This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 28
[Kieth’s
POV]
Bakit
ba ganito kahirap ang pinagdaraanan ko ngayon?
Ano pa ba ang kailangan
iparamdam sa akin at sa pamilya ko.
Lalo daw lumala ang kalagayan ni papa.
Sobrang busy na ako ngayon at walang oras sa ibang bagay.
Nangangamba
ako dahil baka namimiss na ako ng mahal ko.
Pero still, naisip ko na baka need
din namin ng distance at baka kako magsawa kami pareho sa isa’t-isa.
Nasa
ospital kami ngayon at nakaready na para sa panibagong operasyon kay papa.
Last
operation na to kung sakali ngayong buwan.
Kamusta
na kaya si Alex?
Ano na kaya ang ginagawa niya doon?
Sino kaya ang kasama niya?
May pinagbilinan naman ako sa kanya at may tiwala ako kay Alex na may babalikan
pa ako.
“Anak,
okay ka lang ba? Baka naman napapagod ka na, magpahinga ka na muna.” tanong ni
mama.
“Yeah.
Medyo pagod lang ma.”
“Pahinga
ka na muna kaya. Mukha ka ng haggard na haggard eh.” Sabi ni mama.
“Okay
lang ako ma. Kayo po ang may kailnagan mag pahinga. Stressed na stressed kayo
oh.”
“Nag-aalala
kasi ako sa kalagayan ng papa mo.”
“I
know gagaling siya mama. Tiwala lang po kay God. Ako na muna po ang
mag-aasikaso kay papa. Matulog na muna po kayo.”
“Yeah.
Tiwala kay God. He’s there for us. By the way anak, mukhang napapdalas ka dito.
Di na kayo nagkakausap ni Alex ah.”
“Oo
nga po eh. Mas importante naman to ma at naiintindihan iyon ni Alex.”
“Pero
I think that you should check him.”
“Mas
okay na rin siguro to ma. Set our distances.”
“May
problema ba kayong dalawa?”
“Wala
naman po.”
“Okay
sabi mo eh.”
“Ma…
don’t worry.”
“Sure
ka ba jan sa gagawin mo?”
“Opo.”
“Anak…
sa January pwede ka ng umuwi. Baka makaabala kami sa pag-aaral mo.”
“Hindi
ma.. kailangan po ninyo ng makakasama dito.”
“Pero
anak.”
“Ma
trust me.”
“Pero
anak.”
“Ma…
kailangan ninyo ako.. kailangan ko din ito.”
“Sigurado
ka ba?”
“Opo.”
“Paano
si Alex?”
“Ako
na po ang bahala ma.”
“Baka
makasira lang to sa pagsasama ninyo.”
“Ma…
kailangan ninyo ako. Put Family first at isa pa. alam kong maiintindihan ako ni
Alex.”
“Sige.
Salamat anak.”
“Gusto
ko din namang bumawi.”
Niyakap
ako ni mama ng mahigpit.
Haixt.
Kaya to.
Kakayanin ko ito.
Ilang araw na lang
at magpapasko na.
haixt.
I miss him pero kailangan tiisin.
Kailangan kong
masanay.
Dumaan
ang isa, dalawa, tatlo at maraming araw at still wala kaming communication sa
isa’t-isa.
Nag decide ako na sa 24 ng gabi ko na lang siya kakamustahin.
Malapit na rin ang monthsary naming dalawa.
Haixt.
Gusto
kong punatahan siya pero wala naman akong magagawa.
Tiis-tiis lang din. Kaya
to. Kakayanin ko… kakayanin namin.
Namimiss ko siya at alam kong nag-aalala
siya sa akin.
“Malapit
na ang pasko anak ha… mag gala ka muna kaya. Ako muna dito.”
“Dito
na lang ako ma.”
“Need
mo to anak. Mukha ka ng dugyot dito. Take your time na maglibang.”
“Sige
po. Kayo po bahala.” Mapilit si mama eh.
“Bilhan
mo ng pasalubong boyfriend mo.”
“Yup.
Sigurado ako na yun ang best na magagawa ko para makabawi.” Sabi ko.
“Damihan
mo. Tandaan mo, kapag di mo nakatuluyan yang si Alex eh magtatampo ako sayo.”
“Ikaw
talaga ma oh.”
“Siya
lakad na.”
“Sige
ma pero mamaya na lang. Promise talaga mamaya mamasyal ako.” Sabi ko.
“Anak…
may problema ba?” tanong agad sa akin ni mama.
“Wala
naman po bakit po?”
“Naninibago
ako sayo.”
“Masyado
lang po kayong nag-iisip ma.” Sagot ko.
“kilala
kita Kieth Jerickson Lee. Alam ko ang bawat hininga na inilalabas ng yang ilong
at bibig mo.”
“Ma
naman.”
“Binibiro
ka lang. Miss ko na si Alex. Yung kasweetan niya. Haixt. Sana makita ko na siya
ulit.”
“Im
sure miss ka na ninyon ma.”
“Mas
miss ka niya.”
“Nagkakadramahan
tayo eh.”
“Siya
siya. mag ready ka na. bibigyan kita ng pera, mamaya maligaw ka.”
“I’m
grown up na ma.”
“Yeah.
Halata nga, pwede ka ng mag-asawa.”
“Oh
talaga ma? Pwede? Pagbalik ko sa Pilipinas yayain ko na si Alex mag pakasal.”
“Abay
siguraduhin mong may ipapakain ka sa kanya.”
“Madami
ma… napaka dami. Katawan ko pa lang…”
“Hoy
anak, ang dami mong alam.”
“Biro
lang ma.”
“Anak…
anuman ang mangyari sa inyo ni Alex… boto ako sa kanya ha. Siya na ah. Wag ka
ng mag loloko pa ha. Siya gusto kong makatuluyan mo.”
“Ma
ano ang nakita mo kay Alex para bomoto ka sa kanya? Yun bang tipong sa kanya ko
lang nakita na pumayag ka. I remember dati ikaw ang unang tumutol sa amin ni
Arjay. Dati ikaw pa yung nagsusulsol kay papa na paghiwalayin kami. Anong
nangyari ma?” tanong ko.
“Mahabang
istorya anak.”
“Handa
akong making ma.”
“Hay
naku ikaw bata ka.”
“Nakakpanibago
lang. ganun na ba ninyo ako katanggap ma? Okay na ba sa inyo itong
kinahinatnanan ko?”
“Sa
totoo lang anak, minsan nanghihinanayang ako, ang ganda pa sanang magkaroon ng iba pang generasyon yang lahi
mo. Ganda ng lahi na maipro-produce mo, ang gwapo mo anak. Mana ka sa papa mo.
Pero habang naiisip ko na masaya ka sa ginagawa mo, nakukuntento ako. Nanjan pa
naman ang ate mo eh at isa pa, maraming paraan para magkaroon ka ng anak.”
“Sa
totoo lang ma, di ko alam na ganito ang kahihinatnan ko. Akala ko magbabago pa
ako ng preference but I guess, this is me.”
“Kaya
nga nagalit ako kay Arjay ng sobra noon, kasi nang dahil sa kanya ay binago ka
niya. Nawala ang anak ko. Pero narealize ko na mali pala ako.”
“Kaya
ba noong dumating si Alex ay natanggap mo siya agad?”
“Hindi
anak…”
“Eh
ano po yon ma?”
“I
observed you. Napansin ko na naging masigla ka… naging buhay ka… kahit na hindi
mo alam na si Alex ay si Kian… Naramdaman ko yung salitang love… yung sparks
nakita ko rin.. at bagay naman talaga kayong dalawa. Naalala ko naman ang sabi
ng papa mo.”
“Ano
yun ma?”
“Love
is a never ending space.”
“Anong
ibig sabihin nun ma?”
“Na
ang pagmamahal sa tao ay hindi lang basta-basta. Isa siyang space o espasyo na
pupunan mo.”
“Ma
paano kung mag-asawa ako.”
“Anak…
wag mo ngang sabihin yan.”
“Ma
paano lang naman.”
“Anak
wag kang gagawa ng desisyon na basta-basta. Hindi porket sinabi ko na gusto
kong magkaapo sayo eh magpapakasal ka na agad. Ayokong manakit ka ng damdamin
ng iba ng dahil doon. Masya na ako sa kung ano ka ngayon.”
“Masyado
naman kayong look forward ma.”
“Ikaw
kasing bata ka kung anu-ano ang pinagsasabi.”
“I
love you ma..” nasabi ko.
Kita
ko ang pagtulo ng luha ni mama. “Ma?” tanong ko.
“Sorry…
Masaya lang ako.”
“Bakit
ka umiiyak ma kung Masaya ka? Tears of joy?”
“Oo
anak… ngayon na lang ulit kita narinig na nagsabi ng ganyan.”
“Ay
si mama.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Alis
ka na anak. Baka magkadramahan pa tayo dito.” Sabi niya
“Pinapaalis
mo naman ako agad.”
“Para
makauwi ka ng maaga.”
“Sige
na nga.”
“Ingat
ka ha.”
“Oo
na ma.”
“Pasalubong
namin ah.”
“Opo.”
Umuwi
muna ako ng bahay, naligo at nagbihis.
Amoy pawis na din kasi ako eh kaya mas
okay kung refreshing ang pakiramdam ko.
Napansin ko lang, di masyadong ramdam
ang Christmas dito, di naman sa kulang yung mga palamuti pero yung essence
talaga ng Christmas kulang.
Christmas
is not about having those decoration or what, it is about love, family, God and
special ones.
Mas magiging Masaya ka kapag hindi pera ang nasa isip mo.
Nagmadali
akong magbihis at saka lumabas ako ng bahay.
Agad naman akong naglakad-lakad at
tumingin sa mga boutiques.
Mura ang mga tinda sa unang napasukan ko.
Ang
gaganda ng mga figures, sigurado akong magugustuhan yun ni Alex.
Naghanap pa
ako sa ibang boutiques hanggang sa may makita ako.
Agad ko naman binili ito.
“Excuse
me. Miss, I would like to ask if how much this necklace cost?” tanong ko.
“$6.25 only.”
“Ah.
I will get it.”
Lumipat
pa ako sa iabng stores at marami akong nahanap.
Sa aking paglalakd, marami
akong mga Filipino na nakakasalubong.
Ngiti naman ang sinasagot ko.
Napansin
ko lang na medyo nawawala yung pagiging masungit ko at isnabero.
Nawala na
pagkasuplado ko.
He change me in his own way.
Nagbago ako hindi dahil kailangan
niya kundi dahil kailangan ko.
“Psst.”
Sa
pagmumuni-muni ko, nagulat ako ng may sumitsit sa likuran ko.
Agad naman akong
napalingon at nagulat sa nakita ko.
Anong ginagawa niya sa lugar na ito?
Hindi
siya yung tipo ng tao na inaakala ko na pupunta dito, at nag-iisa.
“Arjay?”
sabi ko.
“Yeah.
Surprise?”
“Well
yeah surprise talaga. Hindi ko akalain na nandito ka.”
“Oh
ano ginagawa mo dito?” tanong niya
“Dapat
ako ang nagtatanong sayo kung ano ginagawa mo dito.”
“Nagbakasyon
ako dito. Para makaiwas sa problema… pero di pala.”
“So
ako ang problema?”
“Joke
lang. Eh ikaw ba?”
“Nagbabalasyon
I guess? Hahah. Just Kidding. Dito magpapaopera si papa.”
“Anong
nangyari kay pa… kay Tito?”
“Mahabang
istorya.”
“Coffee?”
“Sure.”
We
took some time, kwentuhan at bonding na rin.
Medyo ibang-iba ang Arjay na
nakita ko, libirated, open at straight to the point.
At some point, ang daming
nagbago sa kanya. Nakikinig lang muna ako sa kanya.
“Kamusta
kayo ng kapatid mo?”
“Well
yung jowa mong hilaw, ayon di kami okay. Mang-aagaw sya. Ano pa bang nabago
dun? Yun pa rin ang tingin ko sa kanya.”
“Stop
it.”
“Sorry.
I forgot, boyfriend ka niya. Akala ko akin ka pa eh. But I guess, mali yung
sabihin kong inagaw ka niya sa akin kasi from the start, wala ka na sa akin
nung naging kayo.”
“Just
stop it. Di ako sanay.”
“Welcome
to the new me. Eto na ako eh so be on it.”
“Naaah.”
“By
the way, di ko inaakala na mapupunta ka dito… na makikita kita dito.. I guess…
pinagtadhana talaga tayo dito.”
“just
for a reason.”
“Na
maging tayo ulit.”
“Past
is past.”
“I
know.. past is past.. never been back.. but there’s a future to call back.”
“Di
rin.”
“Just
kidding. Haixt.”
“Masyado
kang transparent.”
“What
do you mean?”
“Halatang-halata
na pinipilit mo lang ang sarili mong maging ganyan.”
“Di
ah.”
“Wake
up.”
“Hay
naku. Nag-aaksaya ka lang ng panahon. Need to go na. sige.”
“Hey
your number.” Sabi ko.
Bigla
na lang siyang umalis at nagdire-diretso.
Hindi na niya ako hinintay at
hinayaan na mag-isa.
Hindi ko na siya hinabol pa at hinayaan ko na lang siya.
Narinig
ko na lang na nag ring ang phone ko.
Tinignan ko kung sino at nakita ko na
natawag ang pinsan ko dito sa US.
“Hello
insan.” Sagot ko.
“Oi
insan… bro pwede ka mamayang gabi? Labas naman tayo?”
“Oh?
Uhm.. Christmas eve eh.”
“Sabagay.
Uhm sa 26 na lang para walang sabit.” Sabi nito.
“Sige
sige.”
“Club
tayo ah. Gimik gimik.”
“Makapag
club wagas ah. Mamaya ibubugaw ninyo ako bro.”
“Hahahah.
Sabi ng mama mo eh. Hahah joke.”
“Sabi
na at tinawagan ka ni mama.”
“She’s
concern lang sayo. Sige. Got to go. See you then.”
“Text
text na lang. keep in touch ah baka makalimutan ko.”
“Sure.”
The he ended the call.
I
decided to continue checking out different stores.
After 2 hours, nag desisyon
na akong umuwi at binuksan ang laptop ko.
[Alex’s
POV]
“Kayo
po ba ang mama niya?” tanong ko.
“Oo
ako nga. Anong nangyari sa anak ko?!”
“Nakita
ko na lang po na umiiyak siya. Napansin na lang po naming ang panghihina niya at
lumuhod sa may parfk at unti-unting nahihirapang huminga.”
“Salamat
sa pagtulong mo iho. Salamat at tinulungan mo ang anak ko. Kung wala kayo eh
baka wala na ang anak ko.”
“Ano
po ba ang mayroon siya?”
“May
asthma siya. May sakit din siya sa puso.”
“May
problema po ba siya?”
“Sa
puso… baka hindi sila nagkaintindihan ng boyfriend niya.”
So
bisexual din siya.
what a coincidence.
“What’s your name iho?” tanong ni tita.
“Alex
po. Alex Rosales. Siya po pala si RD.” pakilala ko.
“Salamat
Alex. Tatanawin kong utang na loob ito.”
“Walang
anuman po. Ginawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama po.”
“Heto
oh…” may inabot siya sa aking pera.
“Tita..
hindi na po kailangan.”
“I
insist iho.”
“Mas
kailangan po ninyo iyan.”
“Maraming
salamat po. Maraming-maraming salamat.”
“Alam
ko po na magiging okay siya tita. Trust HIM.”
“Oo
iho. Alam ko. Kakayanin niya yan dahil sa tulong ng Maykapal.”
“Kung
may maitutulong pa po ako, tawagan lang po ninyo ako.” Ibinigay ko ang number
ko.
“Yaan
mo iho, makakabawi din kami sayo.”
“Wala
po yun. I’m sure gagawin din yun ng iba.”
“Basta
salamat.”
“Aalis
na po kami.”
“Sige
salamat ulit iho.”
Umalis
na rin kami ni RD.
Masyado akong ninerbyos sa mga nangyari.
Tahimik lang namin
na binabaybay ang daan papunta sa bahay naming.
“Ayos
ka lang ba?” tanong ni RD.
“Yeah.”
“Mukha
kang nawalan ng dugo sa mukha ah. Ang putla mo. Dapat nagpatingin ka.”
“Di
na kailangan.”
“Ay
nako. Sigurado ka ba?”
“Oo
kailangan ko lang magpahinga.”
“Sige
sabi mo.”
“Salamat.”
Sabi ko.
“Walang
anuman. Ikaw pa. malakas ka sa akin eh.”
Ngumiti
na lang ako at inihilig ang sarili ko sa upuan.
Nahihilo lang ako sa mga
nangyari. Haixt.
Sobra talaga akong kinabahan haixt.
His face was so sorrowful.
Masyadong nagdadalamhati.
Di
rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay namin.
Agad naman akong pumasok at
naghilata sa sofa.
Pinaupo ko rin siya.
“Mukhang
pagod ka ah. Kaagang-aga.” Bati ni mama
“Mahabang
kwento ma. Papahinga na ako.”
“Sige.
Akyat ka na.”
“RD…
tulog na ako.. pagod lang…”
“Sige
yats. Pahinga ka na.”
“Dito
ka na kumain RD.” sabi ni mama.
“Kumain
na po ako.”
“Gusto
mo bang mag stay muna dito?”
“Uhm…
pwede rin po. Kwentuhan tayo tita.”
“Sige
iwanan ko muna kayo jan.” sabi ko.
Umakyat
na ako sa kwarto ko at natulog agad.
Ang sakit kasi ng ulo ko. Haixt.
Need ko
ng pahinga.
Ang dami kong iniiisp sa utak ko.
Na-stressed talaga ako.
Nagising
na lang ako at maitim na ang ulap sa labas ng bahay.
Mukhang gabi na ah. Suot
ko pa rin ang damit ko kanina.
Di na ko nakapag palit pa.
Ang haba pala ng
tulog ko at nagugutom na ako.
Agad
naman akong bumaba at nagulat ako ng makarinig ako ng mga tawanan.
Si RD pala
ay nasa bahay pa namin.
Agad naman akong bumaba at nakita nga sila mama na
nagkwentuhan.
“Oh
anak good morning.” Bati ni mama.
“Good
morning talaga ah.”
“Hahaha.”
Tawa nila.
“Gutom
na ako.”
“Tamang-tama
kakatapos ko lang iluto yung favorite mo.”
“eh?
Di nga?” at nag spark yung mata ko.
“Sige
na at ipaghain mo na yang best friend mo.” Sabi ni mama at busy sa panonood.
“Tara.”
Hinila
niya ang kamay ko at dinala sa may kusisna.
At nung nakita ko ang carbonara sa
lamesa ay talagang nagspark ng million times ang mga mata ko.
“Wow.”
Yan ang nasabi ko.
“Ano
bilib ka na?”
“Masarap
ba yan?”
“Well
taste it.”
Agad
akong kumuha ng plato, nagsandok ng noodles at naglagay ng sauce.
Agad kong
tinikman ito at nagulat ako sa sarap.
“I
don’t know na ganito ka pala talaga kasarap magluto.”
“Masyado
mo akong minamaliit eh.”
“Paano
mong nalaman na favorite ko to?”
“Sabi
ni tita.”
“Well
thanks… I love it.”
“I
love you too.”
“Huh?”
“Joke
lang.”
“Ewan
sayo. Penge pa nga.”
“Kiss
muna.”
“Kiss
mo yung pwet ko.”
“Akin
na.”
“Che!”
“Alam
mo… sana baso ka na lang.” sabi niya
“Oh
nagdrama ka naman jan. bakit naman?”
“Para
may chance akong mahalikan ka…”
“Eeew.
Ano ba naman yan.”
Pero
bakit kinilig ako?
Natural lang naman yun diba?
Alex, easy lang, wala lang yan.
Masyado na ata akong naglalagay ng malisya sa mga bagay-bagay.
Masasanay din
ako nit okay RD.
“Hahahah.
Ayieh kinilig siya oh… ayie ayie.”
“Kapal
mo kahit kelan. Penge nga ng carbonara pa. dali.”
“Di
ka naman gutom ano?”
“Ibigay
mo na lang tabs... dali na gutom na ako eh.”
“Here’s
my body oh.”
“Ang
laswa.”
“Hahaha.
Itsura mo. Oh ayan.”
Pero bigla niya akong pinisil yung ilong ko.
“Aray
ang sakit ha.”
“Nga
pala. Dito ako matutulog.”
“At
bakit?”
“Wala
lang, masama ba?”
“Hindi
naman.”
“Tabi
tayo matulog ah.”
“Ayoko
nga. Baka mamaya gapangin mo ako. Tapos kung anu-ano pa ang gawin mo sa akin.
Nakakatakot ka tabs ano.”
“Feeling
mo naman papatusin kita.”
“Excuse
me!”
“Dadaan
ka?”
“Chura
mo.”
“Peram
ng damit. Si tita nagsabi sakin na sabay-sabay na daw natin i-celebrate ang Christmas
eve.”
“Okay.
Sige. Sa baba ka matutulog ha.”
“Ang
harsh mo talaga sa akin ha.”
“Di
naman.”
“Siya
bilisan mo na yung pagkain jan.”
“Luto
pa tayo ha.” Sabi ko.
“Ang
takaw mo talaga.”
“Well
ganyan ang mga pogi, di takot manaba. Hahahah.”
“Wew.”
Sagot niya.
“Bunsoooo…”
sigaw ni kuya.
“Problema
mo?” tanong ko.
“Ang
taray mo naman.” Sabi ni kuya.
“Wew.
Kain ka. Luto ni tabs.”
“Aba..
dumadamoves ka na bayawak ah.”
“Adik
ka kuya.”
“Dito
ka ba mag Christmas eve?”
“Oo
kuya.”
“Naks
naman. Talagang take advantage ka na wala si Kieth ah. Naku kapatid, sagutin mo
na nga yang tabs mo.”
“Loko
ka kuya. Daming alam. Tumigil ka nga. Babatukan na kita eh. Kanina ka pa.”
“Joke
lang. siya-siya, got to go.” Sabi ni kuya.
“Saan
ka puypunta?” tanong ko.
“Pick
up ko yung order ko.”
“AH
okay. Ingat.”
“Sama
na ako sayo anak.” Sabi ni mama.
“Saan
ba talaga kayo pupunta?”
“Sa
may M square.”
“Ang
dayaaaaaa! Bili ninyo ako ng egg pie!”
“Sige
anak.” Sabi ni mama.
“RD,
nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?”
“Magpapaalam
pa lang po.”
“Magpaalam
ka na ngayon, sayang naman kung hindi ka makakasama sa amin.”
“Si
bunso isama na ninyo.” Sigaw ko.
“Wala
sa bahay yung asungot na yun.”
“Baka
nag lalagala.”
“Siya
iwanan na namin kayo. Magluto kayo jan ah.” Sabi ni kuya.
Umalis
na nga sila at naiwan kaming dalawa.
Agad kong inubos ang kinakain ko at
nagmadaling ubusin ito.
Nasaan na kaya yung princessa namin.
“Hinay-hinay
lang.”
“Eh
magluluto pa tayo eh.” Sagot ko.
Agad
ko namang niligpitan ang kinainan ko at nagsimulang maghanap ng mga mailuluto.
Nakita ko yung mga baby potatoes sa may ref at inilabas ito.
“Alam
ko na iluluto ko.”
“Sarapan
mo ah.”
“Para
sayo.” Then nag wink ako sa kanya.
Pinapanood
lang niya ako habang ako naman ay hirap na hirap na.
Well ginusto ko naman to
at isa pa nakakahiya sa kanya, bisita siya ano.
Umupo
ako saglit habang pinapakuluan ang mga patatas at saka umupo kaharap siya.
“Medyo matagal pa to.”
“Pawisan
ka oh.” Lumapit siya at pinahiran ang pawis ko.
“Naks
naman.. ang gentleman ng bestfriend ko.”
“Mukha
ka kasing pinakuluang itlog sa itsura mo.”
“Ang
sama mo.”
“Yats…”
“Ano
yun?”
Lumapit
ulit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Takte, bakit bigla na lang akong
kinabahan.
Lumakas ang tibok ng dibdib ko sa kanya.
Ano ba ang nangyayari sa
akin?
(Itutuloy)
yey! meron na salamats pards :D
ReplyDeleteivan d.
sorry po natagalan. :)
DeletePakilig mxado haixt. . .
ReplyDeletei want arwin jake and james arkin back. . .kelan b cla mkakalbs xa story na 2 pti cla pierre nico at ryan
hehehe... uhm... tgnan natin. :)
Delete:">
ReplyDeleteGoodluck kuya Kian. HAHAH!
Sabi nga sa Selecta "Temptation" ice cream ...
"Say Yes." ;)
yun oh./ hahahahah
Deleteang ganda! isa talaga to sa inaabangan ko.
ReplyDeletehindi ko yata matatanggap na si RD ang mkakatuluyan or mainlove si alex kay RD. ewan ko pero hindi ako makaramdam ng sparks or kilig sa mga scenes nilang dalawa.
pero gusto ko yung twist, gusto ko kasi yung mga part na mgkakahiwalay yung loveteam mgkakaaway pero sa hulu sila parin. haha!
NO to RD!!!
:)
thanks sa update.
hahahhaha.... solid Alex-Kieth ka pala.. hahaha.. nice.. :))
DeleteAyaw ko talaa kay RD. Wala ang nararamdamang kilig sa ginagawa nya kay Alex. Kay Keith pa rin ako kasi si Alex ang nakapagpabago sa ugali ni Keith nung naghiway sila ni Arjay tapos si Keith naman ang nakapagpabago kay Alex nung namatay si Blake. Mukhang "against all odds" theme ng story nila. Pero grabe yung sacrifice nila Keith at Alex sa isa't-isa. Kesa kay RD na dakilang abangers.
ReplyDeleteYes to KEITH-ALEX!
No to RD!
-M
hahaha. sabi nga nila patience is a virtue.. heheheh
DeleteGo RD. ahahaha xD
ReplyDeleteyow! :)
Delete