Saturday, September 14, 2013

Less Than Three- Part 24

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 24

(When I look to the sky)



[Alex’s POV]


“Kumain na ba ang mahal ko?” tanong ni Kieth sa akin.


“Yup. Medyo madami na kinain ko para naman makakapagtelebabad tayo.”


“aysus. Mamaya niyang tumaba ka na ng sobra ha. Teka, Eh mapupuyat ka niyan eh. Hindi ba abala yan sayo?” Sabi niya


“Okay lang ako at isa pa wag kang mag-alala sa akin, diba nga nocturnal na ako. Kung diyan ay umaga, sa akin umaga ang gabi dito. Sa umaga ako natutulog at sa gabi gising naman ako.”


“Di mo naman kailangang gawin yan eh. Ako ang mag-aadjust kaya dapat natutulog ka kapag gabi at gising ka kapag umaga.”


“Babe, listen up. Gusto kong gawin to at wag ka na ngang kumontra. Kala mo ah. Mamaya may pinagkakaabalahan ka jan kaya ayaw mo akong gising. Kaya siguro gusto mo na akong tulog.”


“Aysus ayan  ka na naman sa selos mo. Nako nako.” Sabi niya


“Pero kung aalis ka man, sabihin mo lang, saka ako tutulog. You should enjoy your stay  jan at hindi laging ako ang iniisip at inaalala mo. Habang nanjan ka, mag gala-gala ka, let yourself enjoy for a while.”


“Mas gusto kong mag gala kapag kasama ka. Pero somehow, maybe sometime mag gagala ako. Babe, alam mo ba, ang lungkot dito, wala ang mahal ko. Nag-aalala pa man din ako kasi baka nanlalalaki ka na jan.”


“Teka lang lalaki ha, at ako pa talaga? Di ako tulad ng iba Kieth Jerickson Lee. Nakow mag tigil ka nga. Oo nga pala maiba tayo, Kamusta pala si papa?” tanong ko.


“Ayon, 3 days before Christmas, saka daw mag undergo ng operation si papa.”


“I will pray for him.” 


Pero nakita ko sa monitor ang pagkalungkot sa kanyang mukha.


“Oh bakit ka malungkot?” tanong ko.


“Eh di kita makakasama sa pasko. Baka nga di pa ako makauwi jan agad eh. Baka sa new year di rin kita makakasama.”


“Wala naman tayong magagawa eh. Pero I will spend my Christmas with you. Mag skype tayo sa pasko at dapat gising tayo pareho.”


“Oo naman. Para sa mahal ko mumulat talaga ako.”


“Haixt. Pero sa bagong taon… di kita makakasama.”


“Edi ganun lang din. Oh diba parang magkasama lang din tayo?”


“Di ako makakapagpaputok…”


“Bawal ba jan mga paputok? Bumili ka na lang jan. sabihin mo kila mama.”


“I mean di ako makakapagpaputok kasama ka.”


“Edi nakaskype pa rin tayo. Doon ako sa terrace namin at ipapakita ko yung putukan dito sa Pilipinas.”


“Iba ang ibig sabihin ko. Bakit ang slow mo?”


"Ha?"


"Nevermind..."


At bigla ko namang na gets ang sinasabi niya. Napaka green talaga ng lalaking ito.


“Hoy ha. Mga iniiisp mo. Di ka pa rin nagbabago. Shabu pa?”


“Haixt. Kapag talaga nagkita tayo, I will make the moves.”


“Ang dami mong alam.”


“Babe.. c2c tayo.”


“Ano yun?”


“Cam to cam…”


“Eto na ginagawa natin ah.”


“I mean ganito…” 


At sa kalokohan niya ay bigla siyang naghubad ng t-shirt niya sa mismong harapan ko.


Mga kalokohan talaga nitong lalaking ito kahit kailan oo. 


Ang dami rin nitong baong kamunduhan. 


Nakow, kawawa talaga ako dito pagnagkataon.


“Ewan sayo. Magooffline ako pag ginawa mo yan.”


“Pa conservative ka pa eh…”


“Ewan sayo…”


Nakakamiss siya. 


Yung mga kalokohan niya.


Kasungitan niya.


Yung pagiging maintindihin niya.


Lahat-lahat.


kung alam ninyo lang yung feeling na ang layo ng taong mahal mo. 


Now I know what it feels to have a long distance relationship.


Pero alam ko naman na panandalian lang ito. 


Tinitigan ko lang yung mukha niya then he smile.


“How are you jan mahal ko?”


“Okay naman ako.” Sagot ko.


“Nakakamiss yung mga halik mo. Namiss ko an rin mga yakap mo.” 


Bigla siyang kumuha ng unan at niyakap ito.


Ang cute niya sa posisyon na yun.


“Bakit ang gwapo mo?” tanong ko.


“Wag ka… lalo kang naiinlove sa akin niyan.”


“Ang sarap mong titigan mahal.”


“Wag na wag kang magsasawa sa itsura ko ah. Itong gwapo kong mukha ay makakasama mo ng panghabang buhay.” sabi niya


“Oo naman. Naku. Kaya siguro tayo pinaghiwalay eh para mamiss natin ang isa’t-isa.”


“Araw-araw naman kitang namimiss eh. Ikaw lang talaga ang hindi nakakamiss sa akin.”


“Aysus nagdrama ang gwapo. Uhm. Ikaw kamusta jan?”


“Okay din. Naalala ko nga pala, bukas pala mamasyal kami nila papa. Gusto daw nila akong igala dito eh.”


“Wag na wag mo akong kakalimutang pasalubungan ha.”


“Oo naman po. Ikaw pa.”


“Chocolates ah.”


“Oo naman. Ano pa ba?”


“Ikaw…”


“Di ako pasalubong mahal ko… gift ako…” then I smile.


Narinig kong nag ring ang cellphone ko. 


Agad ko naman itong sinagot. 


“Babe wait lang ah.”


“Sige po.”


“Hello.” Bati ko sa kabilang linya.


“Yats…” si RD.


“Oh bakit?”


“Gala tayo bukas…”


“Bukas? Umpft. Wait lang ha.” Agad kong  tinawag ang pansin ni Kieth. 


“Babe.”


“Po?”


“Gagala daw kami ni RD bukas.”


“tapos?”


“Adik to. Nagpapaalam ako sayo.”


“Nasa akin ba paa mo?”


“Ewan sayo. Umayos ka nga.”


“Oo na. sige na. kow. Magdate lang kayo eh.”


“Sus selos ka naman.” Binalikan ko si RD. “Okay sige sige.”


“Sino kausap mo?”


“Si Kieth. Magka-skype kaming dalawa.”


“Ah. How sweet? Siguro nagpaalam ka no?”


“Yup. Pwede ko bang isama si Charlene?”


“Sige sige.”


“Okay sige. Salamat.” At binaba na niya yung tawag.


“Saan daw kayo pupunta?” bungad na tanong ni Kieth.


“Di ko alam eh. Wag ka mag-alala, isinama ko na si Charlene para di na magtampo ang isa jan.”


“Sus ewan.”


“Uhm. Kumain ka na ba?” tanong ko.


“Di pa.”


“Kain ka muna kaya.”


“Mamaya na. kausap pa kita.”


“Edi habang magkausap tayo kumain ka.”


“Uhm. 5 minutes.”


“Sige sige.”


“Okay ka na ba jan?” tanong niya


“Yup okay nga lang ako dito.”


“I mean yung problema mo?”


“Uhm… di pa eh. Di pa kami nag-uusap ulit ni mama.”


“Oh bakit naman?”


“Hindi ko pa kaya. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tatay ko si tito Ralph.”


“You better explore things.”


“Haixt. Ewan.”


“Kinikilig ako…”


“ha? Ano bakit? Saan? Sa akin? Wala naman akong ginagawa eh.”


“Be right back. CR lang ako.”


“Ay ewan. Adik mo talaga.”


Biglang kumatok si mama sa may pintuan. 


Agad ko namang binuksan ito at pinapasok si mama. 


Nag diretso lang ako sa kama at hinarap muli ang aking laptop.


“Anak…”


“Bakit po?”


“Gusto ko lang sana mag-usap tayo…”


“Tungkol po saan?”


“Doon sa papa mo.”


“Ma… wag po muna ngayon… saka na lang po. Hindi pa ako handa.”


“Pero anak, dapat magkaayos na tayo.”


“Ma… wag muna po ngayon…”


“Im back…” biglang sigaw ni Kieth. 


“Hi tita…”


“Hello anak…” bati ni mama.


Nanahimik bigla si Kieth nang makita akong hindi umiimik. 


Di naglaon lumabas si mama ng kwarto at isinara ang pinto.


 Naiwan naman na tahimik ang paligid ko.


“Hey…” pagbasag niya ng katahimikan.


“Bakit?”


“Alam mo nahihirapan din si mama.”


“alam ko… pero mas nahihirapan ako.”


“Yung totoo ba… anong nararamdaman mo sa mama mo?”


“Wala akong galit na nararamdaman sa kanya. Tanging tampo lang ang nararamdaman ko. Mahal ko si mama at ayaw ko namang nahihirapan si mama ng ganito.”


“Kaya nga dapat kinakausap mo na siya…”


“Pero gusto ko buo na muna ako bago ko harapin si mama. Pati, di ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanan na magkapatid nga kami ni Arjay.”


“Paano kung pagbawalan ka ni tito Ralph na makipagrelasyon sa akin.”


“Hindi naman ako papayag na gawin niya iyon sa akin. Ipaglalaban kita at di ako papayag na paghiwalayin niya tayo.”


“Sana nga…”


“Bakit parang ayaw mong maniwala?”


“Natatakot lang ako sa mga possibilities.”


“Magtiwala ka lang sa akin. Hindi naman ako gagawa ng hindi makabubuti sa atin. I will be always with you. Remember papakasalan pa kita.”


“Okay then. I will hold on to your promise.”


“Trust me.”


Magdamag kaming nag-usap at walang humpay ang mga pinag gaagwa namin. 


Di ko namalayan ang oras dahil sinusulit ko ang panahon na kasama siya. 


Di ko nga namalayan na lumipas na pala ang walong oras at nakakakita na ako ng mumunting liwanag.


“Babe… umaga na jan…” sabi niya sa akin.


“Oo nga eh…”


“Haixt.”


“Oh bakit?”


“Di na kita makakusap.”


“Sige di na muna ako matutulog.”


“No... you need to take your rest. Tignan mo nga yang mga mata mo, namumula na.”


“Eh ikaw eh.”


“Pati kailangan ko ding maligo. Di pa nga ako naliligo eh. Medyo nababawasan na ang taglay kong kabanguhan kaya need to freshin up.”


“Ni kumain nga kinalimutan mo eh. Teka, magpahinga ka muna bago ka maligo, baka mapasma yang mga mata mo ha.”


“Makita ko lang yung mukha ng mahal ko eh busog na ako.”


“Sus korny eh.”


“Gwapo naman.”


“Lagi na lang.”


“Siya good morning babe.”


“Good night babe.” Sagot ko.


“Tulog ng mahimbing.”


“Ikaw din. Matutulog ka na din maya maya ano?”


“Oo.”


“Ikamusta mo ako kila mama at papa ha.”


“Sure why not.”


“I love you…”


“I love you too…”


At nagpaalam na kami sa isa’t-isa. 


Unti-unti ko namang naramdaman na bumabagsak ang talukap ng aking mata. 


Pinatay ko ang ilaw sa aking kwarto saka ako nahiga sa aking kama.


Agad kong niyakap ang aking unan na para bang ang kayakap ko ay si Kieth. 


Nakatulog din naman ako kaagad. 


Daig ko pa ang pagod dahil sa sobrang pagmamadali na makatulog.


“oi!” nakarinig ako ng isang malakas na sigaw.


Agad naman akong nagising sa kakaibang ingay na nagmula sa tabihan ng aking kama. 


Agad nagmulat ang aking mata at kumunot ang aking noo.


“Ano ba yan?!” irita kong tanong.


“gising na aba. Tanghali na oh. Ala una na kaya ng tanghali.”


Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 


Ang exage talaga ng lalaking ito.


 “Alas diyes lang oh.”


“May lakad tayo ah.”


“Ngayon na ba agad? Inaantok pa ako.”


“Bakit ka ba napuyat?”


“Magkausap kasi kami ni Kieth kagabi.”


“Ah kaya pala. Pinupuyat ka na niya ah.”


“Di naman. 1 hour pa.” hirit ko.


“Sige na sige na.”


At natulog na agad ako. 


Tinotohanan nga niya na 1 hour kaya napilitan na akong bumangon. Hahahaha.


Nakabihis na ako nang malaman ko na nasa baba na pala si Charlene, at ang babae todo ayos. 


Akala mo siya ang inimbita mag gala eh.


“Hay grabe ang tagal kumilos ng lalakeng ito oo.”


“Bakit ba?”


“Bilisan mo at naco-consume yung oras.”


“Saan ang punta ng babae?”


“Ewan ko sayo. Ay nako. Ang tagal-tagal. Limang oras akong pinagantay.”


“Dapat lang kasi sabit ka sa lakad namin. Haha.”


“Loko. Oh bakit ba kailangan ninyo ng Chaperon?”


“Hindi chaperon, alalay kailangan namin kaya ikaw ang naisip ko.”


“Jusmiyo. Ano ba naman yan? Itong kagandahan ko gagawin mo lang alalay?”


“Buti nga pumayag si RD na kasama ka.”


“Well iba na talaga ang maganda.”


“Saang banda?”


“sa mukha. Alangang sa paa.”


“Akala ko sa bilbil eh.”


“Oi ang kapal mo ah. Sexy ako at walang flaws ang katawan ko. Eksena mo naman jan.”


“Sus. Tara na nga.”


Habang nasa byahe ay di ko maiwasang magutom. 


Paano ba naman eh pinagmadali ako kaya walang kain kain. Haixt. 


Hanggang ngayon di ko pa ring maiwasan na maging dependent.


“Babe gutom na ako…” nasambit ko na lang.


Naalala ko nga pala na wala si Kieth sa tabi ko. Haixt. 


“May pagkain jan sa likod. Charlene paabot nga.”


“Yes master. Dakilang alalay nga ako dito…”


“Salamat…”


“Wala ang babe mo dito.” Pagkokontribida ni Charlene.


“Nasanay lang.”


“Kamusta na ba kayong dalawa?”


“Doing good. Pero nakakamiss.”


“Naku Im sure makakahanap yun ng mas gwapo sayo. O kaya sexy at magandang babae. Nakow best friend talo ka na. kabog na kabog ka. Pag uwi niya dito eh makikipag break yun sayo.”


“Hoy eksena mo. Hindi yan gagawin ni Kieth ano.”


“Wushu paano ka makakasiguro.”


“May promise siya sa akin.”


“And promise are meant to be broken…” biglang sabat ni RD.


“Kayong dalawa talaga… porket walang lovelife eh bitter na bitter. Kainis.”


“Sus di naman.. pero mukhang yung isa may pinaghuhugutan.” Sagot ni Charlene.


“Wala oi.”


“Kow umamin… nagseselos.”


“Ako? Magseselos?”


“Sus. Umamin ka na nung bata dedeny ka pa.”


“Matagal na yun ano.”


“Yung totoo wala na nga ba?”


“Hay naku Charlene daming alam.”


“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko bigla.


“Basta ako bahala.”


“Mamaya gahasain mo lang ako ha.”


“Mahiya ka nga best…” Sabi ko kay Charlene.


“Malay mo lang naman. Sabihin lang niya eh ibibigay ko yung katawan ko.”


“Ang landi. Sumbong kita kay Jake eh.”


“Pakialam ko sa kanya.”


“So you and Jake are dating?” tanong ni RD.


“More than dating.” Sagot ko.


“Umeksena na naman kayong dalawa.”


“Ang swerte mo Charlene. Alam mo ba na sobrang hirap pumili ng babae yan? Napaka mitikoloso nan.”


“Maganda kasi ako kaya wala siyang kawala.”


“How are the two of you exactly?”


“Nothing.”


“Sus ang arte. Nothing nothing daw eh.”


“Shut up Alex.”


“Okay.” At nagtawanan kami.


Di rin nagtagal ay nakarating kami sa isang park. 


Lagi na lang sa park ako dinadala pero ibang park to, isang biological park. 


I love nature, lalo pa noong bata ako.


“Remember?” tanong ni RD.


Doon ko lang ulit naalala. 


Tama, eto yung park na kung saan dinadala kami nila mama at papa pati ni tito at tita. 


Napangiti ako sa sobrang saya.


“Thank you… namiss ko yung lugar na ito.”


“Namiss ka din nito. Noong bata ako, lagi akong pumupunta dito… baka sakaling pupunta ka rin.. naghintay ako dito…. Araw, tanghali. Noong nag high school ako… umasa pa rin ako… ganun kita namiss… ganun kita kama…” napatigil siya.


“Kamahal?” singit ni Charlene.


“Kamahal bilang kaibigan.”


“Sumegway pa.” singit ulit ni Charlene.


“Shhh.” Saway ko.


“It’s okay… umasa pa rin ako hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa.”


“Kaya sumuko ka na at ibinaling ang atensiyon sa iba?”


“Siguro…” nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


“Cheer up. Okay lang yan.”


“Haixt. Sorry.”


“You don’t have to say sorry.”


“Tara na nga…” at dinala niya kami sa may tabi ng sapa.


Ang ganda ng tanawing iyon. 


Ang liwanag ng tubig. 


Minsan na lang ako makakita ng sapa na malinis at kay linaw. 


Naglatag si RD ng blanket at doon niya inilabas lahat ng dala niya.


“Di ka naman masyadong prepared ano?”


“Slightly lang.”


“Sus.”


“Ang daming pagkain.. yum yum.” Si Charlene.


“Para sa akin yan hindi sayo.”


“So anong balak mo ha? Yung tira-tira yung sa akin.


“Ang talino mo talaga best ano. Paano mo nahulaan?”


“Kilala kita Alexandro.”


“What with that name?”


“Wala lang. tara chibog na. tomguts na ako.”


“Okay.” At kumain na kami.


Nagkatuwaan klami habang nakain. 


Nagkwentuhan at maraming pinag-usapan. 


Saglit kong nakalimutan ang pagkamiss ko kay Kieth at ang problema ko kay tito Ralph at mama.


“Bakit mo pala naisipang mag gala?” tanong ko.


“Para naman malibang ka.”


“Salamat.”


“Kaya cheer up na.”


“Roger that…”


“Best… bakit ang panget mo?” biglang sabat ni Charlene.


“May best friend ka ba dito?”


“Oo. Ikaw.”


“Ah... ako pala… panget daw sabi mo kamo? Eh gwapo ako.”


“Kow.”


“Charlene… Kayo na ba ni Jake?”


“Hindi pa ano.”


“Well… halata naman eh... di ka niya taste. Kaya wag na umasa.”


“Ang sama mo.”


“Ang sama mo din sa akin eh. Bawian lang. fair tayo. Kwits lang.”


“Daming alam. Sows.”


“Hot sauce?”


“Kow.”


“Kukow.”


“Last na yan ha.”


“Kumain ka na lang jan at nang mabusog-busog ka na.”


“Im on diet.”


“Ay siya uwi na.”


“Bakit ba?”


“Nakakatuwa kayong dalawa.” Singit ni RD.


“Bakit naman?”


“Ang sweet ninyo eh.”


“Natikmam mo ko dre?” biglang sabi ni Charlene.


“Loka ka talaga.” Sagot ko.


“Joke lang yun ha. Mamaya di mo na ako pasamahin eh.”


“Hahaha. Di naman. Kaw talaga.”


“Pero may tanong lang ako…”


“Ano yun?”


Pinakinggan ko na lang ang pag-uusap ng dalawa. 


Nahiga ako sa may blanket at tinitigan ang sapa na nasa harapan ko lamang. 


Laman ng isip ko si Kieth.


 Kamusta na kaya siya? 


siguro tulog na siya.


“Paano kung si Alex at si Kieth ay hindi sila… anong gagawin mo?”


“Paanong anong gagawin ko?”


Nakikinig ang mga tenga ko. 


Bigla akong napatigil sa pagmumuni ng itanong iyon ni Charlene kay RD. 


ang babaeng ito talaga oo, daming alam.


“Liligawan mo ba si Alex? Itutuloy mo pa ba yung plano mo na yayain siyang pakasalan?”


“Ewan…”


“Ewan means yes…”


“Somehow.. siguro… di ko alam.. mahirap sumagot ngayon lalo na at komplikado.”


“Ah…. Ang haba ng hair ng best friend ko… hahaha.”


“Hahaha. Kaw talaga.”


“Pero paano nga kaya ano? Ang swerte niyang lalaking yan. Akalain mo nakabingwit ng mga nag gwa-gwapuhang lalaki. Ang landi eh.”


Kung makapagsalita tong babaeng ito eh akala mo wala ako dito. 


Grabe ha. 


Ayan ang best friend, makapag salita sayo ng harapan eh garapalan.


Harap-harapan niya akong pinagsasalitaan ah.


 Sasabunutan ko to eh. Hahaha.


“Marinig ka niya oh.”


“Okay lang yan sa kanya.”


“Alex…” tawag ni RD.


Ipinikit ko ang aking mata. 


Nagpanggap ako na nakatulog ako. 


Di rin nagtagal ay nagtuloy-tuloy ang aking pagtulog. 


Doon, panibagong mundo ang aking hinarap.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment