Guys sorry if medyo di ako makapg update ng madalas... hahaha...Medyo busy at isa pa ang bagal ng next kaya ayon. Kamusta pala kayo? hope you are doning just fine.
Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
Facebook:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 27
"Lie again"
Always here,
Dylan Kyle Santos
Nasaan Ang Pangako – Anja Aguilar Song Lyrics
************************************************************
[AJ’s POV]
Nagising ako sa katok ni mama. Haxit. Sa totoo
lang ayaw ko pang bumangon.
Di ko na lang pinansin yuing mga katok niya.
Namimigat ang aking mga mata sa kakaiyak.
Feeling ko pugto ang mata ko dahil sa nangyari.
Arwin Jake Montederamos, hindi ka pa ba nasanay ha?
Dapat nasasanay ka na sa
mga ginagawa ng mga tao sayo.
Si Jaysen din pala ay tulad ng iba na lolokohin
at sasaktan lang ako.
Sa bagay, wala namang perpektong relasyon.
Papalipasin ko muna ang mga araw.
Hahayaan ko na lang muna na mag isa ako.
Saka
na ako makikipag usap kay Jaysen kapag handa na ako.
Di ko pa alam kasi kung ano ang gagawin ko eh.
Buhay nga naman.
“Anak.. ok lang ba? Kanina nandito si Jaysen
hinahanap ka eh.. ano bang problema?”
“Wala po.. gusto ko lang mag isa.”
“Anak.. nag aalala ako… kumain ka na ng agahan…
tanghalian na oh…”
“Wala po akong gana…”
“Anak oh dali na…”
“Ma, okay lang ako. Sige kakaain ako pag gutom na
ako.”
“Sige… anak ha.. andito lang ako ngayon…” sabi
niya.
“Salamat po.” At umalis na si mama.
Nag mumukmok ako ngayon. Haixt. History repeat
itself.
5 araw ako na hindi kumakain ng ayos. 2 araw ako na hindi kumain at
makalipas ang isang araw hindi na ulit ako kumain.
Tubig at tulog lang ako. Nabubuhay naman ako doon.
Nakasurvive pa nga ako eh. Pero labis akong namayat nun.
Payat na nga ako lalo
pa akong nagging palito.
Ganito din ang set up ko, labis na nagmumukmok at
walang ginawakundiumiyak ng umiyak.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito.
50 msg. ang nareceive ko.
Tadtad ng text sa akin
si Jaysen na nag sosorry siya.
Yung iba gm ng classmate ko at 5 namangaling kay
Chad.
Maya maya nakuha ng atensyon ko ang text ng isang
unknown number. Nireplyan ko agad ito.
“Hus dis?” kanina pang 4 am yung text niya.
Ibinaba ko na yung phone ko at hinintay na lang na
magreply siya.
Ang iingay ng mga kapit bahay. Patugtog ng mga love song. Takte
yan. Makakadagdag to sa emotional stress ko. Haixt.
Uminom naman ako ng gamot ko kanina. Hirap na baka
matuluyan pa ako. Nanikip na rin ang dibdib ko kagabi. Haxit naman. Maya maya
nag reply na yung unknown number.
“Mahal mo ako.” Sabi niya.
“Huh? Sino ka nga? Wala ako sa mood makipag
biruan.” Sabi ko.
Mga manloloko nga naman. “Kamusta ka ba?”
“Di ako ok. Pakilala ka okay?”
“Ano bang nangyari?”
“Bakit ka ba nagingialam eh di kita kilala?”
“Kilala mo ako,matagal na.. mahal kita sobra.”
“Kung mahal mo ako at mahal kita dapat kilala
kita. Ano to unexisting love?” nakakbwisit na to ah.
“Tatawag ako.” Sabi niya at biglang nag ring ang
phone.
Talaga bang di titigil ito habang hindi nasisira
ang araw ko?
“Hello.” Sabi niya.
“Sino ka ba ha? Lakas ng trip mo ah? Wala akong
ganang makipag usap ngayon. Sino ka ba?”
“Ang taray mo kahit kalian.” Nabosesan ko yung
nasa kabilang linya.
“Napatigil ka kasi kilala mo na ako no?”
Yeah right. Here we are agin.
Ano bang meron sa
kanya at parang nababasa niya yung mga nasa isip ko?
“Bakit mo ba ako binibwisit?” sabi ko.
“Ano ba kasi nangyari kagabi at umiiyak ka?” wala
naman siya sa loob kagabi ah. Paanong?
“Wala. Napuwing lang ako.”
“Kilala kita. Di ka iiyak ng ganun kung wala lang.
bakit ano ba ang ginawa sayo ni Jaysen?”
“Wala. Pakialam mo ba?”
“Mahal kita eh.” Biglang kumabog ng kay lakas ng
aking dibdib.
“Kakornyhan mo.”
“Hahaha. Sus. Kinikilig ka naman.”
“Eh bakit mo ako sinaktan?”
“Hindi kita sinaktan… di mo lang talaga ako
pinagpaliwanag.”
“Ganun din yun.”
“Bakit ka ba kasi niya sinaktan? Anong problema.”
“Katulad mo rin siya. manloloko.”
“Hindi ako manloloko” sabi niya.
“Eh ano ba kasi ang ginawa mo? Haixt. By the way
wag nanatin pag usapan yun. Saka na. sige pahinga na ako.” Sabi ko.
“Mamaya na.”
“Eh bakit ba? Katawan ko to.”
“Alam mo ba yung continous logic?” tanong niya.
“Hindi bakit.”
“Eto.paano mo ilalagay yung elepante sa ref?” ano
bang klaseng lalaking ito pinag loloko ata ako.
“Edi chop chopin.”
“Mali.”
“Eh ano?”
“Edi siyempre bubuksan mo yung ref saka papasukin
yung elepante.” Kahit kelan ang crny niya.
“Corny eh.”
“Eh yung giraffe?”
“Ganun din. Bubuksan ang ref tapos payuyukuin.”
“Mali.”
“Mali ka jan. neknek mo.”
“Eh sa mali eh.
“Eh ano?”
“Bubuksan mo yung ref tapos palalabasin mo yung
elepante tapos saka mo papapsukin yung giraffe.” Napatawa ako ng bahagya.
“Nyek corny mo. Sige na bye na.”
“Meron pa.”
“Oh ano?”
“Nag patawag ng meeting si Tarzan sa lahat ng
hayop, sa tingin mo sino di makakdating?”
“Uhmp… siguro ikaw?”
“Grabe ka naman.. ouch ah.”
“Eh ganun talaga. Joke lang yun.”
“Bakit naman ako?”
“Kasi kausap kita?”
“Nyek. Mali.”
“Eh ano?”
“Edi giraffe.”
“Alam ko na kung bakit?”
“Bakit?”
“Kasi nasa ref?”
“Tama.”
“Alam mo lahat ng kakornihan mo.”
“Ganun talaga.”
“Sus sari sariling disksrte eh.”
“Oo naman. Last one. Sa may ilog, kailangan
makatawid ka. Wala kang masasakyan kahit ano. Mababaw lang ang ilog pero nga
langmay mga bahay ng buwaya na nakapaligid. Anong gagawin mo para makatuwid?”
“Uhmpft. Paano?”
“Pano yun? Edi sa may baging.”
“Mali.”
“Eh ano?”
“Diba nag patawag ng meeting si Tarzan yung mga
hayop? Edi siyempre pwede ka ng maglangoy kasi yung mgabuwaya eh wala na sa
bahay nila.”
Oo nga naman. Napahalak hak ako ng sobrang lakas.
Ungas talaga tong lalaking ito. daming alam.
“Ayan tumawa ka na.”
“Dami mo kasing alam eh.”
“Nyek ganun.”
“sige na ibababa ko na to. Salamat.” Sabi ko.
“So bati na tayo?”
“Hindi pa… saka na natin pag usapan yan… pahinga
na ako bye…”
“I lo…” at napindot ko yung end button.
Lalong kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. kahit
na hindi niya itinuloy yun alam kong sasabihin niya na I love you.
Bakit mo ba
ako pinapahirapan ng ganito? Ano ba ang nagawa ko at ginaganito mo ako?
Yeah napasaya mo nga ako kaso naninikip ang dibdib
ko dahil hindi ko malaman kung mahal pa ba talaga kita o nakalimutan nakita.
James ikaw ang kauna-unahan kong minahal pero ano
ginawa mo sinaktan mo ako.
Pero nakinig ba ako sa mga paliwanag mo?
Hindi naman
di ba? kasalanan ko din yun. Haixt buhay, ang hirap nga naman.
Hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari.
Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga.
Agad kong inabot ang gamot
ko, pero hindi ko nagawa.
Tanging vase lang ang nahagilap ko sa aking mga
kamay. Nakaisip ako ng idea para makatgwag ng pansin. Binato ko yung vase sa may
pinto.
