Friday, June 4, 2010

Ang Best Friend Kong Lover Chapter 2- Part 9

sa lahat po...natapos ko na po yung last part nito...sana po magustuhan niyo yun.,....yhaixt......may part ng utak ko na gustong hwag akong tumigil mag post ng stories pero yun talaga eh... sa mga nag comment sa part 8 tnxs po...haixt....

di na muna po ako magmemention......medyo pagod ako weh...heheheh

part 9 na...heheheheh

mahabana yan ha...hehehe


olweix hir,

D.K

_____________________________________________________________________________________

Hindi ko alam kung itutuloy ko. Tumingin ako kay James at nakita kong nakakuyom ang kamay at nakangisi. Habang si Johan naman, ayon at nanunuksong nakatawa. Binilisan ko na lang para matapos na. Ng hahalikan ko siya sa pisngi, bigla niyang pinihit ang kanyang ulo at sa labi tumama ang halik ko. Lahat ng kantyawan. Nagtawanan at nagsigawan.







Pagkatapos nun nagsibalik na kami sa kwarto. Nauna na kami ni James. Alam kong galit siya sa mga nangyari. Ng nasa kwarto na kami tuloy tuloy siya sa kama niya. “Galit ka ba?” tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. “Love, wag ka ng magalit…..” “Ano bas a palagay mo ha?... namadali lang tanggapin yon…. Na makita mo na halikan ng boy friend mo ang ex niya na kapatid mo pa. …. “ sabay taklob ng kumot sa mukha. Lumabas na lang ako.







Pumunta ako sa may baba at laking gulat ko ng may tumakip sa bibig ko at dinala ako sa kung saan na hindi ko alam. Kinalagkad niya ako. Habng nanlalaban ako, ibinagsak niya ako sa may lapag ng isang kwarto . Ng Magtaas ako ng mukha, nakita ko si Johan. “Hayop ka…. Gago ka ba… ano ba ang gusto mo pa ha…. Ayan na, nag away na kami ni James…. Ano pa ang gusto mo ha…” at tuluyan na akong lumuha sa emosyong kinipkip ko. “Dylan, making ka…. Ikaw ang gusto ko…… mahal kita………gusto ko sa akin ka….. hindi mo pa ba maintindihan yon…… nasasaktan ako sa mga ginagawa mo…… ang sakit sakit…” sagot niya. “Ano pa ba ang hindi malinaw, tapos na tayo……. Wala na tayo…at kahit mahal pa kita hanggang ngayon wala kang karapatang ganituhin mo ako.”








“Ibig sabihin, mahal mo pa rin ako?” tanong ni Johan na may ngiti sa mukha. “Wa…wala akong sinabing ganyan…….” Pagtutol ko. “MNarinig ko ang mga sinabi mo….. kaya hindi na kita pakakwalan.” Bigla na lang niya akong siniil na isang madiin na halik. Nung una nanlalaban ako, ngunit ng hatakin ni Johan ang katawan ko papalapit sa kanya at yakapin ako, tuluyan ng bumigay ang aking katawan. Nilasap ko ang kanyang mga halik at tumugon ditto. Bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg at unti unti niyang tinanggal an gaming mga damit.







Lalong uminit ang sensasyong namumuo sa aming dalawa. Para bang sabik na sabik kami sa katawan ng isa’at isa. Halos habol ang aming hininga. At muli, pinagsaluhan naming ang gabing mainit at masarap.






Pareho kaming nakatulog. Pero naalimpungatan ako. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin ni Johan. Dahil sa nangyari, nangangahulugan ito na tinugon ko ang pagmamahal niya. Napaka sama ko… Niloko ko si James. Kay napagdesisiyunan kong lumayo na lang. Uuwi ako sa amin. Di na muna ako papasok ng mga ilang araw upang panagutan ang aking mga kasalanan. Umalis ako sa resort ng mga 3 am. Tulog pa ang lahat. Nag iwan ako ng sulat kay James.




James,

Pasensya ka na sa biglaan kong pag-alis. Hindi na ako nag paalam kasi alam kong pipigilan mo ako. Gusto kong pag isipan ang mga kasalanan ko. Patawad kung hindi ako nagging mabuting karelasyon say o. Ang dami kong kasalanan sayo. Gusto ko munang hanapin ang aking sarili. Nais kong humingi sa lahat ng pagkakasala ko ng tawad. Mapatawad mo pa sana ako. Kung alam mo lang kung gaano kabigat ang dinadamdam ko ngayon. Ang sakit. Tandaan mo na minahal kita… totoo yun….minahal kita ng sobra sobra…pero…….patawarin mo ako…… Dahil…mahal ko pa rin ang kapatid mo hanggang ngayon…… Ayokong lokohin ka pa. Pero sa panahon na nagging tayo, toong minahal kita kaya wag mong isispin na pinaglaruan kita. Alam mong nagpakatotoo ako say o…patawarin mo ako…. Mahal na mahal kita..pero hindi ako ang para sayo…..marami pa ang nararapat para sayo….

P.S.
Di muna ako papsok ng ilang araw.
Nagmamahal,
Dylan





Umuwi ako sa amin. Tuwang tuwa ako dahil muli ko na naman makakasama ang aking mga magulang. Sabik na sabik akong Makita sila. 2 araw pagkatapos ng nangyari sa amin ni Johan, nagkulong ako sakwarto. Halos hindi na ako bumababa.






Pero isang araw, biglang dumating si James sa amin. Hindi ko alam kung papaano ko hahrapin si James. Narinig kong kinakausap ni James ang aking magulang. Narinig ko ang sigawan sa baba. Kaya bumaba ako upang tignan kung ano ang nangyayari. Ng makababa na ako, isang tingin na matalim ang ibinigay sa akin ni tatay. Pagalit siyang lumapit at isang suntok ang inabot ko sa kanya.






“Bwisit kang anak ka…gago ka…matapos naming ibigay ang lahat say o…eto ang igaganti mo…. Malalman naming…….. may karelasyon kang lalaki…….” Halos nagulat ako sa mga narinig ko. Bumaling ako ng tingin kay James na wariy tinatanong ko siya kung bakt niya nagawa to. Ng susuntukin ako ni tatay, hinarang agad ito ni James. “Hwag niyo pong ganyanin ang anak ninyo…hindi niyo po alam kung gaano ang pinagdadaanan niyang sakit….. nandito ako para makapagpaliwanagan kami at hindi bugbugin niyo….at kung ganyan lang gagawin niyo sa kanya…….isasama ko na lang siya pauwi…..” at walang lingon lingon ay hinatak ako ni James palabas ng bahay.






Dahil nga sa biglaan, wala akong dalang damit o kahit anong gamit. Tanging sarili ko lang ang tanging nadala ko. Inuwi ako ni James sa kanila at sinabing doon muna ako maninirahan ng ilang araw dahil luluwas kami ng Maynila isang lingo pagkatapos niyon. Hindi na nagtanong ang mga magula niya dahil alam nila na hindi nito sasagutin ang mga tanong nito. Siyempre, bahay ni James, nandun din si Johan. Hiwalay sila ng kwarto at malayo ang pagitan nito.






Pagdating sa kwarto, niyakap agad ako ni James at tumingin ng seryoso. Alam kong nangungusap ang kanyang mga mata at nagsasabing, “Gusto ko ng paliwanag mo…”. Ako na ang nagsimula. “James……nahihiya ako say o ngayon……wala akong karapatan na tumungtong sa bahay niyo….. nasaktan ko ang damdamin mo…alam kong pinagkatiwalaan mo ako pero sinira ko yun…humihingi ako ng patawad sa mga nagawa ko………. Maniwala ka…kahit papaano…..minahal kita…..pero…….patawad….mas mahal ko ang kuya mo…” doon na lumagaslas ang aking luha.





Di pa rin siya umiiyak. Lumapit siya at muli niya akong niyakap. Sa wakas at nagsalita siya. “Mahal na mahal kita….kahit na sinaktan mo ako…….. hanggang ngayon….laht ng minamahal ko…kay kuya pa rin….pero hindi naman kita sinisisi….alam kong tao ka lang…marupok…..alam ko nung simula pa lang na mahal mo si Kuya….mas higit sa akin…pero anong ginawa ko…nilabanan ko siya…nakipag kumpetensiya……kaya ok na sa akin yon…. Nung una siyempre hindi mo maiiwasan na magalit sayo……pero alam ko naman na ginawa mo ang part mo nung tayo pa eh……… sabi nga nila….kung mahal mo ang tao…… PAKAWALAN MO…… kung hindi siya sayo….let him or her free…….. kaya wag ka ng mag alala……. Masya ako na nakasama kita….tandaan mo lang na nadito ako lagi say o…..nag mamahal……..” at isang halik sa labi ang ginawad sa akin ni James.





Lalong uminit ang nararmdaman naming ng tinugon ko ang kanyang mga halik. Ganito rin ang tagpo nun ng maghiwalay kami ni Cris. mAaalab yun at masuyo. At sa gabing iyon, pinagsaluhan naming ang huling gabi n gaming pagsasama.



(Itutuloy)

2 comments: