Hope you like my stories.... open naman ako sa mga comments ninyo po... salamat po ng marami...
Be happy sa christmas.... kahit single ka... don't be sad... it's christmas not valentines..... kaya be happy.....
Always here,
Dylan Kyle
________________________________________________________________________________
Naghihintay ako noon
sa sala nila Anthony ng biglang lumabas ang kuya niya. Malaki ang bahay nila
Anthony dahil mayaman sila. Dahil nga kampante na sila lang ang tao eh ayon, nagulat na lang ako
ng lumabas siya sa kwarto niya ng nakaboxer shorts lang at walang suot pang
itaas.
Kitang kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan at alam ninyo na yung isa. Hindi ko maiwasan ang titigan siya dahi sa angkin
nitong kagwapuhan. Nagulat din siya ng makita ko sa may salas nila.
“May bisita pala si
utol...hahahah...pagpasensiyahan mo na ganito suot ko... sanay kasi
ako...hahahah... Ryan tol....” sabi ng kuya niya.
“Nicko tol...hehehehhe” sagot
ko.
“Ngayon lang nagpapunta ng kaibigan si Anthony dito...mukhang swerte ka
ah...hahahah...bihira kasi yan makipagkaibigan at nagulat na lang ako na
pinapunta ka na pala dito.......sige sige...kala ko kasi walang tao kaya basta
na lang ako lumabas... sige tol......hahahah... may gusto ka bang inumin o
kainin?” tanong ng kuya niya.
“Okay lang.... kumain ako sa bahay...heheheh”
sabi ko.
“Pagpasensiyahan mo na yang si bunso...napaka tagal
ha...hahahah...sige sige...” pamamaalam niya.
Sa tagpo namin yun,
di ko maintindihan kung bakit na lang ganun kakapit sa aking isipan ang tagpong
iyon. Hanggang sa lumabas na si Anthony sa kwarto niya galing sa taas at bumaba
sa hagdanan.
”Pasensiya sa paghihintay ha...naku...tanghali ako nagising tol
eh...hahahha.....sige tara na.....” yaya ni Anthony.
“Nu ba yan.. ang
tagal... dahil diyan eh lilibre mo ako...” pabiro ko sa kanya.
“Sige ba, basta
ikaw eh......hahahahha” sabi niya.
Ganyan na kami kaclose. Para na kaming
magkapatid nan. Minsan nga eh sa amin na halos tumira yan. Makikita ko na lang
sa bahay na may dalang bag at parang naglayas.
“At
nandito na naman pala ang ex-kapatid ko.....” pang aasar sa akin ni Ryan.
“Eh
ano naman?” sagot ko.
“Taray...meron ka ba ngayon?” sabi niya.
At nakita kong
napangiti si Rona.
“Wag ngang ngingiti ngiti diyan yung malandi...” parinig ko.
“Hanggang ngayon ba... di mo pa rin natatanggap?” tanong ni Ryan.
“Wala akong
dapat tanggapin Ryan. At di ako papapigil sayo...” at tumayo ako para pumasok
sa kwarto para maligo.
Di na lang umiimik si Anthony sa mga nangyayari. Ramdam
ko din naman na nahihirapan siya. Dire-deretso ako sa kwarto at naligo.
Habang
naliligo ako, sinisipat ko ang katawan ko. Ramdam ko pa rin ang mga nangyari
kagabi. Nagsuot lang ako ng brief at boxer shorts saka lumabas ng banyo sa
kwarto ko.
Nagulat na lang ako ng makita ko na nakahiga sa kama ko si Ryan at
nanunuod ng TV.
“O, anong ginagawa mo dito? lumabas ka nga....pasok ng pasok di
naman nagpapaalam...” sabi ko.
“Bakit ba... masama bang pumasok sa kwarto ng
future asawa ko na ex ng kapatid ko?” pagbibiro niya sa akin.
“Spell ASA no... atsaka ako nga ay
tigil tigilan mo... di ako nadadaan jan...at kung tingin mo dahil lang jan sa
ginagawa mo eh titigilan ko si Rona eh nagkakamali ka.... umalis ka na lang dito....”
biglang tayo niya at pumunta sa harapan ko.
“Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka
ba nasasaktan sa ginagawa mo? Are you not tired of hurting yourself? Till when
ka magkakaganyan?” tanong niyang sunod sunod.
“Till he get tired of hurting
me... hanggang sa bumalik siya sa akin.... alam mo naman ang pinag daaanan
ko...alam mo yan....sana naman maintindihan mo ako.... sana naman
sinusuportahan mo ako......” biglang tulo ng luha ako.
Nabigla na lang ako ng
bigla-bigla niya akong niyakap ng mahigpit at inalo. seryoso ang pananalita niya. matagal tagal na rin akong nagstay sa bahay nila. plinano ko talaga na doon ako mag stay in. gusto kong ang pinsan ko ang mismong sumuko.
“Ako
na ang nagsasabi sa yo... ayokong nakikita kitang umiiyak... nasasaktan....
mabait kang tao, espesyal. Di mo dapat dinadanas yan kaya heto ako
hinahadlangan lahat ng ginagawa mo kasi mas makakabuti sa’yo yan...” sabi niya.
Bigla bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa ang bulto ni Anthony.
Nakita
niya ang posisyon naming dalawa ni Ryan. Kitang kita ko ang reaksiyon ng mukha
niya. Napabalikwas ako at ipinahid ko na alng ang luha sa aking mga mata.
“Anthony.....”
nasambit ko.
“Pasensiya....nakaistorbo ako...” at tuloy tuloy siyang lumabas.
Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Ryan. Lumabas na rin siya para
makapagbihis ako.
Mabilis pa sa alas kwatro ng ako ay makapagbihis. Di ko na nadatnan
sa baba si Anthony.
Si Ryan na lang ang nakita ko habang si Rona ay nasa
kusina. Tuloy-tuloy akong lumabas sa bahay di ko naman namalayan na nakasunod
sa akin.
“O
ano, mang iinis ka na naman? kung ako sayo eh susuko na ako...” sabi ko
“Hinding hindi ako titigil no...sarap mong asarin at isa pa mali naman talaga
ginagawa mo eh.” sabi niya.
“Hay nako, pauli-ulit na lang. Let’s stop this
nonsense conversation, right? napapagod ako” sabi ko.
At yun nanahimik na lang
kaming dalawa. Habang naglalakad kami papuntang sakayan eh napadaan kami sa may
isang basketball court.
May naalala na naman ako sa nakaraan. Isang
kahanga-hanga na tao na siyang ikinainspired ko.
_______________________________________________________________________________
Makikipagkta kami kay
Annie at sa mga kaibigan namin dahil magswimming kami ng mga tatlong araw. Ang
usapan kasi eh sa may court kaya doon kami dumiretso.
May mga kabataan na
naglalaro at yung iba eh yung mga kababata ko. Niyaya nila akong maglaro at
dahil wala pa naman sila eh maglalaro muna ako.
Niyaya ko naman si Anthony at
di siya tumanggi. Ngayon ko pa lang nakita maglaro si Anthony.
Kahanga- hanga
siya dahil sa angkin niyang galing. Napaptigil ako sa laro kapag napapadako ako
sa kanyang mga mukha. Pero pilit kong iwinawaglit ito. Natapos kami sa
paglalaro ng biglang dumating si Annie.
Itinigil na namin ang paglalaro at
nagpahid ng mga pawis sa katawan.
“Grabe...galing mo boi.....” sabi ko.
“Naku..hindi ah..ikaw nga magaling jan eh...” sabi naman niya.
“Aysus... wag ka
ngang pahambog jan...”
“Aysus... hindi kaya....tuktukan kita jan eh... makita
mo...”
“Hay naku...kayong dalawa eh mag ayos na jan....tignan ninyo...ang
lalagkit ninyo....ewww...” sabi ni Annie.
“Aysus......adik mo best...” sabi ko
kay Annie.
“Ahh...sige sige na...bilis bilis....”
at yun matapos naming mag
ayos eh saktong dating ng mga kabarkada namin naging maayos ang simula namin
doon.
Nakarating kami ng mga tanghali, pero nalintikan na nung sumapit ang gabi
dahil sa kakaibang nangyari.
“Napaptulala
ka na naman jan” narinig ko na lang na sabi ni Ryan.
“Bakit ka ba
nangingialam?” pagtataray ko.
“Concern lang ako no..” sabi niya.
“Huweh... di
nga? Parang di halata. Concern daw, san kaya banda no?”
“banda rito banda
doon...”
“He....tumigil ka jan.... bugbugin kita jan eh...”
“Sige nga subukan
mo... bakit kaya na ba ng katawan mo?”
“Oo naman...ikaw lang naman ang takot
jan...”
at nagsagutan lang kaming dalawa. Para kaming mga sira na nagbabangayan
sa kalye.
Hanggang
sa shop eh sumama sa akin si Ryan. Yun nga ang ikinasususot ko. Bakit ba kailangan
pang sumunod ng balahuras na ito. Ang sarap pagpupukpukin eh.
Isa pa tong si
Annie. Bungad na bungad pa lang pagpasok ko eh kinantyawan agad ako.
“oh....good morning to our newest sweethearts......” sabi niya.
“Sweet heart ka
jan. Gusto mo ng bugbog?” sabi ko.
“Naku pagpasensiyahan mo na nga yang si
Babe.... sobra lang mainit ang ulo....di ko kasi nalambing kanina....” sabay
tawa.
“Hahahah...so funny.... at sa sobrang nakaktawa eh nasusuka lang ako...”
sabi ko.
“Hala babe, buntis ka? Yes... daddy na ako...” patuloy na pagtawa pa
nilang dalawa.
baradong barado ako ngayon. di ko alam kung ano na susunod kong gagawin. hay kulit niya talaga. suko ako.
“Naku naku naku... nasususot na ako sa yo...umalis ka na nga
dito..gusto mong ipapulis pa kita ha?” pagtatas ko ng boses.
“At bakit naman...
gusto ko lang naman bantayan ikaw ha.... masama ba yun?”
“oo masama... kaya
umalis ka na dyan at baka sa atin magmula ang world war 4.....”
“teka....meron
na palang world war 3?” tanong ni Ryan.
“Oo.... yung sa amin ng haliparot at
malandi kong pinsan.!!!!” Pasigaw kong sabi.
Puro tawa lang ang ginawa ni Annie
sa bangayan namin. Nakakapagod din minsan ang trabaho ko.
Since lumalaki na ang
aming shop at padagdag ng padagdag ang branch namin, lalong nakakapagod. Minsan
na lang kami makapagkwentuhan ni Annie.
“Pahinga
ka muna best... stressed out ka ngayong araw....” sabi ni Annie.
“Nako... oo
sobra...simula pa lang kaninang umaga dyang sa balahuras na si Ryan na yan...
ayaw akong tantanan talaga eh... sobrang nakakasar talaga.... pero nagiging
okay naman ako dahil sa trabaho.. natutuwa ako at lumalago na yung shop
natin... at siyempre.... isa sa mga nakakatanggal ng stressed out ko ay yung
pagcocomfort ng pinakamamahal kong best friend...” sabay yakap sa kanya.
“Aysus... nakakapambola ka pa talaga.... hahaha...pero I am happy na nanjan
ka... hehehhe... nga pala.... iba na ang tingin ko sa paghahatid sundo sa iyo
ni Ryan ah....” sabi niya.
“Naku...wag mong dagdagan ng malisya yun. Nakakinsulto
lang sa pagkatao ko. At isa pa... walang makakapalit sa Anthony ng buhay ko...”
giit ko.
“Kaso nga lang...pamilyado na... di ka pa ba susuko...?”
“Pati ba
naman ikaw Annie? Pinapasuko muna ako?”
“Hindi naman sa ganoon kaso masasaktan
ka lang eh.. mahihirapan ka lang..... pati concern lang ako sa iyo...”
“Pero
mahal ko siya at mahal pa rin niya ako... Diba pag love pinag lalaban?”
“Basta, pag naramdaman mo na sumuko
ka na.. andito lang ako para i comfort ka..”
“thanks ng marami... maraming
salamat talaga.”
Napansin
siguro niya ang pananhimik ko ulit kaya niya ako kinalabit.
“uhm.. naalala ko
lang yung dati.... kung paano inamin sa akin ni Anthony yung nararamdaman
niya... sa harapan ko, mo, at ng kabarkada natin...”
at tuloy tuloy na bumalik
ang aking isip sa nakaraan.
________________________________________________________________________________
Lasing na ang
karamihan at ang iba naman ay may tama na. Napansin kong namumula na si Anthony
kaya pinapatigil ko na siya. Pero ayaw niyang magpaawat.
Nagyayang maglaro kami
ng truth or dare si Annie. Ayaw ko sanang sumali kaso yun nga sabihan ba naman
na K.J ako.
Kaya napasabak ako. Unang napatapat kay Dino yung bote. Dare ang
pinili niya kaya may consequence na pinagawa sa kanya. Sobrang nakaktuwa at
saya ng larong ito.
Nakailang ikot na ang bote ng mapatapat ito sa akin. Dare
ang pinili ko. At ang consequence, halikan ko daw si Anthony sa pisngi.
“Grabeh yan ha....
takte kayo...pati ba naman si Anthony.”
At yun nagsigawan sila na gawin ko na
daw at dala na rin sa tama eh hinalikan
ko na siya pero lasing na rin itong si Anthony kaya nabago niya ang posisyon ng
mukha niya kaya nahalikan ko siya sa labi.
Smack lang naman. Nagisisng ako
bigla doon at natauhan. Nagsigawan naman ang lahat.
Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko. Kakaibang pandama ang bumalot sa pagkatao ko.
Nakailang
bote naman bago matapatan si Anthony. Truth ang pinili niya.
Si Annie ang
nagtanong.
“Ano ang pangalan ng mahal mo?” at naghiyawan ang lahat.
“Naku.....adik kayo...talagang kailngan ganyan.... hehehhe....” at nagsigawan
ang lahat na sabihin na daw niya.
"Oo nga sabihin na yan... " sigaw ko.
“Ang pangalan ng..... ng.... ng mahal ko....
ay... P..P.... ang pangalan ng mahal ko ay..... ay......” at nakita kong tumulo
ang luha niya.
Kasabay noon ang pananhimik naming lahat. “ok lang kung ayaw
mong sabihin..” sabi ko.
“Hindi...okay lang... dapat malaman na niya to... di
ko na kayang pigilin pa.... mahal na mahal ko na tong taong ito...... Ang
pangalan ng mahal ko at minamahal ko ay Pierre Nicko Mercado!!!.....”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment