Saturday, June 5, 2010

Ang Best Friend Kong Lover Chapter 2- Part 10 (Ang Wakas)

Nagpapasalamat ako sa mga sumubaybay sa kwentong ito.... kung alam niyo lang kung gaano na lang ang kasaya ko....First time kong sumulat dito..... Nung una, medyo nawalan ako ng pag asa kasi medyo parang di pinapansin pero ng makita ko ang mga comment niyo.....laking tuwa ko........


Sa isyung nangyari sa akin..... dahil na rin sa mga polls niyo...... nakita ko na may gusto na akong tumigil magpost ng stories.... pero mas nangibabaw yung ayaw akong tumigil mag post...maraming salamat po sa mga sumagot... sa mga may ayaw sa akin........hope na magustuhan niyo pa rin ako kahit konti...heheheh....pero kung ano ,amn nagawa ko...pasensya po.....


napagdesisiyunan ko pong mag patuloy sa pagsulat...pero iibahain ko po yung parang flow...heheh...kasi dami na nagtataka kung bakit ganun ako magsulat eh hindi naman daw ako ganun..yun yung isang dahilan eh....... pero may conflict po......medyo mahihirapan lang ako mag update...siguro every week ako mag popost.... okay lang po ba......


tnx talaga sa lahat...

to kuya Junius.....hope subay bayan niyo yung next story ko....... salamat sa lahat kuya ha...love ka ni bunso mo.....


to kuya randel...wooh....slamat sa mga advise.....slamat at nandyan ka pag may problem ako......tuwang tuwa ako kais may dalawa na akong kuya....maraming salamt sa lahat...


to rhey ko...waaah......... tnx sa pagigi8ng ambait sa akin.....


to dhenxo, waaah...nakita ko ung mention mo sa akin..heheheh...tnx at idol mo ako......masasabi ko lang...ang galing mo din gumawa ng stories......... hanga ako sa yo....hahahahahah........sana magka chat tayo minsan...


sa lahat ng mga nagreet ko dati....slamat sainyo....naging special part na kayo sa akin...heheh nxia kung di ko na kayo namention ha...medyo pago9d kasi ako ngayobn....pero eto asko..nagpost pa rin...heheheh...nakakachat niyo aman ako eh...heheheheh


sna po suportahan niyo po ang next story ko na CAMPUS FIGURE. slamat po.....


Olweix hir,


D.K

____________________________________________________________________________________

Dumaan ang isang lingo at nandun pa rin ako sa bahay nila James. Minsan bumisita si nanay at hinihiling na bumalik ako sa bahay pero di ako bumalik. Bumalik kami ng Maynila ng hindi ako bumabalik sa bahay. Haharapin ko ang buhay ng hindi kasama ang aking pamilya. Ramdam ko ang pagkapahiya sa kanila. Kaya ng bumalik ako sa Maynila, tinulungan ako ni James na makapasok sa pinagtatrabahuan niya. Buti na lang at nandyan si James at hindi ako iniiwan.



Tungkol kay Johan, nakapagdesisyon na akong pakawalan na siya. Kung hindi siya para sa akin, di hindi…. Sabi nga ni James, kung mahal mo, pakawalan mo..kung hindi sayo…..let him or her free….diba tama naman yun? (O sagot mga readers…hahahah) balik sa kwento. Magdadalwang buwan na ako sa pinagtatrabahhan ko. Malaki ang naitutulong nito sa aking pang araw araw na gastos. Kahit sinusuportahan ako nila nanay, alam kong nanghihinayang pa rin sila sa akin



Isang araw, habang pauwi na ako galling ng skul at naghihintay ng jeep na masasakyan, isang van ang tumigil sa harapan ko at iniluwa nun ang tatlong malalaking lalaki at pilit akong isinasakay sa loob. Halos hindi ko maintindihan ang gagawin. Sumisigaw ako pero tinakpan ng isa ang aking bibig ng isang panyo at tila may naamoy ako sa panyo at unti unting naglaho ang aking malay.



