Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 16
[Kieth’s
POV]
Nakita
kong papalapit sa akin ngayon si Charlene, best friend ni Alex.
Gusto ko siyang
makausap tungkol sa bung pagkatao ni Alex.
Siya ang makakapagturo sa akin ng
lahat-lahat at alam ko na hindi siya magkakamaling magsinungaling.
Gusto ko nang matapos ang lahat-lahat.
Gusto kong malinawan ang mga hinaing ng aking puso.
Ayaw ko nang naguguluhan ako...
Sawa na akong masaktan at maloko...
Nakangiti
siya habang palapit sa akin habang ako naman ay seryoso ang tingin.
Inilahad
niya ang kamay niya sa akin na para bang ngayon lang kami nagkita.
“Charlene.”
Sabi niya
“Yup.
Kilala kita. Parang di tayo nagkikita dati ah?”
“Para
naman mafeel ko na nakikipagkita ka sa akin. First time to eh.”
“May
kailangan ako.” Sabi ko.
“Wag
mong sabihin na gusto mo ako? Oh my God! I will never betray my bestfriend. Nasaan
pala si Alex?”
“So
hindi mo pa pala alam?”
“Ang
alin?”
“Wala.”
“So
nasaan siya? Alam ba niya na nakikipagkita ka sa akin ha? Naku mamaya magselos
yun eh.” Walang tigil niyang sabi.
“Anong
alam mo kay Kian at Alex?”
Nakita
ko ang panlalaki ng mata niya at nagugulumihanang itsura.
“Ah eh... magpinsan
sila. Yun ang alam ko. Bakit anong meron?”
“Magpinsan
ba o iisa lang sila?” tanong ko.
Naging
seryoso ang ekspresyon ng kanyang mga mukha at nag-isip ng malalim.
Napabuntong
hininga siuya at tumingin sa akin.
Nakakatakot mga titig niya kaya inihilig ko
ang aking mga mata sa ibang direksyon.
“Hindi
ko aakalain na malalaman mo ang lahat. He’s pretension was so perfect. Pero
paano? Paano mo nalaman?”
“Nakita
ko. Nakita ko ang lahat. At nasaktan ako. Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Bakit niya ako niloko? Ano ba talaga ang katotohanan?”
“Hindi
ako ang dapat magsabi sayo nito. Look for him. Makipag usap ka sa kanya.”
“Kailangan
kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman lahat-lahat!”
“Oo.
Si Alex at si Kian ay iisa. Pero hindi iyon ang dahilan para husgahan mo siya
na masamang tao. Lahat ng bagay na ginawa niya ay para sa kanyang kabutihan!”
“Masyado
siyang selfish.”
“Wala
kang karapatang magsalita sa kanya ng ganyan!”
“Bakit
kasi ayaw ninyong sabihin sa akin ang lahat?”
“Maipapakita
ko lang ng bahagya yung iba pero hindi ako ang dapat magsabi sayo nito. Sumunod
ka sa akin.” Ang sabi niya.
Tumayo siya at sumunod ako.
Habang
naglalakad kami sa may exit ng mall, nakuha ng pansin ko si Alex at si RD.
Anong ginagawa nila dito?
Hanggang ngayon magkasama sila?
Nakakinis naman oh.
Dapat hindi sila magkasama.
Nakaramdam ako ng selos.
Gusto kong lapitan sila at kunin si Alex sa kanya.
Ang
kapal ni RD na akbayan ang mahal ko.
Kainis.
“Easy
lang. Selos ka agad jan.”
“Ako
selos? No way!” sabi ko.
“Talaga
lang ha. Kung makatitig ka sa kanila parang lalapain mo na eh.”
“Naalibadbaran
lang ako kay RD. Ang landi niya.” Nasabi ko.
“Sus.
Mahal mo talaga si best.”
“Tss.
Bilisan na nga natin!” sabi ko.
“Seloso.”
Ang sabi niya
Hindi
ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Basta itinuturo lang niya kung saan ang
direksyon.
Di ko maiwasan na magtanong kasi mamaya kung saan man niya ako
gustong ipadpad.
“Asan
na ba tayo?”
“Basta.”
“San
ba tayo pupunta?”
“Sa
ex ni Alex.”
“Ha?
Bakit anong gagawin natin dun?”
“Ipapakilala
kita sa kanya.”
“Para
saan pa?”
“Para
malaman mo kung ano ang dahilan ni Alex para magtago.”
“Ano
bang meron sa ex niya ha? Mukhang mas gwapo naman ako sa kanya eh.”
“Wag
ka. Wala ka pa sa kalingkingan ni papa Blake.”
“Tsss.
Mas gwapo pa ako doon.”
“Parang
di naman.”
“Aysus.
