybe 3...”

“Sige pakamatay ka na lang kaya.. daming alam.. mag exercise ka na lang....”

“No ayoko nga....”

“Bilisan mo na....”

“Sige....” at tinulungan ko nas iyang kunin ang gamit niya, este bagahe. Kala mo naman mag iibang bansa kasi nakmaleta pa. Hindi na nahiya tong abbaeng ito grabe eh.

Palabas na sana kami ng SM ng bigla niya akong hinila.

“Problema mo?” tanong ko.

“Si... si James yun diba? Sino kasama niya?”

“Wehhh.. grabe ka mga kwento mo.. gusto mo pa kaming pag awayin ni james.”

“Shunga... di ako nag bibiro...”

Tumingin ako sa direksyon ng kamay ni Rizza at dun ko nakta si James kasama si Chad.

Daig ko pa ang nabuhusan ng kapeng mainit sa mukha.

Nakapulupot ang kamay ni Chad kay James at para bang sila na. Pero...

(Itutuloy)

6 comments:

  1. leche talaga yan si Chad sabunutan na lang ! hahaha

    ReplyDelete
  2. The characters in the story never learn the value of honesty, always. It is a recurring theme that always get them in hot water.

    ReplyDelete
  3. chapter 47 na po agad. kakainis si chaaaadddddd.

    ReplyDelete
  4. poor james na blackmail ata ng mama ni chad..
    at dahil dyan sigurado deretso ospital na naman to si arwin..

    -mans-

    ReplyDelete
  5. haha! sadista talaga ni mr. author. i like it. atakihin n kaya si AJ sa puso.

    ReplyDelete