Tuesday, July 2, 2013

Ang Valedictorian ng Puso Ko (Teaser)




Ang Valedictorian ng Puso Ko (Pilot vs. Lower)

By: Niel/ Imyours18
Email and Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel

Authors Note:

This is it! This is really is it.

Ahahaha! Oha! Dramatic ang entrance ko noh? XD Haha!

Hello guys! Niel is here again to show and share to all of you another inspiring work of mine. Uhm? Paano ko ba i-eexplain to? Sige ganito hahaha.


Actually, as an author pangarap ko talagang makapagsulat ng isang story na comedy/teen fiction at yaoi/m2m, pero ginawa ko lang medyo comedy ang “318 (ATK) at ang 318 (MSATL)” dahil nga sa flow ng story, medyo serious kasi ang theme ko dun, sa simula.. yeah may comedy pero kapag nasa rising action to denouement na serious na, so yun ang first reason. Second reason, sobra kasi akong na-inspire sa mga binabasa kong comedy/m2m/lovestory such as “Ang Multo sa Manhole of Onomatopoeia”, “Si Utol at ang Chatmate ko of Sir Mike Juha” and many more, kaya na-inspire akong gumawa at heto na nga.


Uhm, this story is a work of fiction only. Makikita nyo naman po sa teaser na ibibigay ko na may some issues of discrimination, may mga character din po na may madediscriminate dito and hindi ko lang po sure baka po kasi may mga maka-misinterpret kaya habang maaga sinasabi ko na po.

Another thing po, ang “318 (MSATL)” ay ongoing pa din po. Ang nais ko po munang gawin ay kalahatiin ang 318 (MSATL) before I start releasing the chapters of Ang Valedictorian ng Puso Ko. Pinapalawak ko pa po kasi yung concept na naisip ko.


For now po, I will give the teaser of this story. I hope na mag-enjoy po kayo at samahan nyo ang paglalakbay ng mga characters ko as the story goes on.



About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.




Teaser:





“Trouble Maker. Balahura. Nakakasulasakok. Shunga. Baboy sa classroom. Ganyan ba ang tingin niyo sa aming mga lower section??!”


“Ano pa bang sa tingin niyo?!”


“Aba.. aba.. aba.. Yayabang niyo ah? Ano bang pinagmamalaki nyo?! Ha?!”


“Matatalino. Malilinis. Mababait. Tahimik. Impressive. Well, talaga naman. Kaya nga pilot section e. Matik na kami na yan. May iba pa ba?!”


“Kaya nga sinabing lower kasi hindi kami matatalino. Pero, hindi ibig sabihin nun mga masasama kaming tao. Hmmm? Medyo lang! Haha! Aba. Ang yabang niyo ah?! Dota na lang?! 5 vs. 5 dre? Ano?!!”


“Sorry guys, the word ‘dota’ during our busy hours doesn’t exist in our terminology. Kung gusto niyo after ng exam? But, duh? Kung kayo lang ang kalaro? Wag na lang din! Mga weak! Pathetic.”


“Duh. Duh. Dambahin namin kayo dyan e! Hahangin nyo!”


“Whatever. Weak will always be a weak.”


Yan. Yan ang madalas kong marinig sa school na to. Walang world peace between the pilot section and the lower section! Pero, still enjoy ko naman. Bakit kamo? Dahil sa kanya! The man of dreams. Si Erickson.


Paano ba naman kasi, perfect package na siya. Varsity player, gwapo, matangkad, vocalist ng official school band, officer ng iba’t ibang organization sa school namin at running pa for valedictorian. Oh di ba? Description pa lang ulam na? Say nyo mga ateng?!


Oooooppppppppsssss! Dreams. So, ilusyon ko lang siya. Ang dami kasing hadlang ng pagmamahal ko sa kanya e. Ika nga, langit siya lupa ako! Ay mali, langit siya at lamang lupa ako. Oo, dahil pilot section siya at lower section ako ng school na to. Ay mali, lowest section rather. Churi naman! Inborn ang pagiging shunga e. Haha!


By the way, ako nga pala si Chad. At samahan niyo ako sa nakakakilig, nakakatawa at nakakaiyak na love story ko sa piling ng mga classmates ko, classmates ni Erickson, at si Erickson – Ang Valedictorian ng Puso Ko.



:))

No comments:

Post a Comment