Monday, September 15, 2014

Less Than Three- Part 55


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 55

(Narito ako)



[Alex’s POV]

“Why are you here?” unang tanong bumungad sa akin pagkadating ni RD sa bahay nila dito.

“Wala man lamang bang Welcome o kaya I miss you? Ayan agad ang tanong mo sa akin nakakasakit ng damdamin ah.” Sabi ko na lang.

“Nasaan si Kieth? Ano pa ba ang kailangan mo sa akin ha? Bakit ka pa pumunta dito?”

“Bakit mo ba hinahanap ang taong wala? At isa pa, hindi ka ba masaya na pumunta ako dito para sayo?”

“Then why are you here? Para sa akin? Oh come on, wag mo na nga akong paasahin.” Sabi niya

“Ang mean mo naman ata sa akin?”

“I’m just tired. Gusto ko na matulog.” Bigla na lang siyang dumaan sa harapan ko at nagtuloy sa kwarto niya.

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko Alex, namiss ka niya pero hindi lang siya masyadong expressive.” Sabi ni tita.

“Okay lang po. Kasalanan ko din naman po kung bakit siya nagalit sa akin. Don’t worry po.” Sagot ko.

“Gusto mo bang kumain muna o magpahinga na?”

“Magpapahinga na muna po ako. Medyo may jetlag po ako eh. Saan po ba ang kwarto ko po? Ilalagay ko na rin po ang gamit ko.”

“Ah doon sa tabi ng kwarto na pinasukan ni RD.”

“Ah sige po. Mauna na po muna akong magpahinga.” Sabi ko.

“Alex teka lang.” tawag ni tito.

“Ano po yun?”

“Maraming salamat sa pagpayag mo napumunta dito. Alam kong mahirap pero ginawa mo pa rin Pasensya ka na kasi kami pa yung naging burden ng mga kalungkutan mo. Iho pasensya ka na, kailangan ka lang ng anak naming lalo na at nag-iiba na unti-unti ang anak namin.” Sabi nito.

“Wag na po natin isipin yun. At isa pa, dual purpose na rin naman po yung pagpunta ko po dito. Mag aral at mag OJT na rin po ako dito. Isa pa po, may company deal na rin naman po kami ni kuya Alec dito.”

“Salamat talaga. Malaking tulong sa amin ito.” sabi ni tita.

“Wala pong anuman. Sige po magpahinga na muna po ako.”

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama na aking tutulugan. Nalulungkot ako kasi hindi ako sanay na mag-isa. Sa ngayon kasi nararamdaman ko na mag-isa ako. Namimiss ko na agad sila mama, si papa, si kuya at marami pang iba.

Kailangan mag ayos na ako ng gamit para makatulog na ako kahit papaano. Unti-unti kong kinuha ang mga damit ko at isinaayos ito sa aking cabinet. How can I resist this lonliness. Pasaway ka Kieth, sobrang pasaway mo!

Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal dito pero sa lagay kong ito mukhang taon aabutin. I decided to deactivate all my social networking sites. Bakit? Para makalimot sa lungkot ng aking nakaraan. Bagong buhay ang mangyayari sa akin at kailangan tatagan ko. Kapag nag activate ako or nag entertain ako nang anumang bagay mula sa Pilipinas, mahihirapan lang ako. Lalo akong malulungkot, lalo ko silang mami-miss.

Kahit papaano ay unti-unti kong tinatanggap ang ginawa ni Kieth. Alam kong hindi siya naging madamot kay RD. Masaya ako na okay si RD kahit papaano pero maraming nagbago sa kanya.

How do I start with him? Mukhang malayo na ang loob niya sa akin. Haixt. Gusto ko nang umuwi, pero hindi pwede. Siguro after ko masettle yung kay RD eh itry kong ayusin na ang studies ko. Mas advance dito kaya iba ang curriculum nila dito.

After kong maayos ang mga gamit ko ay humiga na ako sa kama. Sa wakas pwede na akong magpahinga. Agad kong niyakap ang unan at dinama ang lambot nito. Isang patak ng luha ang tumulo sa aking mata hanggang sa maalala ko ang araw na iniwan ako ni Kieth.

(Flashback)

Pagmulat nang aking mata ay mukha ni mama ang nakita ko sa aking kwarto. Agad akong napabalikwas ng bangon at nagtanong ng marami kay mama.

“Ma, may alam ka ba sa nangyayari? Please naman po sabihin ninyo sa akin. Nasaan po si Kieth? Nasaan po siya? Please…” pagmamakaawa ko.

“Anak… Patawarin mo sana ako…”

“Ma wag ninyong sabihing…”

“Sorry anak.”

“Ma paano ninyo nagawa yun? Ha ma? Paano ninyo nagawang maglihim sa akin? Ma, sayo lang ako nagtitiwala pero naglihim pa kayo sa akin. Ang sakit ma… ang sakit…” sabi ko habang patuloy sa pag iyak.

“May… may ipinapaabot na sulat si Kieth.” Sabi ni mama.

Kinuha ko ang sulat na ibinigay ni mama. Agad naman akong niyakap ni mama at patuloy pa rin sa paghingi ng tawad. “Anak sorry… sorry.” Sabi nito.

“Ma ang sakit… ang sakit… Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako pinabayaan?”

“Mahal na mahal ka niya anak… Wala lamang siyang choice kundi gawin ito. Intindihin mo rin siya.”

“Ma, paano ko siya maiintindihan kung hindi man lang niya sinasabi sa akin. Ni hindi man lang siya nagpaliwanag sa akin. Maiintindihan ko naman kung gusto niyang tumulong eh, pero hindi ganito. San man lang eh hinarap niya ako at mismong sa akin niya sinabi ito.”

“Anak, kilala ka ni Kieth. Alam niya na kapag sinabi niyang pumunta ka doon ay hindi ka susunod. Tama ba ako? Kaya siya nagdecide na lumayo sayo.”

“Ma, mahal ko si Kieth. Alam niya na gagawin ko lahat. Wala naman talaga akong balak na sumunod pa sa Amerka kasi ayaw kong iwan si Kieth.”

“Kaya nga niya ginawa ito. Anak intindihin mo din si Kieth.”

“Paano ako ma? Sinong iintindi sa akin?”

“Anak alam kong mahirap… pero.”

“Masakit ma…”

“Basahin mo ang sulat niya.”

“Ma…” isang salita sabi lamang sa pangalan niya ay alam na niya ang pighati na nararamdaman ko.

“Anak, minsan kailangan nating magsakripisyo para lamang makagawa tayo ng tama sa kapwa.”

“Naging sakim ba ako ma? Naging madamot ba ako sa pagkakataon?”

“Hindi anak, mahal mo lang talaga si Kieth kaya nasasaktan ka ng ganito. Mahal ka niya at yan ang lagi mong iisipin.”

“Ma ayoko… ayokong umalis.”

“Alam ko anak. Ayaw din kitang umalis kasi nga baby kita. Ayaw kitang mawala sa paningin ko. Pero kailangan ka ni RD. Kailangan mong bigyan siya ng pag-asa na mabubuhay siya.”

“Pero si Kieth ma…”

“Oo alam ko, alam ko namang maghihintay siya sa pagbalik mo”

“Walang mag-aalaga sa kanya ma.”

“Narito ako anak…”

“Ma naman…”

“Hindi ko aagawin sayo ang buhay mo anak. Aalagaan ko si Kieth bilang isang anak. At isa pa anak, ano bang tingin mo sa akin ha?”

“Hindi naman sa ganun ma. Kaso baka pagbalik ko dito…”

“Matiyaga si Kieth anak.”

“Ma…”

“Ano ba ang kinakatakot mo anak?”

“Na pagbalik ko…”

“Pagbalik mo ano?”

“Na wala ng Kieth na sasalubong sa akin… na wala ng Kieth na magmamahal sa akin… baka mawalan na siya ng pagmamahal sa akin.”

