Wednesday, August 21, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [15]

Ang kursong hindi ko inakala 
by: Paul Perez 
you can contact me@ www.facebook.com/iampaulperez

"Ang Utak ay ginagamit para mag-isip at ang puso naman ay ginagamit para magmahal ngunit hindi laging utak ang ginagamit kapag tayo ay nagdedesisyonsa mga bagay bagay, alam mo kung ano ang ginagamit? Puso dahil ang bawat nalalaman ng ating utak ay nararamdaman ng ating puso." -Jpaper

Chapter 15

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay kelly sa kadaldalan niya. 

"Totoo ba ang sinabi ni kelly?" tanong ni jasper para sa akin. 

"Ah oo." ang maikling tugon ko. 

"Bakit lilipat ka pa? Eh diba maganda din naman dito?" 

"Mas may future kasi ako kung doon ako magaaral." 

Tumango lang si jasper at nagtanong ulit. 

"Sino naman ang magpapaaral sayo." 

Hindi ko alam kung ng iinsulto ang tanong niya o talagang gusto niya lang akong insultuhin. 

"Hindi mo na dapat malaman." 

Magsasalita pa dapat si jasper pero pumasok na ang aming propesor at wala na siyang nagawa kundi bumalik at umupo sa kanyang upuan. 

Si Ms.San diego ang isa sa aking pinaka paboritong prof dahil sa galing niyang magpaliwanag at magdiscuss ng aming lecture, at simula din na turuan ako ni JL sa math ay isa na din ito sa aking naging paboritong subject. Tuloy tuloy lang sa pagtuturo ang aming prof at labis akong nalibang, pansamantala kong nakalimutan ang aking problema. Natapos ang tatlong oras na pagtuturo ni ms.san diego na parang isang oras lang, nilapitan agad ako ni jasper at kinausap. 

"Ang boyfriend mo ba ang magpapaaral sayo?" 

Hindi ko alam kung maiinis ako kay jasper, talagang malakas ang pagsasalita niya at may mga kaklase kaming nakarinig sa kanyang tanong. Hindi pa naman talaga ako umaamin na isa akong bakla pero parang si jasper ay pingangalandakan na may boyfriend ako. Oo tama nga siya may boyfriend nga ako pero sana naman ay irespeto niya muna ang pagiging tahimik ng aking sekswalidad. 

Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinatak ko si kelly para pumunta na sa susunod naming klase. 
Nababagot ako sa subject na to kasi mahina at walang kagana gana magturo ang propesor na to at tulad ng dati natapos ang klase ng wala akong nalaman, lumilipad kasi ang aking isip. 
Lumapit nanaman sa akin si jasper at kinausap ako ulit. 

"Pumunta ka mamaya sa bahay gawin na natin ang project natin." 

"Ok pero mga 8pm na ako makakapunta may dadaanan pa kasi ako." 

"Ok sige asahan kita mamaya." 

Magaala sais na ng matapos ang aming klase, hindi muna ako sumabay kay kylie at sinabi ko sa kanyang pupunta muna ako kayt JL. Pumayag naman siya dahil may pupuntahan din pala siya. 
6:30pm na ako ng makapunta ako sa bahay ni JL, kumatok ako at agad din naman akong pinagbuksan, ng makita ako ni JL ay halos magtatalon ito sa saya. 

"Hello asawa ko buti naman at nakarating ka na, tara pasok ka." 

"Medyo stress nga ako sa school eh daming requirements para makapasa sa subject nila." 

"Syempre ganoon talaga iyon, para malaman ng mga propesor na nage-effort talaga ang student para lang pumasa." 

"By the way aalis pala ako mamayang 8pm pupunta pa kasi ako doon sa classmate ko para tapusin ang aming project." 

"Ok sige basta maaga kang umuwi ha, o baka gusto mong ihatid at isundo nalang kita?" 

"Ay nako huwag na magpahinga ka nalang dito." 

"Ang bait talaga ng asawa ko! Tara na sa kusina naghanda ako ng makakain natin." 

Agad kaming nagtungo sa kusina upang kumain, sobrang nabusog ako sa hinanda ni JL sobrang sarap talaga niya magluto. 

7:45pm na ng napagdesisyunan kong magpaalam kay JL, pumayag naman siya at binigyan nalang ako ng isang matamis na halik. 

Bago ako magpunta kay JL ay dumaan muna ako sa palengke at bumili ng materyales na gagamitin, nagpunta ako sa 7/11, gusto ko kasing bumili muna ng kape. Habang naglalakad ako para bayaran ang kapeng binili ko ay may isang babae na nalaglagan ng coins, habang nagpupulot ang babae sa mga nalaglag na coins ay tinulungan ko siya, isa isa ang kanyang pulot, nagulat ako sa aking nakita may suot na singsing ito, kaparehong kapareho ng suot ko, pero ang naisip ko nalang ay madami ang may ganitong singsing, nagpasalamat ang babae sa pagtulong ko sa kanya, maganda ang babaeng to maputi at higit sa lahat ay seksi maging ako ay namangha sa kanya. Siguro ay nasa early twenties ito. 
Nabayan ko na ang aking kape at lalabas na sana ngunit may tumawag sa akin, ang babaeng maganda pala. 

"Hello nice to meet you! I'm jane!" sabay ngiti at abot ng kanyang palad. 

"Hi! I'm paul!" ngumiti din ako. 

"Salamat pala sa pagtulong mo ha." 

"Hehe wala iyon." 

"Ang cute mo lalo na kapag nakasmile ka! Kamukha mo ung kapatid ko." 

"Ah ganoon ba? Salamat! Ay mauna na pala ako ha may pupuntahan pa kasi ako eh." 

"Ok pero pwede ko bang makuha ang number mo?" 

"Sure! 09*********" 

Ang nasa isip isip ko ay mukhang type pa ako nito ah! Ok lang sa akin pasok naman sa standard ko. 

Nakalabas na nga ako sa convinient store at agad na tinungo ang bahay ni jasper. 

"Tok tok tok" 

"Oh ijo, halika pasok." 

"Salamat po tita! Nasaan po si jasper?" 

"Ay nasa kwarto niya puntahan mo nalang." 

"Ok po tita, salamat po ulit." 

Naglakad ako patungo sa kwarto ni Jasper, hindi ko alam kung kakatok muna ako o bubuksan ko na agad ito. 
Nagulat ako ng biglang nagbukas ang pinto ni jasper. 

"Tara pasok ka." 

Nakita ko ang itsura ni jasper mas lalo itong naging gwapo, wala siyang suot na damit at tanging manipis na boxer shorts lang ang suot. Mas lalong lumitaw ang kagandahan ng katawan ni jasper. 

"Hoy sabi ko tara pumasok ka na!" 

Natulala pala ako sa pagkakatitig sa katawan ni jasper. Medyo napahiya ako si inasta ko. 

"Ah sige!" ang tanging nasabi ko. 

"Dala mo na ba ung pinabibili ko?" 

"Yap, lahat ng kailangan natin andito na." 

"Magaling!" ayon lang ang nasabi ni jasper at bigla akong inabutan ng isang boteng beer. 

"Ano to? Diba gagawa tayo ng project natin?" 

"Mamaya na yang project na yan! Mag-inuman muna tayo!" 

"Ayoko! Kung gusto mo lang ay mag-inuman bahala ka uuwi nalang ako at ako nalang magisa gagawa!" 

"Ok sige, hindi na. Gagawa nalang tayo ng project." 

"Ok, simulan na natin." 

Nagsimula na nga kaming gumawa ng aming project, Medyo nahirapan kami sa pagdedesign pero dahil malikhain ang aking isip ay nagawan ko ito ng paraan, isang oras na kaming gumagawa ng aming project pero wala pa kami sa kalahati, sobrang hirap talaga ng project na to, kailangan ng tiyaga at pagtitimpi, pero sabi nga nila "No pain, No gain" Mahigit dalawang oras na kami gumagawa ng project ng biglang may tumawag sa aking cellphone, si JL pala. 

"Sandali lang jasper ha, sasagutin ko lang to." Tumango naman siya bilang pagtugon. 

"Hello asawa ko! Matagal ka pa dyan?" 

"Medyo matatagalan pa ako eh, mahirap kasi tong project na to eh." 

"Ok i understand. Hindi ko nalang isasara tong pinto ha, pumasok ka nalang." 

"Ok i love you mister ko." 

"I love you too." 

At naputol na nga ang aming paguusap, bumalik ako sa paggawa ng aming project. 

"Ang sweet mo naman." ang biglang pagsasalita ni jasper. 

Nadinig pala niya ang mga sinasabi ko sa telepono. 

Nginitian ko nalang siya bilang pagtugon. 

"Tapusin na natin to para makauwi ako ng maaga." 

"Bakit ayaw mo na ba akong makasama." 

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy lang sa pag gawa ng project. 

Eksaktong tatlong oras na kaming gumagawa at malapit ng matapos ang aming project, Tatayo sana ako para magcr ng bigla akong nadulas sa natapakan kong basahan, agad akong napadagan kay Jasper at sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtapat ang aming mga labi. Bigla akong tumayo at humingi ng pasensya. 

"Pasensya na hindi ko sinasadya." 

Isang matamis na ngiti lang ang tinugon niya sa akin. 
Nagtungo na nga ako sa banyo at umihi, habang ako ay umiihi ay may naramdaman akong humahalik sa aking leeg. 

"Jasper ano ba!" ang pasigaw ko sa kanya at bigla ko siyang itinulak. 

Plastic ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya, pero mali kasi iyon. Ngayon ay mayroon na akong karelasyon at hindi tama na magflirt pa ako sa iba. 

Natumba si jasper sa ginawa kong pagtulak. 

"Jasper aalis na ako, ikaw na ang bahalang tapusin yang project na yan." ang medyo mahinahon kong boses. 

"Teka sandali lang paul" bigla siyang tumayo at tumakbo papalapit sa akin sabay yakap sa akin. 
"Huwag mo muna akong iwan, dito ka na lang muna" ang pagmamakaawa ni jasper. 

Hindi ako nagsalita at dinama ko lang ang sarap at mahigpit niyang pagyakap. 

Habang nakayakap sa akin si jasper ay bigla niya akong hinalik halikan sa leeg at nilaro ang aking utong. 
"J-jassss..." tuloy tuloy pa din si jasper sa kanyang ginagawa, naramdaman ko na medyo lumalaki na ang alaga ni jasper at tumutusok ito sa aking pwet, naramdaman ko din na tinitigasan na ako sa mga ginagawa ni jasper.

Hindi ako makakilos at makapagsalita, parang nahiptonismo ako ng isang napakagaling na magician at hindi ko kayang labanan ito. 

Napakasaras sa pakiramdam na habang hinahalik halikan ka ay pinaglalaruan ang iyong utong, "Paul gumising ka! Hindi dapat mangyari ito! Huwag kang magpapadala sa tukso!" ang biglang bumulong sa aking kalawang tenga. Sa isang banda naman ay nagsasabing "Sige lang paul masasarapan ka dyan! Diba gusto mo siya? Sige tikman mo!" 
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako makinig, pero dahil na din sa guilt at pangamba na masira ang magandang relasyon namin ni JL ay nagawa kong tumakas sa tukso, Inalis ko ang kamay ni jasper na humahawak sa aking nipples ngunit ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking tiyan sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak at hindi ko ito maalis, tuloy tuloy pa din ang ginagawa niyang paghalik at pakagat kagat sa aking leeg, nagpatuloy ulit ang kanyang kamay sa paglalaro ng aking nipples. Sa bawat paghalik at paglalaro ng aking nipples ay hindi ko maiwasang umungol, sabayan pa ng kanyang kargada na tumutusok sa aking likuran. 
"Ayokong magpadala sa tukso, ang huling sigaw ng aking isipan." Agad kong naalis ang kanyang kamay na yumayakap sa akin at lumayo ako ng kaunti para hindi na niya muling mahagkan. Nagulat ako, hindi ko inaasahan na malalabanan ko ang ganoong tukso. 

"Bakit? Anong mali paul? Gusto ko naman to eh!" 

"Mali to Jas! May karelasyon ako at ayokong masira ito ng dahil lang sa isang pagkakamali." 

"Diba mahal mo ako?" ang mahinahon at nakakaawang boses ni jasper. 

"Oo jas inaamin ko hanggang ngayon ay mahal pa din kita, pero mali talaga!" medyo mataas ang tono ng aking pagsasalita. 

"Please P-paul kahit ngayong gabi lang ay sa akin ka at maparamdam ko kung gaano kita kamahal." at biglang tumulo ang kanyang luha. 

Siguro weakness ko na talagang makita na makitang umiiyak si jasper at talagang hindi ko siya natitiis. 

"J-jas alam mo namang mali ang gagawin natin diba? Ayoko ng magkamali pa, nagkasala ako sayo noon at ayoko ng maulit ang pagkakasalang iyon." ang mahinahon kong boses. 

"P-paul sa pagkakataong ito gusto ko naman ang mangyayari eh! At alam mo ba na ginusto ko din ang ginawa mo dati? Nahihiya lang talaga akong umamin!" patuloy pa din na umiiyak si jasper. 

"Oo nga jas gu-gustuhin nga natin ang mangyayari pero naisip mo ba na sobrang dami ko ng nagawang masama? Sa pagkakataong ito ayokong magkasala kay JL." 

"Mahal mo ba talaga ang nobyo mo?" 

Bigla akong nasamid at hindi nakapagsalita sa tanong ni jasper, nagisip ako mahal ko nga ba talaga si JL? Parang ang nangyari kasi ay naging panakip butas lang siya ng magkagalit kami ni jasper. 

"Oo naman jas mahal na mahal ko si JL at mahal na mahal din niya ako." 

"Ang swerte naman pala niya. Sana ako nalang ang nobyo mo!" 

Nginitian ko nalang siya sabay halik sa kanyang noo. 

"Aalis na ako jas ha, inaantay na kasi ako ni JL." 

Kitang kita ko na nagbago ang kanyang mood at parang galit ito. 

"Pagumalis ka paul ay magpapakamatay ako." ang seryosong boses ni jasper. 

"Oy ano ka ba! Huwag na huwag mong gagawin iyon! Sabihin mong biro lang iyon." 

"Hindi ako nagbibiro paul! Magpapakamatay talaga ako!" 

Sinubukan kong kausapin ng matino si jasper ngunit ayaw niyang makinig. 

"Isa lang naman ang gusto ko paul eh! Ang mapasaakin ka ngayong gabi at makasama ka kahit hanggang umaga." 

"Jas naman eh! Nadidinig mo pa ba ang sarili mo? Nagmumukha kang immature!" 

"Oo sige sabihin mo na ang lahat pero mahal kita eh!" 

"Mahal din kita jas kaso mali talaga" akmang lalabas na sana ako ng kanyang kwarto ng biglang nagsalita ulit siya. 

"Sino ba ang mas mahal mo sa amin?" 

Nagulat ako sa kanyang tanong hindi ko inaasahan na magtatanong siya ng ganoon. 

"Wala jas! Pareho ko kayong mahal at ayokong mawala kayo sa buhay ko!" at tuluyan na nga akong lumabas sa kanyang kwarto, nadinig ko ang isang malakas na sigaw at madaming suntok sa pader bago ako makababa sa kanilang hagdan. 


Tuloy tuloy ako na lumabas sa kanilang pamamahay na parang walang taong nakita. 
Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na termenal ng jeep at sumakay. Sa tingin ko ay nawala ako sa katinuan dahil madaming pumapasok sa aking isip. Nagulat nalang ako ng biglang bumangga ang sinasakyan kong jeep at nahulog sa bangin. 

Nakaramdam ako ng takot habang nangyayari iyon, hindi ako natakot na baka mamatay ako, natakot ako dahil hindi ko pa naaahon sa kahirapan ang aking pamilya. 

Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang puting pintura sa pader at naramdaman ko ang malambot na kama, hindi ako nagkakamali nasa ospital nga ako, naramdaman ko na medyo masakit ang aking ulo at ang aking leeg. 

"Anaaaaaaaaaaaaak buti at nagising ka na!" at umiyak ang aking mama. 

"Ma, ano pong nangyari sa akin? Ang natatandaan ko lang ay sumakay ako ng jeep." 

"Anak bumangga ang sinasakyang mong jeep at nahulog ito sa bangin, milagro at ikaw lang ang nagiisang nakaligtas at ang ibang nakasakay ay puro namatay." 

"Ma, ba't ang sakit ng ulo ko? Ahhhhhhhhh! Ma! Sobrang sakit ng ulo koooo!" 

At bigla akong niyakap ni mama ng sobrang higpit. 

"Anak ayos lang iyan normal lang daw talaga na sumakit iyan sabi ng doktor." 

Hindi na ako nakapagsalita at tuluyan ng nakatulog. Nang magising ako ay nakita ko ang aking ate, papa, mama at ang dalawang lalaki na nakatulog sa upuan. 

"Ma! Nauuhaw po ako!" ang pagtawag ko sa aking mama. 

"Oy paul buti nalang at nagising ka na, ako nalang muna ang magaasikaso sayo at napagod si mama." ang pagsasalita ng aking ate. 

Biglang nagising silang lahat ng sumigaw ako ng ubod ng lakas. 

"Mamaaaaaaaaaa! Ang sakit!" 

"Psst! tahan na yang anak ko at mamaya ay mawawala na iyan." 

Tama nga si mama at nawala na nga ang sakit ng aking ulo. 

Biglang tumayo ang isang gwapong lalaki, maporma at pang atlethic ang katawan. Kinausap ako nito at kinamusta. 

"Kumusta ka na Paul?" 

Hindi ko siya kinausap at nagtanong nalang ako kay mama. 

"Mama sino siya? Hindi ko siya kilala ba't siya nandito?" 

"Hindi mo ba talaga siya natatandaan anak? Siya ung bestfriend mo ngayong college." ang mahinahon na pagsasalita ni mama. 

"Hindi ko talaga siya natatandaan ma eh." 

"Siya si Jasper, anak! At ang isang lalaki naman na iyon ay si JL siya ung magpapaaral sayo sa isang sikat na unibersidad. 

"Hindi ko din siya kilala ma eh. Pwede po bang malaman ang buong nangyari sa aksidente? Ma?" 

"Ganito kasi iyon anak, galing ka kila Jasper para gumawa kayo ng project mo tapos noong uuwi ka na sumakay ka ng jeep at sa sobrang pagmamadali daw ng jeep ay nabunggo ito sa isa pang jeep tapos umikot ukit ang jeep at tuluyang nahulog sa bangin, ang sabi ng mga doktor ay isang himala ang pagkakabuhay mo dahil tumama ang ulo mo sa isang napakalaking bato." 

"Ganoon po ba ma. Eh ba't wala po akong natatandaan bukod po sa inyo? Ay mayroon pa pala! Ang aking bespren ma! Si Ke? Kel? Kele po ba iyon ma?" 

"Si kelly iyon anak." 

Nakita kong umiiyak ang aking papa at maging ang dalawa pang lalaki. 

"Pa! Halika nga dito at yayakapin kita." 

Lumapit naman ang aking papa at hinagkan ako hindi niya naiwasang mapaluha habang niyayakap ako. 

"Ma ilang araw na po ba ako nandito sa ospital." 

"Magdadalawang linggo na anak." 

"Nako ma lumabas na tayo dito at mahal na ang ating babayaran!" 

"Hindi pa pwede anak! Hindi ka pa magaling at kung ang iniintindi mo ay ang gagastusin dito sa ospital ay gagawin natin ang lahat." 

"Tita mauuna na pala po ako." ang pagpapaalam ng nagngangalang jasper. 

Nakita kong lumabas ang nagngangalang jasper at hindi pa din ito natitila sa pagiyak. Lumapit naman ang isa pang lalaki sa magulang ko at kinausap ito, hindi ko nadinig ang kanilang paguusap at biglang lumabas nalang ang aking magulang at si ate, ang naiwan nalang sa kwarto ng ospital ay ako at ang isang matipunong gwapong lalaki. 
Nginitian niya ako at agad na kinausap. 

"Kumusta ang asawa ko?" 

Nagulat ako sa mga binigkas niya. "Asawa ko? Kailang pa ako ikinasal sa lalaki?" 

"Asawa ka diyan? Lalaki ako at lalaki ka din! Hindi tayo pwedeng magasawa." 

Tumawa siya at parang napahiya. 

"Ok sige paul nalang." 

"Sino ka ba? Magkaibigan ba tayo?" 

"Ako si JL! John Louie? Hindi tayo magkaibigan mas higit pa tayo sa magkaibigan." 

Hindi na kinaya ng utak ko na magisip at masyado na akong naguguluhan sa mga nangyari. Muli ay sumakit nanaman ang aking ulo at iyon nalang ang huli kong natatandaan. 

"Sana ay nakuntento ako! Sana ay hindi ko siya pinabayaan! Sana ay nagpakatotoo nalang ako! Sana nailigtas ko siya sa kahapamakan! Naging makasarili ako! Hindi ko inintindi ang iba! Wala akong kwentaaaaaa!" ang patuloy na pagsisi at pagiyak ni jasper sa loob ng kanyang kwarto. 



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment