Monday, August 5, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [13]

Ang Kursong hindi ko Inakala 
by: Paul Perez 
You can contact me @www.facebook.com/iampaulperez 





"May mga bagay na hindi para sayo dahil nakalaan para sa iba, pero tandaan mo na may mga bagay na hindi para sa iba dahil nakalaan para sayo." -Jpaper 





Chapter 13 


Natamik si Jasper sa aking sinabi maging ako ay natahimik pero nanaig pa din aking pride at isa pa wala naman siyang pakialam. Para matapos na ang dramang to ay nagsalita na ulit ako. 


"Oh ano nasaan na ang aking notebook! Ibigay mo na at may pupuntahan pa ako!" Ang medyo mataas kong boses. 


"May isa pa akong tanong at gusto ko sagutin mo ito ng tama" ang mahinahong boses pa din ni jasper. 


"Teka teka teka! Binuksan mo ba ang notebook ko? Binasa mo ba ang mga laman nito?" ang mataas ko pa din na boses. 


"Sagutin mo muna ang itatanong ko sayo!" 


"Sige ano yon para matapos na tong P*tang inang gulong to." ang pasigaw ko at may kaunting luha na sa aking mata. 


"Totoo ba ang nakalagay dito? Ang sinulat mong liham para sa akin?" ang mala anghel na boses ni Jasper. 


Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang lahat pero dahil sa galit ko at pagmamataas ay nagsinungaling ako. 


"Oo dati, pero dati yon! Ngayong ginawa mo akong kahiya hiya ay nawala na ito!" 

"Alam mo ba kung bakit nilayuan kita ng may ginawa ka sa akin?" ang pagtatanong ni Jasper. 

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin ni jasper at tuluyan na akong lumabas ng kanyang kwarto hindi ko na din kinuha ang aking notebook dahil alam kong alam niya na ang lahat. 

Tumakbo ako at dali daling lumabas sa kanilang pamamahay, patuloy na tumutulo ang aking luha, hindi ko alam kung saan pupunta, hindi ko alam ang aking gagawin. 

Magaalas otso na at napagdesisyunan ko nang pumunta sa bahay ni JL hindi pa din maalis sa akin ang mga nangyari kanina, namamaga pa din ang aking mata at halatang umiyak. Kumatok na nga ako sa bahay ni JL at agad niya akong pinagbuksan. Nakita ko na sobrang saya ni JL ng makita ako. Agad niya akong pinapasok sa kanyang bahay nagulat ako dahil naghanda pa siya ng aming makakain hindi man kasing sweet ng dati ay masasabi kong nageffort na din ito, pansamantalang nawala ang aking lungkot at napalitan ng saya. 

"Asawa ko umiyak ka ba?" ang pagtatanong ni JL. 

"Haha hindi ah!" ang pagsisinungaling ko. 

"Eh ba't parang namamaga yang mata mo?" 

"Ay wala to! Huwag mo nalang pansinin." 

"Ok." ang maikling tugon niya. 

Ang isa pang maganda kay JL ay nirerespeto niya ang aking mga desisyon. 

"Asawa ko tara kain na tayo at may sorpresa pa ako sayo." 

"Ok sige." ang maikling tugon ko. 

Agad na kaming nagpunta sa kusina para kumain, namangha ako sa kanyang mga niluto parang isang sikat na chef ang gumawa. 

"Wow ikaw ba ang lahat ng gumawa nito?" 

"Oo naman! Gusto kong gawin ang lahat para sa asawa ko." ang proud na proud na pagsasalita ni JL. 

Kumain na nga kami ni JL at talagang napakasweet niya, minsan ay sinusubuan niya ako at ganoon din ako sa kanya. 
Natapos na nga kaming kumain at agad na pumunta si JL sa kanyang kwarto at may kukunin daw siya. 
Pagkalabas na pagkalabas niya ng kanyang kwarto ay may nakita akong kulay pulang karton na hawak hawak niya, agad niya itong pinakita sa akin at binuksan, nagulat ako sa laman nito, dalawang gintong singsing. 

"Para sa akin ba talaga ito JL?" ang pagtatanong ko, hindi ako makapaniwala na ganito siya kaseryoso. 

"Oo! Ang singsing na to ang palatandaan na mahal na mahal kita, at agad niyang isinuot sa akin ang singsing." 

Nagulat ako, saktong sakto ang singsing at parang sinukat talaga. 

"Wow saktong sakto!" 

"Hehe ako pa! Eh ikaw hindi mo ba isusuot ang singsing na para sa akin?" 

Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko na ang singsing at agad ko itong isinuot sa kanya. 

"Ayan pareho na tayong may singsing opisyal na mag asawa na tayo." 

Sabay kaming nagtawanang 
Teka teka may isa pa akong regalo, Nagulat ako sa kanyang sinabi, ha? Kulang pa ba to? Ang isip isip ko. 

"Asawa ko tapusin mo ang unang semestre mo at lilipat ka na ng school." 

Nagulat ako sa sunod sunod na sinabi ni JL. 

"Ha! Lilipat ako ng school?" 

"Oo gusto ko ay sa Feu ka din magaral para mas madali kang makahanap ng trabaho kapag grumaduate ka. Huwag mong alahahanin ang gagastusin ako ng bahala sa lahat lahat, sana ay huwag mong tanggihan ang alok ko sa iyo." 

"Eh pero." 

Nagdadalawang isip ako sa alok ni JL hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito, gusto ko itong tanggapin dahil tama nga naman siya mas may future ako sa paaralang iyon, ayokong tanggapin dahil malalayo ako kay jasper. 

"Sige na naman asawa ko oh! Please kahit para sa akin tanggapin mo ang alok ko, sabay luhod sa aking harapan." 

"Oy tumayo ka nga diyan, oo sige tatanggapin ko na pero kailangan ko munang ipaalam ito kay mama." 

"Huwag mo ng tanungin si mama, pumayag na siya, kinausap ko na si mama." 

"Haaaaaaaa? Pumayag si mama?" 

"Oo at wala naman daw masama sa alok ko, nagpapasalamat pa nga eh." 

Wala na akong nagawa kundi tumahimik at pumayag nalang sa kanyang desisyon. 

"Asawa ko sana naman maunawaan mo ako." 

"Oo nauunawaan kita ako lang talaga ang problema." may halong pagtatampo sa aking boses. 

"Ayieeeee ang asawa ko gusto lang magpalambing." 

"Hoy ano ka anong gust..." hindi ko na natapos ang aking pagsasalita dahil agad niya akong hinalikan. 

Hanggang ang halikang iyon ay napunta sa kama at pinagsaluhan namin ang aming katas ng pagmamahalan. 

"Mister ko uwi na ako may pasok pa ako bukas." 

"Maaga pa naman asawa ko eh, dito ka nalang muna ihahatid nalang kita mamaya." 

At tulad nga ng inaasahan nagkaroon ng part two ang aming paglalambingan. 
Inihatid ako ni JL sa aking bahay at umuwi na din siya agad, may pasok din kasi siya kinabukasan. 

Maaga akong nagising at naghanda agad ako para makapasok na sa eskwela. 
Nakarating ako sa school ng medyo maaga, trenta minutos pa bago ang aking unang klase, nagpunta muna ako ng library para magbasa basa ang nasa isip ko kasi ay may quiz kami sa isang subject. Namili muna ako ng librong aking babasahin bago ako umupo. Habang naglalakad ako ay nagbabasa na ako, umupo ako sa isang random na upuan ng hindi man lang tinitignan ang mga katabi nito, focus na focus ako sa pagbabasa, bigla akong nagulat at muntika ng matumba sa aking inuupuan ng makita ko kung sino ang aking katabi, si "Jasper." 

Kanina pa pala niya ako tinitignan at wala akong kamalay malay na katabi ko pala siya, akmang tatayo na sana ako ng biglang hawakan niya ang aking kamay... 

"Huwag ka munang umalis please." ang mahinahong boses ni jasper. 

"Eh may pupuntahan pa kasi ako." ang plastic kong pagsasalita na parang walang awayan kagabi. 

"May paguusapan lang tayo, kahit saglit lang please." ang pagmamakawa ni jasper. 

"Ok sige bilisan mo lang at nagmamadali ako." ang pagsisinungaling ko. 

"Alam mo kase paul..." hindi natapos ang kanyang pagsasalita ng tumunog ang aking cellphone. 

"Ay sorry talaga jas i got to go na talaga." 

Tumango nalang siya bilang pagtugon halatang nalungkot dahil sa mabilisang pagbago ng kanyang emosyon. 

Hindi ko na napigilan ang aking luha at pagkalabas na pagkalabas ko ng library ay tumulo na ang aking luha. 

Kinausap ko ang tumawag sa aking cellphone si JL pala. 

"Hello asawa ko! Magandang umaga." ang pagbati ni JL. 

"G-go-goodmorning din." halatang umiiyak ang aking boses. 

"Umiiyak ka ba?" ang pagaalala ni JL. 

"Ay hindi sinisipon lang ako." ang pagsisinungaling ko. 

"Asawa ko nagsisinungaling ka. Pumunta ka nga mamaya sa bahay pagtapos mo sa klase mo, magusap tayo." 

"O-ok." halatang umiiyak pa din. 

"Ok i love you Asawa ko." 

"I love you too, sabay pagputol sa aming usapan." 

Akmang babalik sana ako sa library dahil nakalimutan ko nanaman ang bago kong notebook ng makita ko si jasper at halatang nadinig lahat ng aming pinagusapan ni JL.

No comments:

Post a Comment