Sunday, July 7, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 3




318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel


Authors Note:


Anneong everyone! Chapter 3 na oh! Woot woot! XD


Guys, first of all, I just want to say sorry for the late update. Super naging busy lang po talaga dahil sa presentation namin sa school kaya churi na.


Second, I just want to say thank you very much sa lahat ng sumusuporta sa akin at sa mga works ko, lahat kayo guys inspirasyon ko sa paggawa ng mga akda ko.


Third and the last, sana po ay suportahan nyo din po ang another work if mine, ang “Ang Valedictorian ng Puso Ko.”  Na ire-release ko po kapag naka-kalahati na ako dito sa MSATL para hindi po masyadong hassle.


Salamat muli guys! Lavyah all! :*



PS: Paadd po ahaha! XD (nielisyours@yahoo.com.ph) Salamuch! :*

-nieL

Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.

Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:

Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)



Chapter 3:


Xander’s Point of View:


Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko ay tumama sa mukha ko ang taas sikat ng araw na nagmumula sa binatana ng kwarto ni Colby. Tinignan ko ang sarili at ang katabi ko, si bes. Kapwa kami walang kahit anong saplot sa aming katawan. Kagabi pala ay may nangyari sa amin ni bes. Hindi ko alam kung ano pang ibang dahilan kung bakit ko siya niyaya na makipagtalik sa akin – ang tanging nasa isip at puso ko lang kasi ay nasasabik ako sa kanya at mahal ko siya.


Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Hindi naman ako bakla ngunit bakit bigla na lang tumibok ang puso ko para sa bestfriend ko. Noong una ay paghanga lang to, dahil nga sa kahit anong panglalait sa kanya at kahit anong galit sa kanya ng mga nagkakagusto sa akin noong high school ay dedma lang sya at hindi niya pinakitang naapektuhan siya dahil hindi naman talaga. Ngunit, sa pinapakita niyang tatag sa lahat ng sakit na nararamdaman dulot ng ginawa ng gagong Tristan na yun at sweetness niya sa akin mas lalo akong tinatamaan sa kanya. Masaya? Inspired? Yes, pero sa tuwing iniisip ko na mag bestfriend kami at may mga bagay na maaring ma-risk kapag pinagpatuloy ko at pinaglaban ang nararamdaman ko sa kanya, nasasaktan ako. Haiiissst! Pag-ibig nga naman. Totoo nga pala ang sinasabi nila na love has no limit. Proven na sa nararamdaman ko kay Colby, hindi ko naman kasi inaakala na magkakaroon ako ng mas malalim na nararamdaman sa kanya sa kabila ng relasyon namin bilang mag-bestfriend at parehas kami ng kasarian.


Teka? Bakla na ba talaga ako? Bakla na bang maituturing kapag nagmamahal ka ng isang lalaki? Hayst! Ayaw kong maging bakla. Pero, hindi ko din mapigilan ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko.


“Bes..” Sambit ni Colby habang nagmumuni-muni ako. Haysst! Napaka-cute nya talaga. Hindi ko alam kay Colby kung bakit wala siyang self confidence, but he is adorable actually. Masyado nya lang binababa ang sarili niya.


“Uhm bes? Good Morning!” tugon ko sabay bitaw ng isang ngiti.


“Good Morning din bes..” Pagbati niya. “Anong oras na bes?” Tanong niya habang kumukusot ng mata! Shit! Bakit ba ako tinatamaan kay Colby! He’s very cute while doing that thing!


“8 o’clock in the morning sir..” Sabi ko habang sumasaludo pa.


“Hahaha! Panget mo!” Pang-aasar niya.


“Hoy! Mr. Jake Colby Rivera. Sa tanang buhay ko ikaw lang ang nakapagsabi sa akin niyan. You stained my image! Bawiin mo yan! Haha!” Pang-aasar ko sa kanya.


“Hahaha!” Tawanan namin.


Tahimik.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat  ba naming pagusapan ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na kaya ko nagawa yun dahil nadala ako ng emosyon ko at hindi ng libog lamang, yeah may kasamang libog ngunit nangingibabawa ang pananabik at pagmamahal ko sa kanya.


Inuusig na tuloy ako ng konsensya ko. Hindi naman dapat pagtatalik ang paraan upang ma-express ko sa kanya ang pagmamahal ko e, dapat sinabi ko na lang. But, I don’t have enough strength to do that dahil natatakot ako na baka hindi niya naman ako mahal o mahalin. At natatakot ako na masira kung anong meron kami kaya hanggat maari gusto kong magpigil, ngunit sa nangyari kagabi? Hindi ko nagawa. Ang tanga ko! :’(


Ngayon hindi ko alam kung iiwas siya sa akin, ayokong isipin niya na ginawa ko lang iyon dahil “trip” ko lang o ginawa ko lang siyang “parausan ng libog” ngunit, takot ako na umamin sa kanya.
Umalis kami ni Colby ng bahay nila ng mga alas-11 ng tanghali. Doon na rin ako nag-lunch dahil naghanda naman si manang ng lunch para sa amin ni Colby. Umalis na kasi si tita at ang mga kapatid ni Colby at kami na lang ang naiwan.


May napansin akong kakaiba kay Colby, parang iwas na ito makipag-eye to eye sa akin? Dati kasi kapag napagtripan namin lalong lalo na kapag kumakain kami ay nakikipagkulit ito sa akin, at madalas kaming mag eye-to-eye, yun bang larong titigan? Ganun. Napansin ko din na tahimik lang itong kumakain na lubhang nakapagpanibago sa akin. May kinalaman ba ang nangyari kagabi? Sinasabi ko na nga e. Sana ay hindi naman siya umiwas sa akin. Hindi ko kaya…


Hanggang sa pagsakay namin sa bus at jeep ay wala pa ring imik si bes at nakatingin lang ito sa bintana. Hindi naman sya mukhang malungkot, mukha lang maraming bumabagabag sa isipan niya. Sana naman ay hindi ang nangyari kagabi, pero imposible, alam ko na may kinalaman ako sa iniisip niya sa ngayon.


“Bes? Okay ka lang?” Alala kong tugon.


“Ahh.. Ehh.. Oo bes, iniisip ko lang yung assignment ko sa statistics. Hindi ko pa kasi nagagawa e.” Sabi niya. Nagulat naman ako dahil todo bonding pa kami kagabi e may problema pa pala sya sa assignment nya.


“Haahhh?! Bat hindi mo sinabi bes?” Gulat na sabi ko sa kanya.


“Ahhh.. Ehh.. Hi-hindi k-ko kasi nakopya e..” Sabi nya na uutal-utal. Sa aking palagay naman ay dahilan nya lang yun at malakas ang pakiramdam ko na hindi iyon ang iniisip niya.


“Okay bes.. basta if you need any help.. nandito lang ako..” Sincere na sabi ko sa kanya.


“Salamat..” Cold na sabi niya sabay baling muli ng tingin sa bintana ng bus.
Alas-12 ng dumating kami ni Colby sa school.


“Bes? Ahh.. uhmm…?” Sabi niya na parang nagaalinlangan pa.


“Uhmm? Bakit bes?”


“Ahhh kasi.. ano..”


“Ano yun bes?”


“Ahhh.. Ehh.. Wala, sige pasok ka na..” Sabi niya na mistulang nagaalangan.


“Ahh sige..” Nasabi ko na lang sa kanya sabay talikod.


Napahinto ako saglit.


Lumingon ako sa kanya.


Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Bakit ba ganito akong kabaliw sayo Colby? Yun bang parang ayaw ko nang mawalay sa kanya?! Ganun akong kasabik na makasama siya lagi.


Napansin ko namang huminto din siya ngunit makalipas ang ilang saglit ay kumaripas naman ito agad ng takbo palayo..

Isang oras pa bago ang unang klase namin kaya naman pumunta muna ako sa cafeteria upang tumambay. Magisa lang ako doon dahil nga wala pa naman akong masyadong ka-close sa room except na lang kay Trina na katabi ko tuwing physics ang subject namin.


Mabait naman si Trina, ngunit minsan ay parang hindi ko na ito matantsa. Minsan kasi ay parang beyond the limits na ang mga tanong nya sa akin tulad ng kung sino ba ang girlfriend ko ngayon, kung ano daw ba ang mga type ko sa isang babae, kung may mga karanasan na daw ba ako sa pakikipagtalik. Kung hindi lang sana ako inlove kay bes at ma-attract ako kay Trina dahil maganda naman siya at sexy, ngunit sa mga pananalita nya at galaw ay napakalaking turn-off nun sa isang lalaki.


Sa tuwing nagtatanong naman sya ay tinatawanan ko lang ito. Parang wala naman kasi sa lugar e. Hindi naman sa nagpapaka-conservative ako ngunit parang masagwa naman sa babae kung sya pa ang nagtatanong sa lalaki ng mga ganung bagay.


Hindi naman sa pagmamayabang ngunit naging maingay na din ang pangalan ko sa classroom namin. Oo, aaminin ko naman na may itsura ako dahil nga may lahing Australian si mama, at doon ko nakuha ang aking kinis at kaputian ng aking kutis. Ngunit, hindi ko naman binigyan ng pansin ang mga bulungbulungan at ang mga praise na yun, ayoko lang kasi makarinig ng mga sabi sabi sa mga classmates ko.
So, balik tayo kay Trina, and speaking of Trina..


“Hi Tristan..” Magiliw at may pilantik na sabi ni Trina.


“Uhm..” Gulat kong sagot. “Kamusta Trina?” Malugod kong sabi.


“I’m okay. How about you?” Sabi niya. Napansin ko naman na may kasama itong barkada sa di kalayuan. Natanaw ko ang mga kabarkada niya na classmate ko rin na pinagmamasdan at pinagtatawanan si Trina sa ginagawa niya. Hindi ko lang sigurado ngunit nakakaramdam ako ng mali.


“Kaano-ano mo yung guy na naghahanap sayo nung nakaraang araw?” Tanong niya sabay harap sa akin. Nagtaka naman ako, sino yung tinutukoy niya?


“Huh? Lalaki? Sinong lalaki?” Nagtataka kong tanong.


“He was looking for you e, accountancy ata ang course nun e. I saw him with a cute guy dati..” Sabi niya. “I 
think he’s a gay. No he’s a faggot rather haha.” Pangaasar ni Trina sabay tawa. Namintig naman ang tenga ko sa narinig. Tanggap ko pa sana kung tawagan nya ng gay si Colby pero kung faggot?!


“Excuse me?! Kilala mo ba kung sino ang sinasabihan mo ng faggot?!” Sabi ko sa kanya ng may pagtataas ng boses.


“Oooopppss.. Na-upset ba kita? I’m sorry Xander..” Sabi nya ng parang nangaasar pa.


“Bestfriend ko yung tao at ayokong sinasabihan sya ng ganun okay?” Sabi ko sa kanya sa mahinahon na paraan.


“Okay..okay.. Nandito lang naman ako to ask you if pwede ako na lang partner mo sa gagawin na’ting play sa Literature e.” Sabi niya sa akin.


“Ahhh.. Ehh.. Sure, yun lang pala e.”Malugod kong sabi. Pero ang totoo gustong-gusto kong magalit sa kanya sa panglalait sa bestfriend ko.


“Salamat Xander. Oh paano ba yan? Una na ako ah?” Sabi nya sabay bitaw ng isang nakakalokong ngiti.


“Sure..” Sabi ko. Nilapit naman niya ang kanyang bibig sa aking tenga.


“Mag-iingat ka sa bestfriend mo ah? Baka bestfriend with benefits ang peg nyan?! Sayang naman ang itsura mo kung sya lang din naman ang makikinabang sayo..” Bulong nya sa akin. “Babye!” Dagdag nya pa.


Gustong-gusto ko siyang awayin. Kung hindi lang sana siya babae. Ayoko ng ginaganun si bes, dahil bestfriend ko ito.. at mahal ko ito. Ayoko ng may naririnig sa mga tao sa paligid ko na bash tungkol sa kanya lalong-lalo na kapag wala itong katotohanan. Nasasaktan ako ng doble dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit may mga taong nagagalit at naiinis sa kanya.


Tumayo na si Trina at lumapit na sa mga barkada nya. Napansin ko naman na nagtatawanan sila. Hindi ko sigurado kung tama ba ang hinala ko na ako nga ang pakay nila, ngunit malakas ang kutob ko na ako nga ang pakay ni Trina, at ginamit pang panakot sa akin si bes.


Hindi ko na lang ito binigyang pansin pa..


Dalawa lang ang subject namin ngayon, gayundin sa schedule nila bes. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng discreet mathematics namin ay pumunta ako sa room nila bes


“Excuse me, nandyan po ba si Colby?” Tanong ko sa isang babae na nakatalikod.


“Oh Xander?” Gulat na sabi ni Nerrisse. “Si Colby ba kamo?”


“Oo, ahhh.. ehh.. nasaan pala siya?” Tanong ko kay Nerrisse.


“Ahhh, nasa baba ah? Hinahantay ka daw..” Sabi ni Nerrisse.


Agad naman akong bumaba ng ground floor upang i-check kung nandoon nga si Colby, ngunit noong chineck ko ang benches ay tanging mga grupo ng mga estudyante lang ang nandoon at wala akong nakita ni anino ni Colby.


Sinubukan ko syang hanapin sa buong ground floor, sa gymnasium ng university, sa mga floors ng university, sa mga lobby ngunit hindi ko sya nakita. Sinubukan ko ding tumawag sa kanya ngunit nakapatay naman ang cp nya. Sinasabi ko na nga ba e, umiiwas si bes dahil sa nangyari sa amin kagabi. Sinasabi ko na nga ba na makakaramdam sya ng pagkailang. Wag naman bes, hindi ko kakayanin kapag umiwas ka.. :’(


Hapong-hapo akong bumalik sa mga bench sa ground floor dahil sa paghahanap kay bes. Hanggang sa may isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod ko. “Bes..”


“Bes??!” Gulat kong sabi. Si Colby, na may hawak hawak na plastic ng softdrinks at may nakasalpak na earphone sa tenga.


“Oh ehh bat gulat na gulat ka? Alam kong mukha akong multo pero hindi ako multo para katakutan mo bes.” 
Pagbibiro nya sabay ngisi.


“Para kasing nakakatawa e..” Sabi ko sa kanya sabay talikod palabas ng gate.


“Bes!! Bess!!” Pagtawag nya sa akin, hindi ko na lang ito pinansin.


Mabilis akong naglalakad palabas ng university. Nakasimangot akong naglalakad. Nakakapag-biro pa sya ng ganun? E halos mahilo na nga ako kakahanap sa kanya dahil hindi ko sya makita. I know, napapraning lang din ako dahil baka nga umiiwas sya dahil sa nangyari sa amin kagabi ngunit nagalala lang din naman ako. Halos may labin-limang minuto ko din kasi siyang hinanap.


“Bessss!” Sigaw ni Colby na hinahabol ako. Mabilis pa din akong naglalakad hanggang sa maaabot nya at mahawakan nya ang kamay ko. “Bes.. Saglit nga bes?! Ano bang problema mo?!” Pasigaw nyang sabi.


“Saan ka ba kasi nagpupunta?!”


“May binili lang naman ako at nakipagkwentuhan saglit kay Rizza? Ano bang problema dun bes?!”


“Hinanap lang naman kasi kita sa buong campus.. Hindi naman kasi ako nagalala..” Sarkastiko kong sabi sabay lakad muli papunta sa sakayan ng bus.


“Besssss!”Pagsigaw ni Colby ngunit hindi ko pa rin ito pinansin.


Hanggang sa makapasok ako sa loob ng bus ay hindi ko pa rin sya pinansin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil hapong-hapo sya noong tumabi sa akin sa loob ng bus.


“Sorry na bes. Hindi ko naman sinasadya na magaalala ka..” Hingal nyang sabi sa akin.


Imbis na kausapin ko si bes dahil sa sobrang awa ko ay niyakap ko ito ng mahigpit. Sobrang higpit. Damang dama ko ang init ng kanyang katawan at bilis ng pagtibok ng kanyang puso gaya ng sa akin.
Nakaramdam naman ako ng pagkakonsensya dahil kung tutuusin ay wala naman talaga syang kasalanan. Masyado lang kasi akong napraning na umiwas sya at masyado din akong nagalala. 


“Bes, sorry din. Nagaalala lang talaga ko..” Sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.


“Sorry din bes..  Kung pinagalala kita.. “


“Wala yun bes.. Masyado lang talaga akong paranoid.” Sabi ko sa kanya.
Ngunit laking gulat ko ng bigla syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. Ngumit siya. Mabilis nyang inilapat ng madiin ang kanyang labi sa aking labi. Hinalikan nya ako. Nataranta ako. Natulala at tila hindi makakilos dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko.


“Huy!” Pagising ni Colby sa diwa ko. Natameme pala ako dahil sa ginawa niya. “Nangyari sayo?!” Matawa-tawa nyang tanong.


“Ahh.. Ehh.. Bakit mo ko hinalikan bes?” Mahinang tanong ko sa kanya. Baka kasi may makarinig, nasa public place pa naman kami.


“Pangbawi ko lang bes. Saka masaya ako dahil nakapagpatawaran na tayo. Bakit? Unusual ba to?” Tanong nya. Para naman akong binatukan sa tinanong nya. Oo nga pala, usual na pala sa aming mag-bestfriend ang halikan ang isa’t isa ngunit smack lang huh? Once pa lang namin nagagawa ang torrid, kagabi.


“Ahhh ganun ba?” Malungkot kong tugon.


Tahimik kaming nakasakay sa bus. Maya maya ay bumuhos ang malakas na ulan habang nasa bus kami. Wala pa naman akong dalang payong, at malayo layo pa ang byahe namin.


“Bes? May payong ka dyan? Ang lakas ng ulan oh?” Pagtatanong ko kay Colby.


“Nakalimutan ko nga magdala bes eh. Nakaka-asar. Baka magpasundo na lang ako kay ate mamaya sa sakayan ng jeep. Pero, eh paano ka?” Pagtanong nya sa akin.


“Ahhh. Ehh.. May payong ako hehe.” Pagsisinungaling ko sa kanya.




“Patingin nga ng bag mo?” Pagaalinlangan ni Colby.


“Wag! Meron nga kasi bes..” Sabi ko sabay yakap sa bag ko.


“Maniwala. Patingin muna ako.” Pangungulit nya.


“Meron nga kasi ako dito.”


“Isa..” Pananakot nya.


“Dalawa.” Pamimilosopo ko.


“Tatlo. Wag mo kong intaying makalima!”


“Apat!”


Hindi na sya kumibo at tumingin na lang  sya sa bintana. Buti na lamang at iilan na lamang ang tao sa bus dahil kung titignan mo kaming magharutan kanina ay iisipin mo talagang mag-jowa kami. Kinalabit ko si bes ngunit hindi ako nito pinansin. Nilambing ko ito ngunit hindi ito nagpatinag. “Oh sya wala nga akong payong, pero ayos lang. Makakauwi naman ako e.” Pagamin ko sa kanya.


“Tignan mo. E paano kapag nagkasakit ka? Sakitin ka pa namang buang ka?! Ipapahatid na kita kay Ate Grace..” Pagaalala nya. Ang sarap pala sa feeling kapag nagaalala sayo ang taong mahal mo noh?! Pulang-pula lang ako sa sobrang kilig.


“Bes, alam mo namang malayo ang bahay ko. Nakakahiya kaya. Okay na ako. Magpapatila muna ako.” Sabi ko sa kanya.


“Bahala ka nga..” Pagtatampo nya sabay tingin sa bintana. Nagsalpak sya ng earphone sa kanyang mga tenga.


Tahimik.


“Bes, ano yang pinakikingan mo?” Tanong ko sa kanya. Tinignan lang ako nito sabay irap sa akin.
Walang sabi-sabi kong kinuha ang kaliwang bahagi ng kanyang earphone at sinalpak ito sa kanang tenga ko. Hindi naman sya umangal at hinayaan lang ako sa ginawa ko.


Ikaw Lamang (Silent Sanctuary)


Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Mistula naman akong tinamaan sa bawat salita ng sinasaad ng kanta. Tulad ng sinasabi sa kanta kung saan hinahanap-hanap niya ang kanyang sinisinta at sa bawat oras na magkapiling sila ay ang saya saya nya. Sa bawat kilos naman na ginagawa nya ay laging nasa isip nya at nagiging inspirasyon nya ay ang taong minamahal nya. Parang ako, natuturete ako kapag nandyaan si bes, ang saya saya ko kapag nandyaan sya, nauutal ako sa tuwing lumalalim ang paguusap namin at lagi lang din siyang nasa isip ko sa kahit anong bagay na gawin ko.


Sa parte ni bes, hindi ko alam kung bakit nya iyon pinatugtog. Kilala ko si bes e, may sariling soundtrack yan depende sa kanyang mood. Noon ngang naghiwalay sila ng gagong Tristan ay puro mga pang-broken hearted songs ang pinatutugtog nya. Ngunit, bakit nya naman kaya iyon pinagtutugtog? Inlove kaya si bes? Kung ganun, may kakumpitensya na pala sa ako kanya? Sana naman ay hindi, dahil sa ngayon ay wala pa 
akong sapat na lakas to confess my feelings to him.


