Monday, August 5, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [12]

Ang kursong hindi ko Inakala 
by: Paul Perez 
You can contact me@ www.facebook.com/iampaulperez 

"Life is so ironic, We ignore who adores us, adore who ignore us. Love those who hurt us, but hurt those who love us." -Jpaper 

Chapter 12 

Kitang kita ko na nakatingin sa amin si Jasper habang ako ay nagpapaalam kay JL. 
Nang makaalis na si JL ay naglakad na din ako patungo sa aking room parang wala lang akong nakita, basta ang alam ko lang ay mahal ako ni JL at alam kong ganoon din ako sa kanya. Hindi ko man lang binati o pinansin si Jasper. 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay si kelly agad ang aking nilapitan, tumabi ako sa kanya, kinamusta ko siya at sa tingin ko ay ok na siya. 

Maagang nakarating ang una naming propesor kaya wala na kaming time na magusap ni kelly, sa pagkakataong ito ay inspired ako nagulat ang aking mga classmate sa mga pagsagot ko sa mga tanong ng aming propesor, hindi naman nagtaka si kelly sa ipinamalas kong galing, dati ay pinaka ayokong subject ang stats pero ng turuan ako ni JL ay sobrang laki ng inimprove ko. Maging ang mahihirap na question ng aming propesor ay nasasagot ko. Natapos ang unang subject na sobrang saya ko, pero sa isang side ay natatakot ako dahil hindi ko pa din nakikita ang aking notebook. Pumunta na kami sa susunod naming subject, ilang minuto na ay wala pa din ang aming propesor kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko si jasper at tinanong ito. 

"Hey! Nasa iyo ba ang notebook ko?" ang pagtatanong ko. 

"Bakit ko naman kukunin ang notebook mo?" 

Nagtaka ako dahil mahinahon ang kanyang boses at parang hindi na galit sa akin. 


"Eh kasi noong nagpunta ako sa inyo nakalimutan ko ata?" 

Hindi siya sumagot at ang ginawa nalang ay nagsuot ng headphone at nakinig ng musika. 

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa aking upuan at para malibang ako ay nakipagkwentuhan nalang ako kay kelly. 

Hindi na nga nakapasok ang aming propesor kaya kumain muna kami ni kelly sa cafeteria, isang subject pa bago matapos ang aming klase. 


Hindi parin mawala sa aking isip kung nasaan na ang aking notebook hindi ako pwedeng magkamali alam ko ay naiwan ko ito ng magpunta ako kila Jasper, parang nababaliw na ako sa pagiisip hindi na mapakali ang aking utak. Ang ginawa ko para mabasbasawan ang aking pagiisip about sa notebook na yun ay tinanong ko lahat ng aking classmate ngunit lahat sila ay nagsabihing hindi nila nakita. 


Huling subject na namin at hindi na ako makapagconcentrate hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang notebook na yon. Naiirita na si kelly sa akin hindi daw ako mapakali at para akong natatae. 
Natawa nalang ako sa sinabi ni kelly, tinanong niya ako kung ano daw ba ung problema ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya yung totoo. Pero nanaig pa din sa akin ang takot kaya't napilitan akong magsinungaling. 

"Ah eh walaaa!" 

"Eh bakit ganyan ka umasta? Sabihin mo nga kung nababaliw ka na at dadalhin na kita mental hospital." ang pagbibiro ni kelly. 

"Bespren naman eh!" ang pagmamaktol ko. 

"Eh ano nga kasi ang problema mo? Bespren mo ako diba? Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo baka sakaling makatulong ako." 

"Sige na nga, Nawawala kasi ung notebook ko." 

"Yun lang? Aba si bespren mukhang nagaaral ng mabuti." 

"Hindi mo ako naiintidan eh!" 

"Eh ano nga kase yon?" 

"Mamaya nalang bespren sa bahay ko na sasabihin, basta ipangako mo na huwag kang magagalit ha." 

"Oo naman bespren kaya kita sigurado akong maiintindihan kita." 

Napagisip isip ko ang sinabi ni kelly sa akin, "Bespren tanggap kita kahit ano ka pa." malaki ang tiwala ko kay kelly at alam kong mauunawaan niya talaga ako. Napagdesisyunan ko ng sabihin kay kelly ang lahat lahat gusto kong tumupad sa aming pangako na "Walang lihiman." 

Hindi nagtagal ang aming propesor sa pagtuturo at pinauwi kami ng maaga. 

Hindi na ako makali sa maaaring mangyayari mamaya alam kong sasama ang loob ni kelly sa aking sasabin pero kailangan kong magpakatotoo. 

Sabay nga kaming umuwi ni kelly at agad kaming nakarating sa aking bahay. 

Nagkumustahan muna ang aking mama at si kelly bago kami pumunta sa aking kwarto. Handa na talaga akong aminin ang lahat. 

"Oh bespren ano ba ung sasabihin mo at parang napakahalaga talaga?" 

"Bespren alam mo kasi." 

"Oh anong alam ko?" 

"Bespren kasi ung notebook na nawawala ay may liham iyon eh." 

"Wow ha! May paliham liham ka pang nalalaman ha!" ang pagbibiro ni kelly. 

"Oo liham nga bespren. Liham ko para kay jasper." halatang napanghihinaan ang aking loob. 

"Oh tapos? Ano naman kung bigyan mo ng liham si jasper? Masama ba iyon?" 

"Eh kase bespren liham iyon ng pagtatapat kong mahal ko si jasper eh." 

At tuluyan na ngang bumagsak ang aking luha hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay mahal ko pa din si jasper kahit na may JL na ako, ibang iba kasi silang dalawa. 

"Matagal ko nalang alam yan bespren at nauunawaan kita." 

Biglang gumaan ang aking pakiramdam sa mga nadinig ko mula kay kelly. Nauunawaan niya ako at ok lang sa kanya ito. 

"Talaga bespren? Hindi ka galit?" 

"Oo naman! Napakaraming babae at bakla kaya ang naghahabol kay jasper at malabong magustuhan niya ako at isa pa napagisip isip ko na hindi muna ako papasok sa isang relasyon, magiging magulo lang ang aking pagaaral ok na ako na may bespren na nagmamahal." 

"Salamat talaga bespren!" 

Hindi parin natitigil ang pagdaloy ng aking luha. Ramdam ko ang senseridad ni kelly at talagang masasabi kong tunay nga siyang bespren. 

"So anong balak mo ngayon niyan?" 

"Hindi ko alam bespren. Malabong magkaayos kami." 

"Ha? Bakit magkaaway ba kayo?" 

"Oo bespren, may nangyari na kasi sa amin." 

"Haaaaaaaaaa! Kaloka ka bespren! Inunahan mo pa ako! Ano itsura malaki ba? Yummy ba?" ang tuloy tuloy na pagbibiro ni kelly. 

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at tumawa nalang. 

"Bespren may isa pa akong ipagtatapat sayo." 

"Wow ha daming revelations ha! Parang di mo ako bespren nyan!" 

"Natatandaan mo pa ba ung naikkwento ko sayong lagi kong nakikita sa kapehan at ung nabunggo ko." 

"Oo bespren tanda ko pa. Huwag mong sabihing natikman mo na din siya? Sobrang haba na talaga ng hair mo niyan." 

Tumango nalang ako bilang pagtugon. 

"Anoooo bespreeeen! Kakaiba talaga ang beauty mo ha." 

Tumawa nalang ulit ako alam kong labis akong naunawaan ni kelly at sobra niya talaga akong mahal. 

"Naging kayo ba ng mistery guy mo?" 

"Hindi pa nga bespren eh, pero ang sabi niya ay mahal na mahal niya daw ako." 

"Eh di kung saan ka masaya ay susuportahan kita." 

"Maraming salamat talaga bespren!" 

Hinatid ko na si kelly sa kanilang tirahan at agad din akong umuwi, pakiramdam ko ay napakagaan ko nailabas ko na ang mga hinanakit ko sa tingin ko ay nabawasan ang tinik na nakatusok sa aking puso. 

Habang nakahiga ako sa kama at nagmumuni muni ay pinakikinggan ko ang aking paboritong kanta. 

Huling Sayaw 

Habang nakikinig ako ay may nag text sa akin dalawang unread message binuksan ko ito at nakita ko kung kanino galing, ang isang text ay kay JL at ang isang text naman ay nagmula kay Jasper. 

Binuksan ko muna ang text ni JL at agad ko itong binasa. 

"Hello asawa ko! Miss na kita! Punta ka mamayang 7:00 dito may regalo ako sayo." kinilig ako sa text ni JL at gusto ko na sanang pabilisin ang oras para magkita kami. 

Pagkatapos kong basahin ang text ni JL ay binuksan at binasa ko naman ang text ni Jasper.

"Hey Mr.Perez gusto kitang kausapin, pumunta ka mamayang 7:00 dito sa bahay! At kung hindi ka pupunta ay hindi ko talaga ibibigay ang notebook mo." 

Tama nga ang aking hinala na kay Jasper nga ang aking notebook, agad akong kinabahan at nagsitaasan ang aking balahibo. Hindi kasi malabong mabasa niya ang liham na ginawa ko para sa kanya. 

Hindi na ako makapagisip ng maayos dahil mamimili talaga ako sa kanila. Ngunit may naisip akong isang ideya tinext ko agad si JL na mga 8:00pm na ako makakapunta, pumayag naman siya sa aking naging desisyon. 

Medyo kampante na ako ng mga oras na iyon dahil alam kong mapupuntahan ko silang pareho. 
Lumipas na nga ang ilang oras at panahon na para magpunta ako kay Jasper, nakarating ako sa kanilang bahay bago pa mag ala siete. Agad akong pinatuloy ng mama ni jasper at kinumusta, at dahil alam nga nilang magclose kami ni jasper ay hinayaan nalang nila akong magpunta sa kwarto nito. 

"Mabuti naman at nakarating ka." ang mahinahon at mala anghel na boses ni Jasper. 

Ngunit para namam akong demonyo sa aking inasal. 

"Nasaan na ang aking notebook? Ibigay mo na!" 

"Sagutin mo muna ang tanong ko." 

"Sige ano ba yon? Para matapos na to!" 

"Boyfriend mo ba ang naghatid sayo?" 

At tulad nga ng nakalagay sa quotes ay "Hurt those who love us, but love those who hurt us." 
Kaya ang tanging nasagot ko nalang ay... 

"Oo boyfriend ko nga siya!"

No comments:

Post a Comment