Always her,
Dylan Kyle
______________________________________________________________________________
Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga ito. Nagugulat at nabibilisan ako sa nangyayari. Bakit? Bakit ako hinalikan ni Ryan. Bakit biglang bigla na lang ganito ang mga nangyayari?
Malambot ang mga labi ni Ryan. Mapag alaga ang kanyang mga labi. Dahan dahan at mahinahon. Unti-uniti nadadala ako sa emosyon at pangyayari. Tumutugon na din ako sa kanyang mga halik. Unti-unting gumagala ang kanyang mga kamay sa aking likod at hinahaplos ito.
Naramdaman ko ang panggigigil niya dahil sa yakap niya. Nagtagal pa ang posisyon naming iyon. Isa, dalawa, tatlo at marami pang minuto.
Ngunit, biglang
nagising ang aking diwa. Bigla bigla na lang akong kumalas. Nakita ko ang
pagkagulat sa kanyang mga mata.
“Bakit?” tanong niya.
“Hindi.... mali... hindi
ko dapat ginagawa to...” sabi ko.
“Tama lang to... alam mo tong ginagawa mo...”
sabay hawak sa aking mga pisngi at hinalikan ulit niya ako.
Para ba akong isang
bakal na sumusunod lang sa isang magnet. Di ko maitanggi ang aking mga labi sa
kanya. Bakit ba? Bakit ba ako nagkakaganito? Pero isang malakas na pwersa lang
ang nagbibigay sa akin para lang itigil ang kahibangan kong ito.
“Hindi....
mali to... di ko alam kung bakit ginagawa ko ito...” sabay tayo at takbo palayo
sa lugar na iyon.
Naiwan siya na nakatulala.
Dumeretso ako sa
may rest house. Di ko namalayan na nakatayo pala si Nay Betty sa may harapan ng
rest house. Bigla tuloy akong kinabahan. Di ko alam kung nakita ba niya ang
nangyari sa aming dalawa ni Ryan.
Nakatungo akong pumasok ng bahay at paakyat
na sana ko ng biglang tawagin ni Nay Betty ang pangalan ko.
“Nicko...” nilingon
ko siya. Di ko maintindihan kung bakit biglang naglingid ang mga luha ko.
“Bakit po” sagot ko habang pinahid ko ang luha na namumutawi sa gilid ng aking
mga mata.
“Halika nga... usap tayo...” sabi ni Nay Betty. Sumunod ako dun sa
may terrace.
“Tapatin mo nga
ako anak.... di naman sa nakikialam ako pero... may relasyon ba kayong dalawa?”
nagulat na lang ako.
“Ho? Ahmm... wala ho.. promise....” sabi ko.
“Di naman ako
naghuhusga agad eh... wag ka ng mahiya.... okay lang sa akin kung may relasyon
kayo..tanggap ko naman kayo.... nakita ko yung nangyari sa inyong dalawa....”
“Nay... wala ho talaga... nagulat na lang ako ng bigla na lang aking halikan ni
Ryan...” saad ko.
“Aminin mo nga.. may gusto ka ba sa kanya?” nakita ko siyang
nakangiti.
“ho? Ako ho? Wala ho.... wala ah.... ako magkakagusto sa kanya?
Naku... hindi ah. Masyadong sira na ang mundo pag nagkagusto ako” giit ko.
“Oh
anak... wag masyadong defensive.... napaghahalataan..” sabi niya.
“Naku nay
hindi ah...” sagot ko.
“Aminin na kasi.. nahihiya pa....kitang kita rin naman
jan kay Ryan na may gusto siya sayo...” ang nasabi ni Nay Betty.
“Paano po
ninyo nasabi?” tanong ko.
“Nung time na tumawag siya dito, may kakaiba na. Nung
dumating din kayo dito, kakaiba na rin ang kinikilos niya. Alam mo ba na ngayon
na lang ulit namin nakita ganyang kasaya si Ryan? Simula nung nangyari yung
masasaklap na pangyayari sa kanya. At isa pa, hindi basta-basta nagdadala si
Ryan ng bisita dito. ikaw ang kauna-unahang bisita dito ni Ryan...” nagulat ako
sa nasabi ni Nay Betty.
Biglang may sumilay sa akong mga labi na ngiti.
Napansin naman agad ito ni Nay Betty.
“Kita mo nangiti-ngiti ka pa jan...hay
anak...kung ako sayo... magkaaminan na kayo...kesa lumala pa yan...” at bigla
na lang umalis si Nay sa tabi ko.
Tinunton ng mga mata ko ang kinaroroonan ni
Ryan pero hindi ko ito nakita. Sinubukang hanapin ng aking mga mata ito pero
wala. Hanggang sa may magsalita sa may likuran ko.
“Hinahanap mo
agad ako.... namiss mo ako no?” pabirong sabi nito.
Ikinagulat ko naman agad
ito. “Kapal mo din ah..... feeling? Sige na akyat na ako.....” sabi ko.
Iniwan
ko na lang siya sa may baba at umakyat na ako. Pero may kakaibang ngiti ang
lumapat sa aking mga labi.
Pag akyat ko sa
taas, di ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ni hindi ako mapakali sa isang
sulok at para bang may mahapdi sa aking bunbuban at hindi ako makaupo.
Paikot-ikot na lang ako sa loob ng kwarto.
“Come on Nicko... I know you can resist him... you can resist his presence... you can resist his body... his
scent.... his uhmm.... aahhrrgggshhh.. and most of all... you can resist
his..... his.... his... his kiss.... and tender lips...” ang paulit- ulit kong
binabanggit sa aking sarili.
Nababaliw na ata ako. Pero hindi, hindi pwedeng
mainlove ako kay Ryan. Ayoko muna, ayoko na lang at ayoko sa kanya. Hindi
pwede, magugulo ang lahat. Mahihirapaan ako. Lalaki siya at hinding-hindi siya
magkakagusto sa akin. Pero paano kung mahal niya ako.
How greatful. Mahal niya
ako? Mahal? Uhmm.. kakilig ay.... para na akong baliw na iniisip yon.
Tiniis ko ang
hindi muna pansinin at makipagusap ng gaanong katagal kay ryan upang maiwasan
at matigil na ang pagkahibang ko sa kanya. Ilang araw din yun, mga tatlong araw
akong di gaanong umiimik at sila Nanay Betty at Tatay Bert lang ang
nakakakwentuhan at nakakusap ako.
Pag medyo humahaba ang usapan namin ni Ryan
ako na mismo ang tumitigil at nagpipigil sa aking sarili. Pero bakit ganun?
Kahit anong pilit kong iwas at isip sa kanya eh siya pa rin ang iniisip ko.
Siya ang laman ng utak ko at maging..... maging.... maging..... maging ang PUSO
ko.
Takte naman yan. Habang tumatagal ang panahon na hindi ko siya nakakusap,
lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. Lalong nagaganap ang pinaka
kinatatakutan ko. Ang mahalin siya ng puso kong kawawa. Why oh why?
Napag pasyahan
naming gumala ni Nanay Betty sa bayan para mamili. Maghahapon na rin yun.
Mamimili lang kami ng mga gatas, mga pang araw araw na delata o mga seasonings.
Nagkwentuhan kami ni Nanay Betty tungkol kay Nicko. Ang kulit kasi niya eh.
Pinilit pa rin ang magkwento tungkol sa kanya. Hehehhe. Dami ko tuloy nalaman
pa tungkol sa kanya. Suplado daw dati siya, pero mabait.
Di naman daw stubborn
at matigas ang ulo. Pinakamasunurin daw siya at hindi talaga nagrebelde kahit kelan.
“Ano bang meron
ka at nabighani mo ang magkapatid ha?” tanong sa akin ni Nay Betty.
“Tong si
Nanay Betty oh... adik mo.... kaw talaga...” sagot ko na lang.
“May LQ ba
kayong dalawa? Napansin ko lang na hindi kayo masyadong nagpapansinan.”
“Tong
si Nanay naman oh, may pa LQ LQ pang nalalaman. Wala po. Kayo talaga.” “Oh,
nasabi mo na ba sa kanya?” napaisip pa ako.
Di ko alam kung sasabihin ko ba
talaga kay Ryan.
“Nay.. ang hirap eh... paano kung gumulo ang buhay niya pag
naging kami kung sakali... tas paano kung hin di niya ako gusto? Paano kung
pinaglalaruan niya alang ako or ginagamit niya lang ang opportunity na to para
gawin lang ang pabor ng iba at iabaling sa kanya ang ginawa sa akin ni
Anthony?”
“Anak, wag mong isipin yan. Kung di ka amn niya mahal, at least
nasabi mo at nailabas mo yang itinatago mo di ba? Mas maganda kaya na walang
dinadala sa dibdib.. and sabi nga nila... the truth will set you free..” sabi ni Nay.
“Naks... daming alam ni
Nanay na English ah...”
“Naku... napapanood ko lang yan.. ahahahha..”
“Haixt.... sana nga lang parang Luke and Noah or Luke and Reid kaming
dalawa...” sabi ko.
“Teka.... parang alam ko yan ah... As the World Turn yan
noh?” sabi niya.
“Oo manang... napaka idealistic nga nun eh... hahahah....
tapos ang galing pa... napakahabang panahon siya inair sa TV. Ahahah...”
Mag gagabi na
rin ng makarating kami. Todo kwentuhan pa naman kami ni Nanay Betty. Pag dating
namin sa bahay, sarado ang ilaw.
“Naku nay.... ano ba yan.. nag black out ata?”
sabi ko.
“Hindi... baka wala talaga tayong kuryente... kasi yung iba eh may
kuryente naman eh....” sabi naman nito.
“Oo nga noh? Uhm...baka nagkaproblema
tayo sa kuryente? May pumutok ata sa fuse?” ang conclusion ko.
“Tatay Bert?
Bakit po walang kuryente? TATAY Bert?” pag tawag ko.
Biglang umilaw ang
kabahayan at nasilaw ako sa ilaw.
“Oh.. may ilaw naman pala eh... nu ba ya...”
naputol ang pagsasalita ko sa nakita ko.
Nakaayos ang buong bahay. Nakita ko na
may hawak si Ryan ng mga rosas.
“SURPRISEEEEE>.....” sigaw ni Nanay Betty.
“Alam mo to Nay?” isang ngiti lang ang ginanti sa akin ni Nay Betty.
“Nicko... I Love
you.... I love you so much.... mahal kita..” ang biglang sabi ni Ryan.
“di mo
alam sinasabi mo....” aktong paakyat na ako sa taas, bigla na lang niya akong
hinila at niyakap.
“Mahal kita Nicnko... maniwala ka... mahal na mahal na
kita... hindi ko alam kung paano nangyari pero mahal kita....” sabi niya.
Biglang tumulo luha ko.
“Mali to.. di mo alam sinasabi mo... hindi pwede to...”
sabi ko.
“Maniwala ka sana... alam kong sinasabi ko... mahal kita...yun ang
totoo.... di ko alam kung bakit ba... basaa hinahanap hanap ko presensiya mo...
hinahanap hanap ko ang yakap ko sa yo.....” nakita kong lumuha na din siya.
Di ko mapigilan
ang umiyak. Bakit ba ako naiiyak? Tanong ko sa sarili ko.
“Sabihin mo lang....
sabihin mo lang na mahal mo ako..... sabihin mo lang..... gagawin ko ang
lahat.... para sa yo...” sabi niya.
“Hindi.... hindi pwede... hindi kita
mahal....” ang sinabi ko.
“Hindi ako naniniwala.... mahal mo ako... ramdam ko
yan... mahal mo ako di ba?” nakita kong pagmamakaawa niya. Di ako makasagot.
“Kung hindi mo ako mahal... wala nang patutunguhan tong pagmamahal ko at ng
buhay ko....” ang bigla na lang niyang sinabi.
“anong gagawin mo?” bigla ko na
lang siyang nakita na kinuha ang kutsilyo at itinapat sa sarili niya.
“Huwag...
please lang.... oo mahal kita... mahal na mahal...” nakita kong ibinaba niya
ang hawak niya at hinawakan kaagad ang kamay ko.
Hinalikan niya ito at niyakap
niya ako.
“Alam ko... alam
kong mahal mo ako... at handa akong magsakripisyo para lang sayo... mahal na
mahal kita.....” sabi niya.
“Mahal na namahl din kita... hindi ko alam kung
bakit ba? Kung paano ba nangyari... bigla bigla na lang akong nakaramdam ng
kiliti sa aking puso na siyang tumutugon sa yo....” ang sabi ko.
“Handa akong
tugunan ang puwang ng pagmamahal mo dyan sa puso mo..... alam kong mahal mo pa
ang kapatid ko pero di ako papatalo..... ako ang siyang bubura niyang sa puso
mo at ako ang mag hahari sa puso mo.... ipapangako ko ang lahat... lahat
lahat...” ang sabi niya.
“Pero..... nag
aalala ako sayo... matutulad ka kay Anthony. Matutulad ka sa kanya na baka
itakwil ka din ng mga magulang mo.”
“Handa akong magpakasakit para lang sayo...
tatanggapin ko ang consequence na mangyayari at haharapin ko ito... ipag
lalaban kita at poprotektahan ko.... basata mahalin mo lang ako.... mahalin mo
lang din ako...” ang sabi niya.
Tumingin ako kila Nanay Betty at nginitian lang
niya ako.
“Oo... ipinapangako ko... mamahalin kita... at gagawin ko ang lahat
wag lang tayo mag kahiwalay.... mahal na mahal kita... di ko na mapigilan ang
aking sarili...” at hinalikan ko siya sa kanyang mga labi at gumanti siya sa
aking ginawa.
(Itutuloy)
di na kayo nahiyang maghalikan sa harapan ng mag-asawa, hehe. kakakilig nmn. naalala ko tuloy ang lips ng ex ko na super sarap, hehe. pero dati yun. now ayoko n s kanya. taksil. haha.
ReplyDeletebharu