Salamat sa mga nag cocomment ng nag cocmment sa akin... si Coffee Prince, Ramy, Ian, Jay at Rah 16 at sa iba pa jan maraming maraming salamat po...
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala” - Bob Ong
Always Here,
Dylan Kyle
________________________________________________________________________________
Ako na mismo ang
nagkusang halikan siya. Gumanti din siya sa aking mga halik. Punong-puno ng
pagmamahal ang aming mga halik at ang pagtatagpo nito sa isa’t isa. Niyakap
niya ako ng mahigpit.
Bigla namang nagpalakpakan sila Nay Betty at Tatay Bert.
Napangiti na lang ako. Ibang iba ang nararamdaman kong katuwaan ngayon. hindi ko maipaliwanag sa sobrang unbelievable ang mga nangyari. nagugulat na lang ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.
“At talagang may
pa ganito ganire ka pa ha.... at isa pa... talagang inamin mo sa kanila?”
tanong ko.
“Oo... sinabi ko na sa kanila... alam kong mahirap para sa kanila na
intindihin ako pero walang kaduda dudang tinulungan nila ako.... noong una
nagulat sila, pinagsabihan nila ako at binalaan na kailangan kong pag isipan ang
mga gagawin ko at mga susunod na hakbang na isasagawa...... pinag isipan ko ito
ng mabuti... sa loob ng araw na hindi tayo nag usap at nag pansinan,
pinakiramdaman ko na kung ano ba talaga
ang tunay kong nararmdaman.” Mahaba niyang sinabi sa akin.
Nalilingid ang luha ko habang sinasabi niya ito sa akin. Naiimagine ko ang pag titimpi na ginawa niya. alam kong mahira pigilan ang nararamdaman. kaya pala all those things, all those days binibiro niya ako. dahil totoo pala yun. Niyakap ko siya
agad.
“Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Natatakot pa rin ako para sa yo
kasi alam kong malaking sugal to para sa yo, pero mas pinili mo pa rin ang puso
mo. Handa kitang suportahan at ibigay ang pagmamahal ko sayo...” ang sabi ko.
“Mga anak...
nawa’y gabayan kayo ng Poong Maykapal... alam kong maghihirap kayo ng lubos sa
mga susunod na yugto ng buhay ninyo dahil na rin sa mga magulang nila Ryan.
Tibayan ninyo lang ang loob ninyo ha... wag kayong bibitiw at huwag ninyong
hahayaan na matibag kayo ninu man... at kung may problema naman na darating sa
inyo, hwag kayong mahiyang lumapit sa amin...” sabi ni Nay Betty.
Lumapit ako
sa kanilang dalawa at niyakap.
“Maraming salamat po. Di ko po kayo makakalimutan..”
napapaluha kong sabi.
“Walang anuman yun... basta ipangako ninyo lang na wag
ninyong sasaktan ang bawat isa....” sabi ni Tatay Bert.
“Huwag ho kayong mag
alala.... iingatan ko tong asawa ko....” sabi ni Ryan.
“Aysows.... asawa ka
jan.... asawa agad porket nangyari ito? magtrabaho ka ng mabuti at ayokong di mo ako aalagaan.... naku...”
pagbibiro ko.
Lumapit agad siya sa akin at niyakap yakap ako.
“Opo
commander..... don’t worry.. di kita papabayaan.... aalagaan kita at di
hahayaang magutom.... kung gusto mo nga kain ka mamaya ng madami eh...” sabay
nakakalokong ngiti.
Kinurot ko lang
ang gilid niya.
“Naku naku naku... ikaw ha.. kung anu-anong sinasabi mo.. ay
nako.... pag yan lang ang lagi mong inatupag..... tsk tsk...hahah..” sabi ko.
“Jowk lang... kaw talaga... sakit nun ah.... “ sabi niya.
“Oh eto kiss
pantanggal.... mwaah...” at nagkatawanan kami.
"Dito kiss mo ako..." sabay turo sa labi.
"Daming arte ah..."
Kumain na rin kami. Kwentuhan at
tawanan lang ang nagibabaw sa hapag kainan.
“Kayong dalawa wag muna mag aanak
ah... magsettlement muna kayo ng ayos...” biro ni Taty Bert.
“Nako.... kayo
talaga napaka palabiro...” sabi ko.
“Hindi kaya... yaan ninyo Tatay Bert...
aagapan ko muna... mag titiis na muna ako sa pahalik halik....heheh..” pagsabat
nito.
“Weh... adik mo... tumigil ka nga jan...” sabi ko. At nagkatawanan na
lang kami.
Isang memorable
na araw para sa akin ang nangyari sa akin ngayon. Haixt. Di ko na muna iniisip
ang mga consequence na mangyayari. Gusto kong ipahinga ang aking isip. Nakahiga
na ako sa aking kwarto ng biglang may kumatok sa aking pintuan.
“Teka lang...”
ang sabi ko.pagbukas ko, iniluwa nito ang gwapong mukha ni Ryan
“Oh... gabi
na.... bat gising pa ang mahal ko?” tanong ko.
“Namiss kasi kita eh.... kaya
kung pwede ba na? Alam mo na...uhhmmm..”
nginuso niya yung labi niya dun sa kama ko.
"Aba-aba..... ikaw talaga dumidiskarte ha..."
"Ganyan talaga.... kaya masanay ka na..."
“Oh sige na pwede ka na dito
matulog... behave ah...” at bigla na lang siyang pumasok kaagad sa aking kwarto.
“Halika na mahal
ko... dali...tulog na tayo...” yaya niya sa akin.
“Opo anjan na...” tumabi ako
sa kanya at yumakap.
Short lang ang tanging sinusuot niya pag natutulog siya
kaya medyo di ako makapagconcentrate ng ayos lalo na pag nakikita ko ang hubog
ng kanyang katawan. Hinahaplos haplos ko na lang to para di ako masyado
mahalata na ninenerbyos.
“I love you...” sabi ko.
“I love you too...” sagot
niya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako.
“Masaya ako at minamahal
mo ako....” bigla akong yumapos sa kanya.
“Basta pinanghahawakan ko ang sinabi
mo na hindi mo ako iiwan at papabayaan...” dag dag ko pa.
“Wag kang mag
alala... mahal na mahal kita...” sabi niya.
Magkayakap kaming dalawa hanggang
sa makatulog kami.
Nagising ako sa
sikat ng araw. Tulog pa rin si Ryan at nakayakap siya sa aking katawan.
Hinaplos ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Noo, ilong, tenga, bibig at
pisngi.
“Napakaswerte ko para mapunta siya sa akin. Ito na sana ang hinihintay
ko. Yung taong magmamahal para sa akin. Yung taong magbibigay ng puso at
paglalaanan ako ng kanyang buhay...” ang nasabi ko sa aking isip.
Hinalikan ko
siya sa mga pisngi at yun ang naging dahilan ng kanyang pagkagising.
“Oh, gising ka
na....” sabi ko.
“Yup.... nagising ako sa magical kiss ng asawa ko... heheheh”
sabi niya.
“Ahahahah... naks naman... heheheh.... oh eto pa... mwaaahh”
“Mwaaahhh.... heheh... I love you Nicko....”
“I love you too Ryan..”
“So tara
na... baba na tayo at baka nakahanda na ang breakfast natin.... or baka gusto
mo right now na tayo mag breakfast?” sabi niya.
“Hay... tara na sa baba at baka
kung ano pa ang maisip mo... kung anu-ano na yang pumasok sa kukote mo eh....
tsk tsk... masyado ng polluted... hahahah” sagot ko.
At yun bumaba na kami. naghilamos na muna kami at nag mumog. nag ayos din kami ng sarili bago bumaba ng bahay.
Sinulit namin
ang pagbabakasyon. Kain, gala, ligo at kung anu-ano pa. Laging nakadikit tong
si Ryan sa akin. Para bang mawawala ako pag wala ako sa tabi niya.
Sabi nga nila Nanay Betty eh baka naman daw malamog na ako
dahil sa araw-araw at minu-minuto na ginawa ng Diyos eh nakayakap daw siya sa
akin.
Ok lang naman sa akin yun eh atleast natutuwa ako sa feeling na yun.
Masaya, refresh at magaan sa loob ang pakiramdam.
Paalis na din
kami noon sa rest house ni Ryan. Nagpaalam naman kami kila Nanay Betty at Tatay
Bert.
“Ingat kayo sa daan ha... wag kang mahiyang bumalik dito at kailngan eh
sa pagbalik ninyo eh napipinto na ang kasal ninyo.....” sabi ni Tatay Bert.
“Naku tay... yaan ninyo kayo po mga ninong at ninang...” sabi ni Ryan.
“Siguraduhin mo lang at kung hindi eh magtatampo ako ng sobra.” Pabiro ni Nay
Betty.
“Naku Nay at Tay... magkikita pa ho tayo... at salamat po sa lahat lahat
ha kahit na ngayon lang ninyo ho ako nakilala eh pinagkatiwalaan na ninyo
ako... mag iingat ho kayo lagi... wag papabayaan ang sarili ha..... mamimiss ko
ho kayo....” at niyakap ko sila.
Matapos mag paalam eh umalis na kami. Mag
tatanghali na ng umalis kami. Habang nasa byahe eh kulitan pa rin kami ng
kulitan. Harutan at marami pang iba. Nagutom kami pareho kaya nag decide kaming
mag stop over sa isang kainan.
Masarap naman yung kainan na pinuntahan namin. Kahit
na maraming tao eh ipinakita pa rin ni Ryan ang sweetness niya sa akin. Ibang iba talaga itong si Ryan. Pakiramdam ko lagi eh safe ako. anuman ang mangyari eh di iya ako pababayaan.
After
naming kumain eh dumeretso kami sa shop namin ni Annie.
“Bestfriend...
andito na ako!!!” pumasok ako bigla at ginulat si Annie. Nagulat naman yung mga
tao sa loob ng shop sa kaingayan ko pati na rin yung mga emloyee’s namin.
“Namiss kita best friend at hindi ko nakalimutan pasalubong mo...” sabi ko.
“Naks... andito na ang best friend ko... namiss din kita... heheeh.... akin na
pasalubong ko....” sabi niya.
“Heto... yan... madami yan... meron din ako para
sa mga employee’s natin. Heheheh....” sabi ko.
"Huwaw.... andami... hahah.. salamat best friend.... supah like ko yan...... I love you talaga...."
"naku ikaw pa... malakas ka kaya sa akin...."
“Hahahah...Teka.... hmmmm.... ibang iba ang aura
mo ngayon... masyadong optimistic... bakit ano bang meron ha?” natanong bigla
niya.
“Eto naman... bawal ba akong maging masaya at nakabalik na ako.. may pa
aura-aura ka pang nalalaman jan... to talaga..... sige kung gsuto mo eh maging pessimistic na alng ulit ako....” pabiro kong sabi.
“Aysus... kilala kita
no...... speak up... anong bago...” mapilit na tanong ni Annie.
Biglang
umeksena si Ryan at hinawakan ang kamay ko at itinaas ito sabay halik sa akin.
“Di na kailangang mag salita pa...” sabi ni Ryan. Kitang kita ko ang pagkagulat
ni Annie.
“Huwaw... naks
best... jackpot ka... sabi na nga... i’m very happy for both of you... you
deserve each other...” paghihisterical ni Annie.
“Oy best... wag masyado
katuwa.... nakakahiya na sa mga customer natin nagtitinginan na sila....”
“Oh
ano naman.. kaw talaga.... ikaw lalaki ka... madami kang ikwekwento sa
akin....”
“Naku di na kailngan... nitatamad ako...”
“che.... hindi magkwento
ka..... di kita titigilan hanggang hindi ka nag kwento sa akin......” natatawa kami habang nag uusap.
“At ikaw lalaki, ambilis mo ha... walang pasabi-sabi...... ingatan mo tong best friend ko... isang luha lang na makita ko jan nau,
ipapatawag ko ang NBI, PNP, SWAT, SSS, GSIS, PAG ASA at DILG...” ang histerical
na sabi ni Annie.
“At kung anu-ano na naman ang ginagawa mo ha... grabe ka...
di ka na naman ata naturukan ng gamot mo... paturok ka nga....” sabi ko.
“Yaan
mo na yun mahal ko... nag aalala lang naman yang best friend mo eh.... yaan mo
Annie..... aalagaan ko tong pasaway mong best friend..” sabi ni Ryan.
tapos
bigla na lang siyang yumakap sa aking likod.
“Ang sweet naman... takte
nakakainggit...” at yun na nga todo kwentuhan na kami.
"Oy ikwento muna....." Ikinuwento ko lahat kay
Annie ang nangyari.
Nagulat talaga
sobra siya sa akin at kay Ryan. Grabe matuwa si Annie para bang may kung anong
nasa tumbong niya at di siya mapakali sa isang gilid. Nakakwentuhan rin namin
yung mga empleyado namin.
Grabe din sila matuwa, kakaiba kung makapagreact. Daig mo pa ang isang batalyon kung magrect si Annie.. natatawa tuloy ako pag mag rereact na siya. madami siyang tanong sobra. Happy naman sila sa amin at tong si Ryan naman eh sasabog na ang ulo sa
kapupuri sa kanya.
Natutuwa naman
ako na unti-unti ng nagiging okay ang buhay ko. Yung trabaho namin eh okay na.
Lumalago na yung shop namin at okay na yung mga branches namin. Pasalamat ako
at meron akong partner at bestfriend na tulad ni Annie.
Lumabas kamib
saglit ni Ryan para bumili ng snacks namin. Hintayin na rin siguro namin
magsara yung shop or either mga ilang oras bago mag sara. Si Ryan na rin ang
nagdecide na mamaya nakami umuwi.
Pizza at softdrinks ang binili namin. Okay na
siguro yun. At yun nga kumain na kami dun sa lob ng shop. Malakas na talaga ang
benta namin now a days.
“Mahal ko... eto um...” sabi ni Ryan sa akin.
“Ahhh....uhmm....” ang sweet talaga ni Ryan.
“Napakasweet anman dito..
lalanggamin kami dito...” sabi ng isang empleyado namin.
“Hindi naman...” sabi
ko naman.
Ang sweet ng
ayos naming dalawa ni Ryan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang
isang bulto ng kahapon. Nakayapos pa sa akin si Ryan at ako naman eh sinusubuan
siya.
Nabigla kami at nagulat sa iniluwa ng pintuan. Nakatayo doon at pumasok
si Anthony. Lahat kami natigilan, di makagalaw. Wari ba ay nakakita kami ng
isang multo o anumang nakakatakot na tao.
Hindi pa kaming
handa na isiwalat ang namamagitan sa amin pero heto, mukhang mapapsubo kami. Eto na ba ang tamang panahon?
(Itutuloy)
first to comment kuya .. ;)
ReplyDeleteYES, this is the right time .. wala naman sigurong masama kung ipagtapat na ni kuya Nicko at kuya Ryan kay Anthony ang relasyon nila ..
knowing na may asawa na si Anthony ..
wag lang tatangkain ni Anthony na agawin si kuya Nicko kay kuya Ryan .. at popompyangin ko siya .. (violent? chos!)
anyway --
ikaw na talaga kuya Nicko ang may minamahal .. SANA AKO RIN .. haha
super bagay kayo .. promise! kakakilig .. :")
Thanks kuya DK ~
hahahahhaha.... salamat coffee prince... hahahahahh...you always comment on my work... ahahahhhaha...... nga pala... ano fb mo??? heheheheh
ReplyDelete