Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 19
(Scared... to death)
[Kieth’s
POV]
Nakakita
ako ng ice cream parlor dun sa park kaya pinuntahan ko agad ito at bumili ng
ice cream.
Gustong-gusto ni Alex ang ice cream dahil na rin sa paborito ito ng
lola niya.
Lola’s boy na rin kasi si Alex kaya ganun na lang ang pagmamahal
niya sa ice ream.
Kaya tumigil muna ako doon.
Bumili ako at agad naman akong
naglakad papunta sa may park upang hanapin silang dalawa.
Kamusta
na kaya ang pag-uusap nila ni Arjay?
Sana naman ay magkaayos na sila.
Sana ay
walang gulong mangyari at maging matiwasay ang paguusap nilang dalawa.
Mamaya
nga eh makita ko na lang na nag susuntukan na yung dalawang iyon.
Habang
naglalakad ako, biglang may bumunggo sa aking bata kaya nahulog ang ice cream
ni Alex.
Tss.
Nabadtrip ako bigla pero di ko sinigawan yung bata.
Naalala ko
kasi ang sabi sa akin ni Alex na matuto akong maging cold headed at hindi hot
headed.
“Sorry
po.” Sabi nito.
“Ayos
lang. Sa susunod mag-ingat ha.”
“Opo.”
Sabay ngiti sa akin.
Di
ko maintindihan kung bakit nag-iba yung mood ko.
Kung bakit parang nag-iba yung
atmosphere sa paligid ko ngayon.
Nakaramdam ako ng konting chills na hindi ko
malaman kung bakit.
Naglakad na ako papunta sa park ng may makita kong umpok ng
tao.
“Anong
meron?” Tanong ko sa sarili ko.
Nakita
ko agad si Arjay na may kausap na bata.
Pilit kong hinanap si Alex pero hindi
ko mahagilap.
Agad namang tumayo si Arjay at hinawi ang karamihan.
Bakas sa
mukha niya ang kaba.
Anong
mayroon doon?
Di mawala sa isip ko.
Habang papalapit ako doon ay naririnig ko
yung mga usapan ng mga nagdaraan.
“Ang
bait nung binata, iniligtas niya yung bata.” Sabi nung isa.
“Kawawa
naman yung binata.”
“Tumawag
na ba sila ng ambulansya?” tanong nito.
“Oo
kanina pa daw. Yung magulang ng bata napaka-pabaya kahit kalian.”
“Naku
kawawa yung bata. Nasaan na ba yung ambulansya? Kahit kalian oo.”
“Naku
hindi naman basta-basta makakarating ang ambulansya.”
Habang
pinapakinggan ko sila, kinakabahan na ako.
Hindi mahagilap ng paningin ko si
Alex.
Unti-unti, tumutulo ang pawis ko.
Butil-butil, pati na rin mga luha ko ay
nag aambang ng paglaglag.
“Babe…”
ang tangi kong narinig mula sa aking likuran.
Hinanap
ko ang boses na pinanggalingan noon.
Hindi na ako magkanda ugaga sa paghahanap
sa boses na iyon.
Ano bang nangyayari sa akin?
“Alex…”
agad naman akong lumingon pero wala namang tao.
Hindi
ko alam kung saan galing yung boses na iyon o imahinasyon ko lang.
Pabilis na
ng pabilis ang lakad ko hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Arjay.
“ALEEEEX!!!”
Yun na ang hudyat ng aking pagtakbo.
Tungunu,
bakit parang ang bigat ng mga paa ko?
Hindi ako makatakbo ng ayos.
Malapit na naman
ako pero bakit parang ang layo ko pa?
“Tulungan
ninyo kami… tumawag kayo ng ambulansya.. tulong…. Alex… gusmising ka… gising.”
Nakakabulahaw na sigaw ni Arjay.
Agad
kong hinawi ang maraming tao at agad kong nasaksihan si Alex, nakahilata sa
sahig, duguan at walang malay.
