ANNOUNCEMENT:
SA LAHAT PO NG READERS NG ANG BEST FRIEND KONG LOVER, LUBOS PO AKONG NAGPAPASALAMAT SA PAGTANGKILIK. KAYA NG MAPANSIN KONG MARAMI ANG NAGUGUSTUHAN TO, LALO KO PANG PINAGBUTIHAN ANG PAGSUSULAT. hUMATONG PA NGA SA PAGGAWA NG PANIBAGONG KWENTO. SA KATUNAYAN, NAKAPAGSULAT NA AKO NG PANIMULA. KAGABI KO SINUMULANG ITYPE SA COMPUTER. PERO KANINANG UMAGA, SA DI INAASAHAN, HUMANTONG AKO SA ISANG DESISIYON, DESISIYON NA MAY SAPAT AKONG DAHILAN. NAPAGDESISIYUNAN KO PONG ITIGIL NA ANG PAGSULAT DITO. PASENSYA PO HA, MEDYO MADRAMA. MARAMI AKONG DAHILAN PARA DITO AT SA SOBRANG DAMI, DI KO NA IMEMENTION. WAG KAYONG MAG ALALA, NATAPOS KO NG ITYPE ANG LAST PART NITONG STORY NA IPOPOST KO EITHER SATURDAY OR SUNDAY. SALAMAT PO SA PAG INTINDI. MEDYO NAHIHIRAPAN PO KASI AKO SA KALAGAYAN KO NGAYON. SANA PO MAINTINDIHAN NIYO. GUSTO KONG MAKITA ANG MGA REACTIONS NIYO SA MGA COMMENTS NIYO KAYA PLEASE PO.......SANA PO MAKITA KO RAECTION NIYO...SALAMAT PO...
To Kuya Junius, salamat po sa lahat...Happy Birthday kuya...love you po...maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo po.....hindi kita malilimutan kuya...tuloy pa rin po connections.....hahahahah
To Kuya Randel, wooh...... slamat sa lahat...mahal na mahal kita kuya.......salamat sa pagtulong mo sa akin lagi.....heheh...sa pagtawag at pag papasaya sa akin...heheheh...slamat talaga sa lahat...haixt...... sa pangungulit mo at pang aalaska mo sa akin....heheheheheh....para ka ng isang kapatid sa akin kuya...hahahaha
to rhey ko, waah...heheh parang farewell na eh...hehehehehe
to rj, ui parekoy musta na hahahah...ingat lagi...
to smeagol, waaah....hahahah musta na po...
to khail, nxia po ha...heheh...hello po...heheh...tnx sa pagread ha....
to shanejosh, salamat din ha.......
to russ na kaibigan kong chubby, hahahaha...may greetings ka ulit...hahahaha
to dhenxo, good luck sa yo........slamat sa pag read ha./....continue your posting...hahahah
to michael, hello po..heheheheh
at salahat....nxia kung ndi ku na nagreet...ang dami niu po kasi eh.....hehehe
baka po after ng saturday or sunday macut ko na po ang pag visit sa fb ko at sa blog ko..heheheheh
slamat talaga sa lahat...sa mga nag add sa akin, sa sumagot ng mga polls.....haixt..... di pa naman ito yung farewell...heheheheh.....
olweiz hir,
D.K
____________________________________________________________________________________
“Pasensya ka na sa inasal ko ha…..sana maintindihan mo na …..na nasaktan ako…… pero naisip ko…….kung gananito ka ng gago kong kakambal, hindi ko na ulit ipaparanas sayo ang ginawa nun. Gagawin ko ang lahat…..” bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan. Ramdam ko ang sinseridad niya.
Kung may masasayang pangyayari, mayroon din naming kagimbal gimbal. Mga pangyayaring harapan na at kailangan ng magtunggali. Anniversary nun ng magulang ni James at Johan kaya inimbita kami sa bahay nila. Siyempre dahil kilala na ako nila Tita kaya invite din ako. Di ko inaasahan ang mga nangyari nun.
Sa isang resort ginanap ang party. Since silver anniversary yun dami dumalo. Pero hindi rin nagtagal umunti at hanggang sa ang matira ay ang 5 pinsan nila at kami kaming magkakaibigan. Magkasama kaming tatlo ni Johan, James at ako. Mukhang ramble ito pag nagkataong wala ako. Hehehehe. Nasa itaas ako nun at matutulog ng ng biglang pumasok si Johan. Walang kibuan at walang pakialamanan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa isang sulok. Akala ko aalis na siya pero bigla na lang siyang nagsalita.
“Sino mas magaling sa amin ng utol ko ha?” tanong niya na may pagkayabang. Hindi na lang ako umimik. Ayokong makipagtalo sa kanya ngayon. “Siguro hindi mo ma define no? Kasi nagpakasasa ka na sa iba’t ibang lalaki…..” di pa rin ako umimik. Nagpatuloy tuloy pa rin siya hanggang sa mapuno na ako. “Ano ba ang gusto mong iparating ha…. Na ikaw ang deserving…na ikaw ang dapat sa akin…ha…. Na ikaw na ang the best…..kapal mo naman…. Matapos mong mawala ng parang bula at pinaasa ako na babalik ka……. Heto ka at nagmamaalaki……wow naman…palakpakan……galling mo din ha…. The best sa pagka wala….” Pagalit kong sabi. Medyo natameme siya. Aalis na sana ako ng bigla na lang niya akong hawakan sa kamay at hinila papunta sa kanya at ako ay kanyang niyakap. Mahigpit at mapang ahas.
Gumapang ang kanyang mga kamay sa aking buong likuran at sa aking ulo. “Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko….kung alam mo lang ang dahilan……mahal na mahal kita Dylan ko….. ikaw lang ang nagtagal ng ganito…… hindi ka mawala sa isip ko…ikaw lang talaga at wala ng iba…..” at tuloy tuloy na dumaloy ang kanyang mga luha. Ramdam ko ang kanyang mga hikbi. Ng humarap ulit siya sa kin, tinitigan niya ako ng marahan. Bigla na lang akong siniil ng halik. Mapusok pero may damdamin. Hindi ko maisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
Pilit niyang pinapasok ang kanayng dila sa aking bibig. Unti unti niyang dinadala ang aking emosyon sa kanya at nagtagumpay siya. Nadala na ako ng emosyon. Gumanti ako sa kanyang mga halik. Nananabik anko sa kanyang mga labi. Nararamdaman kong timitigas din ang kanyang pagkalalaki. Natutuwa ako sa aking emosyon. Pero naalimpungatan ko nalang ang aking sarili na lumayo sa kanya.
“Mali to…Hindi ito dapat…” at tumalikod ako sa kanya at lumabas ng pinto. Iniwan ko siyang nakatayo at nakatulala. Pumunta ako sa dalampasigan ng resort na yon. Dahil sa gabi na, medyo mahangin na sa kinaroroonan ko. Bigla na lang may yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi. Si James. Niyakap niya ako at tumabi siya sa akin. “Mukhang malalim ang iniisip ng Love ko ah…..” sabi niya. “ah wala to….medyo pagod lang ako sa byahe…” sagot ko. “Eh ganun ba….tara at pahinga na tayo..ayokong nahihirapan ang pinaka love ko…” at ngumiti siya na kita ang 2 niyang dimples.
Pagbalik naming sa tinutuluyan naming, nandun na si Johan, nakahiga at tial may malalim na iniisip. Di na nain siya binati. Tatlo ang kama dun at tig iisa kami. Nagulat na lang ako ng tumabi sa akin si James. “Love, tabi tayo…… gusto ko kayakap ang love ko eh…” pagpupumilit niya. “Ha, eh may kama ka naman ah….kaw talaga…bahala ka…” ayun at tumabi nga siya sa akin. Nakita ko ang pag ngisi ni Johan.
Buong gabi kon inisip ang ginawa ni Johan sa akin. Masakit sa kalooban mo na maaring pinaglalruan ka lang niya. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan ganong nasa iisa kaming bubong. Nasa ganon akong isispin ng maramdaman kong yumakap sa akin ng mahigpit si James at binulungan niya ako. “Love, I want you now…… “ unti unti niyang hinalikan ang aking leeg. Alam ko kung ano ang gusto niyang mangyari pero pinigilan ko siya ng bumaba ang kanyang mga kamay. “Ui, wag ngayon. Kakahiya sa kapatid mo….” Pero talagang pinagpipilitan ni James ang kanyang sarili. “Ano ba…… please wag ngayon…… pagod ako…..masakit ang ulo ko…..kaya matulog na tayo…” medyo may pagtaas ng boses.
Sa wakas tumigil na rin siya. Kinabukasan, panibagong pag iwas ang gagawin ko. Buong araw ayon ako at kasama si James. Pero nung magagabi na nagkaroon ng inuman. Helehelera kami sa lamesa sa baba. Kami kami lang naman magkakabarkada ang nag inuman. Nasa kalagitnaan kami ng pag iinuman ng magsalita si Ivan. “Mga tol, mag laro tayo… Truth and consequence…….. kung sino matapatan ng bote na to ayun yun…” lahat naman ay sumang ayon. Unang natapatan si Michael. Tapos si Ivan. Ng di nagtagal, tinapatan ng bote si James. At ang sagot niya ay truth. Si Michael ang nagtanong, “Ano ang namamgitan sa inyo ni Dylan?” at kantyawan na. BUti na lang at wala si Cris kungdi makikita kong masasaktan siya pero may isa pa, nakita ko si Johan, nakangisi, at tila walang pakailam sa pinaguusapan.
Hindi ko namalayan na lumapit si James sa akin at bigla na lang niya akong hinalikan sa lips. “So, alam niyo na kung ano ang namamagitan sa amin?” at lahat nagpalakpakan. Mga tatlong ikot pa bago matapatan si Johan. Si Ivan ang nagtanong, at Truth ang pinili niya. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na may kakambal ka?” Medyo tumahimik ng unti at medyo natagalan bago magsalita si Johan. “Kasi……. Mula pa ng bata kami…halos salungat siya…… Hindi ko na inintindi siya…….. pinaghiwalay kami ng lugar kung saan mag aral upang hindi na lumala pa ang gulo….. Hindi kasi kami magkasundo…. Kaya hindi ko na lang sinabi sa inyo na may Kambal ako… ayokong halukayin pa ang buhay ko…” seryoso at malaman ang sinabi niya. Si Ivan na mismo ang bumasag ng katahimikan. Ng sumunod na iikot ang bote ako ang tinapatan.
Consequence ang pinili ko dahil ayokong sagutin kung ano man ang tatanong nila sa akin. Ang consequence nila ay halikan ko sa pisngi ang best friend ko at kapatid ng ka relasyon ko. SIyempre si Johan yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanginginig ang kamay kong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment