Tuesday, December 25, 2012

Bullets for my Valentines- Part 48



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 48
"New me"

Always here,

Dylan Kyle Santos


 

 
More Than This - One Direction

************************************************************************

[AJ’s POV]

It’s been three days mula ng nangyari sa akin yung engkwentro kay James. Yeah, it is like 3 months na dahil parang ang bagal ng panahon. Nasa kwarto lang ako, inom ng tubig at tutulog. Kung kakain man ako, dalawa, tatlo o apat na suno lang. Feeling ko pag kumain ako isusuka ko lang.

Hindi naman sa OA lang oh ano ha, pero ganito talaga ang depressed. Oo aaminin ko noon masasabi kong OA masyado, pero wala eh... ganito talaga ang buhay, ganito talaga yung nararanasan ng mga nasasaktang tao.

Sunud-sunod na mga katok ang bumulagta sa akin. Tumayo ako, tinatamad at walang kabuhay kong tinungo ang pintuan at sumalubong doon si Rizza.

“Bakit?” tanong ko.

“Ang gaga mo talaga kahit kailan. Nakakainis ka! Sobra kang nakakainis!” tinulak niya ako at sinampal.

Masakit! Grabe, daig ko pa ang nabuhayan sa sobrang sakit. Salamt Rizza sa sampal. Nabuhayan ako ng katinuan. Pero masakit pa din eh, sobrang sakit.

“Alam mo... kung hahayaan mo ang sarili mong magpakalugmok... papatayin mo lang ang sarili mo.. ayaw mong kumain... ayaw mong lumabas ng bahay... ano ba ang gusto mo? Ang mamatay? Ang tanga tanga mo na pag hinayaan mong mamatay ka... lumaban ka... ipakita mo na tama ka.. ipakita mo na kaya mo ng wala siya... ialang beses ka na niyang sinaktan.. ilang beses ka na niyang pinaasa... gumising ka na sa katotohanan... gumising ka na!”

Dahil sa sigaw ni Rizza umakyat sila mama, papa at ate. Lahat sila nakatingin sa amin. Agad akong niyakap ni mama.

“Anak... tama na... awat na...” sabi sa akin.

“Balik ka na sa dati... please...” sabi ni ate.

“marami kaming nagmamahal sayo.. pero ano ang ginagawa mo.. pilit mo kaming itinataboy...” sabat ni Rizza.

“Masakit.. sobrang sakit.. ang sakit sakit... daig ko pa ang puputok ang puso sa nangyari.... taena... ang sakit....” di ko mapigilan ang umiyak. Napaluhod na lang ako at saka sila lumapit muli sa akin.

“Alam namin.. pero wag mong solohin.. narito pa kami.. narito ang kaibigan at pamilya mo.. narito ako.. best friend mo ako.. pwede mo akong sandalan.. narito lang ako.. hindi kita iiwan.... tiwala lang.... kaya yan...”

Niyakap niya ako ng mahigpit. “Masakit... di ko alam kung paano ako babangon...”

“Wag ka kasing mag pakanega.. lagi ka na lang ganyan eh.... chill... think positive.. alam ko madaling sabihin pero mahirap gawin.. pero alam mo na ngang mahirap... iisipin mo pa.l. tandaan mo... walang madaling gawin.. kung kaya mong isipin ng madali.. sigurado ako na magiging okay ang lahat... makakayanan mo...”

“Paano ako makakamove on? hanggang ngayon narito pa rin sa puso ko ang sakit! Masakit! Sobra!”

“Hindi minamadali yan.. matalino ka Arwin.. gamitin mo naman ang utak mo.. wag lang ang puso mo!”

Boom. Isa pang boom boom boom pow. Talino, pusp, utak. Ano ang silbi ng utak ko ngayon? Daig ko pa ang batang napangaralan. Tama siya. Pero, hindi naman talaga madali eh, hindi naman talag. Sobrang hirap.

“Need ko mapag isa... gusto kong mag isap... tama naman kayo eh.. pero hayaan na muna ninyo akong humugot ng lakas ng loob. Hayaan ninyo muna akong ibuhos yung sakit.”

 Tumakbo ako sa kwarto ko saka nagkandado ng pinto. Inihilig ko ang sarili sa kama at muli ibinuhos ang huling bugso ng aking iyak. Sasabihin kong ito ang magiging huling iyak ko sa lalaking ito.

[James’ POV]

“Anak... bumangon ka na jan.... tatlong araw ka ng ganyan.... aalis ka ng bahay tapos pag uwi mo parang wala lang.. tiganan mo ang anak mo oh nagtatampo na sayo..” sabi sa akin ni mama.

“Sorry ma.. sige po tatayo na ako...” bumangon ako at lumabas ng kwarto.

Ito na ang pangatlong araw kung kailan nakipaghiwalay ako kay AJ. Yeah, isa akong malaking katarantaduhan. Isang malaking tanga. Ilang buwan, ilang panahon ako naghintay makuha lang ulit si AJ pero ano ang ginawa ko, pinabayaan siyang mawala. Isang malaking pagkakamali. Pero, kailangan ko, may rason ako kung bakit.

Ayokong manisi, ayokong magsambit ng panagalan. Sarili ko lang ang nagdesisiyon nito. Para sa makakabuti, ayokong masaktan si AJ.

Hindi pa rin ako makapaniwala na hiwalay na kami. Ang buhay nga naman, kung kailan masaya ka, susunod naman ang kalungkutan.

Nakita ko si Khail na nasa kwarto niya at mag isang naglalaro. Lumapit ako at niyakap siya. Siya na lang ang nagpapaalala sa akin kay AJ.

“Baby.. nagtatampo ka daw sa akin?” tanong ko.

Hindi niya ako pinansin. “Ang suplado naman ng baby ko...”

“Galit ako sayo daddy...”

“Oh bakit naman?”

“Wala ka ng time sa akin.... wala ka ng time para puntahan si daddy... may iba ka ng mahal... hindi na kita mahal...” sabi ni Khail.

“Baby.. sorry na.. busy lang si daddy eh...”

“I hate you.. nakita kita.. may kasama kang iba... niloloko mo si daddy.. bad ka...!” sabi ni Khail.

Di ako nakapag salita agad. Paanong nalaman niya? Nakita daw niya?

“Baby naman.. di yan totoo...”

“I hate you!” tumakbo siya palabas at umalis ng kwarto.

Great, eto na ata ang karma ko. Maging ang anak ko galit sa akin. Haixt. No choice naman ako eh. Haixt. Maya maya nag ring ang phone ko. Tumatawag si Chad. “Hello...”

“James iho... mama niya ito.. punta ka ngayon sa ospital... please...” at binaba na nito ang phone. Muykhang nahuhulaan ko na kung ano ang nangyari. Agad akong nagbihis at nagmadali na pumunta ng ospital.

“Ma.. alis lang po ako.. pupuntahan ko lang po si Chad.....”

“Ah okay sige.. ingat ka ha... wag pagabi...”

“opo..”

Nagmadali na akong pumunta ng ospital. Ilang minuto lang din naman ay nakarating ako at nagmadali na akong pumunta sa room na tinext ni tita.

Pagkadating ko naroon si tita, tito, si Chad at ang kuya nito. Agad naman akong bumati. “Gandang gabi po.”

“Iho salamat at pumunta ka...”

“Walang anuman po... ano po ba ang nangyari?”

Lumapit ako kay Chad at hinawakan ang kamay. Kasalukuyang natutulog ito. Kita ko ang sakit ng nararamdaman niya. Kitang kita sa mukha niya ang pag hihirap.

“Nahimatay na naman siya. Nagdugo na din ang kanyang ilong kaya nag panic na kami. Medyo lumalala na daw ang kalagayan niya. Hindi naman daw ganun kalala pero kailngan maagapan. Yung binigay na palugit ng doctor para maoperahan siya ay pinaikli.”

“Ah gnun po ba.....” humarap ako kay Chad at nagsimulang magsalita. “Pagaling ka ah... please.... pagaling ka na...”

“Hindi siya gagaling jan sa kalokohan mo... isang hung hang...” nagsalita mula sa likod ko ang kuya niya.

“Anak....”

“Ma... bakit ba pinapayagan pa ninyong makapunta dito yung lalaking yan? Mas lalong lala si Chad eh.... lalo ninyo lang pinapaasa ang kapatid ko...”