Wag ka nga. Yabang nito eh. Tumahimik ka na lang jan at magdrive.”
Ilang
sandali lang ay nakarating na kami sa lugar na iyon.
Nagtaka ako kung bakit ako
dinila dito.
Isang lugar na taimik at walang masyadong tao.
Baka budol-budol
gang tong si Charlene.
O kaya inutusan siya ni RD para patayin ako at magsama na sila ni Alex.
Nakakatakot naman tong babaeng ito.
Medyo
naweirduhan ako kung dito ba niya pinapunta yung ex ni Alex.
Tahimik lamang
siya habang naglalakad sa pupuntahan namin.
Mayamya ay tumigil siya.
“Bakit
ka tumigil?” tanong ko.
“Andito
na tayo.” Sabi niya.
“Nasaan
siya? Di ko siya makita?”
“Andito
na siya.”
Tumingin
ako sa paligid pero wala naman akong makita.
“Naglolokohan ba tayo?”
“Sabi
ko ayan siya. Ayan oh, nasa harapan mo.”
Agad naman akong tumingin sa harapan
ko.
Nabasa
ko agad ang lapida na naroroon.
“Blake Harone Santos.”
Di
ko mapigilang mapatigil sa aking nasakssihan.
Agad akong tumingin kay Charlene
at agad naman siyang ngumisi.
Napaluhod naman ako at namalas ang mga samu’t
saring gamit na naroroon.
May
mga sulat, bulaklak, pagkain at gamit sa harapan ng puntod ni Blake.
Di ko
akalain na ganito ang madadatnan ko dito.
Binasa ko ang mga sulat ni Alex kay Blake.
Nakaramdam
ako ng inggit.
Di ko alam kung bakit sobrang mahal na mahal ni Alex si Blake.
Pinagmasdan ko ang picture nilang dalawa. Sobrang saya ni Alex sa picture na
iyon at sa wakas, nagkaroon ng mukha si Blake sa aking isipan.
“namatay
si Blake sa araw ng anniversary nila Alex. Yung araw na iyon, iyon din ang araw
na parang nawala ang lahat kay Alex. Si Alex ay isang masayahing tao. Isa
siyang extraordinary na tao na kayang hipuin ng kasiyahan ang bawat taong nakakasama
niya.”
“Anong
nangyari kay Alex matapos mamatay ni Blake?”
“Hindi
namin siya nakakausap. Ang masayahing Alex ay napalitan ng malungkutin na Alex.
Di namin akalain na sobra siyang magkakaganun. He don’t eat and sleep. Halos di
na niya buksan ang kwarto niya maswerte na nga ang magulang ni Alex kapag
lumalabas ito ng kanyang kwarto.” Dagdag niya.
Doon
ako napaisip.
Kaya ba ganito na lang ang ginawa niya?
Pero hindi ko pa rin
makuha kung bakit niya ginamit ito para magtago.
Maraming paraan para
makalimutan ito.
“Ako
na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng best friend ko. Alam ko nasaktan ka pero
mas nasaktan siya. Di mo lang alam kung gaano niya sinubukang sabihin sayo ang
totoo.” Ang sabi niya
“But
the fact na niloko niya ako still remained.”
“Maaring
nagkamali siya, naloko ka niya, pero mahal ka niya. He’s smile, his giggles at
halakhak, lahat yun totoo. Sayo ko lang siya nakita ulit na tumawa at ngumiti
ng tulad ng dati. Not to be exaggerated pero mas napapatawa mo siya kaysa kay
Blake. Sayo lang siya naging masungit ng sobra, away bati or anuman. He loves
you and I know that you love him.”
Nakita
ko siyang tumayo.
“maiwan na muna kita.” Sabi niya
“Saan
ka pupunta?” tanong ko naman.
“Alam
kog need mong mapag-isa. Hindi kita dapat diktahan sa dapat mong gawin. Ayokong
makagulo sa isip mo. dapat pag-isipan mong mabuti ang gagawin dahil yan ang
paninindigan mong gagawin mo sa kinabukasan.”
“Naguguluhan
pa rin ako.”
“Talk
with him nga kasi. Wag kang pasaway.”
At
unti-unti, nakita ko na umalis siya.
palayo sa akin.
Hanggang sa mawala ang
kanyang anino at hindi ko na siya nakita.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat
ako ng bahagyang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin, ang taksil kong
kaibigan.
Nagdadalwang
isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.
Ano naman ang naisipan nito para tawagan
ako?
Hindi ko sinagot yung phone pero nakailang ulit pa siyang tumawag.
Nakulitan ako kaya sinagot ko na.
“Ano
bang problema mo ha?”
“Kieth...”
Nakilala
ko agad kung kaninong boses yun.
Teka, bakit si Alex ang naririnig ko sa
kabilang linya?
“Alex?” tanong ko.
“Si
Alex to. Ah eh... gusto lang sana kitang kamustahin.”
“Di
ako okay.”
“Sorry.”
“Manloloko
ka!”
“Di
ko sinasadya... please mag-usap tayo. Nagmamakaawa ako.”
“You
better tell me the whole truth. I will give you this very odd chance.” Sabi ko.
“Salamat...
maraming salamat.” Sabi niya
“Kita
tayo mamaya. Hihintayin kita ng 9pm sa may Amazing Resto.”
“Sige.
Salamat.”
At ibinaba ko yung phone.
Tumayo
na ako at nagpaalam.
“Mag-uusap na kami pre. Maliliwanagan na ba ako o maguguluhan
lang? Tsss.”
May ibinulong ako sa kanya bago ako umalis.
Umaasa
ako na magiging maayos ang lahat.
Alam kong mahal ko siya.
Galit ba ako?
Iyan
ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.
Hindi
ko kasi magawang kamuhian siya sa ginawa niya.
Nakaramdam lang ako ng inis sa
sinabi niya.
Di ko nga maintindihan kung bakit eh. Haixt.
Siguro sadyang
malakas lang talaga ang tama ko sa kanya.
[Alex’s
POV]
Masaya
ako na pinagbigyan ako ni Kieth na makausap siya. ng makausap ko si Kieth kaya
agad akong lumapit kay RD at niyakap siya.
“Magkikita
kami mamaya.” Sabi ko.
Di
siya sumagot.
“Hoy!” sabi ko.
“Hahahah.
Good luck.”
“Tss.
Yan lang ba sasabihin mo? Umpft.”
“Ihahatid
ba kita mamaya?”
“Wag
na. Kaya ko naman.”
“Hindi
ihahatid na kita baka masyado kang maexcite at magpakaclumsy ka na naman.”
“Alam
mo Mr. Tabachoy malaki na ako. Batukan kita jan. Bumalik ka na nga dun sa jowa
mong hilaw.” Sabi ko.
“Sus
nagseselos ka lang.”
“Pwede
ba tigilan mo ako. Wag kang feeler ha.”
“Tsss.
Ang arte di naman yummy.”
“Ang
bakla mo.”
“Hahahah.
At least gwapo.”
“Mas
gwapo ako sayo.”
“Parang
di naman.”
“Tita
alis na po ako. Pinapaalis na po ako ng gwapo ninyong anak.”
“Ingat
ka iho ah.”
“Opo.
Babalik po ako dito. Namiss ko po kayo.”
“Sus.
Wag ka ng umangal pa.” Sabi ko.
“OO
na aalis na ako. Sige bye mr. Romantic boy.”
“Bye
taba” ang sabi ko.
Umalis
na siya.
samantalang ako, umakyat na para maghanda para mamaya.
Sa aking
paghiga sa aking kama, nabatid ng aking kaalaman ang sulat na ibinigay ni tita
sa akin noon.
Agad
ko itong hinanap at pinagmasdan.
Di ko alam kung babasahin ko ba o hahayaan ko
na lang iyon.
Di ko maintindihan kasi kung paanong nakapagsulat si Blake ng
ganoon gayong namatay naman siya nang dahil sa aksidente.
Binuksan
ko yung envelope at naamoy ko agad yung pabango ni Blake.
Siguro sinabuyan niya
yung sulat ng kanyang pabango. I
yan yung paboritong pabango ko na ginagamit
niya.
Wala
namang mawawala kung bubuksan ko ito eh.
Mas okay pa nga kung maliliwanagan ako
eh.
Maliliwanagan ako sa mga nangyari.
Ilang taon na rin ang nakalilipas mula
noong mangyari iyon.
----------------------------
Para sa mahal kong
Prince,
Hello. Nagtataka ka siguro kung
bakit ako sumulat? Anniversary na kasi natin bukas kaya heto ako
nagpapakalumang tao. Alam ko naman na kinikilig ka sa tuwing nagpapakaluma ako.
Alam ko ang bawat kilig mo, alam ko ang bawat nagpapangiti sayo at siyempre
alam ko ang bawat bagay na nagpapasimangot sayo.
Paanong hindi mo
malalaman ang lahat, lahat ng mga yan nagawa mo na sa akin.
Bawat ngiti mo
napapangiti din ako.
Kapag nararamdaman ko na kinikilig ka, kinikilig din ako.
Lalo na pag bigla mo na lamang hihilahin ang kamay ko at hahalikan sa harap ng
maraming tao.
Batid kong naging busy ako noong
nagdaang araw. Gusto kitang surpresahin eh. Bakit? Kasi gusto ko maramdaman mo
na special ka sa akin. Ngayong legal na tayo kila mama at papa, pati na rin kay
tita, lalo ko pang pagtitibayin ang pagmamahal ko sayo. Nga pala, wag ka ng
magtampo, kasi naman busy ako sa pagaasikaso para sa anniversary natin. Unang
anniversary natin ito na legal sa ating mga magulang.
Alam kong hindi
madaling maging legal tayo in both side.
Pero napahanga mo ako nung gabing
nahuli tayo na magkahawak kamay.
Alam kong masakit ang suntok ng papa mo pero
ipinagtanggol mo pa rin ako.
Handa kang iwan ang lahat para sa akin.
Salamat.
Kamahalan, ang puso ko ay sayo
lamang. Siguro natatawa ka kasi daig ko pa ang babae kung makapag love letter
sayo. Tae yan, nakakainis, siguro humahalakhak ka na ngayon kasi nakikita mo
akong ganito. Pero ayos lang, corny na kung corny, mahal lamang talaga kita.
Tagalog na tagalog to, alam ko kasi na pag english akong sumulat ay masyadong
malalim. Ilang beses kong inulit tong sulat na to. Paano ba naman, ang hirap
tagalugin. Malas mo lang, magaling sa english itong boyfriend mo kaya hirap
magtagalog.
Lagi mo na lang
akong tinatawag na kamahalan. Haixt.
Pero ayos lang, nakikita ko naman na
natutuwa ka doon eh.
Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon.
Umiiyak ako
ngayon dahil sa sulat mo.
Effective to sobra.
Di ko akalain na ang isang
english veteran na katulad mo ay makakapagsulat ng ganito.
You made me smile.
I
love you.
Di ka corny okay, wag kang mag-isip ng ganyan.
Ang gwapo mo, yan ang masasabi ko.
Pero mas gwapo ako.haixt. naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako
makashot sayo. Alam mo na, yung ginagawa ng mga matatandang bisexual. Pero
ginagawa rin naman yun ng mga kabataan. Masyadong conservative kasi ng mahal ko, pero ayos lang yun. Alam ko bata pa tayo at naghihintay ka
lamang ng tamang panahon para isuko sa akin ang bataan. Hahaha. Haixt. Pero
masaya na ako sa simpleng hawak ng kamay, simpleng halik sa pisngi at paminsan
minsan pananantsing sayo.
Mas gwapo ako
period.
Wag ka ng umangal. Haixt.
Pero napakaamo ng mukha mo.
Napakalambot ng
kamay mo.
Paano ba naman tamad kang bata ka.
Pero ang galing mo sa basketball.
Tinalo mo pa ako.
Pero talo ka sa akin sa volleyball. Hahaha.
Napaka Rated SPG
naman yang iniisip mo noon. Alam ko nagpipigil ka lang, ako rin naman eh.
Bakit
kamo? Pangako ko kasi kay mama na magbebehave ako.
Kaya salamat, salamat kasi
di mo ako pinilit.
Salamat kasi nirespeto mo si mama.
Lalo kitang minahal sa
pamamaraan mong yun at nagpapasalamat ako doon.
Di ako perpektong tao. Nakakagawa
ako ng mali sayo at gayun ka din naman. Kaya umamin ka na kung sakaling nagkakagalit
man tayo. Lagi na lang kasi akong sinisisi mo eh. Pero ayos lang, mahal naman
kita eh. Ilang taon na rin tayo oh, kaya masaya ako. Masayang-masaya ako. Kung
alam mo lang kung gaano ako nabubuhay para sayo. Sorry sa lahat ng nagawa kong
kasalanan ha. Pero tandaan mo, kailan man di kita lolokohin. Ikaw lang at kahit
may iba pa jan di ako lilingon kasi ikaw na ang hinahanap ko.
Biniyayaan ako ng
isang mapag arugang tulad mo.
Minsan nakakainis ka kasi di mo ako nilalambing
pero oo na inaamin ko na nagkakamali din ako.
Sorry ha, kasi gusto ko lang na
lambingin mo ako eh.
Wag ka ng mag alala sa akin, kaya ko na naman eh.
Pero
nalulungkot pa rin ako na wala ka na.
Minsan magpaka-corny ka din ha.
Napakasimple mo kasi magjoke. Di bumebenta sa akin. Hahhaa. (sarcastic) oo na
alam ko galit ka na. Benta lahat ng joke mo sa akin. Pinipigilan ko lang
talagang kiligin. Oo napapakilig mo ako, sa ngiti mo pa lang kinikilig na ako.
Ang panget naman kasi na ipakita na kinikilig ang isang lalaki. Ang babae
tignan. Di naman ako ganun ka-out kaya pagbigyan mo na.
Nagsalita ang di
mabenta ang joke. Haixt.
Ilang beses akong nagpupuyat para lang makatext ka at
makahanap ng corny joke.
Pati pick up lines pinatos ko.
Alam ko maraming taon pa tayo
magkakasama. Pagpasensyaahan mo na kung di kita naihahatid sa bahay ninyo dahil
may practice ako sa basketball. Yun lang kasi hilig ko kaya pagbigyan mo na
ako. Wag ka ng magagalit at magseselos ha. Please! Mahal kita. Mahal na mahal
kita. Babawi ako sayo. Di ko hahayaan na pagsisihan mo yung puntong sinagot mo
ako at tinugon ang laman ng aking puso.
Hindi kita
makakalimutan.
Mahal na mahal kita.
Sana masaya ka na kung nasaan ka man.
Nga
pala si Kieth, yung bagong nagpapatibok sa puso ko.
Okay na naman diba?
Sorry
pinagpalit kita, pero mahal pa rin naman kita eh.
Promise ko.
Gusto ko lang na
sumaya ulit at si Kieth ang nagbibigay sa akin nun.
Hindi naman ako makasarili
diba?
Matapos nitong sulat na to
siguradong magbabago na ako. Bakit kamo? Paano ba naman, tagalog na tagalog
ito. Magmamakata na kaya ako. Hahaha. Sige alam ko nakokornihan ka na pero alam
ko kinikilig ka. I love you mahal. Mahal na mahal kita.
P.S.
I LOVE YOU!!!!
Ang alipin ng iyong pagmamahal,
Blake
Matapos
kong basahin ang sulat na yon ay kinuha ko lahat ng bagay na ibinigay sa akin
ni Blake.
Kumuha din ako ng isang kahon at inilagay doon lahat ng bagay na
ibinigay niya sa akin.
Matapos iyon ay kumuha ako ng tape at sineal ito.
Naglagay ako ng isang papel sa ibabaw at inigalay ko ang salitang “Past”.
Kailangan
ko ng magmove on.
kung sakali man na si Kieth ang sagot sa bago kong buhay,
kailangan kong makaalis sa nakaraan na pilit na humahatak sa akin.
Alam
ko na magiging masaya din si Blake para sa akin.
Matapos kong gawin ito ay
tumayo na ako at tinahak ang CR para maligo.
Magkikita pa kami ni Kieth.
Di
ko naman alam kung ano ang mangyayari sa amin pero umaasa ako na magiging maayos
ang lahat.
Inaasahan ko na kung ano man ang kalalabasan ng gabing ito ay
maayos.
Umalis
ako 30 minutes bago ang tagpuan namin.
Alam ko makakarating ako doon within 20
minutes kaya maaga ako.
Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko siya.
mas
okay na siya ang malate kesa naman ako.
Pagdating
ko sa lugar na iyon, nagulat na lang ako ng makita ko siya na nakaupo doon.
At
kelan pa siya nauna sa tagpuan namin?
Nagulat ako doon.
Di kaya excited siya?
Nakatingin
siya sa malayo noon at tila ba malalim ang iniisip.
Agad naman akong nagmadaling
pumunta sa kinaroroonan niya.
Agad
naman siyang tumayo nang makita ako at hindi mapakali sa kinatatayuan.
Nauutal
pa nga siya nung una eh.
“Ah
eh... Kanina ka pa?” tanong niya
“Ako
ang dapat nagtatanong sayo nan.”
“Ah
hindi kadarating ko lang.”
“Bakit
ang aga mo?” tanong ko.
“Wala
lang. Bakit ba?” sagot niya
Napangiti
na lang ako.
“Wag kang ngumiti. Mukha kang aso.” Sabi niya
“Ang
gwapo kong aso.” Nasabi ko na lang.
Di
siya umimik.
“Kamusta?” sabi ko.
“Bakit
magkasama kayo ni RD kanina?” tanong agad niya
“Paanong...”
“Paano
ko nalaman? Nakita ko kayong dalawa!” inis na sabi niya
“Hinatid
lang niya ako sa bahay.” Tugon ko.
“Bakit
ka niya hinatid pa?”
“Sa
kanila ako natulog. Sa may con...”
“Ha!!!
Bakit ka nakitulog sa kaniya?! Shet! anong ginawa niya sayo?! Ano?!”
natataranta niyang tanong.
“Diba
iniwan mo ako kagabi?” ang nasabi ko na lang.
Natahimik
siya at natameme.
Totoo naman eh.
Nasaktan ako sa ginawa niya.
Hindi lang siya
ang nasakatan, pati ako.
Sino ba ang hindi sasama ang loob.
“Bakita
ka natahimik? Kasi totoo?”
“Niloko
mo ako.”
“Hindi
yun ang dahilan para pagmukhain mo akong tanga at iwanan. Ipinakita mo pa sa
akin na mas sasama ka pa kay Arjay kaysa sa akin. Ang sakit.”
“Hindi
mangyayari ito kung hindi ka nagsinungaling.”
“Ang
ginawa ko lang naman ay ang itago ang sarili kong pagkatao. May dahilan ako.
Pero bakit ganun? bakit ganun ang ginawa mo sa akin?”
“Nabigla
ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ako sa mga nangyari. Feeling ko
pinagkaisahan ako ng lahat. Si ate, lahat. Lahat sila. Di ko na alam ang totoo.
Di ko alam kung mahal mo ba talaga ako o ginawa mo lang lahat yun kasi
nasasaktan ka. Nasasaktan ka kasi wala na si Blake. Rebound lang ba ako? Yung
totoo? Rebound lang ba ako?!”
“Mahal
kita at totoo yun. Hindi ka kailan man naging rebound! Maniwala ka.”
“Gusto
kong malaman ang lahat! Ayoko ng may inililihim ka sa akin.”
“Sasabihin
ko naman talaga eh.”
“Kailan?
Kapag sumuko na ako? Wala na si Blake, narito ako. Patay na siya kaya kalimutan
mo na siya.”
“Paano
mo nalaman?”
“Si
Charlene.”
“Haixt.
Yung babaeng yun talaga.”
“Magsalita
ka na. Ipaliwanag mo sa akin lahat. Gusto kong malaman ang lahat ng
katotohanan. Gusto kong malaman kung ano ang katotohanan. Mahal kita kaya gusto
kong mawala tong agam-agam ko.”
Natigilan
ako sa sinabi niya.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Tinitigan ko ang kanyang mga
mata saka nagsimulang magsalita.
(Flashback)
Gabi ng anniversary
namin yun.
Hindi siya nagpakita sa akin nung araw na iyon.
Magkagalit pa man
kami noon dahil sa hindi niya ako pinapansin at lagi siyang busy.
Lalo akong
nagalit noong hindi niya naalala na anniversary pala namin.
Kausap ko nun sa
Charlene at nag-iiyak.
“Nakakainis siya! bakit sa lahat ng araw eto pa ang
makakalimutan pa niya!” sabi ko.
“Tinext mo na ba?
Baka naman busy lang talaga or what.”
“Ni hindi nga siya
pumasok eh. Iniiwasan ba talaga niya ako? Kung ayaw na niya sa akin, magsabi
lang siya! Hindi yung mukha akong tanga na nag-aantay sa kanya. Wala naman pala
akong hinihintay. Nakakainis siya!”
“Hay naku. Easy lang
kasi. Malay mo naman may sakit.”
“Bahala siya!
makikipagbreak na ako sa kanya!”
“Kaya mo ba?”
“Hindi...
argssshhh!!!!”
“Anak.”
Narinig ko
na tawag ni mama.
Agad kong pinahid
ang luha ko at bumaba para kausapin si mama.
Naku malalagot ako kapag nakita
niya na namumugto ang mata ko.
Pagkababa ko, nakita ko agad ang bulto ni Blake.
Nakatayo at may dalang mga rosas.
Ano ako babae?
“Anong ginagawa mo
dito?”
“Anniversary natin
diba? Magcecelebrate tayo.”
“Nakakainis ka!”
napaiyak na lang ako sa kinakatayuan ko.
Nilapitan niya ako
at niyakap.
Bigla siyang bumulong sabay tumawa.
“Para ka talagang bata. Haixt.
Sorry busy lang talaga.Pero hindi ko nakalimutan yung date na to. Eto yung date
na kung saan sinagot mo ako at hinding-hini ako makakalimot doon.”
“Sino ba yang
pinagkakabusyhan mo?!”
“Ikaw.” Ang sabi
niya.
Napangiti naman ako
agad sa sinabi niya.
"Akala ko nakalimutan mo na! Akala ko di mo na ako naalala.
Akala ko hindi mo na ako mahal! Nakakainis ka. Nag-alala ako sayo akala mo
ba?!”
“Wag kang mag-iisip
na hindi kita mahal ha. Lagi mong tandaan na ikaw lang sa akin. Mahal na mahal
ko ang kamahalan ko.” Sabi niya.
“Salamat. I love
you!” sabi ko.
“I love you too.
Prepare ka na. Magdate na tayo.” Sabi niya
“Ang sweet best.”
Sabat ni Charlene.
“Siguro kasabwat ka
dito ano?”
“Hindi ah.”
“Aysus.”
"Talandi ka...." sabi niya
"Yung totoo?"
"Wala akong kinalaman ha..."
"Sige na nga..."
"Magbihis ka na... mag date pa daw kayo ni papa blake... hahaha"
Nagbihis
agad ako noon.
Inayos ko lahat bago kami umalis.
Masayang-masaya ako noong
panahong iyon.
Maaliwalas ang
paligid pero nakaramdam ako ng konting takot.
Di ko maintindihan kung bakit
kinakabahan ako sa mangyayari.
Pero sinaway ko ang sarili ko at pinilit na wag
isipin yun.
"I love you..." sabi niya
"I love you too..."
"Ang saya ko... kasi kasama kita... kasi nasa sa akin ka... walang iwanan ha."
"Oo... hindi kita bibitawan..."
"Promise?"
"Oo naman.. walang iwanan."
"Gusto kitang halikan..."
"Mag concentrate ka na muna jan sa dinadaanan natin."
"Opo master."
Habang binabagtas
namin ang kalsada, masaya naman kaming nag-uusap.
Sweet pa nga siya sa akin eh.
Sobrang saya namin nun pero hindi ko alam na yun na pala ang huling kasiyahan
naming dalawa.
Di namin akalain na
may mangyayaring aksidente sa aming dalawa.
May kasunod kaming kotse at sa
unahan namin ay isang truck.
Ako na ang nagsabi kay Blake na magdahan-dahan at
wag ng magpatiuna sa truck.
Dahil sa kaskaserong
kotse na iyon, nagovertake ito at umakmang uunahan ang truck na nasa aming
harapan.
“Pabayaan mo na.” Sabi ko kay Blake.
“Yup. Anniversary
natin kaya di ako magiging hot headed.”
Niyakap ko siya ng
mahigpit at ipinikit ang aking mga mata.
Ilang sandaling pagpikit ko ng mata ay
nakarinig ako ng ingay at kaluskos sa aming harapan.
Agad akong
bumalikwas ng yakap at tumingin sa kung anuman ang nangyayari.
Hindi
nakapagovertake ang kotse na nasa likuran namin kanina.
Nabangga siya ng
papasalubong na bus at nasanggi pati ang nasaharapan naming truck.
Hindi na naiiwas ni
Blake ang motor at hinayaang mabangga.
Nagsakripisyo siya dahil kapag iniikot
niya ay ako ang mapapahamak.
Gumulong ang motor na sinasakyan namin at
tumilapon kaming dalawa.
Umiikot ang aking
paningin at hindi ko maigalaw ang aking katawan.
Iminulat ko ang aking mata at
nakita ko ang duguang mukha ni Blake.
Pinilit kong gumapang sa kinaroroonan
niya.
Natakot ako dahil walang kakibo-kibo si Blake.
“Blake... blake...”
garalgal kong sabi.
“Blake magsalita
ka.. B-blake...” umiiyak na ako nung puntong iyon.
Ilang sandali lang
bago ko marating ang pwesto ni Blake.
Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay
at sinapo ang kanyang mukha.
Nakita kong nagmulat siya pero halata sa kanyang
itsura na naghahabol siya ng hininga.
Di ko makayanan ang nakita
ko kaya tumuloy na ang luha sa aking mga mata.
Mabibigat ang aking mga luha at
hikbi.
Nakita ko na ngumiti siya sa akin.
Pinipilit niyang magsalita.
“M...Ma...M..ah...maha..mahal..Ki-.ta...”
tapos tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata.
Unti-unting lumabo
ang aking paningin pero bago mangyari ito nasambit ko na mahal ko rin siya.
itim na paligid ang sumunod na aking nasaksihan.
Napakalamig ng aking
pakiramdam.
(End
of Flashback)
“Ako
ang tanging nakaligtas sa aksidenteng yun. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari.
Nang magising ako, nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Limang araw din
akong walang malay.”
“Madali lang naman sabihin ang lahat sa
akin. Maari mong ikwento. Pero bakit kailangan patagalin mo pa?”
“I
was about to tell you what happen. Kaso yun na nga naunahan na.”
“Pero
di pa rin sapat yun para itago mo ang lahat.”
“Nasaktan
ako noon Kieth. Kung alam mo lang yung feeling na pagmulat ng mata mo, yun na
rin pala ang araw na ibabaon sa lupa ang taong mahal mo. Inilibing siya sa araw
na nagising ako. Kahit anong pagpupumilit ko ay ayaw nila akong papuntahin! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko maiintindihan mo ako...”
"Sorry..." sabi niya
"Ang sakit kasi... it was a perfect love story between us... tapos biglag ganun... Ang sakit... pinakamasakit ay yung magising pa ako... hindi ko man lang nakita ang burol niya... hindi ko man lang siya nasaksihan..."
“Gaano
mo siya kamahal?” nakita ko ang sinserong mata niya
“Mahal
ko siya Kieth. Mahal na mahal. Siya ang buhay ko. Siya ang naging karugtong ng
mahaba kong buhay. Nung namatay siya, pati ang puso ko namatay. Di ko mararate
ang pagmamahal ko sa kanya.”
“Ang
swerte niya.” Nakita ko ang pananamlay niya
“Pero
nang dahil sayo, binuhay mo ang puso ko. Oo aaminin ko na nagagalit ako sayo
minsan. Di mo lang alam kung gaano ako kinikilig kapag inaaway mo ako. Alam ko
kasi na naglalambing ka. Maraming paraan ka na hindi nagagawa sa akin ni Blake
para mapasaya ako. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit parang
talong-talo si Blake sayo.”
“Rebound
lang ba ako?”
Lumapit
ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
“Pilit ko mang pagkumparahin kayo
ni Blake, wala ring mangyayari. Si Blake ang nakaraan at ikaw ang kasalukuyan.
Umaasa ako na sa hinaharap ay ikaw pa rin. Mahal kita. Tandaan mo na mahal na
mahal kita. Magkaibang tao kayo ni Blake. Ibang-iba kayo kaya wala akong
karapatang paghambingin kayo.”
“Pero
kung mahal mo pa siya, paano na ako?”
“Wala
na siya. Okay na ako. I really moved on. nang dahil sayo, natuto ulit akong
magmahal. Nang dahil sayo, naranasan ko na sumaya ulit. Hindi ko na sinisi ang
sarili ko sa mga nangyari. Alam kong ibinigay sa akin ng Diyos ang panibagong
buhay para magsimulang muli. Masaya si Blake sigurado at okay na ako. He saved
my life. He awe me one.”
Niyakap
niya ako ng mahigpit.
“This is the sign.” Narinig ko na sabi niya.
“Huh?”
“Akin
ka na ngayon. Di na kita hahayaang mawala. Eto ang hiningi kong sign sa kanya.
Kapag sinabi mo mismo na nakamoved on ka na sa kanya, ibig sabihin hinahayaan
ka na niya sa akin. Alam ko na he’s a great man. I will now take care of you
and I will love you more than he did. Di ko hahayaan na may manakit sayo.
Gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi mo. May panibagong buhay ka para
makilala mo ako. Yan ang purpose at alam ko na kaya kami nagkahiwalay ni Arjay
ay para maging tayo.”
Napangiti
ako sa isnabi niya.
Lalo niya akong niyakap ng mahigpit at sa sunod na nangyari
ay hinalikan niya ako sa labi.
He whisper to me about something.
“Let’s
start from a new relationship.”
“What
do you mean?”
“I’m
Kieth...”
“Hahaha.
Ah get’s ko na. Start from the start. I’m Alex. Ang Kian Santos dati.”
“Can
you be my boy?” at ngumiti siya.
Di
ko mapigilang halikan siya. ang gwapo kasi niya nung tinanong niya yun eh.
“Ang
bilis mo naman pala makuha eh.” Pagbibiro niya.
“Ang
cute mo naman kasi eh. Haha. Joke.”
(Itutuloy)
ganda talaga ng story at natuwa ako sa magkasunod na chapter di kasi ako makapaghintay hanggang Wednesday... kinikilig ako kila keith at alex...wag na sana umepal si arjay...kuya author keep it up ang galing mo po
ReplyDeletemaraming salamat po.. hehehe malakas kayo sa akin kaya nag update agad ako. :))
Deletenaiyak ako dun ah! okay, ok na silang dalawa pero si RD at Arjay hindi pa, parehas silang first love nung dalawa kaya magiging magulo ang mga eksena....
ReplyDeletemahirap talagang magmove-on!
tama... kaya kapana-panabik ang mga mantgyayari... hahahahah abangan ang mga susunod pang kabanata. :))
DeleteWhooot! Me update agad?
ReplyDeleteTy Dylan at sinabi mo na din kung anu nangyari ke Blake.
Pero di padin naexplain kung bakit nagdisguise si Alex. Kala ko dahil sa bad experience. Princess Di style kumbaga :p
Hahahaha... malakas kayo sa akin kaya nag update agad ako. :))
DeleteMaluhaluha ako ahh ganda ng story! Excoted na tuliy ako sa mga susunod na kabanata.haha thanks sa update idol ;)
ReplyDeleteheheheh.. walang anuman.. para sa inyo gagalingan ko pa. :))
Deletekung di pa kinulit sa fb d na sana sya mg post hehehehe kasi nakakakabitin pa rin eh post kanamn uit pwde hehehehe
ReplyDeleteBITIN LNG PO :)
Franz
hehehehe
Delete