318 (My Second Attempt to Love)
By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:
Guuuuyyysss! Chapter 6 na oh? XD Sorry nga po pala kung natagalan ang update dahil po malapit na ang midterm week at medyo tight po talaga ang sched kaya minsan nawawalan ako ng time magsulat. Expect slow update din po pala sa chapter 7 dahil midterm week pa po namin this second week of august. Babawi na lang po ako after this calamity XD
Thank you nga po pala sa mga nagaabang at sumusuporta sa mga akda ko, sa mga nagcocomment and nagbibigay ng feedbacks and sa mga silent readers din. Maraming salamat guys!
I know some of you will dislike this chapter dahil sinusumpa nyo (maging ako before XD) ang character na to, but we must also know his point of view ^_^
Salamat po! ^_~
-nieL
PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 6:
Tristan’s Point of View:
Sa takdang panahon, dumadadating din pala ang pagkakataon na pagsisisihan mo ang lahat ng pagkakamali mo. Yung tipong hindi ka patutulugin ng damdamin mo dahil sa sobrang pagsisisi mo. Yung pakiramdam na iiyakan mo na lang yung problema kasi sobrang bigat sa dibdib at parang hindi mo na kakayanin pang magtago. Ganyan, ganyang ang nararamdaman ko sa ngayon.
Oo, dahil ang katotohanan ay pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko kay Colby. Lahat lahat dahil minahal ko siya, ngunit nagpadaig ako sa temptasyon na umakit sa akin. Minahal ko muli si Rafael at kinalimutan ang nararamdaman ko para kay Colby. Ngunit ang inaakala kong magiging masaya ako sa piling ni Rafael ay isa pa lang napakalaking pagkakamali. Tulad ng dati ay madalas na naman kaming mag-away. Parati na siyang nagseselos, at kung minsan ay wala na sa lugar ang pagseselos niya.
May pagkakataon ngang may kasama akong classmate kong babae dahil may kailangan kaming puntahan sa faculty. E nagkataong nagkakabiruan kami ng kaklase kong babae at nakita kami ni Rafael na nagtatawanan at sinalubong ako nito ng masamang tingin. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit kahit nakapagpaliwanag na ako na classmate at kaibigan ko lang naman si Kristel. Basta hindi na lang siya kumikibo at hindi namamansin.
Nauulit ng naulit ang pagseselos na iyon ni Rafael. Dumating pa nga sa puntong napakaliit na bagay ay ikinagagalit niya. Yung tipong natagalan lang ako mag-reply sa text sa kanya dahil marami nga akong inaasikasong mga school papers ay magagalit na lang siya kahit na alam niya naman ang ginagawa ko.
Ang akala ko noong una kung bakit ganun na lang siya kung magalit at kung magselos ay dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Ngunit, mali ang inaakala ko.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong iniisip ko..
Ang pagkakataong kinakatakutan ko noon pa man..
Noon pa man noong napagdesisyunan kong piliin siya over Colby.
Isang umaga, monthsary namin ni Rafael. Pumunta ako sa bahay nila dala dala ang mothsary gift ko sa kanya. Ang singsing na pinagipunan ko pa kung saan nakaukit doon ang mga initials namin.
Sobrang excited ako noong umagang iyon. Nakangiti pa akog naghanda at nagpapogi ng aking sarili upang magustuhan naman ni Rafael ang preparation ko para sa isa sa pinakamahalagang araw namin sa isang buwan.
I was about to surprise him at naghanda pa ako ng almusal nya na niluto ko sa kitchen nila. Maaga kasi akong pumunta sa bahay nila upang i-surprise talaga siya dahil ang gusto ko, ako ang bumungad sa kanyang paningin once na gumising na siya.
Ngunit ang akala kong masusupresa ko siya ay isa palang malaking kalokohan..
Aktong bubuksan ko pa lamang ang pinto ng kanyang kwarto ng makaramdam ako ng matinding kaba. Yun bang parang lahat ng dugo ko ay nagakyatan sa ulo at nagsimula akong maglabas ng mga malalamig na butil pawis.
Binuksan ko ang pintuan..
Inangat ko ang aking mukha.