Para akong nabuhusan ng mainit na tubig sa
nakita ko.
Napaso ako sa katotohanan.
Naramdaman ko na lamang na tumulo ang
luha ko at nilapitan si Alex.
“Al…al..Ale…
Alex…” tuluyan ng tumulo ang luha ko.
“Kieth…”
pagtawag sa akin ni Arjay.
“ALEX!!!!!”
sigaw ko.
“Kieth…
dalhin na natin siya sa ospital!” sigaw ni Arjay.
“Anong
nangyari? Anong nangyari?!” sigaw ko.
“Mamaya
na natin pag-usapan. Dalhin na natin siya.” histerikal na sabi ni Arjay.
Agad
kong binuhat si Alex pero pinagbawalan ako ng mga tao.
“Puta naman oh,
mamatay na ang boyfriend ko hindi ko pa rin siya bubuhatin! ANo ba kayo?!”
“Baka
lalong mapasama siya kapag binuhat mo.”
Agad
dumating ang ambulansya na kanina jko pa hinahanap.
Agad nilang kinuha si Alex
at inilagay sa stretcher.
Nakita ko na naliligo na si Alex sa sarili niyang
dugo.
Sumakay
agad ako sa ambulansya, gayon din si Arjay.
Di ko na alintana ang ginagawa
niyang pagtawag kitang kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.
“Kieth…
sorry.”sabi nito.
“Ano
bang nangyari?”
“Nag
hiwalay na kami nun. Nasa malayo na ako nang maaninag ko si Alex na tumatakbo.
Di ko naman akalain na papunta siya sa may bata. Patawid ang bata ng mangyari
ang lahat.”
“Shit…”
ang nasabi ko.
Hinawakan
ko ang kamay ni Alex.
“Please hold on.. please… hold on.” sabi ko.
Nagkakagulo
na ang mga nurse doon dahil sa unti-unti nawawalan daw ng pulso si Alex.
Wag
ngayon Alex, please, matibay ka diba?
Matatag ka diba?
“Babe..
please… don’t do this to me.. please.. hold on.
I love you.. I love you so much.”
Mabilis
namang nakarating yung ambulansya sa ospital at nagmadali na silang gamutin si
Alex.
Hindi na kami pinapasok sa operating room.
Hindi
ako mapakali sa mga oras na iyon.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko.
Kanina I
have him with me pero ngayon, nanganganib pang mawala.
God please save my love.
“Hello.”
Narinig ko na sabi ni Arjay sa kabilang linya.
“Pa
sorry.. I know.. pero nasa ospital po ako ngayon… opo. Si Alex po… Sige po…”
sabi nito.
“Sino
yun?” tanong ko.
“Si
papa, hinahanap ako. By the way. natawagan ko na din si RD, kasama na daw niya sila tita.” Sabi nito.
Hanggang
ngayon di pa rin ako mapakali.
Pabalik-balik ako,
kaliwa,
kanan
at paikot-ikot.
Hanggang sa dumating na sila mama.
“Kieth
na saan si Alex?” tanong agad ni mama.
“Nasa
operating room pa rin po.”
“Anong
nangyari? Anong nangyari?!” histerical na tanong ni mama.
“Sinagip
po niya yung bata.” Biglang sabat ni Arjay.
“Anak
ko…” at napaupo si mama sa kakaiyak.
“Ma
sorry…” ang nasabi ko.
Sumunod
na dumating sila Tito Ralph.
Anong ginagawa nila dito?
Agad namang napatayo si
mama at humarang sa dadaaanan ni tito Ralph.
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ni mama
“Nasaan
si Alex?” tanong ni Tito Ralph.
“Wala
kang makialam. Umalis ka na dito! Wag kang mag eskandalo dito.”
“May
karapatan ako. Nasaan si Alex?!”
Biglang
lumabas yung doctor.
Agad naman kaming lumapit sa kaniya.
