Saturday, August 31, 2013

Less Than Three- Part 22

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 22

(Bond)



Wednesday, August 28, 2013

Less Than Three- Part 21

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 21

(The truth will set you... free?)



Monday, August 26, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 8.





318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:


Hi! Kamusta ang lahat? Yippee! Nakapag-update agad! Hehe! Medyo naging mabilis lang po ang update ko sa ngayon dahil maluwag naman po ang schedule ko sa ngayon at ayoko na kayong bitinin sa part na to hehe.


Salamat nga po pala sa mga patuloy na sumusuporta ng akda kong ito. We’re on our way to climax. So,  be ready guys! Hehe! Salamat po ng marami! Labyahall guys! Hopia like this chapter! ;)



-nieL


PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)



Chapter 8






Colby’s Point of View:







“Hello bes?” Ngunit maingay din ang dating ng kabilang linya. Medyo choppy but naririnig ko na nagsasalita siya. “Hello bes? Hello? Choppy ka bes? He—“ Naputol na lang ang pagsasalita ko ng biglang may naramdaman akong pumulupot na tela sa mata ko. Shit! Ano to?!


Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magsisigaw dahil ang higpit ng pagkakahawak sa akin ng dalawang taong naglagay ng piring sa mata ko. Na- kidnap ba ako? Shit! Pero kung na-kidnap ako, bakit sa gitna pa ng party? At sa pagkakaalam ko ay hindi ako ganung kalayo sa entrance kung saan may mga guard na nagbabantay ng party. At saka, kung kidnap to, bakit ang bagal naming maglakad?!


Sumunod na lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam, pero parang nakaramdam ako ng kaba at excitement sa pagkakapiring ko. Pakiramdam ko kasi ay may surprise na patungkol sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot na baka nga na-kidnap na ako. Ah basta! Matinding excitement at kakaibang kaba ang naramdaman ko. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti na lang ako.


“Teka, ano ba to?” Mahinahon kong pagtatanong sa dalawang taong nasa gilid ko na umaalalay pa rin sa akin sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta, naririnig ko pa rin ang ingay ng mga estudyante sa venue. I’m not sure, but parang familiar sa akin yung scent nung isang taong nasa gilid ko. Hanggang na-figure out ko na lalaki siya. Hindi ko lang maalala kung kaninong amoy yun, basta familiar sya sa akin.


“Huminahon ka lang, hindi ka naman namin sasaktan e.” Sagot ng lalaking nasa gilid ko. Kaya naman kinalma ko na lang ang sarili ko. But teka? Parang familiar sa akin ang boses ng lalaking to ah? Parang boses ni Lemuel?!


Isang minuto ang lumipas noong wala na halos akong narinig na ingay na nagmumula sa party. Hindi ko na rin nararamdaman ang simoy ng airconditioner, napalitan ito ng natural na simoy ng hangin.


Tahimik ang lugar na pinuntahan namin. Wala man lang akong marinig na kahit anong ingay bukod sa paglalakad namin ng dalawang mokong na ito. Hanggang sa naramdaman kong inuupo nila ako sa isang mono-block chair at sinabing. “Kumalma ka lang ah? Kung ayaw mong malintikan sa amin?!” Hindi ko alam kung pananakot ba yun?! Yeah, sa sinabi ng lalaking iyon ay nakaramdam ako ng konting takot, pero mas pumapangibabaw pa rin ang excitement sa akin. Ang weird.


Isang minuto ang lumipas, tahimik pa rin akong nakaupo sa upuan. Kung tutuusin ay pwede ko namang tangalin ang blindfold na nasa mata ko dahil kung kidnap nga ang nangyari sa akin ay kaya ko namang lumaban, ngunit parang kumportable ako sa posisyon kung iyon. Ang weird, but parang may hinihintay yung puso kong mangyari? Exciting!


Maya maya ay may narinig akong kaluskos ng mga tao. Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may lumapit sa akin at naglagay din ng isang mono-block chair sa harapan ko. Sa aking palagay ay may layo ng tatlong talampakan ang taong naglagay ng mono-block chair sa aking harapan.


Hanggang sa..


“Alam ko, mahirap mag-confess ng nararamdaman ko para sa iyo. Unang-una dahil bestfriend kita, mahirap dahil.. ayoko masira ang pagkakaibigan na’tin once na hindi pala mutual ang nararamdaman mo. But, I’m here in front of you to take the risk and at the same time to take the oppurtunity, hindi dahil sa hindi mahalaga ang pagkakaibigan natin, kundi mas mahal kasi kita ng higit sa isang kaibigan.” Napatigil siya. I was shocked. Still, naka-blind fold pa rin ako pero alam na alam ko, si Xander yun. Shit! Totoo ba to?! As in?! Hindi panaginip?! “I don’t know, kung bakit nagkaganito ang nararamdaman ko para sayo bes. Tulad ng pagaakala mo na hindi ako naiinlove sa kapwa ko lalaki, but nagkamali ako. Because, out of the blue, nakaramdam na lang ako ng kakaiba sayo. Kaya.. napatunayan ko sa sarili ko na nagmamahal na ako at wala akong pakielam kung kahit kanino pa, kung lalaki ka o babae man, dahil one thing is for sure. Mahal na kita bes, kaya kapag hindi kita kasama, para akong mababaliw, at kapag kasama naman kita ay lumulundag naman ang puso ko sa sobrang saya.” Napatigil siya. Napabuntong hininga. “I’m not sure for what would be the outcome of this, but I’m here in front of you not just to sing but to express and to show how much I LOVE YOU!”


Wala sa sarili kong naramdaman na may nagtangal ng blindfold ko. At tumambad sa akin ang bestfriend ko na hawak hawak ang gitara niyang sinasabi niyang ilalabas niya na lang kapag may tutugtugan na muli siya nito. Iba din ang suot niya ngayon sa suot niya kanina. He is now wearing a red checkered long sleeve. At nagiba rin ang ayos ng buhok niyang mas lalong nakakapagpakilabot sa akin. Ang gwapo gwapo ng bestfriend ko!


Suddenly, napaluha na lang ako sa nakita ko. Hindi ko inaakala na mangyayari at maririnig ko ang mga words na pinapangarap ko lang dati. Hindi ko inaakala na mutual din pala ang nararamdaman sa akin ng bestfriend ko. Halos mamula ako sa sobrang kilig at kaba sa mga maaring mangyari sa mga oras na ito. “Remember this guitar?” Pagtatanong niya sabay muestra sa hawak niyang gitara. Tumango lang ako bilang tugon.  Hindi pa rin maiwasan ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko. “Sinabi ko sayo na ilababas ko lang to, kapag nagmahal na muli ako. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo na gusto ko lang patugtugin to. Pero, nilabas ko to, dahil inudyukan ako ng nararamdaman ko para sayo na tumugtog at magmahal muli.”


Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar tunog sa aking likuran.  Accompanied ng violin ang intro ng  kantang inaalay ko para kay Xander – Ang kantang Ikaw Lamang. Lubos ko pang ikinagulat dahil nandoon ang barkada ko sa likuran ko with an instrument, si Rizza ang nasa violin,  nasabi niya pala sa akin na hidden talent niya daw ito, si Rex na nasa drums at si Lemuel naman na nasa piano. Si Nerrisse naman ay nakaupo din sa beatbox at nakangiti ito sa akin. Heto siguro yung sinasabi ni Nerrisse na mageenjoy ako ngayong gabi. Samantala, si Xander naman na nasa harap ko na may hawak hawak na gitara at hinanda ang isang mic amplifier na nakasabit sa kanya.




Ikaw Lamang by: Silent Sanctuary






Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na



Speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong sumigaw ng sumigaw dahil sa sobrang kilig at sa sobrang saya. Hindi ko inaasahan na mangyari ang isang event na sa panaginip ko lang nakikita. Gusto ko siya yakapin, gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko din siya ng higit sa isang kaibigan. Ngunit, nag-aalangan pa rin ako kung totoo ba ang lahat. Nakapaka-unexpected pa rin kasi. Gusto kong sampalin ang sarili ko upang kumpirmahin kung nanaginip lang ba ako, pero kung panaginip man ito?! Gawd! Ayoko nang gumising pa!


But then again, I’m wrong. Dahil after niyang kumanta, lumapit siya sa akin. Nilapit ang kanyang mukha. Ang kanyang maamong mukha at namalayan ko na lang na naglapat na lang ang aming mga labi. Noong una ay hindi ako lumaban dahil sa pagkabigla, but nagising na lang ako sa katinuan na gumaganti ng halik. Isang halik na punong puno ng emosyon.


“Kapag hinahalikan kita, it doesn’t mean na para lang yun sa pleasure ng katawan ko. Hinahalikan kita dahil mahal kita at hindi dahil biro lang..” Pabulong niyang sabi sa akin.


“Xander!” Pagtawag ko sa kanya. Umiyak ako. Umiyak ako dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag natutupad ang pangarap na alam mong imposible, pero nandito sa harap mo ngayon. Masasabi kong mas iba to sa naging pagsasama namin ni Tristan before, iba yung happiness. Napakasaya ko sa pag-amin ng bestfriend ko. At, ngayon oras naman para ako ang umamin. “I don’t know what to say, pero hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!” Maluha-luha kong sabi. “You’re very brave..” Pamumuri ko sa kanya.


“What do you mean?” Seryoso niyang pagtatanong.


“Xander, napakatapang mo para aminin sa akin na mahal mo ako, na mahal mo ako ng higit sa isang kaibigan. That’s why, mas lalo – mas lalo kitang..” Naudlot kong sasabihin. Napatulo muli ang luha ko sa sobrang saya.


“Continue..” Excited na pagkakasabi ni Xander. I know, hinihintay niya akong sabihin ko sa kanyang mahal ko din siya. Halatang-halata sa mukha niya ang sobrang saya.


“Mas lalo kitang minamahal. Oo bes, mahal na din kita, dati pa.. Ngunit, naduduwag akong magsabi sayo dahil natatakot ako na baka hindi pareho ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko. Ayokong mapahiya sayo, at higit sa lahat ayokong mawala ang pinakaiingat-ingatan ko..” Sincere kong sabi.


Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ito. Naramdaman kong parang may patak ng kung ano sa kamay ko. Umiiyak siya. Kitang kita ko ang pagiyak niya dahil sa sobrang saya.


“Hindi mo lang nalalaman kung gaano mo ko napapasaya sa mga naririnig ko sa ngayon..”  Sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko. “I don’t know, pero nandito na rin ako. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko bes..” Sambit niya sabay hugot ng isang malalim na paghinga. “Bes! Colby? Can I be your boyfriend?” Malamlam niyang pagkakasabi. Malamlam pero punong puno ng sinseridad. Ramdam ng puso ko ang sinseridad niya sa mga sinasabi niya. Muli, tumulo na naman ang luha ko.


Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sumigaw at ipagsigawan na mahal din ako ng taong pasikreto kong minamahal. Pero, yung mismong saya na nararamdaman ko ang pumipigil sa akin. Kaya, imbis na tanungin ko siya nilapat ko ang aking labi sa kanyang labi. Naglapat ang aming mga labi. Ramdam na ramdam ko ang sobrang saya at mistulang nagtatalon talon ang puso ko sa paghalik ko sa kanya. Punong puno ng emosyon ang halik na iyon. Sa halik na iyon ay humugot ako ng lakas. Bumitaw ako at humarap sa kanya at sinabing..


“Oo bes, pumapayag akong maging boyfriend kita” Pagkukumpirma ko. Ngumiti siya. Napaluha siya. Niyakap niya ako. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hindi ko naman first time na magkaruon ng boyfriend pero heto na ata ang pinakamasayang confirmation na ginawa ko. Mas masaya kaysa sa amin ni Tristan noon.


“Pangako bes, hinding hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita..” Sambit niya sa akin habang nakayakap pa rin. Tumayo naman ito. “YESSSSSSS!! WOOOHHHHHHH!! MAHAL NA MAHAL KITA! JAKE COLBY RIVVERRAAA!! WOOOHH!” Pagsigaw ni Xander. Narinig ko naman na nagtawanan at tila kinilig ang mga ka-barkada ko. Sabay sabay pa nga sila nag-ayyiiee at lumapit na din sila sa amin.


“Hoy! Wag na wag mong sasaktan tong bestfriend ko ah?!” Paninigurado ni Nerrisse.


“Yeah right, kilala mo kami Xander kapag nagalit.” Dagdag pa ni Rizza.


“Oo Nerrisse, salamat nga pala..”


“Salamat para saan?” Pagtatanong ko naman kay Xander.


“Ahhh kasi itong boyfriend mo! Nakiusap sa akin last week tungkol nga dito sa pagamin niya. Kinausap niya ako na kung pwede daw ba sanang arkilahin kami para tumugtog para nga dito. Para daw mas maappreciate mo. Saka sa akin din nagpatulong yan para i-organize to..” Pagamin ni Nerrisse.


“Ahhh! Kaya pala hindi niyo ako sinasabayan this past few days..” Hindi kasi nila ako sinasabayan kumain at umuwi this past few days, yun pala ay busy din sila sa pagpapraktis sa hinihinging pabor ng bestfriend ko ah! Este boyfriend ko na pala. Mas lalo tuloy akong kinilig.


“Ayyyyiiiee! May boyfriend na si unggoy! Bwahaha!” Pangaasar sa akin ni Rex.


Nagtawanan naman ang lahat.


“Ohhh, siya, aalis muna kami teh ah?! Balik muna kami sa party. Enjoy the rest of the night!” Sabi sa akin ni Nerrsse. “Di pa tapos ang surprise nyan..” Pagbulong naman sa akin ni Nerrisse.  “Let’s go guys!” Pagyaya ni Nerrisse .


Napagtanto ko na nasa likod pala kami ng venue kung saan ginanap ang acquaintance party ng aming university. Sa likod pala nito ay mayroong isang magandang park at may isang seawall. Nakakatuwa dahil paborito ko talaga ang tumambay sa harap ng mga seawall, at kahit sa mga sea shores. Hindi ko alam pero naaliw talaga akong makita ang karagatan. Alam kong alam ni Xander iyon kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit dito niya na napiling mag-confess.


Umupo kami ni Xander paharap sa sea wall. Hawak hawak niyang ang kamay ko. Kitang kita ko ang lawak ng kanyang ngiti. Alam ko, masaya siya sa kung anong nangyayari ngayon dahil ganun din ang nararamdaman ko, but I can say na mas masaya ako ngayon.


Tinignan ako ni Xander, isang nakakatunaw na tingin. “Hindi ko inaakala na dadating tong araw na to, akala ko imposible na..”  Sabi niya sa akin habang hawak hawak pa rin ang mga kamay ko.


“Ako din e. Akala ko imposible to. Kadalasan kasi sa mga mag-bestfriend na may tinatagong feelings ang isa or mutual sila ay hindi nagkakatuluyan dahil sa hiya, or natatakot sila mag-risk ng kung anong meron sila..” Sabi ko naman.


“Natatakot din naman ako e, ngunit parang hindi ko na kinaya bes. Hanggang sa naisipan kong aminin na lang ang lahat sa iyo. Ang sabi ko sa sarili ko, ‘bahala na, kung ano man ang mangyari, ipapanalo ko pa rin si bes. Kung maging tayo man o kung ayawan mo man. Ikaw pa rin ang bestfriend ko. At hindi ako papayag na mawala yun..’” Buong tapang niyang sabi sa akin.


“Ako? Ilang beses ko nang natanong sa sarili ko kung dapat ko bang aminin. Ilang beses na akong inuusig ng nararamdaman ko. Pero, duwag pa rin ako. Ayoko kasing ma-risk yung friendship na’tin..” Pagamin ko sa kanya.


“Pero, nandito na tayo ngayon. Dahil parehas tayong nag-risk..”


“Yeah, dahil sa nararamdaman ko. Dahil, mahal na mahal kita bes..”


“I love you too bes..” Tugon niya. Hanggang sa muli na namang naglapat ang aming mga labi. Isang nagaalab na halik ang binigay niya. Gumanti ako. Nagaalab in a way na punong puno ng emosyon.


“Bes, hindi ka ba natatakot?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Natatakot? Para saan?”


“Natatakot dito? Paano kung mawala yung spark between us. What if, may hindi tayo pagkakaintindihan? What if maghiwalay tayo? Maibabalik pa ba natin ang friendship na’tin?” Medyo malungkot kong pagtatanong.


Niyakap niya ako na para bang nakakatanda ko siyang kapatid. “Hindi ako nag-effort mahalin ka para iuwi lang ang lahat sa wala. Dahil, handa akong sumugal. Para sa pagmamahal ko sayo. At kung sakaling dumating man ang pagkakataong magkahiwalay tayo, pinapangako kong hindi mawawala ang pagiging magkaibigan natin. Ngunit, hindi ko alam kung matutupad yang pangako kong yan bes..” Sabi niya. Nalungkot naman ako sa huling katagang sinabi niya.


“Bakit naman?”


“Kasi bes, nangangako akong hindi kita sasaktan. At kung sakasakaling magkaruon man tayo ng problema. Nangangako akong sabay na’tin yung haharapin. Hindi ako papayag na ako lang ang lalaban, at mas lalong hindi ako papayag na magisa ka lang lalaban. Ganyan kita kamahal.” Napaluha na naman ako sa sinabi ni Xander. Tagos na tagos kasi sa akin ang mga sinasabi niya. Ngayon, alam ko na ang definition sa salitang happiness, it is Xander.


Habang nasa ganun kaming pagmomoment ay bigla naman niyang kinuha ang cellphone niya. “Remember noong pumunta ka sa bahay last Saturday?” Pagtatanong niya.


“Oo naman. Bakit?”


“Kinuha ko sayo ang cellphone ko di ba? E samantalang dati libreng libre mong hawakan ang cellphone ko.”
“Oo nga bakit nga pala?!”


“Puntahan mo ulit yung multimedia section..”


At pinuntahan ko nga ang multimedia section ng cellphone ni Xander kung saan nandun na ako noong nakaraang sabado ng kinalkal ko ang cp ni bes.


“Hello bes! Sana kapag pinakinggan mo tong kantang to ay alam mo na at sana tanggap mo na kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. Sorry pala bes kung nagsikreto ako sayo tungkol sa nararamdaman ko ah? Sana naman maintindihan mo ko. Ayaw ko lang talaga na masira ang friendship na’tin kaya naman inuunti-unti ko sayo. Sa ngayon, mahirap na kinikimkim ko lang to. But I know someday I can get this feeling out of my chest. I love you bes. Mahal na mahal kita. And this song is for you!” Sabi ni Xander sa video na dapat ay panunuorin ko noong last Saturday ngunit pinigilan niya ako. At kinanta niya ang paborito kong kanta kung saan naging paborito niya na rin daw since noong pinakinggan niya ito noong nasa bus kami.
Emosyonal pa rin ako pagkatapos ng video. Sobrang touched sa mga surpresa akin ni Xander. Kaya naman after ng video ay napakayakap ako sa kanya.


Pagkatapos naming panuorin ang video ay may kinuha naman siya sa kanyang bag. Hindi ko alam kung ano yun pero nakabalot sa loob ng plastic e. At noong nilabas naman iyon ni Xander ay hindi ko mapigilang matawa at kiligin – ang paborito naming pagkain, yung hopiang munggo.


“Bakit ka natatawa?” Medyo nayayamot niyang tanong sa akin.


“Haha! Wala! Penge nga ako nyan bes!”


“Wait anong bes?”


“Bakit ayaw mo ba na yun ang tawagan natin?!” Pagtatanong ko sa kanya. Syempre, nagulat ako. Ang tagal na naming tawag sa isa’t isa ang “bes” tapos papalitan niya lang?!


“E kasi, boyfriend na kita e. Kaya ibahin na lang sana na’tin?” Request ni Xander.


“Bes! Para sa akin, okay na ako sa tawagang ‘bes’ dito na tayo nasanay. Saka pwede naman nating bigyan ng ibang meaning ang bes ah? Hindi lang bestfriend.. Hmmm? Pwede din namang best boyfriend di ba?”


“Sabagay. Basta para sa mahal ko. Kung anong gusto mo, doon ako.” Sabi niya sabay kindat sa akin.


“Mais mo! Haha!” Pambabara ko sa kanya.


At sabay na nga naming pinagsaluhan ang dala niyang hopiang munggo. Ewan ko ba pero yun na ata ang pinakamalinamnam na hopiang munggo na natikman ko. Dahil kaya sa pagmamahal na halo nito dahil bigay to ni Xander? Siguro nga. O dahil sa tuwing kasama ko siya ay nagiging iba at maganda ang tingin ko sa lahat ng bagay.


“Bes? Natatandaan mo pa ba noong may nangyari sa atin?” Pagtatanong niya habang nakayakp sa akin. Napatango na lang ako. “Kung inaakala mo na ginawa ko lang yun dahil sa libog lang, nagkakamali ka.” Pagpapaliwanag niya.


“Bakit mo ba ginawa yun?” Curious kong pagtatanong.


“Dahil mahal kita bes, hindi ko alam.  Basta ang alam ko lang ay dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo kaya niyaya kita. Pinagsisihan ko din yun ng matapos nating gawin yun dahil natatakot ako na baka nabastos kita. Kaya, sorry bes..” Paghingi niya ng tawad. Medyo lumungkot naman ang mukha ni Xander.


“Hindi yun problema bes, tapos na yun. At ginusto ko din naman yun bes..”


“Bakit mo ginusto?”


“Hindi ko alam bes, nadala ako ng emosyon ko. Lalo na noong naglapat ang mga labi natin nun. Bago na’tin gawin yun hindi pa ganung kalala ang nararamdaman ko sayo. But after nun? Lumala yung nararamdaman ko para sayo. Hanggang na-conclude ko na mahal na kita. Ang weird nga e, pero sabi nga nila kapag tumibok ang puso mo, wala ka ng takas. Kailangan mo yun panindigan..” Buong puso at tapat kong pagpapaliwanag.
Tahimik.


“Bes. May aaminin ako sayo..” Bulong sa akin ni Xander.


“Ano naman yun?”


“Noong pumunta ako dito sa maynila. Sabi ko sayo di ba dahil nalipat sa manila branch si papa?”


“Oo, yun nga ang pagkakatanda ko bes..”


“Pero, ang totoo dahil sobrang miss na miss na kita.. Dahil, nasasabik na ulit ako makasama ang bestfriend ko na mahal na mahal ko bilang bestfriend at boyfriend ko..” Pagpapaliwanag niya. Mas lalo tuloy akong kinilig.,


“Bes? Bakit ako? Uh- I mean? Napakaraming babae dyan di ba? Bakit ako yung napili mong mahalin? Bakit mo ko mahal?”


Tahimik lang siya. Nginitian lang ako ni Xander at tinuon lang ang paningin niya sa mapayapang dagat.
Mga isang minuto din siyang hindi nagsasalita.


“Natahimik ka? Bakit hindi mo na sinagot yung tanong ko?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Kasi, wala naman akong isasagot. Kung tinatanong mo kung bakit kita mahal, hindi ko alam dahil bigla ka na lang tinibok nitong puso ko. Wala akong maibibigay na rason para masabi sayo kung bakit kita minahal bes.” Napahinto siya. “And you’re asking me kung bakit kita pinili sa kabila ng napakaraming babae dyan?”


“Yeah..”


“Dahil kahit milyon ang babae sa mundo. Magaganda man o mababait sila. Masabi mang bagay sila sa akin o hindi. Isa lang ang masasabi ko, ikaw kasi ang hinahanap-hanap ko. Kasi, sayo ako masaya at sayo ko nakikita ang lahat ng gusto ko sa isang kasintahan..”


Napakasaya ko sa gabing ito. Muli, heto na naman ako at nagmamahal. This is my second attempt to love. Muli na namang tumibok ang puso ko sa taong mahal ko at alam kong mahal ako. Sana lang ay hindi na matapos to. Sana lang ay hindi na ito tulad ng una kong pagibig. Teka, December 18 na pala. Heto ang anniversary namin ni Xander – ang bestfriend ko na ngayon ay boyfriend ko na. Masaya? Oo! Sobra! And I’m very thankful na siya ang binigay sa akin ng nasa itaas.





-          I T U T U L O Y 

Saturday, August 24, 2013

Less Than Three- Part 20

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 20

(This day)



Wednesday, August 21, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 7




318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:



Guuuyyyss! Time for Chapter 7. Sorry po pala kung natagalan ang update. Im really really sorry. Hopefully after ng midterm is maging regular na ulit ang update ko. Sorry talaga guys.


Second, thank you nga po pala sa mga patuloy na sumusuporta sa akda kong to. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Maraming salamat po.


Third, baka maguluhan po kayo sa umpisa ng chapter 7. Heto po pala ang continuation ng Chapter 5, but hindi na po POV ni Xander. Hihi ^_^



Maraming salamat po! ^_^


I hope na okay tayong lahat sa kabila ng nangyayaring pagsusungit ng panahon, pray lang po for our safety sa mga calamities na dumadating. God Bless ^_^



-nieL



PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD





Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.





Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:





Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)





Chapter 7





Colby’s Point of View:



“Hoy! Gising Xander! Magaalas-dose na oh? Hindi pa ba tayo uuwi?” Pang-gigising ko kay Xander habang nakahiga ang kanyang ulunan sa akin kandungan habang nasa park kami. Grabe! Mix-emotions ako ngayong araw na to. Hindi ko maintindihan kung masaya ba ako dahil kasama ko ang bestfriend ko – na mahal na mahal ko o magiging malungkot ako dahil sa napanuod namin kanina sa sinehan.


Natamaan kasi ako sa totoo lang. Parang kasing totoong-totoo ang kwento para sa akin, pakiramdam ko ay ako si Kim Chui sa kwento (kapal lang? XD) kung saan umiibig ako sa bestfriend ko na alam kong bestfriend lang ang tingin sa akin at kahit na pagbalik-baliktarin ko ang mundo ay hindi magiiba ang tingin sa akin dahil hindi naman siya tulad ko at alam kong never siyang magkakagusto sa kapwa niyang lalaki. Kaya naman halos palihim akong naluluha kanina habang nanunuod kami ng movie.


Nakaramdam man ako ng lungkot ay masaya pa rin ako sa loob-loob ko dahil nakasama ko naman siya sa araw na ito. Hindi ko din alam e, sa status namin ay para kaming mag-syota talaga tulad ng tingin sa amin sa school ngayon at noong highschool kami ngunit alam ko sa sarili ko na hanggang doon na lang iyon at mahirap nang umasa pa. Siguro nga ay ganun talaga ang ang isang ‘bestfriend’, pupunan lang ang kalungkutan mo, sasamahan ka sa lahat ng pagkakataon, sweet, at magsisilbing parang boyfriend o girlfriend mo. Nasa sayo na lang siguro kung paano mo dadalhin ang iyong emotion at expectation upang wag magkaruon ng hukay sa nararamdaman mo na lumalalim sa tuwing nage-expect ka sa mga obligasyong ginagawa ng kaibigan mo.


“Uy! Ano ba bes?! Gising na!” Pangigising ko pa sa di magising na si Xander. Napagod ata sa pamamasyal namin kanina. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil nanaginip pa ata ang mokong. Nanunulis ang nguso niya. Nakakatawa man ang itsura niya ay hindi ko pa rin maiwasang di humanga sa kagwapuhan ng bestfriend ko. Grabe! Sino kaya ang hinahalikan ni Xander sa panaginip niya?


“Uhmmm. Bes?!” Gulat niyang sabi pagkamulat ng kanyang mata mula pagkakaidlip.


“Oh? Bat para kang nakakita ng multo?! E parang kanina lang bago ka makatulog magkasama naguusap tayo ah? Bat parang nagulat ka?!” Pabiro kong sabi sa kanya. Tumungo naman ito at kinusot ang kanyang mga mata.


“Ahh wala bes..” Tugon niya sa akin.


While we are walking, hindi ko namang mapigilang hindi mangisi at matawa sa nakita ko kanina. Grabe naman kasi! Ang epic pala mag-duct face ni bes. Partida, tulog pa yan at walang camera ah? Nako, buti na lang at hindi ko naisipang kunin ang cellphone ko sa bag ko ang kuhaan ng litrato si bes. Baka magalit e, hehe!


“Hoy! Ano nginingisi-ngisi mo dyan? May saltik ka na ba?” Pagtatanong niya sa akin.


“Wala ah?! Masama ba tumawa?!”  Tugon ko naman sa kanya.


“Oo masama! Lalong-lalo na kapag hindi ko alam ang dahilan ng pagtawa mo!” Padabog niyang sabi.


“Hahaha!” Patuloy na pagtawa ko.
Tahimik. Bigla namang nagbago ang mood ni bes, parang nairita ito sa patuloy na pagtawa at pagngisi ko.


“Hoy? Natahimik ka?” Pagtawag ko sa kanya.


Dedma.


“Bes!”


Dedma pa rin.


“Bes? Ano bang problema?” Seryoso ko nang tanong sa kanya.
Tumingin ito sa akin. Matagal na tingin. Nakakatunaw na tingin ngunit mistulang naiinis ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sinabi kong wala, pagod na ako. Umuwi na tayo.” Walang gana niyang tugon.


“Umuwi ka magisa mo! Dito lang ako!” Pagmamatigas ko sabay hinto sa tapat ng isang puno malapit sa park na pinaglalakaran namin kanina.


“Ano ba bes? Gabi na oh? Umuwi na tayo? Inaantok na ako..” Malamig niyang tugon.


“Yoko!” Pagmamatigas ko.


“Bessss??!!”


“Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ka nayayamot?!” Malamig ko na ring tugon. Technique lang yan para sabihin niya sa akin kung ano ba ang problema niya.


“Eh bakit ikaw? Hindi mo nga sinasabi kung bakit ka ngisi ng ngisi at kung bakit ka tawa ng tawa e..” Depensa naman niya.


“Ahh, so yun pala?”


“Oo! Malay ko ba kung pinagtatawanan mo na ako kasi may kulangot akong nakasabit! O di kaya may amoy na ako?” Sabi nya sabay amoy sa kanyang t-shirt. “Hindi naman ah?!”


“Wahahahahaha!” Pagtawa ko. Grabe! Ang cute nya nung sinabi niya yun. Minsan ang sarap pala rumesbak ng pangti-trip kapag may chance haha!


“Nyeh nyeh nyeh! Funny! Very funny!” Sarkastiko niyang tugon at tila naasar na sabay talikod at naglakad na ulit.


“Oy bes! Intay! Wuy! Sorry na! Bes?” Pagtawag ko sa kanya. Hinabol ko naman siya. “Bes? Sasabihin ko na kung bakit?”


“Bakit ba kasi?”


“Eh kasi ikaw e! Nakakatawa kaya yung itsura mo kanina habang natutulog..”


“Ano bang itsura ko kanina?”


“Ahhh.. Ehhh.. Ganito oh?” Sabay gaya sa ginawa niyang panunulis ng nguso habang papikit-pikit pa. Hindi ko na napansin kung naiinis o napipikon ba siya sa ginawa kong pagpo-portray sa itsura niya kanina. Bigla ko na lang narinig ang..


“Bwahahahaha!” Ang narinig ko. Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko sa mula pagpoportray ng kanyang mukha ay nakita ko naman ang cellphone niya na nakatapat pa sa aking mukha. Arrrrggghh! Nag-stolen shot siya sa akin. Naisahan niya ako dun ah?


“Bes! Pakto ka! Burahin mo yan!” Sabi ko sa kanya.


“Bleeehhh! Habulin mo muna ako! Hahaha!” Pangaasar niya sabay takbo. Hinabol ko si bes. At naghabulan pa kami bago kami umuwi. Ano pa bang magagawa ko? Cellphone niya yun e. Hinayaan ko na lang! He should wait for my revenge! Bwahaha!


Ihahatid niya pa sana ako sa bahay ngunit hindi ko ito pinayagan dahil gabi na nga masyado. Kaya naman umuwi na lang kami in separate ways.







Monday. I feel uneasy. Ewan ko ba, dahil sa weather lang siguro. Ang init-init kasi dito sa classroom namin e. Badtrip din kasi yung professor namin sa psychology. Hindi naman ipinagbabawal na gamitin ang audio visual room. Bakit kaya dito pa kailangan magklase? Effort niya pa ang magdala ng projector at laptop niya araw araw.


And dumating na nga ang professor namin.


“Good morning class..” Masungit niyang pagkakasabi.


“Good morning ma’am..”


“I assigned all of you to create a one hundred words essay about your reaction to the Cognitive Perspective in Psychology right?”


Tahimik, walang sumagot. Ang iba kasi sa amin ay walang assignment at umaasa na lang na makalimutan ni ma’am yung assignment.


“Okay nice talking..” Napahiyang sabi ng professor namin. “Akala niyo siguro makakalimutan ko noh? Well? Okay, pass your assignment now..” Paguutos niya.


At buti na lang ay nakagawa ako kahapon kahit na halos hindi ako magkanda mayaw sa kilig sa bonding namin ni Xander noong sabado.


“Teh! Buti kapa may gawa..” Panghihinayang ni Nerrisse.


“Bakit wala kang gawa teh?”


“Kasi si Lemuel eh!”


“Oh anong meron kay Lemuel?”


“War kasi kami noong weekends. Ayun todo mukmok ako. Hindi tuloy ako nakagawa.”


“Ganun ba teh? Nako ayusin nyo yan. Pero, mas ayusin mo ang studies mo teh. Wag kang magpaapekto sa 
mga ganyang awayan..” Pagpapayo ko sa kaibigan.



“Okay class, lend your ears first to me.” Pagsisimula ng professor namin maglesson.


“Uhm, okay class. To start, I want to show you an image.” Sabi ng professor namin sabay pindot sa kanyang powerpoint presentation at pinakita ang image ng isang iceberg. “Okay, miss Rizza? What did you see in the image?” Pagtatanong niya.


“An iceberg ma’am?”


“Correct. That is an iceberg. Alam niyo ba class na ten percent lang ng iceberg ang madalas na’ting makita. Ang sabi nila ay yung ninety percent daw ng part ng iceberg ay nakalubog sa dagat. So, heto yung madalas na ginagamit na graphical presentation sa behavior ng isang tao.” Sabi niya. Namangha naman ako dahil nabasa ko na rin sa isang libro noon habang nagrereview kami ni bes for our entrance examination na partial part nga lang daw ng iceberg ang nakalutang at ang bigger part daw nito ay nakalubog sa dagat.


“According to the psychodynamic perspective in psychology, man’s behavior is driven by the unconscious, motives, desires and wishes. It simply means that, ang mga kagustuhan ng tao ang nagpapagalaw at ang ginagawang basehan ng pagaalam at pagiintindi ng paguugali ng isang tao.” Pagpapaliwanag ng aming professor. “Parang ang iceberg, our behavior was based on the large amount of unconscious activities done by us..”


Humanga naman ako sa mga information na ibinahagi sa amin ng aming prof. Ang sarap din pala pagaralan ng psychology dahil talagang maiintindihan mo kung bakit ganun ang ugali ng isang tao, at kung paano mo iintindihin ito. Dinagdag pa ni ma’am na ayon kay Sigmund Freud na isang psychologist ay napakahalaga ng mga childhood events sa ating buhay. Ngunit, isang impormasyon naman patungkol pa rin sa topic na yun ang nakapagpa-aroused ng curiousity ko na mas makinig pa kay ma’am.


“Also, Freud stated that man is born with two instincts. Those are sex and aggression.” Syempre nagulat naman ako dun. May mga ilang kaklase din akong tila na-curious sa sinabi ni Freund na nasa instinct pala ng tao ang sex.


“So, meaning ma’am lahat ng tao? Inborn sa pagiging malibog? Haha!” Pabirong tanong ni Rex.
Nagtawanan naman ang mga classmate namin.


“Shhhhhhh! Class?! Quite please?!” Paninita ng aming guro. “Very good question Mr. Rex. Hmmm? I just want to elaborate more na ang sex na sinasabi na perspective na ito is anything that is pleasurable, measurable and satisfying. Examples are, ang pagkain, ang pagtulog, ang paglalaro, ang pagtetext, or anything na makakapagpasaya o makaka-satisfy ng mandates ng tao ay maituturing na sex. And yeah, sexual intercourse is also a sex because it is pleasurable.” Pagpapaliwanag ng aming professor sa amin. Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang sinabi sa amin ni prof. Ngunit, isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Xander.


So, ang ibig sabihin pala ay hindi siya aware or unconscious siya habang ginagawa niya ang nangyari sa amin noon? Ibig sabihin pa nun ay nagpadala lang siya sa libog na nararamdaman niya sa akin noon at hindi siya aware kung ano ba ang mangyayari after nun at kung ano man ang mararamdaman ko after ng ginawa namin? Ngunit sa kabilang parte ng utak ko ay hindi ko rin naman siya masisisi sapagkat ginusto ko rin naman ito. Kung sabihin man na’ting “trip” lang yun o tulad ng pinagaaralan namin sa psychology ngayon na “anything that is satisfying or pleasurable” lang ginawa niya ay hindi ko pa rin ito dapat seryosohin.


Natapos ng klase na parang wala ako sa sarili. Up to now kasi ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa amin ni Xander. Ang sakit lang kasi isipin na nainlove ako sa bestfriend ko dahil sa sweetness, sa mga birong paghalik at sa ginawa namin noon. Dagdag pa ng wala akong masabihan at hindi ako makapag-unload dahil yung taong dapat kong sandalan ay siyang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.


Pumunta ako ng library dahil nagtext sa akin si Xander na doon daw muna kami mag-stay. Break time ko kasi after ng psychology namin.


“Huy bes! Alaluts ka?” Pamumuna sa akin ni Xander habang nakatulala ako.


“Ahh.. Ehh..” Wala sa sarili kong sagot.


“Puyat ka na naman noh? Tsk tsk tsk! Sinabi na kasing wag dalasan ang pagsinghot e! Tsk tsk!” Pangaasar ni Xander. Loko to ah? Kung alam nya lang kung sino ang gusto kong singhutin! Siya lang at siya lang! Haha!


“Litsi! Badtrip to!” Naiirita kong sagot. Tumawa naman siya.
Tahimik.


“Bes? Next week na ang acquaintance party na’tin ah? Pupunta ka ba? Pagtatanong sa akin ni Xander.


“Uhm.. Baka hindi bes..” Seryoso kong sagot. Actually, wala naman sa balak ko ang dumalo sa acquaintance party dahil wala nga akong partner. Si nerrisse ay kapartner na ang boyfriend niya, same as Rizza. May cotillion kasi at gusto ko ding ma-experience ang makapagsayaw. Ang kaso wala naming ka-partner. Hayyss! Kung pwede lang sana tong si Xander e.


“Bakit naman?!” May pagtataas ng boses niyang reaksyon. Nagulat naman ako.


“Oh bakit galit ka? Wala kasi akong partner sa cotillion kaya ayaw ko nang umatend sana. Ang kaso pinipilit pa rin ako ng barkada na pumunta.” Sabi ko sa kanya.


“Pumunta ka na kasi. Hindi naman compulsory yung cotillion na yun e. Kung sino lang yung may gusto.” 


“Eh, ano ka ba bes? Noong prom nung high school wala akong naisayaw. Hanggang ngayon wala, maiingit lang ako. Teka? Ikaw ba may isasayaw ka?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Oo bes, niyaya ako ni Trina e.” Pakarinig ko naman ng pangalang Trina ay kumulo agad ang dugo ko. What more pa kaya noong malaman kong isasayaw niya ang taong mahal ko? E di natuyo na ang dugo ko sa sobrang kulo? Tsk! Sa dinamidami ng babaeng isayaw si Trina pa? Wala ba tong idea na obsessed sa kanya yung babaeng yun? Para tuloy lalo akong na-discourage na dumalo sa acquaintance party next week.


“Bakit si Trina bes?” Disappointed kong sagot. “Alam mo naman yung babaeng yun kapag sinaniban e.” Sabi ko sa kanya.


“Wala akong magawa bes e. Baka kasi kung anong isipin ng mga classmates ko kapag tinangihan ko. Kaya pumayag na lang ako. Sayaw lang naman e.” Pagpapaliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa e. As if naman na may magawa ako di ba? Bestfriend lang ako. At- at hindi boyfriend.


“Okay.” Naisagot ko na lang.




Napansin ko naman na bigla siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ngumiti siya. Yun bang ngiting tagumpay at nakakaasar?! Loko to ah? Hindi niya ba alam na naasar ako na ka-partner niya sa cotillion ay kaaway ko.



Xander’s Point of View:



I saw him smiling. Hindi kaya? Hindi kaya nagseselos siya? How I wish na sana yung expression niyang iyon ay hindi lang dala ng inis. Sana talaga ay nagseselos siya dahil tinangap ko ang alok sa akin ni Trina. Dahil doon mapapatunayan ko na may special feelings sa akin si bes.


Assuming? Yeah, I know. But since noong may napanuod akong tv program at tinalakay doon ang “being in love with your bestfriend” ay nabuhayan ako ng loob. Ano nga bang masama kung i-take ko ang risk? Yeah, mahalaga sa akin ang friendship namin ni Colby. He was my bestfriend since highschool. But I have to get this out of my chest. Kailangan ko magtapat. Kailangan ko sumugal. Dahil hindi habambuhay matatago ko at mapipigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.


But the problem is, paano ko maibabalik yung friendship namin after I confess? Ah, bahala na. Basta gagawin ko ang lahat. Para sabihin ang nararamdaman ko. Dalawa lang naman ang pwedeng maging resulta nito e. Kung iiwas siya o kung magiging kami, at gagawin ko ang buong makakaya ko upang manalo kung ano man ang maging resulta ng gagawin kong pagamin.


Alam ko, kaya ko to.


Para sa pagibig ko sa bestfriend ko.




Colby’s Point of View:



One day before the acquaintance party. Still, undecided pa din kung pupunta ba ako. Una, ayoko maburyo doon dahil nga isa ako sa mga nakaupo lang dahil majority ng mga classmates ko ay may kasayaw. Siguro ay lilima lang kaming walang kasayaw. Ayaw din naman kasi nila. At parang tinamad na rin kasi akong maghanap ng isasayaw.


Second, masasaktan lang ako kapag nakita kong hinihigad na naman ang bestfriend ko. At ayaw ko lang mapaaway dahil one thing is for sure, hindi ma-sasatisfied ang babaeng iyon sa pakikipagsayaw niya kay Xander. I know, gagawa na naman yun ng iskandalo.


Sa umagang iyon ay maaga ako pumasok upang makapagreview dahil may long test kami sa isang subject. Nasa gitna ako ng pagiisip kung pupunta pa ba ako bukas ng biglang..


“Teh!” Pagtawag sa akin ni Nerrisse sabay tapik sa balikat ko.


“Oh teh? Aga mo pumasok ah? Kamusta kayo ni Lem? Bati na ba?”


“Oo teh! Bati na din.” Tugon ni Nerrisse. “Oy teh! Sumama ka na bukas sa acquaintance. Minsan lang to oh?” Pagyayaya ni Nerrisse.


“E kasi teh!” Paalinlangan ko. “Baka hindi ako mag-enjoy dun?”


“Bakit naman?”


“Ehh kasi… teh.. kasayaw ni Xander yung impakta..”


“Oh? Si Trina?” Gulat niyang tanong.


“Oo yun.”


“Teka. Teka. Teka? Anong masama dun? Sayaw lang naman e.” Shit! Masyadong obvious na nagseselos ako. Walang idea si Nerrisse sa nararamdaman ko sa bestfriend ko. Tinignan ko siya. Nakangiting tagumpay. “Nagseselos ka na noh?” Sabay bulong sa akin ni Nerrisse. OMG! Nakuha niya.


“Ahh.. Ehh.. Hindi teh! Bestfriend ko yun! Ano ka ba? Hindi naman yun katulad ko e.”


“Hay nako teh! Natatandaan mo dati? Huling huli kita noong nakatingin ka sa kay Tristan? Doon pa lang, huling-huli na kita. Tapos yang mga actions mo na yan? Sorry teh! Pero kaibigan kita. At kilala kita.” Pangiintriga ni Nerrisse.


“Uy! Wag ka naman maingay dyan! Baka may dumating na classmates natin at marinig.” Pagsusuway ko sa kanya.


“So? Totoo nga?” Pangiintriga niya.


At dahil wala na rin akong takas ay napatango na lang ako. Hindi naman magkanda-mayaw sa pagtili si Nerrisse sa pagamin ko.


“Ang problema ko nga teh is bestfriend ko siya. Kapag umamin ako ano na lang ang magiging reaksyon niya? Mapapahiya lang ako. Masasaktan. Teh,hindi siya tulad ko. Natatakot ako na baka ma-risk yung friendship namin.” Pagamin ko kay Nerrisse.


“Alam niya na ganyan ka di ba?”
Napatango na lang ako.


“Kung bestfriend siya. Matatangap ka niya. And dahil alam niyang ganyan ka syempre dapat sa una pa lang inisip niya na maaring mangyari to.” Pagpapaliwanag ni Nerrisse. Sabagay. “Teh. Wag kang matakot sumugal. Kasi malay mo he also feels the same. Malay mo hinihintay ka lang niya na mauna dahil hindi din siya sure and vice versa.”


“Pero, pwede ding hindi mutual yung nararamdaman niya.”


“At least sinabi mo. Mahirap magtago sa isang sikreto na binabalak mong itago ng panghabambuhay. Nasasakanya na lang ang pagtangap. Oo nga’t pinahahalagahan mo yang pagkakaibigan nyo. Pero di ba more than that ang hinihiling mo? Hindi ka patatahimikin ng kagustuhan mo hanggat pinipigilan mo. Kasi the more na pinipigilan mo, lalong lumalala. So, much better na sabihin mo.” Tama si Nerrisse. She got the point. But, for me its just an alternative point na hindi ko kayang gawin. Xander was my bestfriend since high school, and it’s very difficult for me to confess. Hindi dahil sa nahihiya ako kung hindi natatakot ako na mawala siya.


