Saturday, August 31, 2013

Less Than Three- Part 22

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 22

(Bond)





[Arjay’s POV]


Gusto kong kamustahin si Alex kaya nagdesisyon ako na pumunta sa bahay nila. 



Wala na rin naman akong ginagawa kundi magmukmok kaya naisipan ko na rin gawin ito.


Paalis na ako nang malaman ko na wala pala si papa. 


Mukhang may business na namang ginagawa si papa. Ano pa nga ba ang nagbago?


Hindi na ako nagpaalam kay mama dahil alam ko na hindi niya ako papayagan na umalis.


Habang nasa byahe ako papunta sa kanila, hindi ko maiwasan ang mag-isip kung ano nga ba ang sasabihin ko. 


Magpapakitang tao na naman ba ako? 


Oo hanggang ngayon hindi ko pa rin malunok ang katotohanan na wala na sa akin si Kieth. 


Hindi ko matanggap na hanggang ngayon sila ng dalawa.


30 minuto nang makarating ako sa bahay nila. 


Kapansin-pansin ang kotse ni papa sa harapan ng bahay nila. 


Nagtanong na rin ako kay RD kung saan nga ba ang bahay nila Alex upang makapunta ako ng ayos.


Napaisip ako kung ano nga ba ang ginagawa ni papa sa kanila. 


Hanggang sa makarinig ako ng mga sigawan. 


Di rin naman kalayuan ay natanaw ko si RD na papalapit. 


Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


“nag-aalala kasi ako sayo. Baka kako kung ano na ang mangyari sayo mamaya mapahamak ka pa kasalanan ko pa pagnagkataon.” Sagot nito.


Di rin nagtagal ay nakarinig na ako ng sigawan na labis kong ikinagulat. 


Pinigilan niya akong lumapit pero nagpumilit pa rin ako. 


Pumwesto ako sa likuran ng sasakyan nila. 


Maraming kapit-bahay ngayon ang nakatingin sa kaguluhan.


“Anak kita. Alex anak kita…”


“Pasensya na ho ah pero mali talaga kayo ng inaakala. Umalis na po kayo…”


“Tito umalis na po kayo.” Sabi ni kieth.


“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ako tinatanggap ng anak ko.”


“Nagkakamali po talaga kayo. Si Arjay ang anak ninyo. Siya po! Nagka-amnesia po ba kayo? Umalis na po kayo.”


“Anak ko kayo pareho! Itanong mo pa sa mama mo!”


“Ma?”


Anak?


Si Alex?


Kapatid ko?


Pero...


Hindi....


Hindi ako papayag....


Hindi ko kaya....


Yung kaagaw ko sa lahat ng bagay.....


Kapatid ko? Shet!


Di ko na napigilan pa na lumapit doon at makisalo. 


Hinawakan ako sa braso ni RD pero di ko inalintana ito. 


Agad naman akong nagsalita ng Makita ko ang sitwasyon.


“Anak? Anak mo rin pa si Alex?”


Lahat sila napatingin sa kinaroroonanan ko. 


Nanlaki ang mga mata ni papa at nagulat ng makita niya ako. 


Di maipinta naman ang mukha ni papa sa nangyaring paghaharap.


“Anak.. anong ginagawa mo dito?”


“Sagutin mo ako pa.. please.. sagutin mo ako!”


“Arjay… iuwi mo na ang papa mo.” Sabat ni Alex.


“Wag kang sumabat may tinatanong pa ako!” sumigaw na ulit ako.


“Oo anak ko siya. kapatid mo siya!”


At parang sa puntong iyon, gumuho ang mundo ko. 


Nagkatinginan kami ni Alex at hindi naming alam kung ano ba ang dapat naming sabihibn sa isa’t-isa. 


Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang harapin.


“Hindi totoo yan!” Sabi ni Alex.


“Totoo yan… anak kita… dugo’t laman kita!” sabi ni papa.


Lumapit siya kay Alex at niyakap ito. 


Nakaramdam ako ng inggit, ni minsan bilang ko lang ang panahon na niyakap ako ni papa pero heto siya ngayon at buong-buo niyang niyayakap ang sinasabi niyang anak niya.


“Arjay tara na…” yaya ni RD.


Tumulo ang luha ko sa puntong makita ko na masaya si papa. 


Naiinggit ako. 