“Anak…”

“Ma alam ko…”

“Don’t worry…”

“Ma si kuya…”

“Nasa baba.”

“I ruined his wedding.”

“Nag aalala siya sayo. Wala namang ibang problema pa. Yung mga guest walang kaalam-alam sa nangyari.”

“Nahihiya ako sa kanila ni ate Kate.”

“Anak mag pahinga ka na muna. Iiwanan na muna kita. Sa tingin ko kailangan mo na munang mapag isa. Kapag nagugutom ka bumaba ka lang, ipagluluto kita.”

“Sige ma. Salamat.”

Umalis na nga si mama sa kwarto ko at tuluyang bumaba. Agad kong kinuha ang sulat ni Kieth at binasa. Kahit kailan talaga hindi gumawa ng isang bagay na ipanapaalam sa akin. Kailangan kong intindihin ang sitwasyon. Walang magagawa ang galit sa puso ko ngayon.

Pinagmasdan ko ang bawat salita na nakasulat doon at sa ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang sarili ko na nasasaktan, nahihirapan at hindi alam kung kaya ko bang i-sink in sa utak ko ang lahat ng iyon.

Isang desisyon lang naman ang gusto nilang malaman galing sa akin, kung aalis ba ako o hindi. Alam ko iiwanan ko si Kieth kapag umalis ako, pero wala rin namang pinag kaiba yun sa ngayon kasi hindi naman siya lalabas sa kinalalagyan niya kung di din ako aalis. Kaya susunod ako sa lahat nang nangyayari, pupuntahan ko si RD.

(End of Flashback)

Limang sunod-sunod na katok ang bumungad sa akin matapos makapag muni-muni sa mga nangyayari. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto at agad namang iniluwa nito sila kuya Alec.

“Hi…” bati nito.

“Tito!” biglang sigaw nang dalawang bata na nasa pintuan kasama ni kuya.

“Hi Aaron… Hi Alden!” bati ko sa kanilang dalawa.

“Pasensya ka na sa dalawa. Kanina pa ako kinukulit eh. Kanina ka pa nila hinahanap. Himala nga at naging ganyan sila. Sa ibang tao naman kasi hindi sila ganyan. Natuwa siguro siya sayo habang nasa flight tayo.” Sabi ni Kuya Alec.

“Ayos lang kuya… I want them din naman para malibang ako.”

“Tito buhat… tito buhat.” Sabi ni Aaron.

“Oh siya halika.” Binuhat ko nga ito.

Gwapo ito katulad ni kuya Alec. Ang cute ng dimple nang batang ito. Siyempre ganun din ang kakambal nito na si Alden. Agad namang lumapit ito, mas tahimik ito kesa sa isa. Mahiyain, kabaligtaran ni Aaron.

“Oh halika nga, alam kong gusto mo ring magpabuhat.”

Oo, binuhat ko silang dalawa. Agad namang yumakap sa akin si Alden. Napakamahiyaing bata kahit kailan. Sabi nga nila kapag kambal eh magkaiba talaga.

“Pasensya ka na sa abala ha.”

“Ayos lang kuya. You can leave them to me.”

“Sigurado ka ba?”

“Oo. Pahinga na muna kayo.”

“Nakakahiya sayo. Alam kong babago ka palang magpapahinga pero…”

“Wala yun kuya… pampatanggal ng bagot. Mas okay na may pinagkakaabalahan ako tulad nito.”

“Kapag nagligalig ang dalawa tawagin mo lang kami ha.”

“Sige.”

“Salamat.”

Umalis na si kuya Alec habang naiwan naman sakin ang kambal. I think they will moving here. Narinig ko din sa usapan nila ng asawa niya na may bahay na sila dito na titirhan I wonder kung gaano sila katagal dito or they will live here for good.

“Tito, nasaan si tito RD?” tanong nito.

“Nako Aaron nagpapahinga lang si tito RD ninyo. Pagod kasi siya eh. Kayo ba di pa napapagod?”

“We want to play.”

“Ano ba gusto ninyong laruin?”

“Beng beng.” Sabi bigla ni Alden.

“Ayoko nun.” Sabi ni Aaron.

“Oh ano ba gusto mo?”

“Ball…” sagot nito.

“May toys ba kayong dala?”

“Wala po.”

“Paano yan?”

“Here…” kinuha niya yung phone ko.

“Ah, you want phone games?”

“Yes tito.”

Binuksan ko ang phone ko at binigay ko kay Aaron. Bigla ko naman nakita si Alden na nahili kaya naman kinuha ko yung Ipad ko at binigay sa kanya.

“Ilan taon na kayong dalawa?”

“Three po.” Sagot ni Alden. Sa wakas nagsalita din siya.

“Ah, sino mas matanda sa inyo?”

Di sila sumagot. Aba malay ba talaga nila eh bata lang sila. “Nakita na ninyo si lolo ninyo?” tanong ko.

“Hindi po. Takot kami.” Sabi nito.

“Oh bakit naman?”

“Nakakatakot siya tito. He stared us.” At nag English pa tong batang ito.

“Ah gaun ba, yaan mo kakausjapin natin si lolo ninyo soon ha.”

“Scary.” Sabi ni Alden.

“No he’s not.”

“Really?” tanong ni Aaron.

“Yes.”

“I want tito RD here.” Sabi ni Aaron.

“Nagpapahinga kasi tito RD ninyo. Yaan ninyo pupunt…” di ko na natuloy ang sinasabi ko nang sumigaw si RD sa aming likuran.

“Im here!” biglang sigaw ni RD.

Nagulat ako nang biglang lumitaw siya sa kwarto ko at lumapit si RD sa amin. Agad namang yumakap si Aaron at Alden sa kanya. He look okay ngayon pero ang laki na ng pinayat niya. Nakatitig ako sa kanya nang tumingin siya sa akin.

“You missed tito?”

“YES!” sigaw ng dalawa.

“Gusto ninyo bang lumabas?”

“Yes!”

“Tara!”

“Yehey!”

“RD teka, baka magalit si kuya Alec.”

“Kung ayaw mong sumama sa amin eh magpahinga ka na lang jan para naman mamayang gabi makakauwi ka na.” sabi nito.

“I’m staying here.”

“Then fine. Magpahinga ka na lang jan kesa ngumawa ng ngumawa.”

“RD.”

“Alex were going out. Pasabi kay kuya Alec.”

“Sasama ako.”

“Wag na. Kaya ko na to.”

“Tito sama din si tito Alex.” Sabi ni Alden.

“Ayaw ninyo ba na ako lang kasama?”

“We want both of you.” Sabi ni Aaron.

“See? They want me. Buti pa sila.”

“Tsss. Dami pa sinasabi. Tara na nga.”

“Teka magsusulat ako ng note kay kuya Alec.”

After ko magsulat nang note ay umalis na din kami. This is the first time na nakaapak ako ng US. Marami akong nakitang tao na naglalakad. Puro mga Amercano pero may nakikita rin naman akong mga dayuhan.

“Tito, where are we going?”

“Uhm… bibili tayo ng toys ninyo.”

“Yehey!” sabi ng dalawa.

Hawak niya si Aaron habang akin naman si Alden. “How are you?” tanong ko sa kanya.

“Fine. Buti natanong mo.”

“Im worried din naman.”

“Really? Ni hindi mo nga ako dinalaw eh.”

“But I’m here.”

“So utang na loob ko pa sayo ito?”

“RD sorry… I know...”

“You know nothing Alex. Wala kang alam.”

“Can we just settle this things?”

“Not now. Nag eenjoy ako ngayon kasama ang mga pamangkin ko.”

“Okay.”

I know nagtatampo na siya sa akin. Kasalanan ko rin naman dahil ni isang beses ay hindi ko siya nadalaw. Masakit man sa kalooban ko ang pakikitungo niya sa akin, I know I should bear it.

“How’s Arjay?” tanong nito.

“He’s okay.”

“I missed him.”

“Miss ka rin niya.”

“Alam ko. Buti nga siya nag care siya sa akin. He’s a true friend.”

Alam ko nagpaparinig na siya sa akin. Kailangan ko ring I-bear lahat ng sinasabi niya. Tinitigan ko siya at pansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I want to hug him, gusto kong maramdaman niya na nandito ako para sa kanya.

Kieth. Give me more strength. I hope he’s okay. Tinitigan ko ang mga kamay ko at naalala ko ang huling beses niyang hinawakan ang kamay ko.

“Missing him?” nagulat ako sa tanong ni RD.

Hindi na lang ako sumagot. “Gutom ka na ba?” tanong ko kay Alden.

“Opo.” How polite oh him.

“Kain muna tayo.” Sabi k okay RD.

“Okay.”

Sa isang fast food chain kami kumain. Si RD na ang umorder sa amin. Ako naman ang humanap ng upuan para sa amin. Habang nasa pila siya ay pinagmasdan ko siya at sobra akong nagulat sa nakita ko habang nakapila siya.

May kausap siyang lalaki and they are having PDA. Nagulat ako nang hinahayaan lang ni RD na hinahawakan nung lalaki yung pwet niya. He seems enjoying it. Nakita kong napatingin siya sa direksyon ko at ngumit lamang siya.

“Alden, dito ka muna umupo sa tabi ni Aaron ha.” Sabi ko.

Iniwas ko na makita ng mga bata ang mga pinaggagawa ni RD. Hindi ko nagugustuhan ang pagbabago sa sarili niya na nangyari dito. Ilang linggo lang ang nakakaraan pero heto siya, ibang RD ang sasalubong sa akin.

Kasalanan ko ba lahat ng pagbabago sa kanya? Ako ba talaga ang may pananagutan kung bakit ganito siya umasta ngayon? Kung hindi ko lang sana siya binalewala, siguro hindi siya nagkakaganito. Pero ang sakit, bakit ba kailangan ako? Dala-dala ko yung burden sa puso ko.

“Here is our order kids.” Bigla niyang sinabi nang makaorder siya.

“Wow!” sabi ng kambal.

“Eto ang sayo Aaron… eto naman ang sayo Alden.” Sabi ni RD.

“Oh, kain ng mabuti ha.” Sabi ko.

Tumabi si RD sa akin at ibinigay ang pagkain ko. Nagsimula na naman kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

“Tito sino yung kausap mo kanina?” tanong ni Alden.

“Ah, wala yun. Nakilala ko lang kanina.” Sagot ni RD.

“Diba sabi ni lola eh don’t talk to strangers? Eh bakit nakikipag usap ka sa mga strangers? Diba bad yun?” sabi ni Aaron.

Bigla naman akong sumabat para paringgan si RD. “Oo tama yun Aaron. You shouldn’t talk to strangers kasi bad yun baka mapahamak kayo if ever na bad yung person. Wag ninyong tutularan si tito RD ninyo kasi mali yung ginawa niya ha. Kaya tandaan ninyo na mag ingat lagi.” Sabi ko.

“Tsss.” Narinig ko na sabi ni RD.

“Diba RD tama ako?” sabi ko sabay ngiti.

“Ano pa ba ang magagawa ko? Nakakuha ka na ng kakampi. Tsss.”

“Nakikita ng mga bata ang pinag gagawa mo.”

“Ang mga bata ba o ikaw? Nagseselos ka ba?”

“Wag mong ibuntong sa akin lahat. Dapat alam mo na may kasama tayong mga bata. Bago ka mag flrt sa iba dapat dun sa hindi namin nakikita. Nasa public kayo pero ganun ginagawa ninyo.”

“Woaaah ha. Public pala ha. Parang kayo ni Kieth hindi nag PPDA ah. Kung makapagsalita ka naman sa akin akala mo perpekto ka.”

“Yung sa amin ni Kieth legal yun. Mag boyfriend kami. Pero kayong dalawa, kakikilala mo lang pero ganun na ginagawa mo? How cruel is that?”

“Bakit mo ba ako pinaparangalan sa mga ginagawa ko? Nanay ba kita? Tatay? Diba taga-alaga lang kita ha?”

“RD pumunta ako dito hindi para alagaan ka lang. Nagpunta ako dito para bigyan ka ng buhay.”

“Alex, matagal na akong walang buhay. Simula nang ipamukha sa akin na wala akong kwentang tao sayo. Ang sakit tanggapin Alex na ang kaisa-isa mong pag asa na mabuhay ay hindi ka man lang binibigyang pansin.”

“RD alam kong nagkamali ako. Tanggap ko naman nagalit ka sa akin eh. Isipin mo naman na nasasaktan din si Kieth sa tuwing nagkikita tayo. Nagdamot lang ako ng konti sayo kasi lahat ng oras ko nun binigay ko sayo. Si Kieth lagi na lang niyang iniintndi ako, pero ni minsan hindi ko siya inintindi. Kaya naman sana magkaroon ka ng konsiderasyon sa pagbibigay niya ng pahintulot sa pagpunta ko dito!”

Nag-iinit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Ramdam ko na anytime ay maninigaw ni si RD dahil sa init ng ulo. “Tito, nag aaway po ba kayo?” tanong ni Alden.

“Hindi iho.” Sagot ko.

“Ano pong ginagawa ninyo?”

“Nag dedebate kami Alden.”

“Ano po yung debate?” tanong ni Aaron

“Pagtanda ninyo maiintindihan ninyo yun.” Sagot ni RD.

“Kain na kayo para makauwi na tayo.” Sabi ko.

“Tito gusto pa naming gumala.”

“Hahanapin na kayo ng papa ninyo. Baka magalit yun kapag hindi kayo nakita pag gising nila.”

“Pero next time pwede po na gala po tayo?”

“Sige sige” sagot ni RD.

Ganun na nga ang ginawa naming matapos kumain. Pagkarating naming sa bahay eh naghihintay na sila sa amin. May mga pagkain na rin na nakahain. Agad namang pumasok sa loob ng kwarto si RD.

“May problema ba?” tanong ni tita

“Wala naman po. Medyo nagkasagutan lang po kami ni RD ng konti.”

“Pagpasesnyahan mo na ang anak ko. Sa simula lang siguro magkakaganyan yan. Napakatigas na kasi ng ulo ng batang iyan. Sana wag kang sumuko.”

“Okay lang po yun. Naiintindihan ko namna kung ano ang pinag huhugutan niya. Alam kop o na isa ako sa dahilan kung bakit nagkakaganan siya.”

“Salamat sa pag-iintindi.”

“Walang anuman po.”

“Tara kain na tayo.”

“Kumain na po kami nila RD sa labas. Pahinga na lang po muna ako. Medyo nahihilo na rin po ako dahil sa jet lag po.”

“Ah ganun ba. Sige ipagtitira ka na lang namin para pag gising mo may kakainin ka.”

“Kahit di na po. Baka po gabi na rin ako makakagising eh hapunan na rin yun.”

“Ah sige. Pahinga ka na.”

“Opo. Salamat.”

Biglang lumapit ang kambal sa akin. “Tito Alex kain po tayo.” Yaya nila.

“Naku papahinga na muna ako ha. Pagkagising ko lalaro ulit tayo.” Sabi ko.

“Yehey!” sabi nila sabay halik sa pisngi ko.

Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at inihiga ang sarili ko. Kusang sumara na ang mga talukap ng aking mga mata at naramdaman ko ang sarili ko na himbing na natutulog.

[RD’s POV]

Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mamahalin ako ni Alex pero nararamdaman ko naman na hanggang ngayon ay kulong pa rin siya sa nararamdaman niya kay Kieth. Haixt.

Alam kong nagpunta siya dito hindi dahil sa akin kundi dahil sinabi ni Kieth sa kanya. Wala na ba talaga akong halaga kay Alex? Wala na ba talaga akong puwang sa puso niya? Tsss.

Isinuksok ko ang mukha ko sa malambot na unan at niyakap ang katabi kong unan. Single for life na langa ba? Hanggang mamatay na ata ako eh single na ako. I have this cold feeling inside my heart.

Isang sunod-sunod na katok ang narinig ko. Sino kaya ang isitorbo sa akin sa gabing ito? Agad kong tinungo ang pintuan ng aking kwarto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang magandang bulto ni Alex. Ilang sandali din akong natigilan nang makita ko siyang nakatayo sa aking kwarto.

“RD pwede ba tayo magusap?”

“Para saan pa?”

“Gusto ko lang linawin lahat.”

“Pasok.” Yaya ko sa loob.

Isinara niya ang pinto at umupo siya sa may kama ko. “What is it?” tanong ko.

“RD sorry kung di kita nakamusta nung nasa Pilipinas tayo. Sorry kung di man lang ako nakapunta sa bahay ninyo para lang makita ko.”

“Tanggap ko na naman lahat.”

“Pero RD kasi…”

“Alex, simple lang naman ang lahat sa akin eh. Tanggap ko na kahit kailan eh hindi na ako makakbalik sa puso mo. Umaasa ako na sana kahit isang araw lang maramdaman ko na ako lang laman ng puso mo. Pero nawalan na ako ng pag asa sayo. Nawalan na ako ng mga hope na mangyayari pa yun.”

“Sorry RD.”

“Enough of that sorry… naiirita ako.”

“RD kasi nababahala na ako sayo.”

“Simple lang… may buhay ako, may buhay ka. May kanya-kanya tayong buhay na pinanghahawakan. Pakialaman mo ang buhay mo at hindi ang buhay ko.”

“RD gusto kong gumaling ka…”

“Hindi na ako gagaling Alex. Walang gamot na makakapag pagaling sa sakit ko!”

Kitang-kita ko ang pananahimik niya. Agad naman akong umupo sa may kama na may kalayuan sa kanya. Sinira ng isang phone call ang katahimikan sa paligid namin.

“Hello.” Sagot ko.

“RD pwede ba tayong mag-usap?”

“Sino to?”

“Si Eloisa ito.”

“Paano mo nakuha ang phone number ko? Tugkol san ba yan?”

“Please, makipagkita ka sa akin.”

“Sabing busy ako.”

“Tungkol to sa atin.”

“Eloisa, nagkaintindihan naman tayo na isang one night stand lang ang nangyari sa atin kaya no commitment. Kaya please. Kilala mo ako, ako yung isang taong hindi na nakikipag commitment sa kahit sino man.”

“RD ano ba? Ganyan ka na ba talaga? I thought di ka tulad ng iba na iresponsable.”

“Mind your own business.”

“Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi pa tayo tapos.”

“Anong ibig mong sabihin ha? Can you please stop making this fuss about?”

“Please magkita tayo.”

“Bakit nga?!” sigaw ko na.

“RD wag kang ganyan sa kausap mo.” Biglang singit ni Alex.

“Diba sabi ko mind your own business. Just leave.” Sabi ko.

“Sino yan?” tanong ni Eloisa.

“Si Alex… Ano ba sinasabi mo?”

“So he’s here.”

“Oo nandito siya.”

“Nagmamakaawa ako sayo. Please, makipagkita ka sa akin.”

“Shit naman oh!”

“RD…” pinakinggan ko ang sasabihin niya.

Parang nag-iba bigla ang mundo ko sa sinabi niya. Nabitawan ko ang phone ko. Shit! Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi niya. Next thing to know ay nakita kong nasa tabi ko na si Alex.

“What’s the matter?”

“Noth…nothing.” Sabi ko.

Agad akong tumayo at pinulot ang phone ko. Kailangan kong puntahan si Eloisa. “Hey!” sigaw ni Alex.

“Bakit?”

“Saan ka pupunta?”

“Basta!”


Tumakbo na ako ng mabilis at agad naman akong nakalayo sa bahay na iyon. Isang balita ang bagong gugulantang sa buhay ko. Naramdaman ko agad ang pagod. Shit! Bakit ngayon pa umatake tong sakit ko.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment