This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 57
[Alex’s POV]
Marahil ako lamang ang nakakita sa mga mata
ni RD. Ito na siguro ang mga sama ng loob na gustong sabihin ni RD sa kanila
matagal na. Kitang-kita ko ang paparating na ang luha sa kanyang mga mata.
“Narito kami para sayo anak.” Sabi ni tita.
“Oo ma, nandito nga ang mga katawang lupa
ninyo. Pero hindi ko matiis tignan ay ang makita na ang pamilya ko, walang
pagmamahalan sa isa’t-isa.”
“Mahal ka naming lahat Dan…Mahal ka namin.”
Sabi ni kuya Alec
“Kuya… kung alam mo lang. Ang laki ng sama
ng loob ko sayo. Simula nang mawala ka, napatong na sa akin ang responsibilidad
mo.”
“Akala ko ba naintindihan mo ako? Alam mo
naman kung bakit ko ginawa ang mga bagay na yun.”
“Oo kuya, naintindihan kita. Pero
naintindihan mo ba ako? Si Mama ba inintindi mo? Matapos mong umalis sa bahay
natin, nawalan ka na ng communication sa amin.”
“Pero nawala kayo. Lumipat kayo. Hindi din
alam nila Alex kung nasaan kayo.”
“Pero hinanap mo ba kami kuya? Sinubukan mo
ba kaming hanapin?”
“Oo naman. Mahal ko kayo. Pamilya ko kayo!”
“Kuya… ang sakit lang. Ako ang gumawa lahat
ng responsibilidad. Ako ang naging panganay, ako ang lahat. Ang sarili kong
pamilya ang humadlang sa akin para makasama ko ang mahal ko… si Alex.”
“Pasesnya ka na anak..” sabi ni tito tom.
“Ang dali lang humingi ng tawad pa, pero
alam ba ninyo ang ginawa ninyo sa akin? Noong bata ako, halos isumpa na ninyo
ako noong aminin ko na mahal ko si Alex. Hindi ba ninyo alam na sa loob ng mga
panahon na yun, nawalan na ako na ama na tinuturing pa.”
“Pero ikaw na lang natitira kong anak. Ikaw
na lang ang magsasalin ng lahi ng pamilya natin.”
“Yan ang nasa isip ninyo? Sigurado ba kayo?
Pero bakit kailangan ninyo ako ipagkasundo kay Alex? Dahil ba sa pera? Dahil ba
nalaman ninyo na bisexual din ang anak ni Tito Ralph kaya pinagkasundo ninyo
kami?”
“Noon yun anak. Pero iba na ngayon.”
“Siguro nga pa… siguro.”
“Anak patawarin mo na ako.”
“Pa, gusto ko lang sabihin ang lahat ng ito
sa inyo. Mahal na mahal ko kasi kayo. Alam ba ninyo kung gaano kasakit makita
na nagkakagulo ang pamilya na to. Si mama, ilang beses kong nakita ang
determinasyon na mabuo ang pamilya natin. Pero wala kayong ginagawa para mabuo
to. Pa, kuya.”
“Sinubukan ko anak… sinubukan ko. Matagal
ko nang alam kung nasaan ang kuya mo. Pero pinairal ko ang pride ko.”
“Sorry Dan… sorry.” Sabi ni kuya Alec
“Hindi naman kailangan madamay ni Alex
dito. Kayo lang sapat na. Masyado lang akong matigas ang ulo. Kaya pa, kuya,
sana naman magkaayos na kayo. Sana lang.”
Pinahid ni RD ang mga luha niya saka
pumasok ng kanyang kwarto. Naiwan kami doon na hindi alam ang gagawin. Kay
bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano ba magsisink in sa akin ang
lahat.
“Tom, Alec. Sana mag kayos na kayo. Sana
naman ibigay na ninyo ito kay Dan. Ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko.”
Sabi ni tita.
“Ma sorry… hindi ko man lang nakita na
nasasaktan na kayo. Sorry.” Yumkap si kuya Alec kay tita.
“Sorry… Kasalanan ko ang lahat.” Sabi ni
tito Tom.
“Pa… sorry sa ginawa ko.”
“Ako naman ang may kasalanan.”
“May kasalanan din ako pa. Kung hindi sana
ako lumayas noon ay hindi magkakaganito si Dan. Kung sana nagtiis pa ako, sana
lang okay siDan.”