Bakit ba lahat na lang ng bagay ay kailangan kahati ko siya. 


Lahat na lang ata kinuha niya sa akin.


Lumapit ako sa kanila at sinuntok ko si Alex. 


Agad namang inawat kami ni RD at ni Kieth. 


Agad naman akong sinampal ni papa sa ginawa ko kay Alex.


“Ano bang ginagawa mo?!” sigaw ni papa


“Siya pa rin pa? Siya pa rin?!” sagot ko.


“Hindi mo kailangang suntukin ang kapatid mo! Kapatid mo siya kaya dapat minamahal mo kapatid mo.”


“Hindi ko matatanggap na kapatid ko si Alex. Hindi!” at umalis na ako sa lugar na iyon.


Gusto kong makawala sa lugar na iyon. 


Nagpadala ako kay RD sa lugar na tahimik at tanging kaming dalawa lang ang tao. 


Dinala niya ako sa Wooden Park. 


Konti lang ang tao pero solo naming ang lugar na kinaroroonan naming.


“Eto panyo.” Alok niya.


“Salamat.”


“Dapat hindi mo na ginawa yun.”


“Alam ko yan ang sasabihin mo.”


“Hindi sa bias ako pero nakagulo lang yung mga bagay na iyon. Dapat umalis ka na lang doon kung hindi mo nakayanan yung pressure.”


May tama naman siya eh. 


May mga nasabi tuloy akong hindi tama. 


Ayoko munang umuwi ng bahay kaya magpapasama ako kay RD dito ng hindi ganun katagalan.


“Dito muna tayo… pwede ba?”


“Sure… dito lang ako. Sasamahan kita.”


“Alam ko naman na si Alex ang gust…”


“Shhh…” at niyakap niya ako


I can feel the comfort and safety. 


Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. 


Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko.


“Ilabas mo lang yan.. makakatulong yan para maalis ang sama ng loob mo.”


“Bakit sa lahat pa ng tao… si Alex pa? bakit lagi na lang siya?”


“May dahilan ang Diyos sa lahat ng ito.’


“Ano pa ba ang hindi ko alam ha? Ano pa? baka naman…”


“Anong nasa isip mo?”


“Hindi kaya ampon lang ako? At si Alex ang tunay na anak? Hindi kaya, kaya tuwang-tuwa si papa ay dahil nahanap na niya ang tunay niyang anak? Anong gagawin ko RD? anong gagawin ko? Paalisin na ba nila ako sa bahay? Anong gagawin ko?!”


“Shhh. Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi naman siguro ganyan. Hintayin mo lang ang explanation ng mga magulang mo.”


“Si mama kaya alam ito? Naguguluhan ako sa nangyayari.”


Biglang nag ring ang cellphone ko at nakita ko na si mama ang nasagot. 


Napatingin ako kay RD at tinatantya kung sasagutin ko ba ito o hindi.


“Sagutin mo na. mas maliliwanagan ka.” Sabi niya


Sinagot ko ang phone. 


“Hello… ma…”


“anak nasaan ka ngayon? Ang sabi ng papa mo bigla kang umalis? Nag-aalala ako sayo.”


“Ma alam mo ba ang lahat?”


“Umuwi ka na dito anak… please…”


“Ibig sabihin alam mo nga…”


“Ipapaliwanag ko ang lahat sayo… please…umuwi ka na..”


“I’ll be back there before supper.”


“Sinong kasama mo anak?”


“Si RD po.”


“Gusto ko siyang makausap.”


“Sige po.”


Ibinigay ko ang phone kay RD. 


“Hello po… opo… sige po.. ako naman po kasama niya… hindi ko po siya pabbayaan. Ako po ang maghahatid sa kanya… sige po.. ako na po ang bahala…” at ibinaba niya ang tawag.


“Saan mo gustong pumunta?”


“kahit saan… yung lugar na pansamantalang makakalimutan ko ang lahat…”


[Alex’s POV]


Pumasok kami sa loob ng bahay at doon itinuloy ang pag-uusap. 


Nakakaabala na kami sa mga kapit-bahay at kami na ang pugad ng usapan. 


Agad ko naman silang kinausap.


“Magsalita kayo… gusto kong malaman ang katotohanan!”


“Anak ka namin ng mama mo…” sabi ni tito Ralph.


“Alangan namang anak ako ng kapit bahay namin!” sagot ko.


Nawala na ako sa tamang pag-iisip. Napalitan na ng galit ang utak ko.


Bigla namang natawa si kuya at si Kieth. 


“Anak… sasabihin ko rin naman sayo ang katotohanan... naunahan lang ako ng pagkakataon…”


“Ibig sabihin ma… totoo ang sinasabi ni tito Ralph…?”


“anak, papa na lang itawag mo sa akin…”


Hindi ko siya pinansin.


 “Babe… sasabihin naman talaga ni mama yun eh kaso inalala ka lang niya…”


“Alam mo ang lahat babe?”


“oo.. nalaman ko lang nung isang araw…”


“Nagsinungaling ka sa akin…”


“Hindi ako nagsinungaling…”


“Mag-uusap tayo mamaya.”


“wag kang magalit kay Kieth anak.. ako ang dahilan kung bakit siya nagsinungaling at naglihim sayo…”


“Pero ma bakit? Bakit ngayon lang? ako lang ba? Si bunso? Si kuya? Ano?”


“Anak ang kuya mo sa unang asawa ng papa mo… at kapatid mo sa akin si bunso…” sagot ni mama.


“Anak… kay tagal kitang hinanap…”


“Hindi… hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ma…”


“Anak… hindi ko sinasadya ang nangyari dati…”


“Ma ano ba ang nangyari?”


“Niloko ako ng tatay mo. Nagmukha lang akong isang kabit sa kanya. Ginamit niya ako para magkaanak. Ang hindi ko alam ay isa na pala akong kabit dahil kasal siya sa nanay ni Arjay. Umalis ako at lumayo dahil ayokong maging anak ka sa labas. Dumating ang papa mo at pinanagutan niya ako. Kinasal kami at ginamit niya ang pangalan niya para ibigay sayo.” Kwento ni mama.


“Hanggang ngayon din pala manloloko kayo…” ang nautal ko.


“Anak nagawa ko lang yun dahil gusto kong magkaanak.”


“Makasarili kayo! Wala na kayong ginawang maganda!”


“Anak patawarin mo ako… handa naman akong bumawi eh..”


“Babawi? Ngayon pa? ginulo lang ninyo ang buhay ko! Okay na naman kami na wala ka eh. At ayokong may taong magdidikta sa kung ano ang gusto ko…”


“Ginagawa ko lang yun para mapabuti ang kalagayan ninyo..”


“Mapabuti? Pero ano ang nangyari kay Arjay? Bakit tito Ralph, balak rin ninyo kaming paghiwalayin ni Kieth?”


“Hindi siya mabuti para sayo. Masamang impluwensya ang pamilya niya.”


“Hindi ninyo alam ang sinasabi ninyo! Lagi na lang kayong nagdedesisyon sa kung ano ang gusto ninyo. Oo, tama nga, pero alam ninyo ba na sa ginagawa ninyo eh gumugulo lang ang buhay naming lahat?. Hinding-hindi ako papayag na pumasok kayo sa buhay ko. Hinding-hindi ko kayo matatanggap bilang ama ko!”


Nakita ko ang pagtulo ng luha ni tito Ralph at sa second thought, nakaramdam ako ng awa. 


Pero hindi dapat. 


Ayokong gumulo ang buhay ko.


“tama na nananjan si Arjay bilang anak ninyo. Hinding-hindi rin naman ako matatanggap ni Arjay bilang isang kapatid. Magugulo lang ang buhay ninyo.”


“Anak aayusin ko ang lahat…”


“Umalis na po kayo dito…”


“anak…”


“UMALIS NA KAYO!” at walang nagawa si tito Ralph kundi ang umalis ng aming bahay.


Unang beses akong nakaramdam ng ganitong galit. 


Unang beses lang. 


matapos umalis ni tito Ralph ay hinarap ko si mama.


“bakit kayo nagsinungaling sa akin ma?”


“Alam ko kasing mas makakabuti sa iyo na hindi malaman ang sagot…’


“Okay lang po sana ma na malaman ko na hindi ako anak ni papa… ayos lang din na hindi ko malaman kung sino ang baboy na lalaki na nag-iwan sa inyo.. ang hindi ko lang matanggap ma na ang pagkatao ko pala ay puro kasinungalingan…”


“Patawarin mo ako anak… alam kong mali pero ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Alam kong mali kaya humihingi ako ng tawad anak..”