“Anak.. mas mabuti na to...”

“Nang dahil sa lalaking yan.. ayaw magpagamot ng kapatid ko... kundi lang sana pinaikot niyang tarantadong yan ang kapatid ko.. marahil magaling na siya....!” galit na sabi ng kuya niya.

“Anak tama na!”

“Totoo ma... dapat pinapaalis ninyo yang lalaking yan.... isang mababang klaseng lalaki... manloloko!”

“Paaaaak!!!!!!!!!” at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng kuya ni Chad. Nanggaling sa mama niya at hindi sa akin.

“Tita...”

“Unawain mo naman na gusto siya ng kapatid mo.. at nagsasakripisyo siya para sa kapatid mo!”

Umalis na ang kuya niya at naiwan naman kaming nandun. “Iho... pasesnsiya ka na....”

“Ayos lang po...”

Nanatili ako doon ng hanggang hapon. Ng sumapit ang alas sais nagpasya na akong umuwi. “Tita... una na po ako.. balik na lang po ako bukas...”

“Salamat iho... ingat ka ha...”

“Sige po...”

“Ar... aa...Arkin...” nagulat ako ng biglang magsalita si Chad.

“Chad... kamusta ang pakiramdam mo?”

“Ayos na ako... san ka pupunta? Dito ka lang...”

“Uuwi lang ako... babalik ako bukas...”

“Wag kag aalis... dito ka lang...”

“Anak... kailangan namang umuwi ni James”

“Pero ma.. ayaw ko siyang umalis...”

“Pero anak...”

“Okay lang po.. sige di na ako aalis...”

“Yehey...” masaya ako na nakikita na masaya siya. Tumatalon ang puso ko sa tuwa.

“Hindi mo na naman kailangang gawin to...”

“Okay lang ho ako...”

“Pero iho..”

“Ayos lang po...”

“Salamat... maraming salamat...”

Tinawagan ko si mama para maipag dala ako ng gamit. “Hello ma...”

“Oh anak...”

“Pwede mo po ba akong ipag dala ng damit dito sa *************?”

“Okay sige.. may nangyari ba kay Chad?”

“Wala naman po... basta po... anatyin ko po kayo...”

“Sige... abangan mo kami sa labas.... text mo na lang kami...”

“Sige po.. salamat...”

After kong tawagan siya naghilamos ako ng mukha sa CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at mukha na akong stress na stress. Haixt. Pumapanget na ata ako.

(Flashback)

“Hala ka... tignan mo ang sarili mo.. stress na stress ka na oh...” sabi ni Arwin sa akin.

“Gwapo naman..”

“Nagmumukha ka ng matanda...”

“Ewan sayo..”

“Sige mag sungit ka pa.. ayan oh nadami ang wrinkles... sus.. pumapanget ka na./..”

“So pag pumanget ako ipag papalit mo na agad ako?”

“Siyempre hindi no...”

“Talaga lang ha...”

“Oo.. kahit pumanget ka pa... tumaba... o ano pa man ang mangyari mamahalin pa rin kita.. trsut me...”

“Wushu... sige nga kiss mo ako...”

“San ba?”

“Sa lips...”

“Lantaran sa public...”

“Nahihiya ko ganon?”

“Hindi na po.. eto na nga po eh.. childish mo talaga...”

“Mahal mo naman...”

“I love you so much...”

“I love you too...”

(End of Flashback)

Nanatiling nakatitig ako sa salamin at unti-unti tumutulo na ang luha ko. Maya maya nagbukas ang pinto ng CR at agad naman akong nagpahid ng luha.

“May problema ba iho?” tanong sa akin ni tito.

“Wala naman po.. may naalala lang po ako..”

“Alam ko nasasaktan ka sa nangyayari...”

“Kaya ko pa naman po eh..”

“Tiis lang iho....”

“Hindi ko naman po pwedeng iwan na lang si Chad ng ganyan kaya paninindigan ko na po..”

“Hindi mo kailangan iho gawin yan.. paano ka na?”

“Masaya ako pag nakikita kong masaya si Chad...okay na po ako din...”

“Pero iho.. alam kong may iba kang mahal.. nagkataon nga lang na bestfriend pa ni Chad.” At nagulat ako sa rebelasyon na iyon. Paano niya nalaman?

“Alam ko nagtataka kung paano ko nalaman. Alam ko na mahal mo si AJ. Na nakipaghiwalay ka siguro marahil para lang dito....”

Hindi ako sumagot. “Alalahanin mo din ang sarili mo...”

“Opo.. salamat po...”

Hinintay ko lang ang text ni mama saka ako bumaba papuntang parking. “Kunin ko lang ang gamit ko sa baba ah...” pamamaalam ko kay Chad.

“Balik ka ah...”

“Yup...” at nagmadali na akong umalis. Pagkababa ko sa parking lot ay nakasalubong ko ang kuya ni Chad.

“Ano aalis ka na ba? Sana lang umalis ka na kasi nakakasuka na yung makita kita...umalis ka na ha.... at wag ka ng babalik...” at binangga niya ako.

Nagulat na lang ako ng makita ko si kuya at si mama na naroroon, nakatayo at kitang kita ang pagkagulat. Di ko maipinta ang mukha ni kuya. Bakit siya nandito?

“Ano banatan na ba natin yun?” sabi ni kuya

“Bakit ka ba nandito?”

“Sinamahan niya lang ako...”

“Salamat ma ah... akyat na po ako..”

“Magtapat ka sa akin anak.... dahil ba kay Chad kung bakit ka nandito?”

“Saka na lang po ako magpapaliwanag...”

“Paano na si AJ?”

“Sa tamang panahon masasagot ko din po yan...”

“Hahayaan mo na lang si AJ na ganun ganun na lang ha? Baka maunahan ka ng iba jan.. sige ka...” sabi ni kuya

“Wag na wag mong susubukan na sulutin si AJ sa akin..”

“Sulutin? What a word... ni hindi na nga kayo eh.. kung ako sayo mag iisip ako ng mabuti.. sino ba ang mahalaga sayo?”

“tama na yan.. tara na Martin..” yaya ni mama kay Kuya.

“Tandaan mo ang sinabi ko.. wag na wag kang magsisisi kung sakaling may iba ng umangkin sa puso ni AJ.” Sabi ni kuya at umalis na sila.

Naiwan ako doon na nagngamba. Ano bang balak ni kuya?

[AJ’s POV]

Hapon na ng lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Rizza sa salas at agad niya akong sinalubong.

“Okay ka na...”

“Feeling okay...”

“Really? Good news yan...”

“Salamat sa mga words of wisdom mo kanina...”

“No.. it’s for you para naman matauhan yang sarili mo...”

“Ang laki ko talagang tanga.... haixt...”

“Nagmahal ka eh.. malamang magpapakatanga ka...”

“Wow... alam mo matagal mo ng pinapamukha sa akin yan eh... nakakasakit ka na ha...”

“Eh sa totoo naman eh... true friends never lie...”

“Pero...”

“Pero pero.. daming alam... basta mag prepare ka next week.”

“Anong meron?” tanong ko.

“Nagyaya sila Dylan.... mag swiming tayo.. sa Batangas.... meron diba sila Johan na rest house dun... mag babakasyon tayo para naman mawala yang stress mo...” sabi nito.

“Ay grabe....”

“Pumayag ka na.. wala ka ng magagwa...”

“Pero...”

“Stop that pero pero.. pag hindi ka sumama magtatampo sila sige ka...”

“Oo na po.. teka ipag paalam mo ako kay mama at papa...”

“Done na..”

“Ang bilis ah... mukhang pinag handaan..”

“Di naman.. slight lang.. teka lang...”

“Oh bakit?”

“Yang amoy mo.. yung totoo ha.. pinag handaan mo din?”

“Oy ang kapal mo... sige na maliligo na ako... mabango ang pawis ko no!”

“Parang di naman...”

“Ang kapal mo...”

“Magsabon ka ha.. mga ilang sabon... gawin mong 3 sabon ang gamitin ha...”

“Nagsalita ang mabango...” niyakap ko siya at inasar asar.

“Get off me.. ang baho mo no.. isa...”

“Ang arte ha...”

“Sus... kapal mo ha... kahit best friend kita bru-brutalin kita...”

“Eto na... maliligo na po.. ipag handa mo ako ng pagkain ha... aalis ako mamaya....”

“San ka naman pupunta?”

“Manlalake...”

“Nice... sama ako ha...”

“Edi sumama ka.. magmumukha kang alaly sa akin...”

“Excuse me...”

“Dadaan ka?”

“Che.. ewan ko sayo...”

“Sige na.. dami pang alam..”

“Toodles...”

“Orayt...”

Yun na nga naligo ako. Habang naliligo ako, naiisip ko na lang ang sarili ko magmula ngayon. Ano nakay ang magyayari sa sarili ko kapag ginawa ko ang pagbabagong ito? Haixt.

First time kong gagawin ang mga bagay na ito. Matagal ko ng gustong gawin to at mukhang eto ang magpapakilala ng bagong ako. Ang totoong ako.

Hindi naman ako papayag na mag mukha akong kawawa sa harap ng maraming tao habang pinagtatawanan ng iba dahil naiwanan ako ng lalaking mahal ko. Gagawa ako ng paraan para maipakita kay James na maling mali ang ginawa niya.. na mali ang ginawa niyang pambabasura sa akin. Na hindi niya dapat ginawa yun.

Nagsuot ako ng sando at walking shorts. Magpapagupit naman eko eh. Nag ayos ako ng sarili ko bago umalis. Tinawag ko si Rizza, tinanong ko kung sasama ba siya.

“Oh ano sasama ka ba?”

“Oo sasamahan na kita.., baka kung ano paang mangyari sayo...”

“Okay tara na... nag paalam ka na kay mama?”

“Aba... anong ako? Bakit ako ba ang aalis?”

“Ma... aalis po kami ni Rizza ah...”

“Gabi na ah....”

“Madali lang po to.. before nine nandito na po kami...”

“Okay sige.. mag ingat kayo ha...”

“Opo..”

“Tara na...” sabi ni Rizza.

Mga 10 minutes nung makarating kami sa pupuntahan namin. Malapit yun sa bahay nila James. Haixt. Ang sakit pa rin.

“Susme... magpapagupit ka lang pala.. isinama mo pa ako...”

“Eh ikaw kaya jan ang sumama...”

“Ano ba yan?”

“Siya uwi na...”

“Hihintayin na kita...”

“Mag libot libot ka muna dito.. may park jan... o kaya pumunta ka muna kila Mommy...”

“Oh siye sige.. babalikan kita dito ha.. behave...”

“Ikamusta mo ako kay Khail ah...”

“Kay James ba?”

“I hate you,,...”

“Joke.. sige sige.”

Desidido na ako sa gagawin ko. Di ko alam kung bagay sa akin yung gagawin ko. First time ko tong gagawin. Haixt. Akala mo naman kung ano ang gagawin ko eh magpapagupit lang ako. Hahaha.

Matapos ng ikalawang customer ako na yung isinalang. Suki na ako dito kaya ayon. “Oh.. mukhang pumapayat ka ah..” sabi ni manong.

“Naku bola pa...”

“Ano dating gupit ba?”

“Hindi po.. bago na po..”

“Aba.. ngayon ka lang nagbago ng gupit ah.. di ka na ba nagagandahan sa gupit ko...”

“Naku.. kayo po paborito kong manggugupit.... depressed lang po kaya magpapagupit po ako ng ganito..”

“Ano bang gupit iho?”

“Yung gupit na walang makakakilala sa akin masyado...”

(Itutuloy)


5 comments:

  1. si AJ na lang and Martin 'ARTIN' ! hahaha ayoko na kay James and kay Jaysen I want something new

    ReplyDelete
  2. now i wanna see este read the new AJ sa next chapter.. :)

    -mans-

    ReplyDelete
  3. update! update! update! =)

    _xtian

    ReplyDelete
  4. i know how it feels to be cheated. masakit sobrang sakit parang hinihiwa ang dibdib mo

    ReplyDelete
  5. kaloka ka talaga mr. author. mahal na mahal ni james c AJ biglang kinalasan. gusto ko yan. haha. dapat yung kapatid naman ni james at pagibigin mo haha.

    ReplyDelete