Wednesday, July 17, 2013

Less Than Three- Part 8

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 8

(Pag-amin)




[Alex’s POV]


Heto ako at papunta sa usapan namin ni RD. 


No choice eh, kinulit niya ako sa chat namin. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa hindi ako pumapayag.


Sa may tapat daw ng park kami magkita. Medyo malapit na rin naman akong makarating doon eh.


Ilang minuto na lang at malapit na ako nang magtext si Kieth sa akin.


“San ka?” tanong niya


“Papuntang park?”


“Anong gagawin mo?” tanong niya


“Gagala lang.” Sabi ko.


“Ah okay. Sama ako.” Sabi niya


“Wag na. Jan ka na lang sa bahay ninyo. Baka mabad trip pa ako sa kaasar mo.”


"Siguro makikipag date ka no?"


bigla naman akong nasamid. Takte tong lalaking ito. Pinapasundan ba niya ako?


"Hoy ang kapal mo namang maghinala."


"Eh ayaw mo magpasama eh."


"Nakakairita mukha mo. jan ka na lang."


"Sama na ako."


"Miss mo ako no?" biro ko.


“Sus. Joke lang, di ako makakasama, may inaasikaso ako eh. Ingat ka panget.” Sabi niya


“Gueh lang kurimaw.”


"Pagwapo ko. kaurat mukha mo."


"Kanya-kanyang trip lang yan."


at ibinaba niya yung tawag. Kinakausap pa eh, napakabastos kahit kailan ng lalaking yun eh.



After nun, nakita ko na si RD, mukhang kanina pa siyang nag hihintay. 


“Sorry late ako.” Sabi ko.


“Hindi naman, sadyang napaaga lang ako.” Sabi niya.


"Sorry talaga... medyo may nangyari kasi eh..."


"Ano yun?"


"Ah eh wala naman...."


"Weird..."


"Sigurado ka bang okay lang to?"


"Alam mo wala naman tayong ginagawang masama eh."


"Sabagay..."


"Don't Worry."


“Saan tayo?”


“Ako na bahala. Sakay na.” Sabi niya sa akin.


Sumakay ako at hinayaan lang na dalhin kung saan man. “Bakit hindi ka nagtext?” tanong niya


“Ah wala, nakalimutan ko nga eh.” Sabi ko.


“Kaya pala.”


“Yup... sorry.”


“Okay lang.”


“Ano pala ang naisipan mo at inilabas mo ako?”


“Gusto ko lang kasi na makilala ka?”


“For what?”


“Para sa boyfriend ko.” Sabi niya


“Ah kaya pala. So spy ka?”


“No agent.”


“Ah okay.”


“Joke lang. Masyado kang seryoso, gusto lang kitang makilala. Para naman makahanap ako ng sagot kung paano mo nabingwit si Kieth.”


“Grabe talaga kayo. Naku.”


"Bakit?"


"Alam kong panget ako kaya wag na ninyong pagdudkdukan."


"No... hindi sa itsura natingin si Kieth..."


"Ewan din."


“Hahahah.”


Sa may isang pasyalan kung saan pinuntahan namin dati ni Kieth kami pumunta. 



“It’s nice to be back here.” sabi ko.


“So nadala ka na pala niya dito.”


“Yup.”


“So did you kiss?” tanong niya


“Ha?”

“Dito kasi nagaganap yung first kiss ng karamihan ng tao. Dito nga naganap yung first kiss ni Kieth at ni Arjay.”


“Ah ganun ba, kaya pala so memorable sa kanya.” Hay naku, kaya naman pala ako dinala dito dati. Tsss.


Kunga alm ko lang na dinala niya ako dito para ipamukha yung kasweetan nang boyfriend niya at ni kurimaw di na sana ako sumama. Oh come on... ayoko na ng drama.



“Di kaba nagseselos?” tanong niya


“Naah.... eh ikaw, kanina ka pa dada jan ng dada, di ka ba nagseslos?”


“Ewan. Hahaha.”


“Ang weird ng sagot mo.”


“Tell me about your past.”


“Hay naku wag na, madrama ung past ko.”


“Dali na.”


“Wag na, at isa pa ayaw kong pagusapan yun.”


“ANG KJ!” sabi niya


"Ikaw na lang magkwento..."


"Wala naman akong past eh..."


"Wow... mabait.. akala ko chick boy ka..."


"Solid to."


"Okay..." at di siya umimik.


“Bakit mo ba sinulot si Arjay?” tanong ko.


“Wala lang trip lang.”  Tinitigan ko ang kanyang mga mata at nagsasabi ito ng kasinungalingan.


“Nagsisisnungaling ka eh.” Sabi ko.


“Ha?”


“Kitang kita ko jan sa mata mo.”


“Weh di nga?”


“Yup. Sa mata mo makikita ang katotohanan.”


“Wierd mo.”


“Mas wierd ka. Hindi kaya may galit ka kay Kieth kaya ginagantihan mo siya... o kaya may umiipit sayo an kung anu-ano?”


“Hay naku, wag ka nga mag-isip ng kung anu-ano.”


“Wushu, nag dedeny ka pa.”


“Alam mo ang wierd mo kahit kailan. Pero nakakatuwa kang kasama.” Sabi niya


“Tara nga at umupo tayo, pagod na akong tumayo eh.” Sabi ko.


Pagkaupo namin bigla siyang nagkwento. 


“Magkababata kaming apat nila Kieth, Jake at Arjay. Pinaka close sa lahat si Arjay at Kieth kaya hindi nakakapagtaka na si Arjay at Kieth ang nagkatuluyan.” Sabi niya


“Ano ba si Kieth sa inyo?”


“Mabait yun, maalalahanin, lahat ng bgay ginagawa niya para sa isang tao, kapag interesado siya gagawin niya ang lahat para makuha yun, hindi siya takot masaktan, lahat kinakaya niya. Malakas din siya, talo ako sa bugbugan namin dati. Pero ang pinaka nakakabilib sa kanya ay nagagawa niyang pasayahin ang isang tao sa simpleng pamamaraan. Hindi kasi siyang yung tipong lantaran na nagpapakita ng emotion, pasimple pa siya. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming tao ang nagkakagusto sa kanya.”


Naku, sana naman ay ganun siya sa akin. Daig pa niya ang itapon ako sa kanal kapag nagkikita kami. Parang gusto na niya akong isuka dahil sa mga panlalait niya sa akin. Sana naman magpakita siya ng konting kabaitan. Hahaha.


“Ah... so mabuting tao pala siya... I wonder.”


“Sinusungitan ka niya diba? Ganyan din sila ni Arjay dati, away bati, pero masaya silang panoorin.”


Okay sige sila na naman ang bida. Tsss. 


“Bakit bigla kang napasimangot jan?” sabi niya


“Ha? Ako nakasimangot? Hindi ah.”


“Nagseselos ka no?”


“Ako magseselos? Never. Bakit ako magseselos? Naku, ako pa.”


“Sus. Wag kang defensive.”


“di ako defensive, sinasasabi ko lang yung totoo...”


“Ayan o defensive ka.”


“He.”


“Tsss.”


Nakita kong pumikit siya ng panadalian. 


“Alam mo ba kung bakit tayo pumipikit tuwing nanaginip tayo? Kapag umiiyak tayo? O kaya kapag nag i-imagine tayo?”


“Bakit?” tanong niya


“Kasi, ang pinakamagandang bagay sa mundo ay hindi nakikita.”


Nakita ko na ngumiti siya. 


“Interesting.” Sabi niya


“Tama naman diba?”


“Yeah. Like what they say, beauty comes in and out, but true beauty comes with in...”


Nagmulat siya at tumitig sa akin. Anong meron? 


“Try nga nating tanggalin yung salamin mo...” sabi niya


“Ah eh... wag...”


Nahawakan niya ang kamay ko. 


“Tatanggalin lang natin...”



“Wag....”


“Try lang naman natin eh.. please...” 


