kay aya_mamu, salamat po sa comment... hahahahah
master_lee#27, ramy, cja, blt23, at robert mendoza... waaahhh.. salamat sa inyo na nag comment... hope na makita ko ulit comment ninyo tulad ni ramy na laging nag cocomment...hahahaha
Chris.... i understand kung busy ka... hahah salamat sa support at comment ha...... salamat at u consider my work as one of your reading thing....
Rah 16, salamat gha.... habang tinatype ko tong part na to eh todo ngiti din ako eh... dami kong dinagdag diyan habang ineedit at pinopost ko.. hahahaha
at kay IAN, wahahah... salamat sa pag cocomment.. hahahah...hope kiligin ka pa sa susunod na part... hahahah
sa mga hindi ko nabati.... sorry po... salamat ng marami... hope you like it...
Always here,
Dylan Kyle
________________________________________________________________________________
Ang kaninang
masaya eh napawi ng pagkagulat. Ang maingay na atmosphere ay napalitan ng
tahimik at taimtim na. Ang pagpasok ni Anthony sa loob ng shop namin ang siyang
nagpalamig ng aking pakiramdam. Kitang kita ko ang pagkagulat niya sa pwesto
naming dalawa ni Ryan. Bigla siyang bumitiw at tumabi sa akin.
“Tol... napadpad
ka dito?” pagtatanong ni Ryan na mahinahon.
“Masama ba kuya?” pamabara ni
Anthony.
“Kaya pala... kaya pala wala ka sa opisina at nakaleave ka... andito
ka lang at nakikipaglampungan...” ang matabang pa niyang dagdag.
“May kailangan
ka ba?” tanong ko.
“Uhm... meron dapat... eh... mukhang di na naman
kailngan....” biglang sagot niya.
“Sabihin mo na...”
“Sasabihin ko lang sana na
bumalik ka na sa bahay.... kaso mukhang di mo na kailangan...”
“Di na
kailngan... pati.. mag aaway lang naman kami ni pinsan....” sabi ko.
“Mag aaway
ba o wala ka ng dahilan para bumalik pa?”
“Pareho...”
“Ah ganoon ba... ok
sige.... nga pala.... Kayo na ba?” tanong niya.
Ramdam ko ang pagiging matabang niya sa amin. Alam kong di niya expected ang lahat ng nangyari. Di agad ako nakasagot. Nanalo
ang katahimikan.
“I guess silence means yes...” sabi niya.
“Oo tol... kami
na...” biglang singet ni Ryan.
Napatigil si Anthony sa pagtalikod. ilang sandali lang eh nagtuloy na rin siya. Di na lumingon pa si Anthony at tuloy-tuloy na
lumabas.
Para bang may
aftershock pa kaming lahat. Aftermath nga naman sabi ng iba.
“Naks best...
mukhang I smell something...” biglang sabi ni Annie.
“Ay nako best... masyado
kang intregera...”
“Maniwala ka best... may love triangle ang mabubuo dito...
ang haba ng hair pinag aagawan ng dalawang gwapito... I’m sure inlababo pa rin
sayo ang ex mo...”
“Naku.. wag ka nga ganyan.... issue issue ka jan eh...”
“Mahal ko... paano pag ganun ang nangyari... mamaya ipagpalit mo na agad
ako...” pagtatampo ni Ryan.
“Ay... ang best actor nagdrama.... ano ka ba...
past is past and never been back....kaw talaga. Don’t worry...” lumapit ako sa
kanya at niyakap siya.
Naghiyawan naman
sila na para bang bagong taon. Dinaan na lang namin sa atawa ang lahat. After
several minutes eh nagyaya na si Ryan na umuwi na kami.
Tumawag muna ako sa
bahay na magahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Habang on the way kami sa bahay ko eh napansin ko na malungkot si Ryan. Tahimik kasi siya at seryoso.
“Mahal, may problema ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman bakit mo naitanong?”
“Kasi po.... alam kong may problema ka... ang tahi-tahimik mo kaya at seryoso
ka...”
“Kaw talaga... wala to....”
“Di ako naniniwala... basta kung may problem
ka ha.... wag kang mahiyang magsabi... andito lang ako...”
“Opo mahal ko...
kaya penge munang isang kiss...” sabi niya.
“Ayoko nga.....” pabiro ko.
“Ok...”
biglang tampo niya.
“Hala nagtampo.... joke lang naman.. o heto... mwahh...
mwah...mwah...”
Nahihiwagaan
talaga ako sa kung ano ang iniisip ni Ryan. Pero iisa lang ang nakikita kong
dahilan nun, si Anthony. Haixt. Magiging maayos din naman ang lahat lalo na sa
aking nakaraan. Haixt.
Nakarating na rin kami sa bahay. Sabi ko kay Ryan na
dumito na muna siya ngayong gabi. Heheh. Sinabi ko na rin kay Ate Lina ang
tungkol sa amin ni Ryan. Alam na naman niya kasi ang sa akin. Siya ang kasama
ko noong pinalayas ako ni papa sa bahay. Di niya ako iniwan kaya mahal na mahal
ko siya.
Buti nga eh may pera ako sa bangko at nakuha ko agad ito sa bangko
kaya nakakuha agad ako ng pera. Nagkataon kasi na may pinapagawa akong bahay.
Kaya ayun ginamit ko ang pera sa business namin ni Annie at pagpapatayo ng
bahay.
“Naku... ang
swerte mo naman talaga Nicko jan kay Ryan...
bukod sa gwapo na eh mabait pa...” sabi nito.
“Oo nga eh... swerte ko
talaga...”
“Naku.. mas maswerte ako dito ate.... kahit na masungit.. ay ayos
lang.. mahal ko naman eh...”
"masungit ka jan... sayo lang ako masungit.. ang
kulit-kulit mo kasi nun eh.. kaya ayon...ikaw kasi...”
“At ako pa may kasalanan
ha.. kaw talaga....”
Dito na nga sa
bahay nagstay na matulog si Ryan. Tabi kami siyempre. At walang mangyayari sa
amin, saka na muna yun. Hahahha. Di naman ako ganun na iniisip ni ninyo.
Hahahha. Magakayakap siyempre kami sa kama. Nasa ganoong anyo kami ng biglang
nagtanong si Ryan.
“Mahal ko... ano bang nangyari matapos magkaaminan kayo ng
kapatid ko?”
“Ahm.... mahaba masyado kwento eh...”
“okay lang.. makikinig
ako....” at yun kinuwento ko kung ano ang nangyari.
____________________________________________________________________________
Akala
ko noon okay na ang lahat. Yun tipo bang payapa na at kahit ba sikreto lang ang
sa amin eyh magtatagal kami. Pero hindi nangyari yun. Sabi nga nila, lahat ng
sikreto eh malalaman at malalaman din. Naging maayos naman ang pagsasama namin
Anthony pero nagulo lang ito simula ng umeksena ang magaling kong pinsan.
Akala
ko totoo siya sa akin, akala ko mapagkakatiwalaan ko siya pero siya pa mismo
ang umahas sa akin. May nanyari sa kanila ni Anthony isang gabi. Lahat kami
lasing noon. Birthday ng kabarkada namin at lahat kami eh nasa isang resort.
Nag
inuman kami. Dahil nga birthday eh pinagbigyan namin na malasing kaming lahat.
Halos lahat bagsak. Halos lahat eh wala ng malay. Pero di ko alam eh may
nangyari sa kanilang dalawa noong gabing himbing na himbing ako sa pagtulog.
Kinabukasan, hinanap ko si Anthony dahil wala siya sa aking tabi noon. Habang
nag hahanap ako, bigla akong nakarinig ng sigaw. Halos lahat nabulahaw. Sigaw
yun ni Rona. Nanggaling yun sa taas, sa kwarto sa taas. At dun na nga nakita
ang walang saplot na si Anthony at Rona.
Daig
ko pa noon ang sinaksak ng paulit-ulit. Napaluha ako sa harapan nila at nakita
yun ni Anthony. Dumerestso ako sa kwarto ko at sinundan ako ng mga kabarkada
namin. Maging si Annie sumunod sa akin.
“Best... mag hinay hinay ka... di natin
alam ang tunay na nangyari....” sabi niya.
“Best... hindi ako bulag at kung
nagkataong bulag ako eh lalo na aking niloko... oo mahal ko siya at hindi ako
tanga... may pakiramdam ako.....” sigaw ko.
“Huminahon ka....” biglang singit
ni Anthony.
“Anong ginagawa mo dito.... umalis ka.. nakakdiri ka... sa pinsa ko
pa.. mga wala kayong hiya....!!!” pasigaw ko ng sabi.
“Lasing kami... I don’t
know what happened.... akala ko ikaw yun... I thought we are making some
love... pero... pag gising ko.. siya na pala ang katabi ko.....” paliwanag ni
Anthony.
"May utak ka... kaya dapat alam mo na yan... matanda ka na at hindi ka na bata kaya wag kang gumawa ng mga excuses..."b sabi ko.
"Pero..."
“Best...
tara na... gusto ko ng umalis dito...” sabi ko kay Annie.
Bigla naman siyang
tumayo at nagmadaling mag impake sa kwarto niya.
“Ikaw... umalis ka jan..... at
ayokong makita mukha mo!!!”
“Please naman babe,.... I love you...... forgive
me... it’s just an accident... walang may gusto noon...”
“Accident? Ha?
Accident pa pala yun.. at isa pa... kung mahal mo ako di mo ginawa yun...
napigilan mo sana.... mga wala kayong hiya... dito pa ninyo ginawa yun...”
biglang sumulpot si Rona sa pinto.
“At ikaw... sarili kong kadugo pa ang gumago
sa akin... walang hiya ka..... you are like a whore... bitch....” sabi ko at
tuloy-tuloy na akong buamaba kasama ang gamit ko.
“Babe... don’t leave me... Im
sorry.... please forgive me... let me come with you....”
“Don’t you dare touch
me at wag kang susunod kasi pag ginawa mo yan magpapakamatay ako....!!!” at
umalis kami ni Annie.
“Ang tapang mo
pala talaga noon pa no?” biglang singit ni Ryan sa pagkwekwento ko.
“Oo kaya
kung may balak kang mag gago eh wag mo ng balakin... hmmm...” sabi ko.
“Naku...
kaw talaga... wala siyempre... kaw talaga... sige na ituloy mo na ang kwento
mo....”
__________________________________________________________________________
Isang
linggo akong nagkulong sa kwarto. Di ako pumasok sa trabaho noon.ilang araw din
nagtagal yun no. Di ako kumain at lumalabas noon. Inom lang ako ng inom. Tulog
at iyak. Ilang tawag na ni Annie yon. Pati sila mama at papa nagtataka na.
Pero
makalipas ang isang buwan na pagsusuyo ni Anthony eh yun. Naging okay ang
lahat. Pero ang hindi okay eh yung sa amin ni Rona. Di ko siya pinapansin at
pinaparamdam ko sa kanya na isa siyang basura. Ganyan ako ka bitter noon
hanggang ngayon.
Okay
na sana ang lahat pero talagang mapaglaro ang tadhana. Nagbunga ang nangyari sa
kanilang dalawa ni Anthony. Doon ako lalong nagpuos ng husto. Nag init ang ulo
ko at sumama lalo ang galit ko sa kanya.
“Ikaw talagang malandi ka... wala ka
na bang dadalhin sa akin kundi problema... salot ka... salot..!!!” sigaw ko.
“Di ko naman alam na mangyayari ito.... sorry na pinsan...”
“Pinsan? Huh?
Pinsan ka diyan... wala akong pinsan na ahas, malandi, linta at walang
hiya.....kabit!!!” sabi ko sa kanya. Umiyak lang siya ng umiyak.
“O
anong gagawin mo ngayon Babe? Papakasalan mo siya? Huh?” mangiyak-ngiyak kong
tanong sa kanya.
“hindi... hindi ko gagawin yan.. papanagutan ko ang anak ko sa
kanya pero di ko siya papakasalan...” ang sabi nito.
Natuwa naman ako sa sagot
niya. Pero iba ang reaksiyon ni Rona.
“Hindi... kailngan mo akong panagutan....
kailngan.... di ako papayag na hindi mo ako panagutan... papatayin ako ng
magulang ko pag wala akong hinarap sa kanila....” pag mamakaawa ni Rona.
“Umalis ka na dito.. narinig mo ang sabi niya di ba? Kaya umalis ka na..
magpulot ka na lang ng mga lalaki diyan sa kalye at siya ang gawin mong tatay
nan...” ang nasabi ko dahil sa galit. At umalis nga siya.
Nababaliw na talaga ako ng panahong iyon..... wala na akong iobang iniisip kundi sarili ko.
Natutuwa
ako na ako pa rin ang pinili niya. Masaya na ako doon. Pero sadyang
pinaglalaruan ng pagkakataon ang buhay ko.
Magulo na ang buhay ko, pero
nagiging maayos ito panandalian kapag kasama ko si Anthony. Ngunit isang araw,
dito na unti-unting nagbago ang lahat. Ang araw na kung saan ang katotohanan ay
lumabas.
Nabuko ang lahat ng pagpapanggap.
Pag
uwi ko sa bahay, nakita ko lahat sila nakaupo sa sala. Si mama, papa at ang
pinag iinit ng aking mata eh ang makita kong si Rona eh nasa sala din kasama
sila. Pagbukas palang ng pinto eh kitab ko na ang gulat sa knilang mga mukha.
“Totoo ba anak? Huh? Totoo ba? May relasyon kayo ni Anthony? Sabihin mong
hindi.. please anak.. sabihin mo...” nakita kong umiiyak na sabi ni Mama.
“Mama... let me explain...” sabi ko.
“Just tell us the truth...!!!” sigaw ni
Papa.
“Opo... mahal ko si Anthony.. meron kaming relasyon...” tumulo na ang
luha ko.
Nakita kong humagugol si mama at nakita ko ang pagtiklop ng kamay ni
papa.
“At
sino pong nagsabi sa inyo? Yang balahuras na yan? Yang malandi, ahas, kabit at
pokpok na yan? Siya ba ha?” tanong ko.
Di nila sinagot ang sagot kundi nakita
kong sumugod si Papa sa akin at sinuntok ako. Ngayon ko lang naranasan ang
suntukin ni Papa. Sa buong buhay ko di ako nasuntok ni Papa.
Nagdugo ang bibig
ko at tuluyan na akong humagulgol. Lumapit bigla si mama sa akin upang
sanggahan ako kay papa mula sa isa pang suntok na ibibigay dapat sa akin nito.
(Itutuloy)