Nagising ako na nakahiga sa isang di kilalang kama. Maaliwalas naman ang kwarto. May sariling banyo at may iba’t ibang set. Nakakarinig din ako ng mga lagaslas ng alon sa pang pang. May pagkain na sa tabi ko ng magising ako. Umaga na non. At dahil sa hindi pa ako naghahapunan ng gabing iyon gutom na gutom ako. Kinain ko ang lahat at naubos ko naman ito. Maya may may pumasok sa kwarto at may dalng mga damit. “O isuot mo yan…maligo ka…… mag pabango ka at siguraduhin mo na pag harap mo kay Boss eh matutuwa pag natikman ka niya…” sabay tawa ng malakas. Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ang nagpakid nap sa akin pero napaisip ako sa sinabi niyang…” matutuwa pag natikman ka niya”. Kinabahan ako nun.




Hindi ako kumibo at naligo. Mayamay bumukas ulit ang pinto. “Talaga bang matigas ang ulo mo ha? Pag hindi ka naligo ako mismo ang magpapaligo sayo.” Pasigaw na sabi ng isang lalaki. Kaya ako nagmadali ng maligo at isinuot ang damit. Ng humarap ako sa salamin, nagtaka ako kung bakit puti na polo at slacks na pantaloon ang ibinigay nila. Ano ba talagng meron? Di ko talaga maintindihan mga tao ditto.





Mga ilang minute lang at dumating na yung dalawang lalaki kanina. Piniringan ako at itinali ang mga kamay. Maya maya tumigil kami at iniwan ako. May lumapit sa akin at tinanggal ang tali sa kamay ko at niyakap na lang ako. Ako na ang nagtanggal ng piring ko. Pagkatanggal ko ng piring ko, nagulat ako ng isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa mga taong nakapalibot sa amin. “SURPRISE!!!!!!”. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita. Lahat ng mahahlagga sa buhay ko ay nandun. Sila mama at papa nandun at nakangiti sila. Mga barkada ko nandun din. Sila Ivan, Michael, Aya, Christine at Angel. Andun din si Lance at Dave. Lahat sila nandun. Nandun di yung mga magulang nila James at Johan. Nakita ko si james na kasama nila. Si Cris ayon din at may sinesenyas sa akin. May itinuturo siya sa likod ko.





Pagharap ko ng likod ko, laking gulat ko Si Johan. Hinalikan niya ako sa bibig. At nagsalita siya. “heart, nagulat ka no?..... Ginawa ko ito para say o…. Hiningi ko na ang kamay mo sa magulang mo… Nagpaliwanag na rin ako kila mama at papa…. Nagkausap na rin kami ni Cris. …. At higit sa lahat….. Nagkabati na kami ni James…..” hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Johan. Laht yun nagawa niya. Maraming handa, at inayos talaga ang party.





Biglang lumuhod si Johan sa harap ko at kinuha ang isang pad lock at susi. “Ngayon, maaari ko ng pakawalan ang pagmamahal ko sayo……. Pwede bang maging tayo ulit?” nahihiya ako sa ginagawa niya. Nagsigawan sila lahat at halos lahat ay kinikilig. Tumingin ako kila nanay at tatay kung ano ang reactions nila. Tumango lang sila at ngumiti. “Oo…” ayun na lang at humugot ng isang singsing at isinuot ni Johan ang ito sa kamay ko at niyakap ako sabay halik…… Laht sila nag bulyawan…nag sisisgaw. Akala ko talaga kinidnap ako ng mag ramsom.





Lumapit sila nanay at tatay sa akin. “Anak, pasensiya ka na sa amin noon ha….. Medyo mahirap talaga kasi ang nagging sitwasyon……. Masyado kaming nagulat…. Pagpasensiyahan mo na rin ang tatay mo……. Ikaw lang ang iniisip niyan…..” sabi ni nanay. “Anak, patawarin mo ako…nung una mahirap tanggapin……masakit…pero naisip ko…sa lahat ng ginawa mong kabutihan sa amin ng nanay mo….napaka sama ko naman kung pipigilin ko ang kasayahan mo. …tandaan mo na mahal na mahal ka naming… tanggap na naming ang pagkatao mo……” at niyakap ako ni tatay. Bumaling naman siya kay Johan…” Ikaw ha…ingatan mo anak namin… pag lang nakita kong umiyak yan….susugurin kita…magkamatayan na kung magkamatayan...” sabay tawa. “Hindi kop o pababayaan ang anak niyo… magtiwala kayo sa akin….” Kinausap din kami ng nanay ni Johan. Mga kabarkada…. Si Cris at si James.





Unang lumapit si Cris, “Ui bhest, congrats ha……..finally….naging kayo na ulit….im happy for you…sana maging Masaya ka na sa piling niya. ……. Tandaan mo na narito ako lagi para umalalay say o….mahal na mahal kita……kahit kanino man…” at niyakap ako ng mahigpit. Kinausap naman niya si Johan. “Ui tol…ingatan mo yan ha…tandaan mo pag yan sinaktan mo babawiin ko yan say o…heheheh biro lang…basta….wag mo papaiayakin yan…humada ka talaga sa amin….hahahaha….best wishes na lang..hahahha” “Okay tol…maasahan mo ako….ako pa…..mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko….” Sagot ni Johan.





Sumunod naman si James. “Utol….. ang swerte mo sa kanya…heheheh….. Pasensya talaga dati ha……….. alam ko magkalayo tayo ng loob pero ngayon alam ko na ang dahilan….mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko ha….wag mong papabayaan…..wag mong papahirapan….wag mong aalipinin…..ingat ingat sa pag gawa ng bata at baka hindi makayanan…” sabay tawa ng dalawang magkapatid. “Yaan mo tol…iingatan ko yan…….at gagalingan ko sa pag gawa ng bata….hahahahahah” sumingit akop sa usapan…” Mga loko loko talaga kayao…..mag kapatid nga kayo….hahahahah…..natutuwa ako at nagkabati na kayo….”.





Ito na ang pinakamasaya kong araw…. Lalo na nung lumapit ang mga magulang ni Johan. “Anak…….di ko aakalain na magiging anak ka na rin naming baling araw…….. napagdesisiyunan kasi ni Johan na magpakasal kayo sa ibang bansa pagkagraduate niyo ng college……… alagaan mo ang anak naming ha…wag mong papabayaan……mahal naming yan at alam naming na mahal mo rin siya higit pa sa amin….” Sabi ng nanay ni Johan. “Akala ko best friend kayo…yun pala….may relasyon na akayo…..oo nung una mahirap tanggapin…pero okay na ako………mahal naming kayong dalawa……. Mag mahalan kayo at wag mag kasakitan….. ingatna niyo ang isa’t isa…….” At niyakap na ako ng magulang ni Johan.





Natutuwa ako at tanggap ng lahat an gaming relasyon. Sa iisang kwarto kami matutulog ni Johan. Nagpalit na rin kami ng damit. Tapos nahiga kami pareho. “Heart, namiss kita….. gagawin ko ang lahat wag ka na ulit mawala sa akin…papakasalan kita kung kailangan…….basta mahal na mahal kita.” Sabi ni Johan. “Ako rin…mahal na mahal kita…pasensya sa mga sinabi ko noon ha……” sabi ko naman. “Ako ang dapat humingi ng tawad sayo….marami na akong nagawang nakasakit sayo…. Mahal kita….at hindi na kita hahayaang mawala pa sa akin…..” at niyakap niya ako. Bigla na lang siyang may binulong sa akin… “heart, simulan na natin ang honey moon natin….hehhe.” sabay isang pilyong ngiti.



Naghalikan kami ng masuyo, maalab, buong buo ang puso….. at muli…. Sa huling pagkakataon…. Natikman naming pareho ang tamis… at saya….. ng aming muling pagkakasama sa gabing iyon.



(Wakas)

5 comments:

  1. WEEEEW hanep.. galing ng kwento ala akong masabi mr author.... galing..........

    ReplyDelete
  2. galing naman po ^^ hehehe sayang wala ung ikakasal sila pati ung college life nila cguro madaming hadlang dun sa college na un ^_^

    ReplyDelete
  3. YON NAMAN PALA EH..TALAGANG SI DYLAN SOBRANG HABA NH BUHOK PINAG AAGAWAN...GRABE NA TOOOOO...CONGRATS SA MAGANDANG OBRA MAESRA MO DYLAN!

    ReplyDelete
  4. Dylan, thank you for the a nice story. Kahit nahuli ako, ok na rin. Bago ko lang kasi nalaman ang site mo. Take care.

    ReplyDelete