Thursday, October 18, 2012

Bullets for my Valentines- Part 31

Author's Note:

*****************

Guys lubos po akong humihingi ng pasensya at ngayon lang po ako nakapag update... sorry po talaga.... may pinag daraanan po kasi ako sa mga panahong ito... nawala po sa akin ang isa sa pinakamahalagang taos sa buhay ko sa pamilya ko.... sorry po talaga....

di ko po maaasure na 100% makakapag update ako agad... busy na po kasi sa schools eh.... pero I will make schnedule posts... salamat po...

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.

Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)




Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 31
"They meet again" 


Always here,

Dylan Kyle Santos

videokeman mp3
Hiling – 1:43 Song Lyrics


******************************************************************


[James’ POV]

Makaraan ang ilang buwan, nakauwi na din ako dito. Agad akong humiga sa aking kama. Namiss ko yung lugar na ito. haixt. 

Tinitigan ko ang mga pader, kisame at sahig. Ang tagal na rin nung mula ako nakabalik dito. Paano to napanatili?

Kasi may mga kasamabahay kami dito. Andito si Lola Rita kasama si Kuya. Sila naiwan dito eh. 

Speaking of Kuya, haixt, di pa din kami nagkakausap hanggang ngayon. Well last time kasi eh mukhang magpapatayan na kami.

Siya na kasi ang tumatayong padre de pamilya. Tinutulungan niya si mama sa mga works. 

4 years ago ng mag graduate siya ng business administration. 

 Siya ang CEO ng kumpanya at si mama ang president. At ako? wala pa. trainee lang. saka na pag ok ok na ako. hahha.

Naramdaman ko na lang na nagvibrate yung cellphone ko. Sino kaya tong tumatawag sa akin? Umpft. 

Si Cris. Ano kayang kailngan ng mokong na to sa akin?


“Oh pre?”


“Hey balikbayan.. balita ko nandito ka na daw?”


“Bilis ng tenga mo pre ah.”


“Naman ako pa.”


“Oh kailangan mo?”


“Suplado mo lalo ah… tambay tambay tayo?”


“Saan?”


“Kahit saan. Text ko sila Mark.”


“Ah alam ko na kung kanino.”


“Oh san pre?”


“Kila Dylan na lang. hahahah. Diba diba?”


“Gago ka…. Tae mo… ok na ako ha… maayos na buhay ko.”


“Pero di ka pa rin nakakamove on.”


“Nakapag move on na ako.. issue mo naman.”


“Sus… talaga lang ha…. Kamusta na ba sila ni pareng Johan?”


“Ei sakin talaga. Text mo na lang si Dylan.”


“Woooh.. palusot mo..”


“Eh ikaw ba nakamove on na?”


“Pre paksyet ka.”


“Oh diba… here it comes, taong di pa nakakamove on.”


“Pakialam mo ba?”


“Sige text text na lang….”


“SIge.”


Badtrip talaga tong si Cris. Tinawagan ko si Dylan. (Sa mga di nakakakilala kay Dylan, bukod sa ako yon, makikita ninyo siya sa Ang best friend kong lover… yung pinaka sensored kong gawa joke… grabe nakakahiya tuloy.. yaan ninyo aayusin ko siya.. wahahaha.)


“Hello.” Sabi niya.


“Johan o Dylan?”


“Johan pre. Bakit napatawag ang supalado?”


“Pre di ako yung kakambal mo ah.. baka mapagkamalan mo ako..”


“Oi pre… di suplado kapatid ko..”


“Oi ang kapal ninyo.. magsama kayo… tatambay daw kami diyan sa inyo…”


“Maka diyan wagas.. ayoko nga.. nagawa kami ng baby ng heart ko.”


“Pre libog ninyo talaga…. Kainitang araw.. tirik na tirik ang araw eh nag lalampungan kayo..”


“Inggit ka pre.. wala ng papatol sa yo..”


“Oi kapal mo.. madami jang naglalaway sa akin…”


“Talaga lang ah… kawawa naman si Arwin.. hahah.”


“Pakyu ka pre…”


“Pre di tayo talo..”


“Gago di yun ibig sabihin ko..” tawanan sa kanta.


“Sige punta na lang kayo dito.. inuman ba?” tanong ni Johan. Maya maya may narinig akong tao sa kabilang linya.


“Heart sino yan?”


“Yung iniwanan ng jowa.”


“Grabe ka talaga di ka na naawa.” 

Natawa na lang ako. 

Ayokong dibdibin yun naglolokohan lang kami at pinapasaya lang nila ako. 

Grabe no sobrang harsh nila. Amp.


“Hello James….” Sabi ni Dylan.


“Hello din babe… hahah.” Biro ko.


“Hahahah… Miss you babe…” ang sweet namen no? muntikan na nga akong sugudin ni Johan pag ganun eh.


“Hoy pababe babe ka pa jan.. akin na nga yan…” narinig kong pagtatalo nila.


“Seloso.” Sabi ni Dylan.


“Tawagan mo si Michael ah.. tapos si Cris nagtext na sa akin.. kakabasa ko lang.. sige sige… si Arwin ba nandito na? si Rizza eh todo text sakin… tawagan ko na rin yung babaeng yun. Text ko na rin si Angel.. contakin mo na lang si Raymart, Kian pati si Alex.”


“Tangek sige kita na lang.. meyang gabi na lang ha.. mga 7 pm.. haha… handa ninyo pool ninyo..”


“Kayo maglilinis ah..”


“Grabe bisita kami pre…”


“Walang bisi-bisita sa amin.. lahat katulong.. sige sige…”


“Salamat pre…”

First gala ko to. Hahaha. 

Si baby, iiwanan ko na lang dito. Hahahha. 

Papaalam ako kay mama. 

Katext ko si Chad kanina. Well problemado talaga siya. 

Nagulat na lang ako kasi noon nung halikan niya ako. imba talaga.

Wag nga lang mangyari na mahulog siya sa appeal ko. 

Kapal ko no? ganyan ang buhay, positive lagi. Dream high. Hahah. Ayun, bumaba na ako. nagtext sa akin si Chad na may pupuntahan siya. Akya ayun. Medyo close na kami.

Lagi na nga kami nagkikita nun eh. Hahaha. 

Balak ko na nga na sabihin yung tungkol sa amin ni Arwin, kaso di ko alam kung paano. Tatanungin ko muna si Arwin. 

Kaso nga lang eh… di ko siya pinaoansin.

Dumidistansya na muna ako. hirap na ng gulo. Ayoko ng masasangkutan ko yung malaking gulo.

[AJ’s POV]

Mga 4pm eh pumunta kami ng park. Sabi kasi ni Rizza nandun siya. Di niya pa rin alam na nadito na ako. 

Sabi niya kasi eh la naman siya gagawin. May kakausapin daw siya sa park eh.

Doon kami madalas tumambay. 

May bench kasi doon. Kasama ko si Jaysen na nag lalakad. As usual pinagtitinginan kami. 

Pero di kami gumagawa ng eskandalo ah. 

Walang holding hands. 

Nanibago kasi sila sa akin at bago sila sa mukha ni Jaysen.

As expected maraming naglalaway sa mahal ko. Aysusus.

 Mga maalandi. Hahah. Joke. I wear my favorite glasses. 

Yung hindi shades ah glasses. Para intelligent look. Hahaha.


“Oi may dalawang gwapo oh.. bago ba sila dito?”


“Tange si Arwin yan.. may bago siyang kasama? Boyfriend niya siguro?”


“Gwapo nila ah.. gumuwapo si Arwin. Hahahah. Iba talaga nagagawa ng break ups..”


Grabe tong mga chismosa na to. 

Kalat na kalat na  ala dito ang sa amin dati ni James. Grabe talaga. Amp.


“Bhie… pinag uusapan tayo..” sabi sa akin ni Jaysen.


“Yaan mo na.. masanay ka na mahal.. ganyan talaga dito..”


“Ah ganun ba.. hehhe… ok na pala na holding hands tayo..” bigla niyang kinuha ang kamay ko. 


Nagulat ako sa ginawa niya. wow ang lakas ng loob niya palibhasa eh wala kami sa balwarte niya. amp.


Mga ilang minuto lang din ay nakarating kami sa park. 

Walang gaanong tao dun at sa may bench may natanawa ako. hahaha. 

Si Rizza at ayun ang laki laki na naman ng buka ng bibig kakatawa.

Kasama niya si Michael, Angel, umpft si Ivan, Christine, Aya at may bago silang kasama. Susyal ah. May meeting de avance. 

Kumpleto ata. 

Si Dylan at Johan lang ata yung kulang.

Teka meron pa akong nakita, tama ba si James ba yung nakita ko, hindi si James Arkin ah, James, yung kakambal ni Johan. 

Kailan pa siya umuwi dito?

Unti-unti akong lumapit sa kanila. 

Well, matagal tagal na kaming magkakakilala kaso isang taon na silang magkakasama at magkakakilala ng mapasama ako sa grupo nila. 

Dahil yun kay Cris.

Yung iba naman kamiyembro ko sa simbahan. 

Dami ko din tungkulin doon. All around. Hahaha. 

Ng medyo makalapit na kami,  natawa akol sa itsura ni Rizza.

Akala mo nakakita siya ng multo. Ang laki ng pagkakkanganga niya. 


“Oi Rizza, isara mo yan. Pasukan ng langaw.”


“Tae mga mokong, minumulto ata ako.” sabi ni Rizza.


