Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 12
(Start of Something New)
[Alex’s
POV]
Nakasakay
ako ngayon sa sasakyan ni Kieth at no choice kasi hinila niya ako palabas ng bahay namin.
Di ko siya iniimikan mula pa kanina, itsura niya.
Nakakainis kasi, di ko man lang alam na nasa loob siya ng bahay namin.
Napahiya pa ako ng wala sa oras.
Etong si mama, hindi sinabi na dumatin pala si Kieth. Argsh.
Kakuntsaba
pa niya si mama.
Nakakahiya tuloy.
Asar
talaga!
Grabe ang sarap niyang suntukin.
Naramdaman
ko na humawak siya sa kamay ko.
Nananantsing pa tong mokong na to.
Ano sa tingin niya sa akin? Easy to get?
Inalis ko ito pero piigilan niya.
“Mag drive ka
na lang. Nananantsing ka pa eh.”
“Babae
lang?”
“Mukha
mo.”
“I
love you...” sabi niya
Kilig? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
Napabilis
ang tibok ng puso ko.
O///_///O
Shit! Ano ba to?
Namumula na ata ako.
“Nagblush ka naman
agad. Hahaha.” sabi niya
“Shut
up!” sabi ko.
“Masaya
ako... hahaha.” Pang aasar niya
“Well
ako hindi.”
“Kinikilig
ka nga eh. Hay naku babe ko.”
“Tumigil
ka elephant monster. Ano bang ginagawa mo dito? Doon ka na lang sa Arjay mo!”
“Kaya
nga hayaan mo akong mag explain!”
“Wala
ng explain explain. Alam mo ba sa mga istorya eh naloloko ang bida dahil sa mga
kalokohang explanation ng mga manlolokong tulad mo.”
“Sa
istorya din, dahil sa hindi pakikinig ng bida, hindi nila nalalaman kung gaano
ba kamahal nung tao yun ang bida.”
And my mouth is shut.
Okay talo na ako.
Wew.
Ewan sa kanya.
Pero ang gwapo niya. HAHAHAH
\m/
“Ano
bang problema mo? Ang init ng ulo mo.” Pagsasalita niyang muli.
“Ikaw
ang problema ko. Bakit ka ba pumunta ng bahay namin ha? Nakakaasar ka. Invasion
of privacy ginagawa mo!”
“Kasalanan
ko bang magtatalak ka ng magtatalak dun kanina?”
“Nakakainis!
Argggsh.”
“Mahal
mo naman pala ako eh, bakit mo pa ako tinataboy?”
“Ayokong
ulitin lahat ng sinabi ko kanina. Period!”
"Ang arte mo kahit kailan."
"Wala kang pakialam! Buhay ko to kaya manahimik ka na lang."
"Para kang babae, kainis."
"Anong alam mo sa babae eh hindi ka naman nagka-girlfriend."
"Below the belt na yan ha."
"Oh ano ngayon?"
"Taena naman yan oh."
"Nakakainis kasi yang mukha mo."
"Wow ha nahiya ako sayo."
"Manahimik ka na lang."
“Yung
nangyari kahapon...”
“Wag
kang magpaliwanag. Hindi tayo kaya shut up!”
“Eh
bakit ka kasi ganyan mag react? Di ka naman ganyan kung di mo ako mahal eh.”
“Malay
ko sa lelang mo. Nakakainis ka! Nakakainis! Chismoso!”
“Ang
sungit mo. Halikan kita jan eh.”
“Wag
na wag mo na akong kakausapin pa!”
“Alam
mo mahal kita!” nagtaas na siya ng boses.
“Bakit
ka galit?”
“Kasi
ang kulit mo eh. Kaasar. Nagpapakababa na nga ako eh. Ano pa bang gagawin ko
ha? Alam mo sa gwapo kong ito unang beses kong magpakababa sa isang...”
“Ano
isang panget na lalaki? Ha? Yun ba?”
“Pwede
na rin.. hahaha.”
“Alam
mo ang problema sayo nandadamay ka pa ng iba! Magkaayos na kayo ni Arjay ah?!”
“Wala
ng kami. Yung kahapon, confused lang ako. Wala yun. Pero I know na.”
“So
tapos na mission ko!”
“Di
pa....”
“Ano
bang problema mo?”
“Ang
hirap mong ligawan nakakainis ka!”
“Ligawan
mo face mo.”
“Shit
naman! Ano ba naman?”
“Hindi
kita mahal ha. Lahat yun joke lang.”
“Kung
hindi mo ako mahal, bakit ka gumanti sa mga halik ko? Bakit narinig ko mula sa
iyong bibig na mahal mo ako?”
“Ah
kasi...”
“Kasi
ano?”
“Kasi..”
“Ano?!”
“Oh
ano ngayon kung mahal kita ha? Shit naman. Kung mahal kita wala ka ng pakialam!
Lahat naman ng ito ay puro pagpapanggap lang diba? Mahal mo si Arjay and thats
a fact na hindi na magiging opinion pa!”
Itinigil
niya yung sasakyan at hinalikan ako.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Naging mapusok
ang kanyang paghalik pero unti-unti naging mahinahon, passionate at masarap.
Hindi
ko mapigilan ang sumagot sa kanyang mga halik.
He is now leaning on me.
Why am
I so weak sa lalaking ito?
Di ko mapigilang mawalan ng lakas kapag kaharap
siya.
Unti-unti
naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.
Di ko maintindihan kung bakit pero
napaluha na lang ako. “Oh bakit ka umiiyak?”
“Wala...”
“Hey...
speak up...”
“Nasasaktan
lang ako...” ang nasabi ko.
“Sorry
kahapon. Sorry kung ginamit kita as equipment para pagselosin si Arjay. Nung
time na nalaman ko na mahal pa pala ako ni Arjay, I bear those happiness. Pero
somehow hindi ko maintindihan kung bakit nalungkot din ako. Mahal ko siya, pero
mukhang hindi na tulad ng dati.”
“Pero
mahal mo pa rin siya.”
“Yeah,
siguro nga, pero ganun naman talaga eh. Pero hindi ba pwede na may pumunang
iba?”
“Natatakot
ako…”
“Nandito
ako…”
“Ayokong
maiwang mag-isa ulit… ayokong maiwanan na walang-wala.”
“Hindi
ko gagawin yun. Kahit anong mangyari.”
“Baka
naguguluhan ka lamang sa nararamdaman mo.”
“Kaya
nga gusto kong bigyan ng linaw mo ang lahat.”
“Paano
ko gagawin yun? Hindi ko alam.”
“Mahalin
mo din ako. Iparamdam mo ulit na may nagmamahal sa akin. Yung di man perpekto
tayo, still okay pa din.”
“Pero….”
“Sabi
ko diba na nandito ako.. wag kang matakot sumubok ulit…”
“Sorry…”
“Don’t
be sorry.”
“Basta
hinay-hinay lang. wag pabigla-bigla… let’s enjoy what we have.”
“Sure
babe. Para sayo I will do everything.”
“Thanks
for loving me…”
“Di
ko alam kung ano ang ibinigay mo sa akin para magustuhan kita, pero isa lang ang
iaassure ko sayo, mahal kita.”
“Oo.
Mahal kita... mahal na mahal kita...” at niyakap niya ako ng mahigpit.
Napangiti
na lamang ako ng gayon na lamang.
Nakita ko ang pagbabago sa katauhan ni Kieth,
nabuhayan siya ng loob.
Kakaiba ang saya na naramdaman ko sa mga panahong ito.
“Akin
ka na mula ngayon... at wala akong pakialam kung sino mang Pontio Pilato ang
umagaw sayo sa akin.. di ako papayag na mawala ka sa akin... para sa akin ikaw
lang... ikaw lang talaga...” sabi niya
Niyakap
ko siya ng mahigpit.
“Di pa rin ako makapaniwala.” Ang nasambit ko.
“Kinikilig
ka no?”
“Hoy
ang kapal mo.. baka ikaw jan...”
Hinalikan
niya ulit ako sa labi. “Bakit namumula ka?”
“Wala...
tara na baka malate pa tayo.”
"Kinikilig ka eh."
"Wag kang feeler."
"Feeler ka jan. Kinikilig ka eh. isa pa?"
"Hep hep.. nakakadai ka na."
"Gusto mo naman."
"Ikaw nga jan may gusto. Nasasarapan ka na sa akin."
"Oo.. sarap na sarap."
"Hoy! Nakakatakot na yang titig mo. Mamaya ma-rape mo pa ako dito."
"Why not? At isa pa... di naman matatawag na rape pag ginusto din nung tao eh."
"I object..."
"Pakipot..."
"Shut up."
“Ditch
tayo ng class.” Sabi niya
“Sus.
Adik mo, magpapaka B.I ka pa.”
“Gusto
lang kita makasama.”
“Naging
sweet ka ngayon ah.”
“Iba
na ang kalagayan natin ngayon. We are couple na kaya dapat sweet lang ako
sayo.”
“Ewan
sayo. Tss. Tara na nga.”
“Labas
tayo mamaya.”
“Sige...”
di ko maitago ang ngiti sa aking mga labi.
Pagkadating
namin ng school ay di pa rin mapigilan tong kasweetan ni Kieth.
Masaya ako,
masayang masaya.
Ayaw papigil ni Kieth.
Shit!
Kinikilig ako.
(sorry guys... nadadala ako... kinikilig din ang author ninyo. :3 )
“Sige
na...” sabi ko.
“Mamaya
ah.”
“Oo.”
Tapos ngumiti ako.
“I
love you..”
“Sige
na..”
“Wala
man lang sagot?” tapos nag pout siya ng mouth
“Less
than three you too.” Ang sagot ko.
“Ha?”
Tapos
tumawa na lang ako.
Iniwan ko siyang nag-iisip.
Pumasok na ako ng room.
Clasmate ko ngayon si Charlene at
magkatabi kami.
Napansin niya yung pagiging masaya ko kaya kung anu-ano ang
tinanong sa akin.
“Oh
mukhang okay ka na ah?”
“More
than okay.”
“Taraaaaaay.
Kwento ka naman.”
“Hahaha.
Kinikilig ako.”
“ang
lande ah. Bulate?”
“Hahaha.
Kami na...” sabi ko.
“Anong
bago dun?”
“As
in kami na. Walang pagpapanggap... yung totoong kami.”
Nakita
ko ang reaksyon niya at natigilan pa siya.
“Hoy!” sigaw ko.
“You
are seriously kidding me.” Sabi niya
“Mainggit
ka. Hahaha”
“Grabe
ka!”
“Kinikilig
ako!” ang nasabi ko.
“Di
bagay sayo ang panget mo.”
“Grabe
ka ha.”
Pero natigilan ako.
Panget
ako.
Yun ang minahal na side ni Kieth sa akin.
Pero paano yung totoong ako?
Paano yung pagpapanggap ko?
Paano ko sasabihin sa kanya ito?
“Oh
natigilan ka?”
“Wala.”
“Joke
lang yung panget. Sineryoso mo ata.”
“May
mali pa rin eh.”
“Ano?”
“Hindi
pa niya alam kung sino ba talaga ako.”
“Hala
ka. Patay tayo jan.”
“Dapat
sinabi ko na dati pa eh. Paano yan ngayon?”
“Jan
ka maiipit.”
“Kala
ko okay na ang lahat.”
“Kung
ako sayo sabihin mo na yan habang maaga pa.”
“Di
ko alam kung paano.”
“Kaya
mo yan. Ikaw pa.”
Napaisip
ako buong period. Haixt.
Ano na ba ang gagawin ko?
Buong period yun lang ang
iniisip ko.
Pero naiisip ko pa rin yung nangyari kanina kaya napapangiti na
lang ako.
Next
class ko ay kaklase ko si Ranz este Arjay.
Nung nagkatinginan kami, nailing ako
ng bahagya.
Di ko kasi alam kung paano ko ba siya maaapproach.
Tumabi
siya sa akin at nakaramdam ako ng tensyon.
Nanlamig ang paligid at ni isa sa
amin ay walang gustong magsalita.
Hindi ako makatingin sa direksyon na
kinaroroonan niya.
Pero
itong katabi ko ngayon ay ang taong kinalokohan ni Kieth.
Ang unang taong
minahal niya kaya nakaramdam ako ng insecure.
Ang panget naman kaya kung mag
feeling close pa rin ako sa kanya.
Buong
period ng klase ay di kami nag iimikan.
Natapos ang klase na walang nangyaring
anumang pag-uusap.
Vacant ko ngayon at isang klase na lang tapos magkikita na
kami ni Kieth.
Di
ko alam pero bakit ba sabik na sabik akong makita siya?
Nakakapanibago lang?
Para bang di ko siya nakasama kanina? Haixt.
“Alex...”
napalingon ako nang tawagin ako ni Ranz.
Tumingin
ako sa kanya pero hindi nagsalita.
Di ko alam kung anong gagawin ko eh.
“Pwede
bang... pwede bang mag-usap tayo?”
Nagulat
ako sa sinabi niya.
Napamaang ako at hindi nakasagot agad.
“Alex?” tanong niya
ulit.
“Ah
eh.. sige sige.” Ang nasabi ko na lang.
“May
klase ka ba ngayon? Anong oras ka ba pwede?” tanong niya
“Vacant
ko ngayon. Sige ngayon na lang. Saan ba tayo mag-uusap?” tanong ko.
“Sa
may fountain.”
Yun lang ang sinabi niya saka siya nagmadling lumakad.
Sumunod
lamang ako sa kanya.
Tahimik pa rin at walang nagsasalita hanggang sa makarating
kami sa may fountain.
Umupo ako sa may damuhan, hinintay ang susunod na
mangyayari.
“Nagkausap
na kayo ni Kieth?” paumpisa niyang tanong.
“Yup.
Kanina lang.”
“Kamusta
naman kayo?” tanong ulit niya
“Ayos
naman. Were doing okay. Kayo ba nagkausap na?” urirat ko.
“Hindi
pa and I am looking forward na magkausap kami. Gusto kong ayusin yung sa amin.
Siguro alam mo na nagkaayos na kami. Feeling ko kami na.” Sabi niya
Nakita ko ang genuine na ngiti mula sa mga labi niya.
Pero paano yan?
Eh
kami na kaya.
Gusto kong sabihin yun pero nakakahiya.
Feelingero to. Aysus.
Ang
bad ko hahaha.
“Ahh.
Ano pala ang pag-uusapan natin?” diretso kong tanong.
“Ang
bilis mo ata masyado.” Sabi niya
“Ganun
ba?” tanging sinabi ko lang.
“Mahal
mo ba siya?” tanong niya
“Oo.
Mahal na mahal.”
“Mahal
ka ba niya?”
“Oo.
Mahal niya ako.”
“Mas
mahal pa kaysa sa akin?”
“Sa
palagay ko oo.” Ang sabi ko.
“Gwapo
mo ha.” Nagulat ako sa sinabi niya.
Ramdam
ko na naiinis siya sa akin.
Di ko naman masisisi yun.
“Di ko akalain na ikaw pa
ang makakaagaw ko sa kanya.” Ang sabi niya
“Alam
kong gusto mo si Kieth... mahal mo siya to be exactly... kaso wala na kayo...”
“Wag
mong ipamukha sa akin yan! At isa pa nagkaayos na kami kahapon!”
“Easy
lang... masyado kang hot eh.” Ang sabi ko.
“Mahal
niya ako at alam ko iyon.”
“Paano
ka nakakasiguro ha?”
“Nararamdaman
ko! Gusto niya akong makipagbalikan sa kanya matagal na kaya hindi na ako
nagtataka. He even kissed me kahapon.”
“Matapos
mo siyang iwan? Ganon na lang ha?”
“May
dahilan ako at alam mo yan.”
“Kaya
di ko siya masisisi.” Sabi ko.
“Oo.
Dahil naghanap lang siya ng panakip butas.”
“Mag
ingat ka sa sinasabi mo!”
“Bakit
totoo naman ah? Panakip butas ka lang.”
“Kung
naiinggit ka, sabihin mo, hindi yung nagkikimkim ka ng galit sa akin!”
“Oo
nagagalit ako sayo! Dahil ang taong mahal ko inagaw mo! Pinagkatiwalaan kita at
di ko pa inaasahan na ikaw pa!”
“Gusto
kong itama yang baluktot mong pag-iisip. Wala akong ginagawang masama! Wala
akong inaagaw o tinatapakang tao!”
“Hiwalayan
mo siya!” sabi nito
“Nahihibang
ka na.” Ang sagot ko.
“Para
sa akin.. hiwalayan mo siya! Hinding-hindi siya mapapasa akin ng buo hangga’t
nakaharang ka sa landas ko.”
“Ano
ka sinuswerte? Matapos mo siyang saktan at paiyakin ganun-ganon na lang? Anong
tingin mo sa kanya, bagay na basta na lang ipinamimigay? Para sa kaalamanan mo,
mahal ko si Kieth at handa akong makipag patayan para sa kanya.”
“Ganyan
ka eh, di ka mapakiusapan. Kung makapagsulsol ka akala mo ikaw na mabait. Mahal
mo ba siya talaga dahil yan ang nararamdaman mo o mahal mo siya dahil gwapo
siya?”
“Alam
mo nakakasakit ka na! Di porket ganito ang mukha ko lalait-laitin mo ako. Iba
ang pagkakakilala ko sayo. You are better than this! Di ko akalain na ang isang
Ranz... ay mali, ang isang Arjay na kilala ko, na itinuring ko na kapatid at
bestfriend ay isang nabubulok na bunga na nahulog sa lupa. Ganyan ka pala
talaga!”
“Ganito
ako sa mga taong ipinaglalaban ko! Nakikiusap lang ako sayo pero ayaw mong
pakinggan! Ano bang gusto mo ha? Lumuhod pa ako sa harapan mo at gumapang?”
“Hindi
ko bibitawan si Kieth dahil alam kong masaya siya sa akin. Binitawan mo na noon
si Kieth kaya hindi ko na siya hahayaan pang kumawala sa akin.” Tumayo ako at
naglakad palayo.
Di
ko namalayan na nahablot pala ni Arjay ang aking braso.
“Please...” nakita ko
ang pagtulo sa kanyang mga mata ng kanyang mga luha.
“Nagmamakaawa
ako... akin na lang siya ulit.. hiwalayan mo na siya... please...” umiiyak
siya.
Di
ko mapigilan ang malungkot.
Pero hindi tama ito, hindi tamang hingin mo ang
isang taon.
“Sorry pero hindi... mahal ko si Kieth at ipaglalaban ko siya.
Nanjan naman si RD, alam kong mamahalin ka niya ng sobra-sobra.”
“Si
Kieth ang mahal ko.”
“Pero
ako na ang mahal ni Kieth.”
“Nabubulag
lang siya dahil nasaktan siya sa akin!”
“Pabayaan
mo na kami... ako na ang nakikiusap sayo.. please...”
Agad
akong naglakad palayo.
Mabibilis ang hakbang na tinungo ang cafeteria para
bumili kong maiinom.
Doon ko nakita si Jake, nagiisa.
“Hey...”
bati ko.
“Ui
ikaw pala. Hahaha. Congrats.” Sabi niya
“Ha?
Congrats? Para saan?”
“Sinabi
sa akin ni Kieth kanina. I am happy for both of you.”
“Sus.
Adik mo lang.” Sabi ko.
“Alam
mo unang beses kong makita si Kieth na kiligin.”
“Siya
kinilig?”
“Oo.
Halata naman eh. Namumula siya tapos ngiting ngiti. Hahaha”
“Adik
mo lang. Hahaha.”
“Nga
pala, next Saturday birthday ko na. Pumunta kayo ni Kieth ah. Hihintayin kita.”
“Nasabi
na nga sa akin ni kieth yun.”
“Mag
ayos ka ha...” biro niya
“Ouch
ah.. hahaha.”
“Bakit
pala di kayo magkasama ni Kieth ngayon?”
“Mamaya
pa. After nito ay may class pa ako.”
“Ah
kaya pala. May class pa hanggang mamaya si Kieth.”
“Kaya
nga. Hahaha. Gutom na gutom yun for sure.”
“Anong
feeling na finally boyfriend mo na ang supladong kinaiinisan mo?”
“Masaya,
masayang-masaya. Di ko maexpress yung nararamdaman ko. Looking forward na
maging maayos ang lahat. Gusto ko nang makaalis sa nakaraan. Mas ayos kung
matatakluban nito ang aking nakaraan dahil gusto ko nang maging maligaya.”
Mahaba kong sagot.
“Bagay
naman talaga kayo eh, sa totoo lang mas gusto pa kita kaysa kay Arjay.”
“Bakit
naman?”
“Wala
naman. Mas tingin ko kasi na mas bagay kayo. At isa pa, kung mapapansin mo ang
sigla sa mga mata ni Kieth, di mo aakalain na nasaktan na siya ng sobra.
Ingatan mo ang bestfriend ko ha. Resbak ka sa akin kapag sinaktan mo yun.”
“Choosy
pa ba ako? Sa gwapo ng bestfriend mo at sa saksakan ng bait, di ko yun
sasaktan.” Ang sabi ko.
“O
sige una na ako.” Sabi niya
"Sige sige." sagot ko na lang.
Naghintay
ako ng ilang oras para sa aking next class.
Mabilis lamang lumipas ang oras at
di nagtagal ay natapos din ang klase ko.
Nagulat pa nga ako nang makita ko si
Kieth na nasa tapat ng room ko at hinihintay ako.
Nakasandal
lamang siya sa pader at matiyagang hinihintay ako.
Nakangiti siya sa akin at
malapad ang buka ng mga bibig.
Napangiti ako sa nakita ko.
“Wow
ang sweet sinusundo ako.” Ang sabi ko.
“Sinunsundo
din naman kita dati ah. Diba?”
“Okay
sabi mo eh.” Tapos tumawa ako.
Sumakay
kami sa sasakyan niya at pumunta kami sa dati naming pinupuntahan.
Medyo
nalungkot ako ng bahagya dahil na rin sa alam ko kung ano itong lugar na ito.
Agad naman siyang bumawi sa akin at nagbigay ng makahulugang salita.
“Oh
wag kang magselos agad.” Sabi niya
“Di
ako nagseselos.” Sabi ko
.
“Sus.
Gusto ko lang magpaalam dito sa lugar na ito.”
Maikli niyang sinabi sa akin
saka bumaba ng sasakyan.
Naglakad
kami sa kahabaan ng daan, magkahawak kamay.
Ngayon ko lang naenjoy ang
pagkakapit-kamay naming dalawa.
Ang sweet niya kinikilig ako.
“Masaya
ka ba ngayon?” tanong niya
“Yup.
Sobrang saya.” Tugon ko.
“Masaya
ako na masaya ka. Kain muna tayo, ako ay gutom na eh.” Sabi niya
“Sige
tara.”
Habang
nakain kami, di ko pa rin mapigilan ang mapangiti.
Makwento pala tong si Kieth.
Dati rati kasi ang sungit-sungit niya at sobrang suplado.
Ang babala naman niya
sa akin ay masanay na ako.
Di
pa rin ako makapaniwala na ngayon ay kami na..
Ang saya-saya ko.
Minsan nagsusungit siya pero naglalambing lang siya.
Malambing
siya, medyo childish ng kaunti pero sobrang mature mag –isip.
Madaldal siya at marami pang iba.
Nagulat lang ako nung makita ko siyang kumain.
Sobrang dami
niyang kumain, ganito pala siya pag gutom na gutom.
Pagkatapos
niyang kumain ay naglakad-lakad muli kami sa daan.
Marami akong nalaman sa
kanya.
Para bang ibinibigay niya sa akin lahat ng impormasyon sa kanya para
makilala ko siya.
Nahiya
ako bigla.
Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko na nagpapanggap.
Gusto ko nang sabihin sa kanya pero natatakot ako.
Paano kung magalit siya?
Paano kung hiwalayan niya ako ng dahil dito?
Nakatayo
kami ngayon sa may border ng
dalampasigan.
Nakatanaw kami sa maaliwalas na karagatan.
Tahimik ito at
kalamado.
Maraming tao sa aming paligid.
Nasa
likuran ko siya, nakayakap siya sa akin.
Nagkwentuhan kami nang ganun ang
posisyon.
Paminsan-minsan ay dumadampi ang kanyang labi sa aking pisngi.
“I
love you.” Sabi niya
“I
love you too.” Tugon ko.
“Haixt.
Sana ganito tayo lagi.” Sabi nya
“Baka
mamaya magsawa ka sa akin ha.”
“Never.”
Sabi niya tapos yakap ng mahigpit.
“May
tanong ako.” Pasimula ko.
“Ano
yun?” tanong niya
“Gaano
mo ako kamahal?”
Di
siya nagsalita.
Nagtaka naman ako kung ano ang nasa isip niya.
“Di ka na
sumagot jan.” Sabi ko.
“Hahaha.
Astig kasi ng tanong mo.” Sabi niya
“Anong
sagot mo?”
“No
boundary. Di ko alam. Walang dahilan. Walang sukatan.” Sabi niya
“Si
Arjay? Mahal mo pa ba siya?”
“Ano
ba naman yang tanong mo? Napag-usapan na natin yan ah.” medyo inis niyang sabi.
“Natanong
ko lang. Curious lang ako. Mahal mo pa ba siya?”
“Mahal
ko siya at hindi mawawala yun. Pero yung pagmamahal na yun ay mananatili na
lang para sa pagiging magkaibigan. Tapos na naman kami at may pinili na siyang
landas. Ako, ang pinli ong landas ay ang sayo. Mahal kita, higit pa sa kanya.”
“Salamat.”
Biglang tumulo ang luha ko sa aking mukha.
“Wag
kang umiyak jan.”
Tapos pinaghid niya yung luha sa aking mukha.
“Alam mo, kahit
na mahal mo pa rin si Blake, okay lang. Maghihintay ako hanggang sa maka move
on ka. Di ko maaalis agad siya sa puso mo, parang si Arjay lang. Pero handa
akong sumugal sa lahat ng posibilidad.”
Naging
seryoso ang usapan namin.
Di ko alam kung tama ba ang panahong ito para sabihin
ang lahat?
Ang aminin ang totoo?
“Mamahalin
mo pa rin ba ako kahit na may di ka nalalaman sa akin?” seryoso kong tanong.
“Bakit
naman?”
“Wala
lang. Natanong lang. Malay lang natin na may hindi ka pa pala alam sa akin.”
“Ano
pa bang mga bagay ang hindi ko alam tungkol sayo?” tanong niya.
“Kasi...”
“Hay
naku. Masyado na tayong seryoso. Let’s stop this. Basta walang taguan ng
sikreto. Walang lihiman ah. Ayokong magkaproblema tayo. Kapag mag kaaway tayo
or hindi natin naayos ang problema natin, dapat hindi tayo maghihiwalay nang
hindi tayo nagkakaayos ah. Gusto ko maging organized ang relasyon natin, gusto
kong maging masaya sa piling mo, dahil sa mahal kita. Mahal na mahal kita.”
Niyakap
ko siya ng mahigpit.
Napaluha ako sa sobrang saya.
Di ko inaasahan na
makaktagpo ako ng taong katulad ni Blake, hindi, mas higit pa kay Blake.
Sa
tamang panahon, alam ko magkakaalamanan din.
Alam ko magiging maayos ang lahat.
“Yung
sim card pala ni Arjay...” sabi ko.
“Ibabalik
mo na ba?”
“Oo.
Gusto ko na magsimula. Alisin na natin ang nakaraan. Magsimula tayo ng maayos.
Mas okay yun diba?”
“Tara
samahan kitang bumili ng sim card.”
(Itutuloy)
tnx sa napagandang update na story, felling ko ako si Alex. hehehe, sana may dumating din sa buhay ko na isang KIETH... take po... mr. dylan santos...
ReplyDeletesame here... hahah salamat po sa pagbabasa at pagbibigay ng comment. :))
Deletetake care pala.
ReplyDelete:)
kayo din po pala. :))
DeleteGrahhh, may mas nauna pa sa akin nag post.
ReplyDeleteWell, ayos. Sila na talaga.
Pero di padin sinasabi ano nangyari kay blake! XD
konting antay pa. hahahah
DeleteAyaw pa talagang umamin! childish... pero its part of the story eh! :))
ReplyDeleteNaubusan na ako ng theory kay blake, aabangan ko na nga lang.
hahahahah.... na stressed na ata ayo kakaisip eh. hahaha
DeleteKinilig ako ng bongga :"""> thanks sa update
ReplyDeletehahahah.. salamat. :))
DeleteYahhh! Silent Reader here na ngayon lang nagbalak magcomment! binasa ko na lahat ng Stories mo kuya Dylan!NAKAKAINSPIRE i:D SANA LANG MADAGDAGAN PA YUNG ARAW NANG UPDATE TT.TT MIDTERM NA NEXT WEEK EH! if ever na pwede lang sana XD FIGHTING KUYA DYLAN!!! SANA MADAMI KA PANG MAGA, Madami kaming readers mo po!:D -Wolf88
ReplyDeleteWow naman po.. maraming salamat po... naku.. sorry kung hindi ko madagdagan araw ng updates... hell month ako ngayon eh... puro report at exams.. kaya sorry po.... pero salamat po sa comment. I appreciate po.. salamat at marami akong naiinspire. :')
DeleteKuya Kyle.
ReplyDeleteGusto ko na yung confession scene. NOW NA!
(atat lang. HAHAHA)
gusto ko na malaman. how would Keith respond to Alex's revelation. i'm very very looking forward to it. :3
Thanks kuya .. You completed my day. =)
salamat coffee prince.... abangan bukas.... :)) hahahahahah malapit na ata.... hahahahah di ko na tanda... dahil nagkahalo-halo na utak ko
DeleteW0W ganda talaga ng story sir lhat po talaga ng story THE BEST po talaga.sana hnd po kayo magsawa ramdam po talaga ng mga reader ang story nyo.take care po always! RAIN
ReplyDeletemaraming salamat po although napakaraming flaws nung stories ko.. salamat po sa pagbabasa... nakakatuwa po na nagustihan ninyo yung story ko.. love you guys. :))
Deletepwede bng mag back to back ka now plz po......
ReplyDelete-frontier
try ko po mag update ngayon.... :)
Delete