Saturday, August 10, 2013

Less Than Three- Part 15

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 15

(Pain in my Heart)




[Kieth’s POV]


Nakakailang bote na ako ng alak na naiinom sa bar na ito at sa kasamaang palad ay may isang asungot na nagpupumilit na patigilin ako. 


Nagmumukmok ako dito pero heto siya at bubuntot-buntot sa akin. Taena naman oh.


Sumama siya sa akin kahit na labag sa kalooban ko. 


Isa pa tong problema ko eh, isa siya sa nagpahirap sa buhay ko.


“Ano ba?! Subukan mong makialam at papatulan na kita!” ang sabi ko.


“Tumigil ka na kasi eh...” sabi niya


“Wag kang makialam!” ang sabi ko.


“Hindi mo madadaan sa pag-iinom mo yan!” ang sigaw niya


"Sabi ko wag kang makialam. Kainis."


"Walang maitutulong yan sa yo."


“Bakit matutulungan mo ba ako ha? Matutulungan mo ba ako?! Diba isa ka sa mga taong nangiwan sa akin, isa ka sa mga taong pinagkatiwalaan ko at nangako na hindi ako sasaktan? Pero ano ang ginawa mo ha? Sumama ka kay RD! Iniwan mo ako Arjay! Iniwan mo ako!” di ko napigilan ang mapaluha dahil sa nararamdamang sakit.


Tumayo ako at lumabas ng bar. 


Dumeretso ako sa may parking lot para makaalis na sa lugar na iyon pero hiarangan ako ni Arjay.


“Umalis ka jan.” Sabi ko.


“Sorry...”


“Tapos na ang lahat.”


“Ang sabi ko sorry!” sigaw niya


“Aanhin ko pa ang sorry mo? Ilang sorry na ba ang sasabihin mo ha? Umalis ka na jan! Gusto ko ng magpahinga.” Sabi ko.


“Hayaan mo akong samahan ka.”


“Para saan pa? Lalo mo lang pinapaalala ang mga nangyari.”


“Please... nagmamakaawa ako.. hayaan mong maging sandalan mo ako.. hayaan mo akong makabawi.”


“Masama ba akong tao? Sabihin mo... masama ba akong tao?!” ang nauutal na sabi ko.


“Hindi.. hindi ka masama.”


“Pero bakit ganito ang nangyayari sa akin? Bakit parang pinaparusahan ako?”


“Lasing ka lang...”


“Sagutin mo nga ako! Masama ba akong boyfriend para sapitin ang lahat ng ito? Taena! Lahat naman ginawa ko para maging mabuting boyfriend pero di pa ba sapat yun?”


“Kami ang nagkamali at hindi ikaw!” natauhan ako sa sinabi niya. 


“Lahat ng pagmamahal naibigay mo sa amin. Lahat ng kabutihan at pag-aalaga naramdaman namin. Ang problema ay una kaming sumuko at nagpabaya kaya ganyan ang nararamdaman mo. Patawad.... patawad sa lahat.”


Niyakap niya ako ng mahigpit. 


Niyakap ko din siya at pinakiramdaman ang kanyang presensiya. 


Unti-unti nilapit niya ang mukha niya sa akin pero inilayo ko ito. 


Ngunit hinagip niya ito at tinagpo ang aking labi.


Nung una ay hindi ako lumalaban at hinahayaan na lang siya pero nung nagtagal ay lumaban na ako. 


Naging maalab at mapusok ang nangyaring paghahalikan. 


Ngunit natigilan ako at napaisip na hindi tama ito.


Nahilo ako bigla kaya napasandal na lang ako sa may kotse.



 “Tara na.” Yaya ko.


Nakita ko naman ang pagkadismaya niya sa nangyari. 


Hinigit ko ang kamay niya at isinakay sa aking kotse. 


Kahit nahihilo pa ay pinilit kong magdrive. 


Hinatid ko siya sa harapan ng bahay nila .


“Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya


“Oo. Wag mo akong intindihin.”


“Ingat ka.”


“Salamat.”


Isinarado ko agad yung bintana at agad na umalis. 


Di ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko ngayon. 


Dapat ba akong magalit kay Alex?


Pero bakit? 


Dahil ba nagsikreto siya sa akin? 


Sapat ba na dahilan yun? 


