Pasensiya...mejo natagalan ha... kasi la kami net nung nakaraang araw... hahahahah
Hope you like it...
Always here,
Dylan Kyle
_________________________________________________________________________________
Si
Annie ang nagtanong.
“Ano ang pangalan ng mahal mo?”
at nahiyawan ang lahat.
“Naku.....adik kayo...talagang kailngan ganyan.... hehehhe....”
at nagsigawan
ang lahat na sabihin na daw niya.
“Ang pangalan ng..... ng.... ng mahal ko....
ay... P..P.... ang pangalan ng mahal ko ay..... ay......”
at nakita kong tumulo
ang luha niya.
Kasabay noon ang pananhimik naming lahat.
“ok lang kung ayaw
mong sabihin..” sabi ko.
“Hindi...okay lang... dapat malaman na niya to... di
ko na kayang pigilin pa.... mahal na mahal ko na tong taong ito...... Ang
pangalan ng mahal ko at minamahal ko ay Pierre Nicko Mercado!!!.....”
Halos
lahat napatigil, natahimik at hindi makapaniwala sa mga narinig. Para tuloy
kaming nasa isang retreat field dahil sa mga lagaslas ng alon ng tubig ang
tanging naririnig namin. Di makapaniwala ang lahat. Pati ako natulala sa mga
nangyayari. Di ko alam kung ano ba tong pumasok sa isip niya at ganun na lang
ang sinabi niya.
Biglang nagsalita si Mark. “Tol.... hahah..
nakaktuwa.....galing mong magjoke ah......” pambasag niya sa katahimikan.
“Tol... di ako nagbibiro...totoo ang sinasabi ko... nahihirapan akong aminin...
di ko alam kung bakit siya pa... kung bakit siya ang hinahanap ng puso ko.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko....pero sigurado na ako.... mahal na mahal
ko na ang best friend ko.... patawarin mo ako...” lahat sila nakatingin sa
akin.
"Tol... okay lang yan...kahit ganyan ka...naiintindihan ka namin...at
tanggap namin ikaw maging sino ka man....” sabi ni Ding.
“Salamat tol, ang
hiling ko lang eh tanggapin din ako ni Nicko kahit ganito ako. Pasensiya na, di
ko alam kung paano nagsimula basta nagising ako na si Nicko na ang laman ng
puso ko.” Sabi niya.
Tulala,
yan ang description ko sa sarili ko sa puntong iyon. Lumapit sa akin bigla si
Annie at niyakap ako. Matapos niyon eh hinila niya ako sa isang tabi at
kinausap.
Di mawala ang tumingin sa amin ang lahat.
“Best, this is the signal
na hinahanap mo. San ka pa best, ang taray ha. May gusto sayo si Mr. Heartrob.
Sosyal, tumataas ang appeal level mo. Share naman jan.”
Di ko maiwasan ang
mapangiti sa mga pinagsasabi ni Annie.
“Tuktukan kita jan eh, gusto mo?
Appeal-appeal ka jan. Kaw talaga.”
“Aysus, gusto mo naman. Yan oh, nangingiti
ka jan. Aminin mo nga, gusto mo ng aminin no? Ikaw talaga. Alam ko na yan,
aminin mo na. Mahal mo siya, mahal ka rin niya. San ka pa? Dito ka na?” sabi
niya.
“Dami mong alam ah. Tulak kita jan eh. Ahahah.”
“Sige nga, push me....
and then stat me.... and I will send my......” biglang singit ako.
“Tumigil ka
na... hahaba pa ang usapan natin.... Di na kailngan aminin pa best.... ayokong
gumulo ang buhay ko. Ayokong gumulo ang buhay niya at buhay naming lahat.”
“Aysus, pakipot ka lang...” bulong niya.
“Ano?” tanong ko.
“Ah eh wala sabi ko
tara na seƱorito...” at bumalik na kami.
“Let’s call it a night. Gabing gabi
na. Tulog na tayo guys.” Yaya ko.
Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ko.
“Nako best,
cheer up na jan. Pagod lang yan kaya naiisip isip mo pa rin siya. You can
survive without him naman eh.” Pagpapanatag sa akin ni Annie.
“tanda ko pa
naman dati na ikaw pa ang nagtutulak sa akin noon sa kanya. Tapos yun nga,
hanggang sa maging kami. Ilang linggo ko siyang iniwasan noon. Pinigilan ko ang
sarili ko na tuluyan siyang mahalin. Alam kong nagpapagulo ako sa isip niya.
Noon kasi eh mas naisip ko na dapat na lumayo ako. By that strategy eh mawawala
ang nararamdaman niya pero yun na nga, mas lumala. Nakakatuwa lang balikan ng
mga pangyayari.” Biglang tulo ng mga luha ko.
“Sige lang best,
ilabas mo yan. Narito lang ako, handang umalalay sa yo. I will be your friend
till the end.” Sabi niya.
Di ko na maiwasan ang mahagulgol. “Bakit ba? bAkit ba
best ganito ako ngayon? It was very nice life in the past 2 years. But it all ruined.
Yang estupida at luka luka ko pang pinsan ang sumira ng lahat. Alam mo best
kung gaano ako nagpakamatay para lang tumagal kami tapos sa isang pagkakasala
lang. Isang gabing pagkakasala at salot na pangangati at pagiging pokpok ng
pinsan kong hinayupak. Bakit best? Bakit ako pinapahirapan? Ano bang nagawa ko?
I am trying to resist anything. Naging alila ako nila mama, nagpakakuba sa pag
aaral para lang masatisfy sila. But why? Bakit ko kailngang magdusa ng ganito?
Binawing lahat sa akin, bakit bakit? I hate my life best, gusto ko ng mamatay.
I want to die. I want to. But it can’t, why?”
todo hinagpis na ang inilabas ko.
Alam kong awang-awa na sa akin si Annie.
“May purpose
naman siguro ang lahat.” Sabi niya.
Naririnig ko na rin ang mumunting hikbi ni
Annie.
“Best, ayokong nakikita kitang nagkakaganyan. Ayokong nasasaktan ka.
Nahihirapan din ako. Naawa na ako sa yo. You are perfect once upon a time, pero
ngayon... i was totally disrated with that woman. I want to take revenge sa
ginawa niya sayo, but i couldn’t let myself kasi alam kong magiging unethical
lang ako. Pero sabihin mo lang best, handa akong kalbuhin at ipahila sa kabayo
yang babaeng yan para lang mapaghigantihan yan.... Don’t cry na... tahan
na....” sabi niya.
Pinahid ko ang
luha ko at taas-noong bumalik sa aking sarili.
“Salamat best, salamat sa lahat.
Kung wala ka, paano na ako. Thanks for everything. I owe you a lot. Thanks sa
lahat. Ikaw na lang ang natitira sa akin, wag ka sanang mawala ha. Wag mo akong
iiwan.” Sabi ko.
“I promise, till the day I die, I will be there for you. Your
true friend always.” At niyakap ko siya ng sobrang higpit.
nag ayos na
kaming dalawa. Para lang kaming mga artista na napapanood sa TV.
Pag uwi ko ng
bahay, ramdam ko ang hindi pag kibo sa akin ni Anthony. Alam ko na naman na
mangyayari ito. Di na rin ako kumibo at nanatiling tahimik ang buong paligid
hanggang sa umeksena ang napaka kontrabidang bidang-badahan na pinsan ko.
“Ang
tahimik ata”
“malamang, walang nagsasalita, may tahimik ba na maingay? Common
sense insan.” Pambara ko.
Nakita ko ang pananahimik niya.
“Wag mo na lang
siyang pansinin hon.” Sabi ni Anthony.
“Mabuti pa nga. Think that Im invisible
here.” Sabat ko.
“mas mabuti pa nga.” Sabi ni Anthony.
Bigla akong tayo sa
upuan ko ng marinig ko na bumulong ang pinsan ko.
“hay, walk out na naman.”
Kala niya di ko narinig. Bigla kong dinampot ang tubig at ibinuhos sa kanya.
Bigla siyang napatayo at nagsisigaw.
“Ay..... putakteng buhay to... ano ba?
Bakit pati ako?” sigaw niya.
“At sumisigaw ka na ha? Bakit hindi ikaw, ha? Ha?
Bakit, kung hindi lang po dahil sayo, di sana maayos ang buhay ko. Sana okay
ako. Sana kapiling ko sila mama. Sana kami pa nitong asawa mo na inagaw mo sa
akin. Sana at marami pang sana. At ngayon ganado kang magsabi na bakit ikaw?
Mahiya ka nga. Kapal ng mukha mo din.” Sinigaw ko sa kanya.
“Kala mo ba di
ako napapagod sa pang aalipin mo? Napapagod na ako. Ilang beses ko ng
sinusubukan na makipag bati sayo pero ayaw mo?” sabi niya.
“Huh, kala mo ganoon
lang kadali. Para po ipaintindi sayo, NAPAKALAKING kasiraan sa buhay ko ang
sinira mo. Malandi ka, haliparot, boyfriend ko inahas mo, pinsan pa naman kita.
Magkadugo pa naman tayo tapos ganyan ha. Yan ba? Yan ba?” sabi ko sa kanya na
ipinamumukha mga kasalsanan niya.
“Tama na nga. Tumigil kayong dalawa.
Nabibingi na ako sa inyo.” Sabi ni Anthony.
“Ah, nabibingi ka na? Pasensiya ha?
Pasensiya. Kasi naman po pinapaalala ko lang jan sa magaling mong asawa na
napakalaki niyang estupida. Isang malaking ahas.” Sigaw ko.
“Tama na sabi diba?
Please lang. Magkabati na kayo. Nangyari na ang nangyari at nananatiling mag
asawa na kami. Kaya sumuko ka na. Isuko mo na yang puso mo. Ayokong nakikita
kitang nagkakaganyan. Ayokong nahihirapan ka
lang. Bitawan mo na ako. Bitawan mo na yang pagmamahal mo.” Nagulat ako
sa sinabi niya.
“Ahhhrggshh.....
buhay na ito. Putakte talaga. Ganyan na lang yon? Ha? Bibitaw ka na?
nAhihirapan ka na? Palibhasa nasarapan ka ata sa pakikipagkama mo jan sa
malanding pinsan ko. Palibhasa hindi ikaw ang nasaktan, palibhasa HINDI MO NA
AKO MAHAL...... Di mo ako pinaglaban. Kaya napakadali sayo ng lahat. Alam mo ba
napapagod na ako? Napapagod na akong maging kabit mo, napapagod na akong
magpakatangang dahil sayo. Nahihiya na ako sa sarili ko dahil nakikisiksik pa
ako sayo. Wala na akong reputasyong masasabi pa. Lahat ng yan nangyari dahil
mahal kita. Tapos eto, pinabibitiw mo ako sa nararmdaman ko? Ganoon na lang?”
sigaw ko.
Natahimik ang
buong bahay. “Siguro tama na nga. Nagsasawa na ako. Napapagod na ako. OO
ANTHONY, suko na ako. Sumusuko na ako. Ayoko na. Titigil na ako. At sana maging
masaya ka, pero eto lang ang huli kong gagawin.”
Bigla kong sinampal ang pinsan
ko ng napakalakas.
“Para yan sa lahat ng kinuha mo sa akin.” Sabay akyat sa
taas.
Nagsimula na
akong mag impake ng mga gamit. Tinawagan ko na si Annie, babalik na ako sa
bahay ko. Nagpapatulong na lang ako sa kanya sa paghahakot ng gamit ko.
Maraming tanong si Annie pero di ko na lang muna sinagot. Pagbaba ko ng kwarto,
nakaabang si Anthony, at bigla akong sinalubong.
“Saan ka pupunta? Sorry sa
nasabi ko.” Sabi niya.
“Paalam na lang.” At sa huling pagkakataon hinalikan ko
siya at lumaban naman siya sa harapan mismo ng asawa niya. At humarap ako sa pinsan ko.
“Masaya ka na ba?
Magpakasasa ka na.” Sabay labas ng bahay.
Naghihintay si
Annie sa labas ng bahay. Niyakap niya ako at di na muna nagtanong ng kung
anu-ano. Habang nasa byahe kame eh naramdaman ko ang di comfortable na
sitwasyon ni Annie.
“ok ka lang ba best? Di ka ata mapakali jan.”
“Eh ang
tahimik mo at curious ako sa nangyari eh.”
“hay nako kahit kailan eh chismosa
ka.”
“Edi wag...” pagtatampo niya.
“Aysus, dramahan ba naman ako. Sige sige eto
na...”
“Wag na... napipilitan ka lang...” At nagtawanan kami. Ikinuwento ko sa
kanya kung ano ang nangyari. Buong buo.
Medyo tanggap ko na din namn kahit
konti. Hahah... medyo ok ok na ako. eto na siguro yung tamang panahon.
Ang gusto ko
lang sa ngayon eh ang magpahinga. Matulog at limutin ang problema. Yun lang ang
gusto ko. Yun lang talaga.
Gusto kong makalimot at makalimot. Gusto kong magkulong
sa kwarto ko. Pero kailngan ko ang makabangon. Di ko ahhayaan na mabaon ako sa
pagkakalugmok. Kailngan ko ang bumawi sa lahat.
Sawa na akong maghigante. Ok na
ok na dapat ako. Pasalamat ako sa advice ng best friend ko. Haixt.
Ano na kaya ang
mangyayari sa buhay ko ngayon. Haixt. May patutunguhan pa ba to? Kailan ba ako
makakbangon ulit. Sa loob ng isang buwan, inasikaso ko na ang negosyo namin.
Kailngan ko ng magseryoso. Nawala na ang lahat sa akin. Ayoko na sobra.
Ngunit isang
araw lang eh nagbago na ang takbo ng buhay ko. Dahil sa isang tao...
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment