Ang Kursong hindi ko Inakala
by: Paul Perez
You can contact me@ www.facebook.com/iampaulperez
"Mahirap umiyak dahil sa sakit na nararamdaman, pero mas mahirap tumawa para lang ipakita na, hindi ka NASASAKTAN." -Jpaper
Chapter 14
"Ito ba ang nakalimutan mo? Sabay abot sa akin ng aking bago kong notebook.
"Salamat! Sige mauna na ako jasper."
Alam kong masakit na iniiwasan ko na si Jasper pero kailangan kong gawin iyon dahil alam kong wala
namang parte sa puso niya para sa akin at isa pa ay opisyal na kaming magkarelasyon ni JL, binigyan niya ako ng singsing at sinabing mahal na mahal niya ako.
"P-paul!" ang pagtawag sa akin ni jasper.
"Oh bakit? Kung tungol yan sa project natin sige ok lang na pagusapan pero kung tungkol yan sa ibang bagay, siguro sa ibang araw na rin natin pag usapan."
"E-Ehhh importante lang to, hayaan mo akong makapagpaliwanag! Please kahit ilang minuto lang."
"O-ok sige bibigyan kita ng isang minuto tapos aalis na ako may importante talaga akong pupuntahan."
"Ok sige ganito yun alam mo kung bakit ako nagalit noong may nangyari sa atin kasi." hindi natapos ni jasper ang pagsasalita.
"Eh kasi?" ang mataray kong pagdudugtong sa sinabi ni Jasper.
"Eh kasi ayokong matulad ako sa aking papa." at biglang tumulo ang luha ni jasper.
Hindi ko alam ang aking gagawin, parang gusto ko siyang yakapin ngunit may humahadlang na gawin ko iyon. At sa sobrang pagkaawa ko at siguro nadala na din ako sa emosyon ni Jasper ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin si jasper at kausapin ito.
"J-jas... Bakit ano ba ang nangyari sa papa mo?"
"B-Bakla... ang papa ko."
Nagulat ako sa sinabi ni jasper hindi ako makapaniwala na ang papa ni jasper ay isang bakla ngayon naiintindihan ko na siya kung bakit ganoon nalang ang kanyang pagkagalit sa akin noong nagawa ko ang mga ganoong bagay.
"Pero paul alam mo simula ng nabasa ko ang liham mo..." tuloy tuloy pa din ang kanyang pag iyak.
"Sige ayos lang yan Jas..."
Medyo nahihiya ako dahil nasa labas lang kami ng library ni jasper kaya inaya ko siyang umalis at lumipat kami ng lugar na pwede kaming magusap, napagdesisyunan namin na mamaya nalang magusap pagkatapos ng klase.
Sabay nga kaming pumasok sa aming huling klase pero tulad ng dati ay hindi ako tumabi kay jasper at si kelly agad ang pinuntahan ko.
"Girl anyare? Mukhang bati na kayo ng papa jas mo ha."
"Psst! Huwag ka ngang maingay!"
"Ok eh di boy na!"
Sabay kaming nagtawanan ni kelly at sabay sa pagtatawanan namin ay dumating ang aming propesor. Tumahik kami agad at nakinig sa tinuturo ng aming prof ayaw naming mapagalitan dahil istrikta ito. Natapos ang aming klase na walang pumasok sa aking isipan, Nagtatalo ang aking isipan tungkol kay JL at Jasper. Agad akong pinuntahan ni jasper at kinausap.
"Kelly ok lang ba kung hindi muna sayo sasabay ang iyong bespren."
"Oo sige na isama mo na yang bespren ko at huwag mo ng ibalik."
Mainit pa din ang dugo ni kelly kay jasper, hindi pa kasi nakakahingi ng pasensya si jasper kay kelly noong time na mas napalapit ako kay jasper.
"Kelly sana ay patawarin mo na ako dahil naagaw ko ang atensyon ni paul na dapat ay sa iyo, Wala ka naman dapat pagselosan eh pareho nating mahal si paul." ang paghingi ng tawad ni jasper kay kelly.
Nabigla ako sa sinabi ni jasper na "Pareho naman nating mahal si paul eh." alam ko na bilang kaibigan lang ang pagmamahal na iyon at hindi na mapapalitan, illusyunado lang siguro ako.
"Ah sige na nga! Friends?" sabay abot ng kamay ni kelly kay jasper at hindi naman ito tinanggihan ni jasper.
"Oh ano kala ko ba tayo ang maguusap? Dito nalang wala namang tao eh tayo tayo lang naman, pagkatapos natin magusap ay maypupuntahan pa ako, urgent!" ang pagsingit ko sa usapan nila.
"Kelly ayos lang ba sayo kung sa labas ka nalang muna magantay?" tanong ni jasper.
"May magagawa pa ba ako? Sige na bespren mauna na ako sayo at alam ko namang may pupuntahan ka pa."
"Ok bespren, salamat!"
Umalis na nga si kelly at kaming dalawa nalang natira ni jasper sa loob ng room, wala na din tao sa labas dahil lahat ng klase ay natapos na. Hindi na nga ako nakatiis at nagsalita na ako.
"Oh sige na jasper magsalita ka na, may pupuntahan pa kasi ako." ang medyo mahinahon kong pagsasalita.
"A-alam mo paul simula ng magkagalit tayo at hindi na nagpapansinan ay sobra kitang namiss, walang araw na hindi kita naalala, bago ako matulog ay ikaw ang aking iniisip, at sa bawat araw naman na nabubuhay ako ay lagi kitang naaalala, masakit sa akin ang mga pinagsasabi kong masasama sa iyo, ayokong saktan ka, pagnakikita kita araw araw na nakasimangot ay sinisisi ko ang aking sarili, sana pala naging bukas ang isipan ko! Simula ng nawala ka sa buhay ko at ng mabasa ko ang liham mo ay masasabi kong "mahal kita."
Alam ko ang salitang "Mahal kita ay nangangahulugang bilang kaibigan lang."
Sa bawat nadidinig ko ay hindi ko maiwasan ang mapaluha, at ganoon din si jasper.
"Alam mo jasper kung hinihingi mo ay ang aking kapatawaran ay matagal ko ng ibinigay ito sayo napatawad na kita..."
"Maraming salamat paul tunay ka ngang kaibigan."
"Tama na ang dramang to may pupuntahan pa ako, sabay pahid ko ng aking luha."
"S-sandali paul! Totoo bang boyfriend mo ang naghatid sayo."
Hindi ako sumagot sa kanyang tanong at ipinakita nalang ang aking singsing.
"Ah nice! Bagay kayo sana ay mahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko sayo." ang may bahid na pagkalungkot sa boses ni jasper.
"Hindi jasper! Magkaiba kayo, mahal niya ako bilang kasintahan at ikaw naman ang tingin mo sa akin ay kaibigan."
"Sinong nagsabing kaibigan lang ang turing ko sayo?"
Nagulat ako sa kanyang tanong at hindi agad nakapagsalita.
"Bakit ano ba ang tingin mo sa akin jasper?"
"M-mahal kita paul hindi bilang kaibigan, pero huli na."
Napayuko si jasper at nakita ko ang tuloy tuloy na pagagos ng kanyang luha.
"P-paul sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sayo kung gaano kita ka mahal."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni jasper, Hindi ako sure kung bakit niya ako pinapahirapan. Pero sa tingin ko ay huli na ang lahat, may JL na handang ibigay ang lahat, may JL na minahal ako sa umpisa pa lang, may JL na nagpapahalaga sa akin at alam kong masama kung bibigyan ko ng chance si jasper kaya't ganito ang sinabi ko sa kanya.
"P-pasensya na jasper huli ka na, may taong tanggap ako sa umpisa palang, may taong lubos ng nagmamahal sa akin, sana ay huwag mabago ang pakikipagkaibigan natin. Maging magkaibigan nalang tayo." hindi pa din natatapos ang aking pagiyak.
Masakit sa aking sabihin ito pero alam kong ito ang tama, hindi ko gagawing panakip butas si JL at ayokong magulo ang maayos na pagsasama namin ni JL.
Hanggang ngayon ay hindi pa din natitigil sa pagiyak si jasper.
"Aalis na ako jasper."
"S-sandali! Sige hindi na kita kukulitin basta sabihin mong mahal po din ako."
"Oo jasper hanggang ngayon ay mahal pa din kita kaso mahal ko din ang boyfriend ko." at tuluyan ko ng iniwan si jasper.
Nakarating ako sa bahay na parang walang ganang kumain at hindi makausap.
At syempre katulad ng dati ay pinapatugtog ko ang paborito kong kanta, nakakapagparelax kasi sa akin ito.
Huling Sayaw.
Medyo naramdaman ko ang antok at dahil na din siguro sa pagod at nangyari kanina ay mabilis akong nakatulog.
Nang magising ako ay umaga na, nakita ko ang aking cellphone na sobrang daming text at miss calls.
Tinignan ko kung kanino galing ang mga text, puro kay JL. At ang miss call ay sa kanya din. Agad ko siyang tinawagan para makahingi ng patawad...
"Hello mister ko."
"Ba't hindi ka nagpunta sa bahay?" halatang malungkot ang boses.
"Pasensya na sobrang napagod ako at hindi ko namalayan na nahimbing pala ako sa pagtulog."
"Ok sige gusto ko mamaya dito ka matutulog ha."
"Ah papaalam muna ako kay mama."
"Sige, ikumusta mo na din ako kay mama!"
"Ok! I love you mister ko!"
"I love you too asawa ko!"
"Ok see yah later! Bye!"
Binilang ko kung ilang araw nalang bago ako lumipat ng school, isang buwan nalang pala!
Inspired akong bumangon at nagayos ng aking sarili. Bago ako pumasok sa klase ay nagpaalam na ako kay mama na kay JL ako makikitulog. Pumayag naman si mama.
Dumating ako sa school at pumasok agad ako sa room tumabi ako sa aking bespren na si kelly at nagkwentuhan. Kinukulit niya ako kung ano daw ba ang pinagusapan namin ni jasper at syempre dahil ayokong maglihim ay sinabi ko ito sa kanya. Nagulat si kelly sa mga revelations ko.
"Ikaw na bespren! Sobrang haba talaga ng hair mo."
Naikwento ko na din pala sa kanya ang tungkol sa amin ni JL.
"Bespren papaano naman si jasper?" ang pagtatanong ni kelly.
"Shunga ka ba bespren? Ang dami daming nagkakagusto kay jasper, nakalimutan mo na ba na Mr.Campus siya?"
"Sabagay! May point ka, so iiwan mo na pala ako next sem?"
Isa pa sa nakwento ko kay kelly ay ang paglipat ko ng school.
"Sinong lilipat next sem?" ang pagsingit ni jasper, nakikinig lang pala siya sa amin.
At sa sobrang kadaldalan ni kelly ay nadulas ito sa pagsasalita.
"Si paul lilipat ng school sa feu na siya lilipat!" biglang napatakip ng bunganga si kelly sa kanyang nasabi.
No comments:
Post a Comment