Wednesday, December 5, 2012

Bullets for my Valentines- Part 42


Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 42
"Tayong dalawa" 


Always here,

Dylan Kyle Santos







******************************************************************

[AJ’s POV]


“Salamat at dumating ka... si Chad ang mismong nagsabi na tawagan ka eh.” Sabi ni tita.


“Ano po bang nangyari. Matagal na kasing nagkakaganyan si chad. Dati rati naman konting pahinga lang pero ngayon hindi ko na maintindihan. Natatakot na nga ako para sa kanya eh. Sabi ko dati na magpatingin na sya eh.”


“Edi ba po nasugod na siya dati? Ano daw po ang tingin sa kanya.”


“Ang sabi ng doctor may nakita daw silang irregularities. Pero binigyan nila kami ng gamot at alam ko tinake naman yu lahat ni Chad pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit.”


“Ganun po ba. Hope maging okay na siya.”


Ng harapin ko  si James, di ko maiwasan ang malungkot din. Nakatulala kasi siya eh at para bang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari.


“Psst... cheer up...” sabi ko.


“Yeah.” Sagot naman niya


“Oh ano yang sinisimangot mo?”


“wala.”


“Ei naman.”


“halika nga....” niyakap ko siya.


“Wala kang kasalanan okay.... cheer up.. chin up....”


“I love you...”


“I love you too...”


Ilang saglit dumating yung doctor.


“Doc kamusta ang anak ko?”


“Well Mrs. Mendoza, may nakita kaming bukol sa may  ulo niya. I-observe pa amin kung ano ito. Pero he’s fine. He need rest at tamang medications.”


“ganun po ba. Sige po. Take care of my son.” Sabi ni tito.


Agad naman kaming pumasok ng madala na si Chad sa loob ng private room. Payapang payapa yung pagpapahinga niya.


“Tita, una na po kami.. dalaw na lang po kami mamaya po after ng class. Pasabi na lang po kay Chad na dumalaw kami.”


“Sige anak, salamat sa pagbisita”


“Sige po.” Pamamaalam namin.


Hinatid ako ni James sa bahay namin. Pero ganun pa rin siya tulala.


“Hey, sabi ko ngumiti ka na...”


“Sorry... di ko lang maiwasan.”


“May class ka ba?” tanong ko.


“Yep.. maya pang 1pm. Ikaw ba?”


“Meron. 10 am pa.”


“Tulog ka na...”


“Yeah.. ikaw din matulog na ah. Diretso bahay ah.”


“Opo....”


“I love you..”


“I love you too.”


At umalis siya. Inihiga ko naman ang sarili ko sa kama at hindi mapigilan ang mag isip. Haixt. 

Paano kaya mababago ng sitwasyong ito ang kalagayan namin ni Chad?


Ano kaya ang magiging reaction ni Chad kung sakaling mangyari na malaman niya ang lahat? 

Hay ang gulo. 

Itutulog ko muna ito kasi hindi ako makakapag isip ng ayos.


After ng class namin dumeretso na ako sa ospital at bumili ako ng favorite ni Chad. Pag kadating ko doon, nandun yung kuya niya. Well, unang beses ko pa lang makikita yung kuya niya sa personal.

Tangkad grabe. Gwapo at maputi. Pero mas maputi ako. Hahaha. Pagdating ko pinaalis niya yung kuya niya.


“bakit mo naman pinaalis ang kuya mo?” sabi ko.


“Wala lang. Pati para may privacy tayo. Bakit type mo?”


“Hindi ah. Ganda sanang background.” Ang nasabi ko.


“Landi.”


“Oh kamusta ka na?”


“Okay lang naman.”


“Parang di naman.”

“Ewan.. masakit eh...”

“Alin jan?”

“Eto” sabay hawak sa ulo niya. “At tsaka eto.” Sabay hawak sa puso niya

“Wag mo na nga munang intindihin yung puso mo.. intindihin mo muna yung sarili mo.” Ang nasabi ko.

Napansin ko na umiiyak siya. Naawa ako, ano bang gagawin ko? Paano na to ngayong kumplikado na ang lahat.

“Masakit eh.. sobra.... aaminin ko.. mahal ko si Arkin... masakit yung ginawa niyang pag tanggi sa akin... pero kahit ganun, hindi ako nawawalan ng pagasa.”

“Ano ba yung sinabi niya?”

“Dahil sa lintik na ex yan.. sino ba yung lalaking yun ha AJ? Sino ba yun? Gusto ko siyang makita at makaharap... gusto kong ipakita sa kanya na mas okay ako kaysa sa kanya..na mas karapat dapat ako... dahil wala siyang kwenta.”

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

Mantakin mo natatagalan ko lahat ng panlalait sa akin ni Chad, pero dapat kong intindihin siya.

Alam ko, hindi ko pa maaaring aminin sa kanya ang lahat. Lalo pang magkakagulo pag nagkataon.

“Kumalma ka lang walang mangyayari kung gagawin mo lang eh magalit ng magalit.. magpahinga ka na...”

“Ganun ba talaga ako ka-walang kwenta?”

“Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”

“Bakit ganun? Wala ba talagang magkakagusto sa akin?”

“Sabi ng itigil mo yan eh!” Nag taas na ako ng boses.

“Bakit? May magagawa ka ba? Nung una akong nagmahal ginago ako, pinagpustahan ako. Nagmahal ulit ako pero pinagtaksilan ako. Ngayon naman.. nagmahal na naman ako sa maling tao.. dun pa sa taong baliw na baliw hanggang ngayon sa gagong ex niya na wala namang kwenta... sabihin mo sa akin AJ.... ano bang kasalanan ko at nagkakaganito ako? May karapatan ka bang pagtaasan ako ng boses at pagsabihan ako na tumigil?!”

“Ang sa akin lang magpahinga ka... hindi mo ba naiisip na bata ka pa at marami ka pang magagawa... maraming tao jan... hindi lang si Arkin.... wag mong paikutin ang sarili mo kay Arkin.”

“Madaling sabihin yan sa iyo kasi maraming nagkakagusto sayo.. marami akong kakilala na nagsasabing gusto ka nila... gusto ka nilang makilala... gusto ka nilang ligawan..... naiinggit ako.. sobra.. sabi ko sa sarili ko.. bakit ikaw marami nag kakagusto.. sa akin wala... panget ba ako? Masama ba akong tao?”

Di ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Natigilan siya at hindi makapag salita.

“Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ko ineexpect na yang pagkaiinggit mo ang gagawin mong dahilan para pagtakpan ang sarili mo... Hindi sa itsura makikita yan.. sa ugali... at isa pa, ano bang dapat ikaninggit mo sa akin? Yung mga gustong manligaw sa akin? Yung mga gustong magpakilala sa akin? Aanhin ko ang bilang Chad? Ha Chad? Aanhin ko?! Gumising ka nga. Wag kang hunghang!”

“Nahihirapan lang ako...” patuloy siyang umiiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit. “Nandito lang ako para sayo... nandito lang ako...”

“Salamat... wag kang mawawala.. please... nagmamakaawa ako... ikaw na lang ang meron ako..”

“oo.. pagaling ka.. at kapag magaling ka na... tutulungan kitang bumangon...”

“Ang korny pero salamat... I owe you one..”

“May sasabihin sana ako sayo pero hindi pa pwede.. saka na kapag okay ka na.. aalis na ako ha...”

“Okay sige.... sure... ingat ka...”

“Yeah.... pagaling ka... dapat bukas wala ka na dito sa ospital...”

“Yan ang di ko alam.”

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti siya. Pansin ko na parang may bumabagabag sa kanya.

Yun lang ang hindi ko alam. Pagkatapos ng ilang sandali, umalis na ako at nagpaalam.

Dumeretso ako sa bahay nila James. Siguro pauwi palang yun ngayon. Dumaan muna ako sa SM para bumili ng brownies, pasalubong para kay baby ko. Pagkatapos noon ay dumeretso na ako kila James.

Nakita ko agad si Khail na nagsasagot ng assignments niya. Agad naman niya akong sinalubong.

“How’s your school baby?”

“Okay lang po. Akin po ba to daddy?” tanong niya sa hawak kong brownies.

“Yes baby... hahaha.. ikaw talaga... sa iyo yang pasalubong”

“Yehey...”

“Asan daddy mo?”

“Padating na po yun ngayon...”

“Ah okay.. sige jan ka muna ah.. punta lang ako kay mommy...”

Dumeretso ako sa kusina. Naghahanda kasi si mommy ng dinner nila. Nagtext na naman ako na pupunta ako doon at doon na daw ako mag dinner.

“Oh ma tulungan ko na kayo jan..”

“Anjan ka na pala...”

“Opo, tulungan ko na po kayo.”

Tinulungan ko si mommy na mag ayos. Maya maya din naman dadating na si James kaya sabay sabay na kaming kakain.

Matapos kong tulungan si mommy, bumalik ako sa pwesto ni Khail at sabay namin hinintay si James. Maya maya dumating na din naman ito.

“I’m home.” Sabi ni James.

“Hello.” Bati ko.

Niyakap niya ako saka hinalikan. “Yey. Dito ka matutulog?” tanong niya.

“Bahala na... bakit?”

“Wala naman... natanong lang po... tara kain na tayo... gutom na ako...” sabi niya  

“kiss ng daddy?” sabi kay Khail. Agad naman itong lumapit kay James at humalik.

Mukha talaga silang magtatay. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. I missed those times, at ngayon, susubukan kong ibalik yung times na nawala noon.

Pero labis kong ikinababahala yung kay Chad. Paano na lang pag nalaman niya na okay na kami ni James, at malaman niya na ako yung ex ni James?

Matapos naminh kumain, kaming dalawa ni James yung naghugas ng plato. Ako ang taga sabon at siya ang taga banlaw.

Nag decide na ako na mag stay ako for tonight. We need to talk seriously.

Nauna akong umakyat at nagpalit ng damit. Humiram muna ako ng mga damit kay James.

Maya-maya sumunod na siya. Pinatulog na muna niya si Khail bago siya pumunta ng kwarto.

“Mag shower ka na.” Sabi ko.

“Uhmmm.. ang bango ng asawa ko ah.”

“Asawa ka jan.. sige na lakad na.. amoy pawis ka...” pagbiro ko.

“Mabango pawis ko.”

“Parang di naman.”

“Sige... wait for me.. wag kang matutulog... I’ll be right back...”

Nagshower siya habang ako naman eh naiwan na nag-iisip. After 5 minutes natapos siya at nagbihis, saka humiga sa tabi ko.

“May problema ba?” tanong niya sa akin sabay yakap.

“Ewan ko... nangangamba ako kay Chad.”

Pansin ko na nahimik siya at hindi nagsalita. Kinilig ako noong hawakan niya yung kamay ko. Ewan ba? O//_//O

“Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.”

“Malala ba kalagayan niya?”

“Hindi ko alam eh.. pero ang pinapangamba ko eh yung sarili niya. Nung nagkausap kami masyado siyang down na down.”

“ano bang gagawin ko?”

“Wala naman tayong magagawa....”

“Pero...”

“Alam ko... pero wag kang mag alala... magiging maayos din ang lahat...”

“Sana nga. Wag mo akong iiwan.”

“Bakit mo naman sinasabi yan?”

“Baka kasi bigla mo na lang akong iwasan...”

“Hindi ko gagawin yan.. mahal kita eh.”

“Mahal din kita...”

“Halika nga dito... hay naku.. di pa natin pwedeng sabihin kay Chad na tayo.”

“Alam ko.. haixt.... mahal na mahal kita.”

“Oo at tandaan mo na mahal na mahal kita... hangga’t hindi ko sinasabi na hindi ma kita mahal, paniwalaan mo na na mahal kita... tandaan mo yan ha... maniwala ka sa akin.. wag sa nakikita mo, naririnig mo.. sundin mo ang puso mo.”

“Opo....I love you...”

“I love you too.”

“Bakit kasi ang daming nagkakagusto sayo?” tanong ko.

“Ang gwapo ng asawa mo eh.”

“Ang yabang. Pero taob ka naman sa akin.”

“Oo na. Wala na naman akong magagawa kasi ang isang James Arkin Ramos ay nahulog sa patibong ni Arwin Jake Montederamos.”

“Kinikilig ako.” Sabi ko.

“Hahaha. Natawa naman ako doon. Kinikilig ka pa rin pala sa akin.”

“OO naman. Kaw talaga. Lalo na nung hinawakan mo yung kamay ko. Grabe. Heavy.”

“Hahaha. Kiss ko nga.”

“Tse tigil nga. Mga palusot mo.”

“Hahaha. Sige hug na lang... pero mamaya more than that na.”

“Tumigil ka nga. Batukan kita eh.”




[Chad’s POV]



Mabuti at okay na ako. Nakalabas na ako ng ospital. Pasalamat na lang ako.


Mukhang makakasama ko pa ang ospital sa mga darating na panahon. Di ko man inaasahan pero kailngan kong intindihin.


Lahat naman kami nagulat sa resulta ng sakit ko. Di ko inaasahan na ganun na kalala yung lagay ko.


Kung iisipin ko eh yung sakit ng ulo na nararamdaman ko, yun na pala ang hudyat na may malala akong sakit.


Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam nito. 


Nung dumating si AJ noon sa ospital, sobrang depressed na ako. 

Bago pa siya dumating alam ko na yung resulta.


Natauhan naman ako sa sampal niya, pero di naman yun yung magse-set aside na makuha ko si James. 


Obsessed na kung obsessed, mahal ko siya eh.

Kailangan kong magpatulong kay AJ. 


Siya ang nakakakilala kay Arkin ng husto. 


Ang tanging gagawin ko na lang ay ang ipakita na karapat-dapat ako sa kanya.

After namin malaman ang resulta, naging okay na ang pamilya ko. 


Kinakausap na ulit ako ni papa at okay na kami nila mama.


Blessing na rin siguro to. 


Pinatawad na nila ako sa lahat ng nagawa ko. 


Ganito naman talaga eh, maging sa teleserye, kapag mamatay yung anak nila, wala silang choice kundi ang mahalin at tanggapin ako.

Nagpapahinga na ako ngayon. 


Malapit na rin lang din ang finals namin. 


Wala akong update kay Arkin. Di siya nagpaparamdam sa akin. Iniiwasn niya siguro ako.


Nasa kwarto ako noon ng biglang bumisita si Aldred sa akin. 


Himala ata at binisita niya ako. 


Nakakapagtaka, ano ang ginagawa niya dito? Nakalimutan ba niyang galit ako sa kanya. Haixt.


“Gawa mo dito?”


“Binibisita ka.”


“di ko kailangan bisita mo.”


“Wag kang magtaray... nag aalala lang ako sayo...”


“Salamat...”


“Don’t be so cold like that.. mag best friend tayo  kaya di mo maalis sa akin to.”


“We used to be... yun yung term.. at tsaka matagal na yun.. bago mo pa lokohin sarili mong best friend.”


“Ikaw din naman ah.”


“Anong gusto mong ipamukha sa akin?”


“Parehas lang tayo. Inahas ang jowa ng best friend niya.”


“Hindi ako katulad mo.”


“Maybe. Pero if you know yung nangyari...”


“Bakit meron pa ba akong hindi alam?”


“Don’t mind it. I just want to visit you, hoping that you are alright...”


Nakonsiyensya ako. Ang harsh ko masyado.


“Don’t go.. sorry.” Sabi ko. Napatigil siya at umupo ulit.


“Siguro... it’s time to have reconcilation.”


Nakita ko na napatulo ang luha niya sa sa sinabi ko.


“Hey don’t cry..” sabi ko.


“Natutuwa lang ako...”


“Sorry sa lahat ng mga nagawa ko.. sorry kung harsh akong magsalita sayo...”


“It’s okay.. kasalanan ko naman ang lahat.”


“Bakit naman kasi sa lahat ikaw pa? Alam mo gustong-gusto kitang patayin... grabe.”


Nanhimik siya.


“oh nanahimik ka.”


“May dapat kang malaman...”


“Ano?”


“Yung nangyari talaga.”


“You don’t need to explain.. at saka isa pa.. sa lagay kong ito dapat nagpapatawad na ako ng mga may kasalanan sa akin.”


“Pero iba to.. dapat mo lang malaman to.”


“Sige makikinig ako.”


“Di ko naman gusto yung nangyari... wala akong intensiyon na gawin sa iyo yun, pero para sayo ginawa ko. Nagawa ko na ipagamit ang sarili ko para di ka iwan nung ex mo.”


“Di kita maintindihan.”


“Kung natatandaan mo noon, sinasabi ko sayo noon na may ibang lalaki yang hayop mong ex, pero sabi mo na ayaw mong maniwala.”


“Yeah I remember, di ako naniwala kasi mahal ko siya.”


“Yun ang malaki mong pagkakamali. Di mo ako pinaniwalaan.”


“Yeah.. siguro nga.. pero anong connect...”


“Nung time na yun, desperado ako na patunayan sayo na may iba siya. Pero nabigo ako. Para hindi ka masaktan,  kinausap ko siya. Ako na mismo ang nagmalasakit na kausapin siya tungkol sa mga nakita ko.”


“Kaya ba nagawa mo yun.. sinet up mo ang lahat?”


“Hindi...”


“Pero ano?”


(Flashback)


“Bakit ako makikinig sayo?” sabi nung boyfriend ni Chad.


“Best friend ko yung pinag uusapan natin. Ayokong masaktan siya. Gago ka.”


“Pakiaalam ko ba sayo?”


“Nagmamakaawa na ako, lahat gagawin ko itigil mo lang panlolokong ginagawa mo. Ayokong masaktan si Chad, ayokong nagpapakatanga siya sa isang gagong lalaki.”


“Napakayabang mo naman magsalita.”


“Bakit? Totoo naman sinasabi ko ah. Isa kang lalaking walang ginawa kundi ang makipag harot sa kung kani-kanino. Malandi ka! Sobrang landi mo!”


“Mag ingat ka sa sinasabi mo.”

 “Mag ingat ka din sa ginagawa mo! Baka akala mo, kaya kitang ipapatay...” ang nasabi ko na lang.

“Wew takot ako sobra....”

“Gago ka talaga. Ano? Ano na?!”

“Sabi mo gagawin mo lahat diba?”

“Oo.”

“Papayag ako.. sa isang kundisyon..”

“Ano?”

“Ikaw, gagawin kitang pampalipas oras. Gwapo ka naman, malakas ang dating, hiwalayan mo boy friend mo at ikaw ang magiging kapalit sa mga kalandian ko.”

“Hindi ako papayag! Hayop ka!”

“Well, tapos na pag uusap natin..”

“Napaka sama mo! gago ka! Ang baboy mo!”

“Sabihin mo na lahat ng gusto mo. Kung payag ka na, itext mo ako. Saya pa naman paglaruan ng best friend mo.”

“Walang hiya ka!”

Tumayo ako at sinuntok ko siya.

“Ganyan ang gusto ko.. palaban.”


(End of Flashback)


Kinuwento sa akin lahat ni Aldred ang lahat. 


Halos mapatulala na lang ako sa sinabi niya.


Totoo ba to? 


Pero, paanong? 

Ibig sabihin sinisi ko siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa?


“Pumayag ka sa sinabi niya?”

“Oo. Pumayag ako, matapos niyang guluhin kami ni Rommy, sinakyan ko na yung gusto niya.”

“Pero di mo na dapat hinayaan na gawin yun.”

“Ganyan ka kaimportante sa akin...”

“Pero..”

“Tapos na yun. Don’t worry.. I won’t blame you...”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napakasama ko palang best friend. Sobra.

Di ko man lang naisip lahat ng mga pinag gagawa ko. Sinisi ko siya sa lahat ng kasalanang ginawa ng hayop kong ex.

“May ipagtatapat din ako sayo..” sabi ko.

“Ano yun?”

“Tungkol sa kalagayan ko.”

“Bakit? Ano bang problema mo? Ano ba tingin sayo?”

“Kasi.... pero ipangako mo na muna na wala kang pagsasabihan.”

“Oo, teka kinakabahan ako..”

“Kasi...”

“Ano?”

“Di ko alam kung magtatagal pa ako...”

“Huh?”

“May sakit ako..”

“Malala ba?”

“Oo...”

“Teka.. ano bang sakit mo? Hindi ba maagapan yan?”

“May tumor ako sa utak.”

At tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

(Itutuloy)

3 comments:

  1. yes mamamatay na sya. buti pa yung bestfriend ni chad, marunong mag sacrifice. sya marunong lang lumandi.. hahaha

    -mans-

    ReplyDelete
  2. hala, panu na kaya un , baka maudlot nanaman ang lovelyf ni aj at james para sa nlalabing araw ni chad at mapasaya sya. haizt, hirap tlaga ng situation nila.

    ReplyDelete
  3. hehe, talagang ang sadista ni mr. author. eto nman ngayon, si chad binigyan ng sakit ni mr. author. gusto laging away-away para masaya tas pag matagal na, saka lang makakaintindihan. hehe. gusto ko yan. para maiba nmn ang mga kwento. thanks

    ReplyDelete