Thursday, October 25, 2012

Bullets for my Valentines- Part 33


Author's Note:

*****************

Enjoy Reading Guys!

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.

Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)




Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 33
"Maling akala" 


Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Nang Dahil Sa Pag-Ibig – Bugoy Drilon Song Lyrics
************************************************************


[AJ’s POV]



Isang linggo ng mula ng mapansin kong may kakaiba kay Jaysen. 

Di ko alam pero kakaiba kinikilos niya. 

Madalas nakatulala lang siya. 

Wala akong idea kung ano nga ba yung nangyayari sa kanya.

Pag tinatanong ko naman wala siyang sinasagot. 

Madalas naman nagtatalo kami sa maliit na bagay. 

Nag iba na nga siya eh. 

Naaalala ko minsan nung tutulog na kami. Haixt ang init ng ulo niya. naglalambing pa naman ako. grabe talaga. 

Halos pagtulakan na niya ako.


“Bhie ano ba problema?” tanong ko.


“Ang kulit mo. Paulit-ulit?”


“Nagtatanong lang ako.. nag aalala.”


“Okay lang ako..”


“Mukhang hindi eh.”


“Alam mo isa pa aalis ako dito.”


Tumahimik na lang ako. haixt. 

Ang gulo niya talaga. 

Minsan naman sobrang lambing niya. haixt. 

Namiss ko yung dating siya.

Sa amin naman ni James, isang linggo na din mula ng ma encounter ko yung sa ampunan. 

Di kami nag papansinan. 

Nakaschedule pala na dito sa bahay titira si Khail. Sa Tuesday siguro. Haixt.

Walang magawa sa bahay kaya nakatunganga lang ako minsan. 

Swimming at yun lang. 

Nag start na pala yung simbang gabi at malapit na yung pasko.

Madaling araw yung simbang gabi naming dito. 

Alam ko yun naman talaga yung tradisyon. Pagsasakripisyo na sa umaga mag sisimba at gigising ng maaga. Sabi nga daw eh pag natupad mo yung 9 na araw eh matutupad yung hiling mo.

Well it’s my 4th year na makukumpleto ko yung simbang gabi. 

Well natupad naman ang winish ko no. At isa pa, hindi naman hiling yung dahilan kung bakit ako nag simbang gabi.

Well kadamihan sa mga Pilipino na Romano Katoliko ay nagsisimba lang ng simbang gabi para sa kanilang pansariling kahilingan. 

I find that very selfish. 

Why? 

Di ba nila naisip na kaya tayo nagsisimba eh dahil kay God.

Aaminin ko nung simula ganun layunin akong ganun. 

Di ako nag mamalinis ah aminado ako, pero I realized na hindi dapat ganun.

Kaya ayon. Sabi ko, need kong maghanda para sa pagdating ni God. Birthday kasi niya yung inaabangan natin. Yung pagkasilang niya. at oo nga pala, ako naatasan para sa panuluyan namin sa simbahan.

Para samga di nakakaalam ng panuluyan, ang panuluyan eh ang tradisyon ng mga simbahang katolika para sa pag play kung paano ipinanganak si Jesus Christ.

Well naging angel na ako, star at ang pinakahuling role ay si Joseph. Hahaha. Pinagmamalaki ko noon nung naging Joseph ako kasi talagang dinumog yun. Hahaha.

Well ayon back to the game. December 20 na ngayon kaya nakakalimang attend na ako. hahaha. Oh diba? Well okay naman si Jaysen dito.

Ayon sa kwento ni mama eh enjoy siya pero napapansin din nila yung pagkakaiba ni Jaysen noon at ngayon. Haixt. Ano ba kasi nangyari dito sa lalaking ito. haixt. Kaya nag lakwatsa na muna ako.

Oo nga pala mga readers, nagtext sa akin yung professor ko sa Filipino. Hahaha. Mag kkachismisan kai eh. Joke. Nalaman ko na ang ibig sabihin pala sa iba ng “LAMIERDA” eh “GO TO HELL.”

Dito kasi satin eh Layas diba or magala. Ayun nagulat na lang ako. by the way dami kong commercials. To make the story short gabi na ako umuwi ng bahay.

Since ayaw akong kausapin ni Jaysen nag hanap ako ng kausap which is si Rizza. Umuwi lang ako ng mag ring ang phone ko.


“Hello.”


“Uwi ka na…” sabi ni Jaysen.


“Okay po…”


“Kumain ka na ba?”


“Opo.”


“Sabay sana tayo.. sige.. kain na ako.. intayin kita…”


“Okay po.”


“Sorry kanina.”


“Ayos lang po.”


“Sorry talaga… intayin kita ha… namiss kita.” Napangiti ako.


“Okay.” Siyempre pasuplado.


“Suplado ng mahal ko.”


“Bleh..” at binaba niya yung phone. 


Maya maya nag text siya.


“I LOVE YOU! :’)” sus naglambing mahal ko.


“Bhest uwi na ako.. hinahanap na ako ng asawa ko.”


“Asawa wagas.”


“Ganun talaga… mukhang magkakaanak na kami.”


“Bastos mo bhest…. Hahaha.. ninang ako ah.”


“Kawawa anak ko kung sakali.”


“Che. Ewan sayo.”


“Sige bye.. thanks sa time..” niyapos ko siya.


“Dramatic pa eh.”


Well pag uwi ko halos lahat nasa salas. 


Si Jaysen daw eh nasa itaas masama daw pakiramdam. Sus nagiinarte lang yun.


“Gabing gabi na ah.. lakwatsa ng lakwatsa.”


“Minsan lang. tulog ka na maaga ka pa bukas.,”


“Opo.” Umakyat na ako. haixt.


Pag akyat ko nakita ko si Jaysen na kahiga at may hawak na cellphone, may kausap ata.


“Oo pre… bukas na lang…. uwi na din ako jan…. oo sige sige.” Ha? Uuwi siya?


“Kita na lang tayo bukas.... damihan ninyo ah... sige sige...” sabi niya


“Sige bukas na lang… dito na bf ko… okay okay…” at binaba niya yung phone.


“Aalis ka na pala.. kailan mo balak sabihin? Kapag nakauwi ka na?” pagtatampo ko.


“Ngayon ko pa lang naman sasabihin eh.”


“Bakit biglaan?”


“May kailngan akong ayusin eh.”


Umupo ako sa kama. 

Nag hubad ng pantalon. 

May boxer naman ako. tapos tumayo ako at pumasok sa dressing room. Nilagay ko doon yung hinubad kong damit.


“Bhie.. sorry.” Sabi niya.


“Mapipigilan pa ba kita?”


“Hindi na eh.. sorry talaga.”


“Kaya ka ba ganyan ?” di siya sumagot.


“Silence means yes.”


“Sorry.”


“I understand.” Bigla siyang lumapit sa akin. Niyakap ako.


“Wag ka na magtampo...”


“Ewan ko.. haixt... di na kita maintindihan...”


“Ikaw din di na rin kita maintindihan...”


“Ano bang gusto mong palabasin...”


“Papahangin lang ako... pati aasikasuhin ko lang talaga yung mga bagay na yun..”


“Babalik ka naman dito no?”


“Hindi ko alam...”


“Gusto kita kasama sa Christmas eh...”


“Sususbukan ko..”


“Please... I want to be with you on Christmas....”


“Okay... sige po...”


“Teka mag hinaw lang ako ng paa at katawan. 5 minutes.”


Bumalik naman siya sa kama at nahiga. 

Nag linis na ako ng katawan at unti-unti habang nag shower ako eh lumuluha ang aking mga mata.

Nasasaktan ako paunti unti. 

Naninibago na ako sa kanya. 

Gusto kong ibalik yung dating Jaysen na kilala ko.

Natatakot ako, baka hindi na niya ako mahal. Sana lang wag mangyaring iwanan niya ako.

Matapos kong maghinaw nagsuot na lang ako ng sando at boxer. 

Malamig kasi kaya yun na lang presko pa. 

Tumabi na ako sa kanya at yumakap sa kanya.


“I love you bhie…”


“Love you too.”


“Naninibago ako sayo.”


“Sorry may iniisip lang…”


“Namimiss ko na yung dati.”


“Ako din..”


“Ha?”


“Wala po… halika nga.” Lalo niya akong niyakap at hinalikan sa forehead.


“Namiss kita” sabi niya.


“Mga banat mo…”


“Seryoso ako.” itinaas niya ang mukha ko at hinalikan ako sa aking mga labi.


Well I missed his kiss, habang magkalapat ang aming mga labi, may nakapa ako sa puso ko ng awkwardness.

Bakit ko hinahayaan na maging awkward yung nararamdaman ko. Parang iba eh.

Kinukumpara ko ang halik ni James kay Jaysen na dapat hindi ko ginagawa.

Lumaban ako ng halik sa kanya. 

Aalis na siya at maiiwan na naman akong mag isa. 

Feeling ko ang layo niya kahit katabi ko siya.

Habang magkalapat ang labi namin di ko mapigilan ang mapaluha. 

Nasasaktan ako sa set up namin. 

Handa ko na nga ayusin yung sarili ko para sakanya pero wala eh. Haixt.

Bakit ganun?

Naglalakbay ang mga kamay naming sa aming katawan. 

Ang aming mga labi ay tila walang pagos na inaabot ang bawat isa. 

Ilang sandali lang ay wala na kaming mga saplot sa katawan. 

Napakaseryoso ng mga titig niya sa akin.

Ilang buwan din mula ng mangyari sa amin ito. 

Sa gabing malamig, muli naming pinag saluhan ang katawan ng bawat isa.

Pinag saluhan naming ang kasiyahan sa aming mga pakiramdam.


[Jaysen’s POV]

Tanghali na nung umalis ako sa bahay ng lola nila AJ. 

Kagabi ang isa sa mga highlights sa buhay ko.

Ilang beses ng nangyari sa amin yun ni AJ pero eto ang pinakamatagal bago masundan.

Sinulit ko yung gabing iyon. 

Alam ko magbabago na ang lahat pagkatapo nito. 

Nag simbang gabi din kami at sabay pa.

After naming mag lunch saka ako umalis. Kahit man mabigat sa loob ko, kailngan kong umuwi.

Di ko kayang ipakita sa kanya na nasasaktan ako. mahal na mahal ko si AJ pero nasasaktan ako. 

Lalo na ng makita ko silang dalawa na naghahalikan.

Di na mawala sa isip ko yung nangyari sa kanila. 

Takte to nasasaktan ako ng sobra. Akala ko iba siya pero yun pa maabutan ko.

Kahit papaano nagagalit ako kay AJ, tao din naman ako at marunong magalit.

Ayaw kong ipakita sa kanya. 

Nagdamdam talaga ako ng sobra. 

Gusto kong suntukin si Arkin pero di pwede. 

Ayaw kong gumawa ng eskandalo.

Umuwi ako para makpag isip. 

Kung itutuloy ko ba o hahayaan ko na lang sa kanya. 

Gusto ko siyang ipaglaban pero pinanghihinaan ako ng loob. 

Matapos kasi ng mangyari un feeling ko ako ang kontrabida sa lovestory niya.

Akala ko ba patas na laban ang gusto ng mokong na si Arkin pero bakit ganun yung ginawa niya. bandang hapon na ng makuwi ako. 

Dumeretso ako ng kwarto at doon inilagak ang aking katawan at umiyak.

Oo umiyak ako ng sobra. 

Nasasaktan kasi ako eh. 

2nd time ko ng masaktan ng ganito. Takte to. 

Bakit ba ang gulo ng buhay ko?

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako. dahil sa pagod at sakit ng puso.

Gabi gabi na akong nasa bar. Oo. 

Sila papa sa 24 pa ang uwi. 

Tatlo lang kami ni kuya na nasa bahay. 

Kaso umalis sila kuya ngayon kaya nag gala ako. 

Well kasama ko mga kabarkada ko.

Tatlong araw na mula ng umalis ako kila AJ. 

Ineenjoy ko ang buhay ko ngayon. 

Flirt sa mga girls. Haixt. 

Pero kahit ganun si AJ pa rin ang nasa isip ko. 23 ngayon ng gabi at malapit na ang pasko. Haixt. Imba diba?

Kasama ko mga kaibigan ko sa pagpunta ng bar. 

Nagtataka nga sila kung bakit ganun na lang daw ako makipag landian sa mga babae. 

Di ko na lang sila pinapansin. 

By the way wala akong gamit na phone.

Bakit? Wala gusto kong mapag isa sa buhay. 

Nag eenjoy ako sa bar ng mahagilap ko ang isang pamilyar na mukha. Ito yung dating tinatarayan ni AJ. 

Yung dating best friend ata ni Chad. 

Siya rin yung muntik ng makauna sa akin. Nilapitan ko siya.


“Hey.,” sabi ko.


Nagulat pa nga siya ng makita ako. daig pa niya na  akakita siya ng multo.


“Nandito ka na pala?”


“Yhep.


“Oh baka magalit boyfriend mo…”


“Hindi.. wala naman siya.”


“Oh nasaan siya?”


“Nandun sa dating lugar nila.”


“Nag away kayo no?”


“Hindi”


“Sus…”


“Tara sama ka sa amin..”


“okay sige.”


Yun na nga, sumama siya sa amin. 

Well, wala akong ibang ginawa kundi ang pasayahin ang sarili ko. Haixt buhay nga naman.


“hey.... kung di ka lang taken baka napikot na kita...’ sabi niya


“Ganun ba talaga ako kaattractive?”


“Yeah.. gwapo mo.. feeling ko... umpft....” naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking binti.


“Masyado ka palang mabilis ah...”


“Slight lang...” nagkagat labi siya.


“Kiss me...” ang panukso kong sabi.


Nagulat na lang ako nung hinigit niya yung ulo ko sabay halik. 

Mapusok, at masarap. 

Nagustuhan ko yun kaya nagtagal yun ng 5 minutes. 

Naghihiyawan na yung mga tao.


“Shit.. that’s hot...” sabi ko.


“Umpft...”


Nag wink ako sa kanya at pinulupot niya ang mga kamay niya sa aking mga braso.


Need ko ng entertainment kaya nilango ko ang sarili ko sa alak. 

Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Hahah.


Sabi nga sa kanta. 

Naglalaro sa usok at beer lang ang kasama… hahha.. Makanta nga yun. 

Naglalaro sa usok at beer lang ang kasama… mas okay pang laging ganito.. nalilimutan ka…. Hindi ko malaman sayo.. kung ano ang drama mo…. Lagi mo nalng sinasaktan ang puso ko…. Haixt.


Lumipas ang 2 oras at langong lango na ako sa alak. 

Kaming Masaya pala kausap itong si Aldred. Yeah.


I remember his name. palatawa at komedyante. 

Lakas tawa ako dito. 

Hanggang sa abutin na kami ng hating gabi.


[AJ’s POV]


“The number you have dial is either unattended or out of coverage area, please try your call later… toot… toot….. toot… toot…” tatlong araw na siyang ganyan.


Di ko macontact si Jaysen kaya nag aalala na ako. simula noong umalis siya parang iniiwasan niya ako. 

Wala naman akong alam na may nagawa ako. 

Di ko alam kung ano yun. Naguguluhan ako grabe.


“Oh anak.. ilang araw na ata yan.” Sabi ni mama.


“Kasi ma di ko macontact,.”


“Baka lowbat…”


“Lowbat tatlong araw?”


“Wag ka masyadong mag alala.”


“Di ko maiwasan.”


“Eh wala tayong magagwa eh…”


“Aalis ako ma.”


“Ha?”


“Babalik ako sa tin.”


“Kailan ka aalis?”


“Bukas ng umaga.”


“Pero bukas na ang play ninyo.”


“Babalik ako ng gabi.”


“Kaya mo ba?”


“Opo… malaki na ako ma.. nag aalala lang talaga ako ma.”


“Okay sige mag iingat ka ah…”


“Opo…”


Kinabukasan maaga ako umuwi. 

Mabilis ang byahe pag ganito. 

Pag kasi mga 6 am ako umalis sigurado ako na traffic ang aabutin ko. 

Peak season kasi ngayon eh magpapasko na diba.

Di ko maitago ang kaba doon sa puso ko. 

Di ko malaman yung gagawin ko. 

Di ko nga alam kung paano ko haharapin si ya eh. 

Ano ba kasi ang problema niya. 

Pinigilan ko siya umalis pero di naman siya nagpapigil.

Kailangan naming maayos to. 

Nag sakripisyo na ako para sa kanya at ayaw kong masayang yung ginawa kong pagsasakripisyo.

Nagpapasundo ako kay Chad pero di siya sumasagot sa mga tawag ko. 

Ano bang pinag kakaabalahan nitong mokong na to. 

Nagpasya na akong dumeretso sa bahay nila Jaysen.

Waah. Kapagod ang hyahe. Around 6:30 na ako nakadating. 

Umalis ako ng mga 5:00 am. Haixt. 

Sobrang haggard na mukha ko. 

Antok pa nga ako eh. Nag cut lang ako ng simbang gabi kanina.

Last na kasi yun. Haixt. 

May wish san a ako na hihilingin kay God eh. Hahaha.. pero nevermind na lang. hahha. 15 minutes lang at nakarating na ako kila Jaysen. 

Pinapasok naman ako ng mga kasambahay nila eh.

Diretso na ako sa kwarto at kumatok ng kumatok. 

Ilang beses pa hanggang sa marinig ko na may kumaluskos. 

Naramdaman ko na lang na may bumubukas ng pinto. 

Siguro magugulat siya pagdating ko.

Balak ko kasi na isurprise siya. 

Bumukas ang pinto na kagigising lang niya. inilahad ko ang mga kamay ko papunta sa kanya at niyhakap siya.


“Surprise!!!” ang sabi ko.


“A... anong ginagawa mo dito?” gulat na sabi niya.


“Eh kasi... nag aalala ako sayo....”


Pumasok ako sa room niya at halos maluwa ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Halos para akong nasabugan ng bomba.


(Itutuloy)

7 comments:

  1. Sana mahuli ni aj si jaysen na kasama si chad while having fun sa kama hahahahhaha tapos BOOM para balik aj at james na ang loveteam hiihiihi ty po sa pag update



    Exoxi

    ReplyDelete
  2. hahaha.. salamat po sa pag comment.. :))

    ReplyDelete
  3. yan na nga sinasabi nila sa hula! expect the unexpected , nahuli pa sya w aldred. e2 na ba ang way para magkabalikan cla ni james? . . janssen d ka nag iisip, magsisi ka man huli na. . . ang lungkot ng pasko ni aj.

    ReplyDelete
  4. Nabibwisit na ko kay jaysen, xa pa pa naman gusto ko para kay aj :(

    ReplyDelete
  5. sa mga naiinis kay jaysen, sensya na kayo, yan po ang trip ni mr. author. kung si chad, james at AJ pinaglaruan ng author eh. kita nyo nmn mahal na mahal ni james si AJ pero isang buwan nakikipagkita ke chad at iniwasan si AJ. at si chad ignore s lahat ng txt ni AJ gayung magbespren sila. i like u mr. author. gusto ko yung kwento mo. sinasadista mo ang mga character. haha. thank you.

    ReplyDelete
  6. ang Dec 25 po ay hindi kaarawan ni Jesus Christ. Yan yung araw na ginawa ng namumuno sa katoliko para merong ipinagdiriwang na araw. kahit sino po walang makakapagsabi kung kailan ipinanganak si Jesus Christ. May nagsasabi kung anong buwan ipinanganak pero yung sakto wala. Nakita nmn natin na may magandang nangyari, nagkakaroon ng kapayapaan. ang mga magkagalit, nagkakabati. etc.

    May nagsabi pa na ang Dec 25 ay kaarawan ni balam. anak daw yan ni taning. tuwing sasapit ang kaarawan nya, gumagawa ng xmas tree. yung mga nakasabit e mga katawan ng tao. yung star sa dulo ng xmas tree ay sumisimbolo ke taning. kasi ang tawag ke taning (lucifer) ay morning star.

    ReplyDelete