“Its okay, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Basta akin lang teh, aminin mo kapag hindi mo na kaya. Kasi kapag mas tinatago mo mas masakit. Kapag pinipigilan mo mas lalo mo lang gugustuhin..” Pagcocomfort sa akin ni Nerrisse. Niyakap niya ako. Hindi na rin napigilan ng luha ko na tumulo noong yumakap ako kay Nerrisse. “Attend ka na lang bukas ah? I assure na mageenjoy ka. And I’m sure hindi mo makakalimutan ang mangyayari.”


“Huh?” Nagtataka kong tanong. Anong hindi makakalimutan?!


“Yeah, kasi hindi namin hahayaang ma-bored ka. Kaya pupunta ka bukas ah?” Sabi ni Nerrisse.


“Sige. Okay teh..”


Kaya naman napagdesisyunan kong umattend na lang ng acquaintance kahit na hindi ko gusto. May tiwala naman ako kay Nerrisse na hindi nila ako hahayaang mabagot sa party na yun e.


Sabay na sana kami ni Xander na pumunta sa venue kaso ang sabi niya naman ay mauna na daw ako dahil hindi pa daw siya prepared. Kaya naman nauna na lang ako na pumunta sa venue ng party.


Sa entrance pa lang ng venue ay napakaganda na. Halatang pinaghandaan talaga ang acquaintance party na ito. May mga kulay pink at blue na balloons at ribbon na nakasabit sa entrance at may mga nagkalat ding mga balloons and confetti sa sahig. Sa gilid ng entrance ang registration booth kaya naman before ako pumasok ay nagregister na muna ako para makakuha ng pass.


Pagkatapos ko magregister ay pumasok na ako sa loob ng venue. Napakaganda ng pagkakadesign ng venue. Everything was covered by color sky blue and pink. Actually, favorite ko kasi ang sky blue. Tapos mayroon pang mga instruments sa stage kung saan may tutugtog daw na sikat na banda mamaya. Parang yung setting lang nung Senior Prom naming, kaso mas bongga to!


Hinanap ko sila Nerrisse sa gitna ng napakaraming tao. Hala! Asan yun?! Bakit hindi ko sila makita. Late na nga ako halos dumating e. Kaya naman tinext ko na lang siya.


Ako: Teh? San kau?


Agad naman siyang nagreply.


Nerrisse: Papunta na kami dyan. Nagintayan pa kasi kami e. OTW na.


Hinintay ko nga sila and after five minutes ay sabay sabay nga silang nagdatingan. At ang pinagtataka ko ay kasabay nila ni Xander. Siguro ay nakasabay lang nila ito sa entrance.


Shit! Ang gwapo ni bes! Para akong hihimatayin sa ka-gwapuhan niya. Ayos na ayos kasi siya. Naka-long sleeve na white siya at may color brown na vest na mas lalong nakakapagpa-gwapo sa kanya. Nakakamatay ang mga ngiti nito kahit sa malayo pa lang. What more kapag lumapit pa?! Haysss!


Napansin ko naman na karamihan ng mga kakabaihan sa party ay tumitingin sa kanya. Shet! Attention seeker talaga ang kagwapuhan ng bestfriend ko!


At nagtipon-tipon na nga kami nila Nerrisse. Si bes naman ay pumunta na sa mga classmate niya ng hindi man lang ako pansinin at punahin ang ayos ko. Nakakatampo man pero anong magagawa ko?


At nagsimula na ang party. May mga banda na nagperform at may mga solo singer din na kumanta. Hindi man ganung kasikat yung mga singer pero magaganda naman ang boses nila na nakakapagpabuhay ng gabing iyon.


Noong upbeat songs na ang pinatutugtog ay hindi naman namin maiwasang magsayawan sa harap ng mga classmates ko. Hindi alintana ang mga dress and gowns na suot basta makapagsayaw na lang. Grabe! Laughtrip nga ako dahil noong tumugtog yung isang banda ng isang upbeat na kanta ay hindi napigilang mag head bang ni Rizza. Grabe! Tama si Nerrisse. It’s unforgettable.


At dumating na nga ang part na event na pinakakinaasaran ko. Ang cotillion dance. Isa isa nang nagsipuntahan sa harap ang mga magpapartner. Pati si Xander at si Trina ay nandun na rin. Napakaganda ni Trina ng gabing iyon, ang ganda niya at hindi halata sa itsura niya ang pagkamaldita niya. Bagay na bagay sila ni Xander (ouch!) kung titignan mo.


At nagsimula na ang cotillion.Ang sweet sweet ng mga magpapartner. Si Nerrisse at si Lemuel at masaya at malumanay na nagsasayaw. Ganun din ang iba kong mga classmates. Samantalang ako? Heto, nga nga. Ang lalaking pangarap kong maisayaw ay ayun. Sinasayaw ng bruha.


At nadako ang mata ko kila Xander at Trina. Bawat hakbang ng kanilang mga paa at sa pagdidikit ng kanilang katawan ay parang hinihimay-himay naman ang puso ko sa sobrang selos. Masakit? Yea, dahil nagseselos ako at mas masakit dahil wala akong karapatan magreklamo. Dahil.. bestfriend lang ako.


Pinagmasdan ko sila. Nakangiti si Xander. Hindi alintana kung nasasaktan ba ako dahil kasayaw nya ang taong minsang nangulo sa akin at patuloy na nangugulo sa ngayon, pero parang ang saya saya nya pa. Hayyyssst! Sana ay alam niya ang nararamdaman ko sa ngayon. Na ang isang taong mahalaga sa buhay niya ay nasasaktan niya ng hindi nya alam.


After ng tatlong kanta sa cotillion dance ay natapos na din ito. Sa wakas ay natapos na din ang paghihirap ng loob ko. Tsss! Pero, tatlong minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin sila Nerrisse sa kanilang mga upuan. Tinignan ko sila sa di kalayuan at sinensyasan nila ako na magpapalit lang daw sila ng damit sa comfort room.


Habang tumutugtog ang banda sa stage ng party ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. May tumatawag. At dahil maingay sa lugar namin ay pumunta ako sa may entrance upang sagutin ang tawag.
Noong kinuha ko ang cellphone ko ay nagpop-up sa screen ang. Calling bes.


“Hello bes?” Ngunit maingay din ang dating ng kabilang linya. Medyo choppy but naririnig ko na nagsasalita siya. “Hello bes? Hello? Choppy ka bes? He—“ Naputol na lang ang pagsasalita ko ng biglang may naramdaman akong pumulupot na tela sa mata ko. Shit! Ano to?!








-         -  I T U T U L O Y