Hindi ko maipinta ang
reaksyon ng doctor pagkalabas niya ng operating room.
Lalo akong kinabahan.
“We
have a bad news.” Sabi nito.
“Ano
po yun doc?”
“Maraming
dugo ang nawala sa kanya. He need blood now.”
“Ako
po, magdodonate ako.” Sabi ko.
“He
is an A positive at wala kaming stock nun.”
“AB
ako.” Sabi ko.
“Magkaiba
kami ng blood type.” Sabi ni mama
“Yung
tatay niya? He Should be type A positive.”
“Wal…”
“A
positive ako.” Biglang sabi ni Tito Ralph.
“Hindi…”
“Ngayon
mo pa ba ipagkakait yan?”
“Pero…”
“A
positive ako at handa akong magdonate ng dugo ko.”
“Okay, masmaganda kung ganun. But before that you should be examine. Wala ba kayong sakit tulad ng Hepatitis, lungs or heart disease?” tanong ng
doctor.
“May
sakit ako sa puso doc.”
“Sorry pero Hindi
ka pwedeng magdonate.” Sabi naman ng doctor
“pero…”
“Anyone
with A positive blood type?” tanong ni Doc.
"Bakit ab hindi ako?"
"Dahil may sakit kayo sa puso.. maaring makaapekto yun sa pasyente..."
"Pero..."
"Anyone?"
“Ako
doc…” biglang sabi ni Arjay.
Lahat
kami napatingin sa kanya.
Pero kinabahan ako.
Alam kong takot sa injection si
Arjay and yet, gagawin niya.
“A
positive po ako. Magdodonate po ako ng blood.” Sabi nito.
“Arjay?”
“Okay
lang ako Kieth… ako may kasalanan nito.”
“Thank
you.”
Agad
naman siyang nagpatest at nagdonate ng blood.
Pero di pa rin nawawala ang kaba
sa aking dibdib.
Shit!
Please Alex hold on.
Isang
oras…
dalawa…
tatlo… pero wala pa ring balita.
Si Arjay naman ay nagpapahinga
dahil sa nagdonate siya ng dugo.
Halos lahat kami hindi mapakali.
Si
mama at si tito Ralph ay patuloy pa rin sa pagtatalo.
Pinipigilan na sila ni
Kuya Hamilton.
Nakasilip pa rin ako sa loob.
May kaunting siwang pa rin naman
ang nandoon.
“Kukunin
ko na siya…” ang narinig ko na sabi ni Tito Ralph.
Anong
nangyayari?
Kukunin?
anong ibig sabihin niya?
“Walang
hiya ka! Hindi ako papayag na kunin mo siya!” sagot ni mama.
Nakikinig
lamang ako sa alitan nila.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa
kanilang dalawa.
Si kuya nakikiaalam na rin.
Ilang sandali lang din ay dumating
na sila papa.
Kagagaling lamang niya sa meeting ng board members.
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ni tito Ralph kay papa.
“Nabalitaan
ko na naaksidente si Alex.” Sagot ni papa.
“It’s
none of your business.” Sabi ni tito.
“May
paki-alam ako dahil boyfriend siya ng anak ko! Ikaw anong ginagawa mo dito?
Wala ka namang kinalaman dito ah?!” galit na sagot ni papa.
“Pa
tama na.” awat ko.
“So
ikaw?” si tito.
“Anong
ako po?”
“Ralph
ano ba? Tumigil ka na.” mama ni Alex.
“Wag
kang makialam!”
“Wag
na wag ninyong masisigawan si mama!” sigaw ko.
Bigla
niya akong sinuntok at agad namang sinuntok siya ni papa.
Inawat namin sila ni
Kuya Hamilton hanggang sa nagwawalaan na.
“Ang
kapal mong pumunta dito matapos mong pabayaan si Alex!” si tito.
“Hindi
ko siya pinabayaan. Aksidente lahat ng nangyari!”
“Umalis
ka na dito Ralph! Umalis ka na ditto!” sigaw ni mama
“Hindi
ako aalis dito! Nandito pa ang anak ko!”
“Ganyan
ba talaga kayo? Gagamitin ninyo si Arjay para mag eskandalo?!” sigaw ko.
“Wag
na wag kang makakasagot sa akin! Ang kapal naman ng mukha mo. Tandaan mo ako
ang tatay ng boyfriend mo!”
“Ralph!”
sigaw ni mama.
“Mukhang
nakakalimot kayo na wala na kami ni Arjay. At lahat yun ng dahil sa pakikialam
ninyo!”
Tumawa
siya.
Lahat naman kami ay napatingin sa mariin niyang pagtawa.
Parang mayroon
siyang mensaheng gusting iparating sa amin.
“Umalis
ka na dito. Wala kang karapatan dito!” sigaw ni papa.
“Ralph
umalis ka na dito. Nagmamakaawa ako. Please… please…” umiiyak na si mama.
Biglang
lumabas yung doctor.
Lahat naman kami napatigil.
Agad lumapit si mama at hindi
naman ako nagpahuli.
Agad naming inalam ang kalagayan ni Alex.
“Doc…
kamusta na si Alex? Kamusta na ang mahal ko?” alalang tanong ko.
“He’s
now fine. Muntikan na siyang mawala pero buti na lang at mayroon agad na
nagdonate ng dugo.” Sabi ni doc.
“Salamat
naman.” Muling napahagulgol si mama.
“Ma…
matatag si utol.” Sabi ni Kuya.
"He need to be obderve pa... ang laking damage ang natamo niya."
"Doc gawin ninyo ang lahat para maging okay ang anak ko..."
"Yes maam."
Pinaupo
namin si mama sa may upuan at lahat kami ay nakahinga ng maluwag.
Lahat kami ay
pinakalma ang sarili nang matapos ang insidenteng iyon.
“Uwi
ka na muna anak.” Sabi ni papa.
“Hindi
pa.. dito lang ako. Babantayan ko si Alex.” Sagot ko.
“Kasalanan
mo to!” sigaw pa rin ni tito Ralph.
“Pare
ano ba? Tama na!” sigaw ni papa
“Nang
dahil sayo nagiging miserable ang buhay ng mga anak ko!”
“Tumahimik
na kayo!” sigaw ko.
“Ang
lakas na ngayon ng loob mo na sagutin ako!” galit na sabi nito.
“Ralph,
kung wala kang sasabihing mabuti, umalis ka na! hindi yan makakabuti kay Alex
pag nagkataon. At wag na wag ka ng magpapakita!” sigaw ni mama.
“Please
po… please.” Sabi ni kuya.
“Hinding-hindi
ninyo pwedeng ipagkait sa akin ang anak ko!”
At
umalis na siya.
unti-unti nararamdaman ko ang kalituhan sa aking isipan.
Paano
ba naman, kakaiba ang mga sinasabi ni tito Ralph.
Di ko na napigilan ang
makipag bangayan dito.
Muli,
naalala ko si Arjay, agad ko siyang hinanap upang magpasalamat.
Nasa isang room
siya. nakita ko na nakatanaw siya sa binatana ng ospital.
Tila
malayo ang iniisip niya.
Nagulat naman siya nang maramdaman niya na naroroon
ako.
Bigla siyang ngumiti at umayos ng pagkakaupo.
Agad ko naman siyang
niyakap.
Alam ko nagulat siya.
“Para
saan naman ito?” tanong niya
“Pasasalamat
ko sa pagdonate mo ng dugo.” Sabi ko.
“Wala
yun.”
“Salamat
pa din. Iniligtas mo ang buhay ni Alex. Para mo na ring iniligtas ang buhay ko.”
Sabi ko.
Nakita
ko ang pananamlay niya bigla.
Masyado kasi akong straight forward.
Hinawakan ko
ang kamay niya, tulad dati kapag malungkot siya.
napansin ko na lamang na
tumulo na ang luha niya.
“Wag
kang ganyan.” Sabi niya
“Sorry.”
“Ang
swerte ni Alex sayo.”
“Ako
ang maswerte sa kanya.” Tumayo ako at tumabi sa kanya.
“Sorry
sa ginawa ko dati. Sorry kung bigla akong nawala. Sorry kung iniwan kita. Sorry
kung nasaktan kita. Sorry kung binali ko yung pangako ko na tayong dalawa
hanggang sa huli. Sorry kung hanggang ngayon hinahabol-habol kita. Sorry kung
ang lahat ng sakit jan sa puso mo, ako ang nagdulot. Sorry.”
Niyakap
ko siya ng mahigpit.
Alam ko na nahihirapan siya ngayon. Hindi tulad ko na ayos
na ang lahat. Naka move on na ako at na-let go ko na ang mga sakit sa puso na
napagdaanan.
“Okay
na sa akin lahat yun. Pinatawad na kita. Okay na ako kaya wag ka ng mag-alala.”
“Pero…
ako… hindi ko mapatawad ang sarili ko. Hindi ko na maiharap ang sarili ko.
Napaka desperado ko. Di ko alam kung tama pa ba ang mga pinag gagawa ko.”
Hinawakan
ko siya sa mukha at pinahid ang luha.
“Tahan na. hindi ganyan ang kilala kong
Arjay. Be strong nga.” Sabi ko.
“You
always like that. Lahat na lang ng pagkakataon na malungkot ako, ikaw ang
laging nanjan.”
“Pero
wala na ako ngayon sa tabi mo…”
“Kasi
nasa tabi ka na ngayon ni Alex.”
“Sorry
kung medyo maaga ako nakapag move on. I know those years were so long…”
“Yeah.
I know. If only I can make the time back.”
“Huli
na ang lahat para mag sisi kaya cheer up na.”
“Pero
honestly… I want you back… “
“You
know naman na…” hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.
Mabilis
lamang yun pero ako na ang nagpatigil sa kanya.
Nakita ko ang pagkadismaya sa
kanya.
“baka mabatukan na ako ni Alex dito.” Sabi niya
“Wag
mo na lang gawin ulit yun.”
Tatayo
na sana ako nang bigla niya akong yakapin.
“I want you badly…” utal niya
Ipinikit
ko ang aking mga mata.
Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit hindi mawala-wala ang
awa sa puso ko?
Ayoko naman na ireject na lang siya ng ganun na lang.
paano ko
ba gagawin to?
“Please…
be with me… kahit ano gagawin ko… kahit sikreto lang… natulungan ko na naman si
Alex… maiintindihan na naman niya yun.”
“Wag
kang ganyan. Hindi ka ganyan. You are better than this Jhay.” Ang nasabi ko.
“Alam
kong mahal mo pa ako. Alam ko.”
He is seducing me.
Shit lang.
Gumagala
ngayon ang kamay niya sa katawan ko.
Unti-unti lumalapit ang mukha niya sa
mukha ko.
Pero mali na ang ginagawa niya kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon,
naitulak ko siya.
Kita
ko ang pagkagulat at dismaya niya.
Tumayo na ako at nagpaalam.
Alam ko
naguguluhan lamang siya sa nangyayari.
Alam ko ang lahat ng ito ay ginagawa
niya dahil alam niya na wala na siyang pupuntahan.
Agad
ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan si RD.
Agad naman niyang sinagot
ito.
“Hello.” Tugon niya
"asan ka?"
"Dito lang sa may canteen."
“Please..
puntahan mo si Arjay. Kailangan ka niya ngayon.” Sabi ko.
“Sige.”
Sabi niya
At
ibinaba ko yung phone.
Bumalik na ako kila mama at nalaman ko na ililipat na
siya sa isang pribadong kwarto.
Pinauwi naman niya ako dahil kailangan ko na
daw muna na magpalit ng damit.
Hindi
pa sana ako uuwi kung hindi lamang ako pinilit ni kuya.
Habang nasasakyan kami
hindi pa rin ako mapakali sa nangyari kanina.
Haixt, ang daming nangyari ngayong
araw.
Napansin ata ni kuya ang pananhimik ko.
“Tahimik
ka ngayon bayaw?” tanong ni kuya.
“Wala.
Madami lang iniisip.” Sagot ko.
“Salamat.”
Sabi niya
“Para
saan kuya?”
“Di
mo pinabayaan kapatid ko.”
“Naging
pabaya nga ako kuya eh. Napabayaan ko siya.”
“Hindi.
Wala kang kasalanan. Salamat at nanjan ka lang sa tabi ng kapatid ko.”
“Salamat.
Sorry kung naaksidente siya.”
“Okay
na naman siya eh. Kung hindi, nagkataon nalintikan ka sa akin.” Ngiti lang ang
sagot ko.
“Yung
kanina.” Sabi niya
“Anong
kanina?”
“yung
kay mama at kay tito Ralph.” Sabi ko.
Hindi
siya sumagot kaya nagtanong ulit ako.
“Ah.
Ano bang mayroon sila?” tanong ko.
“Mahabang
kwento eh. Pero sana, kung anuman iyon, wag na wag magbabago ang pakikitungo mo
sa kapatid ko. Sa tabi ka lang niya lagi anuman ang mangyari.”
“Anong
ibig sabihin mo kuya?”
“Basta.
Malalaman mo din soon.”
“Malapit
na pala ang pasko. Bakit parang hindi ko ramdam?” tanong ko sa sarili ko.
“Araw-araw
kasi Valentines sa inyo.”
“5
buwan na kami at Masaya ako. Salamat at ibinigay sa akin siya ng Panginoon.”
“Maswerte
siya sayo. Ingatan mo siya ha. Wag mong pababayaan.”
Inihatid
ako ni kuya sa bahay namin.
Agad naman akong dumeretso sa kwarto ko at inihiga
ang sarili ko sa aking kama.
Tinitigan ko ang mga braso ko.
Kita
ko ang dugo sa aking damit.
Pasalamat kay God at okay si Alex.
Yung moment na yun
kanina nung nakikita ko na nag-aagaw buhay si Alex, unang beses kong maramdaman
na gusto kong ibigay ang buhay ko para sa kanya.
Mahal
na mahal ko si Alex at handa akong ibigay ang lahat para sa kanya. Kaya kong
magsakripisyo para sa kanya.
Tumayo na ulit ako at nagbihis.
Nagimpake ng mga
gamit dahil gusto ko nandoon ako kapag nagkamalay si Alex.
Mabilis
ko namang natapos lahat ng ito at bumaba agad ako.
Nagring naman ang phone ko.
Si Jake.
“oh pre.” Sabi ko.
“Saan
ka? Nabalitaan ko ang nangyari.”
“Papunta
na ulit sa ospital. Sunod na lang kayo. Doon na lang tayo usap.”
“Okay
ka lang ba?”
“Oo
okay lang ako. Sige pre.” At ibinaba ko na yung tawag.
Pagkababa
ko, agad ko namang nakasalubong si papa.
Nainom siya ng isang basong wine.
Agad
naman niya akong tinawag at gusto niya akong makausap.
“Anak…
alam mo na ba ang nangyari kay Arjay?” tanong nito.
“Kay
Arjay po? Anong mayroon kay Arjay?” tanong ko.
“Hindi
na daw tuloy ang engagement nila ni RD.”
Kaya
siguro ganoon na lang ang ginawa sa akin ni Arjay.
Malaya na kasi siya. siguro
pinagalitan at diniktahan na naman siya ng magaling niyang ama.
“Are
you okay?” tanong niya
“Yup
pa. kaya pala parang problemado si Arjay. But still, nothing has change.” Sabi
ko.
“Sorry
for the complications anak.” Sabi ni papa.
“It’s
okay. It happens for a reason.”
“Sige
na. go ahead. I promise you aayusin ko ang lahat soon.”
“Salamat
pa.” niyakap ko siya ng mahigpit.
Umalis
na agad ako at nagmadling pumunta sa ospital.
Wala pa ring malay si Alex.
Sabi
naman ng doctor, baka 3 to 4 days pa daw bago magkamalay si Alex.
Ako
muna ang nagbantay kay Alex habang si mama naman ay pinauwi ko muna para
makapag pahinga.
Nasa tabi lamang ako ni Alex buong magdamag.
Dumating
din sila Charlene at Jake.
Sila ang sumama sa akin para hindi ako mainip.
Maya-maya, may dumating na bisita.
Hindi ko sila kilala pero kilala sila ni
Charlene.
Inintroduce siya sa akin ni Charlene.
“Kieth…
si Tita Alvira.” Sabi ni Charlene.
“Hello
po.” Bati ko.
“So
you are the new boyfriend ng anak ko.” Sabi nito.
“Anak?”
tanong ko.
“Siya
ang nanay ni Blake. Anak na ang tawag ni tita kay Alex.” Sabi ni Charlene.
“Ah
ganun po ba? Sige po upo kayo.”
“Sige
ayos lang. How is he?”
“Sabi
ng doctor po, mga ilangan araw pa po bago po siya magising.”
“he
is a strong fighter kahit kalian.” sabi nito.
“Nagugutom
po ba kayo? Nauuhaw po? Tubig po? Juice?”
“No
Im okay. Actually nagdala ako ng mga prutas. Paboritong lahat yan ni Alex.”
Sagot nito.
“Maraming
salamat po.”
“Mukhang
nakahanap itong anak ko ng isang mabait, mabuti at mapagmahal na boyfriend.”
“Ako
nga po ang nakahanap ng mga yon po.” Ang sinabi ko.
“Si
kumare?” tanong nito.
“Umuwi
lamang po saglit.”
Oo
ako na ang mabait.
Ako na ang magaling.
Paano
ba naman, itong si Alex lagi akong pinapagalitan kapag walang po kaya nasasanay
na ako.
Para lang akong bata na po ng po.
“Hindi
rin ako magtatagal. Kailangan ko ding umalis. Gusto ko lamang dalawin si Alex. Namimiss ko na siya. nakakpagtampo lang kasi di ka niya napakilala kaya
sisingilin ko siya. iho… ingatan mo siya. mahalin mo ha.” Sabi ni tita
“Opo.
Kahit hindi po ninyo sabihin mamahalin ko po siya.”
“Sige
ako ay aalis na.”
“Ingat
po kayo tita.” Sabi ni Charlene.
“Hope
mapabilis ang pag galing niya.” Ang huling sinabi niya hanggang sa lumabas na
siya ng kwarto.
"Kamusta ka?" tanong ni Charlene.
"Medyo pagod..."
"Dapat di ka na muna nagpupunta dito. Alam mo namang pagod ka, pinipilit mo pa sarili mo."
"Siyempre mahal ko si Alex..."
"Masamang damo yan."
"Alam ko."
"Pahinga din pag may time ha."
Dalawang
araw na rin ang nakakaraan pero hindi pa rin nagigising si Alex.
Finals na
naming next next week.
Inasikaso ko yung mga notes niya.
Ilang subjects na rin
ang hindi na niya kailangan mag exam.
Pang-apat
na araw na ito ni Alex mula nang mabangga siya.
hindi pa rin siya nagigising.
Galing ako sa school at naabutan ko si mama na pinupunasan si Alex.
“Hello
ma.” Bati ko.
“Ui.
Kain ka muna. Alam kong gutom ka.” Bungad agad niya.
Agad
ko namang kinuha ang plato at kumain.
“Kamusta ang babe ko po?” tanong ko.
“Wala
pa ring malay. Pero may mga good signs na. baka daw bukas magising na siya.”