His voice, parang dati ko pa siya kilala na hindi ko maintindihan. 


Nagka amnesia ba ako nung bata ako kaya ako ganito at walang maalala?


Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan lang na tanggalin niya yung salamin ko. 


Naramdaman ko na unti-unting dumudulas ang nasa bibig ko kaya isinara ko ito.


“Bakit ka napakagat labi?” tanong niya


Nilakihan ko lang siya ng mata. 


Nakatitig siya sa akin, hinawi niya yung buhok ko at unti-unti sa di sinasadyang pagkakataon, napaubo ako kaya nahulog yung nakalagay sa bibig ko. 


Agad akong natakip ng aking bibig.


“Teka...” napatayo siya bigla.


Agad kong isinuot yung salamin ko pero hindi ko na maisuot yung panlagay ko sa gilagid ko. 


“Wag mong sabihinh iyan ang tunay mong itsura?” nakita ko pagkagulat niya


“Please... wala sanang makakaalam....” sabi ko.


“Pero... hindi ako makapaniwala... si Kian Santos at si Alex ay iisa....?!” tila namalikmata siya sa itsura niya


“Magpapaliwanag ako...” sabi ko.


Napaupo na lang siya habang nakatingin sa malayo. Mahabang paliwanagan ang mangyayaring ito.


[Kieth’s POV]


Katatapos lang ng inaasikaso ko at nagdesisyon ako na pumunta sa paboritong lugar namin ni Arjay. 


Isasama ko sana si Negaphone kaso may lakad siya.


Nasaan kaya yun?


NMiss ko din kakulitan niya eh.


Namiss?


Yung kakulitan for the correction..



Naglalakad-lakad ako ng makita ko si Kian, may kasama itong lalaki pero parang may kaguluhan. 


Lumapit agad ako at nagulat ako sa nakita ko, si RD.



“Anong ginagawa ninyo dito?!” tanong ko.


“Kieth...” gulat na sabi ni Kian.


Nakita ko na hawak ni RD yung kamay ni Kian kaya tinitigan ko siya ng masama. 


“Pinagtataksilan mo si Arjay?”


“ha?!”


“Kitang-kita ko oh. Walang hiya ka!”


“Teka nagkakamali ka...” sabi ni Kian.


“Wag ninyo akong lokohin.” Agad kong sinugod si RD.


Sinuntok ko siya at sinuntok niya rin ako. 


Agad kaming inawat ni Kian pero sa di sinasadyang pagkakataon ay naitulak ko siya kaya napasubsob siya.


Pupuntahan ko siya sana pero sinugod ako ni RD at sinuntok. 


Nakita kong lumapit siya kay Kian at tinulungan siya. 


Nakita ko ang gasgas sa braso ni Kian. 


Lalapitan ko siya sana pero pnigilan ako ni RD.


“Kieth please wag kang lalapit...” sabi ni RD.


“RD... Kieth... please...” sabi ni Kian.


“May relasyon kayo?!” tanong ko.


“For God sake, ano ka ba? Kami ni Arjay diba?”


“Pero hindi ako bulag pre...”


“Wag ka ngang OA jan sa pagseselos mo?”


“Pagseselos?”


“Alam ko naman na pinagseselosan mo ako kay A...”


“Kanino?”


“Kay Arjay.”


“Oo. Kasi mangaagaw ka, pero ngayon nalaman ko na manloloko ka!” iniwan ko sila doon. 


Pero bakit ganun na lang yung sakit na naramdaman ko nung makita ko si Kian sa ganung kalagayan.


Dumeretso agad ako sa bahay nila Arjay. 


Kailangan malaman niya lahat-lahat. 


“Arjay!!!” sigaw ko.


“Sir.. wag po kayong mag eskandalo dito.. please po...”


“Wala akong pakialam. Ilabas ninyo si Arjay!”


“Sir... mapapagalitan ako nito eh.. please po...” sabi ng kasambahay nila.


“ARJAY!!! LUMABAS KA JAN! MAY KAILANGAN KANG MALAMAN!” sabi ko.


“Ano ba naman to Kieth?!” narinig ko na sigaw ni Arjay.


“Sir, bawal po kayong...”


“Okay na... pasok ka na.. ako na ang bahala dito...” sagot nito.


“Arjay makinig ka sa sasabihin ko...” sabi ko.


“Pwede ba na tumigil ka na? Pagod na pagod na sa mga dinadala mo sa kin...”


“Pero makinig ka...”


“Tumig....”


“NILOLOKO KA NI RD!!!”


“Ha?” nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.


“Kitang-kita ko siya kanina, may kasama siya. Niloloko ka lang niya!”


“Di yan magagawa ni RD!”


“Sa nagawa na niya eh. Wag ka ngang maging tanga.”


“Sinisiraan mo lang siya...”


“Alam mong hindi ako ganun kadesperado para gawin yun...”


“Alam ko magagawa mo yan kasi....”


“Kasi ano?! Sige magsalita ka... kasi iniwan mo ako? Kasi ipinagpalit mo ako? Kasi manloloko kayo at pinaikot ninyo ako?!” galit na sabi ko.


“Oo. Yun na nga...”


“Akala ko ba mahal mo ako? … akala ko ba tayong dalawa hanggang sa huli? Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang rejection na ito...”


“Umalis ka na... please masasaktan ka lang...” nakita ko siyang lumuluha.


Lumuhod ako sa kanya at niyakap ang mga binti niya. 



“Please.... bumalik ka na sa akin...”


“Kieth tumayo ka...”


“Kung ayaw mo ako nandito... kahit sabihin mo lang kung bakit ka nakipag hiwalay...”


“Kieth.... kasi.... pero.... umalis ka na...”


“Ano? Kasi ano? Please, nahihirapan na ako...”


“Kasi kasalanan ito ng magaling mong ama!” nakarinig kami pareho ng boses mula sa likuran namin. Si tito pala.


“Ano pong ibig ninyong sabihin?” napatayo ako.


“Pa... please...” sabi ni Arjay.


“Pasok sa loob...”


“Pa...”


“PUMASOK KA SA LOOB!” walang nagawa si Arjay kundi ang sumunod. 


Hinarap ko si tito, naguguluhan ako sa nangyayari.


“Kasalanan ito ng magaling mong ama. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kayo paghihiwalayin ng anak ko. Manloloko siya at sakim. Wala siyang considerasyon sa negosyo!” giit nito.


“Ang lahat ng ito dahil lang sa negosyo?”


“Wag na wag mong ma ‘la-lang’ ang negosyo, tandaan mo wala ka diyan kung wala ito.”


“ANG SASAMA NINYO! IDINAMAY PA NINYO KAMING DALAWA! WALA KAYONG KWENTANG MAGULANG!” bigla niya akong sinuntok.


“Umalis ka na dito bago pa ako magpatawag ng pulis!” sabi nito.


Pumasok ito sa loob ng bahay nila at iniwan akong nag-iisa. 


Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. 


Kailangan magkaliwanagan kami ni papa.

Agad akong umuwi sa amin at hinagilap ko si papa. 


Kailangan kong sabihin lahat ng nalaman ko. 


Hindi ako papayag na hindi matatapos ang araw na ito na walang kaliwanagan ang lahat.


“Pa!” sigaw ko.


Agad akong sinalubong ni mama na nagtataka. 


“Anak bakit?”


“Nasaan po si papa? Kailangan po naming mag-usap.”


“Nasa taas siya eh, marami siyang kailangan tapusin.”


Nagmadali akong umakyat pero piigilan ako ni mama. Hindi ako nagpapapigil hanggang sa magpakita sa akin si papa. 


“Anong meron? Bakit kailangan ka pang sumigaw?”


“Bakit hindi ninyo sinabi?”


“Ang alin?”


“ANG TUNGKOL SA AWAY NINYO NG PAPA NI ARJAY!” nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. “Ano pa? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Alam ba ninyo na dahil doon nagkahiwalay kami ni Arjay? Nang dahil doon etong puso ko wasak na wasak!”


