Monday, August 26, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 8.





318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:


Hi! Kamusta ang lahat? Yippee! Nakapag-update agad! Hehe! Medyo naging mabilis lang po ang update ko sa ngayon dahil maluwag naman po ang schedule ko sa ngayon at ayoko na kayong bitinin sa part na to hehe.


Salamat nga po pala sa mga patuloy na sumusuporta ng akda kong ito. We’re on our way to climax. So,  be ready guys! Hehe! Salamat po ng marami! Labyahall guys! Hopia like this chapter! ;)



-nieL


PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)



Chapter 8






Colby’s Point of View:







“Hello bes?” Ngunit maingay din ang dating ng kabilang linya. Medyo choppy but naririnig ko na nagsasalita siya. “Hello bes? Hello? Choppy ka bes? He—“ Naputol na lang ang pagsasalita ko ng biglang may naramdaman akong pumulupot na tela sa mata ko. Shit! Ano to?!


Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magsisigaw dahil ang higpit ng pagkakahawak sa akin ng dalawang taong naglagay ng piring sa mata ko. Na- kidnap ba ako? Shit! Pero kung na-kidnap ako, bakit sa gitna pa ng party? At sa pagkakaalam ko ay hindi ako ganung kalayo sa entrance kung saan may mga guard na nagbabantay ng party. At saka, kung kidnap to, bakit ang bagal naming maglakad?!


Sumunod na lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam, pero parang nakaramdam ako ng kaba at excitement sa pagkakapiring ko. Pakiramdam ko kasi ay may surprise na patungkol sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot na baka nga na-kidnap na ako. Ah basta! Matinding excitement at kakaibang kaba ang naramdaman ko. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti na lang ako.


“Teka, ano ba to?” Mahinahon kong pagtatanong sa dalawang taong nasa gilid ko na umaalalay pa rin sa akin sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta, naririnig ko pa rin ang ingay ng mga estudyante sa venue. I’m not sure, but parang familiar sa akin yung scent nung isang taong nasa gilid ko. Hanggang na-figure out ko na lalaki siya. Hindi ko lang maalala kung kaninong amoy yun, basta familiar sya sa akin.


“Huminahon ka lang, hindi ka naman namin sasaktan e.” Sagot ng lalaking nasa gilid ko. Kaya naman kinalma ko na lang ang sarili ko. But teka? Parang familiar sa akin ang boses ng lalaking to ah? Parang boses ni Lemuel?!


Isang minuto ang lumipas noong wala na halos akong narinig na ingay na nagmumula sa party. Hindi ko na rin nararamdaman ang simoy ng airconditioner, napalitan ito ng natural na simoy ng hangin.


Tahimik ang lugar na pinuntahan namin. Wala man lang akong marinig na kahit anong ingay bukod sa paglalakad namin ng dalawang mokong na ito. Hanggang sa naramdaman kong inuupo nila ako sa isang mono-block chair at sinabing. “Kumalma ka lang ah? Kung ayaw mong malintikan sa amin?!” Hindi ko alam kung pananakot ba yun?! Yeah, sa sinabi ng lalaking iyon ay nakaramdam ako ng konting takot, pero mas pumapangibabaw pa rin ang excitement sa akin. Ang weird.


Isang minuto ang lumipas, tahimik pa rin akong nakaupo sa upuan. Kung tutuusin ay pwede ko namang tangalin ang blindfold na nasa mata ko dahil kung kidnap nga ang nangyari sa akin ay kaya ko namang lumaban, ngunit parang kumportable ako sa posisyon kung iyon. Ang weird, but parang may hinihintay yung puso kong mangyari? Exciting!


Maya maya ay may narinig akong kaluskos ng mga tao. Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may lumapit sa akin at naglagay din ng isang mono-block chair sa harapan ko. Sa aking palagay ay may layo ng tatlong talampakan ang taong naglagay ng mono-block chair sa aking harapan.


Hanggang sa..


