Sunday, October 21, 2012

Bullets for my Valentines- Part 32


Author's Note:

*****************

Enjoy Reading Guys!

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.

Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)




Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 32
"Love weights" 


Always here,

Dylan Kyle Santos

videokeman mp3
Two Is Better Than One ~ Taylor Swift and – Boys Like Girls Song Lyrics

*************************************************************


[James’ POV]


“Hihintayin kita…. kung di ka dadating ayos lang…” 


Ano ba ang sasabihin niya? 

Nasuspense tuloy ako. 

Grabe naman to oh. 

Bawat beses na magkakausap kami, treasurable na sa akin yun. Haixt.

Kanina pa kami dito sa may simbahan. 8 am pa. umattend din kami ng katesismo. Natuwa nga sila ng makita nila kami eh. 

Sobra daw silang nanibago sa mga pagbabago naming. 

Natutuwa naman ako habang nakikita kong nagtuturo sila.

Lalo na si Arwin. Passion niya talaga yung pagtuturo. 

Pero pag nakikita kong nakabuntot si Jaysen. Ah badtrip lang. gusto kong tanggalin siya dito at patalsikin. Tsss.

Nandito ako ngayon sa may choir lobe at nakanta. Advantage ko to kay Jaysen. Magkatabi kami ni Arwin. Hahaha. He’s voice is sweet parin. Siyempre laki ng lamang ko.

May pagkakataon ako na mahawakan ang kamay ni Arwin. Hahahaha. Pero tahimik siya at para bang may iniisip na malalim.

Di ko naman siya madaldal na kasi naman eh nagmimisa. I remember noon nung bago pa maging kami.

Siya ang dahilan kung bakit ako napapunta sa simbahan ulit. Simula kasi noong namatay si papa, di na ako nakadaan sa simbahan. 

Ang sagot, hindi ko alam. May pwersa sa akin na nag lalayo sa simbahan. Hay naman. Ewan ko ba. Pero dahil kay Arwin, nakapagsimba ulit ako. 

Tinuruan niya ako na hindi ko dapat ilayo ang sarili ko sa Diyos.

(Flashback)


“Ayoko nga.. ang kulit mo.” Sabi ko sa kanya.


“Alam mo ang arte mo.”


“Mas maarte ka.”


“Super arte mo.”



“Takte.. ayoko nga.. wag mo akong piliting magsimba.”


“Eh paanong hindi.. nababalutan ka na kasamaan.” Sabi niya habang ngingiti ngiti.


“Oi ang kapal din ng balat mo. Kung ikukukumpara ko naman ako sayo mas mabait ako.”


“Oi alam mo sa mga sinasasbi mo mukhang nababaliw ka. Tumingin ka nga sa salamin.”


“Alam mo pag tumingin ako sa salamin yung gwapong reflection ko yung makikita ko. Tsss.”


“Sus. Nagbuhat ng sariling bangko.”


“Dami mong alam.”


“Ikaw din madaming dahilan. Nakakainis ka.”


Umalis siya. 

As in nag walk out. 

Grabe to iiwanan ako. di ko alam yung lugar na to. 

Kaasar tong panget na to eh. Arggg. 

Pero sarap asarin. 

Yun nga lanag di talaga ako magsisimba. Ever.


“Oi.” Pagtawag ko.


“Oi mo mukha mo.”


“Ano ba pinuputok ng butse mo?”


“Nevermind.”


“ANo nga?”


“Di ka naman tanga no? adik to. Hmmmpft. Talk to my hand.” Galit na sabi niya.


“Sorry na boi….” Sabi niya.


“Ewan ko sayo…”


“Nata… takot lang kasi ako magsimba.” 


Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Umupo naman ako dun sa may bench. Haixt.


“Sige iwanan mo na ako.” sabi ko.


Well mood swing ako.  nababadtrip na ako, aba ang haba ahaba na ng nilakad naming. Mga 30 meters na ata yun. Hahahaha. Arte ko no?

Umupo siya sa tabi ko at dumistansya na kami. 

Takte yan daig pa naming ang nag LLQ. Demanding ako ahahaha. 


Gusto ko kasi lambingin niya ako. 


“Sorry na.. di ko naman kasi alam eh..” nag puppy eyes siya.


“Ewan sayo…” sabi ko. Pahard to get.


“Bakit ba kasi ayaw mo?”


“Hindi naman sa ayaw pero natatakot lang ako. it’s been a decade ng di ako nagsisismba. Pakiramdam ko eh galit sa akin yung Diyos. Pati nagtatampo ako nun kay God. Simula nung kinuha niya sa akin si Daddyh. Alam mo yun, humiling ako sa kanya na wag niyang kunin si daddy pero wala siya pinakinggan.” 


Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya. Ganun ako eh.