“Anak... away namin yun eh. Hindi ko alam na madadamay kayo at hindi ko sinasadyang madamay kayo.”


“Pero pa.... hindi na ba ninyo maayos yan?”


“Anak...”


“Pa... please.. nagmamakaawa ako.... mahal ko si Arjay...”


“Anak, kayo na ni Alex diba?”


“Pa... kasi...”


“Pinapaasa mo yung tao?”


“Pa mahabang storya pero pa.... please...”


“Anong klaseng sagot yan?!”


“Desperado na ako!”


“Hindi kita pinalaki ng ganyan para may gamitin kang tao! Hindi tayo manloloko anak. Hindi tayo yun.. sila lang yun!”


“Buhay ko ito pa!”


“Pero buhay din ni Alex ang ginagamit mo! Hindi mo ba naisisip na abka umaaasa si Alex?”


“May kasunduan kami!”


“Pero hindi mo ba naiisip nab aka nasasaktan siya? na baka nahihirapan din siya? Hindi mo alam ang nararamdaman niya. Hindi mo ba siyang tiananong kung okay lang ba sa kanya? hindi mo ba tinanong kung asasaktan ba siya?”



Natigilan ako ng bahagya. Tama si papa, tama lamang siya. 


“Makipaghiwalay ka kay Alex.” Sabi nito


Di ako sumagot.


“Anak... kahit na magkabati kami ng papa ni Arjay, wala na ring mangyayari..”


“Bakit pa? Pwede pa kaming magkatuluyan.”


“Anak, ipinagkasundo ng mga papa nila RD at Arjay silang dalawa. Ikakasal sila para sa business nila.”


Parang pinasabugan pa ako ng bomba sa narinig ko. 


Ang sakit, sobrang sakit. 


Bakit ganun? 


Bakit kailangan humantong ang lahat sa ganun. 


Napaluhod na lang ako sa narinig ko at natulala sa nangyari.


[Alex’s POV]


“Nasaktan ka ba?” tanong ni RD.


“Ayos lang ako..” sabi ko.


Itinayo niya ako at nakatitig siya sa akin. 


Ngayong alam na niya ang lahat, wala na akong magagawa.


“Hindi ako makapaniwala....” sabi niya


“Ipangako mo sa akin na walang makakalabas nito.”


“Hindi ko maintidnihan kung bakit? Bakit pa?”


“Mahabang storya pero ang mahalaga ay si Kieth...”


“Sigurado akong dederetso siya kila Arjay.”


“Anong gagawin natin?”


“Hindi maniniwala si Arjay...”


“Pero sigurado akong ipagpipilitan ni Kieth lahat ng nakita niya.”


“Nag-aalala ako kay Kieth, baka anong mangyari sa kanya.”


“Magiging oakay ang lahat....”


“Mauuna na ako..” ang sabi ko.


“Ihahatid na kita...”


“Wag na..”


“Hindi ihahatid kita...”


Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. 


Buong oras ng byahe ay si Kieth lang ang nasa isip ko. 


Masyado nang nasasaktan si Kieth, alam kong nahihirapan siya sa mga nangyayari sa kanya.


“Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni RD pagkadating namin sa bahay.


“Sapat lang.. sige ingat. Puntahan mo na si Arjay.” Sabi ko.


“Sige...”


Agad kong tinawagan si Kieth pero hindi nito sinasagot ang cellphone niya. 


Kinakabahan na ako sa nangyayari.


“Kieth naman please sagutin mo na....” kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi.


“The number you have dial is unattented or out of coverage area, please try again later.”


Ilang text na rin ang ginawa ko pero wala pa rin eh. 


Bakit ba hindi ako mapakali? 


Hindi naman totoo kami ah. 


Pero bakit ganito ako maka react?


Ilang beses kong itinanggi yung nararamdaman ko pero talagang hindi ko maiwasan ang mag-alala. 


Blake, ano ba tong nararadaman ko? 


Tama pa ba tong nararamdaman ko?

Niyakap ko yung unan ko at hinintay ko yung text ni Kieth o kaya tawag. 


Pero wala. 


Lumipas ang isa, dalawa, lima at anim na oras na walang tawag o text.


Buti naisipan ko na tawagan si Jake. 


Pero wala akong number, umpft, baka naman may naka save dito sa sim number ni Arjay.


Inisa-isa ko yung phone book sa sim card at gotcha, meron nga. 


Sana eto yung number niya. 


Hoping na yun na nga.


Nag ring ang phone at ilang minuto lang din ay sinagot niya ito. 


“Hello Jake...” sabi ko.


“Arjay?”


“Alex to... si Kieth ba?”


“Ah eh...”


“Wag mo nang itago.. alam ko magkasama kayo...”


“Easy lang boy.. magkasama kami kanina... pero nauna na siya...”


“Ha?”


“Ang alam ko papunta siya jan eh...”


“Bakit daw?”


“Ikaw na bahala sa kanya ha... painitin mo siya... i comfort... at dapat masarapan siya...”


namula ako bigla. Bakit ganun nasa isip ko.


 “Hoy grabe ka...”


“Biro lang... problemado yan...”


“Ano bang ginawa ninyo?”


“See for yourself...”



"Kinakabahan ako sayo eh."


"Please make him okay."


"ANo ba ginawa ninyo?"


"Basta.... hinatyin mo siya.. wag mo siyang pababayaan ha..."



“ALEX!” narinig ko na may sumisigaw sa labas ng bahay namin.


“Anjan na pala siya.. sige enjoy...” sabi ni Jake at ibinaba niya yung phone.


Isinuot ko na lang yung salamin ko sa kakamadali ko. 


Nasa baba na ako nang maalala ko na wala akong suot sa aking bibig.


“Anak si Kieth andun sa labas.. lasing ata...”


“Sige po ma ako na ang bahala...”


Agad akong lumabas at hinarap siya. “Kieth...” sabi ko.


“Oi... Al-Alex... hali—halika dito.” 


Lumapit ako sa kanya.


ANo ba naman tong lalaking ito. Mukha na siyang gusgusin. At nakuha pa niyang magdrive. Delikado pa man din ang panahon ngayon ah.


“Ano bang pinag gagawa mo ha?”


“Tara inom pa tayo!”


“Tumigil ka na nga lasing ka na eh...”


“A-ako? La-lashing? Sin-nong lash-lashing?”


“halika pumasok ka sa loob.” Sabi ko.


“Hin-hindi... i-inom pa ta-ta-tay-tayo...”


Bigla siyang bumagsak kaya nagpatulong na ako kay Kuya. 



"Kuya... Paki-ayos naman yung kotse niya..." sabi ko.


"Sige ikaw na bahala jan..."



Dinala namin siya sa may kwarto ko at kumuha ako ng mainit na tubig at towel.


“Kahit kailan napakapasaway mo talaga. Nako.” 



Ang sabi ko habang hinuhubad ko yung damit niya.


Tinanggal ko yung salamin ko para mas maging maayos ang pag galaw ko. 


Pero nung tignan ko siya, nakita ko na nagtatanggal siya ng pantalon.


Tumaas ang paningin ko sa kayang katawan. 


Oh, natulala ako bigla. 


Biglang nanuyo ang labi ko at napakagat labi na lang ako. Arggsh. 


Erase-erase erase.


Pinunasan ko yung katawan niya. 


Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang katawan niya. 


Yung abs niya, yung muscles, nahahawakan ko.


 Ano ba naman ito? 


Pinagpapawisan na ako dito.


Pinunasan ko yung mukha niya at kahabag-habag ang itsura niya ngayon. 


Naaawa ako sa nakikita ko. 


Hindi ko maatim na makita siyang ganyan. 



Kasalanan ko ito eh, dapat hindi na lang ako pumayag na makipag kita kay RD. 


Ako ang nagpagulo ng lahat. 


Nakakainis ka Alex, bakit kasi ang tanga-tanga ko.



“Bakit ganun sila? Bakit nila ako niloko? Nakakainis sila... mga gago sila!” sabi nito.


Nakakita ako ng mumunting patak ng luha na lumabas sa kanyang mga matang nakapikit. 


Parang batang paslit si Kieth ngayon sa itsura niya ngayon. 


Hinaplos ko ang mukha niya at hinawi ang kanyang buhok.


“Ang sakit nang ginawa nila. Niloko nila ako. Pinaikot nila ako. Ang sakit-sakit!” utal nito.


“Sorry,... isa ako sa nagpapahirap sayo..” hinawakan ko yung kamay niya.


“Alex... ikaw lang ang nakakaintindi sa akin.. ikaw lang yung totoo... “ umiiyak pa rin siya.


Bakit parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko. 


Daig ko pa ang totoong boyfriend niya dahil sa nangyayari. 


Ayaw ko nito, hindi pwede. 


Nahuhulog na ba ako sa kanya? 


Natutunan ko na ba siyang magustuhan at makalimutan si Blake.


Nakakita ako ng pasa sa kanyang mukha kaya ginamot ko agad ito. “ah.” Sabi nito.


“Wait lang...” ang sabi ko.


Nakita ko na nagmulat siya ng mata. 


Napatitig siya sa akin. 


“Bakit nakikita ko si Kian ngayon?” sabi niya


Kinabahan ako. 


Oo nga pala tinanggal ko ang lahat ng props ko. 


“Ah eh.. lasing ka lang...”


“Hindi eh...”


“Sus... ako magiging kamukha ni Kian? Parang di naman.”


Bigla niyang hinawakan ang aking mukha. 


Natameme ako sa nangyari. 


Bakit ganyan siya makatitig sa akin. 


Anong nangyayayari? 


“Hindi ka naman panget eh...”


“Sus... lagi mo akong sinasabihan nan.”


“Walang panget sa akin.... inaasar lang kita...”


“Lasing ka lang...”


“Alam mo ba... masaya ako kapag kasama kita.... natutuwa ako kapag nanjan ka... nawawala lahat ng problema ko kapag katabi kita....”


Biglang tumibok ang puso ko at pakiramdam ko ay nanginginig ag katawan ko. 


“Matulog ka na lasing ka lang..” ang sabi ko.



Nakita ko ang mapupugay niyang mga mata at unti-unti lumapit ang kanyang mukha sa akin at sa isang iglap, naglapat ang aming mga labi.


(Itutuloy)

12 comments:

  1. Yun at may update na.haha Nakakakaba naman nagsisimula ng magconnect connect ang mga buhay nila.Nakoo kapag nalaman ni Kieth na si Kian at Alex ay iisa baka magalit din sya kay Alex :((

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po mr. first commentator... :))

      uhm... yan ang exciting part, ang pagbuo ng mga puzzle pieces... :))

      stay tune po. :))

      Delete
  2. Nakakainis!! Sobrang ganda ng kwento!!
    One more chapter idol pls :))

    BITIN KING :)

    Antay antay for sat sa next update :(

    - pat

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. salamat po.. I guse this Sunday po ako makakapagpost.. sorry po. :))

      tune in po. :)

      Delete
  3. Nakakabitin...pag nagkabukuhan kawawa c Alex ayaw pa naman ni keith sa mga sinungaling. Galing kyle. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. Nice, me update ngayon. Angkulit naman ng story.
    Gaano ba kasikat si Kian sa story? Hmmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. heheheh.. salamat po... part time model po si Kian. :))

      Delete
  5. Bitin again



    haix dbale solve na ko sa pagbabasa ng chapter na 2

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa comment agin mhi mhiko... <3

      heheheh....

      Delete
  6. hala, mukhang magkakabukuhan na! he he he. nice story! wawa aman c kieth. haizt!

    ReplyDelete
  7. grabe Full of Suspense, ganda... thumbs up ako syo... mr. Author....

    ReplyDelete