“Alam ko, mahirap mag-confess ng nararamdaman ko para sa iyo. Unang-una dahil bestfriend kita, mahirap dahil.. ayoko masira ang pagkakaibigan na’tin once na hindi pala mutual ang nararamdaman mo. But, I’m here in front of you to take the risk and at the same time to take the oppurtunity, hindi dahil sa hindi mahalaga ang pagkakaibigan natin, kundi mas mahal kasi kita ng higit sa isang kaibigan.” Napatigil siya. I was shocked. Still, naka-blind fold pa rin ako pero alam na alam ko, si Xander yun. Shit! Totoo ba to?! As in?! Hindi panaginip?! “I don’t know, kung bakit nagkaganito ang nararamdaman ko para sayo bes. Tulad ng pagaakala mo na hindi ako naiinlove sa kapwa ko lalaki, but nagkamali ako. Because, out of the blue, nakaramdam na lang ako ng kakaiba sayo. Kaya.. napatunayan ko sa sarili ko na nagmamahal na ako at wala akong pakielam kung kahit kanino pa, kung lalaki ka o babae man, dahil one thing is for sure. Mahal na kita bes, kaya kapag hindi kita kasama, para akong mababaliw, at kapag kasama naman kita ay lumulundag naman ang puso ko sa sobrang saya.” Napatigil siya. Napabuntong hininga. “I’m not sure for what would be the outcome of this, but I’m here in front of you not just to sing but to express and to show how much I LOVE YOU!”


Wala sa sarili kong naramdaman na may nagtangal ng blindfold ko. At tumambad sa akin ang bestfriend ko na hawak hawak ang gitara niyang sinasabi niyang ilalabas niya na lang kapag may tutugtugan na muli siya nito. Iba din ang suot niya ngayon sa suot niya kanina. He is now wearing a red checkered long sleeve. At nagiba rin ang ayos ng buhok niyang mas lalong nakakapagpakilabot sa akin. Ang gwapo gwapo ng bestfriend ko!


Suddenly, napaluha na lang ako sa nakita ko. Hindi ko inaakala na mangyayari at maririnig ko ang mga words na pinapangarap ko lang dati. Hindi ko inaakala na mutual din pala ang nararamdaman sa akin ng bestfriend ko. Halos mamula ako sa sobrang kilig at kaba sa mga maaring mangyari sa mga oras na ito. “Remember this guitar?” Pagtatanong niya sabay muestra sa hawak niyang gitara. Tumango lang ako bilang tugon.  Hindi pa rin maiwasan ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko. “Sinabi ko sayo na ilababas ko lang to, kapag nagmahal na muli ako. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo na gusto ko lang patugtugin to. Pero, nilabas ko to, dahil inudyukan ako ng nararamdaman ko para sayo na tumugtog at magmahal muli.”


Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar tunog sa aking likuran.  Accompanied ng violin ang intro ng  kantang inaalay ko para kay Xander – Ang kantang Ikaw Lamang. Lubos ko pang ikinagulat dahil nandoon ang barkada ko sa likuran ko with an instrument, si Rizza ang nasa violin,  nasabi niya pala sa akin na hidden talent niya daw ito, si Rex na nasa drums at si Lemuel naman na nasa piano. Si Nerrisse naman ay nakaupo din sa beatbox at nakangiti ito sa akin. Heto siguro yung sinasabi ni Nerrisse na mageenjoy ako ngayong gabi. Samantala, si Xander naman na nasa harap ko na may hawak hawak na gitara at hinanda ang isang mic amplifier na nakasabit sa kanya.




Ikaw Lamang by: Silent Sanctuary






Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na



Speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong sumigaw ng sumigaw dahil sa sobrang kilig at sa sobrang saya. Hindi ko inaasahan na mangyari ang isang event na sa panaginip ko lang nakikita. Gusto ko siya yakapin, gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko din siya ng higit sa isang kaibigan. Ngunit, nag-aalangan pa rin ako kung totoo ba ang lahat. Nakapaka-unexpected pa rin kasi. Gusto kong sampalin ang sarili ko upang kumpirmahin kung nanaginip lang ba ako, pero kung panaginip man ito?! Gawd! Ayoko nang gumising pa!


But then again, I’m wrong. Dahil after niyang kumanta, lumapit siya sa akin. Nilapit ang kanyang mukha. Ang kanyang maamong mukha at namalayan ko na lang na naglapat na lang ang aming mga labi. Noong una ay hindi ako lumaban dahil sa pagkabigla, but nagising na lang ako sa katinuan na gumaganti ng halik. Isang halik na punong puno ng emosyon.


“Kapag hinahalikan kita, it doesn’t mean na para lang yun sa pleasure ng katawan ko. Hinahalikan kita dahil mahal kita at hindi dahil biro lang..” Pabulong niyang sabi sa akin.


“Xander!” Pagtawag ko sa kanya. Umiyak ako. Umiyak ako dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag natutupad ang pangarap na alam mong imposible, pero nandito sa harap mo ngayon. Masasabi kong mas iba to sa naging pagsasama namin ni Tristan before, iba yung happiness. Napakasaya ko sa pag-amin ng bestfriend ko. At, ngayon oras naman para ako ang umamin. “I don’t know what to say, pero hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!” Maluha-luha kong sabi. “You’re very brave..” Pamumuri ko sa kanya.


“What do you mean?” Seryoso niyang pagtatanong.


“Xander, napakatapang mo para aminin sa akin na mahal mo ako, na mahal mo ako ng higit sa isang kaibigan. That’s why, mas lalo – mas lalo kitang..” Naudlot kong sasabihin. Napatulo muli ang luha ko sa sobrang saya.


“Continue..” Excited na pagkakasabi ni Xander. I know, hinihintay niya akong sabihin ko sa kanyang mahal ko din siya. Halatang-halata sa mukha niya ang sobrang saya.


“Mas lalo kitang minamahal. Oo bes, mahal na din kita, dati pa.. Ngunit, naduduwag akong magsabi sayo dahil natatakot ako na baka hindi pareho ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko. Ayokong mapahiya sayo, at higit sa lahat ayokong mawala ang pinakaiingat-ingatan ko..” Sincere kong sabi.


Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ito. Naramdaman kong parang may patak ng kung ano sa kamay ko. Umiiyak siya. Kitang kita ko ang pagiyak niya dahil sa sobrang saya.


“Hindi mo lang nalalaman kung gaano mo ko napapasaya sa mga naririnig ko sa ngayon..”  Sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko. “I don’t know, pero nandito na rin ako. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko bes..” Sambit niya sabay hugot ng isang malalim na paghinga. “Bes! Colby? Can I be your boyfriend?” Malamlam niyang pagkakasabi. Malamlam pero punong puno ng sinseridad. Ramdam ng puso ko ang sinseridad niya sa mga sinasabi niya. Muli, tumulo na naman ang luha ko.


Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sumigaw at ipagsigawan na mahal din ako ng taong pasikreto kong minamahal. Pero, yung mismong saya na nararamdaman ko ang pumipigil sa akin. Kaya, imbis na tanungin ko siya nilapat ko ang aking labi sa kanyang labi. Naglapat ang aming mga labi. Ramdam na ramdam ko ang sobrang saya at mistulang nagtatalon talon ang puso ko sa paghalik ko sa kanya. Punong puno ng emosyon ang halik na iyon. Sa halik na iyon ay humugot ako ng lakas. Bumitaw ako at humarap sa kanya at sinabing..


“Oo bes, pumapayag akong maging boyfriend kita” Pagkukumpirma ko. Ngumiti siya. Napaluha siya. Niyakap niya ako. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hindi ko naman first time na magkaruon ng boyfriend pero heto na ata ang pinakamasayang confirmation na ginawa ko. Mas masaya kaysa sa amin ni Tristan noon.


“Pangako bes, hinding hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita..” Sambit niya sa akin habang nakayakap pa rin. Tumayo naman ito. “YESSSSSSS!! WOOOHHHHHHH!! MAHAL NA MAHAL KITA! JAKE COLBY RIVVERRAAA!! WOOOHH!” Pagsigaw ni Xander. Narinig ko naman na nagtawanan at tila kinilig ang mga ka-barkada ko. Sabay sabay pa nga sila nag-ayyiiee at lumapit na din sila sa amin.


“Hoy! Wag na wag mong sasaktan tong bestfriend ko ah?!” Paninigurado ni Nerrisse.


