Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 7
(The man... that I loved)
[Alex’s
POV]
Habang
dumadaan ang araw, dumadami na rin ang mga gawain.
College life, why you so hard?
Maraming bagay tuloy ang
kailangan kong gawin.
Yung research namin on going kaya kailangan naming mag
overnight para matapos.
Natatakot naman ako sa maaring mangyari lalo na sa pagpapanggap ko.
Paano kung biglang matanggal yung props ko?
Paano kung malaman niya pagkaato ko?
Lagot na. Haixt.
“Okay
ka lang ba?” tanong ni Ranz.
“Yup.
Di nga lang ako sanay na mag overnight.” Sagot ko.
“Ah
ganun ba... sorry ah.” Sabi niya
“Okay
lang yun.” Sabi ko.
Pero di talaga okay. Kasi, kung di lang talaga kailangan ng research eh di na ako gagawa eh. Haixt. Kainis kahit kailan.
Naagpatuloy
na lang ako sa ginagawa ko.
Tinakas ko yung laptop ni kuya, ang tagal kasi
niyang dumating kaya tinakas ko na. Kaya text siya ng text sa akin. Lagot ako
dun.
Pinagamit
ko na lang yung pc ko sa kwarto. Feeling ko gaganti yun at sigurado ako yung
kwarto ko ay kawawa.
Nagtext naman si bunso sa akin kanina, may hinihiram.
“Madami
kang katext ah...” sabi niya
“Ay
sorry.” Sabi ko sabay baba ng cellphone.
“No
it’s okay, ito naman. Girlfriend mo?” tanong niya
“Nope.”
“Boyfriend?”
ngumiti muna ako bago sumagot.
Mukhang alam na niya yung sa akin.
“Ah...
eh.. hindi ano ka ba?”
“Wushu,
boyfriend mo ata eh.”
“Ah
eh hindi.” Sabi ko.
“Ah...
pero nagkaroon ka na?”
Ano kaya isasagot ko?
Baka naman lait-laitin niya ako.
Pero mukhang mabait naman si Ranz eh.
“Maniwala
ka man o hindi, umpft, oo nagkaroon na ako.”
“Aysus,
iginagaya mo pa ako sa iba jan. Nice. Tell me naman about sa kanya.”
“Nakakahiya
eh. Pati...”
“Please...
promise wala akong ipagsasabi.”
“Kasi...”
“Friends
na naman tayo diba?”
Malapit
ang loob ko sa kanya at feeling ko matagal na kaming magkakilala.
Di ko pa rin
matandaan hanggang ngayon kung saan kami nagkita.
“Mahabang
storya...”
“Makikinig
ako. Saan kayo nagkakilala?”
“Nagsimula
ang lahat noon sa simbahan...” panimula ko.
(Flashback)
Sumali ako noon sa
isang organization sa simbahan. Feel ko kasi yung magserve kay God kaya napili
ko yun.
I think 3rd year highschool ako nung sumali ako. Yung
president kasi nung organitation na yun ay kapitbahay namin kaya mabilis akong
nakapasok.
Pero agad ko nang
napansin nun yung ex ko, si Blake.
Nakatitig siya sa akin noon at tila ba pareho kaming
palihim na tumitingin sa isa’t-isa.
Nahihiya naman ako kasi nga baguhan pa lang ako. Ayokong maging assuming pero napapansin ko talaga eh.
Gwapo si Blake,
mapapansin mo agad yung maamo niyang mukha, kakaiba kasi yung dating niya sa
unang kita mo, ang pula ng kanyang labi, medyo matangos na ilong at higit sa
lahat kapansin-pansin yung taling niya sa may bandang baba ng kanyang mata.
Ipinakilala ako noon
ni Jessie, yung kapit bahay ko, sa mga miyembro ng group na yun.
They were so close to each other.
Parang nakaka OP nga kasi baguhan pa lang ako.
Paano kung hindi nila ako gusto?
Hindi naman lahat ng tao ma-please mo eh.
“Guys, si Alex
nga pala, kapitbahay namin. Gusto daw niyang sumali sa atin kaya heto siya.”
Pasimula niya
“Hi. Ako pala si
Prince Alex Rosales, 15 years old, 3rd year at gusto kong sumali sa
grupong ito. Sana maging ka get together ko kayo bawat isa.” Sabi ko.
"Hello Alex..." sabi nila
Isa-isa silang lumapit sa akin pero so Blake hindi.
Naging close ko
halos lahat sila pero naging mailap sa akin si Blake.
Kapag nagkakatingin kami,
lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Aaminin ko gusto ko
siya sa unang kita pa lang pero ang masakit lang ay yung hindi niya ako
pinapansin.
Siguro naiilang siya sa akin kasi ang lagkit ng tingin ko.
Ayaw
siguro niya sa mga taong bisexual na tulad ko.
Minsan lang kami
magkasama at halos lahat yun hindi kami nag-uusap.
Hanggang sa isang beses ay
naiwan kaming dalawa.
Apat kami at kailangan namin na maiwan kasi susunduin
nilang dalawa yung kasama namin, may practice kasi kami para sa gagawin naming
panuluyan.
Ako na ang nag
insist na magsalita, pareho kasi kaming hindi nagsasalita eh.
“Ah eh... sino ba
daw mag tuturo sa mga bata ng sayaw?” tanong ko.
“Si Jessie ata.”
“Ah... ilan ba daw
tayo?”
“Madami ata eh.”
Matabang na tanong niya
Haixt. Sabi nga ng
teacher ko, kapag nakipag usap ka at tinanong mo siya, malalaman mong
interesado din siyang makipag usap kapag sumagot siya at nagtanong din.
Kaya
nanahimik na lang ako.
Ayoko namang mag assuming na feeling close ako sa kanya.
Di niya siguro tipo mga tulad ko.
Baka nga galit siya sa mga tipo ko.
Sayang... gusto ko siya. Crush ko na nga siya kahit ang suplado niya.
“Your cute.”
Nagulat
ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatingin na din pala siya sa
akin.
Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao.
Ako ba? ako ba yung sinasabihan niya?
Di ko na napansin na napalapit na pala siya sa pwesto ko.
Ang lapit na ng
mukha niya sa akin kaya nakaramdam ako ng pamumula.
“Ah eh... an... ano?”
At bigla siyang
tumawa. “Hahaha. Di ka mabiro. Siguro naaasar ka na sa akin no?”
Ay biro lang?
“Hindi naman.
Bakit?” ang nasabi ko na lang
"Para kasing lagi ka na lang nadidismaya."
"ha? Ako?"
"Hindi yung black board..."
"Ah eh..." di ko alam kung paano ko ba ihahahndle tong conversation na to.
“Wala sinusupladuhan
kita eh.” Sa wakas at kinausap niya ako.
“Ah eh.. hindi
naman. Di ka lang siguro nakikihalubilo sa hindi mo kakilala.” Sabi ko.
Medyo
nagsungit na ako.
Alex ano ba yang ginagawa mo?
Daig mo pa ang tanga jan eh.
“Ganyan ako sa taong
gusto ko.” Sabi niya
“Ha?” tanong ko.
Ang
gulo niya kausap.
“By the way, I’m Blake...Blake
Harone Santos. Same age as you are, nice to talk to you.” Sabi niya tapos
inilahad niya yung kamay niya.
“Di ka naman suplado
eh, isnabero ka.” Sabi ko at kinuha ang kamay niya.
Tatanggalin ko na
sana yung kamay niya nung hawakan niya ng mahigpit ito. “Ah eh yung... yung
kamay ko...” sabi ko.
“May girlfriend ka
na?” tanong niya
“Ah eh wala...
bakit? Yung kamay ko pala.”
“So single ka...
interesting...” sabi niya
Natanggal lang yung
kamay ko nung dumating na sila.
Bakit ganun na lang siya makatitig,
nakakatunaw, tapos yung kamay niya hanggang ngayon ramdam ko pa rin kaya nag CR
ako.
Kinikilig ako putek.
Tinawagan ko si
Charlene, bestfriend ko.
“Best...” sabi ko.
“Oh bakit?”
“Feeling ko may
kakaiba akong nararamdaman.”
“Premonitions ba
yan?”
“Ano ba yang mag
sinasabi mo?”
“Nanonood ako ng
Final Destinantion, movie marathon.”
“Sus. Umayos ka nga,
problemado ako dito.”
“Bakit, ano na ba
ang nangyari sa inyo ni papa Blake?”
“Kinausap na niya
ako...”
“Whaaaaat?!” sigaw
niya
“OA lang?”
“Oh my God this is
it... kayo na ba?”
“PBB teens? Grabe
lang ah. Ansabeh nung kami na agad. Agad-agad?”
“Excited lang,
finally magkakaboyfriend ka na, too bad hindi girlfriend Okay lang nagkaroon ka
na rin naman dati eh.”
“nahawakan ko pa
yung kamay niya.” Sabi ko.
“Oh my God, I am so
proud of you, ang galing mong dumiskarte... Pwede ka nang mamatay shet.”
“Tangek. Best,
feeling ko gusto ko na siya, nakaramdam ako ng drum roll sa puso ko. Natatakot
ako, baka, baka kasi magkagulo lang.”
“Bakit kayo na ba?”
“Hindi pa pero
iniiwasan ko na nga eh.”
“Sus. Feelingero ka.
Okay lang yan, okay na naman kay tita ikaw ah.”
“Kahit na ba. Haixt.
Pero kinikilig ako.” Sabi ko.
“Ang lande ng
lalaki. Kurutin kita sa singit eh.”
“Batukan kita jan
eh.”
Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap ng may marinig akong boses.
“Alex...” narinig ko
na pagtawag sa akin.
“Sige bye na.
Hinahanap na ako.” Sabi ko.
Paglabas ko ng CR,
si Blake agad ang bumungad sa akin.
Kinabahan agad ako kaya nagmadali akong
lumabas pero hinarangan niya ako.
"Blake... punta na ako dun."
"Teka lang...."
“Ah eh bakit?” tanong ko.
“Bakit ka
nagmamadali?”
“Mag practice na ata
tayo eh.”
“Can I...?”
“Ha?” napasandal ako
sa pader at iniharang niya yung kamay niya.
“Can I get your
number?”
“Ah yun ba... kunin
mo kay Jes...”
“Blake....” nagulat
kami pareho nung maabutan kami ni Jessie.
Kinuha niya ang
kamay ko at hinila.
Sobrang bilis ng mga yabag namin ni Jessie.
“Okay ka lang ba?”
“Oo naman.”
“Mukhang namumutla
ka ah.”
“Hindi naman.” At
nagtungo na ako ng ulo ko.
"Anong ginawa sayo nung lalaking yun?"
"Wala naman."
"Uhm... somethings going on..."
"Ah eh.. wala ah."
"Sus nagsikreto ka pa."
"Wala nga."
(End
of Flashback)
“So
that’s how it started. Amazing. Gwapo ah, nice.” Sabi niya
“Yup.
Im sure di ka maniniwala.”
“Adik
to maniniwala ako siyempre. Alam ko naman na hindi ka nagsisinungaling eh.”
"Salamat."
"We are friends right?
"Oo naman."
"Kaya don't worry." sabi niya
“Ikaw
ba?”
"Anong ako?"
"Love life?"
“Im
sure alam mo na naman na bi din ako, pero wala akong boyfriend ngayon. Ay meron
pala?”
“Oh.
Ang gulo ah. Pero nagkaroon ka na?”
“Oo
isang beses.”
“Wow.
Anong nangyari?”
“Hindi
pwede eh.”
“Paanong
hindi pwede?”
“Ako
ang nakipaghiwalay sa kanya. Hindi kasi pwede na maging kami.”
“Ayaw
ba ng parents mo at parents niya?”
“Ewan ba. Ilang taon din bago kami matanggap, pero that feeling na hindi
talaga pwede.”
“Kung
ayaw mong pag-usapan ayos lang.”
“Hindi
okay lang. Nakipag hiwalay ako kasi ayaw ni papa sa kanya.”
“Akala
ko ba okay na kayo?”
“Yup
okay na kami kaso nagkaroon pa ng problema, problema sa negosyo ni papa at ng
papa niya.”
“Ah
kaya pala. So yun ang dahilan?”
“Oo.
Nag-away kasi yung papa namin. Naapektuhan ang negosyo kaya nagkanya-kanya.
Dahil dun, napilitan ako. Ayoko namang magkagulo din ang pamilya namin. Pero
masakit, hanggang ngayon kasi mahal ko siya eh. Hindi ko alam kung paano ko
sasabihin sa taong yun na mahal na mahal ko siya, na sana hindi na muna niya
ako ipinagpalit, sana ako pa rin. Pero kasalanan ko naman eh, dahil sa akin
kaya nagdusa siya. Ni hindi ko siya sinipot sa mga usapan namin, hinayaan ko
lang na magalit siya sa akin. At ngayon, nakatakda akong ikasal right after
namin na mag graduate.” Sabi niya
“Ha?
Fixed marriage? Hanggang ngayon pala ay uso yan?”
“Oo.
Pero ang nakakatuwa, sa isang lalaki ako fixed marriage.”
“Ha?!
Ang weird.”
“Yup.
Bisexual din, ang sabi ni papa kung lalaki din naman daw ang gusto ko, yung
best friend niya ay may anak din na bisexual. Yun na lang daw ang pakasalanan
ko para tanggap nila lalo. Since gusto din ng magulang namin na maging partner
sila sa business. Alam ko naman na hanggang ngayon dissappointed sila sa akin,
paano ba naman unico hijo ako at wala ng pagpapasahan ng lahi namin.”
Napatawa
kami pareho.
“Bakit hindi ka manligaw at anakan mo. Para may lahi na susunod
sayo.” Biro ko.
“Sira
ka. Hahahah. Pero that’s a good idea.”
“Oi
adik ka joke lang yun.”
“Haixt.
Sana may kapatid na lang ako, yung marami para masaya.”
“Masaya
magkaroon ng kapatid.” Sabi ko.
“Buti
ka pa. Sana nga may kapatid ako na tulad mo.”
“Pero
yung lalaki, kakilala mo? I mean... magkakilala na ba kayo?”
“Oo.
Bestfriend siya ng ex ko, yun nga ang masaklap eh.”
“Oh
my... hirap nga niya.”
“Sobra.”
"Daig mo pa pala ang nasa telenobela."
"Exactly."
“Pero
sa tingin ko dapat hindi mo siya hiniwalayan. Dapat ipinaglaban mo.”
“May
sakit kasi si papa at makakasama sa kanya ang labis na galit at problema kaya
iniiwasan kong magpasaway.”
“Ah...
malala nga yan. Pero dun sa guy, dapat kinakausap mo siya, kasi naman mahirap
din sa kanya.”
“Haixt.
Humahanap pa ako ng tiyempo. Pero hindi ko magawa."
"Di ka ba mag effort na balikan siya?"
"Im trapped with this situation."
"Pero dapat nagbigay ka ng warning dun sa guys... Masakit yun.. nagmukha siyang tanga."
"Alam ko... pero umaasa pa rin ako na magiging kami...."
"Ano bang ginawa mo sa kanya?"
"Ilan beses ko siyang pinagtabuyan...."
"Dapat hindi mo ginawa yun."
"Pero kailangan...."
"Para sa akin hindi dapat."
"aLam ko..."
"Hay hirap nan."
"Oo nga eh. At isa pa. Nabalitaan ko kasi talaga na mayroon na siya na bagong boyfriend kaya
masakit.”
“Tanggapin
mo kasi nangyari na eh.”
“ikaw
ba? Anong nangyari sa inyo nung ex mo? Bakit kayo nagkahiwalay.”
“Kasi...
hindi naman talaga kami maghihiwalay kung hindi nangyari yun.”
“Bakit
ano ba ang nangyari?”
“Kasi
iniwan niya ako... hinayaang mamuhay mag-isa... kasi pa...” at biglang nagring
yung cellphone ko.
“Sorry sagutin ko lang to.” Sabi ko.
Ano kaya ang nasa utak ni Kieth at napatawag to. -_-
“Hello...
napatawag ka?”
“I
miss you babe.” Sabi niya
“Umayos
ka nga nakakdiri ah.”
Napatingin ako kay Ranz kaya hininaan ko boses ko
nakakahiya.
Ang alakas pala sobra nung boses ko. Nakakahiya. O///O
“Sus
kinilig ka naman. Saan ka?”
“Sa
bahay ng classmate ko.”
“Teka
anong ginagawa mo dyan? Wag mong sabihing nakikipag ano ka... Alam mong akina ka kaya wag kang maging two timer jan.”
“Hoy
kurimaw gusto mong mabugbog? Kung anu-ano yang sinasabi mo eh. Ang kapal ng mukha mo na sabihin yan. Mahiya ka nga sa balat mo! Ano bang
kailngan mo?!”
“Gawin
mo assignment ko ha, sinend ko na sa fb. Thanks. Love you.” At ibinaba niya
yung phone.
Grabe
talaga, ang sama ng ugali nito. Akala ko ba okay na tapos ganun. Grabe talaga
yun makakarma din yun.
Assignment? Makapang bully talaga eh.
Sana mabilaukan siya. Kainis.
Bumalik
na ako sa pagkakaupo at binuksan yung fb ko. May wi-fi naman kaya nakakapag net
ako.
Biglang nagtanongsi Ranz. “Sino yun?”
“Ah
wala, asungot.”
“Boyfriend
mo?”
“Ah
eh... not really... ewan.. magulo.”
“So
may boyfriend ka?”
“Ewan.
Basta mahabang kwento.”
“Ang
swerte mo naman.”
“Sus
hindi ah. Lagi akong kinakawawa nung mokong na yun. Kung laitin ako ng panget
wagas. Tapos kung anu-ano pinag gagawa sa akin.”
“Dapat
hindi ka pumapayag na ganunin ka.”
“Aba
hindi talaga, lumalaban ako.”
“Hahaha.
Pero alam mo mas magugustuhan ka niya kapag nag-ayos ka.”
“Kasi
naman...”
“Walang
kasi kasi. Naku time na para mag ayos ka. Kapag nag-ayos ka tingin ko mas
maugutsuhan ka niya, mabibighani siya sayo.”
Hindi
ko naman kailangan mag-ayos eh. Haixt.
Ipinagpatuloy na lang namin yung
ginagawa namin.
Pinagpuyatan din namin yun at nakatulog ng mag-a-ala una na ng
umaga.
Natapos namin lahat, konting edit na lang bukas.
Kinabukasan
nagising kami sa katok.
“Sir, kakain na daw po.” Sabi nito
Bumangon
kami pareho.
Nagunat-unat ako at naghilamos.
Siyempre tinanggal ko lahat ng
nakapasak sa akin.
Nagulat na lang ako nang pumasok si Ranz sa banyo. Oh my.
Kinuha
ko lahat ng gamit ko at tinakpan ang mukha ko.
Hala ka, baka makita niya.
Agad
akong lumabas ng banyo at isinuot lahat ng nakapasak sa bibig ko.
“Okay ka
lang?” sabi niya
“Ah
oo... tara na...” sabi ko.
Bumaba na kami at naabutan namin yung papa niya at
mama niya.
Di
ko maiwasan ang tumitig sa papa niya.
May kakaiba akong naramdaman sa kanya.
Feeling ko kilala ko siya.
Feeling ko nakita ko na siya dati.
“Good
morning po...” bati ko.
“Good
morning din iho. Kamusta yung ginagawa ninyo na project?” tanong ng papa niya
“Okay
naman po.” Sagot ko.
“Anak,
dito ba kayo magtatanghalian?” tanong nung mama niya
“Opo
mama.”
“Nakakahiya
naman po.” Sabi ko.
“Hindi
yan anak. Masaya kami at mayroong nakakasama ang anak namin.” Sabi ni tita.
“Feel
at home.” Sabi ni tito.
Feeling
ko hindi close si tito at si Ranz.
Madalas kasing isnabin ni Ranz si tito eh.
Alam ko naman na nagtatampo lang siya sa papa niya.
Kinahapunan
umuwi na ako, tumanggi akong ihatid pero hindi sila pumayag.
Yung papa niya ang
naghatid sa akin, aalis din kasi yung papa niya kaya isinabay na ako.
“Iho
san ka ba?”
“Dun
lang po sa may Akasya.” Sabi ko.
“Ah...
sige...” sabi nito.
“Ah
dito na lang po...” sabi ko.
“Ayan
na bang bahay ninyo?”
“Opo
tito... maliit lang po.” Sabi ko
Ngumiti
lang siya. Natanaw ko na lumabas si mama.
“Ah... si mama po pala.” Sabi ko.
Tumingin
si tito sa may gate at agad siyang bumaba.
Nakita ko yung reaction ni mama at
nakita ko na parang natigilan silang dalawa.
“ma?” awat ko sa kanila.
[RD’s
POV]
Kasama
ko ngayon si Arjay.
Badtrip na naman siya dahil sa papa niya. Haixt. Lagi
naman.
“Ano, di ba talaga tutuwid yang sambakol mong mukha?” tanong ko.
“Si
papa kasi.”
“Kamusta
pala yung research ninyo?” tanong ko.
“Okay
naman. Alam mo ang bait bait niya. Ang sarap magkaroon ng kapatid na tulad niya. Sana nga
makilala ko siya eh.”
“Aysus.
Mamaya naman di naman mabait siya.”
“Kapag
nakilala mo siya matutuwa ka. Hayaan mo ipapakilala ko siya soon.”
“Kayo
ba ni Kieth?”
“Paanong
kami ni Kieth?”
“Kamusta
na kayo?”
“Ganun
pa din.”
“Alam
mo ang suplado na nun.”
“Paanong
di magsusuplado yun... tayo na diba?”
“Hay
naku Ranz Joseph Bautista, masasanay din tayo.”
“Alam
ko. Simula nang ipagkasundo tayo nila papa alam na natin mga consequences.”
“Pero
nakilala mo na ba yung bago niya?”
“Nope.
Pero sana wag na, baka di ko makaya. Feeling ko there’s something sa taong yun
kung bakit naging interesado si Kieth.”
“Sa
supladong si Kieth, di ko maimagine na ganun na lang kadali sa kanya na
magkagusto.” Sabi ko.
“Haixt.
Ang masakit lang ay yung makita sila na okay sila. Makita na nagmamahalan sila.
Di ko ata kayang makitang may ibang minamahal si Kieth. Ang sakit, ang
sakit-sakit.” Nakita ko na tumulo ang luha niya.
"Baka naman pinagseselos ka niya."
"sana nga." pero di ko mapigilang mapaluha
“Hey
tahan na. Wala naman tayong magagawa diba?”
“Naawa
na ako sa sarili ko... pati sayo... kasalanan ko lahat ng ito.”
“Hay
naku, wala namang magagawa kung sisishin mo ang sarili mo. Nangyari na ang
lahat kaya cheer up na.”
“Haixt.
Alam mo ba nung nabalitaan ko ang nangyari sa kanya, di ko maiwasan ang
maguilty. I made his life miserable.”
“Pero
sa nakikita ko okay na naman siya eh.”
“Dahil
dun sa bago niya?”
“Tingin
ko. Nakita ko na masaya siya, nakangiti at sayang-saya sa kanya.”
“Ouch.”
“Pero
parang kilala ko yung guy. Parang nakita ko na siya dati eh.”
“Baka
naman kilala mo na siya dati pa.”
“Teka...
di ko matandaan eh. Some other time tanungin ko yun.”
“Buti
nagkakausap kayo.”
“Bihira
na din. Si Kieth seloso.”
“Haixt.
Ipinagpalit na talaga niya ako.”
“Pero
mukhang mahal ka pa rin niya eh.”
“Paano
mo nasabi?”
“Feeling
ko lang.... alam mo naman yun, seryoso sa lahat ng bagay. ikaw ata nakapag
pabigay sa kanya.”
“Loko
ka.... sana nga... pero..”
“Pero
ano?”
“Unfair
naman dun sa guy.”
“Ay
ewan.”
“Birthday
na ni Jake sa ikalawang linggo ah?”
“Oo
nga eh.”
“Invited
ba tayo?” tanong niya
“Yup.
Tinawagan niya ako. May invitation daw siya.”
“Naks
naman. Ay got to go na pala.”
"Saan ka pupunta?"
"May aasikasuhin lang ako."
"Ano naman yun?"
"Wala."
"Naglilihim ka na sa asawa mo ah."
"What the..."
"Joke lang..."
"Siya siya alis na ako."
“Ah
sige. Ingat”
At
umalis siya.
Dumeretso ako sa may cafeteria at nakita ko doon si Alex. Hmmpft.
Pumunta
ako sa kanya at tumabi. Wala naman siyang kasama eh.
“Nag-iisa
ka ata Mr. Lover Boy.” Sabi ko.
“Yup.
Vacant ko kasi, si Kieth naman hindi nagtetext.” Sagot niya
“Ah
mamaya makita niya tayo at bugbugin ako nun.” Biro ko.
“Bakit
naman kasi sa hinagilap ng mundo eh inagaw mo sa kanya yung Arjay niya?” sabi
niya habang itinutuloy ang pagkain.
“Change
topic na nga...”
“Sus
lumulusot ka pa eh.”
Natawa
naman ako dun.
He reminds me of something, yung gwapo kong classmate nung
elementary.
Actually bestfriend ko siya.
Nagkahiwalay kami noon nung lumipat siya ng school.
I
already forgotten his name. Sayang gusto ko pa naman siya.
Pero that was in
elementary days. To think of it, he was very special to me, siya kasi ang
nagtatanggol sa akin.
I’m
so fat and ugly back then at siya lang ang tanging savior ko.
Ang cheesy at
ang girly ng kwento pero the bottomline is, I like him. That was the first time
I realize na bisexual ako.
Nagkagirlfriend
naman ako pero sadyang ganito eh.
Kaya pinangatawanan ko na at inamin sa
magulang ko.
Wala na naman silang magagawa, palayasin man nila ako, sila din
ang mawawalan, solong anak ako eh.
“Hoy
natulala ka jan.” Sabi nya sa akin.
“May
gagawin ka ba sa Saturday?” tanong ko.
“Wala
naman, bakit?”
“Gala
tayo. Treat ko.”
“Ah
eh teka, hindi ba magaglit sila...”
“I
don’t care, basta gala tayo... hihintayin kita.”
Kinuha ko yung notebook niya
at isinulat ang number ko.
“Aantayin
kita. Sige bye.” Sabi ko at umalis na ako.
[Alex’s
POV]
Gulong-gulo
ako sa mga nangyayari, magkakilala pala si mama at ang papa ni Ranz.
Nakita ko
kung paano matigilan silang dalawa, para bang kay tagal na nilang naghahanapan.
“Ma...
papa pala nung classmate ko... tito mama ko po...” pakilala ko sa isa’t-isa.
“Siya...
siya ba?” sabi ni tito.
“Anak
pumasok ka sa loob.”
“Pero
ma...”
“Isa...
sabi ko pumasok ka sa loob!” ngayon ko lang nakitang nagalit si mama ng ganito.
Agad
naman akong pumasok sa loob pero sumilip pa rin ako.
Hindi ko maiwasan ang
macurious sa nangyayari.
Nakarinig na lang ako ng sigawan sa labas at nang
sumunod na sandali ay umiiyak na si mama.
(Itutuloy)
BITIN,,
ReplyDeletekung pede lang kada update tatlo ang chapter just to satisfy..hahah
-dino
hahahha. possible sana siya kaso busy eh.. kapag natapos ko na yung story.. baka mapadalas update. :)
DeleteAng ganda ng flow ng story :))
ReplyDeleteAlthough nkkbitin sya,
Can't for the next update.
Sna maipost n agad.
Nsa anong chapter k n po ba idol?
- pat :))
hahahha. salamat po... sorry kung bitin.. masanay na kayo. hahah joke...
Deleteim in 30+ chapter... hahahah
Haixt salamuch may update na, at buti natupad na rin yung flashback pero wala yung kung ano nanyari sa kanila,
ReplyDeleteabout naman sa parents ni alex at rj may nakaraan ba sila o di kayay magkapatid sila sa ama haixt,
exciting na talaga to
abanagan natin kung ano ba talaga ang relasyon nila... hahahahah
Deletedont tel me si ranz at si alex ay magkapatid at mgkaribal..
ReplyDeleteuhm... tune in [p for more updates. hahaha
DeleteHala.sabi ko na e.Half Brothers sina arjay at alex :)) Exciting! Tapos magkakakonekya ang buhay nila Ganda talaga ng story :""> Sana mas madalas ang update :)
ReplyDeletesalamat po. :) abangan po kung ano ang tunay na relasyon ni Alex kay Arjay
DeleteTeka, bat parang nagski-skip ka ng mga ending ng chapters.
ReplyDeleteAnu nangyari dun sa letter ni Blake?
hahahah.. hindi po ako nagskip.... lahat ng yan ay may magandang part na dapat paglagyan... abangan lang po. :)
DeleteAy ganun?
DeleteStyle... Oki!
hehehe. opo.. :)
DeleteMagkapatid c RD at Alex sa ama? Exciting ang next chapter magkkaalaman na... Kelan kaya mabubuko c Alex sa disguise nya? Abangan... Tnx kyle
ReplyDeleteRandzmesia
sabay-sabay po nating hintayin ang mga mangyayari. :))
DeleteI like this story. I just found myself eagerly waiting for updates. hehehe. Great work!
ReplyDeletesalamat po ng marami.. nakaka flater naman po. :))
Deletemaganda ang twist ng story,, kaabang abang talaga mga gawa mo idol kyle,,
ReplyDeletemay mga fault ako napansin pero pm ko na lang sa FB mo.. :D
keep it up idol kyle wating for the next chapter.. :))
-mans-
sorry po ha.. minsan kasi nag ad lib ako... hahahahha salamat po sa comment. opo antayin ko po. :)
Delete