“tangek si Arwin yan.” Sabi ni Micahel.


“Welcome back.” Sabi ni Christine.


Ganda pa rin niya. crush ko siya dati pa. alam naman niya kaya nga tawagan naming eh crush. 

Crush niya din kasi ako. pero hanggang dun lang yun. 

Liligawan ko dapat siya kaso, alam na, napuranda ng dahil kay James. Hahahah. 

Si Rizza eh bago din dito. Akalain mo no? hahahha.


“Arwin.. bumalik ka nga..” agad lumapit sa akin ni Rizza at hinug ako. garbe tong ababeng ito.


“Takte ka.. multo multo ka pa diyan.”


“Akalain mo kasi nannadito ka. Akala ko sa summer ka pa uuwi dito.”


“Grabe miss ko na kayo eh.”


“Well…” naputol siya sa pagsasalita ng inguso niya yung kasama ko. Hala ka nakalimutan ko na si Jaysen.


“Oh.. sorry.. nga pala.. si Jaysen…uhm.. boy…” hindi pa ako nakaktapos eh nag eksena na agad tong si Rizza.


“High I’m Yours…” natawa ako dun.


“You can call me mine if you want…. I’m beautiful, 36-24-36, I like man like you… umpft…. Gwapo… matipuno at…”


“Taken?” sabi ko bigla.


“Epal ka…” sabi niya.


“Boyfriend ko yang pinopormahan mo.”


“Oh.. siya na pala yun.. well…. Ang panget ng taste mo Jaysen.. am I right? Akalain mo.. anong pinakain sayo ng best friend ko at nagkaganyan ka sakanya?”


Nagtawanan sila. Matoka talaga tong babaeng ito. kaya nga miss na miss ko siya eh. Isa-isa na silang nagpakilala kay Jaysen.


“Grabe best… ang tindi ng sex appeal mo ah… bigyan mo naman ako.. ang hot.. ang gwapo.. ang…. Grabe.. yun nay un… hahha.”


“Wag kang maglaway jan.” sabi ni Aya.


“Well akin na lang siya best pls…” sabi ni Rizza.


“Magtigil ka nga jan..”


“Nga pala… punta kayo mamaya.” Sabi ni James, yung kakambal ni Johan.


“Kelan ka pa pala dito pre? At anong meron?”


“Matagal tagal na rin.. tatambay daw eh.. nagyaya si Cris… pagbigyan na natin ha.”


“Sige sge.” Pagsang ayon ko.

“Sabay na lang tayo Arwin mamaya.” Sabi ni Rizza.

“Bhie… pupunta tayo ah..” sabi ko.

“Sige ba.. no problem. Gusto ko rin naman makahang out friends mo..”

“Naku baka maimpluwensiyahan ka nila.”

“Hindi naman.”

“Ang sweet naman dito.. hahha… sige sige…. Kitakits mamaya…”

Nauna na yung iba samatalang naiwan naman kami nila Rizza. Nagbonding kami at todo halakhak talaga ako. maya maya nagutom si Jaysen. Siya na nag insist na bumili.

“Bhie bili lang ako ah…”

“Baka mawala ka?”

“Hindi po yan…”

“Sige ingat…”

“Ano gusto ninyo?”

“Ako ikaw…” sabi ni Rizza.

“Wag maglandi… hahahha.. fries akin.. meron jan malapit.. hahha.”

“Sige…” Pagkaalis ni Jaysen nagging seryos bigla si Rizza.

“Oi ikaw, alam na ba niya yung tungkol sa inyo ni James?”

“Hindi ko pa nasasabi.”

“Maya maya malaman pa niya.. sabihin mo na agad…”

“Oo sige na…” sagot ko.

“Pero okay ka na ba talaga.. mamaya ginagawa mo lang panakip butas siya ha..”

Hindi ako nakasagot. Natuahn ako. hindi naman siguro. Mahal ko naman si Jaysen.. yun nga lang.. mahal ko pa din si James. Aixt.

Ilang saglit lang ay bumalik na din si Jaysen. He always smile whenever he faced me.

“Best ang swerte mo kahit kelan. Aixt. Akin na lang yang bf mo.” Sabi ni Rizza.

“Maglaway ka.”

“Spell damot.”

“Che. Hahaha.”

“Nga pala.. magdala kayo ng pamalit… mag pool tayo.. hahah.”

“Sure…” sabi ni Jaysen.

“Matagal tagal na rin akong di nakakpag swimming.. mag swimming sana ako sa bahay nila lola.” Sabi ko.

“Makakapag swimming ka na din… text text na lang ah…”

“Sure.. san tayo kita?”

“Daanan mo ako sa bahay namen.”

“Ayoko nga.”

“Dali na..”

“Sige na..”

“Oh siya alis na ako…”

“Sige maglalandi ka lang naman jan sa tabi.”

“Oi hindi ah.. sobra ka.”

“Joke lang…”

“Ei…. Bukas ah… simba ka… back to singing career ka ulet..”

“Oo nga namiss ko yun eh…”

“Okay sige na.. bye..” sabi ni Rizza.

Kami naman ni Jaysen ay natira doon sa may park. Kwentuhan tungkol sa mga nakaraan ko dito. Kanina habang nag uusap kami sa may malapit sa pool nila lola, natameme ako ng tanungin niya ako about my ex. Haixt. Todo ngiti naman siya kaya nakampante ako na hindi na ulit niya tatanungin sa akin ito.

“Alam mo ban a dati rati eh wala lang ako dito. Yung tipo ban a iniisnob.. pero yung pumutok yung balita tungkol sa pagkatao ko, boom.. yun na ang simula…” sabi ko.

“May hindi ka pang sinasahgot na tanong ko.”

Natahimik ako, as in tahimik talaga. Masasabi ko na ba sa kanya ito? handa na ba talaga ako? Kaya ko bang makita sa mukha niya ang labis na pagkalungkot tungkol sa mga bagay na ito? haixt buhay nga naman.

Pero dapat gawin ko na to. Mahirap nab aka sa iba pa malaman niya. masakit sa part niya. baka lalo pang magkagulo.

“Bhie… kasi ganito yun eh… di ko alam kung paano ko siya ipapakilala sayo…. Di ko alam kung handa nab a ako….”

“Ayos lang…” sabi niya sabay tingin sa malayo. Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sa akin.

“Ayoko din naman na sa iba mo pa malaman yung sa amin… alam mo naman kung gaano ako kailang sa mga bagay na ito..”

“Naiintindihan ko… kung…”

“Si Arkin..” hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinabi agad ang pangaln ni James.

“Si Arkin ang ex ko… siya ang taong nanakit sa akin..”

Bakas sa kanya ang pagkagulat. Hindi siya nakapagreact sa sinabi ko. Tila namutawi ko sa kanyang mata ang ilang luha na namumuo. Hala ka nasaktan ko ba siya ng sobra? Amp anman eh.

“Bhie okay ka lang?”

“Uwi na tayo.. prepare na tayo para mamaya.”

“Galit ka ba?” hindi siya nagsalita. Lumuhod ako sa harapan niya.

“ANong ginagawa mo?”

“Ayaw mo akong pansinin eh..”

“Tumayo ka nga jan..”

“Ayoko..”

“Para kang bata…”

“Wag ka na kasing magalit..”

“Di mo naman maalis yun eh… all this time.. yung karibal ko eh kaharap ko… baka nga nagkikita pa kayo eh..”

“MAhal hindi naman po eh..” tumayo na ako.

“Oo na sige na hindi na.. ipangako mo na hindi kayo magkikita ng patalikod sa akin..”

“Opo…”

“I love you..”

“Ilove you too.”

“Ayokong maagaw ka niya sa akin..”

“Wag kang mag isaip ng ganyan..”

“Di mo maiaalis sa akin ang mga bagay na ganito..”

“Mahal naman eh.”

“Siya tara na…”

“Okay sige.”

Umuwi na kami. Sinabi ko na rink ay mama yung gagawin naming. Pumayag naman sila. Well uuwi din kami ng mga medaling araw. Walking distance lang naman yung sa amin ni Dylan eh.

Sabi ko kay mama na diretso na ako sa bahay naming dati. Well mas malapit yun. Sinabi ko kasi na mag swimming din kami pagkatapos.

Nasa labas kami ng bahay nila Rizza. Kadarating lang naming. Tulad ng dati, nakagawian ko na na pumasok sa bahay nila ng walang katok katok. Pinipigilan pa nga ako ni Jaysen kasi daw trespassing daw pero sabi ko sanay na sila.

“Good evening tita…” bati ko sa mama niya.

“Oh nanjan na pala kayo.. kalian pa?”

“Uhm kanina lang po..”

“Naku laki ng pinagbago mo. Ang gwapo mo na ah..”

“Lagi anman tita… hahaha.”

“Sus.. bantayan mo tong anak kong maharot ah…”

“Ma naman..” angal ni Rizza.

“Opo… gwardyado sa amin yan..”

“Ma, dapat ako ang magbabantay kay Arwin.. tignan ninyo oh may jowa na agad.”

“Oo nga ano…”

“Tita si Jaysen po pala..”

“Gandang gabi po..”

“Naku kagwapo naman… sige na baka gabihin pa kayo jan sa daan.” At umalis na nga kami.

Pagkadating naming sa bahay nila Dylan, nandun na yung iba, si Michael, Ivan, Aya, Christine at sila Dylan, James at Johan. Halos maguilat si Dylan ng makita ako.

“Oh. Ikaw na bayan? Grabe…” nanlaki ang mata niya. ganun ba talaga akalaki pinagbago ko? Matagal na naman akong gwapo. Ahahah joke lang.

“Grabe naman makapag taka wagas.”

“Ganun talaga.. huling nakita kitang gwapo na gwapo eh nung JS Prom ninyo..” well kaschool mate ko sila. Ahead sila sa amin ng 2 taon. Ang tagal na rin palang magjowa tong dalawang to. 4 years na ata.

“Grabe naman…” sagot ko.

“Ei… may bago ah..” sabi ni Johan kay Jaysen.

“Si Jaysen nga pala…” sabi ko. Nakipagkamay si JAysen sa kanila.

“Mukhang kawawa na ang manok natin ah..” sabi bigla ni Dylan. “Oo kuya…” sabi ni James na nasalikod. Siya yung kakambal ni Johan remember?

“Wag nga kayo.” Sabi ko.

“Hahaha.. wawa naman siya..” sabi ni Johan.

“Adik..” 

“Oh ayan na pala siya eh..” sabi ni Dylan.

Napalingon ako. huh? Si James nandito? Naghabol ako ng tingin kung saan sila nakatingin at laking gulat ko ng masaksihan na si James ay naririto rin. Nanlaki ang mata niya.

Mukhang di niya inaasahan na pupunta ako dito at madadatnan kami lalo na si Jaysen. Hinagilap ko nman ang expression ng mukha ni Jaysen. Nginitian niya lang ako at hinawakan bigla ang aking mga kamay.

[Chad’s POV]

Isang buwan na kaming ganito ni Arkin. Yeah. He is so sweet. Pero dapat ko bang bigyan ng kahulugan yun? Inlove na ako sa kanya at confirmed nay un. Haixt naman. Buhay nga naman.

Iba na to. Maamin ko kaya to. Haixt. Ilang linggo na akong kinukulit ng text ni AJ. Di ko siya sinasagot. Di ko alam kung bakit. Isa lang talaga nakakatext ko, si Arkin lang. wala ng iba pa.

Siya lang at wala na. hahahha. Umuwi siya sa kanila, hindi sa bahay nila, dun sa dating bahay nila. Ayun ang sweet nga kasi talagang nagtext pa siya sa akin bago siya umalis. Haixt. Sasabihin ko na ba kay AJ? Siguro di na muna. Hahahah. Matapos kasi yung sinabi niya dati ayon medyo na deprived na ako. Hahaha.

Andito ako sa bahay namin. Peace and calm naman ang paligid ko. Sila mama kasi ay out of town gawa ng business. Kaya ayun. Haixt. Si mama naman nag bilin sa akin, naglagay sila ng pera dun sa atm ko. Hahahha. Di naman ako gumala ng gumala.

Nadala ako simula noong apitan ako ng mga lalaking kasamahan nung ex ko na loko loko. Haixt. These days napapansin ko na lagi akong pagos. Nahihilo at nahihirapan na gumalaw. Grabe nga eh.

Minsan nakikita ko na may pasa ako kahit di ko alam kung saan nadadanggil. Napaka-clumsy ko kasi. Haixt. Di naman masyadong malala to.

Walang magawa sa bahay kaya nagbukas ako ng computer at yun nag facebook na lang ako. magpapasko na. ano kaya ang gagawin ko ngayong pasko? Magbabakasyon ba ulit ako? uhmp? Ano kaya? Hahaha.

Nakuha ng atensyon ko ang status update ni Aldred. Sino kaya ang kaaway neto. Binasa ko lahat ng comments. Aba yung ex ko dati. Teka bakit magkaaway etong dalawang ito?

Diba sila yung dalawa na nagsama pa nga. Yung iniwan ako ng ex ko para dito? Ano ba ang gulo ah. Haixt yaan ko na nga to. Di na ako makikialam. Bahala na sila sa buhay nila. Haixt. Mag lalaro na lang ako ng Marvel Avengers Alliance… hahaha.

[James’ POV]

Kanina pa ako di makaimik dito. Haixt. Nawala yung kakulitan ko, pero etong mga napaka anghel kong mga kaibigan dinedemonyo nila ako. Grabe naman sila. Haixt. Kanina pa nila ako inaasar lalo na tong mokong na si Cris. Grabe.

“Pre, wow ah.. daig na daig ka kay Arwin. Ang sweet nila. Kung ako yun inggit na ako to the highest level.” Ngiti lang ang ginaganti ko.

“Mag salita ka naman jan.” sabi nito.

Still, wala pa rin akong imik. Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw tong mokong na si Cris.

“Guys.. may nanahimik dito oh,…” sabay turo sa akin.

Dahil sa pag kagulat at konting inis, itinulak ko siya sa pool at swak, tumba siya at nalaglag sa pool. Nagtawanan naman ang lahat maging ako napahalakhak na lang.

Tumalikod ako at naghubad ng damit. Makaligo na lang kes bugnutin pa ako ng mokong na si Cris. Maghuhubad na ako ng shorts ng biglang hatakin ako ni Cris at yun aba hulog ako sa may pool. Adik talaga ng mokong na to.

“Kwits lang pre…” sabi niya.

“Tado ka talaga.”

“Hahaha.. Wag ka na kasi mag mukmok.. sayang kagwapuhan mo.”

“Oo na… Teka wag kang ganyan.. minamanyak mo ako... alam ko gwapo ako.... kaya wag masyado makatitig.”

“Kapal mo din pre...”

“Sus.”

“Alam ko masakit… wag masydong pahalata.”

Nginitian niya ako saka lumangoy palayo sa akin. Aba matino din palang kausap to minsan. Nakita kong lumusong na din si Arwin at Jaysen. Nakita ko ang katawan ni Arwin.

Shit, bakit ganun, nakakapaglaway katawan niya. hahah. Laki ng pinagbago niya talaga grabe. Haixt buhay nga naman. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Nakita ko na suot niya yung necklace na binigay ko. Nagtatalon sa tuwa yung puso ko. Sobra. Mahal pa niya ako at alam ko pa yun kahit di ako sure nararamdamn ko. Sa oras namabakante ka jan sa marinong yan gagawin ko lahat maokupahan lang kita.

Maya maya nakita ko yung tattoo sa likod niya. ang sa akin kasi eh nasa may dibdib. Teka, paano pag nakita yun ni Jaysen? Baka malaman niya? Pero parang di naman. Hayaan mo na. mas okay na magkaalaman na kung sakali, yun nga lang baka mapahamak si Arwin. Haixt buhay

Tawanan na lang sa loob ng pool. Sumali na din sa pag swimming sila Dylan, Johan, James at marami pang iba. Naglalaro na kaming lahat. Hahaha. Masaya ang ganito, parang walang problemang dinadala.

Lahat ng alalahanin mo natatanggal. Haixt buhay. Puro na lang ako haixt. Mayamaya nagkadikit kami ni Jaysen. Woah kinakabahan na ako. haixt.

Bakit kasi nandito pa siya, masososlo ko n asana si Arwin. Badtrip yan oh. Amp. Nakangiti lang siya sa akin kaya nginitian ko na lang din siya.

“Pre… musta?” tanong niya.

“Ayos lang naman.. nagulat nga ako nung makita kita eh.. di ko inaasahan.. welcome to our place..” sabi ko.

“Bakit pre gusto mo ba masolo ex mo? Hahahha.” Sabi niya.

Takte kinabahan ako. alam na niyang lahat? “Joke lang pre.. di ka mabiro….” Sabi niya.

“Tsk. Alam mo na pala…”

“Yeah…. Better be ready…”

“Adik lang pre…”

“Pre… better get off to my boyfriend…” sabi niya habang nakangiti.

Nanghahamon ba to. “Di mo siya pag aari pre…”

“Maging lalaki ka…”

“Alam kong kayo kaya lalayo ako.. pero pre.. sa oras na mawala sa kamay mo ang mahal ko…. Siguraduhin mo.. sa akin siya mapupunta…” sabi ko.

“Pre.. di mangyayari yan..”

“Dapat lang…”

“Hihigitan ko pag mamahal mo….” Saka siya umalis sa harapan ko.

Well, grabe intense ako doon. Di ko akalain na mangyayari to. Hihohoho. Grabe talaga. Nakita ko siya umakyat ng pool at sa sunod na nangyari ako nabigla. Nagtanggal siya ng shorts at tanging brief lang ang itinira.

Grabe, tapos tumingin siya sa akin. Aba nang hahamon siya ah. Lahat naghiyawan. Katabi ko lang si Dylan at Johan. Nagtatalo nga sila eh.

“Wooohh.. take it off.” Sabi ni Dylan.

“Oi ikaw… amp ka… takte pinag nanasaan mo siya?” pagtatampo nito.

“Sus naman.. ngayon lang ulit ako nakakita ng ibang katawan.. pagbigyan mo na..”

“Ewan ko sayo…” natatawa ako. aba nagtampuhan pa. dahil nanghahamon ang loko, heto pagbigyan natin siya.

Akala niya patitibag ako? hindi ah. Kaya umakyat ako ng kabilang pool at nagtanggal din ng shorts. Hahha.

Nagsigawan sila at lahat sila nagtawanan. Oh di ba? naghahamon pa siya wala naman siyang binatbat sa katawan ko. May narinig akog nagsigaw.

“Arwin grabe ang swerte mo.. ikaw na… ikaw na talaga.. the best ka.. ikaw na may hot papas….”

Kinindatan ko si Arwin at nakita ko na nagblush siya. Tignan natin, katawan pa lang alam kong taob na yang Jaysen nay an.

[AJ’s POV]

Lumapit sa akin si Rizza.

“Best, ikaw na talaga.. ikaw na.. ang haba ng buhok ah… tsk.. takte yan.. pinag aagawan ka ng dalawang lalaki…” inirapan ko lang siya.

Grabe naman kasi tong si Jaysen, kung anong eskandalo yung ginawa niya. nagulat na lang ako ng all of the sudden eh mag brief na lang siya sa may pool. Pasaway talaga kahit kelan.

Pero bother ako sa ginagawa niya. alam ko na may pinag huhugutan siya. Nakikipag kumpitensiya siya kay James. Kainis. Dapat bang sinabi ko sa kanya yung totoo? Haixt.

Ilang sandali matapos yung ginawa nilang dalawa, ayun at nag-iinuman na sila. Umahon naman ako at nagpalit na. ewan ko pero nawalan ako bigla ng gana. Ramdam naman yun ni Rizza.

Isang oras na lang at mag aalas dose na. bilis ng oras. Kumain na lang kami ni Rizza. Kwentuhan kasama ang iba. Nakita ko ang saya sa mga labi ni Jaysen. Mukhang nagkakasundo sila.

Ewan ko lang sa kanila ni James. Woot. Mga to talaga. Haixt. Nakaramdam ako ng konting pagbigat ng kilos. Di ko namalayan na unti-unti na rin pa la akong nanghihina. Nakita agad ako ni Rizza kaya agad niya akong nilapitan.

“Okay ka lang?” tanong niya.

“Nahihilo ako..” sagot ko.

“Dala mo gamot mo?”

“Nandun sa bag…”

“Alalayan mo ako sa kwarto.. wag tayo pahalata…..” sabi ko habang nanghihina.

Wag ngayon please. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko at naramdaman ko yung irregularity ng pagtibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa kwintas ko.

“Riz…zzaa…” ang nasabi ko hanggang sa namalayan ko na lang na nanlabo ang paningin ko at napaupo sa sahig.

Narinig ko ang mga sigawan nila. Halos lahat sila di mapakali. Unti unti, ang malabong paningin, napalitan ng itim hanggang sa pati ang kamalayan ko nawala. Buhay ko, imba talaga.

Hanggang kailan kaya ako magiging ganito. Kung magpaopera na kaya ako pero mahal yun eh. Mahihirapan lang sila mama. Sabi naman ni doc baka kaya naman sa gamot. Haixt.

Dasal nga ang pinakamabisa kong gamot. At alam ko mabubuhay ako. kayak o to. Di pa ako handa na mamatay. Kailngan ko pang matama ang lahat ng pagkakamali kong nagawa.

Naalimpungatan na lang ako bigla bigla. Unti-unti dumilat ako at nakita ko ang putting kisame. Di naman siya ospital dahil nandun ako sa kwarto nila Dylan.

Lahat sila nakapalibot at yung iba nagulat ng magising ako. hawak ni Jaysen ang kamay ko at nasa tabi ko si Rizza. Ngumiti ako ng bahagya kay Rizza. “Bhest… tae ka..” sabi nito sabay hapas sa akin.

“Uhmmm…. Di  ahh….”

“Bhie okay ka lang ba? Nag aalala ako sayo….. ano ba kasing nangyari?”

“Wala naman…. Sa hika lang to…”

“Akala ko ba okay na yan?”

“Ewan.. nahilo ako.. pagod siguro?” hay ang panget ng palusot mo.

“Buti na lang at may dala kang gamot.”

“Wag ka na mag alala.. okay na ako..” bumangon ako pero pinigilan nila ako.

“Uwi na ako…” sabi ko. Lahat sila natigilan.

“Wag kayong mag alala.. okay na ako…”

“Okay.. ingat ka..” sabi ni Dylan.

“Salamat.. sorry talaga… need ko lang talaga mag pahinga…”

“Dito ka na kaya mag pahinga?”

“Uhm...” napaisip ako.

“Oo nga bhie.. sabay sabay naman tayo sa pag simba bukas… dito na lang muna tayo…”

“Sige na po..” pag sang ayon ko.

Unti-unti na silang lumabas at ang kahuli-hulihan kong nahagilap ay ang bulto ni James. Nakita ko na naiyak siya. Naiyak o kagagaling lang sa pag iyak. Di ko mapigilan na ma bother.

Natouch ako, sigujro dahil nag alala siya sa akin. Pero bakit ganun, ang tanga tanga ko? Nandito ako kasama si Jaysen pero si James ang nasa isip ko. Magkatabi kami ngayon ni Jaysen.

“Bhie… akala ko kung anon a ang nnagyari sayo?” buti na lang at di nagsalita tong si Rizza tungkol sa nangyari sa akin. Alam niya yung nangyari sa akin eh. Haixt.

“Okay lang ako.. sorry pinag alala kita…”

“Okay lang po yun.. ang mahalaga eh okay ka na…”

“Salamat… wag mo kong iiwan ha..” sabi ko.

“Opo… at wag mo akong ipag papalt kay Arkin..” doon ako parang nabasag na ewan.

Di ko maintindihan ang sasagot ko. Bakit ganun. Ang sama ko ba talagang tao? Dapat ba tinatapos ko na tong relasyon na to gayong may part sa puso ko na sinisigaw ang pangalan ni James?

Pero mahal ko din naman si Jaysen. Aminado ako nab aka namamangka ako sa dalawang ilog. Takte yan. Ang sama siguro ng tingin sa akin ng iba na makakabsa nito. Haixt.

“Nagseselos ka ba?” tanong ko.

Oh common sense, alangan naman. Grabe lang ah nag graduate ako with honors pero eto ako manhid.

“Yung totoo? Oo, nagseslos ako. all this way yung taong karibal ko nasa tabi ko lang pala. Di ko namamalayan nab aka naagaw ka na niya sa akin. Nag seselos ako sobra….” Sabi niya sa akin.

Umiiyak siya. Di ko talaga kinakaya kapag umiiyak sa harapan ko si Jaysen.

“Wag kang umiyak please…” sabi ko. Pinahid niya yung mga luha niya.

“Okay lang ako.. wag o akong intindihin… basata mahal na mahal kita. at hihigitan ko pa yung pagmamahal na ginawa ni Arkin sayo…” hinawakan niya kamay ko.

Sa puntong yun, natauhan ako. mahal niya ako at boyfriend niya ako. hindi dapat ako maging tanga at salawahan. Kailngan ko ng pakawalan lahat ng mga nangyari noong nakaraan.

Kailangan kong gamitin ang utak ko ngayon. Dapat ko ng iwanan si James. Kailngan ko ng tumaas at iwanan sa baba si James. Nakapag decide na ako. kailngan kong iwanan si James.

Mag uusap kami at tatapusin ko na ang lahat lahat. Napaka sayang kung hahayaan kong iwanan ko si Jaysen. Hindi ko dapat hayaan na maging ganun akong klaseng tao. Magpapaka ayos na ako. I will be matured and serious.

“Bhie.. I love you…. Tulog na tayo… wag kang aalis sa tabi ko ah.. dito ka lang…. di kita iiwanan…” ang nasabi ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

Maganda ang gising ko kinabukasan. Nakayakap sa akin si Jaysen. Ang gwapo talaga ng mahal ko. Umaga nap ala. Sakto lang ang gising ko kasi samba kami ng mga 9 am. Pero 8 am eh mag punta na kami sa simbahan dahil may katesismo. Hahah.

Namiss ko na rin naman yung mga bata. Nag ayos kami at kumain. Masaya naman ang lahat pwera lang kay James. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. haixt, di ko alam kung bakit? Dahil ba kagabi?

Pero okay na naman ako ah. Haixt. Nung matapos kami kumain, sama sam na kaming aalis. Haixt. Pababa na ako noon nung makita ko si James. Agad siyang nagiwas pero inagapan ko naman siya.

“Okay ka lang ba?” nag nod lang siya.

“Prang di naman.” Binitawan ko na yung braso niya at ako na ang unang bumaba.

“Ikaw ang dapat kong tinatanong tungkol diyan.”

“Okay na ako.. malakas ako no..” sabay ngiti.

“Yeah.. I know… pero.. may malakas bang nahihimatay?”

“Exceptional yun..”

“Whatever..”

“Taray mo..”

“DI ah..”

“Sungit na lang..”

“Mas masungit ka..”

“Wew na lang… tara na?” sabi niya.

“Wait lang..”

“Bakit gusto mo kiss?”

“Che tumigil ka…”

“Oh ano yun?”

“Usap tayo..”

“Eto na nag uusap tayo ah..”

“Bukas… sa may ampunan… usap tayo.. masinsinan.. may sasabihin ako…”

“Pero..”

“Hihintayin kita…. kung di ka dadating ayos lang…”  ang sinabi ko  tapos umalis na ako. naghihintay na sila sa baba.

(Itutuloy)


4 comments:

  1. wow kuya dylan ikaw ang gumawa ng best friend kong lover?
    hahaha hindi ko napansin na same author galing kayapala familiar yung pangalan na Johan at dylan(dba may kakambal din si johan na james o ibang istorya yun?)
    hahahha nayc nagustuhan ko rin yung kwentong yun
    -dingXXXXDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry nagcomment muna ako bago mabasa kea hnd ko alam na stated napala iyon XDDD
      ding

      Delete