“Ma don’t… alam kong ginawa ninyo lang po to para sa akin…”


“Salamat anak…”


“May hindi pa ba ako nalalaman?”


“Wala na. yun lang anak…”


“Ma… sorry… sorry… di ko alam ang dapat kong isipin… bigyan lang po ninyo ako ng panahon para maintake lahat-lahat… I will be good in no time…” sabi ko.


“Anak wag kang magagalit kay Kieth…”


Tumingin ako agad kay Kieth at umakyat ako sa taas. 


Sumunod siya sa akin. 


Sinarado ko agad ang pinto nang makapasok kaming dalawa.


Agad ko namang binuhay ang air conditioner para makaramdam ng konting lamig ng ulo. 


Umupo siya sa kama habang ako naman ay nakatayo malapit sa air con.


“Sorry.”


“Akala ko ba walang lihiman?”


“Alam ko pero hindi ko mapigilan. Nagmakaawa sa akin si mama.”


“Pero alam mo ang tama at mali.”


“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko… sigurado akong maiintindihan mo…”


“Kahit na… feeling ko pinaglaruan ako…”


“Prinotektahan ka lang ng mama. Bilib nga ako kay mama kasi nagawa niyang dalhin ang lahat-lahat.”


“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin…”


“Halika nga dito…” lumapit siya sa akin at niyakap ako. 


“Kung ako sayo… dapat hayaan mo ang sarili mo na intindihin ang sitwasyon…”


“Mahirap naman kasi eh…”


“Pero subukan mo…”


“Paano…”


“Nasa sa iyo yun… hindi naman kita painagmamadali… maraming oras… pero wag masyadong matagal.. alam ko nashock ka at wala pa sa tama yang pag-iisip mo sa mga nalaman mo…”


“Sorry sa inasta ko.” Sabi ko.


“Okay lang naiintindihan kita…”


“Pero si Arjay… feeling ko hinding-hindi niya matatanggap.”


“Mahihirapan yun sa kanya kasi super burden na sa kanya.”


“Una inagaw na kita sa kanya… ngayon naman papa niya ang inaagaw ko.”


“Wala kang inaagaw mahal ko. Wag kang mag-isip ng ganyan.”


“Pero..”


“shhh.. I’m yours… All yours… ako ang lumapit sayo.. at si tito Ralph ang lumapit sayo…”


Nagtagpo ang mga labi naming at nahiga kami sa kama. 


Kay tagal na rin simula ng halikan ako ng ganito ka passionate ni Kieth. 


His the only one that can make me calm.


“I love you…” he say it with love.


“I love you too.. thanks you so much for everything.”


Muli niya akong hinalikan. 


Hindi ko agad namalayan ang mga ginagawa niya.


Nahuhulog ako sa kanyang ginagawa.


Naging mapusok ang mga halik niya sa akin. 


Pababa ng aking mukha hanggang sa mapunta siya sa aking leeg. 


Napapakagat na lang ako sa aking labi.


Am I ready enough for the moment like this. 


Unti-unti na niya hinuhubad kung ano man ang mayroon siya. 


hanggang ngayon wala pa rin akong idea sa istura kung anuman ang nakatago sa kanya ngayon.


Nakangiti siya sa akin na lumapit.


He was so sexy as ever at wala na akong masasabi pa.


“Kay tagal ko tong hinintay…”


“Kinakabahan ako…”


“Ako ang bahala sayo…”


“Waaaah… di ko alam ang dapat kong iasta…”


“Wala kang dapat gawin.. ako ang bahala… ako ang may experience sa ating dalawa kaya stay put…”


“pero…”


“shhhh… I’m happy that you are a virgin.” Sabi nito.


“Loko ka…”


At bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. 


His hands are entering with my only clothes I’m wearing. 


Napapaigtad naman ako dahil sa kiliti at sensasyong aking nararamdaman.


Shit. Bumaba ang kanyang mga labi sa aking katawan. 


Sa aking dibdib hanggang sa aking pusod. 


Eto na… 


eto na.


“Bakit feeling ko para kang kakatayin jan?”


“Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko ngayon…”


“Sabihin mo lang kung ayaw mo… di kita pipilitin… pero di ko na mapipigilan pe eh…”


“Nagtanong ka pa sa akin…”


Bigla siyang bumalik sa mga labi ako at kinuha niya ang aking kamay. 


Kahit malamig ay nakaramdam ako ng init at tagaktak ng pawis. 


Woooah.


“Touch mine…” he’s so naughty as ever.


Pumikit ako at dinala niya ang kamay ko papunta sa kanya. 


Ipinasok niya ito sa tanging saplot na suot niya at naramdaman ko ang buhay na bagay na gumagalaw doon.


Naramdaman ko ang mga buntong hininga ni Kieth. 


Dahan-dahan niya ipinahawak sa akin kung anuman ang mayroon sa saplot na iyon.


Natigilan ako sa nakapa ko at napatingin sa kanya. 


Napangiti na lamang siya. agad ko namang tinanggal ito at tumayo. 


Namumula ako ngayon.


“Anong problema? Hindi ka ba nasatisfy? Hindi ba malaki? Anong problema?” sunod-sunod niyang tanong.


“Ah eh…. Loko ka… malaki nga yan… kaya ako natakot bigla…”


Lumapit siya at niyakap ako.


 “Anong problema?”


“baka hindi ko kaya…”


“I will be careful naman eh…”


“Eh kahit na….”


“Psssh….”


Niyakap niya ulit ako at inihiga sa kama.


 “Wag mo na akong bitinin mahal ko…”


“Promise me…”


“Promise… I will be more careful at hindi hahayaan ang sarili na maexcite at panggigilan ka…”


“Loko to.”


At kinindatan niya ako. 


Nasa punto na na huhubarin na niya ang tanging saplot ko nang biglang magring ang phone niya. 


Natigilan siya ng bahagya.


"Shit naman."


"Sagutin mo na."


“1 minute…” sabi niya


“Sure…” sabi ko.


Kumuha ako ng kumot at tinaklob ko ito sa akin habang tinitignan siya. 


bumababa ang tingin ko sa nakaumbok sa kanyang harapan. 


I can’t belive that he has a monster in his body.


Napapalunok ako sa kung ano ang gagawin ko. 


Habang may kausap siya sa phone ay kinundisyon ko na ang sarili ko. 


Ano nga ba yung mga napapanood ko sa mga movies? 


Yan kasi eh, tagal na noong huli ako nanood ng mga rated spg na yan eh.


“Okay ate sige…” ang narinig k okay Kieth saka siya nagsimulang magbihis.


Tapos na? 


oh my? 


Wala ng kasunod yun? 


Bakit siya nagbibihis?


 “Babe… need ko bumalik ng bahay.. may emergency.”


“Okay…”


“Sorry nabitin ka.. pero I promise… next time will be the time that you will be mine…” at lumabas na siya ng kwarto.


Naiwan naman ako doon na natulala eh. 


Bakit kasi nagpakipot pa ako?


Maarte ba ako? Tsss


 Yun nay un eh. 


Pagkain na naging bato pa. 


susot. 


Agad naman akong nagbihis. 


Wala naman akong magagwa eh.


Biglang bumalik laht ng mga alalahanin ko.


Pero he manages to distract me from thinking about what happen a while ago. 


Im happy na gumawa siya ng paraan na kung saan magbebenefit din siya.


Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na makatulog ang aking diwa. 


Kailangan ko ng pahinga para maging okay ang pakiramdam ko.


[Arjay’s POV]


Pag-uwi ko ng bahay ay nakita kong naghihintay sila mama at papa. 


Agad naman akong sinalubong ni mama at niyakap.


“Anak buti at okay ka. Si RD anak?”


“Pinauwi ko na.”


“Mag-uusap tayo.” Sabat ni papa


“Pagpahingahin mo muna ang anak mo.”


“Hindi na po kailangan ma… need ko na rin naman malaman ang katotohanan.”


“Umupo ka na.” sabi nito.


Nagsimula namag magkwento si papa sa kung ano ang dapat sabihin. 


Nanatili lang akong nakikinig at hinintay siyang matapos magsalita.


“Yun ang lahat ng nangyari anak.” Sabi ni papa.


“Ma hinayaan mo lang ang lahat ng ito?”


“anak mahal ko ang papa mo. At humingi na naman siya ng dispensa sa nagawa niya. In the first place, tayo ang pinili niya. Mahal ako ng papa mo at hindi niya hinayaan na masira ang pamilya natin.”


“Pero ma.. anong ginagawa niya? Gusto niyang kunin si Alex… ikakasira lang ito ng pamilya natin.”


“Kapatid mo si Alex anak. Tanggapin mo ang kapatid mo.” Sabi ni papa.


“Nagkakamali ka pa… hinding-hindi ko siya magiging kapatid hangga’t sila ni Kieth.”


“Hanggang ngayon siya pa rin ba? Hanggang ngayon ba siya pa rin ang pinapantasya mo?”


“Dati naman okay kayo.. pero dahil jan sa letseng trabaho na yan.. jan sa away ninyo eh idinamay ninyo kami…”


“Matuto kang rumespeto sa akin!”


“Nawawala na ang respeto ko sa inyo.. hinayaan ninyo akong mawalan ng respeto sa inyo… lahat yan ng dahil sa inyo…”


“Lahat ng ito ginawa ko naman para sayo eh.”


“Hindi pa.. lahat ng ito para sa inyo.”


“Anak.. tantanan mo na yang Kieth na yan…”


“Mabuti nga at nagkaroon kayo ng isa pang anak.. siya na lang ang alalahanin ninyo.. wag na ninyo akong pakialamanan.”



"FGanito ba ang isusukli mo sa akin? Napakawalang kwenta mong anak."


"Pa... lahat ginawa ko.. lahat sinakripisyo ko... pero walang kwenta pa rin ako?"


"Intindihin mo ako anak. mas makakabuti itp sayo."


"Alam ko pa ang makakabuti sa akin..."



Tumayo ako at dumeretso sa aking kwarto. 


Inihiga ko ang aking sarili sa aking kama. 


Ano ang gagawin ko ngayon? 


naiipit ako sa isang sitwasyong hindi ko naman pinangarap.


Dati rati ay okay kami ni papa. 


Mas close ako sa kanya kaysa kay mama. 


Pero bakit ganito ang nangyari? 


Bakit ba kasi nangyari ang panahong iyon?


Anong gagawin ko? 


Paano kaya kung hindi nagkagalit si papa at si tito? 


Masaya pa rin ba kami ni Kieth? 


Magiging okay pa kaya kami ni Kieth? 


Siguro mahal na mahal niya ako.


Mas matatanggap ko pa sana si Alex kung nagkataon. 


Maluwag sa kalooban ko na matatanggap na magkapatid kami ni Alex. 


Pero hindi na ngayon, sinisimulan na niyang agawin sa akin ang lahat.


Ilang lingo ang nagdaan at pagtatapos na ng finals ko. 


Kasama ko ngayon si RD at plano naming lumabas nang makita ko si Alex. 


Nag-iisa siya at tila ba may hinihintay.


“San ka pupunta?” tanong ni RD.


“jan ka lang.” alam kong nakita niya si Alex kaya pinigilan niya ako.


“Ei ano na namang gulo ito?”


“Pag ako gulo agad? Diba pwedeng mag-uusap lang kami?”


“Eh kilala kita eh.”


“Trust me naman.”


“Titignan kita mula dito. Pag nakita kita na may ginawang masama kakaladarin kita.”


“I know. Don’t worry, I won’t hurt your beloved one.”


Agad naman akong lumapit kay Alex at kinausap siya. 


“Hello.” Bati ko.


“Hi..” sagot niya.


“Sinong hinihintay mo.”


“Si Kieth…”


“Gusto lang sana kitang makausap.”


“Tungkol saan?”


“oh come on.. saan pa ba?”


“Alam ko di mo ako matatanggap na kapatid… hayaan mo, hindi ko naman aagawin ang pamilya mo.”


“But you already went for a go. Inagaw mo na ang lahat.”


“I don’t know what are you talking about.” Sabi nito.


“Una si Kieth… tapos si RD… ngayon si papa… baka may nakalimutan ka pang agawin sa akin? Yung driver namin… kasambahay namin.. o baka si mama.. ano pa ba aagawin mo sa akin? Magsabi ka naman para aware ako at hindi magulat… patalikod ka lumaban eh…”


“Wala akong panahon para makipagbangayan sa kalokohan na iniisip mo pero eto lang ang masasabi ko, wala akong inaagaw sayo. Hinding-hindi ako makikipag-agawan sayo gayong alam ko naman na akin sila. Kawawa ka naman, lagi ka na lang nawawalan… ikaw kasi, masyado kang mapang mata. Try mo kayang maging mabait para bumalik sila sayo.”


“Aanhin ko ang baet kung ang kulo naman ay nasa loob?”


“Baka gusto mong mapakuluan?”


“If I were you, magiingat na ako sa mga kinikilos ko. Dahil baka isang araw… bawiiin ko lahat ng mayroon ka.. or worst, agawin ko lahat ng mayroon ka ngayon…”


“Sa tingin mo ba maagaw mo sila? Lahat sila lumalapit sa akin at hindi sayo. Make sense, ikaw nagsisimula pa lang sa laban, samantalang ako tapos na.”


“Wag kang pakampante.. nasa sa akin pa rin naman ang huling alas.” Umalis na ako sa lugar na iyon.


Iniwan ko ito at agad na lumapit kay RD. “Anong pinag-usapan ninyo?”


“Just a brother to brother talk.”


“Ano nga sinabi mo?”


“Wala nga.”


“Di ako naniniwala.”


“Magsama nga kayo!” at umalis ako.


[Kieth’s POV]


Palpak ka na naman Kieth Jerickson Lee. 


Yun na yun eh. 


Bakit kasi biglang nagka emergency sa bahay? 


I can feel the pleasure inside my body. 


Yung kamay niya, shit! 


Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa sa aking katawan ang tension.


I can feel his hands in mine. 


Waaah. 


Kapag talaga nagkaroon na ako ng pagkakataon, I will definitely do it whatever it takes. 


Nakita niya ang kahubdan ko and I’m proud of it.


I’m planning to live with him in one house. 


Yung parang mag-asawa. 


I know it’s very soon pero kapag hindi ko siya kasama, kulang ako.


I know what you think, na iniisip ko na magagawa ko lahat ng gusto ko. 


No, that’s not it. 


Haixt.


 Ang tagal pa bago ko siya mapakasalan.


Pero back to the reality, ano nga ba ang emergency sa bahay? 


Kinakabhaan na ako. 


Matapos ng kay Alex ay eto ako at hinaharap ang problema sa bahay. 


Ano na ba ang gagawin ko?


 Haixt. 


Puro problema na lang.


Pagdating ko sa bahay, si ate at si mama ang naabutan ko. 


Si mama ay naiyak samantalang si ate ay balisa. 


Agad naman akong nagtanong sa kung ano ba ang nangyari.


“Ang papa mo… biglang hinimatay.”


“ha? Nasaan si papa? Okay lang ba siya? kamusta ang kalagayan niya?”


“Okay na siya. sabi ng doctor ay inatake siya sa puso. Mild lang daw pero hindi critical. May choice tayo kung i-under surgery na agad. Matagal na palang tinatago yun ng papa mo.”


“Ipa-opera na natin si papa ma.”


“Hindi madali yun kapatid… Sa ibang bansa yun.”


“Kulang ba tayo sa pera ma? Hahanap ako ng trabaho…”


“Hindi anak… kung sakaling aalis kami ng papa mo… siguradong kasama ka…”


“Ayos lang naman po sa akin…”


“Pero mga ilang lingo pa. pagkatapos ng finals mo aalis tayo…”


“Maiiwan ako dito para bantayan kumpanya natin.” Sabi ni ate.


Bigla akong napaisip. 


“Anak… alam kong iniiisp mo si Alex…”


“Mas kailangan ako ni papa… maiintidihan naman ako ni Alex ma.”


“Matatagalan tayo doon. Hindi natin masasabi kung hanggang kalian tayo.”


“Naiintindihan ko po…”


(Itutuloy)

6 comments:

  1. twist!!! magfa-fastforward kaya ang story o eeksena si RD????

    ReplyDelete
  2. ayan na! ano kya mangyayari? kaexcite! nkakabadtrip tlaga tatay ni alex.

    well done dylan, konting check n lng sa grammar :) pero nage2ts nman.

    cenxa na hindi lagi makacomment pero maganda ang story, buti na lang hindi ngkaamnesia si alex, haha gasgas na kasi yung ganon.

    good luck. :)

    ReplyDelete
  3. Next author :) hehehe
    kakaexcite

    Ivan D.

    ReplyDelete