“Babe-” Natigilan ako.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ni Rafael. Si..si Rafael.. Ma-may kasamang lalaki sa kanyang kama. A-at, hubot hubad silang natutulog at magkayakap.
Wala akong nagawa. Napatulo lang ang luha ko. Wala na akong ibang maramdaman maliban sa sakit. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkagulat. Sobrang sakit ng ginawa niya. Taena! Gusto ko siyang sapakin! Gusto ko siyang sigawan. Ngunit wala akong nagawa, dahil mahal ko siya. Kinalma ko ang sarili ko kahit na sobrang sakit ng nakita ko. Bumaba ako mula sa kwarto niya ng umiiyak. Tila wala sa sarili at ang tanging laman ng isip ko ay eksenang nakita ko. Ang pagtataksil niya. Ang pagkalamog ng puso ko sa loob lamang ng iilang segundo.
Bakit niya ako ginago ng ganito? Alam niya ba kung ano ang mga sinakripisyo ko para sa kanya? Alam niya ba kung gaano ko siya kamahal?! Bakit niya ako ginaganito?! Ano bang nagawa kong masama?!
Tinatahak ko ang daan palabas ng bahay nila Rafael. Wala ako sa sarili. Lahat ng nararamdaman ko ang blanko. Ngunit nararamdaman ko ang pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi. Sa kahit anong pagkakataon ay maari akong magbreak-down o bumigay dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay parang walang kahit ano sa aking paligid, parang tumigil ang buong mundo dahil sa sakit at kirot na nararamdaman ko.
Hanggang sa may nakita akong isang pamilyar na lugar. Isang pamilyar na upuan kung saan minsan ding naging bahagi ng aking buhay, ang upuan – ang park kung saan nanghingi ako ng permiso kay Colby na maging boyfriend niya noon.
Napaupo ako sa mga upuan. Doon ko binuhos lahat. Doon ko nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Dumaloy ng dumaloy ang luha ko hanggang sa dumating ang puntong wala na akong mailuha. Sinuntok-suntok ko ang sementadong upuan na kinaroroonan ko hanggang sa mamula ang aking kamao. Ngunit, sa loob-loob ko ang masakit pa rin. Sobra! Napakasakit!
Heto na ba yung karma ko?! Yung bumalik sa akin ang mga ginawa ko kay Colby? Napakasakit pala! Tanga ka Tristan! Tanga ka! Kung alam ko lang sana na ganito pala ang kahahantungan ko kay Rafael hindi na sana ako nagpadaig sa nararamdaman ko. Sana, tinuruan ko na lang ang puso ko na mahalin si Colby.
Ngunit, hindi ko na masisisi ang sarili ko. Nagmahal lang din ako. Nagmahal sa maling tao.
Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan ay hindi ko pa rin magawang tumayo, Gusto kong magpakabasa. Gusto kong magkasakit. Gusto kong mamatay na lang. Kasi, kung mamatay ako, hindi ko na mararamdaman ang sakit, hindi tulad ngayon na buhay nga ako ngunit patay naman ang puso ko dahil sa sugat na ginawa ni Rafael. Bakit Rafael? Ano ba ang pagkukulang ko?! Binigay ko naman ang lahat ah?!
Umuwi ako sa bahay ng basa at wala sa sarili. Pagpasok na pagkapasok ko ng kwarto ko ay wala ako sa sariling humiga at lumuha. Sobrang sakit kasi e. Lalo na kapag naalala ko ang nakita ko kanina sa kwarto ni Rafael. Parang paulit-ulit na tinataga ang puso ko.
Dinukot ko sa aking bulsa ang isang bagay na higit na nagpapaalala sa akin sa kanya. Ang singsing na dapat ibibigay ko sa kanya bilang monthsary gift sana. Dali-dali akong pumunta sa bintana ng aking kwarto ang tinapon sa malayo ang singsing. Muli na naman akong lumuha dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman ko naman ang vibration ng cellphone ko sa bulsa ko. Alam kong si Rafael yun dahil walang tigil ang pag-vibrate nito kanina pa ngunit wala ako sa sarili upang sagutin ko pa iyon. At alam kong alam nya na galing ako doon kanina dahil naiwan ko ang bag ko sa bahay nila.