“Bes? Bakit mo pinatutugtog yan?” Curious kong tanong sa kanya. “Para kay Tristan?”


“Hala?! Hindi ah?! As if naman. Wala lang, favorite ko lang talaga ang Silent Sanctuary.” Sagot nya.


“Ahhh. Ganun ba?” Reaksyon ko. Syempre natuwa naman ako kung hindi para kay Tristan ang kantang iyon. Ngunit ang tanong sa isip ko ay para kanino naman kaya yung kantang yun?! Hindi kasi ako ganung kakumbinsido na wala lang yun at pinatutugtog nya lang yun dahil paborito nya lang talaga ang singer ng kanta.


“Oo, at bakit mo naman nasabing para kay Tristan? E hindi na nga ako mahal nung tao?”


“Wala lang. Na-curious lang ako.”


“Hahaha! Ikaw talaga bes! Wala lang to. Masama bang makinig sa mga love songs kapag broken hearted?!”


“Hindi naman bes. Na-curious nga lang e. Kulit mo. Haha!”


Tawanan.


Magaalas-5 na noong makababa kami ng bus ni bes. Bahagya namang humina ang ulan ngunit mabigat pa rin ang mga ulap dahilan upang dumilim ang paligid. Mabilis naman kaming naglakad ni bes papunta sa sakayan ng jeep upang hindi na kami abutan pa ng ulan ngunit huli na dahil habang naglalakad kami ay muling bumuhos ang malakas na ulan.


Wala naman kaming dalang payong kaya wala na kaming nagawa kung hindi ang maligo at enjoyin na lang ang ulan. Ngunit, imbis na mainis kami ay napangiti na lang din si bes dahilan na mapangiti ako. Buti na lamang ay iilan lang ang gamit at wala pa akong dalang libro sa araw na iyon kaya naman ayos lang kung mabasa ang bag ko.


Mistula naman kaming mga bata ni bes na basang basa at naliligo sa ulan. Nagbabasaan kami gamit ang mga tulo ng ulan na bumagsak sa aming mga palad at winiwisik namin ito sa isa’t isa. Mistula naman kaming mga baliw dahil sa lakas ng tawanan at paghaharutan namin ni bes.


Umuulan pa rin hanggang sa marating namin ang plaza. May mga benches na ngunit wala naman pwede masilungan. Kaya naman umupo kami ni bes sa mga benches.


“Bes? Natatandaan mo pa ba? Third year high school pa tayo noong huli tayong naligo sa ulan?” Pagpapaalala nya.


“Oo naman bes. Same place din pala. Dito din tayo naabutan nun e. Galit na galit nga sa akin si mama noon kasi pagdating ko sa bahay para akong nag-swimming nang nakauniform sa sobrang pagkabasa..”


“Oo nga e, ako naman nagkasakit ng ilang araw noon.”


“Kaya umabsent ka ng limang araw?” Pagpapaalala ko.


“Oo dahilan upang magtampo ka.”


“E hindi ko naman kasi alam e. Kaya sobra akong nagalala..” Pagpapaalala pa namin sa isa’t isa.


“Hahaha! Nakakatuwa noon bes noh? May bagyo na’t lahat lahat pero tayo hala sige ligo lang. Haha!”


“Hahaha! Oo nga nakakamiss.”


Tahimik.


“Bes? Salamat ah?” Pagbasag nya sa katahimikan.


“Para saan naman bes?” Tanong ko sa kanya.


“Kasi binalikan mo ko. Kahit na na-risk yung honor mo ay bumalik ka pa talaga dito. Hindi ko lang din kasi ma-imagine bes if ever na wala ka dito sa panahong nagago ako ni Tristan. Baka kasi nagpakamatay na ako bes. Buti na lang at nandyan ka. At napaka-thankful ko kasi never mo akong iniwan, never mo akong pinabayaan. Kaya sobrang salamat..” Sabi nya sa akin.







"Syempre bes, mahal kita e..”






-          I T U T U L O Y



-          How about this chapter guys? ^_^ Sorry kung maikli guys ah? Need ko lang kayong bitinin sa part nay an ^_^ hihi!

No comments:

Post a Comment