“Sana
nga po. Nami-miss ko na ang kakulitan ng anak po ninyo eh.”
“Salamat
anak ha. Nagtitiyaga ka sa kanya.”
“Para
po sa kanya. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo po eh.” Sabi ko.
“Ang
swerte ng anak ko sa iyo.”
“Hindi
naman po. Nga po pala, pumunta pa rin po ba si tito Ralph dito po?” tanong ko.
“Oo.
Pero hindi rin nagtagal.” Sagot ni mama.
Matapos
kong kumain, lumapit ako kay Alex at umupo sa may tabihan niya.
Kinuha ko ang
kanyang kamay at iniligay sa aking mukha.
Hinalikan ko ito ng ilang ulit.
“Babe…
miss na kita… wala na akong kaasaran. Wala na akong kalambingan. Naiinggit na
ako sa kanila. Kalian ka ba talaga gigising? Sana naman oh. Sana lang. I love
you.” Sabi ko.
Di
ko mapigilan ang mapaluha.
Hindi ko kasing matiis na ganyan ang kalagayan niya.
“Gumising ka na. Marami ka ng utang sa akin. Marami ka ng kiss na dapat ibigay
sa akin kapag nagmulat ka.” Sabi ko.
Pinahid
ko ang luha sa aking mata.
Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang unan.
Sana lang
pagmulat ng mata ko bukas, gising na siya.
[Alex’s
POV]
Pagmulat
ng aking mata, tanging puti lamang ang nakikita ko.
puting kisame,
puting
kurtina,
puting lamesa,
puting damit
at puting… si Kieth?
Hindi
ko pa maigalaw ang katawan ko.
Feeling ko nangangalay ako sa mga panahong ito.
Tanging mga braso ko lamang ang naigalaw ko pansamantala.
Iniikot
ko ang aking mga mata at alam ko na kung nasaan ako.
Unti-unti, naramdaman ko
na nagigising si Kieth.
Ang sweet naman ng babe ko.
Magkahawak pa kami ng
kamay.
“Babe.” Pagtawag ko.
Medyo
nagigising na siya kaya nilaksan ko ang pagtawag ko.
“Babe…” at ilang sandali
lang ay nakita ko ang unti-unting pagbalik ng kanyang malay.
Nagigising na
siya.
Una
niyang nakita ang malawak kong pagkakangiti.
Kitang-kita ko naman ang katuwaan
sa kanyang mukha.
Agad niya akong niyakap at pinanggigilan ng halik.
“Teka…”
sabi ko.
“Oh
bakit? may masakit ba? Ano? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anong gusto mo? Sabihin
mo lang.”
“Easy
lang babe. Teka lang. hinay-hinay ka lang jan.”
“EH
pinagalala mo ako ng sobra.”
“Si
mama?” tanong ko.
“May
binili lang.”
May
itatanong pa sana ako ngunit nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng
kwarto at nakita kong iniluwa nito si Mr. Bautista.
(Itutuloy)
Thanks sa Update :)
ReplyDeleteSi alex pala nabangga hehe Nakoo baka si Alex naman ang pagbawalan kay keith ;(
salamat din po.. :)) abangan ang update... hahahah
DeleteI'm so right. XD
ReplyDeleteI knew it .. Si Alex nga ...
Hmmmm. get well soon kuya Lex ..
At naloka lang talaga ako kay Arjay ...
#MedyoDesperadA XD
hahahaha... hope magustuhan pa ninyo ang takbo ng storya... :))
Deletehere comes trouble...
ReplyDeleteyeah.. thanks po sa pagcomment. :))
DeleteNaman, ambilis mabaaon tong update, muntik ko nang di makita.
ReplyDeleteKala ko pa naman magkaka amnesia si Alex, saya nun :p
hehehe. :))
DeleteMalapit na pala mag 4years itong story nito hehe.. ngayon lng q nabasa.😃
ReplyDelete