Wednesday, September 18, 2013

Less Than Three- Part 27

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 27

(The path of two)



[Arjay’s POV]


Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ganito? 


Ano nga ba ang nagawa ko para mangyari ang lahat ng ito. 


Sa kwentong ito, ako ang dakilang kontrabida.


Pero bakit ganun? 


Ako ang bida sa sarili kong kwento pero nagmumukha akong kontrabida sa harap ng ibang tao. 


Nakakasawa na din.


Marahil ang ilan ay galit sa akin. 


Wala naman akong magagawa dahil ganyan ang mga kontrabida, kinaayawan ng mga tao.


Pero, bakit nga ba ganito ang buhay? 


Lahat na lang ata ng sa akin ay inagaw ni Alex? 


Ano pa ba ang itinira niya sa buhay ko? 


Kinuha na niya si Kieth sa akin at ngayon naman ay inaagaw niya ang papa ko. 


Shit siya! panira ng buhay ko.


Di ko alam kung dapat ko ba pairalin ang pagiging maintindihin ko pero nangyayari na ang mga bagay na ganito. 


Ano pa ba ang dapat kong i-give up para maging Masaya ako? 


Inagaw na rin niya sa akin si RD.


Nag-iisa na lang ako ngayon dito. 


Naglalakad ako ngayon sa mall at walang kasama. 


Pinagmamasdan ko na lang ang mga tao na naroroon.


Sa aking paglalakad ay may nakita kong mag-ama. 


Nalungkot ako bigla at nakaramdam ng pagkainggit. 


Dati rati naman ay okay kami ni papa.


 Dati rati ganyan din kami ka-close, pero ano na ang nangyari?


Iniba ko ang direksyon ng aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita. 


Si papa at si Alex. 


Ang saya nila, tila ba kay tagal na nilang mag-ama.


Labis akong nasaktan at para bang natibag ang aking lakas. 


Di ako makapaniwala sa nakikita ko. 


Ang saya nila, nagtatawanan, isang perfect father and son.


Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking luha. 


Agad ko itong pinahid at sinundan silang dalawa. 


Ayokong mag gawa ng eskandalo kaya patahimik ko na lang sila sinundan.


“Pili ka na kahit ano jan.” sabi ni papa kay Alex.


“Wag na po. nakakahiya naman po. At isa pa hindi ko naman po yan kailangan.”


“itong I-pad oh.”


“Ay mahal po yan diba?”


“Ako naman ang magbabayad iho.”


“Wag na po…. saka na lang po…”


“Miss kukuha ako ng isa nito.” Pagpupumilit ni papa.


“Wag na po…. di naman po talaga kailangan.”


“Please…” pagpupumilit ni papa


Walang nagawa si Alex kundi ang tanggapin ito. 


Sa loob ko, ano ba naman ito, nagpapakipot pa. 


pineperahan lang si papa. Tsss.


Marami silang napamili at ang masakit dito ay hindi namin nagawa ito ni papa ni minsan. 


Itinigil ko ang pagsunod sa kanila at umuwi ng bahay.


Buo na ang desisyon sa gagawin ko ngayon. 


Gusto kong mag-isip, gusto kong magmuni-muni. 


Gusto kong makalayo sa lahat ng problema. 


Aalis ako. 


Magbabakasyon ako, malayong-malayo sa kanila.


Nag-impake agad ako ng gamit at nagpasyang umalis. 


Mabilis lang naman ang kumuha ng ticket papuntang America. 


Agad naman akong bumaba pagkababa ng sala.


“Anak… bakit may dala kang gamit? Saan ka pupunta?”


“Ma… need ko pong umalis…”


“Anak.. di ako papayag!”


“Ma… kailangan ko ito. Para sa ikakatahimik ng buhay ko.”


“Anak…”


“Ma.. please…”


“Hindi… hindi ako papayag.”


Nagulat na lang ako ng biglang lumitaw si papa sa aming harapan. Agad niyang kinuha ang bag ako pero hinalbot ko naman ito agad.


“Pa.. please…”


“Ano bang meron jan sa utak mo at nagkakaganyan ka! Basta-basta ka na lang nagdedesisyon ng hindi nag-iisip.”


“Nag-iisp ako pa! Nasasaktan din ako pa sa mga nangyayari. Pabyaan na ninyo ako. Kahit ngayon lang. gusto kong matahimik!”


“Anak naman…”


“Pa.. kailangan ko to. Pa… kailangan kong mag-isip. Kailangan kong magsolo pa. pagbigyan ninyo na ako.. kahit ngayon lang.”


Napatigil silang dalawa sa sinabi ko. 


Nabitawan ni papa ang bag ko at hinayaan ako.


 Niyakap ko silang dalawa.


“Babalik ako pa, ma. Pangako, magiging okay ako pagbalik ko.”


“Aantayin ka namin anak.” Sabi ni papa.


“Sorry pa… sorry…”


“Wag kang mag sorry anak.”


“Aalis na po ako.”


“Maglalagay ako ng pera sa bank account mo. O kaya magdala ka ng pera na gagamitin mo.”


“Okay na ako pa. tatawag na lang po ako kapag may problema ako.”


Tumalikod ako sa kanila habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa aking mga mata. 


Mabilis lang ang byahe ko papuntang airport. 


Lahat ng bagay na maaring makadistract sa akin ay iniwan ko.


Naging okay lahat ng transaction ko papuntang ibang bansa. 


Kinuha ko ang cellphone ko para i-turn off ito pero bigla kong naalala si RD. 


agad ko muna siyang tinawagan.


“Hey…” sabi ko.


Buti at gising pa siya.


“Oh napatawag ka?”


“See you then…” sabi ko.


“Ha?”


“Sa pagbabalik ko gala tayo.”


“Pagbabalik? I don’t understand you.”


“Aalis ako…”


“san ka pupunta? Pasalubong ah.”


“Sa States. Hahah.” Sabi ko.


“Oh? Bakit biglaan ata?”


“Basta mahabang kwento.”


“Di ka man lang nagsasabi nakakatampo na.”


“Ikwento ko pagbalik ko. Got to go.”


“Ingat ka ah. Tawag ka lang kapag may kailangan ka.”


“yup.”



Pintay ko na ang phone at tinanggal ang sim card. 


Di ko naman yun magagamit doon. 


Tumayo na ako para umalis. 


Sana pagbalik ko dito ay maging okay na ako.




[Alex’s POV]



“Hoy kanina ka pa tulala jan.” sabi ni Charlene.



“Ah eh…” ang tanging nasagot ko.


“Para akong timang dito ano. Parang walang kasama, ayaw mo kasing magsalita.”


“May iniisip lang.”


3 araw na ang nakakalipas nang malaman ko na lumipad papuntang America si Arjay. 


Sinundan ba niya doon si Kieth? 


Hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakausap ni Kieth.


“Ano ba kasi yang problema mo?”


“Diba nga sabi ni RD na pumuntang America si Arjay?”


“Ah. Edi sumunod ka.”


“Wow ah nakakatulong yang advise mo.”


“Best naman. Magtiwala ka kasi kay Kieth. Akala mo naman lolokohin ka niya. Mahal ka nun at hindi yung gagawa ng hindi dapat. Trust him.”


“Kay Kieth may tiawala ako, kay Arjay wala.”


“Hay naku. Best mapaparanoid ka kakaisip jan eh.”


“Di mo naman maaalis sa akin yun eh.”


“Kung sinabi mong yan lang pala ang gagawin natin eh dapat sa bahay ninyo lang tayo naglagi.”


“Haixt.”


“Cheer up. Kaya tayo lumabas ay para ma clear yang utak mo.”


“Di ko kais maiwasang isaip-isipin ang mga maaring mangyari.”


“Lalo mo lang pinapatunayan na wala kang tiwala kay Kieth.”


“Meron…”


“Wala…”


“Haixt… nag-aalala lang ako. Nagseselos. Kasi siya malapit na siya kay Kieth samantalang ako.. napakalayo.”


“Best… imagine ang America, napakalaking bansa yun. Malay mo naman napunta si Kieth sa isang dulo at si Arjay sa isang dulo.”


“Waaaaaaah! Nababaliw na ako.”


“Kaya tigil na kasi ang pag-iisip.”


“Oo na. mag enjoy na lang tayo!”


“Sure!” at hinila na niya ako paalis.


As usual, ginamit na naman akong display ng napakaganda kong best friend. 


Pinagtitinginan kami dahil nakikilala nila ako. 


Ang lakas ng trip ng babaeng ito na pumasok sa boutique store ng company na pinagtra-trabahuhan ko bilang model.


“Hi sir.” Sabi ng mga staff.


“Hello.” Ngiti ko.


“Oi best… akalain mo may picture ka dito.”


“May sayad ka ba?”


“Wala matino ako.”


“Ewan sayo.”


“Hahahah. Tara na nga.”


“Luka ka talaga.”


“Tara na nga.”



Dumaan ang ilang araw at wala pa ring paramdam si Kieth. 


Nag-aalala na nga ako sa mga nangyayari sa kanya. 


Haixt.


 Sana naman maging okay ang lahat doon.


2 araw na lang at pasko na. 


ang lungkot ng pasko ko kasi kulang ako, but still, nariyan pa naman ang family at friends ko para sumuporta sa akin.


Kausap ko ngayon si RD. 


Binisita niya ako sa bahay. 


Ilang araw na kasi akong nagmumukmok. 


Pinapagaan lang niya yung pakiramdam ko.


“Ano nagmumukomok ka na naman jan?”


“Eh kasi…”


“Nangyari na ang nangyari…”


“Haixt. Nag-aalala pa rin ako sa pagpunta ni Arjay sa ibang bansa.”


“Move on na nga… ano ka ba. Kilala ko si Kieth.”


“Okay…”


“Walang magagawa yang pagmumukmok mo… kung magmumukmok ka lang eh walang mangyayari jan sa buhay mo.”


“Oo na po.”


“Ngumiti ka nga. Ang panget tignan eh.”


“Di ko lang maiwasan.”


“Ano ba naman yan.”


“Oo na. ako na.”


“Haixt.”


“Napapadalas ang dalaw mo dito ah? Nililigawan mo ba si mama? Sabihin mo lang at nang magisa ka na agad-agad.” Pagbibiro ko.


“Tangek ka talaga yats. Ikaw nililigawan ko.”


“Alam mo ang galing mo mag joke sobra.”


“Seryoso ako.”


“Pile….. Korny ng Joke.”


“Anak sinali mo pa ako…” sabat ni mama.


“Anjan pala kayo ma. Di ko ramdam.”


“Kadarating ko lang. saktong narinig ko ang sinabi nitong manliligaw mo. Kow lagot ka jan sa asawa mo.”


“Loyal to ma.” Sagot ko.


“Tsura mo. Akala mo naman eh liligawan talaga kita.”


“Wag ka nga. Umamin ka na sa akin dati eh.”


“Dati yun.”


“Bakit hindi na ba ngayon?”


Natigilan siya ng bahagya. 


Naging seryoso ang mukha niya kaya napatigil ako. 


Tinitigan ko siya pero parang galit siya. 


naoffend ko ba siya sa mga pinagsasabi ko? Haixt.


“Ui… sorry na.” sabi ko.


“Ha?”


“Mukhang nagalit ka eh. Or nainis ka.”

“Wala yun.”

“Eh bakit ka nanahimik?”

“May naisip lang ako bigla…”

“Ano yun?”

“Nevermind. Wala yun.”

“Ano nga yun?”

“Wala nga. Kaw talaga. Nga pala may gagawin ka bukas?”

“Ewan sayo.” Tumayo ako at umupo sa kabilang upuan.

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nung niyakap niya ako. Medyo nagulumihanan ako sa nangyari. May iba kasi akong naramdaman na hindi dapat.

“Nagtampo agad to.”

Nailang ako bigla. Kakaibang ilang ang naramdaman ko. Parang may malisya? Ano ba Alex ang pinag gagawa mo sa sarili mo? Kung anu-ano ang pinag-iisip mo.

“May gagawin ka bukas?” tanong ko bigla at tumayo.

“Ako nagtatanong niyan kanina eh.”

“Ah eh…”

“Sabay tayong magsimbang gabi bukas? Ayos lang ba?” tanong niya.

“Sure… ikaw pa. hahaha.”

“Nood tayo movie ngayon.” Sabi niya

“Anong gusto mo bang movie?” tanong ko.

“Patingin nga ng list.”

Kinuha ko yung laptop at ipinakita ko ang mga downloaded movies ko. Hahahah. Sorry po sa mga hindi namimirata sa torrentz, need magtipid kaya padownload download lang.

“May porn ka ba dito?” seryoso niyang tanong.

“Loko ka. Kung anu-ano pinaghahanap mo.”

“Eh yun gusto ko.”

“Di ko akalin na malibog ka pala.”

“Di na virgin eh.”

“Yuck. Di ka na virgin? Tsss. Ganun bay un?”

“Ewan. Hinahanap hanap ko na kasi after that incident.”

“Mahiya ka nga. Kausap mo ako.”

“Normal lang yan.pareho naman tayong lalaki at 18+ na tayo.”

“Ewan ko sayo.”

“Ang childish mo naman.”

“Naiilang lang ako.”

“Kow kawawa ka naman. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.”

“Joke lang. Ewan. Wag nga natin pag-usapan yan.”

“Bakit tinitigasan ka ba?”

“Oy mokong ka. Straight forward ka ba talaga magsalita?”

“Oo. Di na virgin eh.”

“Laging yan ang dahilan eh. Kasusot ah.”

“Joke lang. oh eto may nahanap na ako.”

“Oh ano yan?”

“Skyfall.”

“Ah okay sige. I-set mo na dun sa TV.”

“Bahay ko to yats?”

“Feel at home. Total lagi ka naman nandito.”

“Sus. Mamaya niya masyado kong ma feel at pakasalan na kita.”

“Shut up.” Sinabi ko na lang.

Buong maghapon movie marathon kami. Wala rin akong natanggap na anumang message or tawag mula kay Kieth. Isa sa mga pinag-aalala ko ay baka nga nagkakasiyahan na sila ni Arjay doon. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano dahil nasasaktan lang ako.

Nagbukas ako ng facebook at nag message sa kanya.

“Hi babe. Miss you so much. Sobrang busy mo na ata at nakalimutan mo na ako. Hope you are doing okay jan. How’s tito pala? Kamusta na siya? miss na miss na miss na pala kita kung alam mo lang. Natatakot ako baka may kung sino ka ng karelasyon jan ha. Pero joke lang. may tiwala ako sayo babe. Nga pala, malapit na magpasko. Dumaan na ang mga araw at malapit na rin ang panibagong monthsary natin. Ingat lagi.:) I love you <3 ang="" ko.="" nsabi="" o:p="">

Kailangan kong matulog ng maaga para bukas pero hindi ako makatulog. Haixt. Nakita ko ang camera recoreder naming at naisipan kong magrecord ng kanta. Uhmm. Ma try nga.

“Hi! Dahil namiss kita, naisip ko tong kantang ito. Bakit kamo? Basta may meaning ito. Kasi You Found me sa mga panahong nahihirapan ako. I love you babe. Magparamdam ka na ah.”

Inayos ko ang sarili ko saka ako kumanta.

“Lost and insecure, You found me, you found me. Lyin' on the floor, Surrounded, surrounded. Why'd you have to wait? Where were you? Where were you? Just a little late You found me, you found me. In the end. Everyone ends up alone. Losing him. The only one who's ever known. Who I am, Who I'm not, who I wanna be. No way to know, How long she will be next to me. Lost and insecure. You found me, you found me. Lyin' on the floor, Surrounded, surrounded. Why'd you have to wait? Where were you? Where were you? Just a little late. You found me, you found me”

Matulog ako na nangungulila. Kinakabahan ako sa maaring mangyari. May masama kayang nangyari kaya hindi siya nakakapag online? Haixt. Hope things will be okay. I-upload ko na lang yung bukas. Tutulog na ako para naman bukas may sapat akong lakas.

Nagpagising na ako kay mama. Medyo minsan kasi tulog mantika ako kaya ayon. Maaga akong umalis ng bahay, nakakahiya naman sa kanya kung mahuhuli ako.

“Hey.” Bati niya sa akin paglabas ko ng bahay.

“Oh.. bakit andito ka? Akala ko sa simbahan tayo magkikita?”

“Sabay na tayo.”

“Excited lang?”

“Hahaha. Eh nakakatamad kapag wala kang kausap doon.”

“Sus magsisimba tayo ah hindi magdadaldalan.”

“I know Fr. Alex.”

“Sapakin kita jan eh.”

“Brutal eh.”

“Di ah. Mabait ako.”

“Tara na.” yaya niya

Maraming tao. Ganun naman talaga eh. Maraming mga tao ang nagsisimba. Pinagmasdan ko yung ibang tao at nakita ko na pamilya sila kung magsimba. Haixt. Sana mabuo din ang pamilya ko. Sana makasama ko sila sa pagsimba. Napansin ata ni RD na kung saan-saan ako tumitingin.

“Ano naghahanap ka ng gwapo? Katabi mo na oh.”

“What the eff.” Sabi ko.

“Ano ba tinitignan mo? May hinahanap ka ba?”

“Wala naman. Hahaha.”

“Sus.”

Natapos ang misa na tahimik lang ako. Napansin yun ni RD dahil kadalasan madaldal ako. Dinala niya ako sa masarap na kainan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkain. Kay tagal kong tinitigan ang mga pagkain dahil nasasabik ako sa kanila.

“Wow.” Ang nasabi ko.

“Alam kong favorite mo yan.”

“Nag research ka talaga ah.”

“Naman. Para sayo.”

“Sus eksena mo.”

“anong nangyari ba sayo? medyo naninibago ako ah.”

“Wala marami lang iniisip.”

“Masyado mo na atang namimiss si Kieth ah?”

“Di naman. Sobra lang.”

“Sus kumain ka na lang.”

“Oo ikakain ko na lang to.”

“Gwapo mo.” Sabi niya

“Ako pa. wag ka nga. Mainlove ka pa sa akin.”

“Ayaw mo nun?”

“Ewan sayo.” Nagulat ako nang pagharap ko sa kanya eh sinubuan niya ako.

“Ang sweet.” Dagdag ko.

“Saan mo gusto pumunta pagkatapos natin dito?”

“Sa plaza. Para makarating naman ako doon.”

“Sure.” Sabi niya

“Ikaw magbabayad neto ha. Ikaw nagyaya sa akin eh. Kung anu-ano pina-order mo sa akin.”

“Oo alam kong barat ka sa pera kaya ako na ang magbabayad. Nahiya naman ako sayo. Mapera ka nga sa akin.”

“Kapal mo din.”

Habang nakain ako, di ko maiwasan ang mailang, hindi dahil kasama ko si RD kundi pinag u-usapan ako ng mga tao. Mukhang may nakakakilala sa akin. Kaya bawat titingin sila ay nakangiti lang ako.

“Diba yan yung model dun sa isang brand ng damit?” sabi ung babae.

“Oo nga eh. Ang gwapo talaga pero balita ko bakla daw eh.”

“Ayos lang yun gwapo naman. Mareremedyuhan pa yan.”

“Baka boyfriend niya yung kasama niya.”

“Gwapo din. Sayang talaga. Pero ang simple nila oh, di sila maarte. Kumakain din sila dito sa mga turo-turo.”

“Kaya nga nakakaturn on eh.” Bulungan ng mga babe.

Akala naman nila ay hindi ko sila naririnig. Mga luka talaga. Nararamdaman kong ngumingiti lang si RD dahil naririnig namain yung mga pinagsasabi nila.

Di ko na lang sila pinapansin, sanay na naman ako sa mga ganun. After namin kumain ay naglakad-lakad na kami papuntang plaza. Walking distance din yun.

Malapit din doon yung isang park. Magkalapit lang as in magkadugsong lang. nilibot ko ang aking paningin sa aking paligid. Namangha lang ako sa mga nakikita ko. Di siya ganun kalaki pero mapapansin mo pa rin ang konting kalinisan.

Kakaunti lamang ang tao dahil sa masyado pang maaga ngayon. “hoy.” Biglang sabi ni RD.

“oh?” sagot ko.

“Masyado ka atang namangha.”

“Wag ka nga.” Kinuha ko yung salamin ko at isinuot ko.

“O bakit ka nagsalamin? Nanlalabo ba paningin mo?”

“Wala lang. Para konti ang taong titingin.”

“Ah. Okay.” Sagot niya.

“Kamusta kayo ni Arjay?” tanong ko.

“Were okay naman.”

“Ah. Kamusta siya doon?”

“Wala kaming communications. Ni hindi siya nagbubukas ng facebook at skype eh. Bakit mo naman natanong?”

“Ah eh wala naman.”

“Hindi pa rin ba kayo okay?”

“Nope. Hanggang ngayon wala pa ring pagbabago. Ewan ba. Mukhang matagal pa bago mangyari yun.”

“Eh sa nag-aagawan kayo sa iisang lalaki eh.”

“Tss. Pero somehow naisip ko na baka hindi kami magkakabati hanggang kami ni KIeth.”

“Bakit mo naman naisip yan?”

“Remember? Nagsimula ang lahat nung nalaman niya na kami ni KIeth.”

“Pero alam mo ang katotohanan na wala sila at iniwan siya ni Arjay.”

“Kahit na.”

“Cheer up. Masyado kang nag-iisip. Siguro iniisip mo na may namamagitan na sa kanilang dalawa doon ano?”

“May tiwala ako sa kanya.”

“Pero may part ng utak mo ang nagsasabing hindi ka komportable.”

“Anong magagawa ko ba?”

“Trust enough. Kilala ko si Kieth, hindi naman yun ganun na iniisip mo.”

“Magbati nga kayong dalawa.” Sabi ko.

“Saka na.”

“Ang daming alam.”

Umupo ako sa isang tabi. “CR lang ako.” Sabi niya

“Sige dito lang ako.”

“Okay sige hintayin mo ako dito.”

Habang hinihintay siya, kinuha ko yung phone ko at nagpicture sa sarili. Medyo vain din ako sa pictures hahaha.

Pang instagram din yun. Hinarap ko ang cell phone ko sa iba’t-ibang lugar hanggang sa may mapansin ako. Isang lalalaki na umiiyak.

Agad akong napatayo at tinitigan ang lalaki. Kakaiba ang kinikilos niya. Parang may mali sa kinikilos niya. Agad naman akong lumapit at naririnig ko ang mga hikbi niyang malalakas.

Hanggang sa makita ko na nanghihina siya at parang gulay na unti-unting nalalanta. Nawawalan siya ng hininga. Napatakbo naman ako agad sa kinaroroonan niya nang makita ko na humandusay siya.

“Pre okay ka lang ba… sumagot ka..” taranta na sabi ko.

Mahina ang tibok ng pulso niya. Mukhang inatake siya ng asthma. Nataranta ako ng sobra kaya nagsisigaw ako. Agad namang lumapit ang mga tao at sa wakas nakita ko rin si RD.

“RD dalhin natin siya sa ospital.” Sigaw ko.

“Anong nangyare?”

“Mukhang inatake siya ng asthma.”

“Sige sige. Tara na.”

Binuhat namin yung lalaki at agad na tumakbo sa ospital. Agad ko namang hinanap sa contacts niya yung maaring makausap.

Nakita ko na may denial siyang number kaya nakailang call ako pero walang nasagot. Nasa ospital na kami noon ni RD at takot na takot na ako.

“Anong nangyari sa kanya?”

“Nakita na lang po naming na nakahandusay po eh.”

“Kakilala po ba ninyo siya?”

“Hindi po eh.”

“Siguro dapat hanapin na ninyo ang kamag-anak niya. Mukhang may sakit siya sa puso.” Sabi ni doc

Agad ko namang sinipat pa yung mga contacts niya at tinawagan ko ang mama niya. “Hello…”

(Itutuloy)

6 comments:

  1. AJ!!!!!!!!!!!!!!!!
    :)
    -mans-

    ReplyDelete
  2. Yes meron na! Si aj nga. Sila pala tumulong sa kaniya! Nice :)

    Ivan D

    ReplyDelete
  3. Haixt Arwin JAKE is here, my love gosh e2 na ung ng away cla ni marvin

    ReplyDelete
  4. wahaha BFMV haha na singit..si aj,
    sya pala tumulong nuon..
    -dino

    ReplyDelete
  5. hahaha. now you know. heheheh.. :))

    ReplyDelete