Sobrang sakit ng ginawa mo Rafael?! Hindi ko alam kung bakit mo ako sinaktan ng ganito?! Paano mo gagamutin ang sugatang puso ko?! Taksil ka! Naging tapat ako sayo! Hinarap ko ang takot na hiwalayan si Colby! Sinakripisyo ko sayo lahat Rafael! Pero ano?! Anong ginanti mo?!
Sa mga nagdaang gabi, wala akong ibang inisip kung hindi si Rafael. Ang mga masasaya naming alaala. At ang pinakamapait na karanasan ko sa piling niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit selos na selos siya kapag may kasama akong iba ngunit siya naman hetong nangangaliwa, ngunit sa aking palagay ay ginawa niya yun upang ma-detached ako sa kanya, upang pakawalan ko na siya.
Dumaan pa ang mga araw at hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Hindi na rin siya madalas tumawag ngunit lagi itong nagpupunta sa bahay. Pinapasabi ko na lang kila mama kapag pumunta ito na tulog ako o di kaya wala ako sa bahay.
Sa school ay hindi ko na rin ito pinapansin. Sa tuwing lumalapit ito ay hindi ko ito pinapansin at iniiwasan ko lang ito.
May isang pagkakataon nga kung saan papunta sana ako noon ng library ng school ngunit bigla akong hinarang ni Rafael.
“Tristan! Magusap tayo!”
Hindi ko ito pinansin.
“Tristan! Pagusapan na’tin to!” May pagtataas ng boses niyang sabi.
“Ano ba Rafael?! Hindi pa ba sapat ang umiwas ako?! Ano bang kailangan nating pagusapan?” Pabulong
ngunit naiirita kong sabi.
“Tristan! Gusto kita makausap! Please, hayaan mo kong magpaliwanag..” Pagmamakaawa ni Rafael.
“Sapat na ang nakita ko Rafael. At mas lalong hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ka nangaliwa!” Sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa gilid ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya sa hindi kalayuan. Oo siya, ang ex-boyfriend ko – si Colby. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung narinig niya ang pagtatalo namin ni Rafael ngunit siguro ay alam nyang nagtatalo kami. Napatitig ako sa kanya. Parang may kakaiba sa kanyang mga mata. At ang pinagtataka ko ay parang may kung anong umusbong sa pagkatao ko sa pagtitigan naming yun.
Bakit Colby? Bakit ang weird ng nararamdaman ko? Bakit ako na-mesmerize sa titig mo? Bakit bigla kang hinanap ng sugatan kong puso gayong alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si Rafael?
Sana ikaw na lang ang minahal ko Colby. Sana hindi na lang kita binitawan. Sana hindi ako nagdudusa ng ganito. At sana, masaya ako – sa piling mo..
Naputol na lang ang pagtitinginan namin noong tinawag muli ako ni Rafael upang pilitin ako na makipagusap sa kanya. Ngunit, nagmatigas pa rin ako dahil masakit pa sa loob-loob ko.
Dapat ko bang bigyang pagkakataon si Rafael na magpaliwanag? Kung bibigyan ko bakit? Hindi pa ba sapat ang nakita ng dalawang mata ko? Dapat ba akong maniwala kung nakita kong mistulang pabor na pabor sa kanyang yakapin siya ng lalaki ng pareho silang nakahubot hubad? At bakit ganun ang naramdaman ko noong tumingin sa akin si Colby? Bakit nakaramdam ako ng excitement na makita siya? Bakit parang lumundag ang puso ko noong nakita ko siya at noong nagkatitigan kami?
Lumipas ang ilang araw, masakit pa man ang damdamin ko dahil sa nasaksihan ko sa kwarto ni Rafael noong araw ng monthsary namin ay pinilit kong magpakatatag at mag-focus na lang sa pagaaral ko.
Napagdesisyunan ko rin isang araw na bigyang pagkakataon sana na magpaliwanag si Rafael. Ngunit, noon sanang pupuntahan ko siya sa kanilang bahay ay nakita ko na papasok sa loob ng bahay nila ang lalaking kasama niya noon sa kanyang kwarto na naka-hubot hubad at magkayakap.
