"Habang na sa yo ang taong mahal mo.... alagaan mo... wag mong hayaan na dumating yung araw na pag sisisihan mo na nawala na siya.... at sasabihin niya na... "Kaw kasi.... Pinabayaan mo ako..." ....."
ENJOY READING!!! LEAVE YOUR COMMENTS PO!!!!!
Always Here,
Dylan Kyle
_____________________________________________________________________________
Kakaibang araw
para sa akin ang araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito pakiramdam
ko, pero I felt that something will nearly happen. Pero nag paka positive na
lang ako. Kailangan kong bumawi ng lakas lalo na at nakalugmok pa rin ang puso
ko sa sakit. Haixt. Kakayanin ko pa ba to?
Pagpasok ko ng store namin ni Annie,
nagulat na lang ako ng nadatnan ko, si Ryan na nakaupo sa waiting area namin.
“Naku... agang-aga eh may mam bubwisit na naman...” sabi ko.
“Aysus... bwisit
daw oh... pero deep inside niyan eh kinikilig kasi andito na naman ako...
siguro namiss mo ako no?” sabi ni Ryan.
“Spell ASA...”
“Hahahah... kaw talaga
di mabiro. Good Morning mahal ko...” bungad niya.
“Mahal your face.... teka nga
bat ba andito ka na naman?” tanong ko.
“Easy lang bestfriend... kaw talaga
agang-aga eh. Best I have a good news for you!!!” sabat ni Annie.
“Good News?
Talaga? Bakit patay na ba si pinsan? Nasagasaan ba? 50-50? Putol na kamay?”
pabiro ko.
“Tae.. dami mo alam best ah... batukan kita. Kaw talaga, ang sama ng
iniisip mo.” Sagot ni Annie.
“Jowk lang naman. Oh ano yung good news na
sinasabi mo?”
“You will have a full package VACATION!!! Tenen...”
“Huh? Seryoso
ka? Bakasyon? Ano gagawin ko nun. Nako... walang kwenta yan. Kaw talaga. Di na
kailangan.. I am all right without any vacation...”
“Pero best... you need it
and I insist.”
“Oo kailngan mo yun para magrelax.” Sabat ni Ryan.
“Kayong
dalawa eh tigilan ninyo ako ha.” Sabi ko.
“You need it at kung di mo to
tatanggapin magkalimutan na...” panankot ni Annie.
“Best naman.... promise I’m
okay. Kaya ko naman. I don’t need it.” Sabi ko pero di niya ako pinansin.
“Best... uy... pansinin mo ako..” pero di pa rin ako pinansin.
“Best naman
eh....” pagmamaktol ko.
“Bahala ka jan... ako na nga nag aalala sayo eh... ayoko
kasi na nakikita kitang nagkakaganyan....” pagdadrama niya.
“Ay nako best...
kung di ka lang malakas sa akin... lakas mo magdrama ha... aawardan kita ng best Actress......sige na I will take it....” at yun niyakap
ako ni Annie.
“I knew it... di
mo ako matitiis... ahahah....”
“Ay nako.... kaw talaga... at teka.. san ba ako
magbabakasyon?”
Biglang sumabat si Ryan.
“Uhm...excuse me......”
“Bakit dadaaan
ka? Maluwag ang daan.” Pabiro ko sa kanya.
“Heheheh.. corny best....” sabi ni
Annie.
“Jowk lang.. oh game.. yan..salita na...”
Minsan feeling ko eh sumosobra
na ako sa pambabara ko kay Ryan. Pero ewan ko ba. Ang saya ko kapag binabara ko
siya.
“Okay.. let me explain.... it is not totally na ikaw lang ang
magbabakasyon... it’s for two...”
“Ha? Two? Meaning eh... Best tayong dalawa?
Magbabaksyon? ”
“Hindi... I mean.. it’s two.... Actually......it’s for us...”
At nagbago
expression ng mukha ko. “Ano???? Ikaw? At ako???? Jan ako di papayag...” maktol
ko.
“Best... nangako ka na...” sabi ni Annie.
“Pero...” pagtutol ko.
“Wala ng
pero pero.... magempake ka na ngayon.. aalis na kayo bukas.. enjoy the honey
moon... este the vacation...”
“Wushu... adik mo best... nako.. Diyos ko... patawarin ninyo ako kung sakali man na di ko matiis tong lalaking ito..... kung di lang
dahil sayo Best.... naku....”
“Paano ba yan...
magkaksama na tayo... at mag eenjoy ka...” sabi ni Ryan sa akin.
“Naku.
Kabaligtaran... I hope magkaroon ng dilubyo bukas para di matuloy.....” sabi
ko.
“Ayaw pa kasing aminin eh... na gusto mo na kasama ako at excited ka para
bukas...”
“Wag ka nga feelingero.... adik mo lang....” sabi ko.
“Sige best uwi
ako maya maya para makapag prepared... mag oorasyon na din ako para gabayan
bukas... nakakatakot kasi yung sasamahan ko bukas... baka kung mapaano lang
ako...” pamamaalam ko.
“Alam mo best... bagay kayo.. ang sweet ninyo eh...
pwedeng pwede... ahahahha... ang cute pag naging kayo... pustahan tayo...
magiging kayo... ahahah...” sabi ni Annie.
“Best... mangilabot ka... Ipusta ko pa kuko ko.....MA-LA-BO.....” ang
nasabi ko na lang.
Tumawa na lang sila ng tumawa. Dahil nga sa
sapilitang vacation, yun, napilitan na lang akong sumunod. Siguro nga kailangan
ko nga to. Heheheh.
Kinabukasan, maaga pa lang eh sinundo na ako ni Ryan sa
bahay.
”Good morning.” Bati niya sa akin.
“Good Morning din” bati ko din.
Tahimik na nagdrive si Ryan. Di ako kampante kapag tahimik kaya ako na ang
gumawa ng paraan para mag ingay.
“Ang tahimik ah...” sabi ko.
“Alangang maingay
eh wala namang kahit anong tumutunog di ba?” pambara niya sa akin.
“So binabara
bara mo na pala ako ngayon...hahah”
“Ay hindi sinusulsulan lang.... di ba obvious??? hahahahah"
Joke lang naman... kaw talaga... mamaya
magtampo ka pa jan di mo pa ko pagbigyan sa honeymoon natin mamaya.”
“Nek nek
mo....kapal din neto....”
“Aysus... bibigay ka din sa akin mamaya.... kala
mo...”
“Tignan lang natin.. ” mapanghamon naming pag uusap.
Nung matapos ang
aming pag uusap, di pa ko nakuntento, bigla ko na lang naisip na kilitiin siya.
Sinundot ko yung tagiliran niya. Nahuli ko agad ang kiliti niya.
“Hey! Stop
that...” sabi niya.
“Aha... may kiliti ka pala jan ha...” sabay evil laugh.
“Oh
anu naman...” sabi niya.
“Now I know... hahahah I know your weakness...
ahahah.”
“You wouldn’t do that.... maaaksidente tayo pag ginawa mo yan....”
panakot niya sa akin, pero heto pa rin ako kinukulit siya.
“Wala kang
magagawa... hahaha” at patuloy kaming nagharutan. Nagharutan ng nagharutan
hannggang sa mapagod kami.
Malayo layo na
rin ang nalakbay namin. Hanggang sa magstop over kami sa Jollibee para kumain.
“i know na gutom ka na... bigla ka kasing tumamlay at halatang halata naman
sayo... ahahah..” sabi niya sa akin.
“Wushu.. ako pa ang ginawang dahilan ay...
sabihin mo lang eh gutom ka na din... may pa concern concern pang nalalaman
eh.. daming alam.” Sagot ko
. “Aysus... dami pang dakdak.. tara na mahal ko.”
Sabi niya.
“Mahal mo your face...” at yun na nga pumasok na kami.
Siya ang
umorder para sa amin at ako naman ang naghanap ng table para sa amin. Medyo
kaunti lang ang tao kaya madali akong nakahanap ng table. Di naman nakapgtataka,
masyado pa kasing maaga eh pati koonti lang talaga ang nagpupunta. Parang
naging stop over lang ang Jollibee na to para sa mga taong nag byahe or may
pupuntahan dito sa Batangas.
“Wow...
hahahah...buti na lang at inorder mo ako ng fries...ahahah favorite ko yan...”
sabi ko.
“I know.... di ko makaklimutan yan no... ikaw pa...” sabi niya.
“Wew... ahahah.. so Let’s eat na...” sabi ko.
At kumain nga kami. Tahimik
kaming pareho at di iniistorbo ang bawat isa. Kain lang ako ng kain. Hahahah.
“Nicko, gusto mo ba?” alok niya sa akin dun sa kinakain niya.
“Bakit? Meron pa
kong kinakain eh... pati di mo na ba kayang ubusin?” dami kong tanong.
“Try mo lang..
dali oh... say ah...” at di ko maintindihan at binuka ko ang bibig ko at
isinubo yun.
“nice... hehehhe..” sabi niya bigla.
“Nu ba yan.. nakakahiya
Rye... pinagtitinginan tayo...’ sabi ko.
“Ayos lang yan.. di naman nila tayo
kilala eh... pati ayos nga yun eh... para kahit sa pananaw nila eh magsyota
tayo.” Sabi niya sa akin.
Bigla akong napaisip dun. Ewan ko ba kung bakit
ganito na lang yung trato niya sa akin. Ayoko namang isipin na may gusto talaga
siya sa akin. What if naawa lang siya sa akin kaya siya ganito sa akin.
Ayoko
mang paasahin ang sarili ko pero minsan, napapangiti na alng ako pag naiisip ko
ito. Aaminin ko naman na crush ko si Ryan. Full package na nga siya eh.pero
malabo, malabong malabo na amgkagusto siya sa akin. Kaya nagdoubt na lang ako.
Well, la naman akong magagawa.
After namin
kumain, deretso na kami sa kotse niya at pinagpatuloy namin yung pagbyahe.
Makalipas ang isang oras pang pagbabyahe, narating din namin ang pupuntahan
namin.
Di ako makapaniwala sa nakita ko. Napakaganda, napakalinis, napakasariwa
at napaka ayos na lugar ang nakita ko. Kitang kita ko ang malawak na dagat at
dalampasigan.
“Wow.... ang ganda... heheheh....” sabi ko.
“Ako pa... para sayo
eh papagandahin ko ang lahat..” sabi niya.
“Aysus... dami pang nalalaman...
tara na nga...” yaya ko. Sinalubong agad kami ng isang care taker.
“Sir, welcome
back po... heheheh.... natutuwa po kami na bumalik ulit kayo after several
years. Inalagaan po talaga namin itong rest house ninyo...” sabi nito.
Napatulala na lang ako, kay Rye pa la to. “Oy... sayo pala to? di mo sinabi...
naks... sosyal ah.. paresort-resort na lang....ahahahhaha yaman...” sabi ko.
“Hahahah... bakit nagtanong ka ba? Kaw talaga... tara taas na tayo.. pati di magtatagal mapapasayo din yan....” yaya
niya.
Nagayos na kami ng mga gamit. Inihatid niya ako sa kwarto ko.
“Sure ka ba na
hihiwalay ka sa akin... sabi ko sayo tabi na tayo eh.... don’t worry naman
eh.... magpaparaya ako sayo pag ginapang mo ako...” pagbibiro niya.
“Oy ang
kapal mo.. ikaw gagapangin ko.... arrrghhhssh.... kadiri... wag na lang...
magkakavirus pa ako sayo....” pambara ko.
“Aysus... virus pa la ha.... yaan
mo... alam ko namang wala ka jang avira o anumang pampatay ng virus... kaya
madali na kitang mavivirusan...” pagloloko niya.
“Wew na lang... ay siya alis
na at mag aayos na ako ng gamit ko...” pagtataboy ko.
“Ok... wait lang
ha....isusunod ko lang gamit ko...” pagbiro niya sa akin.
“Subok lang...
wawasakin ko gamit mo... at pagsisisihan mo na ipinasok mo yan dito...” pagsakay ko naman sa biro.
Binuksan ko ang
bintana at nalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin. Napakasarap sa lugar na
ito. Tamang tama para sa akin. Siniyasat ko ang buong kwarto at namangha ako sa
nakita ko. Napakaganda ng kwarto at napaka bigatin ng mga furnitures at
painting sa loob ng kwartong iyon.
Napakayaman talaga ni Ryan. Wondering kung bakit
di pa siya nag aasawa. Napakaswerte siguro ng mapapangasawa niya. Gwapo na,
mabait na at mapera pa. San ka pa. Full package na. Heheheh.
Pero di naman sa
pera nasususkat yun eh. Nasusukat yun sa pagmamahal. Pagkatapos kong mag ayos
ng gamit eh humiga ako. Nilasap ko ang malambot na kama.
Nagpapasalamat
na lang ako at nabigyan ako ng pagkakataon na kung saan makapag pahinga sa
lahat ng problema. Dami ko ng iniisip at problema. Namimiss ko na yung dati.
Payapa, walang gulo at kahit maraming dumarating na problema, di naman ganito
kalala tulad ng sa ngayon.
Ano kaya kalagayan ko kung hindi nangyari ang sa
amin ni Anthony. Magiging masaya ba ako? O magiging malungkot tulad ngayon?
Alam ko naman na ang lahat ng ito ay may dahilan kung bakit nangyayari ito.
Masarap
ang mabuhay pero para bang sa lahat ng pinagdaanan ko eh para bang paulit-ulit
na akong pinapatay. Haixt. Buhay, bakit nga ba hindi ka naging patas kung
minsan.
Naisip ko lang,
bakit kaya ganun, masyado kong ikinulong ang sarili ko kay Anthony. Masyado
kong pinaasa ang puso ko na balang araw maibabalik ko si Anthony sa akin. Sana
ngayon na alng ang kahapon, para maibabalik ko pa ang nakaraan.
Gusto kong
gisingin ang puso at isip ko sa mga pinag gagawa ko ngayon. Pamilyado na siya,
kaya dapat ako na ang lumayo. Nahihiya na lang ako sa sarili ko sa mga nagawa
ko. Dami kong problemang iniintindi, nagpapakalugmok ako, ngunit kung iisipin
ko naman eh marami jan na may mas mabigat pa na problema sa akin. Di ko
namalayan na nakatulog ako at sa panaginip ko bumalik ang nakaraan.
(Itutuloy)
uy .. kuya DK ..
ReplyDeletenice naman ..
ang sweet lang nila aa .. ayyyiiiee! may spark sa kanilang dalawa .. haha !
salamat sa walang kamatayang kakulitan ni Annie at napapayag niya si kuya Nicko na magbakasyon para makapagmuni-muni man lang sa buhay nya :)
astig at si kuya Ry pa talaga ang kasama .. SILA NA!
:")
Thanks kuya DK ~
hahahah.... naman.... hahahah..... nakapag comment ka na agad ah... hahahhah... bilis ah... hahahah... kahapon pa ata to posted... naka sched. kasi... tapos mamaya pa ito ipopost sa BOL... hahahah
ReplyDeleteempre naman kuya .. ang lakas mo saken ee .. WUSHU!
ReplyDeleteisa kaya to sa mga inaabangan ko lagi .. :)
hahahah... salamat ha... hahahah..... hope you will support it until the end.... :)))
ReplyDeletekaya dapat kay ryan k nalng. may pamilya na si anton. hindi masarap mabuhay kung may kagalit ka o nagta2nim ng galit s kapwa.
ReplyDeletebharu