Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 26
[Alex’s
POV]
“Ma…
sigurado po ba kayo na okay lang po kayo sa gagawin ko po? Pwede pa naman akong umurong dito.” tanong ko kay mama.
“Kung
yan ang magpapasaya sayo ay hindi kita pipigilan. Hindi ako magiging hadlang sa
pagbuo ng pagkatao mo. Ipangako mo lang sa akin na sa akin ka pa rin babalik,
na ako pa rin ang bahay na iyong uuwian.” Sagot naman ni mama.
“Oo
naman ma.. ikaw pa… mahal na mahal kita eh.”
“Ang
korny na ninyo eh.” Sabat ni kuya.
“Shut
up kuya. Nahihili ka na naman sa akin.”
“Pasalubong
ko ah.”
“Wala
akong pera…”
“Ikaw
na sapat na.” at doon ako natouch sa sinabi niya
Niyakap
ko si kuya ng napakahigpit at hinalikan sa pisngi.
“Yuck ano ba yan?”
“Magtigil
ka nga. Marami nagpapakamatay sa kiss ng isang artista.”
“Kow.
Ikaw artista? Model ka lang.”
“Ganun
din yun.”
“Ay
siya alis na at baka umalis na yung katagpo mo.”
“Sige
ma alis na po ako.”
“Pahatid
ka na sa kuya mo.”
“Sige
kuya ihatid mo ako para iwas bayad ng pamasahe.”
“Kow
nagtipid ka pa eh galing naman yan kay mama.”
Umalis
na kami ni kuya, pero habang nasa byahe kami ay tinanong niya ako.
“Di ka na ba
magmomodel ng kung anong brands ng damit?”
“Di
ko alam. Pero siguro. Tinawagan ako ni tita noong isang araw kung gusto ko daw
ba. Sabi ko susubukan ko or titignan ko.”
“Bakit
ayaw mo? At least may ipon ka.”
“oo
nga eh. Tatawagan ko na lang si tita.”
“Anong
balak mo pala sa birthday mo?”
“Di
ko alam eh. Haixt.”
“Medyo
malapit na yun.”
“Excited
lang kuya? Tagal pa ah.”
“Eh
yung gastos sa akin burden.”
“Kaya
mo pala ako pinababalik sa pagta-trabaho?”
“Somehow.
De joke lang. oh andito na tayo. Magtext ka kung magpapasundo ka. Ingat ka ah.”
“Naman
ako pa.”
“Text
ka kapag may problema ka. Sige bunso alis na ako.”
“Salamat
kuya.”
Bumaba
na agad ako ng sasakyan at pumunta sa lugar na pagkikitaan namin ni Tito Ralph.
Gusto ko siyang makausap at makasama kahit ngayon lang.
Handa
na naman akong gawin ang lahat para makilala siya at tanggapin siya kahit
papaano?
Pero bakit kinakabahan ako?
Hindi ko alam kung bakit.
“anjan
ka na pala.” Nagulat ako nung may nagsalita sa likuran ko.
“Anjan
na po pala kayo.” Tugon ko naman.
“Salamat
anak.” Ang nasabi niya lang.
“walang
anuman. Gusto ko lang po na maging normal ang lahat. Mag pakataon po kayo.
Gusto ko maging maayos ang lahat, walang pagpapanggap.”
“Sige
anak.”
“Tara
po upo po tayo doon.”
“Sige.”
Pagkaupo
naming, tinitigan ko siya.
nahiya naman siya sa akin kaya tumingin siya saiba.
“Di ko po alam kung saan ako mag-uumpisa.” Sabi ko.
“Kamusta
ka anak?” tanong niya
“Maayos
naman po.”
“Masaya
ako na maayos kang napalaki ng mama mo. Isang malaking bagay na iyon para sa
akin.”
“Masaya
po ako na napunta ako sa isang pamilyang may pagmamahal sa isa’t-isa.”
“Sana
lang talaga pinangatawanan ko kayo noon. Ipinaglaban kahit may pamilya na ako.”
“Minahal
ninyo po ba si mama?” agad-agad kong tanong.
Napangiti
siya at naghanap ng sagot na pwedeng maisagot.
“Ayos lang po kung ayaw ninyong
sagutin.” Dagdag ko.
“Hindi
naman. Yang mama mo ay mabait, maganda, mapagmahal, maalagain at marami pang
iba. Hindi naman yan yung batayan ko para mahalin ang tao. Hindi ko alam kung
paano pero minahal ko siya ng walang dahilan. Minahal ko siya sapagkat ito yung
tinibok ng puso ko. Anak, sa totoo lang nagdalawang isip ako noon na bumalik sa
mama ni Arjay.” Sagot nito.
“Pero
good decision na sila ang pinili ninyo.”
“Bakit
naman?”
“Magiging
magulo lang siguro ang buhay ko.” Sagot ko.
“Siguro
nga. Kasalanan ko naman lahat eh. Masyado lang akong naghangad ng anak. Di ko
man lang naantay ang kagustuhan ng Diyos para sa akin.”
“Pinagsisishan
po ba ninyo?”
“Hindi..
hindi ako nagsisisi.”
“Anong
naisip ninyo noon tungkol sa amin ni mama?”
“Gusto
kong kunin kayong dalawa. Yung tipong pareho kayong pamilya ko.”
“Di
po ba masyadong ganid ang ganun?”
“Kaya
nga hindi ko ginawa eh. Pati hinayaan ko na lang.”
“Ah
ganun po ba.”
“Kamusta
ang papa mo?” tanong nito.
“Okay
naman po. Di ko na po masyadong matandaan pero ang sabi ni mama ay papa’s boy
daw ako. Namiss ko tuloy si papa. Bata pa lang ako noong nawala si papa. Mga 10
years old ata ako. Di ko matandaan.”
“Maswerte
ka na nagkaroon ka ng papa na ganun.”
“Oo
nga po eh. Tito may itatanong sana ako…”
“Anak
may pabor sana ako…”
“Ano
po yon?”
“Pwede
ba na tawagin mo akong papa? Daddy? O ano pa?”
“Titignan
ko po…pag-aaralan ko po…”
“Salamat
anak.hihintayin ko ang araw na iyon.”
“Yung
tanong ko po pala.”
“Ano
iyon?”
“Bakit
ba kayo nag-away ng papa ni Kieth?”
Natahimik
siya at pansin ko na nag-isip ng malalim.
“Again… kung ayaw po ninyong sagutin
ayos lang po. Ibahin ko na lang po ang tanong ko.”
“Mabigat
kasi iyon anak.. pati alam ko baka magiba ang tingin mo sa akin…”
“Ayoko
po na may itinatago po kayo sa akin.”
“Sa
business iyon anak. Nag-away kami nang dahil sa posisyon.”
“Kaya
po pala.”
“Masyado
na akong gahaman anak.”
“Hanggang
ngayon ba?”
“Oo.”
“Kaya
ba pina-engage mo si Arjay at RD.”
“Oo.”
“May
balak ka rin po ba na gawin din iyon sa akin?”
“Patawarin
mo anak pero oo.”
Nabigla
ako sa sagot niya.
“Sorry po pero di ko gagawin iyon.”
“Alam
ko na kahit anong pilit ko hindi ka bibitaw kay Kieth.”
“Mahal
na mahal ko po si Kieth.”
“Nang
dahil sa akin ay nag-aaway kayo ng kapatid mo. Nang dahil sa akin ay
nagkakaganyan kayong dalawa.”
“tadhana
lang po siguro ito.”
“Siguro
parusa sa akin ito. Dalawang anak ko nag-aaway nang dahil sa iisang lalaki. Ang
dalawang anak ko rin ay mga bisexual…” sabi nito.
“galit
po ba kayo sa amin? Na kapwa mga lalaki din ang hanap?”
“Hindi…
tanggap ko na naman.. pero kahit papaano ay umaasa ako na magkakaroon ako ng
apo…”
“Yun
lang ang di ko aam.” Ang sabi ko.
“Kailan
mo nalaman na bisexual ka?”
“Highschool
pa lang ata ako. Natanggap naman ako agad ni mama. Halata naman daw niya sa mga
kilos ko.”
“Ah
ganun ba…” plain ang sagot niya
“Nagalit
po ba kayo noong nalaman ninyo na bi si Arjay?”
“Oo…
isang taon kong hindi inimikan iyon.. pero habang nagtatagal, naiintindihan ko
na na sa panahon ngayon ay kakaunti na lang ang masasabi mong matigas. Pumayag
na din ako nang malaman ko na si Kieth pala ang boyfriend niya. Okay din naman
sa magulang ng Kieth yun kaya pumayag na din ako. Wala rin naman akong magagawa
pa eh.” Sabi nito.
“Wala
na ba kayong balak mag-anak ulit?” tanong ko.
“Hindi
na namin sinubukan pang ulit.”
“Pero
ginagawa ninyo pa rin yun?”
“Oo
naman anak.” At nagkatawanan kami.
“Din
ko alam na pilyo ka pala anak.” Dagdag
nito.
“Di
naman po.”
“Aware
ka ba na may nangyari kay Arjay at Kieth?”
“Opo..
sinabi na niya sa akin.”
“Eh
may nangyari na ba sa inyo?” tanong niya
“Wala
pa po.”
“Dapat
lang.”
“Paghihiwalayin
ninyo po rin ba kami na tulad ng dati?”
“Oo…”
sagot niya
“Hindi
po ako papayag ulit.”
“Alam
ko… alam kong hindi ka papayag kaya hindi ko rin gagawin. Wala na naman akong
magagawa. Kailangan kong matanggap ang lahat. Pero kapag sinaktan ka niya,
kahit anong dahilan pa iyan ay ititigil ninyo ang relasyon ninyo.” Sabi nito.
“Protective
father ka pala sa anak mo po.” Sabi ko.
“Oo.”
“Magbati
na rin po kayo ng papa ni Kieth. Yun lang po ang kahilingan ko…”
“Mahabang
proseso iyon anak pero susubukan ko.”
“Wag
po ninyong subukan.. gawin ninyo po.”
“Sigurista
ka talaga ano?”
“Oo
naman po.”
“Kayo
ba ni Arajay?”
“Okay
na naman kami dati, di ko lang alam kung ano na ang nangyari ngayon.”
“Kaya
ako tutol kay Kieth sa inyong dalawa… dahil hindi kayo magkakabati hangga’t
nanjan siya.”
“Alam
ko po, pero marami pong paraan. Gagawa ako ng mga paraan at sisiguraduhin ko na
magiging ayos ang lahat.”
“Nagugutom
ka ba?” tanong nito.
“Medyo
po…” sagot ko.
“Tara
kain tayo…”
Umalis
kami sa lugar na iyon at dinala ako sa isang mamahalin na lugar.
Agad naman
akong nanibago sa mga nakita ko.
“Di
po ako sanay.” Sabi ko.
“Masanay
ka na. dahil gagawin natin to ng madalas.” Sabi niya
“Ganun
po ba?” ngumiti na lang din ako.
“Pinagtitinginan
ka ng mga kababaihan dito ah. Lakas ng appeal ng anak ko ah.”
“Di
naman po.”
“Balita
ko’y nagmomodel ka daw sa isang brand ng damit.”
“Opo.”
“Ang
kagwapuhan mo kasi ay namana mo sa akin.”
“Parang
di naman po.” Pabiro ko at nagtawanan kami.
“Matinik
ka rin ba sa chicks anak? O puro chickboy ang hinunting mo?”
“Naku
papa wala ka sa akin. Madaming babae ang humabol sa akin. Konti lang ang naging
gf ko pero maraming naglalaway sa akin.” Sagot ko.
Natigilan
siya. di ko alam kung bakit.
Nakikinita ko ang papaluha niyang mga mata.
“Ano
pong nangyari…”
“Wala
ito… Masaya lang ako…”
“Pa
naman… bakit nga?”
“Salamat…
tinawag mo na akong pa…”
“Ah
eh…”
“Wag
kang mahiya.. feel free na tawagin akong papa…. Daddy o ano pa man…”
“Opo..”
at ngumiti ako.
Buong
araw na nagbonding kami.
Pinamili niya ako ng kung anu-ano.
Di ko naman alam na
ganun pala siya kasabik sa akin.
Damit,
gadgets, supplies at marami pang iba.
“Pa… tama na po ito..” sabi ko.
“Hindi..
kulang pa yan.. bukas mamimili pa tayo ah.”
“Di
ko naman po kailangan yan…”
“Tanggapin
mo na.. magtatampo ako sige ka…”
“Ay
nanakot ang magaling kong erpat…”
“Ganun
lang talaga anak.”
“Salamat
po dito.” Sabi ko.
“Kulang
pa yan. Gusto kong bumawi sayo. Gagawa ako ng paraan na makabawi.”
“Kayo
po ay sapat na para sa akin. Naramdaman ko na po yung pagmamahal ninyo.”
“Salamat
anak.” Sabi nito at ngumiti siya.
Panatag
na yung kalooban ko.
Pero di pa rin ako makapaniwala sa mga pinagbibili niya sa
akin.
Nakakahiya kasi baka isipin ng iba na materyales akong tao.
“Wag
kang mag-alala sa sasabihin nila. Karapatan mo na magkaroon niyan.”
“Okay
po.” Ang nasagot ko lang.
Nalaman
ko na si papa pala ay maraming kalokohan.
Matinik sa chicks at malokon din.
Madami pa akong nalaman sa isang buong araw na pag kikita namin.
“Anak…
gusto mo ba ng bola?”
“Para
saan po?”
“Laro
tayo minsan… ano bang sports mo anak?”
“Basketball
at volleyball.”
“Talaga
anak marunong ka magbasketball?”
“Parang
nangiinsulto po kayo ah.”pabiro ko.
“Di
naman. Anak laro tayo minsan ah.”
“Opo.
Kayo pa, malakas kayo sa akin eh.”
“Hahah.”
Kumain
muna kami bago kami umalis doon. Hinatid niya ako sa bahay.
“Pa salamat po.”
“Salamat
din anak.” Agad niya akong niyakap.
Naramdaman
ko ang kasabikan niya sa kanyang anak.
Ramdam ko din na umiiyak siya dahil na
lindol ang mga balikat niya.
“Pa wag kang umiyak.”
“Sorry
di ko lang mapigilan…”
“Salamat
po sa lahat.” Ang nasabi ko.
“Sige
uwi na ako.”
“Ingat
po kayo ah.” Ang nasabi ko.
Sinalubong
ako ni mama sa may tarrace.
Kita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Agad ko
siyang niyakap at hinalikan.
“Masaya
ako sa kung anuman ang desisyon mo.”
“Hindi
kita iiwan. Magkasama lang tayo mama.”
“Salamat
anak.”
“Akyat
na ako ma.” Sabi ko.
“Sige
magpahinga ka na. mukhang nakakain ka na naman ng hapunan.”
“Opo
ma. Sorry di na ako nakapagsabi.”
“Ayos
lang. Usap kayo ni Kieth ah.” Sabi ni mama.
“Opo…”
Inihiga
ko ang aking sarili sa aking kama.
Di ko rin namalayan na nakatulog ako dahil
na rin siguro sa maghapon na pag gagala.
Napahimbing ako ng tulog at nagising
ako ng ala-una na ng madaling araw.
Agad
ko namang binuksan ang laptop, nagconnect sa internet at binuksan ang skype
application ko.
Sana di pa siya nagoofline.
Napahimbing ang aking tulog at sana
nahintay niya ako. Haixt.
Offline
siya. haixt.
Hinayaan ko lang na nakabukas yung skype ko, baka sakaling mag
online siya. abang-abang din lang.
Kinuha
ko yung phone ko at nakareceive ako ng mga text.
Punong-puno ang inbox ko.
Luka
talaga tong si Charlene, tadtarin ba naman ako ng text.
Nag
try akong tawagan siya, baka kako gising pa siya. luckily, sinagot niya.
“Hello.” Sabi niya sa kabilang linya
“Hoy
ganda…”
“Speaking…”
“Anyare
sayo? Daig mo pa may text brigade sa pagtetext sa akin ah. Excited lang?”
“Walang
magawa eh. O kamusta ang lakad ninyo ng papa mo?”
“Okay
naman. Mahabang kwento. Saka ko na itatalak sayo.”
“Sure…
may sasabihin ako… hahaha.”
“An
yun?”
“Okay
na kami ni Jake.”
“What
do you mean okay?”
“Kami
na?”
“Wooooh..
Talaga? Akalain mo may nabulag sa kagandahan mo?”
“Ewan
sayo!”
“What
with the question mark?”
“Eh
kasi ang labo niya.”
“Baka
nagdadalwang-isip siya na maging kayo?”
“Inggit
ka lang talaga.”
“Ako
mainggit? Well.. may Kieth ako remember?”
“Sus.
Naku.”
“Speaking
of him… natulugan ko siya.. kakagising ko lang.. nakalimutan kong magbukas
kanina pagdating.”
“Ay
siya matulog ka na. mag leave ka na lang ng message sa kanya.”
“Hihintayin
ko siya.”
“Well…”
“Oh
wait…” biglang nag call si Kieth.
“Got
to go… online na ang mahal ko.” Sabi ko.
“Okay.
See you soon. Miss yah.”
“Miss
you too.” At ibinaba ko na yung phone.
“Hey
babe…” bati ko kay Kieth.
Pawisan
siya at mukhang pagod na pagod.
Ano kaya ag pinag gagawa nito?
“Salamat naman
at nagonline ka. Akala ko kinalimutan mo na ako eh.” Sabi nito.
“Ikaw
pa makalimutan ko? Naku. Teka saan ka ba galing?” tanong ko.
“Nag
punta kami ni papa sa gym. Alam mo na. konting pa macho. Baka kasi mamaya
pagbalik ko eh hindi mo na ako pansinin dahil may mga bilbil na ako.”
“Tsura
mo. Daming arte. Kahit magkabilbil ka pa ng limang layers…. Tatanggapin kita. Teka, okay lang ba kay papa na mag gagalaw?”
"Mapilit kasi.. Bale di naman siya ganun nagpagod. Konting jogging lang."
"Ah okay."
“Aysus..
hahahah. Kamusta pala ang lakad ninyo ni tito Ralph?” tanong niya
“May
sasabihin sana ako.”
Biglang naging seryoso yung mood naming.
“Eto
na nga ba ang kinakatakuhan ko. Babe I will hold on. hindi ako papayag kung
makikipaghiwalay ka. Kung pinagbawalan ka ng papa mo na makipag relasyon sa
akin, hinding-hindi ako papayag na makipag break ka sa akin… sabihin mo sa akin
na hindi ka bibitaw. Please.” Sabi nito.
“Tapos
ka na ba sa litanya mo? Grabe ha. Ang daming alam. Over lang?”
“Oh
bakit?”
“Exagerated
ka masyado mahal ko. Wala namang sinabi si papa na ganyan.”
“Oh?
Papa?”
“Medyo
okay na kami. Sa tingin ko wala na naman siyang balak na humadlang pa at hindi
naman ako papayag kung tumutol man siya.”
“Wew.”
Nnapabuntong hininga na lang siya.
“Alam
mo ang OA mo din pala ano?”
“Di
mo naman maiaalis sa akin yun.”
“Kamusta
na si tito?” tanong ko.
“He’s
doing fine… mag undergo siya ng surgery this December 24.” Sabi nito.
“Ibig
sabihin di ka talaga makakauwi dito. Haixt.”
“Cheer
up ano ka ba?”
“Miss
na kita!” sabi ko.
“Mas
okay na mamiss mo ako. Para pag-uwi ko diyan eh di mo na ako papakawalan pa.”
“Tsura
mo. Oh baka naman nambabae o nanlalalake ka na jan ha?”
“Seloso
lang. teka, nagkikita ba kayo ni RD?”
“Minsan
lang.”
“Pasaway
ka lang talaga.” Pagtatampo niya.
“Wala
naman kaming ginagawang masama babe. Mag tiwala ka sa akin.”
“Sayo
may tiwala ako pero sa kanya, walang-wala eh.”
“OA
ka talaga. Ganyan na ba ang epekto ng ibang bansa babe?” panloloko ko.
“Ewan.”
“Ay
nagdrama pa oi.”
“Di
ah. Aalis pala kami ngayon kaya di ako magtatagal ah. Ingat ka lagi. Kumain
lagi sa tamang oras at wag magpapabaya sa sarili.”
“Yes
tatay.” Sabi ko.
“tatay
ka jan. mas mukha kang matanda sa akin.”
“ga-youth
ka na nga eh.”
“Maka
ga-youth ka wagas ah.”
“Sus.
Ikaw wag kang magpabaya. Gusto ko pag-uwi mo dito sa akin eh masigla ka at
walang sakit. Gusto ko healthy ka at walang sakit na iniintindi.”
“Yes
boss.”
“I
love you. Mahal na mahal kita!”
“I
love you too. Got to go. Sorry for a small talk today ah. Ingat ka po lagi.”
Nag
offline na siya at alo naman ay naiwang gising.
Natulog na rin ako matapos ang
ilang sandali.
Nakaramdam naman ako ng antok matapos ang 30 minutes na pagkakamulat.
Kinabuksan,
nadatnan ko sa sala namin si RD.
nagulat na lang ako ng pagbaba ko ng bahay ay
nakaupo na siya at hinihintay ako.
“Good
morning yats.” Sabi niya
“Good
morning din. Ang aga mo ata? Anong sadya mo ginoo?”
“Wala
naman. Gusto lang sana kitang yayaing lumabas kung hindi ka busy ngayong araw.”
“Dapat
nag text ka na lang.”
“Gusto
kitang pormal na ipaalam kay tita.”
“Sus.
Babae lang ay?”
“Hindi
ba?”
“Sapak
gusto mo?”
“So
ano? Payag ka ba?”
“Hay
naku. Sige na no choice naman ako eh.”
“Sus.”
“30
minutes and I will be ready.” Sabi ko.
“Kahit
1 hour pa yan.”
“Talaga
lang ha.”
“Yeah.
Dali na.”
Agad
naman akong naligo at nagbihis.
Agad kong binuksan ang laptop ko at skype.
Offline si kieth kaya nag iwan na lang ako ng message sa kanya.
“Babe..
lalabas kami ni RD. mamasyal lang. pampatanggal sa pagkabugnot. I love you.
Sorry ah biglaan ang lakad. Behave ako promise. Mwah.” At bumaba na ako.
Nadatanan
ko si mama at si RD na nagtatawanan.
Agad naman kaming umalis pagkababa ko ng
sala.
May dalang sasakyan si RD at doon kami sumakay.
Nag
mall lang kami.
Nag-ikot-ikot hanggang sa magyaya siyang manood ng sine.
Maganda rin naman ang mga palabas ngayon.
“Salamat
sa libre. Sabi ko.
“Lagi
naman eh. Minsan ikaw naman ang manlibre.”
“Kapag
ako na ang nagyayang mag gala. Saka.”
“Sus.
Ewan lang din.”
“Kapag
kasi nagyaya ang isang tao, dapat ililibre niya yung niyaya niya. Ganun yon.”
“Kelan
ka pa kaya magyaya. Baka tirik na ang mga mata ko eh hindi ka pa nagyaya.”
“Yun
lang. hahaha.”
“Ang
kuripot mo.”
“Di
ako kuripot no.”
“Nga
pala.. alam mo na ba?”
“Ang
alin?”
“Si
Arjay.”
“Anong
nangyari kay Arjay?”
“Umalis
siya ng bahay nila.”
“Naglayas
siya?”
“Parang
ganun na nga. Nag ibang bansa.” Sabi nito.
“Kelan
pa?”
“Kagabi
lang siya umalis.”
“Saan
daw siya pupunta?”
“Sa
Amerika.”
Natigilan
ako sa narinig ko.
Amerika?
Nandoon si Kieth ngayon.
Paano kung sinundan niya
si Kieth doon?
Paano kung magkita sila doon?
Anong gagawin ko?
(Itutuloy)
Yey ako first! ahahahaha
ReplyDeleteIVAN D.
OMG! Si keith PAWISAN, si ARJAY nasa AMERIKA? oh no! akala ko pa man din si Alex ang prone sa infidelity. Argh!! patayin yang si keith pag nagloko. nakow! KAY RD ka na lang nga alex. parang naanticipate ko na :((
Thanks sa UPDAte author. this wednesday idol ah? wag ka magmimintis! :D hehehehe
aI! I sense something. I smell betrayal! putulan yan si keith pag nagpadala kay arjay. tsk.
ReplyDeleteMarlon
yey! Three Chapters! thanks po author. pero next na agad! ahahahha xD
ReplyDeleteWhats the meaning of this? Tsk! nastress nanaman ako. RD bilis bilisan mo nga pag diskarte mo jan. mukhang may nangyayari naman kay keith sa amerika eh. ahaha xD
ReplyDeleteStressed Xian' :D
Yes! thanks sa update pero sana next na agad? ahahaha xD muwah :D
ReplyDeleteswap ng syota?
ReplyDeleteGrabe! Na-shock naman ako sa first comment dito.
ReplyDeleteIMAGINATION ang LIMIT???!! HAHA! XD
Purkit pawisan kelangan nasundan na kagad ni Arjay si Keith at may ginawa na kagad silang milagro?! KALOKA! HAHA!
I really doubt it. But somehow, I feel a bit nervous about Arjay's motive.?
FVCK that desperate & pathetic guy. :/
Goodluck kuya Lex. Don't worry, kuya Keith loves you more than anyone else.
Kaloka naman tong mga to. Sige bigyan ng kahulugan yung pagpapawis ni Keith! Tsaka kinagabihan lang umalis tas andun na agad sa Amerika? Mahigit isang araw yung byahe dun ah? Kayo talaga. Pero Alex-Keith pa rin ako, mas malakas yung chemistry nila kesa sa Alex-RD na parang bestfriend material lang. Naiiinis ako kay Arjay kasi parang nakikita ko sa kanya si Chad ng BFMV. Nakakapang-init ng dugo ah! Sarap patayin nung character para di makaperwisyo ng mga taong nagmamahalan. -Mel
ReplyDeleteYo Dylan, mga ilan chapters mo balak itong LT3? Kasing haba ba nung BFMV? Sana wag masyado mahaba paa di sobranf bitin. :)) - Mel
ReplyDeleteyow... sa lahat po ng nag comment.. maraming salamat po... hindi ko po kayo mareplyan lahat dahil ang hina po ng signal net... but I appreciate all.. sorry kung nagmintis ako ng update... may pinag daananan lang po. hahahaha.... salamat po sa pagiintindi. love you guys. :)
ReplyDelete