Saturday, August 17, 2013

Less Than Three- Part 18

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 18

(Panalangin)




[RD’s POV]


Halos matagal-tagal na rin nung huli kong nakita si Alex. 


Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang lumayo sa kanya. 


Dahil ba kailangan o dahil ba ako ay nasasaktan?


Di ko makontrol ang sarili ko?


Bakit parang ang bilis ng lahat?


Kakaiba naman tong puso ko. 


Bumalik ata kasi ang pagtingin ko kay Alex. 


Gusto ko siyang makita lagi...


Yung makasama siya...


Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Pero bakit hindi mawala-wala ang pagtingin ko kay Arjay? 


May nakakapa pa rin naman akong pagmamahal kay Arjay kahit papaano.


Nagmamalasakit ako sa kanya at alam ko naman na todo protekta ako sa kanya. 


Ayaw ko lang na maipit siya sa kasunduan naming dalawa.


Masakit din naming Makita na kami ngang dalawa pero ang isip niya ay nasa iba. 


Kaya nga ako na ang nakipagkalas upang hindi na sila mahirapan pa.


Napaka kawawa ko naman ngayon. 


Wala akong lovelife. 


How hard for me? 


Sa gwapo kong ito, ni isa walang nagkakagusto sa akin. 


Ang saklap naman.


Hindi kaya nangungulila lang ang puso ko kaya ganito ang nararamdaman ko?


Baka ayaw ko lang mag-isa...


Natatakot ako...


natatakot ako na baka walang mag mahal sa akin...


Kukuha na sana ako ng maiinom ko sa kusina ng may marinig akong nag-uusap. 


Si tito at si papa. 


Hindi pa rin ba sila tapos sa mga business things nila about sa amin ni Arjay?


“Kumpare, di ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa iyo.” Sabi ni papa.


“No need. Alam ko na nasasakal na silang dalawa. And at the first place, alam naman natin kung ano ang katotohanan.” Sabi ni tito.


“Kung di lamang sana umalis ang kapatid nitong si RD, di sana okay kami ngayon.” Sabi ni papa


Ilang taon na rin noong umalis si Kuya sa amin. 


Nagtalo sila ni papa at wala kaming magawa. 


Fixed marriage din siya at hindi siya pumayag. 


Kaya ang nangyari, umalis siya ng bahay ng walang paalam at hindi na naming siya nakita.


Kaya nga ngayon.. ang turing nila sa akin ay unico iho...


Na ako lang mag-isa talaga...


Na ako lang ang anak nila...


Nasanay na rin naman ako....


Wala rin namang magagawa eh.


“Ayos lang yan pare, ramdam naman kita eh. Pasensya ka na sa akin.” Sabi ni tito.


“Ayos lamang yun. Ano pa la ang napunta mo dito pare? Mukhang Malabo ng magkaayos ang kasalan ng mga anak natin.”


“Di ko alam kung sadya bang tanggap ko na ang nangyayari sa mga anak natin. Di ko maintindihan ang mundo ngayon, dati rati uso ang fixed marriage sa magkaibang gender pero ngayon, nakakatuwang isipin na same sex fixed marriage ang mangyayari.”


“It’s a modern world after all. Marami na sa mundo ang nagkakaganito.”


“Pero nanghihinayang pa rin ako sa anak kong iyon. Gusto ko lang naman na mapabuti siya. alam kong si RD ang makakapagbigay ng maayos na buhay hindi yang letseng si Kieth na yan.” Sabi ni tito.


“Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ng papa ni Kieth? Halos magda-dalawang taon na rin nung mangyari iyon ah?”


“Wala akong balak makipag-ayos sa lalaking iyon.”


“I think it’s time for you to move on. hindi naman niya sinasadya yun eh.”


“Kahit na. he talk others behind me. Inaagaw niya ang sa akin.”


“Para lamang yun sa kumpanya ninyo. And the fact na past na yun sa.... alam mo na....You are working with him hanggang ngayon diba? And the worst nababalitaan ko na hindi okay ang kumpanya ninyo dahil sa alitan ninyo.”


“I cannot work alone with him.”


“Kaya nga makipag-ayos ka na kumpare.”


“Let’s just not talk about it.”


“As you wish.” Sabi ni papa


“Yung pinunta ko dito… yung sikreto ko…” sang sabi ni tito.