Pakiramdam ko naman ay parang ginugupit-gupit ang puso ko sa nakita. Bumagsak na lang luha ko ng hindi ko namamalayan. Ngunit, tinangap ko na lang ito. Pinangako sa sarili na siguro nga’y tapos na ang lahat sa amin ni Rafael. Siguro oras na para sumailalim ako sa proseso kung saan ako ang nagparanas dati sa isang tao na minahal ako ng lubusan. Ang pagkalimot at pagmomove-on.
Rafael, kung saan ka masaya? Hahayaan na lang kita. Ganyan kita kamahal.
Hindi naging madali para sa akin ang kalimutan si Rafael. Lalong lalo na kapag nasa school ako at sa tuwing nagkakasalubong kami ay hindi ko maiwasang hindi masaktan lalong lalo na kapag naiisip ko na hindi niya ako pinaglaban at kapag nakikita ko ang saya sa kanyang mukha na para bang sinasabi niya na kaya niyang maging masaya na wala ako.
Siniksik ko na lang sa isipan ko na oras na siguro para ako naman ang kumalimot at hanapin ang sarili ko.
Akala ko ay magiging okay na ang lahat pagkatapos ng hiwalayan at tuluyang paglimot ko kay Rafael ngunit hindi pa pala tapos ang paghihirap ng damdamin ko..
Isang umaga. 7:30 am ang unang klase namin. Computer subject ito at hindi ko pa ito credited since lumipat ako ng Business Course from I.T. Actually, wala kasi akong natutunan sa professor namin sa subject na to noong nasa I.T. pa ako kaya naman kahit pasado ay hindi ko ito pina-credit.
Alas-6 pa lang ng umaga ay nasa computer laboratory na ako. Pumunta na ako sa workplace ko upang tapusin sana ang activity na pinapagawa sa amin sa subject na to.
Bago ako magbukas ng adobe photoshop upang gawin ang activity ay sinubukan ko munang magexplore sa isang folder sa my documents ng computer na iyon. Nakita ko doon ang folder kung saan nakalagay ang folder ng naging section ko noong first sem ako this academic year. Laking gulat ko noong makita ko ang isang powerpoint presentation file na JCCOLBY_RIVERA(AUTOBIOGRAPHY)BSA.ppt ang filename. Sinubukan kong buksan ito at sinimulang panuorin ang slideshow.
Nasaksihan ko doon ang ilang childhood pictures ni Colby at ang mga litrato niya noong elementary and high school pa siya. Ang ilan doon ay nakita ko na samantalang ang karamihan naman ay hindi ko pa nakikita. Hindi naman ako magkandamayaw sa kakatawa at mga pictures na nakita. Lalong lalo na ang mga stolen shots niya at ang mga stolen shots ng mga high school classmates niya. Buang talaga tong si Love, pati ba naman mga stolen niya talagang nilagay niya pa sa saril niyang project?! Haha!
Teka?!
Love?!
Hindi ko alam, ngunit bakit ko naman bigla naalala at na-recall sa isipan ko ang tawagan namin noon ni Colby?! Ang weird.
Nagpatuloy ang slideshow na ginawa ni Colby. Natuwa naman ako dahil napaka-presentable niya gumawa. Parang hindi gawa ng isang lalaki.
Hanggang sa dumating sa may dulong parte ang slideshow kung saan biglang lumitaw ang salitang “MY BESTFRIEND” sa slide.
Nakita ko ang sweetness nila ni Xander sa mga litrato. Hindi maipagkakailang matagal na talaga silang magbestfriend. Napakarami nilang mga litrato kung saan parehas silang naka-wacky face at mayroon pa ngang magkayakap sila na para bang magsyota.
Hindi ko alam, ngunit nakaramdam ako ng kaunting selos sa mga pictures na nakita ko. Pakiramdam ko kasi ay masaya na sa Colby. I’m not saying na ayokong maging masaya siya, what I mean is tuluyan nya na yata akong nakalimutan. Tsk. Oo nga pala, nasaktan ko nga pala ang damdamin niya kaya wala akong karapatang magreklamo.
Pagkatapos ng slideshow na iyon ay unti-unti nang nagdatingan ang mga classmates ko.
“Goodmorning classmates!” Bati ko sa kanila sa tuwing may dumadating sa kanila.
“Goodmorning Ellaine!” Pagbati ko sa isang kaklase ko na naging kaibigan ko na rin.
“Oh? Ang blooming mo ngayon Trist? Parang nung nakaraang linggo ang lungkot lungkot mo ah? Tapos
ngayon ang saya mo? Yung totoo? Hindi ka naturukan nuh?!” Pagbibiro ni Ellaine.
“Loko! Wala lang, masama bang maging masaya?”
“Ahm? Hindi naman. Nakakapanibago lang..”
Bakit nga ba ang blooming ko ngayon? Dahil ba to kay Colby?! Shit! Bakit naman parang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya? Alam ko namang maari yun e, pero hindi na pwede dahil alam kong masama pa ang loob niya sa akin dahil sa nagawa ko sa kanya dati.
At sa mga nagdaang araw ay dumating nga hindi ko inaasahang pangyayari. Siguro nga ay kahit iwasan mo ang isang nararamdaman ay hindi ka pa rin makakatakas. Dahil once na tumibok ang puso mo, yun na yun! Walang exemption, wala kang takas, and you have to face it.
But, how can I face it if alam ko sarili kong imposible? Lalong lalo na sa ginawa kong pananakit sa damdamin ni Colby noon. Alam kong napakasakit ng nagawa ko dahil nangyari na ito sa akin mismo. Kaya naman imbis na sundin ko ang bumabalik na nararamdaman ko para sa boyfriend ko ay wala akong ibang magawa kundi ikubli na lamang to dahil alam kong wala nang patutunguhan to. Sa saya na nakikita ko sa mukha ni Colby ngayon, malamang ay nakalimutan niya na ako kasama ang mga memories namin.
Kaya kung aamin man ako kay Colby at kung sasapakin niya man ako ay tatangapin ko ang lahat. Alam ko na ngayon kung gaano kasakit ang nagawa ko. Di tulad noon na alam kong masakit ngunit hindi ganung kabigat ang nararamdaman ko dahil noon ay hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya kundi puro awa na lang. Ngunit ngayon, ay tila pinaglalaruan ako ng tadhana upang bumalik ang nararamdaman ko..
Ngunit, imbis na maging masaya ako dahil unti unti ko nang nakakalimutan si Rafael at muling tumitibok ngayon ang puso ko ay hindi ko pa rin magawang maging masaya. Sa tuwing nakikita ko kasi si Xander at si Colby na magkasama at kung magbonding ay sweet na sweet at para silang mag-jowa ay nagseselos ako. At higit sa lahat ay nakakaramdam ako ng ingit kay Xander. Minsan nga ay nasabi ko sa sarili ko na “Sana ako yun e.” o di kaya “Dapat ako yung kasama niyang masaya.” Aaminin ko, hindi ordinaryong selos ang nararamdaman ko dahil minsan ay napapaluha na lang ako tuwing naiisip ko na imposible nang bumalik ang nararamdaman sa akin ni Colby at kapag naalala ko ang mga kagaguhan na nagawa ko kay Colby.
Kaya naman dumapo sa isipan ko ang isang desisyon kung saan alam kong makakabuti sa akin at sa nararamdaman ko. Siguro nga ay hindi ko na dapat ipaglaban si Colby dahil wala nang paraan upang maibalik pa ang sweetness at ang affair naming dalawa. Masaya na siya at panigurado akong natuto na siya sa naging ugnayan namin noon. Kaya naman naisipan kong lumipat na lang ng school, sa probinsiya namin kung saan may isang real state university na malapit sa tahanan namin sa probinsiya. Hindi naman ito malayo dito sa maynila kaya naman kung may nais man kong bisitahin halimbawa ang pamilya ko ay hindi na ako mahihirapan pa.
Pinayagan na ako nila Mama at Papa na lumipat ng school sa probinsiya. Ang sabi nila ay doon daw muna ako sa lola ko mag-stay upang mas malapit ang distansya ko sa eskwelahan. Nagtanong din sila kung bakit daw biglaan ang desisyon ko at kung bakit daw kailangan ko lumipat pa ng school gayong maganda naman daw ang turo sa school na pinapasukan ko ngayon dito sa maynila. Ang nasabi ko na lang ay.
“Ahh. Ehh.. Mahal kasi yung tuition sa school dito ma.. Mas mabuti nang doon sa probinsiya, mababa lang ang tuition saka mas maganda pa ang turo. Mas mabuting doon na lang din muna ako ma para may makasama din naman si Lola..” Pagdadahilan ko sa kanila ngunit ang tunay na dahilan naman talaga ay gusto kong kumalimot na sa nararamdaman ko kay Colby dahil imposible nang magkabalikan kami dahil sa nagawa kong kagaguhan dati sa kanya. Gusto ko na ring kalimutan ng tuluyan ang lahat ng sa amin ni Rafael.
Isang hapon, pagkatapos ko asikasuhin ang mga requirements ko sa paglipat ng school ay dumaan muna ako sa park dahil may nakita akong isang mahalagang tao sa buhay ni Colby na gusto ko sanang kausapin. Ang bestfriend niya – si Xander. Nais ko sanang ibilin sa kanya si Colby, na sana ay alagaan niya itong mabuti sa oras ng pagalis ko. Na sana ay lagi siyang nasa mabuting kalagayan habang lumilimot ako.
“Pare.” Pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Isang matulis na tingin na mistulang nagtataka kung bakit nasa harap niya ako.
“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig niyang pagtatanong.
“Ahmmm. Pwede ba kita makausap ng masinsinan Xander?” Pakiusap ko sa kanya.
“Para saan naman?”
“Tungkol kay Colby..” Nahihiya kong sagot. Alam kong alam at ramdam ni Xander kung paano ko nasaktan si Colby noon. Kaya naman napatungo na lang ako.
“Tungkol kay Colby? Ano pa bang kailangan mo sa kanya? Hindi pa ba sapat ang saktan mo sya? Ha?!”
“Huminahon ka Xander. Wala na akong intensyon na saktan pa syang muli. At nandito lang ako upang ibilin si Colby sayo. Ka-kasi.. Aalis na ako sa school na to..” Malungkot kong sabi kay Xander.
“Huh! Talagang hindi mo na siya masasaktan muli dahil sinasabi ko sayo, once na saktan mo pang muli ang bestfriend ko? Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo Tristan..” Galit niyang sabi. “Ano bang gusto mong sabihin?”
“Xander..” Paninimula ko sabay hugot ng isang malalim na pagbubuntong hininga.“Una sa lahat, gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero hindi ko magawa dahil kahit ako alam ko kung paano ko nasaktan at nasugatan ang puso nya.”
“Alam ko napatawad ka na nya. Kahit anong sakit at kahit gaanong kalaking sugat ang binuo mo sa puso nya, alam kong napatawad ka na nya. Ganyang kabuti ang bestfriend ko, ganyan ka nyang kamahal dati. Na sinayang mo..”
“I know..” Malungkot kong tugon sa kanya.
“Alam mo naman pala e. Ikaw ang hirap kasi sayo pare, hindi mo iniisip ang mga risk ng ginagawa mong desisyon. Hindi mo alam kung may masasaktan basta ikaw masunod lang kung ano ang gusto mo. Hindi mo muna iniisip ng mabuti kung tama ba ang desisyon mo at makikinabang ka ba sa ginawa mong desisyon in future. Masyado kang nagpa-resist sa temptation. Sagutin mo ako? Diretsuhin mo nga ako? Pumunta ka ba dito para..” Napatigil siya at tila nalungkot ang mukha. “Para bawiin muli sya dahil hindi ka na maligaya sa taong pinaglaban mo noon?” Pagtatanong ni Xander at bumagsak ang mukha nito sa kalungkutan.
“Aaminin ko Xander. Oo, gustong-gusto ko syang balikan. Ang tanga tanga ko na binitawan ko siya. Ang tanga-tanga ko na hindi ko narealize at nadama ang pagmamahal nya sa akin noon. Ang tanga-tanga ko na tinangap ko si Rafael at binalikan kahit na alam ko naman ang maaring kahantungan namin.” Sabi ko ng may buong puso. Hindi ko inaasahan na tutulo ang luha ko ng ganun. Shit! I wasn’t expecting na masasabi ko to para kay Colby ng buong puso. Ganun ko na siya kamahal ngayon at ganun ko pinagsisihan ang lahat. “At ngayon, pinagsisihan ko ang lahat. Ngayon ko nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang masaya sayo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nalimutan na ako na tuluyan. Nasasaktan ako Xander.. Oo na, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundong to Xander pero mahal ko pa rin siya. Gustuhin ko man siyang balikan ngunit wala na akong mukhang ihaharap at… masaya na siya..”
“Mahal.. mahal..” Iiling-iling niyang sabi sa akin. “Pasensya ka na Tristan, pero mahal ko si Colby.. Mahal ko siya ng higit sa kaibigan. Minamahal ko siya ng parang isang kasintahan.. Pasensya na pero, yan ang katotohanan. Binitawan mo siya dahil sa taong alam mo naman palang sasaktan ka. Ngayon, ito na ang oras ko para aminin ang nararamdaman ko. Hindi ko na papalagpasin Tristan. Sinuko mo na siya, pinaasa mo siyang mahal mo siya.. And I don’t think na enough na yung reason mo para mahalin ka ulit nya, mapatawad maari pa..” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko to inaasahan. Hindi ko inaasahan na may nararamdaman pala siya kay Colby, ang tanging alam ko lang ay matalik silang magkaibigan. Aaminin ko na nasaktan ako sa rebelasyong yun ni Xander. “Tristan, natututo ang tao. At sa kaso ni Colby dati? I’m sure nadala na siya..” Dagdag niya pa.
“Xander saglit..” Pagtawag ko sa kanya. Hindi ko pa nagagawa ang pakay ko kay Xander. Ang ibilin sa kanya si Colby. Huminga ako ng malalim. Napatulo ang luha ko. Masakit man ngunit kailangan kong gawin to. “Alagaan mo siyang mabuti. Kung mahal mo siya, aminin mo sa kanya. Maging masaya kayo.. pasayahin mo siya sa piling mo. Sa paraang yun mapapanatag na ako. Siguro, kailangan ko ng kalimutan siya at kalimutan ang lahat sa amin. Maging ang sa amin ni Rafael. Basta ang hiling ko lang Xander ay.. alagaan mo siyang mabuti..” Buong puso kong sabi. Masakit man ngunit wala na akong magagawa. Sinuko ko na siya sa labang alam kong talo man ako sa nararamdaman ko ngunit alam ko namang madadama ko din na mananalo ako at tama ang desisyon ko in the future.
“I will, salamat..” Simpleng sagot sa akin ni Xander. Lumakad na ito palayo. Tumayo na rin ako ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Alam kong tama ang desisyon ko, alam kong tama ang maging duwag ako sa labang alam ko namang wala akong panalo.
Masakit man ngunit kailangan ko nang lumisan. Masyado nang maraming masasakit at mga hindi magagandang alaala ang nangyari sa akin sa school na to. Una kay Colby at sumunod naman ay kay Rafael. Alam kong nasaktan ko si Colby kaya hindi ko siya sinisisi sa kung ano man sakit na nararamdaman ko dahil alam kong kasalanan ko naman ito lahat.
Sabado ng hapon, papasok na sana ako ng terminal ng bus papunta sa probinsya namin ng bigla kong makita si Tristan at si Colby na magkasama at masaya. Sana ay maamin na ni Tristan ang nararamdaman niya kay Colby upang maging masaya na si Colby. Sana ay maging masaya si Colby. Yun lang ang tanging hiling ko. Sana ay may kapatawaran pa ang mga nagawa ko noon.
Maging si Rafael. Sana ay maging masaya na din siya sa piling ng bago niyang sinisinta.
Siguro nga ay hanggang dito na lang ang chapter ko sa buhay nila, siguro nga ay oras na para magpaalam at kalimutan na ang mga masasayang alaala upang makapagsimula muli ako ng bagong buhay. Alam kong isang araw magkikita-kita muli kami, bilang mga matatalik na magkaibigan.
“Paalam Colby, patawad sa lahat. Minamahal pa rin kita.”
- I T U T U L O Y
No comments:
Post a Comment