“Yeah right, kilala mo kami Xander kapag nagalit.” Dagdag pa ni Rizza.


“Oo Nerrisse, salamat nga pala..”


“Salamat para saan?” Pagtatanong ko naman kay Xander.


“Ahhh kasi itong boyfriend mo! Nakiusap sa akin last week tungkol nga dito sa pagamin niya. Kinausap niya ako na kung pwede daw ba sanang arkilahin kami para tumugtog para nga dito. Para daw mas maappreciate mo. Saka sa akin din nagpatulong yan para i-organize to..” Pagamin ni Nerrisse.


“Ahhh! Kaya pala hindi niyo ako sinasabayan this past few days..” Hindi kasi nila ako sinasabayan kumain at umuwi this past few days, yun pala ay busy din sila sa pagpapraktis sa hinihinging pabor ng bestfriend ko ah! Este boyfriend ko na pala. Mas lalo tuloy akong kinilig.


“Ayyyyiiiee! May boyfriend na si unggoy! Bwahaha!” Pangaasar sa akin ni Rex.


Nagtawanan naman ang lahat.


“Ohhh, siya, aalis muna kami teh ah?! Balik muna kami sa party. Enjoy the rest of the night!” Sabi sa akin ni Nerrsse. “Di pa tapos ang surprise nyan..” Pagbulong naman sa akin ni Nerrisse.  “Let’s go guys!” Pagyaya ni Nerrisse .


Napagtanto ko na nasa likod pala kami ng venue kung saan ginanap ang acquaintance party ng aming university. Sa likod pala nito ay mayroong isang magandang park at may isang seawall. Nakakatuwa dahil paborito ko talaga ang tumambay sa harap ng mga seawall, at kahit sa mga sea shores. Hindi ko alam pero naaliw talaga akong makita ang karagatan. Alam kong alam ni Xander iyon kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit dito niya na napiling mag-confess.


Umupo kami ni Xander paharap sa sea wall. Hawak hawak niyang ang kamay ko. Kitang kita ko ang lawak ng kanyang ngiti. Alam ko, masaya siya sa kung anong nangyayari ngayon dahil ganun din ang nararamdaman ko, but I can say na mas masaya ako ngayon.


Tinignan ako ni Xander, isang nakakatunaw na tingin. “Hindi ko inaakala na dadating tong araw na to, akala ko imposible na..”  Sabi niya sa akin habang hawak hawak pa rin ang mga kamay ko.


“Ako din e. Akala ko imposible to. Kadalasan kasi sa mga mag-bestfriend na may tinatagong feelings ang isa or mutual sila ay hindi nagkakatuluyan dahil sa hiya, or natatakot sila mag-risk ng kung anong meron sila..” Sabi ko naman.


“Natatakot din naman ako e, ngunit parang hindi ko na kinaya bes. Hanggang sa naisipan kong aminin na lang ang lahat sa iyo. Ang sabi ko sa sarili ko, ‘bahala na, kung ano man ang mangyari, ipapanalo ko pa rin si bes. Kung maging tayo man o kung ayawan mo man. Ikaw pa rin ang bestfriend ko. At hindi ako papayag na mawala yun..’” Buong tapang niyang sabi sa akin.


“Ako? Ilang beses ko nang natanong sa sarili ko kung dapat ko bang aminin. Ilang beses na akong inuusig ng nararamdaman ko. Pero, duwag pa rin ako. Ayoko kasing ma-risk yung friendship na’tin..” Pagamin ko sa kanya.


“Pero, nandito na tayo ngayon. Dahil parehas tayong nag-risk..”


“Yeah, dahil sa nararamdaman ko. Dahil, mahal na mahal kita bes..”


“I love you too bes..” Tugon niya. Hanggang sa muli na namang naglapat ang aming mga labi. Isang nagaalab na halik ang binigay niya. Gumanti ako. Nagaalab in a way na punong puno ng emosyon.


“Bes, hindi ka ba natatakot?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Natatakot? Para saan?”


“Natatakot dito? Paano kung mawala yung spark between us. What if, may hindi tayo pagkakaintindihan? What if maghiwalay tayo? Maibabalik pa ba natin ang friendship na’tin?” Medyo malungkot kong pagtatanong.


Niyakap niya ako na para bang nakakatanda ko siyang kapatid. “Hindi ako nag-effort mahalin ka para iuwi lang ang lahat sa wala. Dahil, handa akong sumugal. Para sa pagmamahal ko sayo. At kung sakaling dumating man ang pagkakataong magkahiwalay tayo, pinapangako kong hindi mawawala ang pagiging magkaibigan natin. Ngunit, hindi ko alam kung matutupad yang pangako kong yan bes..” Sabi niya. Nalungkot naman ako sa huling katagang sinabi niya.


“Bakit naman?”


“Kasi bes, nangangako akong hindi kita sasaktan. At kung sakasakaling magkaruon man tayo ng problema. Nangangako akong sabay na’tin yung haharapin. Hindi ako papayag na ako lang ang lalaban, at mas lalong hindi ako papayag na magisa ka lang lalaban. Ganyan kita kamahal.” Napaluha na naman ako sa sinabi ni Xander. Tagos na tagos kasi sa akin ang mga sinasabi niya. Ngayon, alam ko na ang definition sa salitang happiness, it is Xander.


Habang nasa ganun kaming pagmomoment ay bigla naman niyang kinuha ang cellphone niya. “Remember noong pumunta ka sa bahay last Saturday?” Pagtatanong niya.


“Oo naman. Bakit?”


“Kinuha ko sayo ang cellphone ko di ba? E samantalang dati libreng libre mong hawakan ang cellphone ko.”
“Oo nga bakit nga pala?!”


“Puntahan mo ulit yung multimedia section..”


At pinuntahan ko nga ang multimedia section ng cellphone ni Xander kung saan nandun na ako noong nakaraang sabado ng kinalkal ko ang cp ni bes.


“Hello bes! Sana kapag pinakinggan mo tong kantang to ay alam mo na at sana tanggap mo na kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. Sorry pala bes kung nagsikreto ako sayo tungkol sa nararamdaman ko ah? Sana naman maintindihan mo ko. Ayaw ko lang talaga na masira ang friendship na’tin kaya naman inuunti-unti ko sayo. Sa ngayon, mahirap na kinikimkim ko lang to. But I know someday I can get this feeling out of my chest. I love you bes. Mahal na mahal kita. And this song is for you!” Sabi ni Xander sa video na dapat ay panunuorin ko noong last Saturday ngunit pinigilan niya ako. At kinanta niya ang paborito kong kanta kung saan naging paborito niya na rin daw since noong pinakinggan niya ito noong nasa bus kami.
Emosyonal pa rin ako pagkatapos ng video. Sobrang touched sa mga surpresa akin ni Xander. Kaya naman after ng video ay napakayakap ako sa kanya.


Pagkatapos naming panuorin ang video ay may kinuha naman siya sa kanyang bag. Hindi ko alam kung ano yun pero nakabalot sa loob ng plastic e. At noong nilabas naman iyon ni Xander ay hindi ko mapigilang matawa at kiligin – ang paborito naming pagkain, yung hopiang munggo.


“Bakit ka natatawa?” Medyo nayayamot niyang tanong sa akin.


“Haha! Wala! Penge nga ako nyan bes!”


“Wait anong bes?”


“Bakit ayaw mo ba na yun ang tawagan natin?!” Pagtatanong ko sa kanya. Syempre, nagulat ako. Ang tagal na naming tawag sa isa’t isa ang “bes” tapos papalitan niya lang?!


“E kasi, boyfriend na kita e. Kaya ibahin na lang sana na’tin?” Request ni Xander.


“Bes! Para sa akin, okay na ako sa tawagang ‘bes’ dito na tayo nasanay. Saka pwede naman nating bigyan ng ibang meaning ang bes ah? Hindi lang bestfriend.. Hmmm? Pwede din namang best boyfriend di ba?”


“Sabagay. Basta para sa mahal ko. Kung anong gusto mo, doon ako.” Sabi niya sabay kindat sa akin.


“Mais mo! Haha!” Pambabara ko sa kanya.


At sabay na nga naming pinagsaluhan ang dala niyang hopiang munggo. Ewan ko ba pero yun na ata ang pinakamalinamnam na hopiang munggo na natikman ko. Dahil kaya sa pagmamahal na halo nito dahil bigay to ni Xander? Siguro nga. O dahil sa tuwing kasama ko siya ay nagiging iba at maganda ang tingin ko sa lahat ng bagay.


“Bes? Natatandaan mo pa ba noong may nangyari sa atin?” Pagtatanong niya habang nakayakp sa akin. Napatango na lang ako. “Kung inaakala mo na ginawa ko lang yun dahil sa libog lang, nagkakamali ka.” Pagpapaliwanag niya.


“Bakit mo ba ginawa yun?” Curious kong pagtatanong.


“Dahil mahal kita bes, hindi ko alam.  Basta ang alam ko lang ay dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo kaya niyaya kita. Pinagsisihan ko din yun ng matapos nating gawin yun dahil natatakot ako na baka nabastos kita. Kaya, sorry bes..” Paghingi niya ng tawad. Medyo lumungkot naman ang mukha ni Xander.


“Hindi yun problema bes, tapos na yun. At ginusto ko din naman yun bes..”


“Bakit mo ginusto?”


“Hindi ko alam bes, nadala ako ng emosyon ko. Lalo na noong naglapat ang mga labi natin nun. Bago na’tin gawin yun hindi pa ganung kalala ang nararamdaman ko sayo. But after nun? Lumala yung nararamdaman ko para sayo. Hanggang na-conclude ko na mahal na kita. Ang weird nga e, pero sabi nga nila kapag tumibok ang puso mo, wala ka ng takas. Kailangan mo yun panindigan..” Buong puso at tapat kong pagpapaliwanag.
Tahimik.


“Bes. May aaminin ako sayo..” Bulong sa akin ni Xander.


“Ano naman yun?”


“Noong pumunta ako dito sa maynila. Sabi ko sayo di ba dahil nalipat sa manila branch si papa?”


“Oo, yun nga ang pagkakatanda ko bes..”


“Pero, ang totoo dahil sobrang miss na miss na kita.. Dahil, nasasabik na ulit ako makasama ang bestfriend ko na mahal na mahal ko bilang bestfriend at boyfriend ko..” Pagpapaliwanag niya. Mas lalo tuloy akong kinilig.,


“Bes? Bakit ako? Uh- I mean? Napakaraming babae dyan di ba? Bakit ako yung napili mong mahalin? Bakit mo ko mahal?”


Tahimik lang siya. Nginitian lang ako ni Xander at tinuon lang ang paningin niya sa mapayapang dagat.
Mga isang minuto din siyang hindi nagsasalita.


“Natahimik ka? Bakit hindi mo na sinagot yung tanong ko?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Kasi, wala naman akong isasagot. Kung tinatanong mo kung bakit kita mahal, hindi ko alam dahil bigla ka na lang tinibok nitong puso ko. Wala akong maibibigay na rason para masabi sayo kung bakit kita minahal bes.” Napahinto siya. “And you’re asking me kung bakit kita pinili sa kabila ng napakaraming babae dyan?”


“Yeah..”


“Dahil kahit milyon ang babae sa mundo. Magaganda man o mababait sila. Masabi mang bagay sila sa akin o hindi. Isa lang ang masasabi ko, ikaw kasi ang hinahanap-hanap ko. Kasi, sayo ako masaya at sayo ko nakikita ang lahat ng gusto ko sa isang kasintahan..”


Napakasaya ko sa gabing ito. Muli, heto na naman ako at nagmamahal. This is my second attempt to love. Muli na namang tumibok ang puso ko sa taong mahal ko at alam kong mahal ako. Sana lang ay hindi na matapos to. Sana lang ay hindi na ito tulad ng una kong pagibig. Teka, December 18 na pala. Heto ang anniversary namin ni Xander – ang bestfriend ko na ngayon ay boyfriend ko na. Masaya? Oo! Sobra! And I’m very thankful na siya ang binigay sa akin ng nasa itaas.





-          I T U T U L O Y 

No comments:

Post a Comment