Aalis na sana ako kasi parang walang saysay ang pinag-uusapan nila pero nahuli ng tenga ko yung sinabi ni tito… 


ang sikreto niya.


 Nahiwagaan ako kaya naging tsismoso na ako for the first time.


“Sikreto? Sa akin? Sa akin mo sasabihin?”


“Tungkol to sa anak mo at sa gusto iyang pakasalan… si Alex…” sabi nito.


Si Alex? 


Anong mayroon kay Alex? 


Bakit kilala ni tito si Alex?


“Ah si Alex… inaanak ko yung kapatid niya. Kumare namin ang nanay niya. It’s a small world nung malaman ko na si Alex na gusto ni RD ay ang Alex na kababata niya.” Sabi ni papa.


“Magkakilala na pala kayo ng nanay ni Alex…”


“Oo. Magkapit-bahay kami noon pero lumipat silang pamilya. Wala kaming balita noon hanggang sa nabalitaan namin na namatay si Kumpare.” Sabi ni papa.


“Ilan ang anak nila?”


“Ang alam ko ay may tatlo silang anak. Si Hamilton, Si Alex at si Princess.” Sabi ni papa.


“Pare… hindi pa ako sigurado sa nalalaman ko.” Sabi ni tito.


“Bakit ano bang mayroon sa kanila?”


“May anak ako kay Marissa.” Sabi ni tito.


Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. 


May anak siya kay tita Marisa? 


Pero… paano? 


Paanong nangyari iyon?


“Pare.. teka, sigurado ka ba jan sa sinasabi mo?”


“Oo pare.”


“Pero paano? Hindi ba kayo ni Clara ay mag-asawa?”


“Akala ko noon hindi kami magkakaanak ni Clara kaya depressed na depressed ako. Hinihiling ko na sana ay biyayaan ako ng isang anak na babae o lalaki. Hanggang sa makilala ko si Marissa.” Sabi nito


“Hindi ako makapaniwala.” 


Nagsalin ng wine si papa sa kanyang baso.


“It’s been 18 years since then.” Sabi ni tito.


“Teka. 18 years ba kamo? Pero may anak pa sila, si Hamilton. Ibig sabihin pareho kayong kabit?”


“Hindi… dalaga siya. hindi ko pinaalam na may asawa ako. Niligawan ko si Marissa at niloko na wala akong asawa. Di naglaon ay sinagot niya ako at tumibay ang relasyon naming dalawa. Kay bilis nangpagkakataon dahil nagkaroon kami ng isang anak na lalaki. At si Alex yon.”


Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. 


Si Alex anak ni tito?


Ibig sabihin magkapatid sila ni Arjay? 


Pero sabi niya ay hindi sila magkaanak-anak ni Tita Clara?


“Pero si Arjay? Saan siya galing? Ampon mo lang ba siya?” tanong niya


“Hindi… anak ko siya.” sabi ni tito.


“Pero paano? Sabi mo hindi kayo magkaanak-anak ni Clara?”


“Akala ko wala na. Pero sumubok pa rin ako sa huling pagkakataon. Ilang beses naming pinaulit-ulit ni Clarang gawin yun hanggang sa magkaanak kami. Mahal ko si Clara at gusto ko siyang makitang Masaya.” Sabi ni to.


“Pero magkasing edad lamang si Alex at si Arjay.”


“Yun na nga ang problema. Halos sabay nagbuntis si Clara at Marissa. Yun ang naging problema ko dahil si Marissa ay naghahanap na ng kasal.” Ang sabi nito.


“Anong ginawa mo?”


“Wala. Hinayaan ko lamang mangyari ang lahat. Ilang buwan ang lumipas hanggang sa malaman ni Marissa na kabit lamang siya. halos magunaw ang mundo niya nang dahil sa akin. Sa isang kibit lang, nawala agad si Alex sa akin. Nawala ang anak ko.” Ang sabi nito.


“Paano si Clara? Alam ba niya?”


“OO alam niya at halos mawala na rin sila sa akin. Pero gumawa ako ng paraan. Hinayaan ko na lamang si Marissa na wala at nagfocus ako kila Clara.” Sabi nito.


“Kaya ba ganyan ka kahigpit sa anak mo?”


“Oo… alam ko. Dahil mahal na mahal ko si Arjay. Kahit na ganun ako sa anak ko, lahat naman ng dugo’t-pawis ko iniaalay ko sa kanya.” Sabi nito.


“Anong gusto mong gawin natin ngayong alam ko na ito?”


“Babawiin ko si Alex…”


“Pero pare okay na siya.. okay na siya dun sa pamilya niya.”


“Gusto kong mabigyan din ng magandang buhay si Alex. Anak ko rin siya.”


“Pero magkakagulo lamang ang pamilya ninyo?”


“Alam na ito ni Clara at sinabi ko na. ang hindi lamang niya alam ay nahanap ko na ang nawawala kong anak.”


“Pero si Arjay? Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya pagnalaman niya ito?”


“Ako na ang bahala. Magkaibigan si Arjay at si Alex kaya wala akong problema.”


Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at nagnilay-nilay. 


Pilit kong inaabsorb lahat ng nalaman ko. 


Hindi ko alam kung paano ko lulunukin lahat ng mga narinig ko.


Lalo nang magkakagulo ang lahat. 


Si Arjay at si Alex ay magkapatid. 


Paano na yan? 


Lagi na lang ba silang mag-aagawan? 


Kailangan kong makausap si tita Marissa. 


Kailangan masabihan ko siya.


Nung malaman ko na umalis na si Tito, agad naman akong nagmadaling nagbihis at umalis. 


Agad kong pinuntahan si Tita Marissa.


Pagkadating ko sa bahay nila ay agad kong naabutan ang pagtatalo ni tita Marissa at Tito Ralph. 


Agad naman silang napatigil nang Makita ako.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni tito.


“Binibisita ko lamang po si tita. Kayo po tito, anong ginagawa po ninyo dito?”


“Napadaan lamang.” 


At umalis na agad ito.


Nakita ko na nakahinga ng maluwag si tita. 


Lumibot ang mga mata ko at nagmasid. 


Hinahanap ko si Alex ngunit parang wala naman ito.


“Tita si Alex po?”


“Umalis eh. Bakit anak?”


“Wala naman po. Ano pong ginagawa dito ni tita Ralph?” tanong ko.


“Napadaan lamang siya dito.” Sagot nito.


"Magkakilala pala kayo..."


"Dati..." maikling tugon nito


“Pero bakit kayo nagtatalo?” tanong ko.


“Wala iyon. Maliit na bagay lamang yun.”


“Maliit na bagay po ba si Alex?” diretso kong tanong.


Kitang-kita ang pagkagulumihanan ni tita sa itinanong ko. 


Alam kong alam niya ang tinatanong ko. 


Tila ba nabalisa si tita sa nalaman sinabi ko.


“Anong ibig sabihin mo?”


“Tita may nalaman ako…” ang nasabi ko.


“Ano yun?” hindi mapakaling tanong nito.


“Kaano-ano ni Tito Ralph si Alex?” at kitang-kita ko na natigilan siya.


“Ha? Ah eh… si Ralph at si Alex… ah eh… Ninong… tama.. ninong ni Alex si Ralph.” Sagot nito.


“Ninong po ba talaga?”


“Oo… ninong sa binyag.” Sabi ko.


“Ninong po ba o ama?” at nakita ko ang panlulumo ni tita.


Ilaang sandali lang ay naramdaman ko ang mga hikbi ni tita. 


Lumapit ako sa kanya at sinubukan siyang patahanin. 


Pero iyak pa rin siya ng iyak. 


Kumuha ako ng tubig para may mainom siya.


“Paano mo nalaman?” tanong nito.


“Narinig ko po nung mag-usap sila ni papa.”


“Ako na ang nagmamakaawa sayo. Wag na wag mong sasabihin kay Alex… please…”


“Pero malalaman din po niya ang lahat.”


“Hindi.. hidni dapat niya malaman. Kapag nalaman niya ang lahat ay mawawala siya sa akin. Kukunin siya sa akin ni Ralph at hindi ako papayag. Ayokong mangyari iyon. Ayaw ko na mawala sa akin si Alex at kunin lamang siya ng tatay niya na wala naming kwenta.”


“Karapatan ni Alex na malaman po yon.”


“Please… ako na ang nagmamakaawa.”


Hindi ko mahindian si tita. 


Pero nakokonsenya pa rin ako sa mga nalaman ko. 


Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko iyon. 


Ikinuwento sa akin ni tita ang lahat-lahat. 


Nalaman ko ang buong katotohanan.


Tama lamang na hindi malaman ni Alex ang lahat. 


Walang karapatan si tito Ralph na kunin si Alex kay tita. 


Pero may part pa rin sa aking isip na dapat malaman niya pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon.


Ilang minuto lang din, nagring ang phone ko. 


Galing kay Arjay. 


Anong mayroon?


“Hello.” Sagot ko.


Namutla ako sa narinig ko mula kay Arjay.


[Alex’s POV]


Kanina pa ako gising at kanina ko pa tinititigan si Kieth sa aking mga braso. 


Para siyang bata kung matulog. 


Ang himbing ng tulog niya at ang higpit ng pagkakaykap niya. 


Ayaw ko naman na magising siya ng dahil sa pagbangon ko.


I am so inlove right now. 


Okay na ako ngayon. 


Okay na sa akin ang lahat. 


Nagpapasalamat ako sa buhay na mayroon ako ngayon. 


Salamat at biniyayaan ako ng ganitong pagkakataon.


Di ko mapigilan ang halikan ang kanyang mukha. 


Sa gwapo niyang yan, sino ba ang hindi hahalikan siya. 


tapos ang macho macho pa. 


mas gwapo at macho naman ako dito hahaha.


“I love you…” ang nautal ko na lang at napatingin ako sa kisame.


“I love you too.” Narinig ko na salita niya.


Tinitigan ko siya pero tulog lang siya. 


baka nananginip. 


Maya-maya gumalaw ang kamay niya at naramdaman ko ito sa aking binti, pataas hanggang sa may bewang ko. 


Mukhang nagtutulog-tulugan ito.


Kinurot ko siya kaya nagising na siya ng tuluyan. 


“Aray ah!” sabi niya


“Makapanantsing ka sa akin.”


“Ihhh.” 


Tapos yumapos siya ulit.


“Kanina ka pa pala gising di man lang nagsasalita.”


“Gusto ko yung ginagawa mo eh. Minamasdan ako. Tapos pinagnanasaan.” Sabi niya


“Ewan ko sayo. Hala bangon ka na nga jan.” sabi ko.


“Gutom na ako.” Sabi niya


“tara. Mukhang naghanda ng breakfast si mama.”


“Ikaw ang breakfast ko.” Sabi niya


“Hey!” sabi ko.


“Dali naaaaa.” Then puppy eyes.


“You want me?” tanong ko.


“Seriously.”


“Then get me. Hahaha.” At nagtatakbo ako pababa.


Kitang-kita ko ang poker face nila mama sa akin pagbaba ko. 


Si kuya naman nakangiting aso lang sa akin. Hahahah.


“Kain na kayo” sabi ni mama.


“Ang bango naman.” Sabi ni Kieth.


“Buti pa tong si Kieth na-appreciate ang luto ko.” Sabi ni mama.


“Naku ma nagpapa good shot lang yan.” Sabi ni kuya.


“Hindi ah. Di ko na kailangan yun.” Sabi ni Kieth.


“Nga pala Kieth, mamaya magtampo na mama mo dahil dito ka na halos tumira.” Sabi ni mama.


“Hindi naman po.”


“Naku, daig ninyo pa ang magkalive in. magpakasal na nga kayong dalawa.” Sabi ni kuya.


“Eksena mo kuya. Hili ka lang kasi wala ka pang girlfriend.” Sabi ko.


“Madaming nagkakagusto sa akin. Hindi ko kailangan magmadali.”


“Kamusta ba kayo ni ate?” tanong ni Kieth.


“Tsss.” Si kuya


“Aysus. Luma-lovelife.” Ako


“Shut up.” Sabi nito.


Tinapos na namin ang pagkain. 


Ako na rin ang nagligpit habang si Kieth naman ay nakikipaglaro kay kuya ng Xbox. 


Si mama naman ang nag-imis ng pinagkainan.


“Anak.” Sabi bigla ni mama.


“Po?”


“Kamusta kayo ni Kieth?”


“Okay naman po. Heto po, wala naming problema. Hindi naman po kami nagaaway. May konting tampuhan pero ayos lang po yun. Natural lamang naman po yun sa mag kasintahan.” Sagot ko.


“Masaya ako para sayo.”


“Salamat po. Masaya din po ako na tanggap po ninyo ang lahat.”


“Alam mo anak, noong una lang naman ako nabigla. Ramdam ko naman talaga na ganyan ka eh mula pa noong bata ka.”


“Pero hinayaan lamang po ninyo ako.”


“Oo anak. Kasi alam ko na jan ka Masaya.”


“Kayo ni papa…” bigla kong naitananong.


“Anong tungkol sa papa mo?”


“Alam po ba niya tulad ninyo?”


“Oo alam niya. Siya pa ang nagkumbinse sa akin na pabayaan ka na lang.”


“Bakit daw po?”


“Ganun ka kamahal ng papa mo. Ikaw ata ang apple of the eye niya.” Sabi nito.


Nakakita ko ng lungkot sa mata ni mama. 


Siguro namimiss na niya si papa. 


“Ma…” sabi ko.


“Ano yun anak?”


“I love you…” at nakita kong ngumiti siya.


“Salamat ma sa lahat. Maraming-maraming salamat.”


“Basta magbehave ka, ayos na sa akin yun.”


“Ako pa ba ma?” at nagtawanan kami.


Matapos kong magligpit, lumabas ako ng garden at umupo sa tabi ni Kieth. 


Medyo malalim ang iniisip niya kaya nilapitan ko agad siya.


“Babe… malalim ata iniisip mo?” tanong ko.


“ah wala ito.” Sabi niya


“Paanong wala eh sobrang lalim ng pagkakatulala mo diyan.”


“Dito ka nga.”


Pinatabi niya ako sa kinauupuan niya. 


Inakbayan niya ako at niyakap ko naman siya. nagsalita siya agad.


“Iniisip ko lang yung pag-uusapan ninyo ni Arjay.” Sabi nito.


Nanahimik ako bigla. 


Napaisip din ako kung ano ba ang pag-uusapan naming dalawa. 


“Wag ka na kayang sumama.” Sabi ko.


“Gusto ko kasama mo ako.”


“Pero…”


“Di naman ako makikipag-usap sa kanya diba? gusto lang kitang bantayan.”


“Hindi naman ako mapapahamak. Wala naman sigurong gagawin si Arjay na masama.”


“Alam ko. Pero gusto ko lagi akong nasa tabi mo.”


“You are so sweet.” Sabi ko.


“I love you kasi kaya sweet ako.”


“Thanks.” 


Tapos kiniss ko siya sa lips niya.


“Nag-uusap pa ba kayong dalawa?” tanong ko.


“Nope… since nung nagkabalikan tayo, ngitian na lang kaming dalawa. Ni hindi niya ako tinetext or mine-message.” Sagot niya


“Namimiss mo ba siya?”


“Di ko alam. Pero nag-aalala ako sa kanya.”


“Try mo kasing kausapin siya if may time kayo.”


“Pero ikaw inaaalala ko.”


“I’ll understand. Ayaw kitang ipagdamot sa kanya. After all may tiwala ako sayo.”


“Really?”


“Yup. Di ako magseselos promise.”


“Sure?”


“Yup.”


“Wag na. no need na.”


“You need this. Kaw talaga. After naming mag-usap mamaya kayo naman ang mag-usap ha.” Sabi nito.


“Sige po.” Sagot niya


Mga 9 am naligo at nagbihis na kami ni Kieth. 


Daig pa talaga niya ang naglayas dahil halos lahat ng damit niya ay dala na niya. 


Kulang na nga lang na bumili kami ng closet para sa kanya eh.


“Tara na?” yaya niya


“Yup.” Sabi ko.


Bumaba na kami at nagpaalam na ako kay mama. 


“Ma… aalis na po kami.” Sabi ko.


“Ingat kayong dalawa ha.”


“Opo.” Sabi naming dalawa.


20 minuto bago kami makarating sa lugar na iyon. 


Tinawagan ko si Arjay at sumagot naman agad ito. 


“Hello.”


“Arjay, si Alex ito. Nasaan ka na” tanong ko.


“Kadarating ko lang. ikaw ba?”


“Kadarating lang din namin. Saan ba?”


“Kasama mo pala si Kieth.”


“Yup. Sorry.”


“Ayos lang. sige sa may park na lang.” sabi nito.


“Babe, dun lang kami sa may park.” Sabi ko.


“Sige dito na lang muna ako. Bibili ako pagkain natin.” Sabi ko.


“Sure.” I kissed and hugged him.


“I love you.” Sabi niya


“I love you too. Less than three.” Sabi ko.


“Sweet.” Sabi niya ulit.


Naglakad naman agad ako papunta sa may park. 


Marami akong batang nakita na naglalaro doon. 


Hanggang sa Makita ko si Arjay. 


Nakangiti ito at nakatayo sa aking harapan.


[Arjay’s POV]


Nakita ko na papalapit na sa akin si Alex. 


Binigyan ko naman siya ng isang ngiti. 


Ilang sandali lang din ay nakalapit na siya sa akin. 


Kinamusta niya agad ako.


“Hello. Kamusta?” sabi niya


“Eto buhay pa. Okay lang.” tugon ko.


“Mabuti naman.” 


Umupo siya sa may swing.


“Kamusta kayo?” tanong ko.


“We are doing great.” Sagot niya.


“Good. Congrats.”


“Kayo ni RD?”


“Were not fine. Magulo kami pero di na tuloy ang kasal naming.”


“Why?”


“May mahal daw siyang iba.”


“Pero sabi niya sa akin ikaw ang mahal niya.”


“I think di na.”


“Sorry for that.” Sabi niya


“Thank you pala.”


“Para saan?” tanong niya


“Dahil pinagbigyan mo ako.”


“Gusto ko na rin naman na makausap ka. Gusto ko din kasi na ayusin ang lahat.” Sabi ko.


“Gusto kitang diretsuhin.” Sabi ko.


“Go ahead.”


“Naiinis ako sayo dahil ikaw ay ikaw. Galit ako sayo dahil ang nag-iisang lalaking mahal ko ay nasa iyo. Daig ko pa ang inagawan ng mundo. Una si Kieth, nagyon si RD.” ang sabi ko.


“Si RD?”

“Ikaw ang dahilan kung bakit siya umtras. Sa akin walang kaso yun pero lahat na lang sila na punta sa yo.”


“Hindi ko alam ang sinasabi mo.”


“Mahal ka ni RD.” sabi ko.


“Pero matagal na yun. Ikaw ang mahal niya ngayon.”


“Wala akong pakialam. Gusto ko lang ilabas lahat ng nasa saloob ko. Nakakinis kasi. Daig ko pa ang pinagsakluban ng mundo. Pilit kong tinatanong sa sarili ko, ano bang meron ka na wala ako? Ano bang meron ka at nagagawa mong pasiyahin si Kieth ng ganun? Ano bang meron ka kaya lahat ng meron ako ay napunta sayo?” umiiyak na ako.


“Wala naman akong ginagawa eh. Sorry kung yan ang pakiramdam mo sa akin.”


“You don’t need to say sorry. Binalak ko na paghiwalayin kayo ni Kieth. Sorry for that. Desperado na talaga ako na maibaliik sa akin si Kieth. Pero the moment na Makita ko kung paano ka niya ipaglaban, nasaktan ako. Nawalan ako ng lakas ng loob. Naiinggit ako sayo sa totoo lang. inggit na inggit ako dahil ang taong mahal ko ay in love na in love sayo. Ano bang gayuma ang ginamit mo at ganyan na lang nahuhumaling si Kieth sa yo?”


“Alam ko mahirap tanggapin pero you need to move on. sorry kung inagaw ko yung mahal mo. Alam ko bago pa lang kami at ako ang dahilan kung bakit naudlot pa lalo ang pagmamahalan ninyo. Gusto ko lang din nama ang sumaya. Gusto ko rin na makalimutan ang lahat ng sakit na naranasan ko. Si Kieth lang ang nakapagpapawi nang lahat ng iyon. Simula ng mamatay si Blake, umasa na ako na wala ng dahilan pa para sumaya ako. Akala ko nawawalan na ako ng dahilan para tumawa pa, magmahal pa nga to be exactly. Pero dumating si Kieth, ginawa niya ang lahat para subukin na mapasaya ako.”


“Nalaman ko nga na namatay ang boyfriend mo dati sa isang accident. Sorry for that. Gusto ko lang makipag-usap sayo para mawala na lahat ng galit sa puso ko. Please lang, alagaan mo si Kieth. Wag na wag mong hahayaan na masaktan si Kieth. Mangako ka sa akin.”


“I promise” sabi niya


“Di ko alam kung ano ang nakita sayo ni Kieth kung bakit ka niya ipinagpalit sa akin. Nagtatanong ako, bakit nga ba?”


“Di ko rin alam kung paano but it happen so fast.” Sagot niya


“Kamusta siya?”


“He’s great. Medyo okay na sila ng papa niya. More focuse na rin sa studies at nagsisimula na siyang mag ayos para sa business nila.”


“He is now matured. You changed him a lot.”


“No I don’t change him, cause everything na nasa kanya tanggap ko at wala akong balak baguhin.”


“Siguro sabihin ko na lang na nag improve siya.”


“better.” Sabi niya


“I will start my life again.”


“Good.” Sabi nito.


“God Bless sa inyong dalawa. Sorry again.”


“Wait.”


“Ano yun.”


“Mag-usap muna kayo ni Kieth.” Sabi niya


“Nope. Di na kailangan. Sapat na ito para sa akin.”


“Gusto ka niyang makausap. Nag-aalala din siya para sayo.”


“Now I know, kaya ka minahal ni Kieth kasi you have the biggest heart from all.”


“Nah. Hindi ah.”


“Hindi na muna siguro sa ngayon.” Sabi nito.


“Kailan pa?”


“Kapag ready na ako at nakamove on na ako.”


“Sigurado ka ba? Pero sabik na sabik siya na makausap ka.”


Naluha ako bigla sa sinabi niya. 


My heart beat so fast. 


Kailangan ko to, malayo sa kanya.


“Just say my regards to him. Saka na lang kami mag usap kamo.”


“Sige kung yan ang gusto mo. Looking forward for that day.”


“Aalis na ako.”


“Mag-iingat ka ha. Paki-regards mo ako kila tito at tita.” Sabi nito.


“Ingat din kayo. Salamat.” Ang huli kong sinabi bago ako tumayo at naglakad papalayo.


Ang sarap sa pikiramdam na nasabi mo na ang lahat ng sama ng loob mo. 


Ang saya kasi kahit papaano ay nabawasan ang dalahin ko sa puso ko.


Papatawid na ako pero nakatulala pa rin ako. 


My heart tell me to let go at handa na ako. 


Naglalakad an ako para makapunta sa sakayan ng bigla bumusina ang kotse at agad akong nagising. 


Muntikan pa nga akong mabangga.


Nang makaliban na ako, tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang papalayong si Alex. 


Minasdan ko siya habang naglalakad palayo ng bigla-bigla ay tumakbo siya.


Siguro ay miss na talaga niya si Kieth agad-agad kaya nagtatakbo na siya. 


tatalikod na ako ng may Makita akong bata na papatawid sa kalsada ng park na pinuntahan ko.


Natigilan ako ng bahagya ngunit naigalaw ko rin ang aking mga paa kaagad. 


Nagtatakbo ako papunta doon upang sagipin ang bata. 


May kotse kasi na paparating at biglaan ang pagtakbo ng bata.



Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo kahit na alam ko na wala akong magagwa para sagipin siya. pero kahit na, at least nag try ako.


Maya-maya nakarinig ako ng sigawan at hudyat na nabunggo ang bata. 


Agad kong binilisan ang takbo at naki-usyoso sa kanila.


 Hinawi ko ang tao at nakita ko ang bata na nakaupo sa may kalsada.


Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko iyon. 


Gasgas lamang ang natamo niya. 


Pero nagtataka ako kung bakit nagkakagulo pa rin. 


Lumapit ako sa bata at tinanong siya.


Umiiyak pa ito at hindi makapag salita. 


Pinatahan ko naman siya at pinahid ang mga luha. 


“Kamusta ka?” tanong ko.


“Okay naman… po. Huhuhu.”


“Anong masakit? Sabihin mo lang…”


Tinuro niya yung braso niya. 


“Nasaan ang mga magulang mo?”


Di siya sumagot pero nakatingin siya sa tumpok ng tao. 


“Sa susunod liliban ka ng ayos ha.”



“Yung lalaki… yung lalaki…huhuhu.” Iyak nito.


(Itutuloy)

10 comments:

  1. Whaa, wawa naman si Arjay.

    Mga ilang chapters ba to Dylan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko pa masabi... afterall di ko pa po siya tapos isulat.. heheheh

      Delete
  2. nasagasaan si keith at nagka amnesia hahaha.. :)


    -mans-

    ReplyDelete
  3. Awtss Feeling ko din si kieth yung nabangga ;( nakakaexcite naman yung nxt chapter rawr! hehe

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaah! excited na ako sa next chapter! can't wait!! :)))) -supahjampong

    ReplyDelete