Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 25
[RD’s
POV]
Nakahiga
ako kaharap si Alex at kitang-kita ko naman ang maamo niyang mukha.
Kanina pa siya himbing na himbing na natutulog, marahil ay dahil na rin sa pagpupuyat niya kagabi.
I'm just wondering kung right time ba talaga ako.
Pero paulit-ulit ko lang talagang masasabi na ang amo
niyang matulog.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture.
Itatag ko siya sa fb kapag naupload ko to. Haha
“Baka
naman matunaw na ang best friend ko niyan.” Sabi ni Charlene.
“Hindi
naman. Di ko siya tutunawin.”
“Sus.
Kulang na lang halikan mo siya eh.”
“Pwede
ba?”
“Tumigil
ka. Di ko ibinebenta ang best friend ko.”
“Ang
swerte niya na magkaroon siya ng best friend na tulad mo.”
“Ako
ang maswerte jan kay Alex. Alam mo ba, nang dahil sa kanya, nandito ako ngayon. Marami-rami na
kaming napag daanang dalawa. Pero higit na mas marami siyang masasakit na napagdaanan.”
“Sabagay, marami-rami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Nalaman
ko yung about sa ex niya.”
“Nakapunta
ka na ba sa puntod niya?”
“Di
na kailangan. Alam ko si Kieth na nakapunta na doon.”
“Yung
totoo… mahal mo best friend ko?”
“Oo.” tahasan kong sagot sa kanya.
“Ang
landi talaga niyang lalaking yan. Akalain mo pati ikaw. Naiinggit na ako jan
ha.” At nagtawanan kaming dalawa.
“Sana
lang…”
“Ako
na ang nagsasabi sayo na medyo dumistansya ka kay Alex…” seryoso ang tinig ni
Charlene.
“Alam
ko sila ni Kieth. Hindi naman ako nangingialam eh.”
“Siguro
ngayon hindi... pero kapag napamahal ka na ng sobra sa kanya eh baka agawin mo
na siya. Kapag di mo na kaya na pigilan yang nararamdaman mo, baka umeksena ka na at hindi naman ako papayag na gawin mo iyon.”
“Di
ako ganun. Sana lang...”
“Pero
nakikinita ko na darating yung panahong iyon.”
“Ano
ang gagawin mo kung dumating yun?”
“ako
na mismo ang maglalayo sayo sa best friend ko.”
“Ang
protective mo pala.”
“Ayoko
lang mamroblema ang best friend ko.”
“Di
ko susulutin siya kay Kieth promise.”
“Remember
that promise are meant to be broken.”
“Wala
na ba akong lusot?”
“Wala
na…”
“Mamaya
eh ipa-patay mo na ako.”
“Grabe
ka... ganyan ka ba katakot sa akin.”
“Nakakatakot
ka pala.”
“Nangangain
ako ng tao…”
“Halata
nga… daig mo pa ang manlalapa ng tao eh.”
“Pero
seryoso ako doon ah. Wag mo na lang sasabihin sa kanya.”
“Yup.
Friends?”
“Pag
isipan ko muna.”
“Mabait
ako. Matulungin. Masipag. Gwapo... ano pa ba.”
“Ang
hangin grabe.”
“Nasa
park ka eh.”
“Ah
ganun barahan?”
“Joke
lang.”
Napansin
nalang namin na nagising na si Alex.
Malma tong si Yats, akalin mo tinulugan
lang kami ng 4 hours.
Kitang kita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata.
“Sunoooog!”
sigaw ni Charlene.
At
napabalikwas si Alex.
Tawanan naman kaming dalawa.
Pinagbabato kami ng mga dala
naming gamit.
Tawanan pa rin pero etong si Alex ay naiinis.
Nag
walk out naman siya kaya pareho kaming natahimik.
Hinabol naming dalawa siya.
agad naman kaming kinavbahan kasi di talaga siya naimik.
“Yats…”
tawag ko.
“Che.
Umalis kayo jan.”
“Best
sorry na.”
“Lokohin
ninyo na ang lasing.. wag lang yung bagong gising.”
“ui
sorry na.”
“ewan
sa inyo.”
“Yats
may tagos ka oh.”
“Umalis
nga kayo.”
“Pag
umalis kami eh maiiwan ka.”
“Edi
iwan ninyo ako. Lagot kayo kay mama.”
“Sorry
na kasi…”
Pero
natigilan agad siya.
“Pinapatawad mo na ba kami?”
Nakita
namin na parang yumayanig ang balikat niya.
Siguro pinagloloko lang niya kami.
Pero noong lumapit ako, nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“Yats
sorry.” Agad niya akong niyakap.
Iyak
lang siya ng iyak.
“Sorry na po oh. Di na po namin uulitin…”
“Hindi
yun yun... tignan mo.” Sabat ni Charlene.
Tinignan
ko yung dakong itinuturo ni Charlene.
May mag couple doon at magkaholding
hands.
Naka couple shirt din silang dalawa.
“Tahan
na yats…”
“Namimiss
ko na si Kieth…”
“Sadyang
ganayan ang buhay…”
“Uwi
na tayo…” sabi niya
“Tahan
na.”
“Salamat.”
“Galit
ka sa amin best?”
“Joke
lang yun.”
“Ang
arte kasi eh.”
“Ah
ganun bigla kang mangganyan.”
“Joke
lang namern. Mamaya singilin mo pa ako sa mga utang ko eh.”
Ngumiti
na lang ako.
Agad naman kaming nag impake ng mga gamit at saka umalis doon.
Mag
ga-gabi na rin naman nang maihatid ko silang dalawa sa bahay nila.
“Dito
na lang ako.” Sabi ni Charlene.
“Matutulog
ka ba dito?”
“Oo
naman. Tabi kami ni Alex.”
“Okay
good night.” Sabi ni Alex.
“Oi
kayong dalawa maghiwalay kayong dalawa sa pagtulog. Sa tabi kita matutulog
Charlene.” Sabi ni tita.
“Ayos
lang po yun. Wala naman pong mabubuo sa amin dahil parehas kaming babae.”
“Loka
ka talaga.”
“Sige
mauna na ako.” Sabi ko.
“Sure.
Ingat ka ha.” Si Charlene.
“Salamat.”
Tapos ngumiti si Alex.
“Tita
una na po ako.” Ngumiti si tita at agad naman akong lumabas.
Binuksan
ko na ang makina at nagdrive papuntang bahay.
Medyo naging maayos naman ang
araw ko ngayon.
Haixt.
Masaya naman ako at napapasaya ko si Alex kahit papaano.
At least nakakalimutan niya ang mga problema niya.
Naalala
ko bigla yung pag-uusap naming ni Kieth.
Seryoso ang tinig niya at para bang
walang halong biro.
Di ko alam ang dapat kong
gawin noon dahil natatakot man ako na baka sa bandang huli ay umasa lang
ako, masaktan.
(Flashback)
Isang lingo bago ang
finals, tinawagan ako ni Kieth dahil nais daw niya akong makausap.
Di ko naman
alam kung bakit ba niya ako gusting makausap.
Hinarap ko naman siya dahil
mukhang importante naman ito.
“Pre…” bungad ko
nang dumating ako sa aming tagpuan.
Tumango lang siya.
“Si Alex?” tanong ko.
“Di ko kasabay eh.
May inaasikaso pa eh.” Sabi niya
“Ano ang atin?”
tanong ko.
“May gusto lang sana
akong sabihin… ipakausap.”
“Ano yun?”
“Tungkol kay Alex…”
“Anong meron?”
“Aalis ako… pupunta
ako ng ibang bansa. Maiiwan ko siya. Kailangan kong samahan sila papa sa
pagpapagamot, hindi ko naman kailngan
ito pero nangangamba ako na baka malungkot lang siya kaya lumalapit ako sayo
para humingi ng tulong.”
“Ano ba ang gusto
mong gawin ko?” tanong ko.
“Pasayahin mo sana
siya, aliwin mo siya. Subukan mong mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay.”
“Matatagalan ka ba?”
“Baka… siguro… oo…”
“Sigurado ka bang sa
akin mo siya ipagkakatiwala? Bakit hindi kay Jake?”
“Alam kong mahal mo
si Alex… alam kong maalagaan mo siya.”
“May tiwala ka ba sa akin?”
“Hindi ko alam kung
dapat ba akong magtiwala pero you are my best option.”
“Napaka straight
forward mo naman pre.”
“Nagmamadali ako
eh.”
“Paano kung…”
“Hindi mangyayari
yun. Inihabilin ko lang siya sayo pero hindi ko siya ibinibigay sayo.”
“Pwedeng mahulog si
Alex sa gagawin ko.”
“Di naman ako papayag
nan. Alam ko hindi ako ipagpapalit ni Alex.”
“Paano kung mahulog
siya sa akin at ako ang mahalin niya? Ibibigay mo ba siya?”
“Kung ikaw ang mahal
niya… wala akong magagawa… kasalanan ko kung bakit kami maghihiwalay… Kaya
naman ibibigay ko siya.”
“Agad-agad.”
“Oo.”
“talagang kampante
ka na hindi siya mapupunta sa akin.”
“Oo.. dahil may
tiwala ako sa kanya. Dahil mahal niya ako at mahal ko siya.”
“Pasensyahan tayo
kapag ako ang pinili niya.”
“Good luck na lang
sayo pre…”
“Ang swerte mo sa
kanya.”
“Kaya nga hindi ko
siya papakawalan eh.”
“Sige ako na ang
bahala.. gagawin ko naman lahat para di siya mahulog sa akin... kahit masakit
sige pipilitin ko.”
“Si Arjay kamusta?”
tanong niya
“Okay naman siya.
Medyo nakakausap na naman din ng ayos.”
“Okay. I hope he
will be okay.”
“Dumistansya ka lang
sa kanya.”
“Alam ko.”
“Kailan ang alis
mo?”
“After finals.”
“Ingat…”
“Iniwan kong virgin
si Alex… dapat virgin siya sa pagbalik ko.”
“Paano kung hindi
na?”
“Magkakaubusan tayo
ng lahi.”
“Well tignan natin…
hahabaan ko na lang ang self control ko.”
“Umayos ka pre…”
“Salamat sa tiwala…”
“Di ganun kabuo ang
tiwala ko sayo.”
“Alam ko.. matapos
yung nangyari sa atin nila Arjay.”
“Sige na… aalis na
ako.”
“Sige…”
At umalis na siya at
tinitigan ko ang paglayo niya.
Doon ako napaisip kung ano ba ang dapat kong
gagawin.
Humihingi ng pabor ang best friend ko dati.
(End
of Flashback)
Nakarating
ako ng bahay at inihiga ko ang aking katawan.
Ramdam ko ang pagod sa aking mga
ugat.
Agad naman akong nakatulog sa aking paghiga at tuluyan ng nahimbing sa
pagpapahinga.
[Alex’s
POV]
“Good
night mahal ko…”
“Good
night din…” at nag offline na siya.
Araw-araw,
ganito ang set up namen.
Gising ako sa gabi at tulog sa umaga.
Di naman ako
nagrereklamo, mas okay nga sa akin yun kasi nakikita at nakakusap ko siya.
Ang
gusto ko nga lang ay yung makasama siya.
Namimiss
ko na ang kanyang presensya.
Unti-unti nawawalan ako ng lakas ng loob.
Gusto ko
siyang puntahan pero anong magagawa ko, wala akong pera.
Nahihiya naman akong
humingi ng pera para lang pumunta doon.
December
na ngayon at next next month ay birthday ko na. Haixt.
I hope nandito na siya
before ag birthday ako.
I wish nga before Christmas nandito na siya.
ilang araw
na lang at magpapasko na pero ako, nganga pa rin hanggang nagyon.
Natulog
din ako matapos ang mahaba kong pag-iisip ng kung anu-ano.
Nagising din ako
nang tanghalian.
Di rin naman nagtagal ay may dumating na bisita na labis kong
ikinagulat.
Nakita
ko na nakatayo si Tito Ralph sa may pintuan ng bahay namin at may mga
dala-dalang regalo.
Di naman umimik si mama at hinayaan na lang si tito Ralph,.
“Ano
pong ginagawa ninyo dito?” tanong ko.
“Magandang
tanghali anak… gusto lang sana kitang bisitahin. Kamusta ka na? May mga dala
pala ako sa iyo.”
“Ano
po iyan?”
“Mga
regalo. Pambawi ko sa mga taong nawala ako.”
“Hindi
naman ako nasusuhulan.”
“Di
kita sinusuhulan.. sinusubukan ko lang bumawi.”
“Kung
babawi po kayo sa akin.. unahin ninyong bumawi sa nanay ko. Matapos yon, sa
pamilya mo at saka po kayo bumalik sa akin.”
“Anak…
hayaan mo naman akong bumawi…”
“Sa
totoo lang, dapat hindi ako nagiging mabait sa inyo… dapat hindi ko kaya pinapatunguhan
ng maganda. Lahat ng bagay sinira ninyo sa buhay ko. Ginulo ninyo kung ano ang
mayroon ako. Pero hindi ko magawa…. Hindi ko magawa dahil…”
“Dahil
ama mo ako… hindi na natin maiaalis ang katotohanan anak.. ang gusto ko lang
naman ay ituring mo akong ama.”
“Mahirap
yun sa ngayon…”
“Pero
hayaan mo akong patunayan iyon…”
“Di
ko alam…”
“Pero
bigyan mo ako ng panahon…”
“Naniniwala
naman ako na magiging ayos din ang lahat… wag lang po ninyo ako biglain… wag
lang po ninyo sana ako pilitin… gusto ko pong mapag-isip isip.”
“Salamat.”
Umakyat
na din ako sa taas at naligo.
Pagkababa ko naman ay wala na siya.
Tanging kami
lang ni mama ang natira sa may bahay.
Ang awkward ng atmosphere kaya lumabas
ako sa may terrace.
Tinitigan
ko lang ang mga sasakyan na dumaraan sa amin.
Kakaunti lang ito dahil nasa
subdivision kami at wala namang gaanong nadaang sasakyan.
“Anak…”
nagulat ako sa tawag ni mama.
“Bakit
po?” sagot ko na hindi naman.
“Gusto
ko lang sana na mag-usap tayo.”
“Okay
lang naman po.”
“Gusto
ko lang kasing maayos ang lahat. Hindi ako sanay na umiiwas ka sa akin.
Nasaskatan ako bilang isang ina mo.” Sabi ni mama habang paupo siya sa may
upuan.
“Sorry
anak.. sorry kung nasaktan kita. Sorry kung inilihim ko ang lahat. Ang alam ko
sa sarili ko ay tama ang pinag gagawa ko. Sabi ko magiging okay ang lahat dahil
dumating ang papa mo at tutulungan niya akong palakihin ka. Ginawa ko lang
naman ang lahat ng sa alam kong tama. Kung mali man iyon sa iyong tingin,
pasesnya na.” dagdag ni mama.
“Ma…
tama na… wag po kayong mag sorry.. di naman ako galit.. naiinis lang ako.. pero
hindi po kayo dapat mag sorry sa akin. Wala akong karapatang tumanggap ng sorry
mula sa inyo. Ako ang may mali, masyado lang akong naging self-centered.
Nabigla lang po ako sa lahat ng nangyari.”
“Pero
kasalanan ko pa rin sa parte ko. Kung sinabi ko lang sana ng mas maaga ay hindi
tayo aabot sa ganito.”
“Alam
kong ginawa lang po ninyo yung tama at mali. Iyon naman ang paraan ninyo bilang
isang ina. Prinotektahan lang po ninyo ako. Di ko lang po talaga naintindihan
ang lahat. Sorry po.”
Tumayo
ako at lumapit kay mama.
Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
“sorry ma kung
iniiwasan kita… nahihiya lang ako sa mga ginawa ko.”
Umiiyak
si mama sa puntong iyon.
“Masaya ako anak na okay na tayo. Masaya ako na
pinapansin mo na ako.. salamat.. salamat ng marami.”
“Wag
kang umiyak ma… papanget ka sige ka…”
“Salamat
talaga anak.”
“Okay
na tayo ma ha?”
“Oo
naman. Pero may tanong ako…”
“Ano
po yon?”
“Ano
ang balak mo kay Ralph?”
“Di
ko po alam. Naguguluhan ako sa dapat kong gawin. Di ko alam ma. Ano ba ang
dapat kong gawin? Ang tanggapin siya o hayaan na lang na maging parte lang ng
buhay ko? Di ko alam kung kaya pa ba eh.”
“Alam
ko anak nag hahanap ka ng father figure. Hindi kita binabawalan anak pero mag
ingat ka lang. Ayokong humadlang sa kung ano ang gusto mo.”
“Gusto
ko siyang makilala ma. Gusto kong malaman ang pagkatao ng tatay ko. Gusto kong
malaman kung ano ba talaga siyang klaseng tao. Gusto kong maramdaman na may
tatay ako.. di ko alam kung paano ba ma… limot ko na…”
“Hindi
naman kita pipigilan anak. Nandito lang ako para umalalay.”
“pero
natatakot pa rin akong harapin ang katotohanan.”
“Pero
kailangan mong harapin ang kinakatakutan mo.”
“Ma…
bakit ba kayo nainlove kay Tito Ralph?”
Nakita
ko na nag-iisip siya.
di ko alam pero gusto kong malaman.
Walang dahilan pero
payak ang desisyon kong malaman.
Nakakaintriga lang.
“Mahabang
kwento anak eh.”
“Nahiya
pa si mama mag kwento…”
“Mabait
si Ralph… lahat ng magugustuhan mo sa lalaki ay nasa kanya. Mapagmahal siya. di
ko naman maexplain pa eh, basta naramdaman ko yung nararamdaman mo ngayon kay
Kieth.”
“Pero
ma sino ang mas mahal mo?”
“Ang
papa mo. Noong una ang tagal ko bago makamove on kay Ralph pero habang
nagtatagal, minamahal ko na ang papa mo.”
“Masamang
tao ba si tito Ralph?”
“Hindi
siya masamang tao. Sa palagay ko ay natatakluban lang ang pagkatao niya. Siguro
ikaw ang makaktuklas noon kapag nakilala mo siya.”
“Sana
nga po makilala ko siya. sana lang po. Sana yung totoo.. at sana mabago ko kung
anuman ang hindi dapat siya.”
“Tanggapin
mo lang siya anak…”
“Opo…”
Yung
pag-uusap namin ni mama ang nagbukas sa akin ng mga possibilities sa kung
anuman ang dapat gawin.
Ilang araw din ang lumipas at lalong tumindi ang
pasanin sa akin.
Haixt.
“Mukhang
marami kang iniisip ah?” tanong ni Kieth sa akin.
“Pagod
lang.”
“Sus..
parang di kita kilala ano.. oh anong problema mo?”
“Gusto
kong bigyan ng chance si tito Ralph.”
“Saan?”
tanong nioya
“Na
makilala ko siya… na makilala niya ako.”
“Ah
ganun ba?”
“Di
ka ba sang-ayon?”
“Ayos
lang…”
“Wag
kang mag-alala… hindi mangyayari yang nasa siip mo.”
“Di
rin natin maiiwasan yun.”
“Promise
ko sayo…”
“Haixt.
Ikaw bahala.”
“Pero
sa tingin mo?”
“It’s
your choice… I respect kung anuman yan… siguro its time to change things.”
“Gusto
ko din namang klaruhin ang mga bagay-bagay. haixt. Di ko alam kung anong
klaseng tao siya.”
“Mabait
naman si tito.”
“Wag
kang matatakot ha.”
“Oo
naman. Hindi ako natatakot.”
“Sus.
Pero di ako papaya na paghiwalayin nila tayo.”
“Kailan
kayo mag-uusap?”
“Din
ko pa alam eh. Pero bahala na si batman.”
“Yan
tayo eh. Hahaha lagi na lang kawawa si batman.. laging inaaasa sa kanya.”
“Porket
paborito mo si batman eh pinagtatanggol mo.”
“Hindi
naman. To talaga.”
“I
miss you.”
“Mas
miss kita.”
“I
want to be with you.. I want to hug you.. I want to kiss you.. I want to lick
you.. I want to…”
“Hep
hep hep. Daming alam.”
“Let’s
do ito on cam.”
“Hoy
lalaki. Mamaya nakikipag ganyanan ka dito ha?”
“Just
kidding.”
“Kamusta
naman ang mahal ko diyan?”
“Eto
pinagkakaguluhan lagi…”
“Ay
siya wag na wag kang lalabas ng bahay.”
“Nga
pala aalis kami nila mama mamaya.”
“Oy
damihan mo pasalubong ko ha…”
Nakita
ko yung pagkalungkot niya.
Alam ko na ang kasunod niyan.
Nawala na naman ang
pag-asa ko sa mga bagay-bagay.
“Sorry…”
“No
it’s okay”
“Di
ako makakauwi sa Christmas. Sorry.”
“Ayos
lang… naiintindihan ko. How’s tito?” sinubukan kong ibahin ang usapan.
“He’s
okay naman. Need lang talaga mag tagal yung operation kasi.” Sabi niya
“Inaantok
na ako…” asbi ko bigla.
“Tulog
ka na lang muna..” sabi niya pero alam kong nag-aalala siya.
“I
will be okay. Ingat kayo.”
“I
miss you.”
“same…
I love you..”
“I
love you too.” Then nag offline ako.
Inihiga
ko ang aking sarili sa aking kama at itinama ang paningin sa kisame.
Ilang araw
na lang at pasko na at nag-iisa na naman ako. Wala anmang nabago doon eh.
Nag-iisa din naman ako noong pasko ko eh.
Kinuha
ko ang cellphone ko at tinitigan iyon.
Nagtype ako ng message at balak ko
sanang isend sa isang tao.
Binura ko ito at nagsulat ng panibago.
Hindi ko alam
kung ano ba ang dapat kong isulat, hindi ko alam kung ano nga ba ang isusulat
ko.
“Kita
tayo bukas…” erase
“Gud
pm. Gusto sana kitang makausap…” erase…
“Pwede
ka po ba bukas? Usap tayo…” erase then.
Nag-isip
muna ako at ipinikit ang aking mga mata.
Matapos ang ilang Segundo ay nagawa ko
ng magtype ng text at pinadala ko ito sa isang tao.
Magkikita kami bukas at
sana maayos na ang lahat-lahat sa amin.
(Itutuloy)
Basa Mode :D
ReplyDeleteIvan D.