Pero nasaktan ako sa ginawa niya. 


Nangako kami na walang lihiman at magpapakatotoo kaming dalawa.


Pero sila ni RD...


Ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa?


Nilalakbay ko ngayon ang daan patungong bahay namin ng mapansin ko ang isang lalaki na patawid sa daan na tinatahak ko. 


Ilang beses ko siyang bunusinahan pero parang wala siya sa sarili.


Nagawa pa niyang humarang sa daanan kaya napatigil ako. 


Lumabas ako para sigawan siya. 


Ang lakas ata ng trip ng taong ito. 


Agad kong nilapitan ang lalaki para kausapin ng may mapansin ako sa kanya.


“Ba-bakit di mo pa ako tinuluyan?! Bakit hindi mo pa ako binangga!” sigaw ng lalaki na nasa harapan ko. 


Kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. 


Umiiyak siya.


“Ano bang problema mo?!” naiirita kong sabi.


“Banggain mo ako!”


“Wala akong panahon sa mga kadramahan mo!”


“Ganyan naman kayo eh! Lagi na lang kayong ganyan! Wala kayong pakialam sa nararamdaman namin!”


Natigilan ako nung makita kong muli ang kanyang mata. 


Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya nanahimik na lang ako. 


Nakita ko ang paglapit niya at nagulat ako nung yumakap siya sa akin.


Sino ba tong lalaking ito at bigla-bigla na lang yayakap sa akin? 


Naramdaman ko ang paghikbi niya kaya hindi na naman ako kumibo. 


Sinusuntok niya yung balikat ko kaya naweirduhan na ako sa ginawa nito.


“Ano ba nasasaktan ako?!” pagsusungit ko.


“Nakakinis ka! Nakakainis!”


“Sino ka ba? Adik mo lang! Nahihilo ako sa pinag gagawa mo.”


Nakita kong nag angat siya ng mukha. 


Inamoy niya ako at nagulat ako sa ginawa niya. 


Binatukan ako?!!! 


“Shit! Ano ba?!” sabi ko.


“Sorry.” 


Kumalas siya sa akin.


“Ano bang problema mong bata ka ha?!”


“Di na ako bata!”


“Tsss. Ewan. Umalis ka na nga dito! Uuwi na ako sa bahay namin! Asal mo.”


“Dito ka lang.”


“Anong kailangan mo?!”


“Pwede bang mahiram ka saglit? Kahit ngayon lang. Please.”


“Masama ang pakiramdam...”


“Please...” and that eyes capture me. 


Mahina ako sa mga taong transparent ang feelings.


“Oo na! Bwisit naman oh.” Sabi ko.


Tumawa lang siya. 


Tinabi ko ung sasakyan at sinamahan siya sa kung saang lumalop man tong lugar na ito. 


Nakakairita lang tong taong ito kasi iyak ng iyak. 


Kailangan niya ba talaga ako dito?


“Ano iiyak ka na lang ba?” sabi ko.


“Sorry...”


“hay naku. Sinasayang mo oras ko. Dapat natutulog na lang ako eh di yung nag aaksaya ako ng oras sa kakaiyak mo.”


“Ang harsh mo kuya.”


“Tss. Ano ba kasing problema mo? Kanina pa ako tanong ng tanong pero di mo naman sinasagot.”


“Kapag nagtago ka ba ng pagkatao mo, nangangahulugan na masama ka na agad?”


“Anong ibig sabihin mo?”


“Nagtago ako ng sarili ko. Di ko sinabi kung ano ang nakaraan ko. Itinago ko sa boyfriend ko kung ano ang tunay na pagkatao ko.”


Nakinig ako sa sinasabi niya. 


Natamaan ako doon ah. 


God... ano ba to? Isang mensaherong ipinadala po Ninyo para matuahan ako?


“Isang malaking kasalanan ang magsinungaling.” Ang tanging nasabi ko.


“Oo masama ang magsinungaling, pero mas nakakabuti naman to sa amin eh. Tinago ko ang lahat ng nakaraan ko kasi ayaw kong mapasama siya. May dahilan ako dito kaya ko ginawa yun.”


“But that’s not the point. Di yun ang dahilan para magsinungaling ka. Kung sinabi mo ang buong katotohanan ay hindi na aabot pa sa ganyan.”


“Hindi lahat ng bagay dapat ipaalam.”


“Oo dapat. Dahil kami, kaming mga boyfriend ninyo ay umaasa na wala kayong tinatago at walang lihiman. Paano pa kami magtitiwala sa inyo kung magsisinungaling lang kayo!”


“Ang ginawa lang naman namin ay magsinungaling pero bakit ganyan kayo? Bakit parang nakapatay kami kung umasta kayo!”


“Dahil pinatay ninyo yung puso namin!”


“Nagkamali na kami at handa naman kaming pagbayaran ang lahat, pero kaialngan pa bang pagbayaran namin ng mas mabigat ang lahat ng ito?”


Di ko alam pero napaisip ako sa sinabi niya. 


Natigilan ako at naisip na maaring tama ang lalaking ito. 


Napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa malayo. 


Di ko alam ang dapat kong isipin sa mga pinagsasabi niya.


“salamat.” Sabi niya


“Wala yun.”


“It’s a big deal you know. Alam mo medyo gumaan ang pakiramdam ko kasi may napagsasabihan ako.”


“You wasted my time.” Ang pabiro kong sabi.


“Gwapo ka sana kaso suplado. Hahaha.”


“Gwapo talaga ako.”


“You are the son of the owner of our school diba?”


“So you are my schoolmate.”


“Kind off.”


“Tsss. Kaya siguro hinaharass mo ako. Masyado akong gwapo kaya hinarang mo ako. Siguro gusto mo akong pikutin ano? Sabihin mo lang? Palaban ako.” Biro ko.


“Wag makapal ang mukha. Mas gwapo ang mahal ko.”


“Mas gwapo ang mahal ko.” Sabi ko.


“Hahaha. Nakakatawa. Imbis na sabihin natin na maganda ang girlfriend natin eh gwapo na. Mundo nga naman sa ngayon.”


“Tsss. Oh baka maglaway ka pa sa kagwapuhan ko.”


“Hoy ang kapal mo.”


“Sus umamin ka na. May payakap-yakap ka pa sa katawan ko.”


“Hahaha. Adik mo. Pero macho mo ha. May pinaghuhugutan ka din ano?”


“Tss. Sige. Antok na ako.” Sabi ko.


“Lasing ka nga pala. Sorry sa abala at salamat sa time. Balang araw makakabayad ako sayo.”


“Your name?”


“Drew... Drew Aralt...” sabi niya


“Nice meeting you. Pagtap mo ng ID pag pumasok ka nakalagay na doon na expelled ka na.”


“Loko mo. Sige na alis na.” Sabi niya


May nakita akong motor sa tabi niya. 


Doon siguro siya nakasakay. 


Nagmadali akong umuwi at baka may humarang na naman sa aking harapan.


Pagkarating ko ng bahay ay hiniga ko ang aking sarili sa malambot kong kama. 


Nasa isip ko pa rin ang nangyari at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. 


Nakakapanibago kasi hindi ko alam na ganito kalaki ang impact ng mokong na yun.


Ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng antok at natulog ako. 


Ilang misscalls ang natanggap ko kay Arjay pero kay Alex ay wala ni isa. 


Nakaramdam ako ng kaba at takot kung nasaan naman siya.


Kinabukasan, nagising ako sa katok ni ate. 


Hihikab-hikab pa ako nung tumayo ako. 


Grabe naman tong si ate nakakainis. 


“Oh.” Bati ko.


Nagulat ako nung batukan niya ako at kurutin. 


“Aray naman. Ate ano ba?!”


“Wala kang kwenta talaga kahit kailan!”


“Ano na naman ba?!” irita kong sabi.


“Iniwanan mo lang ng ganon si Alex? Are you out of your mind?”


“Niloko niya ako!”


“Hindi ka niya niloko. Hinayaan niya lng itago ang importanteng side niya para matakpan yung kalungkutan sa kanya!”


“Wala kang alam sa nangyayari!”


“Marami akong alam, mas marami pa kaysa sayo.”


“Bakit kapag nalaman ko ba yan may magbabago? Mababago ba yung kasalanan niya? Na niloko niya ako at pinagmukhang tanga?!”


“Oo! Magbabago ang lahat. Lahat ng mga hinanakit mo ay mawawala dahil wala pa yan sa kalingkingan ng sakit na naranasan niya! Walang-wala ka sa pagdurusa na nakuha niya sa pagkatao niya dati kaya wag kang umasta na parang ikaw pa ang napagkaitan ng mundo!”


Natigilan ako sa sinabi ni ate. 


Unang beses ko siyang nakita na ganun kaseryoso. 


Hindi naman siya magkakaganito kung wala lang yun eh. 


Napatunganga ako at walang nagawa.


“Hindi kailangan ni Alex ng awa... ang kailangan niya ay ikaw...”


“Ano ba ang totoo?”


“Wala akong karapatan na pakialaman siya. Wala akong karapatan para manghalikwat sa nakaraan niya.”


“Paano ko malalaman ang lahat kung ayaw mong sabihin ang lahat?!”


“Alamin mo! You bastard boy! Ako ba ang boyfriend niya ha?! Napaka stupid mo kahit kailan. Napaka dense mo. Wala ka man lang maramdaman. Kakainis ka. Di ko akalain na kapatid kita kasi ang kitid ng utak mo!”


“Nasaktan ako ate!”


“Shit! Ayan na naman ikaw. Hay naku. Bago mo husgahan si Alex, alamin mo muna ang lahat.”


Binatukan na naman niya ako. 


“You are better than this. Kalimutan mo ang lahat. Kalimutan mo ang lahat ng nangyari sa iyo at sa kanya. Mag usap kayo. Intindihin mo siya at sigurado akong magiging masaya kayo.” Ang tangi niyang nasabi bago siya lumabas ng kwarto ko.


Naiwan ako na nag-iisip. 


Nakaupo ako sa may kama at hindi alam kung ano ang dapat gawin. 


Binuksan ko ang cellphone ko muli at walang text ni Alex kahit ano. 


Tinawagan ko ito pero out of coverage area.


Nagtungo ako sa banyo ko at naligo. 


Di pa rin maalis yung sinabi sa akin ni ate. 


Ganon ba talaga kalala yung pinagdaanan ni Alex para magtago siya ng ganun sa akin?


Hindi ko kaso maintindihan kung ano ang dapat kong gawin. 


Matapos kong maligo ay nagbihis ako. 


Tinawagan ko si Charlene, best friend ni Alex. 


Makikipagkita ko sa kanya. 


Dapat malaman ko kung ano ba yung nakaraan ni Alex.


[RD’s POV]


Magkatabi kami ngayon ni Alex at yakap ko siya. 


Hindi naman siya nakatutol dahil alam naman niya kung gaano ko siya na-miss ng sobra. 


Tulog siya ngayon sa aking mga bisig. 


Bakit ganito yung feelings ko?


Bakit ayaw ko na siyang bitawan?


May Arjay na ako diba?


May mahal an ako diba?


Kinalimutan ko na siya diba?


Tapos na akong umasa diba?


Masyado ata siyang napagod sa mga nangyari kanina sa kanya doon sa party ni Jake kaya bagsak pa rin siya hanggang ngayon.


Kanina tinanong ko siya doon sa nakaraan namin. 


Tungkol sa pagpapakasal namin.


(Flashback)


“Ah... eh...” ang nautal na sabi niya.


“Hey don’t worry. Di ko na sisingilin yun sayo. Mukhang ipinagplit mo na ako eh.” Pagtatampo ko kunwari.


“Hindi sa ipinagpalit pero si Kieth...”


“Oo alam ko mahal mo siya.”


“Mahal mo din naman si Arjay diba?”


“Yeah.” 


Pero bakit nag-aalinlangan na ako bigla?


“Hey. Bakit malungkot ka jan? Dapat ako pa nga ang malungkot eh.”


“Dinadamayan lang kita. Mukha ka kasing batang musmos kanina eh.” Tapos tumawa ako.


“So ngayon bully ka na ha?”


“Di naman. Pero nag-iba ka na.” Sabi niya


“Paanong nag-iba?”


“Parang nawala ang tapang mo?”


Nakita ko siyang napaisip. 


“Dami kasing nangyari sa akin.”


“Ikwento mo naman.”


“Mahaba eh. Saka na. Gusto ko ng magpahinga.” Sabi niya


“Tara tulog na tayo.” Sabi ko.


“Jan ka sa sofa.” Ang sabi niya.


“Hindi tabi tayo. Namiss kita kaya yayakapin kita buong magdamag.”


“Ang corny ah.”


“Ginaganyan mo na bestfriend mo?”


“Oo na. Kundi ka lang gwapo eh.”


“Nagwa-gwapuhan ka sa akin?”


“Naniwala ka naman agad.”


“Pang-asar eh.”


“Tara na.” Sabi niya


(End of Flashback)


Nagbago na ang isip ko sa sinabi ni Arjay sa akin. 


Hindi ko na ata kayang gawin yun lalo na sa taong pinakaiingatan ko ng lahat. 


Ayokong magkasira kami ni Alex dahil siya ang bumuo sa akin.


Tinitigan ko ang kanyang mukha. 


Bakit ganito na lamang ang magnetismo sa aking puso? 


Hanggang ngayon ba ay dala-dala ko pa rin sa aking paglaki ang nararamdaman sa kanya? 


Hanggang ngayon ba ay mahal ko pa siya?


Hindi ko mapigilan na halikan ang kanyang mga labi. 


Kahit nakaw lang yun ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. 


Haixt. 


Ano bang nangyayari sa akin? 


Bakit bother na bother ako sa kanya?


Naisip ko bigla si Arjay. 


Ni isang text wala akong natanggap mula sa kanya. 


Siguro nagpapakasasa sila ni Kieth ngayon. Tsss. 


Bakit nga ba ang gulo na ng buhay ko ngayon?


Nakatulog ako matapos ang ilang minuto ng pagninilay. 


Nagising ako kinabukasan ng may maamoy ako. 


Sino kayang nagluluto?


 Naramdaman ko na wala na akong katabi at tanging unan ang aking yakap.


Agad akong bumangon at hinanap si Alex. 


Nakita ko siya sa may gas stove at nakatalikod mula sa akin. 


Minasdan ko siya at napatitig sa kanya. 


Umang-umaga nagpapainit sa akin to. 


Napalunok na lang ako.


Balak ko sanang gawin kagabi yung gusto ni Arjay kaya pinagsuot ko siya ng ganyan. 


He looks so sexy sa suot niya. 


Taena nakakabakla na to. Hahahah.


 Lumapit ako at niyapos siya.


“Good morning babe.” Sabi ko.


“Babe ka diyan. Feelingero.”


“Ang swerte ko sa wifey ko pinagluluto ako ng pagkain.”


“Tss. Gutom na ako kaya nagluto ako. Akin lang to kaya kung kakain ka magluto ka.” Sabi niya


“Bahay ko to ah.”


“So?” tapos tumawa siya


“Kamusta tulog?”


“Ayos naman. Oy wag ka nga yumakap di ako makapag concentrate.”


“Bakit kinikilig ka ba?”


“Kapal mo. Tsaka, ilayo mo yang sa nasa baba mo. Agang-aga kalibog.”


Napahiya naman ako kaya napakalas na lang ako. 


Napatawa naman siya sa reaksyon ko. 


Dinilaan ko na lang siya at umupo sa may lamesa ko. 


Tumayo muli ako para kumuha ng plato at kutsara.


“Pinakialaman ko na yung ref mo ha.”


“Ayos lang. Basta sarapan mo luto mo sa akin.”


“Baka tumaba ka ulit kapag natikman mo yung luto ko.”


“Sus. Sa macho kong ito.”


“Mas macho naman ako sayo.”


“Bilisan mo na lang jan.” Sabi ko.


Ilang minuto lang ay natapos na yung niluluto niya. 


Linggo naman ngayon at walang pasok. 


Tinikman ko yung luto niya para sa agahan at masarap. 


He cooks like my mom. 


He’s better cook than me at yun ang kinainis ko. Hahaha.


“I will get better than you.” Sabi ko.


“Your so envy. Hahha.”


“At sinong may sabi?”


“Halata sa itsura mo.”


“Tsss. Ewan sayo.”


“Linggo ngayon diba? Hindi ka magsisimba?” tanong niya


“Hindi na ako nagsisimba.”


“Kaya pala napakamakasalanan mo.”


“Edi ikaw na banal.”


“Tara simba tayo mamaya.”


“Ikaw na lang.”


“Please...” and he make puppy eyes.


“Whatever. Sige na. Teka alam na ba ng mama mo kung nasaaan ka?”


At nakita ko yung hysterical face niya. 


Since sira na yung simcard niya at nagana pa rin ang cellphone niya, wala siyang magawa kundi hiramin ang phone ko sa kalagitnaan ng pagkain ko.


“hello ma...” agad niyang sinabi sa kabilang linya. 


“Opo ayos lang po ako.  Narito po ako kila babs...” 


maka babs wagas. 


“Opo nakita ko na po siya ulit. Okay lang po ako. Baka mamaya pa po ako makauwi. Simba lang po kami mamaya ni Dan.” At itinuloy ko pagkain ko.


“Opo. Sige po. I love you mama.” At ibinaba niya yung phone.


“Bilisan mo pagkain.” Sabi ko.


“Ang bilis mong kumain ah. Nasarapan sa luto ko?”


“Gutom lang talaga ako. Wag kang makialam.” Pagsusuplado ko.


“Supladong baboy.”


“Bastusan?”


“Hahaha. Oo na bibilisan ko na. Nga pala sabi ni mama punta ka daw sa amin. Namiss ka daw niya.”


“Talaga? Sige. After natin magsimba.”


“At isa pa.”


“Oh ano na naman yun?”


“Pahiram ng damit ha. Wag yung sobrang fit. Alam kong may binabalak ka kagabi kaya mo ako pinagsuot ng ganito.”


“Tss. Ako magkakainteres sayo?”


“Eh bakit mo ako hinalikan kagabi?”


Natigilan ako. 


Shit gising pala siya. 


“Eh bakit ka nagpaubaya?”


“Waaah. Hinalikan mo nga ako kagabi?!”


“Ah eh... hindi.”


“Eh umamin ka na eh! Yung totoo hinalikan mo ako?!” 


Shit, mahuhuli pa nga ako. 


Ang tanga ko kasi eh. Hahahah.


“Eh sabi mo hinalikan kita eh.”


“Nagloloko lang ako! Grabe ka. Mapagsamantala ka! Hindi na ako tatabi sayo!”


“Smak lang yun. Ang arte ha.”


“Ewan sayo!” 


Tapos binato niya ako ng tsinelas.


“Hahaha.” Tinawanan ko lang siya.


Agad naman kaming naligo pagkatapos kumain. 


Pinahiram ko siya ng damit ko. 


Bumagay sa kanya yung damit ko and look stunning. 


Tapos umalis na kami para magsimba.


Ngayon na lang ulit ako nagsimba for how many years din ang nakakaraan. 


Siya rin ang nakakasama ko noon kapag nagsisimba ako. 


He was so religous back then at hanga naman ako sa kanya.


Matapos naming magsimba ay nagyaya ako sa may mall. 


Gusto kong bilhan ng pasalubong si tita. 


Inakbayan ko siya habang naglalakad kami para maisip ng iba na boyfriend ko ay model. Hahaha.


“Ano ba? Adik mo!” sigaw niya


“Ang gwapo mo pag nagagalit ka.”


“Che! Mahiya ka oh ang daming nakatingin!”


“Kinikilig ka lang eh.”


“Ewan.”


Hinawakan ko na lang yung kamay niya pero pilit niyang tinanggal ito. 


“Ano ba naman to? Para kang timang.”pagsusungit niya


“Gusto ko lang sulitin to. Alam ko kasi na hindi ko na maggawa to ulit. Pati namiss kita, sobra.” Tapos nanahimik siya.


Galing kong magpalusot no? Hahaha. 


Ang sarap hawakan ng kamay niya kaya naenjoy ko ang pakikipag holding hands sa kanya. 


Minsan pinipisil ko ito kaya nakakaramdam ako ng kurot mula sa kamay niya. Hahaha.


May dala akong kotse kaya nagulat siya ng makitang ang dami kong pinamili kila tita. 


“Wala kaming tindahan Dan.” Sabi niya


“Oy Yats, RD na itawag mo sa akin.”


“Sige babs. Hahaha.”


“Ang panget ng babs oh. Di na naman ako mataba.”


“Pero para sa akin ikaw pa rin ang nag-iisang babs ko.”


“Sus.”


“Ang sweet ko no?”


“Hindi maharot ka.” At nagtawanan kami.


Dumeretso kami sa bahay nila. 


Ako pa ang nauna sa pagpasok. 


Nakita ko naman ang pagkagulat nilang lahat. 


Naiwan sa labas si Alex kaya halos lahat sila ay napatitig sa akin.


Nawala agad yung ngiti ko at napalitan ng kaba. 


Grabe, nakatitig sila sa akin. 


“Good afternoon po.” Sabi ko.


Lahat sila parang nagtataka kung sino ako. 


Hanggang sa dumating si Alex. 


Nakangiti siya at halata niya na medyo napahiya ako kaya nagsalita siya. 


“Ayan kasi eh.” Tapos tumawa siya.


“Oh anak nandiyan ka na pala.” Sabi ni tita.


“Opo. Hinatid po ako nito ni RD.” Sagot niya.


“Ah. Si Kieth anak?” tanong ni tita.


Di sumagot si Alex bagkos ay binago ang usapan. 


“Ma, siya yung sinasabi ko. Siya si Dan.”


At nakita ko ang pagsipat ni tita sa akin. 


Tila ba tinitimbang kung ako ba yung matabang bata na kilala niya dati. 


Unti-unti nanlaki ang mata niya at sinalubong ako ng yakap.


“Ikaw ba yan? Dan?”


“Yes my beautiful tita.”


“Wow. Ang gwapo mo at...”


“Ang macho ko no tita?” at nagtawanan kami.


“So ikaw pala yan. You are my student little fat boy.” 


At nakita ko si Sir???!!!


“Sir?!”


“Hay nako kuya, marami yang hindi alam.” Sabi ni Alex at tuloy-tuloy na nahiga sa sofa.


“Mukhang pagod ka kapatid ah. Pinagod ka ba ng gwapo mong fiance?” at tinawanan siya ni Sir na kuya pala niya.


“Sapakin kita jan eh. Ang dami mong alam.” Pagu-usap nila


“Oh baka matuklaw ka ng ahas jan RD.” Sabi sa akin ni Sir.


“Di ako makapaniwala na magkapatid kayo sir.”


“Kuya Hamilton na lang pag nasa bahay or sa labas, pag sa school Sir.” Sabi nito.


“Hahahah. Di ako makapaniwala.” Ang nasabi ko na lang.


“Kawawa naman si Kieth.” Sabi bigla ni Kuya Hamilton.


“Kuya shut up.” Sabi ni Alex.


“Ang haba ng buhok ng kapatid ko. Dala-dalawa yung lalaki niya. Susyal.” At nagtawanan kami.


“Kuya sasapakin na talaga kita.”


“Anong pakiramdam mo ngayon? Paano na si Kieth? Diba may arrangement kayo ni RD na magpapakasal kay? Ang sweet ah.” Nakita ko ang pamumula ni Alex.


“Hindi ko naman siya pipilitin kuya.” 


At nakita ko na tumitig si Alex sa akin. 


“Mahal niya si Kieth kaya magpapaubaya ako... kahit masakit....” pabiro ko at ngumiti ako.


Binato ako ng unan ni Alex.


 “Ang drama mo.”


“Seryoso ako.” Pero nakangiti ako.


“Mukha kang timang.” 


At nakita ko na tinignan niya yung cellphone niya.


“Here. Gamitin mo muha cellphone ko. Tawagan mo siya.”



Nakita ko na ngumiti siya at kinuha ang cellphone ko. 


Agad niyang dinial ang number ni  Kieth. Yun ang nasisigurado ko. 


Haixt. 


Napabuntong hininga na lang ako sa mga panahong iyon.


Why do I feel that there's a pain in my heart?


(Itutuloy)

8 comments:

  1. Dami kong tawa sa chap na toh.
    Ansarap lang batuhin LAGI ng unan ni RD. HAHAHAH!

    .. medyo gumaan ang mood .. all day akong may sinosolve na trajectory/calculus/physics na problem.
    puchaa. sana given yung velocity. :/ Two unknowns. HAYY..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah.. salamat po.... :))hahahah.. at least my post made your day kahit papano. hahahaha :)

      Delete
  2. hmmmm... first love, but is it true love?

    ReplyDelete
  3. Ehe? Sino si Drew?!
    For next story ba yan?

    ReplyDelete
  4. Kyut nila RD at Alex...thanks sa update idol :))

    ReplyDelete