Thursday, July 8, 2010

Campus Figure- Part 2

Magandang gabi sa lahat... Haixt...... Medyo masama pakiramdam ko ngayon....hehehe

Nga pala.... maraming salamat sa mga sumusubaybay sa akin pati na rin sa mga kwento na aking isinusulat...hehehe.. Sa mga nagtatanong ng blog ko at fb. eto yun.

fb: yaoi_addicted01@yahoo.com

blog. yaoiblogs01.blogspot.com

tapos di po base to sa buhay ko...heheheheh..... Sa sobrang likot ng utak ko kung anu ano na ang naiisip ko...heheheh... Baka matagalan na akong mag update kasi una maraming ginagawa tapos marami pang ginagaw... pasensya ha..pero sususbukan ko na makapag update na.


mention:

- kuya randel... natanggap ko na yung text mo sa akin... slamat ha..

-kuya junius.... musta na..... ingat lagi..... mag bati na kayong dalawa ha...

-rhey ko, heheh...eto na....inaabangan mo...heheheh

-sa mga readers ko.....salamat sa pag suporta........ sana patuloy kayong sumuporta at mag comment sa akin..



Olweix Hir,

D.K

_____________________________________________________________________________________

Halos matumba ako sa kinakatayuan ko ng Makita ko si Vince sa kwarto. “Oy, aba, si Mr. President eh sinusundo pa ako sa bahay naming. Ang sweet naman. Hahahaha.. Ganyan ba ang epekto ng halik ko sayo?” sabay tawa. Sa loob loob ko gusto ku ng patayin ang lalaking ito. Ang sarap pilipitin ang ulo. May atraso pa nga siya sa akin. Kung hindi nga lang pamamahay yun nila Tita Rose at Tito Marco eh talagang tinuluyan ko na to. Pero nagpigil na lang ako. “Ang kapal naman nito. Bumaba ka na nga at tinatawag ka na dun sa abab… Pa VIP ka pa eh…….syempre spoiled na spoiled at pakiramdam eh hari na at ayan…..kung umasta eh lagging dapat binibigyan ng importansya.” Mahabang tugon ko sa kanya. Bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at pinihit papunta sa kanya. “Ano ba ang ginagawa mo ditto sa Kaharian ko?” sabay ngiti ng makahulugan. “Hayaan mong ang magulang mo ang magpaliwanag.” At hinigit ko ang kamay ko at tuluyan ng bumaba. Binilisan ko talaga ang pagbaba. Nadatnan ko sila Titan a naghihintay pa rin at naguusap. “O, nasaan si Vince?” tanong ni Tita. “Pababa nap o…” sagot ko at umupo na rin ako.






Mga ilang minute, bumaba na si Vince. “Ano ginagawa ni Mr. President ditto?” tanong ni Vince. “Magkakilala pa la kayo?” tanong ni tito Marco. “Oo, magkakilala na kami, dun siya pumapasok sa school ko…” sagot ni Vince na wala man lang galang. Siguro ganito lagi ditto, medyo malamig ang atmosphere kasi nga lagging ganito ang asal ni Vince. Hanggang matapos na kaming kumain. Pagkatapos nun, lumabas na kami at sumakay sa sasakyan. Ang ganda ng sasakyan nila, innova na kulay Gray. Doon ako at si Vince sa likuran. Medyo naiinis pa nga ako dahil hinila talaga ni Vince ang kamay ko para mapaupo sa likuran ng sasakyan. Nang makasakay na kami, ayaw pa rin bitawan ni Vince ang kamay ko kaya pwersahan ko na itong kinuha. Ang higpit ng kapit niya at parang ipinapakita niya na mas malakas siya. Pero sa huli kusa na niya itong binitawan. Halos magkadikit na kami ni Vince dahil siniksik niya ako sa isang tabi. Hindina lang ako umiimik para hindi na lang siya mangulit. At nakadating kami sa kumpanya nila. Ipinaliwanag nila sa akin na kapag daw nagtapos ako ng college, ditto raw ako magtatrabaho dahil daw sigurado dawn a aasenso pa ito. Natuwa naman ako dahil malaki talaga ang tiwala sa akin nila Tito at Tita. Halos hindi ko pinapansin si Vince para hindi na niya akon guluhin. Nakinig ako sa bawat paliwanag nila tito at tita pero etong si Vince eh walang pakialam.




Nang nasa 10th floor na, dun na ang magiging opisina ko. Binigyan nila ako ng trabaho kahit na hindi pa ako graduate. Free training na daw yun. Napansin ko lang na marami ang nag sisingitngitan ng Makita si Vince. Ang lakas talaga ng appeal ng mokong na to. Kahit na batugan ayon at pinagkakaguluhan pa. Siyempre di sila makalapit, nandun kasi sila tito at tita. Pagkatapos naming matour yung company, pumunta kami sa mall para mamili ng mga gamit ko. Nung una, umayaw ako kasi nakakhiya pero napaoo na rin ako dfahil sa sobrang pagpupumilit nila. Matapos ang lahat, umuwi na kami.






Isang lingo ang lumipas. La pa ring imikan kasi di ko naman siya iniimikan. Pero napansin lang daw nial tito at titan a himala at sobrang aga umuwi ni Vince. Kasi daw dati eh alas 10 na kung dumating siya sa bahay. Pag may pasok, napasok pa rin ako. Kahit na amgkaklase kami ni Vince, di ko pa rin iniimikan kahit na ilang beses na nangungulit. Di rin naming pinapaalam na sa iisang bubong kami tumitira ni Vince. Makaraan ang ilang araw, nagging abala ako sa paglilibot at pag tingin sa bahay para maging gamay ko para pag naglinis ako di ako mahihirapan. Hanggang sa umalis na sial tito at tita. Halos isang taon silang mawawala.






Kinabukasan, sabado. Ako todo linis. Pero talagang may sapi talaga ng masamang ispirito itong si Vince dahil kakatapos ko lang magpunas ng direderetsong pumasok ito sa bahay na nakasuot ng sapatos kaya dumumi ulit ito. Di na ako umimik dahil alam kong sinusubukan niya ako. Parati niyang kinokontra ang bawat gawin ko. Kahit na may katulong ako pa rin ang gumagawa dahilsiya ang nag uutos. Gusto man na tumulong ng mga katulong, wala silang magawa. Talagang planado ito Ni vInce. Ilang lingo na ganun na olang ang ginagawa nito sa akin. Nung napuno na ako dahil sa ginagaw niya talagang sinigawan ko siya… “ Ano ba ang gusto mong mangyari? Gusto mo akong paglaruan ha? Oo nakatira ako ditto para magalaga ditto, okay lang kung maglinis ako, maglaba at kung anu ano pa pero ang abusuhin at paglaruan ako… Aba iabng usapan nay an…” at bigla ko na lang siyang iniwanan.






Pero isang sabado, nagulat ako ng bigla na lang niya ako hinila at sinabing magbihis daw ako dahil aalis kami. Para akong aso na sumunod agad. Naiinis ako talaga sa taong ito. Di mo malaman kung ano ang iniisip. Pagkabihis ko hinila niya ako at direderetso na pinasakay sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. “Hoy, san mo ba ako dadalhin?” pagtatanong ko sa kanya. “Basta, maghintay ka na lang.” sagot niya. Kaya ayon din a ako nagsalita. Makaraan ng ilang minute nakarating kami sa isang bay side. Maganda doon. Maaliwalas. “Ano ba ang gagwin natin ditto?” tanong ko. “Siyempre mag gagala……. Heheheheh” sagot niya. “Ibalik mo na nga lang ako…… Marami pa akong lilinisin…baka sabihin mo pa na nagpapaeasy easy ako ditto….” At tatalikod na ako nun ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. “San ka ba pupunta ha…….” Tanong niya. “Edi uuwi na….” sagot ko. “Ano ba…… nagsosorry na nga ang tao eh…o “ sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. “Ha….ikaw mag sorry… may lagnat ka ba? O may nakain kang masama?” pagbibiro ko. “Sige lokohin mo pa ako…. Kita mong seryoso ang tao…. Sorry kung medyo nahirapan ka sa akin…… alam kong mali ako…….. Kaya sorry talaga…… Masyad0 akong nagging mapagmataas…..” at nakipagkamay siya sa akin. Tinanggap ko namana. Kung susuriin, mabait namana pala itong si Vince eh. Masungit nga lang. Pero sabi nga nila may dahilan ang mga bagay bagay. Naging masya naman ako sa lakad naming. Marami akong nalaman sa kanya at sa palagay ko nagging mas malapit kami.






Pagkadating namin nakahanda na ang hapunan. Pagkatapos namin kumain nagkwentuhan. Tawanan at biruan, parang wala ng bukas. Tapos ng medyo gabi na nagyaya na akong matulog. “Good night….” Sabi niya. “Good night din…”. Tapos diretso na ako sa kwarto ko. Naabutan ko pa nga yung mga katulong eh. “Ui kuya Kyle….. Ang galling mo ha…” sabi ni Lani. “Bakit naman?” tanong ko. “Aba…ikaw pa lang pa ata ang nakapagpatawa dyan kay Kuya Vince. Di pa nga namin nakikita yan natawa eh. Ni ngiti nga wala. Laging seryoso ang mukha….” Sabat ni Ann. Bigla naman nakisali yung hardinero n ila. “Oo nga tol….grabe ang galling mo…hahahah……..the best…” at nagtawanan kami. “Kung anu ao mga iniisip nitong mga ito… matulog na lang nga tayo. At natulog na kami.





Pagkagising ko nakahanda na ang pagkain at sa unang pagkakataon, sumabay sa pagkain ko si Vince mula ng umalis sila Tito at tita. “O himala ata at sumabay ka sa akin.” Pagbiro ko sa kanya. “Bakit ayaw mo ba Mr. P… hahahahah…. Sige aalis na lang ako…” pagbibiro niya. “Ulol talaga to…. Kain na atyo at baka malate pa tayo.” At kumain na kami. Isinabay na rin niya ako pagpasok. Sabi ko wag na pero talagang mapilit.
Malaki na ang pinagbago ni Vince ang dAting bully side at seryosong pag uugali, napalitan na ng maligaya at mabait na pagkatao. Ang sarap Makita na ang tao ay nagbabago. Pati ang mga grades lahat tumataas. Dahil dun, nagkayayaan na mag inuman kaming dalawa ni Vince. Sabi ko di ako umiinom pero sabi niya okay lang yun para naman daw matuto ako. Dahil sa pagpupumilit ayun at napapayag ako.






“Unti lang ha…. Pattayin kita pag nalasing ako…baka mgwala pa ako ditto…” sabay tawanan. “hahaha…subukan mo lang at itatali kita jan.” At kumuha na siya ng maiinom namin. Doon kami sa kwarto niya nag inuman. Binuksan namin yung veranda at malaki na terrace nila sa taas. Nag umpisa na kaming mag inuman. Ang lakas agad ng tama sa akin nung ininom ko. “Lam mo Kyle, ang sya ko pag kasama kita…. Para bang sinasabi na masaya ka kasama…… at ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin ng sobra…” sabi ni Vince. “Pansin ko nga…ang laki na nga ng pibnagbago mo eh…pati mga grades mo eh nagbago. ….. Pero bakit nga ba ganun ka?” tanong ko. “Paanong ganun?” tanong naman nkya. “Yung parang rebelde.” Medyo natagalan siya sa pagsagot.
Bigla na lang siya nagsalita. “Mula ng pagkabata ko, parang wala na rin akong magulang dahil di ko sila nakakasabay kung kumain. Di ko pa nga sila naabutan eh. Laging trabaho ng trabaho. Alam ko na dapat intindihin ko sila pero sobrang nagalit ako sa kanila ng hindi sila sumipot sa pinakaimportante ng buhay ko. Gumaraduate ako ng Grade 6 ng wlang magulang na kasama. Tanging si Tito Josh ang sumama sa akin. Masakit yun. Kaya mula nun napag isip isip ko na since mag isa ako lagi mag sosolo na lang ako. “ mahabang tugon niya. Naiintindihan ko siya kung bakit siya nagkakaganyan. Mahirap nga na meron kang magulang pero wala sila sa tabi mo. “mali rin ang ginawa mo……. Pero alam ko kung ano nararamdaman mo….. ramdam ko na sobrang sakit nun.”





Marami pa akong nalamn sa kanya. Mga bagay na ngayon ko lang nalaman sa Kanya. Ng medyo nahihilo na ako nag paalam na ako. “Uy nahihilo na ako” ng patayo na ako, medyo natumba ako klaya ipinasok na niya ako sa kwerto niya. Ng nasa kama na kami napahiga kami pareho na nakapatong siya sa akin. Nagkatitigan kami at bigla na lang lumapat ang labi niya s akin.



(Itutuloy)

4 comments:

  1. Hi kuya galing mo!!!! Dba ang kulit ko pati dito. Hahaha.
    Hulaan mo kuya kung sino ako. HahAha

    -M_O
    haha

    ReplyDelete
  2. ..i'm back, tagal naman ng update..hehe
    (madaliin daw ba?)

    nga pala, friend kita sa fb di ba mr. author?
    private message mo naman sakin number mo please?

    tnx..

    ReplyDelete