“Hindi anak, kung hindi mo naman ginawa yun
eh hindi ka magiging matagumpay na tao. Hindi ka magakaroon ng asawa na tulad
ni Anessa at mga mababait na anak. Nakita ko ang mga pagkakamali ko. Nakita ko
na dapat pala hindi ganito ang isa ama. Naramdaman ko na ang pagiging ama ay
hindi lang dapat sa pagiging isang haligi pero isa ring bantay para mataguyod
ang pamilya. Pasensya na Alec, panganay ko.” Sabi ni tito
Maging ako ay naiiyak sa nakikita ko.
Nagyakap ang mag ina at umiiyak si tita. Lumabas na din si Anessa at pormal ng
winelcome ni tito Tom si ate Anessa sa pamilya nila.
Kung makikita lamang ito ni RD, matutuwa
siya sa mga pangyayari. Kailangan ng karamay ni Rd ngayon at sa tingin ko ay
ako ang magiging karamay niya. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang umiiyak.
Nakatingin siya sa akin habang papasok ako.
“RD, okay na sila. Tabs, okay na pamilya mo.” Sabi ko.
Isang ngiti ang iginanti niya sa akin saka
nagpahid ng luha. “Pasensya ka na kung nadamay ka pa.” sabi niya.
“Pinili ko rin naman to.”
“Dahil kay Kieth kaya ka pumunta dito.”
“Siguro nga. Yun ang tingin ko. Noong
nagtalo tayo ng isang araw, yan ang inisip ko. Ano nga ba ang dahilan kung
bakit ako pumunta dito? Dahil ba sa sinabi ni Kieth o dahil gusto kitang
tulungan?”
“Gusto kong malaman mula sayo Alex… minahal
mo ba ako?”
Isang ngiti ang namutawi sa aking mga labi.
“RD, alam mong ikaw ang kauna-unahang tao na minahal ko.”
“Pero mga bata pa tayo nun.”
“Hinintay kita. Matagal akong naghintay
sayo. Alam mo yan.”
“Sana pala napabilis ang pagkikita natin
para sa akin ka pa rin. Para hindi tayo nagkahiwalay ng ganito.”
“Pero may purpose ang lahat RD. Noong
umalis ka, sabi ko sa sarili ko na napakawalang kwenta kong kaibigan. Hindi man
lang kita nadalaw kahit isang beses. Pero Tabs, kung alam mo lang. Araw-araw
akong gumagawa ng paraan para lamang makamusata ka. Araw-araw kong tinatawagan
si tita at sinasabi na pasikreto lang ako na nangangamusta sayo.”
“Pero bakit? Bakit hindi mo sinabi?”
“Ayokong magkagulo pa ang lahat Mahal ko si
Kieth. Ayaw ko ng masaktan siya. Ayaw ko ng makita na nang dahil sa akin ay
nasasaktan ko kayong dalawa.”
“Pero iniwan mo pa rin siya? Bakit mo siya
pinabayaan?”
“Hindi ko siya pinabayaan, pinagbigyan ko
lang siya. We need time and space for each other. Alam ko gusto ni Kieth na
gawin ko ang mga bagay na gusto ko. Nagpunta ako dito hindi dahil sinabi ni
Kieth, pero nandito ako kasi gusto ko. Ilang beses akong tumanggi na pumunta
dito. Siguro ilang beses na na nagmakaawa si tito Dan sa akin, pero di ko
sinunod.”
“Baka naawa ka lang sa akin.”
“Hindi tabs, may choice ako na hindi
pumunta dito, pero naririto ako. Gusto kong magbigay ng hope sayo. Gusto kong
sabihin na RD, may pag-asa pa. Mabubuhay ka pa. Makakasama ka pa naming ng
matagal.”
“Pero Alex mahirap na.”
“Dahil iniisip mo kaya mahirap.”
“Totoo to Alex. Katawan ko to.”
“Gagawa tayo ng paraan. RD mabubuhay ka.”
“Natatakot ako. Napapagod na ako.”
“Maraming gustong mabuhay RD.”
“Isa na ako doon. Pero natatakot ako na
harapin ang katotohanan. Naapagokd na ako na umasa na gagaling pa ako.”
“Gagaling ka…”
“Hindi na Alex. Lupus ang sakit ko,
treatment lang ang nagbubuhay sa akin.”
“Kaya nga dapat hindi ka sumuko. Lumaban
ka.”
“Pero…”
“Tabs, alam mo naman na marami kanaming
nagmamahal sayo. Alam mo na marami kaming naghihintay sayo. Ano ngayon kung di
ka gumaling? Pwede ka naman mabuhay sa medications diba? Sasamahan ka namin”
“Mahihirapan lang kayo.”
“Kami ang pumili nito. Kami ang namili sa
sarili naming na sasamahan ka naming.”
“Paano mo nasasabi ito sa kabila ng
pagtataboy ko? Sa kabila ng mga ginawa ko sayo? Paano mo nagagawang sabihin
ito?”
“Simple lang. Pagmamahal.”
“Don’t make these nonsense jokes. Alam ko
naman na si Kieth ang mahal mo at hindi ako. Wag mo na lang ako paasahan.”
“Ang sa akin lang, mahal kita bilang
kaibigan. Importante ka sa akin at ayaw kong mawala ka sa akin. Kaya sana lang,
sundin mo na mga magulang mo.”
“Alam ko.”
“Sorry sa lahat ha.” Sabi ko.
“Mukhang ako nga ang may kasalanan eh.”
“Tsss. Basta sorry na. Bati na ba tayo?”
Isang ngiti ang natanggap ko sa kanya at
niyakap niya ako. Eto yung panahong hinihintay ko, yung panahong inaasam ko na
mangyari. Isang ngiti ang lumabas sa aking mga labi sabay nang pagtulo ng luha
mula sa aking mga mata.
“Thanks.” Sabi niya
“Wala yun.” Sagot ko.
“Tinupad mo yung isa sa mga pangarap ko,
ang mabuo muli ang pamilya ko.”
“Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para
lag mapatawad at mapansin mo ako. Nag work naman yung ginawa ko.”
“At least you are back to me.”
“Magpagaling ka ha.”
“Yats… di ko masisisguro yan.”
“I know you can.”
“Pero…”
“Walang pero pero.”
“Yes boss.”
“By the way, di mo ba sasabihin sa kanila
yung tungkol kay Eloisa?”
“Hindi ko pa alam kung paano.”
“Pero kailangan mo.”
“Alam ko. Ang laking gulo nitong ginawa ko.
May sakit na nga ako pero nagdagdag pa ako ng intindihin.”
“RD, blessing to kay God.”
“Natatakot ako na baka magalit sila sa
akin.”
“maiintindihan din nila yan. Kung magalit
sila, given na yun kasi pamilya mo sila. Sana intindihin mo rin si Eloisa.”
“Wag na muna natin pag usapan to.”
“Sige na. Oh, di ka ba sasama sa kanila dun
sa group hug nila?”
“Ang corny naman.” Sabi niya
“Sige na labas ka na.”
“Wag na.”
“Isa.”
“Lalabas ako sa isang kondisyon.” Sabi niya
“Ano naman yun?”
“Kiss mo ako.”
“Woooah. Mamanyakin mo lang ako. Tama na
yung ginawa mo sa akin nung isang araw.”
“Ang daya naman nito eh.”
“Sige na labas na.”
Isang yakap muli ang natanggap ko mula sa
kanya bago siya umalis sa kwarto nay un at sumama sa pamilya niya. Kieth, medyo
okay na kami ni RD. Sana okay ka lang jan, sana naman hindi ka gaano
nalulungkot kahit alam kong lagi kang nag-iisa ngayon.
[RD’s POV]
Masarap pa lang ang feeling na ganito,
maluwag ang pakiramdam at walang gaanong prino-problema. Tatlong araw na ang
nakakaraan mula nang mangyari ang pangyayaring yun.
Magpapa check up na ulit ako bukas para
masimulan na yung gamutan ko. Naging busy na rin naman si Alex kasi nagsisimula
na siya sa pag aasikaso ng OJT niya. Half day naman siya at yun yung gusto ni
kuya para daw sakin na yung time niya after nun.
“Anak, ano gusto mong lunch?” tanong ni
mama.
“Ma menudo na lang.”
“Napapadalas ata pagkagusto mo sa menudo
ah.”
“favorite po kasi ni Alex.”
“Oh, kaya pala.”
“Eto naman si mama oh, nagbibigay ng malisya.”
“Kamusta na ba kayo?”
“Okay naman po kami.”
“Nililigawan mo na ba siya o kayo na?”
“Ma naman, alam naman ninyo na sila ni
Kieth hanggang sa huli ah.”
“Selos ka?”
“Hindi ah.”
“Aysus, eh bakit lumalabas sa ilong mo yang
sagot mo?”
“Hindi kaya. Ma, imbento mo lang.”
“Hahaha Biro lang anak.”
Biglang nag ring ang phone ko, si Peter
tumatawag. “Hello.” Sagot ko.
“Hey dude, let’s go t the bar tonight.”
Yaya nito.
“Uhm… I don’t know.”
“Dude, it’s been five days since we didn’t
see you.”
“I will try to be there dude.”
“Okay dude. We will be waitng for you.
Bye.” Then he hung up the phone.
“Lalabas ka?” biglang tanong ni Alex.
“Oh, nandito ka na pala. Napaaga ka ata?”
tanong ko.
“Sinagot mo na naman ako ng tanong. Maaga
ako natapos sa work ko kaya maaga ako nakaalis ng office.”
“Ahhh kaya pala. Sorry naman. Si Peter kasi
nagyaya mag bar. Sabi ko tignan ko.”
“Oh bakit ayaw mo pumunta?”
“Diba nga…”
“Ang sabi ko naman sayo diba mag behave ka?
Magpaalam ka kaya kila tita para kung gusto mong pumunta eh makapunta ko.” Sabi
niya
“Opo boss.”
“Yan tama yan.”
“Pero sasama ka sa akin.”
“Ha? Bakit ako?”
“Please… para naman may taga alaga ako. Oh
diba kaya ka nga nandito?”
“Mr. Lim, nambla-blackmail ka ba ha?”
“Nope.”
“Wag na ako. Di ako bagay jan sa bar na yan.”
“Dali na. Please. I need you to be there.”
“Oo na sige na. Basta magpaalam ka kay
tita.”
“Oo na magpapalam na.” agad naman akong
lumapit kay mama at nagpaalam.
Payag naman siya since kasama ko si Alex.
Less alcohol lang daw kami. Naisipan kong matulog kasama si Alex para mamayang
gabi ay buo ang energy naming dalawa. One hour matapos naming mag lunch ay
nagyaya na ako na matulog.
“Kailnagan talaga katabi ako?” tanong niya
“Yup. Sinusulit ko lang.”
“Isa… sabi kong wag kang magsasalita ng
ganyan eh.”
“I mean sinusulit ko to kasi alam ko namang
ibabalik din kita kay Kieth.”
“Aysus. Kaya naman pala.”
“Paano na siya?” bigla kong tanong.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa
kanya. Lagot nga ako kay mama kasi mula nung pumunta ako dito eh hindi ako
nakakatawag sa kanya.”
“Bakit ayaw mong tawagan sila? May skype ka
naman ah.”
“Mamimiss ko kasi sila eh.”
“Pwede ka namang umuwi eh. Okay na ako.
Kaya ko to.”
“Gusto ko kasama mo ako hanggang sa
gumaling ka.”
“Pasaway ka talaga kahit kailan.”
“Para naman makabawi ako sayo. Diba nga
malaki-laki na ang pagkukulang ko sayo.”
“Pero si Kieth, paano na siya? Hindi ba siya
nalulungkot na mag-isa siya?”
“alam ko naman eh. Pero pinanghahawakan ko
yung sinabi niya na hihintayin niya ako. Babalik din ako sa kanya sa takdang
panahon.”
“Mala PBB pala kayo eh.”
“Hahaha. Kaya ikaw bilisan mo ang
magpagaling para naman makaalis na ako.”
“Selos ako.” biro ko pero deep inside totoo
“Sus. Jokes are half meant.” Bigla niyang
sabi.
“Sabi ko bang joke?”
“Kilala na kita RD. Bawat hininga at utot
mo alam ko.”
“Eh bakit hindi mo alam na umutot ako
kanina.”
“Loko ka.”
“Request lang.” sabi ko.
“Ano yun?”
“Pa-hug naman habang natutulog ako. Gusto
kong maranasan na may kayakap ako. Buong buhay ko lagi na lang ako nangangarap.
Sana naman matupad nay un.”
“Tabs, bakit ka pa nagpapaalam. Pwede mo
naman gawin kahit ano. Oh yakap na.”
“Kahit ano? Seryoso yan?”
“Hoy, yakap lang yang hinihingi mo pero
bakit parang kakaiba yang nasa isip mo ha?”
“Yakap nga lanag. Yun lang. Wala namang
ibang laman ng isip ko eh. Wag ka nga.”
“Matulog ka na nga lang jan. Magpaparty ka
pa mamaya. Pagmamasdan kita habang nakikihalubilo sa iba.”
“Sige na nga. Pero…”
Isang nakaw na halik ang ginawa ko.
Napatingin siya sa akin at napatigil. Unti-unti kong inilapit muli ang akong
mga labi sa kanyang mga labi. Tumugon siya sa bawat halik na aking ibinigay.
Unti0unti naging agresibo ako at kusa ng pumapasok ang dila ko sa kanyang mga
bibig. Nahinto naman kami nung kusa siyang kumalas sa aming paghahalikan.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nakangiti
ang aking mga labi sa mga sandaling ito. Dati iniisip ko lang ang mga bagay na
ito pero ngayon, iba na. Masaya ako na sa mga sandaling ito katabi ko si Alex
kahit na alam kong hiram lamang ang bawat sandaling ito.
I think it is between 10 or 11 nang
makarating kami sa bar. Nandun na silang lahat at hinihintay ako. Hindi ko
naman sinabi na may kasama ako sa kanila. Magugulat na lang sila na kasama ko
ang isang magandang nilalang na si Alex.
“What?” tanong niya nang makita niya na
nakatitig ako sa kanya.
“nakaka-inlove ka eh. Nahihirapan tuloy
akong mag move on.” Biro ko.
“Sus, move on move on ka jan. Asa naman na
nasa isip mo na mag move on ngayon. Ang gwapo ko ngayon ano?”
“Oo gwapo ka na. Alam ko naman eh.” Sabi
ko.
“Tss. Tara na nga.”
“Baka di na kita pakawalan pag nagpagwapo
ka pa sa akin.” Sabi ko.
“Lol. Dami mong alam.”
Agad naman niya akong hinatak papasok sa
loob. Masaya na ako sa set-up naming dalawa. Alam ko na ang place ko at tanggap
ko na na hanggang dito na lang kami. Nagkaroon ako ng isa pang dahilan para
mabuhay. Para makasama ang isa sa matatalik kong kaibigan.
“Hey dude.” Bati ko kay Ross.
“Ui pre… may bago kang kasama ha. Sino
yan?” tanong nito.
“He’s my boyfriend.” Biro ko.
“Really?”
Natawa naman ako dahil kitang-kita ko ang
reaksyon ni Alex. Agad kong kinuha ang kamay niya at hinila siya papalapit pa
sa kanila. Agad naman kaming umupo sabay umakbay ako sa kanya.
“Zup guys.” Sabi ko.
“Is he really your boyfriend man?” tanong
ni Peter
“See for yourself.”
Bigla kong hinila si Alex papalapit sa akin
at hinalikan siya sa pisngi. Lahat naman sila napatulala nang makita yun. Ang
sarap pag tripan ng mga ito.
“Hoy ano bang ginagawa mo? Minanmanyak mo
na ako dito. Tama ba naman na isinama mo ako dito para lang may maidisplay ka?
Gusto mo bang masapak? Bubugbugin kita eh.” Sabi niya
“Chill lang. Pinagtri-tripan ko lang sila.”
“Pinagtritripan ka jan. Ineenjoy mo nga eh.
Suntukin kita jan eh.”
“I’m back.” Sabi ko na lang.
Mukhang na gets niya yung sinabi ko dahil
ngumiti lang siya sa akin. Agad naman siyang tumayo at nakipagkilala sa kanila.
Alam kong namangha sila sa nakita nilang nilalang. Gwapo si Alex, malakas ang
sex appeal at maganda ang features ng katawan.
“I’m Alex. Nice to met you all.” Sabi ni
Alex.
“Finally in the flesh.” Sabi ni Allan.
“I’m Ross.”
“ I’m Jack.” Sunod naman ni Jack.
“I’m yours… este I’m Carlo.” Huling
pakilala.
“Hey… He’s mine.” Singit ko.
“It’s just that I don’t expect that he is
so gorgeous. Man, you are a big lucky man to have him. Be careful and take care
of him, there’s many fisherman that will hook him if you let him go away.” Sabi
ni Carlo
“Hahaha. I Know. But damn, there’s already
lucky fisherman that hook him and even though he’s here with me, he was already
a procession of that man. Right?” sabi ko.
“Nose bleed ako.” sabi lang ni Alex.
“Sorry yats.” Sagot ko.
“Ahm… Can you guys speak normal? I mean,
can you speak in Tagalog? Nagdudugo na ilong ko.” Sabi ni Alex.
“I can speak tagalong, pero konti lang.”
ang cute ng pagkakasabi ni Carlo.
“Hahaha. Don’t worry, nakakaintindi sila ng
Tagalog, basta mabagal lang. I can speak Tagalog well. I’m your kababayan.”
Sabi ni Ross.
“Woooah. At last.” Sabi ni Alex.
“By the way, we already meet did we?”
tanong ni Peter kay Alex.
“Yes, when I’m looking for RD.”
“Nice meeting you again. What do you like
to drink?” tanong ni Peter.
“Ako na bahala kay Alex.” Singit ko.
“Are you jelous man?” tanong ni Peter.
“As if I will get jealous to the man like
you.”
“Oh tama na. Nagbibiruan na naman kayo jan.
By the way, nasaan pala si Eloisa, Carla at Vanessa? I thought pupunta sila
dito ngayon?”
Bigla namang nag-iba ang expression ko sa
sinabi ni Ross. So pupunta pala dito sila Eloisa. Ano ba ang gagawin ko? Bigla
namang hinawakan ni Alex ang kamay ko at isang ngiti lamang ang iginanti ko
dito.
“Okay ka lang ba?” tanong niya
“Oo naman.”
“Alam mo, para maging buo ka na ulit dapat
sinisimulan mo ng ayusin ang lahat ng gusto na mayroon ka. Alam ko naman na
hindi ka pa ganun kahanda pero sana maayos mo na to. Tandaan mo ang kalagayan
ni Eloisa.”
“Oo alam ko. SIguro tama ka nga. Maybe
mamaya, pagpumunta siya. SIguro dapat malaman na rin ng barkada ang tungkol sa
amin.”
“Hindi pa pala alam ng mga barkada mo ang
tungkol kay Elosia, kaya naman pala hindi sila awkward sa sitwasyon.”
“Hindi naman sa ganun, alam naman naming na
walang awkwardness sa barkada. Kaso ang rule namen eh walang rela-relasyon sa
barkada.”
“Oh paano yan?”
“Then I must face the consequences.”
“Ano naman yun?”
“Ililibre ko sila.”
“Yun lang?”
“Yeah. Biro lang naman kasi talaga yun at
alam kong seryoso sila sa sinabi na bawal ang magkailangan sa grupo pero eto na
lang magagawa ko para makabawi sa kanila.”
“Cheer up. Kaya yan. Maiintindihan naman
siguro nila yan.”
“Sana.”
“Ano ba naman yan., akala ko ba ikaw na si
Tabs? Di ba tapang lang ang kailangan natin?” sabi niya
“Tama na nga itong dramahan na ito.”
“Hahaha. Oo na. Tara at magsaya.”
Napansin ko na lumapit si Peter sa amin.
Mukhang gusto nitong kupal na ito si Alex ah. Iba kasi titig eh. Tsk. Di pwede
ito, ibabalik ko pa ng buo si Alex kay Kieth.
“RD…” bumalik ako sa realidad nang tawagin
ako ni Alex.
“Ano yun?”
“Okay ka lang ba?” tanong niya
“Yeah. May iniisip lang talaga ako.”
“Nanjan na sila.” Sabi nito.
Oh perfect timing. Tss. Paano ko nga ba
kakausapin si Eloisa matapos lahat ng mga sinabi ko? Nahihiya na rin ako sa
kanya. Anong klaseng tao ako na hahayaan na ganyanin siya at nang magiging anak
ko.
“Magpakalalaki ka ngayon.” Sabi niya.
“Lalaki naman ako ah.”
“Lalaking walang b…”
“Walang bilbil?” biro ko.
“Hindi… walang bayag.” Tahasan niyang
sinabi.
“Alam mo you changed… naging liberated ka
na. Awdeee.” Sabi ko.
“I’m just stating the truth. Ayan naman
kasi ang napapansin ko.”
“Hindi naman kaya.”
“Lakad na nga. Mag usap kayo. Tulad ng
napag usapan natin, magharap kayo. Maging lalaki ka at pangatawanan mo lahat ng
ginawa mo sa kanya. Nag-iisa na lang siya at hindi mo dapat pinapabayaan at
hinahayaan ang anak mo ng ganyan lang.”
“Ang haba ng speech mo ah.”
“Umalis ka na nga. Makikipag party lang
ako.”
“Hindi uupo ka lang jan.”
“Hoy, kailangan kong mag enjoy! Minsan ko
ang masulit tong mga panahong wala si Kieth.”
“Sus. Miss mo lang siya. Halata naman
sayo.”
“Sino bang hindi makakamiss sa boyfriend
niya? tsss.” Pagsusungit niya
“Sige na. Wag ka lang masyadong lalapit kay
Peter ha. Type ka nun. Baka kung ano pa ang gawin sayo.”
“Sus, friendly lang naman siya. Selos ka
naman agad jan.”
“Tss. Basta ha, yung sinabi ko. Sundin mo
na lang. Please.”
“Yes boss.”
Agad naman siyang nawala sa paningin ko
matapos ang tatlong Segundo. At least nagkakaroon siya ng time para makapag
relax. Intindihin ko muna ang sarili ko at hindi siya. Kailangan magkausap kami
ni Eloisa.
Hinanap ng aking mga mata si Eloisa na
ngayon ay kausap nila Peter at Carlo. Nakaramdam siya na may taong nakatingin
sa kanya kaya naman nagtama an gaming mga paningin. Isang ngiti lamang ang
ibinigay niya sa akin bago siya humarap sa mga kausap.
Nilapitan ko sila at agad naman akong
naghanap ng tiyempo para masolo si Eloisa. “Hi.” Bati ko.
“Hi din.” Sagot niya
“Pwede bang… pwede bang…”
“Pwede bang mag usap tayo? Yun ba?”
“Ah eh… Oo sana. Kung ayos lang sayo.
Marami akong dapat sabihin sayo at ihingi ng…”
“Sure.” Sagot niya
“SIgurado ka ba? Ha? Maraming salamat.”
Sabi ko.
“Guys… may pag uusapan lang kami ni RD.”
sabi niya.
“Ah sige.” Sabi nila sabay balik sa
pakiukipag usap sa isa’t-isa.
Agad naman kaming lumabas at humanap ng
lugar na maaring mag usap. Sa isang sulok sa parking lot kami pinadpad n gaming
mga paa. Agad siyang umupo sa may upuan na nmatatagpuan malapit dito.
“Kamusta kayo?” tanong niya
“Okay naman kami. Ikaw ang kamusta? Kamusta
kayo?”
Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga
labi. “Masaya ako ngayon na sa wakas ay natanggap mo ang anak natin.” Sabi niya
“Yun nga ang gusto kong pag usapan natin.” Nagbago
ang ekspresyon niya. “Wag kang mag alala, mali yang inisiip mo. Hindi ko kayo
pababayaan.”
“Medyo pasuspense ka rin naman kasi.”
“Gusto ko munang humingi ng tawad sa lahat
ng ginawa ko. Pinag duduhan kita gayong alam ko naman na hindi ka gnung klaseng
babae. Pasensya ka na, masyado lang akong frustrated sa mga nangyayari sa akin.
Alam ko naman na alam mo rin kung anong sakit meron ako. Nabigla rin ako nung
sinabi mo sa akin na buntis ka.”
“Ayos lang, wrong timing din kasi.”
“Pero sisiguraduhin ko na hindi kayo
mag-iisa ng anak natin. Kasama ninyo ako. Kasama ninyo ako sa lahat.”
“Maraming salamat.”
“Tungkulin ko to bilang ama ng anak natin.”
“Ayos na sa akin na suportahan mo kami.
Ayos na sa akin yun. Okay na naman ako sa bahay nmin dun. Basta kasama kita na
mag aalaga sa kanya okay na yun. Hindi ako humihingi ng kasal o anuman, ayos na
sa akin tyung ganitong set up.”
“Hindi naman ako papayag na hindi ko kayo
makakasama ng anak ko sa iisang bahay.”
“RD tama na to. Sobra na kung magsasama pa
tayo sa iisang bahay.”
“Alam mo naman na walang kasiguraduhan ang
buhay ko. Medyo malala na tong kalagayan ko. Kaya naman gusto kong ibigay sa
inyo ang lahat ng panahon at oras para makasaa at maalagan kayo.”
“Pero paano ang mga magulang mo?”
“Magiging masaya sila para sa akin. Alam ko
yun.”
“Hindi na talaga kailangan. Okay na ako.”
“Please… kahit eto lang.”
“Paano nga ba nag bago ang isip mo?” tanong
niya.
“Si Alex.” Sagot ko.
“Iba talaga ang epekto ni Alex sayo ano?”
“Siya lang nagparealize sa akin ng mga
kamalian ko.”
“Bakit nga ba di ko siya mapaltan sa puso
mo?”
“Ayoko ng pag usapan pa yan. Eloisa, okay
na ako kaya tigilan na natin ang nakaraan.”
“Pero sinasabi ko sayo, mahal kita. Hindi
ko naman pipilitin ang sarili ko sayo eh.”
“Alam ko naman na mahal mo ako. Ako lang
itong bulag na hindi nakikita ang effort mo at bingi na hindi pinapakinggan ang
tibok ng puso mo.”
“Umaasa ka pa rin ban a magiging kayo ni
Alex?”
“Hindi na. Matagal ng hindi na. Alam kong
kahit anong gawin ko hindi ko na siya makukuha pa. He is with Kieth, ang tunay
niyang mahal. Ako lang naman ang hindrance sa buhay niya.”
“Pero paano ka na?”
“Nanjan ka naman eh.”
“RD, kung gagawin mo lang akong rebound,
tigilan na natin to. Ayokong maging panakip butas.”
“Pero di mo naman ako iiwan diba? Hindi mo
naman ako pababayaan na mag-isa?”
“Bakit ba ginagamit mo ang nararamdaman ko
para iblack mail ako? Ang lakas mo talaga sa akin.” Sabi niya
“Will you marry me?” isang tanong na
naghihintay ng sagot.
“Tanga mo kahit kailan. SIyempre…”
“Siyempre Yes?”
“SIyempre NO! Isang malaking NO!”
“Ang sakit naman ma reject.”
“Hindi ako magpapakasal hanggat hindi mo
ako natutunang mahalin. Alam ko na ginagawa mo to para sa anak natin, pero
kuntento na ako. Kilalalnin mo lang ang anak natin, Masaya na ako. Okay na ako
dito. Tama na to. Kung magpapakasal man ako baling araw, gusto ko yung mahal mo
ako, hindi dahil kailangan mo.”
“Well said. Alam ko naman na yan ang
sasabihin mo.”
“Bakit mo pa ako tiannong.”
“Para makilala pa kitang lubos. I want to
know you more. I want to start to release my past at palitan ng present.”
“Will you let me to enter your life?”
“Let’s see.”
“Mukhang karibal ko pa rin si Alex.
Kailangan ko na ba siyang dispatchahin?”
“Wag mo lang siyang sasaktan ha.” At
nagtawanan kami.
Isang yakap mula sa kanya ang natanggap ko
bilang hudyat ng bagong simula. Alam ko marami akong pagkakamaling nagawa, pero
sisiguraduhin ko naman na magiging maayos ang lahat. Kieth, hayaan mo aalagaan
ko si Alex at babalik na rin siya say o baling araw. Maghintay ka lang.
“So, handa ka na bang manlibre?” tanong
niya
“Yeah. Kanina ko pa pinag iisipan yan.
Then, let’s make an announcement?” sagot ko.
“Sure.”
Then she hold my hands and a smile came in
my lips.
[Alex’s POV]
“Daddy… Dadddy…”
Isang tinig na labis na nagpapangiti sa
aking puso. Agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko agad ang
nag-iisang batang lalaki na nakakapagpangiti sa akin sa aking pagmulat ng mata.
“Uhmmm… why Liam?” tanong ko.
“Are we already here?” tanong niya
“Uhm… Baby, you should take a rest. Malapit
na tayo sa Pilipinas.” Sagot ko.
“But daddy…”
“Liam… diba sabi ko behave lang?”
“I want to see lola… and uncle… and also
tita Princess.”
“I’m sure gusto ka rin nila makita. I think
2 hours and we are in the Philippines anak.” Sabi ko.
“Yehey.”
“Excited ka ata?”
“Opo. This is my first time to see them.”
Sabi nito.
“Kaya tulog na. Wag mo ng pahirapn ang
daddy Alex mo ha.” Sabi ni Eloisa.
“Opo mama.” Then he leand his head towards
mine.
Ang cute talaga ng batang ito. He is my one
and only baby. Siya ang nagbibigay sa akin ng mga ngiti.
“Magpahinga ka na, mukhang naabala ka na
naman ni Liam.”
“Ayos lang yun. Diba nga pangako ko kay RD
na aalagaan ko kayo at hindi pababayaan. Kaya eto ginagawa ko.”
“Salamat ng marami.”
“Kung nandito lang si RD eh siya ang mapapagod
dito.”
“Oo nga. Tama ka. Kung kasama lang sana
natin siya.”
“Oh, namimiss mo na naman siya.”
“Di naman maiwasan eh.”
“Hayaan mo, kapag nakarating na tayo sa
Pilipinas, ililibot kita at igagala sa magagandang lugar doon. Sigurado akong
mage enjoy ka.”
“Oo ba. Salamat.”
“Sige pahinga ka na.” sabi ko.
Isang ngiti ang isinagot niya sa akin sabay
pikit sa kanyang mga mata. Ilang taon na rin ang nakalipas, lima… anim o pito.
Ang tagal na rin mula ng mawalay ako sa bansang ito, ngunit babalik ako… babalik
ako sa bansang pinag iwanan ko ng lahat ng bagay sa aking nakaraan.
(Itutuloy)
ows, did RD died or nagpaiwan lang,, hmmm, sana di naman, pero kung namatay, 2nd time ko lang nabasa sa story mo na may pinatay ka na char idol kyle.. :)
ReplyDelete-mans-