Inakbayan niya ako at tumibok si heart ng mabilis. 

Takte daig ko pa bakla neto, kinikilig ba ako? hahaha. 

Di ko maimagine tong supladong lalaking ito eh sa isang akbay lang eh napapabigay. 

Shet lang. haixt.

Ano ba aksing gayuma ginawa nitong mokong na to at nainom ko? 


“Alam mo.. di mo dapat sinisisi yng Panginoon. May mga bag lang talaga na oras na para mawala. Laat ng bagay may dahilan. At saka, di nagaglit si God. Maniwala ka.”


“Pero..”


“Trust me.” hinawakan niya yung kamay ko.


His comfort makes me very well. Napayakap na lang ako. “Galing mo panget mag salita….”


“That’s me…”


“That’s what I like about you…” sa unang pagkakaton matapos ang ilang taon, tumulo ang luha ko. Tears of joy.


“Oi tignan ninyo oh.. gwapo nung dalawa kaso bakla…” narinig kong sabi nung babae na nandun sa may park.


“Naku sayang talaga… alam na.. di mo aasahan na lalaki lahat ng gwapo..”


“Pero mukhang maskulado naman oh…”


“sus kahit na..”


“Gwapo naman… ligawan niyan ako pwede pa.. kaya pa yang gawing tunay na lalaki..” sabi nila.


Napabalikwas naman ako. Takte tong mga chismosa na to… grabe sila makapag judge. Amp lang.


(End of Flashback)

Di ko na namalayan ang pagtakbo ng misa. 

Basta alam ko kinakanta na lang nila yung pangwakas na kanta. Matapos nun, di ko namalayan na wala nap ala sa tabi ko si Arwin.

Siguro nandun na siya sa boyfriend niyang sobrang puti. Mas gwapo naman ako dun kaso bakit ganun. Amp lang. haixt. Makauwi na lang ng bahay. Haixt.

Teka nag vibrate yung cellphone ko. 52 msgs. Joke lang. 20 lang. si Arwin.


“Bukas ah…. Hihint
ayin kita. :’)” well, sana magdate kami. Hahaha. Joke lang.

Yung ibang message eh GM at 5 text galing kay Chad. Oo nga pala. Kagabi pa to natawag di ko nasasagot. 

Lagot na. hahaha. Kulit din kasi nitong isang to. Hahaha. 

Okay na ata problema niya eh. At least he’s okay. 

Makauwi na muna ng bahay. Oo nga pala, di ko nasabi na kasama ko si Khail.

[AJ’s POV]

Maya maya eh magkikita na kami ni James. 

Kahapon sa misa eh ang weird niya, ang tahimik at mukhang malalim ang iniisip. 

Sabi ko kay Jaysen na may pupunatahn lang ako na importante.

Sabi ko din na wag na siya sumama kasi madali lang naman yun. 

Di na naman siya nag pilit kaya ayun. 

Nag paalam din ako kila mama pati binilin ko si Jaysen. 

After naming kumain nag ready na ako. haixt.

It’s been long ago ng di ako mapadpad dun sa ampunan. Namiss ko na din yung mga bata dun. Sila Fathers at sisters.

After kong mag ayos eh umalis na ako.


“Bhie alis na ako..”


“Bye…”


“Galit ka?”


“Hindi..” umupo ako sa tabi niya.


“Wag ka na magalit…”


“Ano ba kasi yan?”


“sa ampunan to.. saglit lang ako..”


“Ah okay.. ingat ka ah..”


“Wag ka na magalit..”


“Di ako galit nagtatampo lang.. sige na… ingat ka ah.. pasalubong..”


“Opo.” At humalik na ako sa pisngi niya.


Para sayo naman to Jaysen eh. Tatapusin ko na ang lahat. Kailngan ko ng ilabas mga bagay na nagpapasira sa pagmamahal k okay Jaysen. Mabilis lang naman yung bayhe. 

Medyo malapit lang naman to.

Mga 3 sakay ng jeep. Minsan isang sakay lang kasi nilalakad ko na lang yung papunta. Hahah. Dipende sa panahon. Hahaha. 

After 20 minutes eh nakarating na din ako doon. 

Welcome home for me sa bahay ampunan. Haha.


“Arwin ikaw ba yan?” salubong sa akin ni sister.



“Hahaha.. Opo Sister. Ako po to.” Niyakap ko agad si Sis. Leonora.


Waaah. Nakakamiss. Halos lahat ng bata nakatingin sa akin. Nagsilapitan yung iba na mga bata. 


“Mga bata naaalala mo pa ba ako?”


“Kuya Arwin?”


“Ako nga…” lahat sila sumugod sa akin.


Maya maya nahagip ng mata ko si Khail. “Daddy…” sigaw nito.


Aba nandito pala siya. Binuhat ko agad yung baby ko.


“NAndito ka pala baby ko..”


“Opo kanina pa… si daddy kasi eh….” At nakita ko mula sa likuran naming si James. Malapad ang ngiti niya. ngumiti ako sa kanya.


“Siya baby dito ka na muna… uusap lang kami ng daddy mo..”


“Okay po…” at nakipag laro na ulit siya sa mga bata.


Lumapit ako sa kanya. “Kanina ka pa dito?” tanong ko.


“Medyo..”


“Di ka naman siguro excited…”


“Hindi naman.”


“Early bird. Nakakapanibago ah.”


“tss. Dami pang satsat.”


“Di ka pa rin nagbabago.”


“Di ko kailangan magbago…” sabi niya.


Natigilan ako sa sinabi niya. oo nga naman. Haixt. 

Umupo kami dun sa may playground. 


“Kamusta ka na pala?” Tanong ko.


“Im not fine. Pero okay na din. Sapat lang.”


“Ang gulo ng sagot mo.”


“Awkaward kasi.”


“Paano mo naman nasabi?”


“Basta…”


“Gulo mo kahit kalian.”


“Ano ba sasabihin mo? Ano ba pag uusapan natin?” sabi niya bigla.


Naging seryoso siya. “Di ko kasi alam una kong sasabihin.” Haixt.


Kinakabahan ako grabe. “Mahal mo pa ba ako?” tanong niya bigla. Di ako nakapag salita. Shit ano ba tong tanong niya. kinabahan ako ng sobra.


“Just answer my question, mahal mo pa ba ako?”


“Ba.. bakit ko kailangan sagutin yan?”


“Haixt… as usual napaka stubborn mo.”


“Ewan ko sayo..”


“Kasi ako.. mahal pa rin kita. in fact mahal na mahal…”


Nagulat na lang ako sa pagtatapat niya. di ako umimik. 

Pinakinggan ko na lang yung sinasabi niya. 

“Mahal na mahal kita kahit na nasasaktan ako. ang gago ko na nagpapanggap na okay ako kahit hindi. Alam mo ba, habang nakikita kitang kasama yung ungas na yon, part of me para akong sinakluban ng langit. yung feeling na makita mo yung taong mahal mo kasama yung iba? Alam mo yun. Taena yan. Bwisit.” Sabi niya. kita ko sa mga ata niya yung namumuong mga luha.


“Pero…”


“Pero ano? Dahil sa kasalanan ko? Haixt. Gago naman kasi yung kaibigan mo.. sa lahat pa ng lalaki ako pa pag interesan. Wala akong kasalanan…”


“Wala na sa akin yun…”


“Naniniwala ka na sa akin?”


“Napatawad na kita… wag mo ng ipag pilitan.. basta okay na ako dun sa issue nay un..” natahimik siya. Haixt. 


Kahit kelan talanga.


“Wag ka ng mag alala. Okay na ako… promise.”


“Pero wala akong kasalanan.” Tumutulo na yung mga luha niya.


“Wag kang umiyak.”


“Di ko mapigilan. Alam mo ba na nanghihinayang ako nung time na nagkahiwalay tayo. Alam mo yun? Hawak na kita. nasa sa akin ka na pero pinakwalan kita. How stupid I am? Dapat kasi din a lang tayo nag away.. sana kasi din a ako nakipag inuman.. sana kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin ako…”


“Mahal pa rin kita…” nakita kong nag angat ng ulo si James.


“Hanggang ngayon natatanga ako sayo.. hanggang ngayon mahal na mahal kita… alam mo ba yun ? kahit na nag mumukha akong tanga mahal pa rin kita.” lumuluha na din ako. lumapit siya sa akin at niyakap ako.


“Ibig sabihin ba nito makikipag balikan ka?”


“Hindi..”


“Pero mahal mo ako… at mahal kita….”


“Pero may nagmamahal pa sa akin.”


“Di mo naman siya mahal.”


“Mahal ko siya.”


“Iba ang pag mamahal sa gusto… puso ang gamitin mo hindi yung isip mo.”


“Wag mo akong pangunahan.”


“Pero…”


“Nakikiusap ako.. layuan mo na ako.” napatulala siya sa akin nung sinabi ko iyon.


“Ayokong masaktan si Jaysen… please… wag mo na akong mahalin.. please… lumayo ka sa akin.. gusto kong makalimot…. Please…” sabi ko.


Napaluhod naman siya sa harapan koi. Niyakap niya mga binti ko. 


“Nagmamakaawa ako sayo… please…. Wag mo akong palayuin.. di ko kaya… di ko mapigilang mahalin ka.. mahal na mahal kita.”


“Ayoko na.. please…”


“Mahal na mahal kita…”


“Pigilan mo..”


“Di ko magagwa yun.. ikaw ang tinitibok nitong puso ko.,. at sayo lang to titibok hanggang sa huling hininga ko.”


“James please.. nagmamakaawa ako.. wag mo na akong mahalin… lumayo ka na sa akin..” Tumayo siya.


“Hindi…. Mamahalin pa rin kita.. sige lalayo ako… pero mag hihintay ako…. mahal na mahal kita….”


“Pero masasaktan lang ako..”


“Taena naman.. anong gagawin ko ha? Tanggapin na wala ka na sa akin? Putcha naman oh. Alam mong mahal na mahal kita. wag kang tanga….” Napayuko lang ako sa sinabi niya.


“Wag ka nga manhid… mahal mo ako pero lalayuan mo ako.. magiging unfair ka lang…. habang kasama mo siya ako laman ng puso mo.”


“Kaya nga lumayo ka na eh… para mawala ka na dito oh…. Alam mo ban a wasak na wasak to at hanggang ngayon hindi pa rin tapos kumpunihin.. takte yan…. Kaya lumayo ka na nag mamakaawa ako..”


“taena yan… mahal na mahal kita…”


“Masasaktan ka lang..”


“Sanay na ako.”


“Please…”


“lalayo ako.. pero di ako titigil na mahalin ka… itatak mo yan sa bato…mahal na mahal kita….”


Di ko napigilan na yakapin siya. 

Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

Pinunasan niya yung mga luha ko.

“Hayaan mong mahalin kita sa paraang kaya ko… mamahalin kita kahit may mahal ka ng iba… mamahalin kita kahit na may kasama kang iba… mamahalin kita kahit na ang puso ko ang nasasaktan…. Di ako titigil… mahal na mahal kita….. please.. hayaan mo ako…. hayaan mo akong mahalin kita…”


“Pero ayaw kitang nasasaktan…”


“Salamat sa pag aalala… pero sa ginagawa mo nasasaktan na ako.. sa pagpapalayo mo sa akin.. nasasaktan na ako..”


“Mas mabuti na masaktan ka na ngayon kesa sa magtagal pa to at lalong masaktan ka ngayon…”


“basta… mamahalin kita…”


Napaangat ang mukha ko at hinawakan noiya yung baba ko. Gusto ko siyang halikan. 

Gusto ko na maramdaman ko yung dati. 

Inabot ko ang mga labi niya at nagtagpo ang aming mga labi. 

Muli, lalong tumibok ng mabilis ang puso ko.

Kay tagal ko na tong gusting mabyari.. ang mahalikan ang mga labi ni James. 

It’s so passionate. Haixt. Ang lambot ng mga labi niya at kaysarap ng kanyang mga halik. Naalala ko ang unang paghahalikan namin. 

It feel so sweet. Lumalaban na rin siya ng halik. Halik ng pamamaaalam.


[Jaysen’s POV]


Di ako nakatiis na hindi siya sundan. Kasi naman eh. Haixt. 

Nagtataka ako kung saan siya pupunta. 

Nagpaalam lang ako na may bibilhin lang sa may bayan. Alusot k okay mama.

Nagtanong-tanong ako kung saan ang amounan na tinutukoy ni AJ kaya ayon. 

Madali kong natunton yun. 

Mga 30 minutes yung byahe. Agad akong pumasok at nagtanong tanong.


“Sister… nandito po ba si Arwin Jake Montederamos po?”


“AH si Arwin.. nandun sa may playground…”


“Salamat po,..” agad kong tinunton ang play ground.. di ko alam kung saan yun ah..


“Kuya.. saan po yung play ground..” tanong ko kay kuya na nag lilinis.


“Ah… diretso lang.. tapos liko ka sa kanan tapos diretso lang.. yun nay un.. sa may tapat ng CR.”


“Salamat po.”


Nagmadali naman ako na puntahan siya. 

May narinig akong nag uusap. Si AJ yung isa. 

Agad naman akong tumakbo at nakita ko nga si AJ.

Pero nagulat ako sa nadatnan ko. 

Halos malaglag ang puso ko sa nasaksihan ko. Nakita kong naghahalikan si AJ at 

yung loko loko na si Arkin.


(Itutuloy)


2 comments:

  1. pinaglaruan mo author sila james. AJ at chad. pinakita mo na mahal na mahal ni james si AJ, tas biglang ibinaling ang atensyon ke chad ng isang buwan. Tas si AJ nmn txt ng txt ke Chad, pero wlang reply. me ganun bang magbesfriend. tas eto biglang mahal n mahal n nmn ni Janmes si AJ.

    kahit kwento lang po ito, dapat yung medyo makatotohanan nmn. salamat. pero kahit konplikado na, gusto ko parin ang istorya.

    ReplyDelete