Kahit mahina, nakagawa naman ito ng sapat na ingay
para makatawg ng pansin. Narinig ko ang pagmamadaling yabag nila mama.
“Anak okay ka lang ba? Anong nangyayari sayo
diyan?”
“M…mmm.. maaaa…. Mamaaaa…. Tt….tu…tul…lonnng…” ang
nasabi ko na lang.
“Anak!” narinig kong sumigaw si mama.
Nagmadali siyang in-unlock yung pinto. At nakita
ko ni mama na nakahndusay sa may baba at nag hhagilap ng hininga. Bakit ba kasi
mahina ang puso ko. Kung pwede lang sana.
Inagapan nila mama ang aking pag hihingalo.
Pina-inom niya ako kaagad ng gamot at ng tubig. Inihiga niya ako sa kama at
saka nawalan ng malay.
Next thing to know is nagising ako mula sa
kawalan. Nakatulala at parang tuod na nakahiga at nakatingala lang ako sa
kisame ng kwarto ko.
[Jaysen’s POV]
“Anong ginawa mo sa akin?” sumbat ko kay Chad na
ngayon ay nakatayo na rin mula sa kama at kapwa walang saplot.
Nakatungo siya sa akin at hindi niya alam kung ano
ang isasagot. “Putik naman oh… Chad? Bakit ka pumayag? bakit mo ginawa sa akin
to?”
“Pero nag paubaya ka. At isa pa… ikaw ang nag..”
“Nag ano ha? Chad alam mong lasing ako, dapat ikaw
na ang umunawa… dapat pinigilan mo kung anuman ang nangyari!” galit na galit
ako habang sinasabi ko yun.
“Teka nga bakit ako lang ha? Ano ka ba? Lasing din
ako ah. Kasalanan mo to eh. Kung hindi mo ako niyayang maglasing hindi dapat
ganito ang nangyari!”
“Anong gagawin natin? Nyemas naman oh. Takte.”
Pinagsisispa niya yung gamit ko sa loob.
“Wag kang mag wala dito. Nangyari na ang lahat at
wala na tayong magagawa.”
Napaupo na lang siya sa may tabi.
Ano bang gagawin
ko.
Ang palpak ko talaga kahit kalian.
Anong gagawin ng isang tulad ko gayong
may panibagong problema akong kinakaharap?
“Sorry.” Sabi niya.
“Wala na tayong magagawa nangyari nay un…”
“Nag take advantage kasi ako.”
“Pero…”
“Ginusto ko… Oo Jaysen.. ginusto ko ang nangyari..
na curious ako sa kung anuman ang nasa sa iyo.. nainggit ako… gusto kong
malaman kung ano ang nararamdaman ng best friend ko kapag kasama siya… gusto
kong maramdaman na may nagmamahal sa akin…” at humagulgol na siya ng iyak.
Wala na akong magawa kundi ang tumabi sa kanya at
damayan siya.
Niyakap ko siya para naman mawala yung lungkot niya. nagulat na
lang ako ng bigla niya akong niyakap.
Ano ba tong ginagawa mo Jaysen, dapat
umaalis ka na dito?
“Sorry ulit…” sabi niya habang nagpupunas ng luha.
“Alis na ako.” Sabi ko sabay tayo.
“Hayaan mo tutulungan kitang magpaliwanag kay AJ
tungkol kay Bianca.” Sabi niya.
“Salamat.” Tanging nasabi ko.
Isinuot ko na ang damit ko at nakatitig lang siya
sa akin.
Nahihiya ako habang nag bibihis.
Bakit ba siya nakatingin?
“Uhm…” nasambit ko.
“Bakit?”
“Pwede bang wag kang tumingin… uhm… alam mo na…”
sabi ko.
“Wag ka ng mahiya… nakita ko na yan… kitang kita…
at….”
“Wag mo na ituloy… sige na… oo na…” sabi ko at
nagmadali na akong nagbihis. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo sa
akin at yumakap.
“Isa na lang…” sabi niya.
“Isang ano na lang?” bigla niya akong hinatak at
nagtagpo ang aming mga labi.
Habang pauwi ako, di ko maiwasng isipin kung anong
kaguluhan ang napasok ko.
Paano ko magagawang harapin si AJ gayong nasaktan ko
siya dahil kay Bianca at ngayon naman nasaktan ko siya ng may nangyari sa amin
ni Chad.
Pero aaminin ko, it was great to be with him in the
bed.
He seem to be caring in bed. Argh.
Ano ba tong iniisip ko. Haixt.
Pero wala pa rin tatalo sa mahal ko. Jaysen, ano
ka ba, ano bang iniisip mo at nagkakaganyan ka.
Tinatawagan ko si AJ pero di niya ako sinasagot.
Wala pa ring sagot akong naririnig.
Pumunta agad ako sa bahay nila pagkatapos
kong umuwi.
“Sorry anak ha. Mukhang ayaw niyang pagambala.
Hindi siya sumasagot sa tawag naming pag kinakatok naming eh.”
“Ganun po ba?”
“Ano bang nangyari sa inyo?”
“May di lang po kami napag kaintindihan. Pasabi na
lang po sa kanya na dumaan po ako dito. Pasabi po na mahal na mahal kop o
siya.” Ngumiti lang ako kay mama at umalis na. dumeretso na ako sa bahay
naming.
Nagpalit lang ako ng damit kanina kaya
napagpasyahan kong maligo.
Ibinabad ko ang katawan ko at inilublob sa aming bath
tub.
Habang nag kukuskos ako ng katawan, muli kong nakita ang mga pula sa aking
katawan.
Wild ba talag si Chad at lahat ata ng parti ng
katawan ko may kissmark.
Di ko maiwasn na alalahanin kung ano ang nangyari.
Kaya habang naliligo ako, di ko maiwasan na mag flag ceremony. Haixt.
Pinikit ko ang aking mata at sa pagpikit ko nito
nakita ko si Bianca. Nagmulat muli ako at nanumbalik sa akin ang sakit ng
ginawa niya.
hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa siya bumalik sa buhay
ko.
Ano bang kasalanan ko at pinapahirapan niya ako ng
ganito?
Hindi na ba siya nakuntento sa ginawa niya saakin?
Masakit kaya yung
ginawa niyang pag iwan sa akin sa ere.
Sa lahat pa ng tao, siya pa ang naging
dahilan ng pagkasira ng aking mundo. Bakit siya pa?
[Chad’s POV]
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng may
mangyari sa amin ni Jaysen. Poraml pa rin naman kami sa isa’t isa.
Pero hindi
matanggal sa isip ko ang mga nakita ko noong gabing yun. Gabi gabi katawan niya
ang nappaniginipan ko.
Takte to, mukhang ako ang magiging dahilan ng pag
break nila ni AJ. Nakakausap ko rin naman si AJ. Pormal din siya sa akin at
mukhang wala pasiyang alam. Minsan nagui-guilty ako sa nangyari.
Pag kaharap ko siya minsan hindi ko na siya
matignan sa mata. Nahihiya ako sa kalandiang pinag gagawa ko. Pero naawa ako sa
best friend ko. Ang tamlay tamlay na niya.
Hindi tulad dati na sobrang saya niya. hindi pa
rin sila nag uusap ni Jaysen. Si Jaysen naman todo suyo. Kapag naman pinag
uusapan naming si Jaysen siya na mismo ang umiiwas. Paano ko ba maayos tong
gulo na nagawa ko.
“Best… usap naman kayo ni Jaysen.” Pakiusap ko.
“Nga pala mag grocery kami ni mama bukas, sama
ka?” umiiwas talaga siya.
“Sasama ko si Jaysen.”
“Ah mukhang busy ka bukas. Sige ayos lang kung hindi
ka makakasama.” At bigla siyang tumalikod sa akin.
“Best… wag mong takbuhan ang problema.” Sabi ko.
“Di lang akong handa pa. ayokong mag
padalos-dalos.”
“Pero nasasaktan kalang sa ginagawa mo eh.”
“mas masasaktan lang ako pag itinuloy ko ito.
kailngan ko ng time.”
“Naiintindihan kita pero sana wag mong paabutin sa
time na napakatagal.” Ngumiti lang siya.
“Sige sasama ako sa inyo ni Tita. Kita kits.” At
umalis na ako.
Naglalakad ako noon sa corridor ng makasalubong ko
si Jaysen. Nakauniform siya ng pang Marine noon at nilapitan ko siya.
“Kailngan kita makausap.” Sabi ko.
“Sige pre susunod na lang ako sa inyo.” Well he’s
good sa anumang damit na isuot niya, gwapo niya ngayon ah.
“Ano yun?” sabay ngiti.
“Wag kang ngumiti…. Nang aakit ka ba?” niloko ko
siya.
“Takte.. di ah… adik mo.”
“Joke lang…. tungkol kasi kay AJ to eh.”
“Galit pa ba siya sa akin? Pinatawad na ba niya
ako?” nagtatanog siya sa akin ng sunod-sunod.
“Hinay hinay lang.”
“Eh kasi naman.. namimiss ko na siya. Sobra.”
“Pansin ko nga.”
“Gusto ko na siyang halikan.” tapos nag pout na
siya ng nguso.
“Bigyan mo siya ng time.” Sabi ko.
“Pero paano?”
“Gusto niyang mapag isip.”
“Paano naman ako?”
“Ayusin mo muna lahat ng gusot mo.”
“Pero.”
“Yun lang ang msasabi ko.”
“Alagaan mo siya. Wag mong hayaan na may umaligid
sa kanya ha.”
“Ano ka ba?”
“Nangangamba pa rin ako… natatakot na baka may
umagaw sa kanya.”
“Okay na sige na ako na bahala.”
“Salamat.”
“Ikaw mag tino ka na.”
“Oo ako na.”
“Okay. Alis
na ako. Baka ano pa magawa ko.”
“Alam na ba ni AJ?” biglang seryosong tanong niya.
“Hindi pa.”
“Wag mong sasabihin sa kanya.”
“Oo.. ayokong makagulo.”
“Salamat.”
At tuluyan na siyang umalis.
Samantalang ako
naiwan doon.
Hay AJ kung alam mo lang mahal na mahal ka ni Jaysen.
Kung gaano
ka niya minamahal, alam na alam ko.
Di mo ba alam na nahihili ako, naiinggit
ako sayo. Haixt.
Mahal na mahal ka ni Jaysen at maraming taong nag
mamahal sayo.
Isa ka kasing isang mabit na kaibigan, kamag anak at kung ano pa.
umalis na ako doon sa may corridor at pumunta na sa may next class ko.
Tulad nga ng napag usapan, kasama nila ako tita sa
pag grocery.
Namiss kong ka daldalan si tita. Hahaha.
Samantalang eto namang si
AJ hindi ko maintindihan kasi parang dala-dala niya ang mundo.
Batukan kaya kita. Paano ko ba pasasayahin ang
taong ito. haixt. AJ naman wag mo akong pahirapn.
“Best.” Sabi ko.
“Oh bakit?”
“May gwapo oh.” Sabi ko.
“Meron na akong gwapo..” sabi niya sabay ngiti. Sa
wakas at ngumiti na siya.
“Ngingiti ka din naman pala eh.”
“Di mo naman ako masisisis eh.”
“Oo na.. pero cheer up… para kang nalugi eh.”
“OO nga naman anak. Tama tong si Chad.”
“Sige lang at pag tulungan ninyo akong dalawa.”
“Naman. Best bud kami nitong si Tita ganda eh.”
“Naman. San ninyo gusto kumain?”
“Treat ninyo tita?” “Oo naman.”
“Sa Max tayo.” Sabi ko
“Ngek ayoko.. greenwich na lang.” suggest ni AJ. At
yun nag agree na lang ako.
Nag lilibot libot kami noon sa grocery ng may
narinig kaming sumisigaw.
“Dadddyyyyy…” sabi noong bata.
Napalingon ako sa kanya sa di alam na dahilan.
Nagulat naman ako ng sa bata dahil parang sa amin siya papunta.
Teka sa aming
tatlo yun ah.
Grabe, wala naman akong natatandaan na anak.
Si AJ, wala din naman. Yun ang alam ko.
Ano kayang
meron sa batang lalaking ito? baka over imagine lang ako.
Tumalikod na lang ako pero nakita ko si AJ nanlaki
ang mga mata at umupo. Ibinuka nito ang kanyang kamay at sinalubong ang bata.
“Baby ko…” at nagulat ako.
May anak na tong si AJ?
(Itutuloy)
OMG. next chapter na pls .:)
ReplyDeleteYey ! nagkita na ang mag-ama , mas gusto ko na si James ayaw ko na kay jaysen sinkatan niya si AJ many times tsk tsk
ReplyDeleteyepey... sa wakas nakita na rin ni baby kyle yong dady nya sana namn mapatawad na niya c james kc alam ko c james parin ang mahal niya kahit anjan pa rin c jaysen..
ReplyDeletetanx sir dylan........ ang galing,,,,,,,,,,,,,
salamat po sa comments.. sorry di ko po kayo mareplyan lahat....:))
ReplyDeletekuya dylan...
ReplyDeleteang sakit ng ginawa ni jaysen at chad..
tagos ang sakit hangang reality
-ding