Wednesday, July 31, 2013

Less Than Three- Part 12

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 12

(Start of Something New)


Monday, July 29, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 5




318 (My Second Attempt to Love)


By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:


Hello guys! Chapter 5 is here. Sorry guys kung late posting again. Medyo busy lang sa mga school works especially sa programming na ansakit sa bangs haha joke lang! So yun, heto na po pala ang chapter 5 ng aking kwento. Hopia like it! ^_^


“Ang Valedictorian ng Puso Ko” Story status: ONHOLD. May mga nirerevise lang po ako sa pilot part at may mga iniisip pa po akong mga events na pwedeng ipasok sa story. Intay lang po.


And, maraming maraming salamat po sa mga patuloy na sumusuporta at naghihintay ng mga updates ko. Maraming salamat guys! Labyah all :*



-nieL


PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:



I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.







ENJOY READING =)





Chapter 5.






Xander’s Point of View:



Sabado ng umaga. Balak namin pumunta ni bes sa mall dahil nagpapasama siya na bumili ng bag nya. Syempre, kung mahal at ang taong iniikutan ng mundo mo ba naman ang magyaya sayo? Tatangi ka pa ba? Kaya naman madali nya akong napapayag na samahan siya. Ang cute nya kaya kapag nagmamakaawa at kapag namimilit. Haha!


So, dahil excited ako na mamasyal kasama si Colby ay maaga pa lang ay gising na ako. At dahil walang mapaglibangan ay kinuha ko ang gitara ko upang tugtugin ang kantang inaalay ko para sa kanya – Ikaw Lamang. Sa isang buwan na lumipas ay lagi kong tinutugtog ang kantang to lalong lalo na kapag hindi ako busy sa mga ginagawa ko sa school. Ewan ko ba kung bakit hindi ko makuhang magsawa sa tuwing pinapakinggan at tinutugtog ko ito. Gustong-gusto kong kantahin to sa harap ni bes ngunit hanggang ngayon ay takot pa rin akong umamin ng tunay na nararamdaman ko sa kanya.


Sa umagang iyon ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang mga nangyari isang buwan ang makalipas pagkatapos ng nangyari sa amin ni Colby. May mga pagkakataong natutuwa ako sa tuwing naiisip ko at naalala ko ang mga kilig moments namin sa isang buwan na iyon ngunit nalulungkot naman ako kapag napagtatanto ko na hindi ko pa pala naamin sa kanya ang nararamdaman ko at wala pa akong balak sabihin.
Sumagi rin sa isipan ko si Trina. Oo, si Trina na classmate kong na parang isang lintang dikit ng dikit sa akin. I don’t know what she wants, kinakaibigan ko naman siya at pinapakisamahan ng mabuti pero this past few weeks? Hindi ko na alam kung kaya pa ng pasensyahan kong pagpasensyahan ang mga taong katulad nya. Ginagambala nya ang taong mahal ko. At ang mas masama hindi lang sya dahil sinasama nya pa ang mga kaibigan nya upang maresbakan si Colby. Kaya naman hindi na ako nagatubili pa once I caught her on act na inaaway si Colby at ang mga kaibigan nito.


Sa classroom ay naging kilala na rin ako. Syempre, isang kalapastangan kung may isang estudyante sa school na to ang hindi nakakakilala kay Xander James Villanueva (Hangin! XD) Haha! Biro lang. Basta ako? Pinakakasamahan ko lang naman ng maayos ang mga tao sa paligid ko at totoo lang ako sa sarili ko kaya naman naging popular na rin ako sa classroom at college namin, siguro ay dagdag points na lang ang itsura ko.


Isa pang problema ay pagusbong muli ng mga haters sa boyfriend ko este bestfriend ko. Bukod kasi kay Trina ay may iilan na namang estudyante ang palihim siyang tinitirada at ang ikinababahala ko na naman ay mayroon na namang mga taong nagpapadala ng treat note sa kaibigan ko at sinasabing “Lubayan mo si Xander kung hindi kami ang makakabanga mo.”, syempre lubos akong nagalala ngunit lalo akong humanga sa kanya dahil nakita ko kay Colby ang courage nya sa paghandle ng mga bagay na ganito. Ang laging dahilan nya ay “Sus, bes? Napagdaanan na na’tin yan! Maning-mani ko na yang ganyang problema..”, alam ko deep inside ay nasasaktan sya ngunit iba talaga si Colby. Siya kasi yung taong kahit mabasag ay kayang pulutin ang nabasag na sarili upang buuin muli at magsimula ng bagong buhay. Masasabi ko pa ngang mas lalaki si Colby sa pinapakita nyang katapangan e.  Proven na yan noong break-up nila ng Tristan.


And speaking of Tristan, nagkausap kami ng masinsinan at usapang lalaki one time noong hinihintay ko si Colby na matapos ang last subject nya. Nakaupo ako noon sa park malapit sa school ng bigla syang tumabi sa akin.


“Pare.” Approach ni Tristan sabay tapik sa balikat ko. Nagtaka ako sa mga oras na iyon. Anong ginagawa nya rito?! Masama pa ang loob ko sa lalaking to dahil sa ginawa niyang kagaguhan at pagtataksil sa 
bestfriend ko.


“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig kong pagtatanong.


“Ahmmm. Pwede ba kita makausap ng masinsinan Xander?” Sincere nyang paghingi ng pabor. Nagulat naman ako, masinsinan? Para saan? Wala na sila ni Colby di ba? Bukod kay Colby ay wala na kaming ibang connection pa ni Tristan.


“Para saan naman?”


“Tungkol kay Colby..” Nahihiya nyang sagot.


“Tungkol kay Colby? Ano pa bang kailangan mo sa kanya? Hindi pa ba sapat ang saktan mo sya? Ha?!” Medyo may pagtataas ng boses kong tugon.


“Huminahon ka Xander. Wala na akong intensyon na saktan pa syang muli. At nandito lang ako upang ibilin si Colby sayo. Ka-kasi.. Aalis na ako sa school na to..” Sagot nya na tila may lungkot sa mukha.


“Huh! Talagang hindi mo na siya masasaktan muli dahil sinasabi ko sayo, once na saktan mo pang muli ang bestfriend ko? Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo Tristan..” Buong tapang kong sabi sa kanya. “Ano bang gusto mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.


“Xander..” Pagtawag nya sabay hugot ng isang malalim na buntong hininga. “Una sa lahat, gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero hindi ko magawa dahil kahit ako alam ko kung paano ko nasaktan at nasugatan ang puso nya.”


“Alam ko napatawad ka na nya. Kahit anong sakit at kahit gaanong kalaking sugat ang binuo mo sa puso nya, alam kong napatawad ka na nya. Ganyang kabuti ang bestfriend ko, ganyan ka nyang kamahal dati. Na sinayang mo..”


“I know..” Malungkot nyang tugon.


“Alam mo naman pala e. ikaw ang hirap kasi sayo pare, hindi mo iniisip ang mga risk ng ginagawa mong desisyon. Hindi mo alam kung may masasaktan basta ikaw masunod lang kung ano ang gusto mo. Hindi mo muna iniisip ng mabuti kung tama ba ang desisyon mo at makikinabang ka ba sa ginawa mong desisyon in future. Masyado kang nagpa-resist sa temptation. Sagutin mo ako? Diretsuhin mo nga ako? Pumunta ka ba dito para..” Napatigil ako at humugot ng isang malalim na paghinga. “Para bawiin muli sya dahil hindi ka na maligaya sa taong pinaglaban mo noon?” Tanong ko sa kanya. Tumaas na ang tono ng boses ko. Shit! Bakit nya sinasabi to?!


“Aaminin ko Xander. Oo, gustong-gusto ko syang balikan. Ang tanga tanga ko na binitawan ko siya. Ang tanga-tanga ko na hindi ko narealize at nadama ang pagmamahal nya sa akin noon. Ang tanga-tanga ko na tinangap ko si Rafael at binalikan kahit na alam ko naman ang maaring kahantungan namin.” Sabi niya na may pagtataas ng boses. Tumungo siya at napansin ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “At ngayon, pinagsisihan ko ang lahat. Ngayon ko nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang masaya sayo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nalimutan na ako na tuluyan. Nasasaktan ako Xander.. Oo na, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundong to Xander pero mahal ko pa rin siya. Gustuhin ko man siyang balikan ngunit wala na akong mukhang ihaharap at… masaya na siya..”


“Mahal.. mahal..” Iiling-iling kong sabi sa kanya. “Pasensya ka na Tristan, pero mahal ko si Colby.. Mahal ko siya ng higit sa kaibigan. Minamahal ko siya ng parang isang kasintahan.. Pasensya na pero, yan ang katotohanan. Binitawan mo siya dahil sa taong alam mo naman palang sasaktan ka. Ngayon, ito na ang oras ko para aminin ang nararamdaman ko. Hindi ko na papalagpasin Tristan. Sinuko mo na siya, pinaasa mo siyang mahal mo siya.. And I don’t think na enough na yung reason mo para mahalin ka ulit nya, mapatawad maari pa..” Nasabi ko na lang kay Tristan. Napabuntong hininga ako. Sincere ang pagkakasabi ko sa kanya. Bukod sa sarili ko ay siya ang taong napagsabihan ko ng nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Selos ba? I don’t know. Ang alam ko natakot ako sa sinabi ni Tristan na pinagsisihan niya na ang lahat. Natakot ako na mawala sa akin si Colby.. “Tristan, natututo ang tao. At sa kaso ni Colby dati? I’m sure nadala na siya..” Dagdag ko pa sabay tayo upang umalis na.


“Xander saglit..” Pagtawag sa akin ni Tristan. Huminto ako upang pakinggan ang sasabihin niya. Kahit nakatalikod ako sa kanya naririnig ko at nararamdaman ko ang paghikbi at kalungkutan sa kanyang boses. 
“Alagaan mo siyang mabuti. Kung mahal mo siya, aminin mo sa kanya. Maging masaya kayo.. pasayahin mo siya sa piling mo. Sa paraang yun mapapanatag na ako. Siguro, kailangan ko ng kalimutan siya at kalimutan ang lahat sa amin. Maging ang sa amin ni Rafael. Basta ang hiling ko lang Xander ay.. alagaan mo siyang mabuti..” Sincere nyang sabi sa akin. Ewan ko ngunit para hindi ito ang Tristan na nakilala ko. Kitang kita at damang dama ko ang sincerity sa kanya. I don’t know, but nakikita ko sa kanya si Colby during their break up. Dinapuan ako ng awa sa kanya. Parang sinasabi ng utak ko na isuko ko na lang kaya si Colby sa kanya gayung hindi ko naman kaya panindigan si bes. Hindi ko kayang umamin sa kanya at ayokong maging selfish, ngunit kinokontra naman ito sa puso ko na sinasabing ipaglaban ko si Colby dahil mahal ko naman talaga siya at masasaktan lang ako kapag sinuko ko siya.


“I will, salamat..” Nasabi ko na lang kay Xander. Tumayo na din siya at nag part ways na kami. Nilinga ko siya at napansin kong panay pa rin ang punas nya sa kanyang mata. Syempre, nakaramdam ako ng awa ngunit sa kanya na rin galing ang desisyon.


Iyon lang at pagkatapos ng usapan naming yun ay halos may ilang araw ko nang hindi nakikita si Tristan sa school na to.


Alas-11 ng tanghali noong naisipan kung pumasok na ng banyo upang maligo at maghanda sa pamamasyal namin ni bes. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng exciting tong araw to para sa amin ni bes. Syempre, makakapagbonding na naman kami at makakasama ko na naman siya at makikita ang mga ngiti nya.


Mga dalawampung minuto din akong namalagi sa banyo upang maligo at ayusin ang sarili. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng banyo ng kwarto ko ng bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Ang weird nga e, basta-basta na lang akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay laking gulat ko ng makita ko si bes na nakaupo sa kama ko at tinitignan ang cellphone ko. Oo, normal lang sa amin ang magtinginan ng cellphone pero hindi ngayon. Baka makita nya nag video na ginawa ko noong inaaral ko pa lamang ang paboritong kanta ni bes. Shit!


“Bes?! Anong ginagawa mo sa cellphone ko?!” Tanong ko sa kanya ng may pagtataas ng boses. Lumapit ako sa kanya at hinablot ko ng madalian ang cellphone ko sa kanya. Noong tinignan ko ang cellphone ko ay laking gulat ko ng nakaopen na ang video folder  dahilan upang maginit ang ulo ko.


“Shit! Bes ano bang pinakikielaman mo sa cellphone ko?!” Galit kong tanong sa kanya.


“Ahh.. Ehhh.. Sorry bes. Hindi ko naman sinasadya saka normal lang naman sa atin ang magtinginan sa atin ng content ng cellphone di ba?” Hindi ko naman aakalaing magagalit ka e..” Sabi niya sa akin.


“Tsk. Sa susunod bes ipaalam mo muna ah?”


“Okay! Sensitive naman nito! Ano bang tinatago mo dyan? Siguro may love-life ka na noh? Ayyiiee!” Pangaasar nya sa akin.


“Wala ah? May mga pictures lang akong hindi maganda ang kuha dito..” Pagmamangmaangan ko.


“Wala daw. Pero tignan mo to..” Sabi nya sabay lakad papunta sa cabinet ko at tinuro ang.. Shit! Yung gitara ko nakita niya. Badtrip! Ang sabi ko pa naman sa kanya dati ay ilalabas ko lang gitarang yun kapag may tinitibok na muli ang puso ko. Baka magsuspetsa pa tong si Colby sa akin. Shit! “Di ba sabi mo ilalabas mo lang ulit itong gitarang to kapag may liligawan ka na ulit? Now tell me. Who’s that girl?!” Tanong nya sa akin.


“Ahh e wala yan bes! Na-tripan ko lang kasing tumugtog ulit ng gitara kaya nilabas ko yan..” Pagdadahilan ko sa kanya. Ewan ko ba, gustong gusto ko nang aminin ang nararamdaman ko sa kanya ngunit lagi akong inuunahan ng hiya.


“Okay!” Sarkastiko nyang sagot sa akin.


Bago kami umalis papuntang mall ay nag-lunch muna kami kasama ni mama sa bahay. Buti na lang ay nakapaghanda si mama ng makakain dahil hindi ko naman akalain na pupunta ng ganung kaaga si bes. Masaya kaming kumakain ng lunch. Nakakatuwa naman makitang masayang kumakain at close na close sa isa’t isa ang magbyanan ay este si mama at si bes. Napagkaisahan pa nga akong asarin e.


“Xander? Shades ka ba?” Tanong ni Colby habang kumakain kaming tatlo nila Mama. Aha! Pi-pick up to.


“Bakit?”


“Nagdidilim kasi paningin ko kapag nakikita kita e! Boom!” Pangbabasag ni Colby. Makaganti nga! 

Wahaha!


“Bes? Ice cream ka ba?”


“Bakit?” Pagtatanong nya.


“Mukha ka kasing rocky road! Bwahahaha! Boom!”



Alas-12 na noong umalis kami sa bahay. Di kalaunan ay narating na rin namin ang mall at pumunta agad kami ng timezone upang maglaro ng arcade. Tulad ng dati ay para kaming mga bata na naglalaro ng mga arcade games.


Grabe! Ang saya talaga kasama ni bes. Lagi kong nakikita ang mapupugay nyang mga ngiti na hindi ko magawang pagsawaan. Aalis na sana kami sa timezone upang mag-shopping muna ng bigla kong maisipang yayain sa Dance Revolution si bes.


“Bes! Sayaw tayo dyan..”


“Adik! Alam mo namang hindi ako masyadong marunong sumayaw e. Wag na!” Pagtangi nya.


“Dali na bes! Please?” Pangungulit ko sa kanya. Ang ending ay napapayag ko din naman siya. Haha!
Hinulugan na namin ng token ang dance revo machine ng biglang may mga naglapitang mga naglalaro sa amin upang panuorin kami. Yes! Masaya to haha! Actually, gusto ko lang din talaga siyang asarin e kasi ang cute nya kapag nagtatampo at kapag nayayamot sa akin.


Syempre, nakaramdam siya ng pagkailang ngunit hindi na lang namin ito pinansin at nagsayaw na lang kami sa dance revo machine. Ang cute nya pala kapag nahihiya! Ang feminine ng itsura nya kapag nahihiya. Hihi!
Pagkatapos ng dance revo namin ay pinaghahampas nya naman ako dahil sobrang nakakahiya at nakakailang daw. Niyaya ko pa kasi siya dun. Ayan! Umepekto ang plano ko na yamutin siya and fortunately nakita ko na naman ang kanyang cute na expression. Ang swerte ko talaga.


Pumunta muna kami ni bes sa department store upang tumingin ng mga bag. Hindi nagtagal ay nakakita rin siya ng maganda ganda bag sa fit sa kanya. Nakakatuwa dahil ang cute nya noong sinukat nya ang bag sa kanyang likuran. Lahat na lang ata ng nakikita ko kay Colby ay cute. Haayyysst! Bes! Nagayuma mo ata ako. Haha! Ang lakas ng tama ko sayo.


“Bes tara na..” Pagyayaya ko sa kanya upang lumabas na sana ng department store.


“Wait lang bes.”


“Oh bakit? May bibilhin ka pa ba?”


“Basta bes, sumama ka na lang sa akin..” Sabi nya sabay hila sa mga kamay ko dahilan upang mamula ako sa sobrang kilig. Buti na lamang ay hindi siya nakaharap sa akin dahil makikita niya ang pamumula ko.
Nagulat naman ako ng bigla kaming pumunta sa shoes section ng department store. Teka? Ang dami-dami nang mga sapatos ni Colby sa kwarto nya ah? Don’t tell me bibili na naman siya ng bago?


“Bes? Anong gagawin na’tin dito?” Curious kong tanong.


“Obviously bibili..” Pamimilosopo ng cute na nilalang na to.


“Ah sabi ko nga! Pero ang dami nang sapatos ah? Bibili ka na naman? Collector ka ba?”


“Hindi! Hindi para sa sarili ko. Para sayo..” Pagkasabi nya nun ay namula na naman ako dahil sa pagkabigla at sa kilig. Syempre, nakaramdam naman ako bigla ng hiya dahil ayoko nang magabala pa si Colby at dapat ako ang nagbibigay sa kanya ng mga ganitong stuffs at mga regalo.


“Bes, wag na lang. Ayos pa naman tong ginagamit ko sa ngayon e..”


“Sige na bes, I insist.”


“Nakakahiya kasi bes e. Ang mamahal ng rubber shoes dito oh?” Sabi ko kay bes.


“Kung presyo ang iniisip mo bes wag mo na isipin yun. Regalo ko lang din sayo to.. Kaya sige na bes..” Pag-iinsit ni bes sa gusto nya. Kinalaunan ay napapayag nya na rin ako.


Isang nike na rubber shoes na kulay green na may combination na white color ang binili sa akin ni bes. Nahihiya man ay tinangap ko na dahil ayaw naman paawat nitong si bes. Kaya naman tinangap ko na lang ito at nagpasalamat sa kanya.


Maaga pa naman at walang pasok bukas kaya naman naisipan naming pumunta ng cinema ni bes. Nooong tinignan namin ang screen kung saan pinapakita ang mga showing ngayong araw na to ay parehas naman kaming napakunot ng noo dahil walang mga bagong movie. Puro nga nag-showing na dati at pinapalabas lang muli ngayon. Aalis na sana kami noong makita namin ang isang movie na sa palagay namin ay year 2010 lang pinalabas. Yung title ng movie is, “paano na kaya” kung saan ang bida ay si Kim Chui at si Gerald Anderson.


“Bes yan na lang kaya panuorin na’tin?”


“Uhmmm??? Okay lang. Hindi ko pa naman napapanuod yan e. Pero bes hindi na bago yan? Ayos lang sayo?” Pagtatanong nya.


“Oo naman! Mukhang maganda naman ang istorya nyan e. Tara na..” Pagyaya ko.


Pumila kami sa ticket booth ng sinehan upang bumili ng ticket bumili na rin kami ng popcorn and drinks upang may makain kami sa loob ng sinehan habang nanunuod.


Pumasok na rin kami ng sinehan. Dahil napalabas na noon ang pelikulang ito ay wala ng masyadong tao ang nanonood sa sinehan. Sa aking palagay ay maibilang na lang ito sa aking mga kamay. Syempre kapag konti ang tao ay mas malamig ang temperature sa loob ng sinehan.


Nagsimula na ang palabas. Hindi ko naman akalain na inlove with bestfriend ang theme ng palabas na to. Kaya naman labis akong natatamaan sa bawat scenes ng pelikula. Si Kim Chui kasi ay inlove kay Gerald Anderson na bestfriend niya eversince. Dumating yung time na nagkaruon ng lovelife si Gerald at noong nakipagbreak ito ay nasaktan si Kim at siya ang laging nandyan upang damayan ang bestfriend niya na kaagapay nya. Pareho ng scenario namin noon noong sila pa ni Tristan kung saan sa labas ay tangap na tangap ko ang relasyon nila ni Tristan pero sa loob-loob ko ay ang sakit-sakit na ngunit dahil kaibigan ko siya ay tinangap ko ang relasyon nila.


Napansin kong tutok na tutok lang si bes sa movie. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya pero napapansin kong nakikiagos ito sa emosyon na nakapaloob sa pelikula.


Ang katotohanan pala ay walang ibang nararamdaman si Gerald kay Kim. Ngunit, nagawa niya ring mahalin si Kim noong umamin ito. Katulad sa nararamdaman ng bidang babae ay nararamdaman ko rin ang takot na baka hindi ako mahal ni bes tulad ng nararamdaman ni Gerald. Kaya heto, tinatago ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pinagkakasya ang sarili bilang isang kaibigan lang but my heart is always asking more from him.
Natapos ang pelikula at kumakain naman kami ni bes sa KFC. Chicken burger lang ang kinain namin dahil busog pa nga kami dahil sa kinain naming popcorn kanina.


Hindi namin namalayan na alas-8 na pala ng gabi kaya naman umalis na kami ng mall. Ngunit bigla ko namang naisipang tumambay muna sa plaza dahil maganda roon kapag ganitong oras dahil kakaunti lang ang mga tao na namamasyal, may mga makukulay na ilaw, pwedeng mag-picknik at pwedeng magmunimuni kung mag isa ka lang.


“Bes, daan muna tayo sa plaza?”


“Ano namang gagawin na’tin dun? Ang daming mga couples dun sa ganitong oras. Mao-O.P. lang tayo bes..”


“Wala lang, maaga pa kasi e. Wala namang pasok bukas e.”


“Oh siya sige na nga!” Pagsasangayon ni Colby.


So, pumunta nga kami ng plaza habang maaga pa. Kumain kami ng fishballs, at kung ano ano pang mga streetfoods na binebenta sa tabi-tabi. Hindi man namin sigurado kung malinis nga yung mga yun, but one thing is for sure. Masaya ako na kasama ko at napasaya ko si bes sa araw na to.


Pagkatapos namin kumain ng mga streetfoods ay umupo namin kami sa isang bench sa plaza. Kitang-kita sa ngiti ang saya ni bes. Ewan ko ba, pero yung matatamis niyang mga ngiti ang nakapagpakumpleto ng araw ko. Tumingin siya kalangitan. Napakaganda ng kalangitan sa mga oras na iyon. Walang mabibigat na mga ulap, nagkalat ang mga makikinang na bituin sa kalangitan, ang buwan na cresent ang hugis at ang taong pinakamamahal ko na katabi ko lang. Wala na ata akong hihilingan pa. Kung ako lang, ayoko nang umuwi pa o pauwiin si bes sa bahay nila. Ang gusto ko sana ay dito sa plaza na to kung saan kakaunti na lang ang mga tao, mapayapa, at kasama ang taong mahal ko.


Ngunit, simbilis naman ng kidlat ang pagkagising ko sa katotohanan na wala kaming relasyon ni bes, na hindi ko alam kung mutual ba ang nararamdaman namin. Kaya naman hindi ko maiwasang malungkot rin.


“Bes?” Pagtawag ko sa kanya habang tahimik kaming nakatingin sa kalangitan.


“Uhm?”


“Bes? I have a question?”


“What is it?”


“Uhm? Mahal mo pa ba si Tristan?” Natigilan ako at humugot ng isang malalim na buntong hininga. “Wh-what I mean is nakapag-moveon ka na ba sa break up niyo ni Tristan?”


“Why are you asking?”


“I’m just curious..”


Humugot ng isang malalim na buntong hininga si bes. Tumingin siya sa akin. Tinitigan niya ako. “Bes. Hindi ko na siya mahal. Tama na ang isang pagkakataon para matuto ako at matuto siya. At sa-saka..”Sabi niya na tila nahihiya.


“At saka ano?”


“At sa-ka.. Ahh.. Ma-dedepressed lang kasi ako kapag hindi ako nag-move on sa kanya. Siguro nga hindi kami para sa isa’t isa. Kaya okay lang sa akin. Tinangap ko na ng maluwag sa dibdib ko.” Pagpapaliwanag niya. Syempre, nakaramdam ako ng tuwa na hindi niya na nga mahal si Tristan, pero dapat ba akong matuwa kung hanggang kaibigan lang naman ang karapatan ko sa kanya?


“Ah ganun ba?” Ang nasagot ko na lang sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na ‘buti naman at wala na akong kalaban’ ngunit lagi naman akong inuunahan ng hiya.


Pagkatapos namin mapagusapan ang tungkol kay Tristan ay nagusap pa kami ng Colby at nagbanatan ng kung ano-anong mga pick-up lines. Oo, pauulit ulit na pero one thing to describe this day is just I’m glad.


Alas-10 na ng gabi noong maisipan naming umuwi ni bes. Nagpresinta na akong ihatid siya sa kanila dahil gabi na nga at delikado na magbyahe ng magisa ng ganung kagabi.


Hinatid ko si bes hanggang sa gate ng bahay nila. Magaalas-onse na ng gabi nang marating namin ang subdivision kung saan sila nakatira. Inaanyayahan pa nga ako ni bes na pumasok sa loob ng bahay nila kahit sandali lang ngunit tinangihan ko ito dahil nga gabi na masyado.


“Bye bes..”


“Bye din bes..”



Nakatagilid na ako at akmang tatalikod na sana nang maramdaman kong may papalapit sa aking mukha. Lumingon ako upang tignan kung ano yun ng biglang..




“Uhmmmppp” Naglapat ang mga labi namin ni bes pagkalingon na pagkalingon ko. Parehas kaming nanlaki ang mata at nagulat sa pagdampi ng aming mga labi!






-          I T U T U L O Y.






-Kamusta yung chapter na to guys? Bitin ba? Hihi. Comments, votes, feedbacks and reads are appreciated. Thanks guys! :* 

Sunday, July 28, 2013

Less Than Three- Part 11

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 11

(Give me a heart break)



[Alex’s POV]


Pagkatapos ng klase ko, nag check ako ng phone. 


Puro text ni Charlene. 


Tadtarin ba naman ako ng text ng babaeng ito.


“Best, nasa baba ako ng building hintayin kita.” Nagreply naman ako. 



"O tapos..." biro ko.


"Bilisan mo na lang bumaba."


"Ayoko nga."


"Bilisan na. nagiinarte pa eh."


“Sige na nga.”



Then nakita ko na may text si Kieth. 


“Tapos ng class ko. Punta na ako sa may cafeteria, hintayin kita.” Di naman ako nag reply. Haixt.


"Ano bang naisip niya at hinihintay niya ako sa cafeteria?" nautal ko na lang sa sarili ko.


Pagkababa ko ng building nakita ko agad si Charlene. 


“Ano ba yan ang tagal!”


“Maka reklamo ka wagas ah.” Sabi ko.


“Tara na uwi na tayo.” Yaya niya


“Wait lang, pupuntahan ko lang ang kamahalan.” Sabi ko.


“Anong update na sa inyo?”


"Wala.”


"Wala daw oh...."


"Wala nga. Wag kang mag expect."


“Share ka naman. Wag kang madamot. Did you?”


“Wag kang chismosa!”


“Oh my God! You did it?”


“Che.”


“Ayaw mong sumagot ibig sabihin may nangyari na?”


“Wala.”


“You kissed?”



Di ako sumagot. 



“Oh my God! Mahihimatay na ako!” sabi niya


"Gusto mo patain nalang kita?"


"Whatever."


“Gusto mo ng upak? Grabe makapag react.”


“Masarap ba?”


“Ewan.”


“Sumagot ka naman. Mambabalita lang ako.”


“Oo masarap!” sabi ko.


Napatigil siya at napatili. 


“Hoy loka ka!”


“Really? Di ka naman si AMALAYER diba?”


“Whatever.”


“Kwento ka pa.”


“tama na baka naghihintay na yung kamahalan.”


"Oo na nga. binibitin pa ako eh."


Papunta na kami sa cafeteria nang makita ko si RD. 


Nakangiti siya sa akin. “hello.” Sabi ko.


“Hi. Uwian mo na?”


“Yeah.”


“Sabay na tayo.”


“Papa RD!” biglang sigaw ni Charlene.


Ngumiti lang siya. 


Itong si Charlene talaga oo. 


“Naghihintay sa akin si Kieth.” Sabi ko.


“Sabay na tayo.” sagot niya


“Sure ka?”


“May sasabihin din naman ako kay Kieth eh.”


“Tungkol saan?”


“Kay Arjay.”


“Ah I see.”


Niyaya ko na siya. 


Sabi ko sa may cafeteria sila. 


Papunta na kami sa cafeteria noon nung makita ko si Kieth, hilahila si Ranz. 


Teka, bakit sila magkasama?


Magkakilala ba sila?


“Oh ayun pala si Kieth eh.” Sabi ni Charlene.


Agad naman tumakbo si RD at sinundan ko na lang siya. 


Nagulat naman ako nung makita siya na nagmamadaling tumakbo.


Ano kaya ang nangyayari? 


Parang may hindi ako alam dito ah.


Kakaiba ang expression ng mukha ni RD. 


Kinabahan ako bigla. 



Napadpad kami sa may fountain. 


Habang papalapit kami, nakarinig kami ng pag-uusap. 


Anong nangyayari dito? 


Bakit magkaaway si Ranz at si Kieth.


Nagsisigawan sila.


Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pinanggalingan ng mga boses niya.


Nang makarating na kami sa may fountain, nakita ko na magkahalikan si Ranz at si Kieth. 


Di ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko noon. 


Bakit parang sinibat ako ng kahoy sa may dibdib ko?


Natuon ang atensyon ko sa naghahalikang si Kieth at si Ranz.


Nakita ko na nabigla si Kieth noong makita ako.


Napaluha na lang ako nang masaksihan ko yung pangyayaring iyon. 


Hinawakan ako ni Charlene sa balikat. 


Inalalayan ako.


“Arjay!” ang nasabi na lamang ni RD.


“RD?” nakita kong gulat na expression ni Ranz.


“What the hell is happening?!” nagulat ako nung sumigaw si RD.


“Alex...” narinig ko na sabi ni Kieth.


Agad sumugod si RD kay Kieth at sinuntok ito. 


Nagbuno ang dalawa hanggang sa awatin namin. 


Galit na galit si RD kay Kieth. 


Di ko maintindihan kung bakit.


“Pwede bang tumigil kayo!!!”


Napatigil sila sa lakas ng boses ko. 


“Alex magpapaliwanag ako.” Sabi ni Kieth.


“Magkakilala kayo ni Kieth, Alex?” tanong ni Ranz


“Naguguluhan ako sa nangyayari? Ranz magkakilala kayo ni Kieth? RD bakit galit na galit ka kay Kieth?” tanong ko.


Walang umimik. 


“SUMAGOT KAYO!!!” sigaw ko.


“Alex... ang Ranz na kilala mo at si Arjay ay iisa....” 


Nang sinabi niya yun, para akong nabuhusan ng malamig na tubig at may bloke pa ng yelo.


“Ikaw Ranz at si Arjay ay iisa?”


“Arjay ang tawag nila sa akin... teka... anong kaugnayan mo kay Kieth?” naguguluhan na tanong din niya.



“Siya si Alex... boyfriend ko.” Sabi ni Kieth.


Nakita ko na napaluhod si Arjay. 


“Alex? Ba-bakit? Bakit ikaw pa?”


Nakita ko ang pagkakaluhod niya.


“Ex mo si Kieth?” garalgal na ang boses ko sa nangyayari.


Lumapit si Kieth sa akin. 


Niyakap niya ako pero tinulak ko siya. 


Naiilang ako sa nangyayari. 


Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.


“Please hear me out.. makinig ka sa paliwanag ko…”


“Hindi mo kailangan magsorry.”


“Please...”


“Tumayo ka jan...”


“Alex.”


“SABI KO TUMAYO KA JAN!”


Tumayo siya at parang batang sumunod sa magulang. 


“You love each other na naman diba?” sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.


“Mali yang iniisip mo… Tek…”


 “Iwan ko na kayo.. hinihintay na pala ako ni mama.. gueh...” iniwan ko sila.


Hindi ko ata kayang makita silang magkasama.


Hindi ko kayang makita yung taong mahal ng mahal ko.


Hinila ko si Charlene palayo. 


Di ko kaya ang sakit. 


Nagmahal lang ulit ako pero nasaktan ako.


Wala akong karapatan na masaktan. 


I’m such a loser afterall.


Wala akong karapatang magalit, sa una pa lang alam ko na ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. 


Pero ang sakit, ang sakit-sakit.


Di ko namalayan na naabutan ako ni Kieth. 


Hinawakan niya ako sa kamay na siyang dahilan ng pagkahulog ng aking salamin. 


Napatulo na ang luha sa aking mga mata at napaluhod ako.


“Mali ang nakita mo, mali ang iniisip mo.” Sabi ni Kieth.


“Kieth... please... hayaan mo muna si best.” Sabi ni Charlene.


“Please give us a moment.” Sabi ni Kieth.


“Umalis ka na.” Sabi ko.


“Please...”


“Diba eto ang gusto mo? Yung magkabalikan kayo? Ayan tapos na mission ko kaya kakalas na ako. Makikipag break na ako sayo.”


“Alex please... wag...” niyakap niya ako.


“Ay mali pala... wala nga palang tayo... walang Alex at Kieth...” inilayo ko siya sa akin.


“Wag kang magsalita ng ganyan.” Nakita ko na umiiyak siya.


“Malaya ka na diba?.. pwede ng maging kayo!”


“MAHAL KITA!” narindi ako sa sinabi niya pero may nakapa naman ako sa aking puso.


“Oo mahal kita Alex, mahal na mahal kita!”


“Sinungaling!” sabi ko.


“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?”


"Kieth panget ako... nakikita mo ba ako?"


"Hindi itsura ang minahal ko sayo.. yung kalooban mo!"


"Wag an tayong maglokohan..."


"Hindi kita niloloko."


“Kaya mo ba ako pinapunta sa cafeteria para makita yun?”


“huh?”


“Nag text ka sa akin sabi mo hihintayin kita sa cafeteria.”


Napamaang siya. 



“Akala ko.... akala ko si Arjay.”


“Shit! Bakit ba kasi di pa nawala tong sim na to. Nang dahil dito nagkandaletse-leche ang buhay ko!” sabi ko.


“Sorry.. di ko naman sinasadya.”


“Please iwanan mo na ako.. wag ka ng magpakita sa akin.. naasaktan lang ako.. please...”


“Nasasaktan ka? Ibig sabihin...”


“Wala pala akong karapatang masaktan. Sorry.”


“Mahal kita... ayaw kong mawala ka sa akin...”


“Si Arjay ang mahal mo at hindi ako....”


“Ikaw ang dinidikta ng puso ko kaya makinig ka!”


“Ako na ang angsasabi sayo..di makakabuti ang lahat ng ito!”


“Mahal kita! Alam ko nakita mo kami ni Arjay na…”


“Na naghahalikan? Hindi mo ako kilala kaya hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo!”


“Wala akong pakialam kung ano ka pa.”


“Pareho tayong may nakaraan na nakasabit sa atin... kaya di pa pwede... di tayo pwede at kahit kailan hindi magiging tayo... mahal mo si Arjay at yun ang pagtuunan mo ng pansin.”


Tumayo ako at hinila si Charlene. 


Nagmadali kaming umalis at iniwan si kieth na nakaluhod sa may daaanan. 


Maraming tao ang nakakita sa nangyari. 


Di ko mawari kung ano ang dapat kong gawin, ang alam ko, dapat lamang akong tumakbo.











 Lumayo...





[Arjay’s POV]


Nakita kong hinabol ni Kieth si Alex. 


Nasaktan ang puso ko sa nangyari. 


Dalawa sa minamahal kong tao ang nawala sa akin. 


Hindi ko aakalain na si Alex ang boyfriend ni Kieth.


Nagkatitigan kami ni RD. 


Di siya umiimik kaya ako na ang nagsalita. 


“bakit di mo sinabi?”


“Ang alin?”


"Bakit di mo sinabing si Alex ang boyfriend ni Kieth?”


“Dahil hindi ka naman nagtanong.”


“Kahit na!”


“Bakit anong gagawin mo ha?”


“Babawiin ko si Kieth.”


“Nababaliw ka na.”


“Wag mo akong pakialaman!”


“Alam mong hindi pwede yang iniisip mo dahil mahal...”


“Mahal ni kieth si Alex? Yan ba gutso mong ipamukha sa akin?!”


“OO!”


“Mahal niya ako!”


“Pero bakit iniwan ka niya ngayon?”


“Babalik siya. Nagbalikan na kami ngayon!”


“Niloloko ka lang niya!”


Sinampal ko siya. 


Napatigil ako sa ginawa ko. “Sorry.” Ang tangi kong nasabi.


“Aalis na ako...”


Tumalikod siya pero niyakap ko siya.


 “Ang sakit... ang sakit-sakit...”


“Talagang ganyan, mahal mo siya eh.. kaso hindi tama eh...”


“Makikipag break na ako sayo..” 


“Paano yung kasunduan natin?”


“Sorry...”


“Paano papa mo?”


“Ipaglalaban ko ito...”


“Hindi na nga tama to!”


“Wag kang makialam dahil buhay ko ito at hindi ka kasali sa buhay ko!” 


Napatigil ako sa sinabi ko. 


Ang tanga ko talaga, haixt.


“Sabagay, wala lang naman ako sayo eh...”


“Sorry. Di ko sinasadya...”


“No.. you just tell the truth...”


“Nabigla lang ako...”


“Sa una pa lang alam kong hindi ka na magkakagusto sa akin dahil si Kieth ang gusto mo. Alam kong panakip butas lang ako at naipit ka lang sa kasunduan natin. Masydo lang talaga akong assuming kaya ganun ang nangyari.”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Ikaw ang ikalawang lalaki na minahal ko...” sabi niya


Di ako makapag salita. 


Speechless ako sa nangyari. 


Mayamaya naramdaman ko na umalis na siya. 


Naiwan ako doon mag-isa. 


Napatulala ako ng bahagya.


Alas singko na ng mapagpasyahan kong umuwi ng bahay. 


Nagbyahe na ako. 


Wala pa rin ako sa sariling tinahak ang aming bahay mula sa kalayuan. 


Di ko pa rin maintindihan ang nangyayari.


Si Alex ay ang boyfriend ni Kieth. 


Mahal ni Kieth si Alex. 


Tapos mahal ako ni RD. 


Ako daw ang ikalawang lalaking minahal niya.


Pagkauwi ko ng bahay, agad akong sinalubong ni papa. 


Masama ang tingin sa akin. Haixt.


 Ano na naman kaya ang nangyari?


“Bakit ngayon ka lang?”


“May inasikaso lamang po?”


“Anong nangyari sa inyo ni RD?”


“Po?” siguro sinabi na niya yung nangyari. Haixt. 


Nalungkot ako bigla.


“Nakikipagkalas siya sa ksaunduan ninyo.”


Nagulat ako. 


Bakit siya pa ang nakikipagkalas? 


Ako ang dapat nagsasabi ng ganun. 


“Ano daw sabi niya?”


“Walang sinabi eh. Pero.”


“Pa ayoko na.” Sabi ko.


“Ano?”


“Mahal ko si Kieth.”


“Tigilan mo na nga yan!”


“Pa naman...”


“Itutuloy na natin itong kasunduan ninyo!”


“Pa... naiintindihan ninyo ba ang sitwasyon?! Nakulong kami ni RD sa mga pagkakasundo ninyo! Iba ang mahal ko at iba naman... iba ang mahal niya...”


“Anak naman...”


“Pa... isa na lang ang hinihingi ko sa inyo... ang pagbigyan kami ni Kieth.”


“Alam mo namang kaaway ko ang papa niya at...”


“Pa... matatanda na kayo para sa mga away-away na iyan!”


“Hindi!”


“Pa... ayoko na.. hindi ako magpapakasal!”


“Sa ayaw mo at sa hindi, itutuloy natin ang engagement ninyo!”


Agad akong tumakbo sa kwarto ko. 


Nakakainis, walang-wala akong magawa. 


Nakatali na ang buhay ko sa mga desisyon niya. 


Nasasaktan na nga ako eh. 


Sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari!


Feeling ko wala a akong kalayaan sa mga nangyayari. 


Ayoko na! 










Sawang-sawa na ako.


[Alex’s POV]


Walang sawang tumulo ang luha ko pagdating namin ng bahay. 


Si Charlene inalo lang ako. 


Ang sakit kasi ng nararamdaman ko eh. 


Napakasakit. 



Sobrang nasasaktan ako sa nangyari.


Nahulog na talaga ako sa lalaking yun. 


Blake anong gagawin ko? 



Nagmahal lang naman ako pero wala rin palang nangyari. 


Di na pala ako dapat umasa na magiging kami sa bandang huli.


Isang kasunduan lang ang nangyari. 


Pero ano yung mga pinagsasabi niya kanina? 


Mahal daw niya ako. 


Anong ibig sabihin nun? 


Totoo ba iyon o isang taktika lamang niya?


“Best tahan na.” Sabi ni Charlene.


“Masakit...”


“Di ko alam gagawin ko...”


Niyakap ko lang siya ng mahigpit at iinuhos ang lahat ng sama ng loob. 


Okay an ako na magkaroon ng taong masasandalan sa nangyayaring ito.


“Naku lagot ako nito kay Papa Blake kasi hinahayaan kitang umiyak ng umiyak.”


“Bakit kasi...”


“O tama na...”


“Kasalanan to ng sim card na to eh...”


“Naku sinisi pa ang sim card.”


“Mahal daw niya ako..” sumilay ang ngiti sa bibig ko.


“Sus.. biglang ganun. Baliw ka na talaga.”


“Hay buhay.”


“Sus. Kanina iiyak iyak tapos ngayon ngingiti.”


“Pero di ako makapaniwala na si Ranz at si arjay ay iisa.”


“Sino bang Ranz yan?”


“Siya yung partner ko sa paper... yung naging kaibigan ko... close friend to be exactly...”


“Mahirap nga yan. Kitang kita ko na gulat na gulat din siya.”


“Alam ko wala akong karapatang magalit... pero bakit ganun? Nakita ko silang naghaha...”


“Haixt. Ewan ko ba. Siguro pinilit ni Arjay si kieth.”


“Wag natin i-judge yung tao.”


“Bakit kasi sobrang  bait mo?”


“Bakit naman?”


“Mantakin mo kaagaw mo na si Arjay ay ipinagtatanggol mo pa rin siya?”


“Para kasing kapatid na ang turing ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya.”


“Haixt. Ang bait mo... buti best friend kita.”


“Tss... inaabuso mo na nga eh.”


“Di ah... oh okay ka na?”


“Maybe...”


“Ang arte ha... pa maybe maybe pa.”


“Sige na umalis ka na!”


“makapag taboy wagas.”


“Thank you.”


“Your very welcome.. andito lang ako for you.”


“Kaya pag may kailangan ako maghanda ka na.”


“Anything wag lang tungkol sa money.”


“Hahah. Ewan. Sige lakad na. Baka mapagalitan ka pa ng tatay mo.”


“Naku ikaw ang idadahilan ko. Sasabihin ko na hinaras mo ako.”


“Tss. Kapal mo.”


“Bet na bet ka kaya ni daddy.Kaw na lang daw gagawin niyang asawa ko.”


“Hahaha. Adik. Lakad na.”


“Gueh na. Bye...”


Naiwan naman ako na nag-iisa. 


Maya-maya tadtad na ako ng text galing kay Kieth. 


Tumatawag na rin siya pero di ko sinasagot. 


Ayoko munang kausapin siya.


Kailangan ko ng time para magsink in lahat ng nangyari. 


Gusto ko muna ng break. Hay buhay.


Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. 


Ano ba yan ang aga-aga pa? 


Si mama yung kumakatok.


“Ma masira pinto!” sigaw ko.


“Aba gising na prinsipe.”


“Tss. Oo na po.”


“Sige na at malalate ka na...”


“Opo...”


Agad akong nag-ayos ng sarili ko. 


Kahit na nilalamig pa rin hanggang ngayon ay pinilit kong maligo. 


Nakakahiya kaya na papasok ako ng hindi naliligo. 


Nagbihis ako ng presentable. 


Ayokong magmukhang kawawa. 


Tinanggal ko lahat ng nkadikit sa aking mukha. 


Itinira ko na lang ang pang nerd na salamin at konting gilagid sa bibig.


Bumaba na ako matapos ang 30 minuto na pag-aayos. 


Nakahanda na ang pagkain at amoy na amoy ko ang sarap nito.


“The best talaga kayo ma...” sabi ko.


“Wushu bola...”


“Aysus... gusto naman.” Sabi ko.


“Teka.. bakit pugto ang mata mo ha?”


“Ha? Talaga ma? Baka nakagat ng ipis?” nag arte ako na hindi ko alam at agad humarap sa salamin.


“Naku ang anak ko... pwede ka ng mag artista.”


“Ansabe?”


“Wag mo na akong lokohing bata ka. Matanda na nga ako pero hindi ako uto-uto.”


“Sinong nagsabing uto-uto ang mama ko?”


“Aysus. Bakit ka umiyak?”


“Wala po ito...”


“Huling beses kong nakita kang umiyak ng ganyan ay noong...”


“Ma.. okay lang po ako...”


“anak.. nag-away ba kayo ni Kieth?”


“Sino yun ma?” pang dedma ko.


“Ay... alam na...”


“Ma wag mo nang banggitin po pangalan ng gunggong na yun.”


“Oh ano pinag-awayan ninyo?”


“Wala naman ma...”


“Isa...”


“Napaka self-centered kasi...”


“Yun ba talaga?”


“Ayaw maniwala.”


“Di ako naniniwala. Ina mo ako kaya alam ko kung nagsisinungaling ka. Bawat utot at hininga mo alam ko...”


“Ate V ikaw ba yan?”


“Pwede na ba anak? Hahaha.”


"Oo ma."


"Perfect."


“Ma kasi... alam mo na... nakita ko kasi sila ni Ranz... este si Arjay.”


“Si Ranz at si Arjay iisa?”


“Opo.” 


Nakita ko sa mata ni mama ang kaguluhan sa kanyang pag-iisip.


“Ma... mahal pa ata nung mokong na yun si Arjay.”


“At nagselos ka?”


“Excuse me ma. Ako magseselos? Mukha niya. Sa gwapo kong ito?”


“Sus. Halatang nagseselos ka.”


“Ma alam kong hindi ako magseselos. Pakialam ko ba sa kanilang dalawa. Magsama silang dalawa!”


“Oh lumalaki butas ng ilong. Padeny-deny pa kasi eh.”


“Ma... may Blake na ako at saka...”


“Anak.. move on.. wala na sa iyo si Blake.”


“Alam ko naman ma eh.. di ko lang maiwasan... basta ma... hindi kami pwede ni Kieth.”


“So nag assume ka na maging kayo?”


“Somehow... kahit na panget itsura ko... Gwapo niya, mabait kung minsan, once in a blue moon nga eh, maalaga kahit masungit, sweet kahit palasigaw. Haixt.”


“Mahal mo ba siya?”


“Gusto ko siya... at nalilito ako kung mahal ko ba siya.”


“Hay nakong bata ka. Kung ako sayo aminin mo na. Ganyan na ganyan ka din kay Blake noon eh. Kala mo kung sinong pa-virgin na babae”


“Ma naman. Kumplikado ang lahat. At isa pa, ayoko na.”


“Ano susuko ka na agad?”


“Si kuya pala?”


“Wag mong ibahin ang usapan.”


“Ma kasi alam mo naman kung gaano ko kamahal si Blake kaya nung nawala siya ay sobrang sakit. Hindi kami pwede kasi di pa niya ako kilala, yung tunay na ako. Ayokong lokohin siya.”


“Anak kung ako sayo ay umaamin ka na sakanya.”


“Paano ma? Wala na... wala ng kami kasi...”


“Lagi ka na lang ganyan...” 


Nagulat ako ng may marinig akong boses mula sa aking likuran.


Napatayo ako at natigilan. 


Hindi ko mailingon ang sarili ko sa kanya. 


Shit! 



Narinig ba niya lahat ng sinabi ko?





“Kung mahal mo ako, ipaglaban mo.”






Di ako makapag salita. 


Nakita ko na napangiti si mama. 


Mukhang napagkaisahan ako dito ah? 


Grabe. 


Kinakabahan na ako. 


Anong gagawin ko? 



Bakit nandito si Kieth sa bahay ko?

(Itutuloy)